SEC. ANDANAR: Pilipinas, sa nakaraang episode ng Cabinet Report, sinimulan na nating talakayin ang ‘devolution’ o ang paglipat ng mga gawaing-serbisyo at mga pasilidad na sa kasalukuyang hawak ng iilang mga national government agencies patungo sa mga local government units na bunga ng tinatawag na Mandanas Ruling at ang sumunod dito na Executive Order 138.
Sa episode na iyon nakausap natin ang ilang opisyal ng Department of Budget and Management at ng Department of Interior and Local Government.
Bilang panimula sa ating episode ngayong gabi at upang mabigyan tayo ng overview sa ating diskusyon sa devolution, balikan natin ang ating panayam kay DBM Undersecretary Kim De Leon at mula DILG, kay Secretary Ed Año at Undersecretary Jonathan Malaya:
“SEC. ANDANAR: Ano po ang magiging implikasyon o resulta ng devolution?”
“DBM USEC. DE LEON: Well, unang-una, Sec. Martin, ang direct impact nung Mandanas-Garcia decision at ng Executive Order # 138 ay magkakaroon nang mas malaking share o bahagi iyong ating mga local government units mula sa ating national taxes dahil pinalawig ng decision iyong tax base kung saan manggagaling iyong share ng local government units. At iyong dating IRA or Internal Revenue Allotment ay tatawagin na nating National Tax Allotment dahil kasama na sa computation hindi lamang iyong income that we have generated from the Bureau of Internal Revenue kung hindi maging iyong income from Bureau of Customs at iba pa nating koleksyon. At dahil mas malaki na iyong matatanggap ng ating mga LGUs, of course inaasahan natin na dadami iyong kanilang program at proyekto sa lokal na pamahalaan na makakatulong sa ating mga kababayan.”
“SEC. ANDANAR: Sec., the term ‘game-changer’ has now become a cliché but really the Supreme Court’s Mandanas Ruling and President Duterte’s subsequent EO 138 are just that. Sa inyong pananaw, gaano kalawak ang magiging epekto ng devolution sa pamamahala sa Pilipinas?”
“DILG SEC. AÑO: For one, the national government, makakapag-focus na siya sa mga macro and strategic priorities para masolba ang ating mga existing development issues. At ang ating national government ay magiging, kumbaga magpi-perform siya ng mga oversight functions, magshi-shift na siya mula tinatawag nating rowing to steering ‘no and focusing primarily sa development policy, service delivery standards, capacity building, pag-provide ng mga technical assistance at LGU compliance monitoring.”
“Pero ‘pag titingnan naman natin sa part ng local government units ‘no, dito sa ating Supreme Court ruling, LGUs now will get a bigger share in the national budget. This means mas maraming pondo, mas maraming resources para ma-implement nila iyong mga programa at mga projects.”
“Siyempre malaking expectation iyan ‘no mula sa ating mga kababayan. But ang ganda naman nito, itong devolved functions and services sa ating mga LGUs, ma-address nila iyong iba’t ibang mga bagay katulad ng health services lalo na ngayon mayroon tayong pandemic ‘no, local infrastructure services, revenue mobilization, employment facilitation, social welfare services, housing services, natural resources management at even agricultural resources and services ‘no.”
“Pero itong tinatawag natin now, ang LGUs now o iyong tinatawag nating they are now in the position to chart the destiny of their people and their community. At ang ibig sabihin noon, mas malaking, kumbaga, resources pero mas malaki ding responsibility.”
“SEC. ANDANAR: Usec., magsisimula na ang transition sa full devolution ng mga functions, services and facilities ng national government patungo sa mga LGUs next year, sa 2022. At ang full devolution ay ipinag-utos na dapat matapos bago mag-2025. So three years ang transition period na ito. Ano po ang mga pinaka-crucial na aspeto ng transition period na ito sa pananaw ninyo sa DILG?”
“DILG USEC. MALAYA: This is also about changing mindsets. Kasi nga, nasanay na ang national government and local government of ways of doing things kasi nga napakatagal natin under a system wherein ilan sa mga basic services na kailangan ay ginagampanan ng mga LGUs ay tumutulong pa rin ang national government. Kaya madalas nakikita mo, kapag pumunta ka sa munisipyo, hahanapin mo iyong mayor, “Mayor,” na sasabihin sa iyo, “Sir, pasensiya na, wala si Mayor.” “Nasaan si Mayor?” “Nasa Maynila.” “Anong ginagawa?” “Nagpa-follow up ng project.”
