Interview

Bagong Pilipinas Ngayon hosted by Presidential Communications Office Assistant Secretary Dale De Vera with National Security Council Assistant Director General Jonathan Malaya


PCO ASEC. DE VERA: Isang magandang bagong Pilipinas. Ngayon ay Lunes, August 19, 2024.

Diretsahang usapan sa mahahalagang isyu sa bansa kasama ang mga kinatawan ng mga ahensiya ng pamahalaan. Mula sa Presidential Communications Office, ako po si Assistant Secretary Dale de Vera.

NSA ADG MALAYA: Mula sa National Security Council, ako po si Assistant Director General Jonathan Malaya. Ihahatid namin ang mga programa at serbisyo para sa taumbayan.

PCO ASEC. DE VERA: Tutok lang, narito na ang Bagong Pilipinas Ngayon. Sa ating mga balita, kinumpirma ng Department of Health ang isang bagong kaso ng Mpox sa Pilipinas. Ang detalye, sa report ni Bien Manalo. Bien.

[NEWS REPORT]

PCO ASEC. DE VERA: Maraming salamat, Bien Manalo. Good afternoon, ADG Jon.

NSA ADG MALAYA: Good afternoon, Asec. Dale.

PCO ASEC. DE VERA: Yes. Bago muna tayo magtungo sa mga balita at talakayan, pag-usapan muna natin ang update mula sa NSC. Unahin na natin, ADG, iyong naging banggaan ng barko ng Chinese Coast Guard at Philippine Coast Guard malapit sa Escoda Shoal kaninang umaga. Ano ba ang detalye dito?

NSA ADG MALAYA: Yes. Kinakalungkot nga po namin iyong panibago na namang insidente sa West Philippine Sea kasi around 3:40 ng madaling araw ngayong umaga ay dumaan iyong ating mga barko, itong dalawang barko natin – iyong PCG vessels BRP Bagacay (MRRV-4410) and BRP Cape Engaño (MRRV-4411). Tapos, habang ito ay around 23 nautical miles from Escoda Shoal ay hinarang noong mga Chinese Coast Guard at unfortunately ay mayroon pong tama iyong ating mga sasakyan pandagat ‘no iyong mga PCG vessels natin. Actually, mabigat iyong kanilang tama. Iyong ating 4410 ay nagkaroon ng three feet hole sa kaniyang auxiliary room at another one-foot dent sa kaniyang starboard quarter.

Kanina pong umaga bago ako dumating dito nagpalabas ng statement ang National Task Force West Philippine Sea, medyo mayroon pong update doon sa mga datos na aming nilabas – this is the latest update for BRP Bagacay. For BRP Cape Engaño naman, one point one meter hole sa starboard side ng barko at 40-centimeter damage to the engine exhaust on the starboard quarter. So, mabigat po iyong damage noong illegal aggressive, coercive and deceptive maneuvers na ginawa ng Chinese Coast Guard laban sa mga barko ng Pilipinas na papunta sana sa Lawak Island and another island para magdala ng supplies para sa ating mga tropa doon.

PCO ASEC. DE VERA: ADG, nakikita nga natin sa screen ‘no iyong laki noong naging damage. Ano ba iyong next step dito and may reaction din ba iyong NTF-WPS doon dahil nga kamakailan ay naghain naman ng protest iyong China dahil sa presensiya ng Philippine Coast Guard dito sa Escoda Shoal?

NSA ADG MALAYA: Yes. Akala nga noong ano…pinapakita natin sa screen natin ngayon iyong tama na dinanas noong ating mga barko ‘no para sa kaalaman ng ating mga kababayan. Kami naman po sa National Task Force West Philippine Sea, ang tungkulin na ipaalam sa inyo kung ano iyong mga nangyayari sa dagat. Mayroon po tayong tinatawag na transparency policy – ang gusto po natin ay kasama kayo sa conversation sa usapin nitong isyung ito.

Ngayon, in so far as we’re concerned siyempre we are bewildered, we are surprised, we are worried about what’s happening kasi katatapos pa lang noong…a month ago ‘no nagkaroon tayo ng preliminary understanding with the People’s Republic of China sa Ayungin Shoal ‘no. Wala po itong kinalaman sa Ayungin Shoal, mga kababayan. Ito po ay may kinalaman sa another part of the West Philippine Sea ngunit akala namin iyong preliminary understanding sa Ayungin Shoal ay parang goodwill na iyon para sa ibang lugar naman ng West Philippine Sea ay hindi na tayo masyadong gawaan nitong mga dangerous maneuvers na ito pero unfortunately mayroon tayong air incident over Bajo de Masinloc a week ago tapos ito na naman mayroong panghaharang na nauwi sa damage to the Philippine Coast Guard vessels.

PCO ASEC. DE VERA: ADG, linawin lang natin kasi for the benefit of the viewers na siyempre iyong iba hindi naman talaga masyadong familiar din with the issue. This is a different area?

NSA ADG MALAYA: Yes. Iyong Ayungin Shoal po ay hindi malapit dito, it’s another part. Doon sa Ayungin Shoal, mayroon tayong preliminary understanding ngunit wala tayong understanding sa ibang parte ng West Philippine Sea.
Noong nakaraang linggo, naghain ng protesta ang People’s Republic of China sa presence naman noong BRP Teresa Magbanua sa Escoda Shoal at wala din pong kinalaman iyon dito sa bagong insidenteng ito ‘no.

Siguro, my impression would be China thought na itong dalawang barkong ito ay papunta sa Teresa Magbanua para mag-resupply doon – hindi po. Ito po ay papunta sa ibang lugar ng West Philippine Sea, nagkataon lang na nandoon sa area na iyon. Itong mga barko natin ay papunta sa Patag and Lawak Island para magdala ng supplies para sa mga tropa natin doon, dumaan lang 20 nautical miles from Escoda. I would presume the Chinese Coast Guard thought na papunta sa sila sa Teresa Magbanua kaya hinarang nila itong resupply na ito kaya naman mayroon tuloy damage ang ating mga barko.

PCO ASEC. DE VERA: ADG, sa ibang usapin, sinabi ni National Security Adviser Eduardo Año na hindi na magiging issue sa mga kandidato sa darating na halalan ang permit to campaign ng New People’s Army. May detalye po ba tayo? Can you expound on that further.

NSA ADG MALAYA: Yes. Tama iyan, Asec. Dale, ‘no. Dahil sa sunud-sunod na focused military operations natin kasama na rin iyong development programs natin sa mga geographically isolated and depressed areas na dating pugad ng News People’s Army, we are very happy to hear na seven weakened guerillas fronts na lang ang mayroon ang New People’s Army sa buong bansa at iyong dalawang iyon ay malapit na ring tanggalin sa listahan ng ating National Task Force-ELCAC.

So, noong nakaraan, sinabi ni National Security Adviser Eduardo Año na hindi gaya noong nakaraang mga eleksiyon natin na lagi nating binabantayan at may pangamba iyong ating mga kandidato at mga kababayan na hindi sila puwedeng mangampanya sa ilang lugar dahil may tinatawag na permit to campaign galing sa NPA ay hindi na po iyan magiging issue ngayong 2025.

So, malaking bagay po iyan sa atin kasi madalas nakikialam ang NPA sa pangangampanya ng ating mga politiko and we do not expect that to happen anymore in the coming elections next year kasi mahina na po talaga ang presensiya ng News People’s Army sa ating mga kanayunan.

PCO ASEC. DE VERA: Maraming salamat po sa inyong update, Assistant Director General Jonathan Malaya ng National Security Council.

NSA ADG MALAYA: Thank you.

PCO ASEC. DE VERA: Update sa sitwasyon ng mga Pilipino sa Lebanon, ating alamin kasama si Department of Foreign Affairs Eduardo de Vega.

Usec. De Vega, magandang tanghali po.

DFA USEC. DE VEGA: Good afternoon. Magandang tanghali.

PCO ASEC. DE VERA: Opo. Usec., kumusta po ngayon ang sitwasyon o tensiyon ngayon sa Lebanon and kumusta po ba iyong ating mga kababayang Pilipino na naninirahan at nagtatrabaho doon?