“Bakit ganoon ang mentality ‘no, precisely because ang pondo diumano ay nasa Maynila at hindi magkakaroon ng development or pag-unlad ang isang local government unit kung hindi maambunan ng proyekto mula sa imperial Manila na tinatawag.”
“So to us, more than anything, this is about changing mindsets ‘no. We have to follow what the Constitution says – devolution and decentralization, at kailangan maibaba natin iyong pondo sa baba, sa mga local government units.
At sa mga LGUs naman, kailangang tanggapin nila iyong katotohanan that they are entirely responsible for the provision of basic services – sa kanila iyan. At maliwanag sa Local Government Code kung ano iyong mga serbisyong iyon.”
“Ngayon, on the part of national government naman, kailangan mabago rin iyong mindset ng national government. Kasi even if health, maliwanag iyan sa Local Government Code na ang health ay kailangan responsibilidad ng local government and logical naman iyon kasi ang health service is a frontline service and must be delivered by the government entity closest to the public ‘di ba, that’s why it’s localized; nguni’t ang Department of Health, for example, for so many years, nagpapagawa pa rin ng barangay health center.”
“So you can see the can see the disconnect ‘no, here. National government mindset must also change. The national government must start thinking also na, “Ako, ano ba ang role ko?” Ang role ko is standards. Ang role ko is technical assistance ‘di ba. Ang role ko is monitoring. Ang role ko is national direction, strategic planning and to build a consensus towards that.”
“So ‘pag na-operationalize natin iyan at ang pondo ay naibaba na sa mga local government units, ang kailangang ginagawa ng DOH is tulungan ang LGU na makapagpatayo ng mga rural health units utilizing local funds and technical assistance for training, for certification ng kanilang mga nurses, ng kanilang mga doktor. Ngunit iyong dating ugali natin na magpapadala pa ng mga nurse galing Maynila, magpapadala pa ng doktor galing Maynila, tapos ang pondo ay manggagaling pa sa national government – that does not make sense under a decentralized system.”
“So madami pong challenges ito, kaya ginawan natin ng 3-year transition kasi it is not just about bringing down the money. This is also about changing mindsets and behaviors because mayroon na tayong nakasanayan for so many years.”
SEC. ANDANAR: Narinig ninyo na ngayon si DBM Undersecretary Kim De Leon at sina DILG Secretary Ed Año at Undersecretary Jonathan Malaya.
Ngayong gabi naman, makakausap natin ang ilang local government officials natin: sina Barcelona, Sorsogon Mayor Cynthia Fortes; Quezon City Mayor Joy Belmonte at Quirino Governor Dax Cua, pati na rin si Department of Agriculture Secretary William Dar upang malaman ang kanilang pananaw sa devolution.
“This is a Devolution | Part 2” ang paksa natin ngayong gabi.
Ito po ang inyong Communications Secretary Martin Andanar, welcome to the Cabinet Report.
***
SEC. ANDANAR: This is The Cabinet Report. Malawak at napakaraming aspeto nitong usapin ng devolution. Narinig ninyo kanina ang pananaw mula sa DBM at DILG na parehong nasa harap ng pagpapatupad nito. Sa episode na ito, gusto nating makuha naman ang mga pananaw ng dalawang bahagi ng pamahalaan na pinakaapektado nito – ang mga lokal na pamahalaan at ang national government agencies.
Dumako naman tayo sa mga LGU, makakasama muna natin ngayon sina Barcelona, Sorsogon Mayor Cynthia Fortes, Quezon City Mayor Joy Belmonte at Quirino Governor Dax Cua. Good evening sa inyong lahat at welcome to The Cabinet Report.
BARCELONA, SORSOGON MAYOR FORTES: Magandang gabi, Secretary.
QUEZON CITY MAYOR BELOMONTE: Good evening, Sec. Martin. How are you?
QUIRINO GOVERNOR CUA: Good evening po Sec. Martin at sa lahat ng inyong mga tagapanood. [Dialect]
SEC. ANDANAR: Mayor Joy, Governor Dax at Mayor Cynthia: Ano po ang nakikita ninyong magiging pinakabenepisyo ng napipintong devolution para sa inyong LGU at sa inyong mga residente?