DFA USEC. DE VEGA: Okay. Number one po, there are about 11,000 Filipinos, dagdagan mo ng a few thousand undocumented ‘no. Sabihin nating 11,000, 12,000 ‘no. Mayroong advisory ang embassy na pinapayuhan ang mga kababayan natin na lumikas na pero nais naming ipaliwanag na hindi ibig sabihin nito na may cause for alarm na may giyera na mismo sa buong Lebanon. Ang away ay limitado sa border between Israel and Lebanon kung saan nag-o-operate ang mga Hezbollah. Iyong Hezbollah operatives kasi, magpapatama ng missiles, magpapadala ng missiles sa Israeli towns, across the border, babawi naman iyong isa, iyong defense force kaya hindi mapayapa doon.

Pero mismong sa Beirut – at 85% ng mga Pilipino ay nasa Beirut or more than Lebanon – doon walang giyera. Kaya nga iyong mga kababayan natin, tuloy pa iyong trabaho nila, mukhang business as usual, mayroong tension sa … pakiramdam ng mga tao dahil nga palaging nagbabanta iyong Israel against certain targets in Lebanon. Kaso hindi ibig sabihin delikado ang buhay nila, pinapayuhan lang natin na habang puwede pa, sana makauwi na, iwasan muna iyong Lebanon for the next few weeks or less hanggang matapos na itong girian nila with Israel kasi baka lumawak pa; it might spread to a regional conflict. Tapos mamayang kaunti, katulad ng nangyari noong 2006, buong Lebanon may gulo kaya kailangan nating mag-repatriate ng mga Pilipino. So habang maaga pa lang, nananawagan kami kung puwede, may boluntaryong repatriation program tayo, bayad ng gobyerno, pagsamantalahan ninyo habang bukas pa ang airport.

NSA ADG MALAYA: Usec., so given iyong clarification po ninyo, gaano kalaki ang bilang ng mga Pilipinong apektado sa tensyon, as you mentioned, iyong tensyon naman ay nasa southern part, with the border with Israel kung saan nandoon iyong Hezbollah? At ilan po iyong mga nagpahiwatig na sa inyo na gusto nilang umuwi sa Pilipinas? Or mayroon na ba tayong na-repatriate din mula doon?

DFA USEC. DE VEGA: Opo. Iyong una, iyong ilang ang affected – iyong directly affected, wala pong alam iyong embassy na Pilipino doon mismo sa border kung saan iyong Hezbollah. Although, mayroon doon, malapit doon, iyong UNIFIL, UN Interim Forces in Lebanon, may isang medical worker na Filipina pero protektado naman ng UN iyon eh. Ngayon, malapit doon sa border, maybe an hour away, ilang kilometers away, may mga southern cities – Tyre, Sidon, Nabatieh – iyong mga iyon may mga isang daan Pilipino, ang estimate ng embahada. At nananawagan sila na lumipat ‘no, although depende rin iyan sa amo nila.

Bale ilan ang apektado mismo? Wala pang nasasaktan dahil sa nangyayari. Ngayon, ilan po ang nagpahiwatig na gustong umuwi? Hindi ito nag-umpisa ngayon lang ‘no, lately ‘no. Kung naalala ninyo, noong sinalakay ng Hamas iyong southern areas, mga Kibbutz sa Israel, nag-umpisang bumawi iyong Israel, starting then, mga October-November iyon, inakyat na natin to Alert Level 3 or voluntary repatriation ang Lebanon at may nakauwi na 356 na kababayan. Mayroon pa ngayon na naghihintay na 738 na naghihintay lang ng exit clearance, at padagdag nang padagdag iyan. Pero kung dadagdagan mo iyan, 738 plus 356, ang labas 1,094 so mga ten percent lang iyan ng mga kababayan natin doon kasi karamihan, basta sanay na doon, matagal na doon, parang sanay na sila na paminsan-minsan ay nagkakaroon ng regional tensions.

Ganoon pa man, nandiyan iyong offer, nandiyan iyong alok ng pamahalaan na gagastusan namin kayo at bibigyan ng reintegration ng program kung nandito. At sana tugunan ninyo iyong tawag namin ‘no kasi hindi namin magagarantiya ang inyong kaligtasan o ang inyong katiwasayan, safety, kapag nagkaroon ng giyera; at sana hindi umabot doon.

PCO ASEC. DE VERA: Usec., ano po iyong contingency plan ng pamahalaan para sa mga Pilipino sa Lebanon sakaling lumalala pa iyong sitwasyon? At may tanong din po mula sa kasamahan natin sa media na si Maricel Halili ng TV: Anu-ano po iyong kinukonsidera ng pamahalaan para itaas sa Alert Level 4 o magpatupad ng mandatory evacuation sa Lebanon?

DFA USEC. DE VEGA: Ipapaliwanag ko iyong Alert Level 4 muna. Ang Alert Level 4 kapag ano iyan eh, kapag total breakdown ng peace and order. In other words, iyong bansa, iyong lugar pala ay hindi na puwedeng manirahan doon. Kunwari, Gaza, as an example ‘no, mayroon din tayong Alert Level 4 sa certain parts of Myanmar, hawak ng mga rebel troops, or Afghanistan, for example, Sudan. Hindi pa tayo umaabot doon sa Lebanon dahil karamihan ng Lebanon ay mayroon pang operations, may ordinary activities, life activities [unclear].

Ganoon pa man, hinihintay namin palagi, palagi kaming ina-update ng ambassador kasi sila iyong … si Ambassador Raymond Balatbat, ating ambassador doon, at saka iyong mga tauhan niya at saka iyong labor attaché doon, si Atty. Alex Padaen, hinihintay natin iyong kanilang reports ‘no.

Ngayon, ano pa ang ginagawa natin as part of the contingency plan? Iba-ibang features niyan pero isa doon, paano sila dadalhin—ginawa na natin ito noong 2006—palabas, hindi a through airport, hindi na through commercial flights; dadaan na iyon through ships na, mag-aarkila tayo ng barko, tulad nang ginawa natin noong Arab Spring noong 2011. Susunduin sila sa port, may port ang Lebanon sa north ng Lebanon, at pupunta iyon sa Europe. So isa iyon.

Mayroon ding puwedeng through Syria na transportation. So ginagawa rin ng embassy ngayon iyong mga preparatory, kunwari mangyayari iyon. Narinig din natin iyong mga ibang panig ‘no, iyong ibang ahensiya – hindi lang DFA ito. Sabi kunwari ni Admin. Ignacio ng OWWA na handa lagi silang magpadala ng rapid response team kasi kinasanayan na iyan ‘no.

Isa pa, kapag umuwi sila, iyong mga kababayan – uulitin ko po – hindi sila basta kapag nakauwi na, kinalimutan na sila. The Department of Migrant Workers has a reintegration program for returning OFWs. So we assure you, hindi lang Beirut, lahat ng embassies natin, lalo na sa mga lugar na high spot, mayroon silang contingency plan na kasama nila ang local governments, mga NGO. Minsan ibang embassies din, nagtutulung-tulungan tayo. Kunwari sa … noong nag-repatriate tayo from Ukraine, nagtulungan tayo with the Thais. Tayo rin sa Sudan, may tinulungan tayong Thailander na umuwi. Sila naman ay tumulong sa atin sa Ukraine.

So sa tingin namin, mapapauwi rin namin iyan pero iyong nga, hindi namin maga-guarantee na ang bawat isa ay ligtas sa panganib kapag may giyerang ano. So, parinig lang po iyan ng ating ambassador doon. Nirirespeto namin iyong decision, gusto nilang maiwan. Ang importante, ipagdasal natin na hindi nga umabot doon – pero may contingency plans.

NSA ADG MALAYA: All right. Magandang balita po iyan, Usec., na mayroon taong reintegration program para sa mga kababayan natin na gustong magpa-repatriate from Lebanon.

Maraming salamat po sa inyong oras, DFA Undersecretary Eduardo De Vega.

PCO ASEC. DE VERA: Samantala, ilang lugar sa lalawigan ng Batangas at Cavite ang nagsuspinde ng klase ngayong araw dahil sa volcanic smog mula sa Bulkang Taal.