QUEZON CITY MAYOR BELOMONTE: Based on the broad strokes that I learned, ang mangyayari ay madadagdagan ang aming mga responsibilidad lalung-lalo na patungkol sa mga bagay katulad ng kalusugan, edukasyon, social services o social welfare at maaaring iba pang mga bagay ‘no. Maaaring kasama ang konting imprastraktura at iba pang mga dati ay nasa purview ng national government.
Pero like I mentioned, ayon sa timetable patungkol sa devolution ay sa September 30 pa scheduled mag-submit ang iba’t ibang national government agencies ng kanilang devolution transition plan sa ating mga local governments. And from whatever the national government agencies submit, saka pa lang namin malalaman kung ano ba talaga ang idi-devolve na function sa amin at saka pa lang namin puwedeng mabuo ang sarili naming mga devolution transition plan.
Offhand, Sec. Martin, ang nakikita ko kasing problema or mangyayari is maaaring it could be a good thing or it could also be actually a negative thing eh. Kasi sa kasalukuyan given our current budget, we are already doing a lot of things that are supposed to be in the purview of the national government. For example we are already building health centers; we are building our schools; we are giving allowances to our school teachers; we pay for a lot of the needs of our school children like school books, etcetera. And even in terms of social services napakarami na rin naming shinu-shoulder like burial assistance, fire assistance, medical assistance ‘no.
So some funds or additional funds from the national government through the additional IRA or national tax allotment as they call it, talagang maaring makatulong. Pero kung sobra rin ang idi-devolve sa amin ‘no, which in this particular situation hindi natin alam kung ano iyong idi-devolve pa, maaari ding kulang ‘no. So at the moment based on our calculations, ang matatanggap lang ng Quezon City is an additional 1.8 billion pesos and this could be a good amount given the current level at which we are already working on these projects that are in the purview of the national government or maaaring kulang kung sobrang dagdagan naman ng national government ang aming iba’t ibang mga responsibilities ‘no.
QUIRINO GOVERNOR CUA: Well, ang pinakamagandang benepisyo nito, Sec. Martin, ay really more resources/funds sa local government. Sana ito ay dapat mag-translate into better services, better performance na papakinabangan ng ating mga mamamayan. So lalawak din ang serbisyo natin at magiging mas technical din ang mga offerings natin ng mga serbisyo sa ating mga iba’t ibang sektor tulad ng farming, sa social services mayroon din, sa education, agriculture at marami pang ibang larangan. Health is one of the biggest areas of devolution.
BARCELONA, SORSOGON MAYOR FORTES: Para po sa LGU, may karagdagang pondo na maa-allocate sa dati nang slices of statutory mandated na pondo katulad po ng 20% development fund, 5% DRRM, 5% GAD o iyong Gender and Development, iyong 1% na LCPCPS at para sa mga residente may mga PPAs na magagawa bukod sa dati nang nagagawa ng LGU.
Pero maaari ring may mabawas na PPAs, downscaling or minifying. Halimbawa school buildings, matatag na tulay, seawall protection or Kalahi programs that are funded or used to be funded by NGAs. The uptick in NTA lalo na in 2023 and 2024 na talaga naman pong inaasahan natin na bababa is not adequate to fund these big ticket programs.
SEC. ANDANAR: Now, which of government functions will be immediately impactful to your LGUs once devolved? May we start with you Governor Dax and follow with Mayor Joy and Mayor Cynthia.
QUIRINO GOVERNOR CUA: Well dito sa amin sa Quirino, ang tinitingnan naming isang napakahalaga dito ay ang larangan ng, obviously, health because we’re in the middle of the pandemic, Sec. Martin ‘no. Talagang everybody is looking out for their health, kailangan may serbisyo tayong sapat para sa taumbayan. During the time of COVID, ang mga mamamayan natin medyo kumbaga umiiwas magpaospital dahil ayaw nilang ma-expose to too much risk with COVID ‘no. So these are things that LGUs are sensitive about kaya kailangan natin pangalagaan ang health.
Another large area is really agriculture. Dito sa Quirino kasi 90% of our constituents, ang aming mga kababayan ay mga farming or farm-related. So agriculture is one main issue in terms of extended services, technical offerings to our farmers. But also there are concerns na kailangan pang ma-solve and I think this will be a process of change and evolution. Itong devolution natin is not just devolving, it’s also evolving. We need to adopt and see how better collaboration between different levels of government including po iyong national, hindi pa rin po talaga puwedeng mawala ang suporta ng national dahil nasa transition pa po tayo.