Ayon sa Phivolcs, nananatiling nasa Alert Level 1 ang Bulkang Taal habang patuloy nilang binabantayan ang sitwasyon nito sa kanilang abiso. Aabot sa 3,355 tonelada kada araw ang ibinugang sulfur dioxide ng Bulkang Taal sa nakalipas na 24 oras.

Dagdag pa ng ahensiya, pahilagang kanluran ang direksyon ng usok na ibinuga ng Bulkang Taal. Patuloy rin ang paalala ng Phivolcs sa maaaring maganap katulad ng biglang pagputok ng steam or phreatic explosions, volcanic earthquakes at manipis na ash fall.

Ipinagbabawal naman ang pagpasok sa Taal Volcano island lalo na sa main crater at Daang Kastila fissures, maging ang paglipad ng anumang aircraft malapit sa tuktok ng bulkan.

NSA ADG MALAYA: Clark International Airport Corporation projects and programs naman ang ating tatalakayin kasama si Sir Arrey Perez, ang pangulo at CEO Clark International Airport Corporation. Sir Arrey, kumusta ka na?

CIAC ARREY PEREZ: Okay naman, ADG.

NSC ADG. MALAYA: Magandang tangahali at welcome sa Bagong Pilipinas Ngayon.

CIAC ARREY PEREZ: Maraming salamat ho at binigyan ninyo kami ng oras para dito sa aming mga programa, maiparating namin ‘no, ang programa ng Clark International Airport Corporation.

NSC ADG. MALAYA: Okay, simulan na natin, sa kasalukuyan po under your leadership, ano po iyong mga flagship programs and projects ng Clark International Airport Corporation na makakatulong sa inyong layunin na i-transform ang Clark bilang premier global aviation logistic hub ng bansa?

CIAC ARREY PEREZ: Yes ADG, iyong ating mga programa para sa Clark ay—lalo na iyong airport ‘no, is to make it as the premier global civil aviation logistics hub, ibig sabihin ho niyan, we will focus on freight and cargoes, it will become the premier gateway for freight or cargoes.

Kaya naman iyong ating mga programa sa Clark International Airport Corporation ay naandiyan iyong national food hub, ito iyong facility kung saan nag-a-aggregate ng mga food, basic products produce from the different regions, North of the Metro Manila, Central Luzon, Region one and two. So, parang ito iyong bagsakan ‘no, na modernized because napakaganda ng lokasyon ng Clark International Airport Corporation.

Strategic na andiyan iyong mga expressways natin mula sa South to North even East, West at na andiyan din iyong train na ginagawa na matatapos na iyon, malapit na hong matapos iyan at saka napakaganda ng airport natin at napakalapit sa Subic. So, isa napakagandang lugar iyan para dalhin lahat iyong mga agricultural products, magkakaroon ng cold storage facilities kasi ang isang mga pinakamalaking problema ngayon ng mga farmers natin ay wala silang imbakan na maayos.

NSC ADG. MALAYA: So, ang sinasabi ninyo dito Sir Arrey, dito is iyong mga domestic products mula sa Northern Luzon for example ay puwedeng dalhin doon sa Clark, tapos—ano ba ito for export ba ito or for delivery to Mindanao and the Visayas?

CIAC ARREY PEREZ: Ang gusto natin is to have a food sustainability sa Pilipinas, kaya iyan ang unang target natin. Marami kasi sa atin, napakataas ng waste stage up to 50%, so imagine kung ang mga farmers alam nila na mayroon silang puwedeng pag-imbakan ng kanilang mga products, kasi ang problema nila, hindi sila makapag-produce ng mas marami dahil alam nilang masisira lamang.

NSC ADG. MALAYA: Masisira, mabubulok?

CIAC ARREY PEREZ: So, imagine if we can have a facility na food hub that can reduce iyong waste stage at malaking bagay iyan na maibibigay natin sa bulsa ng mga farmers ‘no, iyong coop—farmers na magiging cooperatives, mas malaki ang magiging kita nila at mas marami ring pagkain para sa ating mga bahay.