BARCELONA, SORSOGON MAYOR FORTES: It is indubitable that LGUs vary in context. Magkakaiba talaga po ang mga LGUs. For the local government of Barcelona, I foresee augmentation and streamlined implementation in the space of social services. The LGU is familiar with the demographics and terrain of the place. When it comes to community-driven PPAs, the LGU knows its way around. Vulnerable residents, LGU has a good handle on them and their situation.
QUEZON CITY MAYOR BELOMONTE: Iyong favorite ko that I hope is devolved ha. Alam mo there’s a law, a Housing Act which is the balanced housing [development program] and this requires all developers – subdivisions and condominiums – that they should set aside a certain percentage of their expenditures for buildings, subdivisions and condominiums towards socialized housing ‘no. Pero itong socialized housing fund na ito galing sa mga private developers that we called balanced housing ay nasa kamay ng HLURB at sa kasalukuyan they can build anywhere, itong mga developers.
Kahit na iyong condominium o iyong subdivision ay ginawa sa Quezon City. Ang balanced housing maaring gawin sa Cavite, sa Bulacan sa Laguna, sa ibang lalawigan. So ng Lungsod Quezon hindi kami nakikinabang sa balanced housing, kasi nasa kamay ito ng HLURB.
Ako ay umaasa at ako ay nagdarasal na sana itong balanced housing ay sa Quezon City i-devolved, para hawak namin ang pondo na ito, because our major problem in Quezon City is the number of informal settlers in our city. I think that comprises above 30%. It could be more now after the pandemic at number agenda of governance ko is pabahay, kailangan magpagawa pa ako ng maraming pabahay, kasi ang katiyakan ng paninirahan ang number one pangarap ng mga mamamayan ng Lungsod Quezon. And napakalaking sagabal talaga iyong kailangan pang dumaan sa NHA, sa HLURB at sa iba pang mga ahensiya ng pamahalaan na may kinalaman sa pabahay.
It’s very taxing, it’s very difficult at napakahaba ng proseso para lang mabigyan ng pabahay ang aking mga mamamayan na kung ang pondong ito ay ma-devolved sa amin, ang function ng pabahay ay ibigay na lang sa local government, mabilis kaming kikilos at mabilis kaming makakapagpagawa ng pabahay na iba’t ibang uri pa. Ang plano ko sana may transition housing for those that are temporary lang in Quezon City, mayroong rental housing para doon sa mga wala talagang kakayanan na magbayad ng malaking down payment halimbawa ‘no at mayroon ding iyong socialized housing na talagang off the bat para na sa kanila at mayroon din iyong tinitingnan ko economic housing sa mga salaried workers, pero hindi pa rin ng DMCI, ng SM Blue, na mga condo units.
At iniisip ko rin ng magkaroon ng maraming iskema to meet the needs or targeted populations at we have enough lands kung vertical ang aming mga structures na gagawin.
There was a time na iyong taumbayan, hindi na nila gusto iyong—ayaw nila iyong condo, gusto nila magkaroon ng kapirasong lupa na ipapamana sa kanilang mga anak, that’s is additional perspective ng atin pong mga mamamayan. Pero unti-unti, though I suppose continues exposure to urban living, nakikita naman nila na iyong mga mayayaman nakatira sa condo at lagi rin namin nasasabi sa kanila na if you would like to live in city and we have an ordinance passed when I was still the Vice Mayor which is the Shelter Plan of Quezon City. Wherein doon nakasalalay ang aming pilosopiya.
Ang aming polisiya na kung ang tao ay taga-Quezon City, at gusto niya tumira sa Quezon City, she or he should have the right to live in Quezon City or that choice; pero siyempre kailangan, within the terms that we can provide for them. So doon sa plan na iyon, kaya nga mayroon tayong roster housing, dati kasi iisa lang, 21 square meters, ke sampu kayo sa pamilya, iyan talaga ang ibibigay namin sa iyo, ke ilan kayo, lumaki iyong pamilya, iyan pa rin, hindi siya nagbabago at ito pa rin iyong terms of payment. In other words, one size fits all.
Ang aking pangarap sana ay magkaroon ng maraming iba’t ibang tailor-fitted housing projects para sa iba’t ibang mga uri ng mamamayan and their capabilities to pay ‘no. And in order for to be able to do that, I will need full control sana of the funds of housing here in our city.
SEC. ANDANAR: Mayor Cynthia, Mayor Joy at Governor Dax, sa pananaw ninyo bilang LGU Chief Executives, ano po ang pinakamalalaking hamon na kakailanganing malampasan over the next three years of the transition period sa pagpapatupad ng devolution?
BARCELONA, SORSOGON MAYOR FORTES: First is to adequately mentor barangays in crafting their DTPs [Devolution Transition Plans]. Ito po iyon, iyong maitama, mai-ayos iyong DTPs ng mga barangay. If I may share lang po, noong September 7,8 and 9, naganap ang province-wide rollout ng full phase devolution dito po, in our place, where Chief of offices of LGUs gathered; bukas naman magaganap ang mentoring ng barangays, hinahabol po ang October 10 timeline.
For most, it was the first time, during the gathering of Chief of Offices, it was the first time that full phased devolution was defined to them that as prescribed by EO 138, full devolution has to happen to mitigate the impact of the Mandanas Garcia ruling. Iyon po ang maliwanag na narinig ng mga Chief of Offices.
Ito po ang pangalawa na hamon, proper messaging to LGUs work forces to get them on the boat rowing in one direction. There’s a need to disabuse their minds thinking na sa EO 138 or full devolution, isang dangkal po ang dagdag na nata, pero dalawang dipa po ang paasa sa mga residente. We’ll have to disabuse their minds on that.
Pangatlong hamon po, is proper messaging to residents. Huwag paasa ang gobyerno o LGU, in this jurisdiction, dito po sa lugar namin na may mga barangays na ELCAC beneficiaries, high level of trust in governance can be defining.
Ang LGU Barcelona po at mga law income municipalities ay umaasa na agarang umusad ang growth equity fund. And contrast to that, hiling naming mga poorer LGUs na huwag po muna i-waive ang PS ceiling or PS gap. This way, poorer LGUs will have a fair shot at development.
QUEZON CITY MAYOR BELMONTE: Well, of course there are the obvious issues like manpower capacity. So, alam ko based on the broad strokes na ipinaliwanag sa amin ay we can hire some of the workers that will be displaced in national government agencies, because of the devolution that has to be made clearer to us, of course kung ano ba iyong plantilla positions, ano ba iyong ibabayad sa kanila and this is a whole discussion in itself, itong manpower resources.
Pero, for me – speaking only for Quezon City – our main problem is the census of 2020. Because obviously our share of the National Tax Allotment or previously known as IRA, depends on your population. In 2015, the population of Quezon City was already 2.9 million ‘no.
So, based on projections made also by the PSA, using PSA statistics, dapat iyong population natin ngayon, dapat magiging mga 3.1 plus na, kasi 5 years na ang gap ‘no. Pero when we saw the population that was told to us, based on the PSA census of 202o, lumaki lang po ang aming populasyon in five years by 24,000 people.
And for me, that is impossible, instead we have seen growth of our population constantly. In fact, ayon sa mga datos namin, we have had 300,000 births and only 100,000 deaths in a span of five years. I am now appealing to the PSA and I have done it through Congress, I have also done it through NEDA to please review figures.
QUIRINO GOVERNOR CUA: Sec. Martin, kasi malawak itong usapin natin ‘no, so tingnan natin; ang daming relevant policies that are involved here.
First, our Constitution mandates local autonomy, di po ba.
Pangalawa, mayroon tayong Local Government Code that says, cooperation of different local government is important, it’s also says there are functions that must be devolved to the local government.
And then we have the recent Mandanas Garcia cases that were decided by the Supreme Court which dictates that kumbaga kinu-correct noong Supreme Court decision ang tamang pagkuwenta ng just share ng LGUS from the national revenues. So, ang main difference lang diyan, kumbaga to summarize is that iyong dating kinukolekta ng Customs ay hindi sinasama sa computation ng share ng LGUs, ngayon sinasama na according to the decision of the Supreme Court. So lumaki iyong base of computation, lumaki tuloy iyong share ng LGUs.