So, iyon ho iyong isang pinakamalaking project natin ‘no, the Clark national food hub at ang na-tap natin diyan ang Asian Development Bank to become our constructions advisor kasi kailangan magawa natin ito ng tama, kailangan natin ng mga diskusyon sa—hindi lang sa mga farmers, hindi lang sa mga na farmers magiging cooperatives. Kasama diyan natin sa programa na ito ang Department of Agriculture, Department of Trade and Industry, kasama na rin iyong mga private sector.

Siyempre, kailangan ito ay tinatawag na whole of nation approach, hindi puwedeng gobyerno lamang ito, so, iyon ‘yung gusto nating mangyari magawan ng tamang feasibility study na balak naming tapusin iyan by this year. So that, by next year naman gagawin natin iyong ipa-public tender natin iyan, kasi magiging public, private partnership. So, ma-award ho natin iyan by next year.

PCO DE VERA: Sir Arrey, kanina nabanggit ninyo iyong mga flagship projects and programs ng CIAC, mula po dito nagkaroon ng kasunduan between CIAC and the Maharlika Investment Corporation, ano po ba iyong—puwede bang mag-bahagi ng detalye or ano iyong maasahan dito sa naging kasunduan between MIC and CIAC?

CIAC ARREY PEREZ: Asec. Dale, iyong agreement namin with Maharlika Investment Corporation ay nagpapakita noong viability noong ating mga projects ‘no, kasi isa palang nabanggit ko ‘no, iyong national food hub. Ang gustong mangyari ng ni President Joel Consing ng Maharlika Investment Corporation, eh pondohan iyong mga projects na ito ng gobyerno at least 10% of the equity for this public, private partnership projects will be funded by Maharlika Investment Corporation.

So, sabi niya sa akin up to 20% so napakalaking bagay iyan na maipakita ‘pag—sa mga private sector na interesado sa mga projects natin ‘no, it’s gives them, boost their confidence itong ating mga investors.

Mabanggit ko lang iyong ibang projects po Asec. Dale and ADG Jonathan, iyon pong isang project pa natin, ito iyong ‘pag gagawa tayo ng maraming attraction sa Clark, kasi kulang siya ng attraction para maging destination, dadagdagan pa natin. Tinatawag namin ito project na ito ay iyong Clark World Convention and Events Hub, kasi iyong industry ng MICE iyong Meetings, Incentives, Conventions and Exposition ay napakalaking industriya ho na iyan na hindi pa natin nata-tap sa Philippines.

Well, sa Pilipinas along, marami ng pagkukulang tayo sa facilities, wala tayong sapat na convention na malaki para mag-host—iyong mga ano na lang, iyong mga professions ‘no, iyong mga professions palaki ng palaki pero kulang ng mga per square meter, kulang ng square meters ng— pati rin iyong gustong mag-exhibit kulang na kulang tayo sa space. Pati na rin ho iyong pag-a-attract ng mga world class ang mga entertainment kulang din ho tayo ng facilities na iyon.

Ngayon, napakaganda ho ang Clack, kasi imagine na andiyan iyong napakagandang airport tapos na andiyan iyong train na kapag manood—katabi ito ng mga facilities. Pagbaba mo po, manonood ka, mag-a-attend ka ng convention, manood ka ng concert o basketball bababa ka na lang sa train, bababa ka nalang sa airport, you know you just walk, oo you just walk.

So, iyon po iyong pangalawang napakalaking project natin is to boost the airport para magkaroon g mga mas maraming pasahero, mas maraming atraksiyon ‘pag pupunta sa ka Clark. Then, the third one is, iyong tinatawag nating Urban Renewal and Heritage Conservation Program.

NSC ADG. MALAYA: Yes, ano naman itong Urban Renewal and Heritage Conservation Program?

CIAC ARREY PEREZ: This is—ang pinaka—marami po kasing mga projects iyan within that program. Ito pong pinaka-mabigat diyan iyong ating water sustainability project, kasi ‘pag sa pagdami ng industriya sa Clark, napakalaki po kasi ng Clark eh, 31,850 hectares kalahati po iyan ng Metro Manila.

Ngayon, ayaw nating mangyari na iyong ating mga natural resources ay maubos, kailangan tama lang iyong pag-harvest natin. So, mayroon po kaming tinatawag na river park management, magde-develop po tayo, isang creek lang iyan pero napakahaba mga about seven to nine kilometers. Imagine mo, if we can harness iyong storm water or rain water para ma-harvest natin iyan at maging patubig para po sa mga industries na nandiyan sa Clark hindi natin kailangan humugot sa mga [unclear] natin.

So, kagaya din iyan iyong parks natin kasama ng urban renewal, hindi lang pagpapaganda, iyong mga parks na andiyan iyong catch basin para sa tubig. Kumbaga iyon—alam ko napapag-usapan ito noong mga nakaraang linggo, iyong nasa Bonifacio Global City na catch basin kaya binabaha mga 10 olympic size swimming pool ang capacity po niyan. Ganyan din po iyong ating nakikita sa Clark to harvest the storm water, rain water para may supply tayo sa mga industries for golf courses ng ating mga hotels kahit hindi ho siya potable, para kapag rainy season nagpapahinga iyong ating mga [unclear]

NSC ADG. MALAYA: Ito Sir Arrey, ito iyong mga plano ninyong gawin ‘no, as part of like a masterplan for the airport?

CIAC ARREY PEREZ: Yes ADG.

NSC ADG. MALAYA: Kailan natin planong i-implement for example itong sinabi ninyo na urban renewal and heritage conservation program na may mga [unclear] as you mentioned?

CIAC ARREY PEREZ: Ginagawa na po natin ADG, itong urban renewal and heritage conservation program. Mayroon na pong ginagawang mga studies na to make sure na iyong gagawin natin ay tama, so lagi tayong mag-uumpisa sa feasibility study, study talaga hindi puwedeng biglaan lahat iyan. Iyon naman Clark World Convention and Event Hub, mayroon po na tayong mga interested na mag-invest. Pinag-aaralan na lamang po.

NSC ADG. MALAYA: Yeah, kasi ako madalas kasi ako sa Clark ‘no, hindi napapasyalan si boss doon ‘no. Pero sa Marriott for example ibang-iba na iyong ano doon eh, sa area na iyon napaka-develop na and we are very hopeful na under your leadership mas gaganda pa iyong ating Clark complex.

PCO DE VERA: Siguro, Sir Arrey, before we end ‘no, mensahe ninyo na lang sa mga kababayan natin with regard to the projects, programs of CIAC?

CIAC ARREY PEREZ: Sa ating pong mga kababayan ‘no, marami pong mga magagandang nangyayari sa Clark, lalung-lalo na ho sa Luzon, kasi mayroon po tayong tinatawag na Luzon economic corridor, iyan na ka-partner natin iyan ang US at ang Japan governments. So, marami po tayong aabangan na mga proyekto hindi lamang ng Clark, iyong mga nabanggit ko ho kanina, na andiyan po iyong Subic, Clark, Manila, Batangas railway na napakalaking imprastraktura na kailangang kailangan natin.

So, kahit kami iyong mga projects namin kagaya ng food hub kailangan ng cargo railway para sa mas efficient na logistics ng ating mga cargo, mga pagkain para po mabawasan ang presyo noong mga ating basic commodities. Kasi iyan ho ang kaya nating maibigay sa gobyerno is to make sure that—lalo na sa Clark to make it more efficient ang logistics para po mas maging affordable iyong ating mga commodities.

NSC ADG. MALAYA: All right, maraming salamat po sa inyong oras, Sir Arrey Perez, ang Pangulo at CEO ng Clark International Airport Corporation.

PCO DE VERA: At dito na po nagtatapos ang ating programa sa araw na ito.

NSC ADG. MALAYA: Samahan ninyo ulit kami bukas para sa mahahalagang talakayan at mabilis na aksiyon ng pamahalaan. Mula sa NSC, ako po si ADG Jonathan Malaya.

PCO ASEC. DE VERA: Mula rin sa Presidential Communications Office, ako naman po si Assistant Secretary Dale de Vera, sama-sama tayo para sa isang Bagong Pilipinas Ngayon.

##

 

Resource