So ngayon ang nangyari, na-realized natin at na-realized din ng national government na teka dalawang daan mahigit na bilyong piso ang maidi-devolve natin o maita-transfer na money from the national government expenditure magiging part ng NTA or IRA ng LGU. So, sabi natin, sabi ng national government, paano ito, ang laking perang mawawala, paano tayo magus-survive, so they decided to further implement the devolved functions that were already enshrined in the local government code na openly naman tinanggap ng mga LGUs bilang ating, in the spirit of Bayanihan, ating pag-aambag dahil alam natin, naunawaan natin ang kalagayan. So, ganoon ang nangyari at kami naman ay will step up to the plate at handang makipagtulungan sa national government.
Pero siguro, Sec. Martin, kailangan naming aminin na hindi talaga mangyayari overnight ang transition, number one at number two, kahit po dalawang daang mahigit na bilyong piso, divided among 81 provinces, almost 200 cities, 1,500 municipalities and 42,000 barangays, iyang 2oo billion na iyan ay hindi rin naman ganoon ka-significant to really have a dramatic effect and change in the service delivery. In short kakailanganin pa rin talaga namin ang suporta, ayuda at tulong ng national government sa effective delivery of services ng ating mga devolved functions.
So iyong hamon diyan, ay iyong further coordination between and among LGUs and also with national government, iyon po talaga nag largest challenge. And iyong resource management na sa tingin namin, bagama’t 200 plus billion, some estimates put an amount of about 1 trillion mahigit ang dine-devolved na function. So parang 200 billion ang pera, pero 1 trillion ang dine-devolved na function, so parang kailangan nating magtulungan pa po.
SEC. ANDANAR: Maraming salamat sa inyong mga insights sa usaping ito Barcelona, Sorsogon Mayor Cynthia Flores, Quezon City Mayor Joy Belmonte at Quirino Governor Dax Cua. Narinig natin ang mga pananaw ng mga local government units. Ang susunod nating tatalakayin ay ang sa national government agency naman. Si Agriculture Secretary William Dar ang ating makakapanayam. Tutok lang! This is the Cabinet Report.
***
SEC. ANDANAR: Welcome back to the Cabinet Report. Kasama natin ngayon si Agriculture Secretary William Dar. Good evening, Sec. Willie.
DA SEC. DAR: Magandang gabi po, Sec Martin at sa lahat po ng viewers po ninyo.
SEC. ANDANAR: Ano po ang nakikita ninyong magiging pinaka-benepisyo ng napipintong devolution para sa inyong kagawaran? At pati na rin sa mga LGU dahil mayroon silang kaniya-kaniyang Office of Agriculture?
DA SEC. DAR: Opo, Sec. Martin. Sa aking pananaw ang pinakamalaking benepisyo ay ang pagkakataong mapalakas pa ang ugnayan ng departamento sa ating mga LGU officials sa layuning mapaunlad ng husto ang sector ng agrikultura. Gusto kong idiin na lahat ng mga sangay o unit ng kagawaran na dapat i-devolved sa mga local government units po sa ilalim ng local government code of 1991 ay nagawa na ng departamento pagkatapos ipasa ang batas 30 years ago. Ngunit hindi maisakatuparan ng husto ang layunin ng local government code of 1991 dahil sa dalawang kakulangan. Let me enumerate them, Sec. Martin.
Una, kulang sa pondo ang ating mga local government units upang gampanan nang lubos ang kanilang mga tungkulin sa debolusyon. Ang problemang ito ang tinutugunan na ng Mandanas ruling sa pamamagitan ng paglalaan ng mas malaking pondo sa mga Local Government Units.
Ang ikalawa, Sec. Martin, ay sa kakulangan sa kaalaman sa mga makabagong teknolohiya at tamang pamamaraan sa pagsasaka ng mga provincial, city at municipal agricultural officers, kasama na rin iyong mga agricultural extension workers. Makakamit lamang nila ang ganitong kaalaman sa pamamagitan ng tuluy-tuloy na pagsasanay nila sa mga makabagong pamamaraan sa tamang pagsasaka at pangingisda at dito po papasok ang departamento.
Now, ang solusyon namin dito ay ang mga sumusunod, Sec. Martin. Mayroon tayong tinatawag PAFES, ito iyong Province-led Agriculture and Fisheries Extension System. So kada-probinsiya ay magiging PAFES. Paiigtingin namin ang ugnayan sa pagti-training sa mga local na agricultural extension officers. Sa ngayon, pinalalawig na namin ang ugnayang ito sa pamamagitan ng pagtatayo ng provincial-led agricultural and fisheries extension system.
Ang programang ito ay palalakasin ang extension system sa pamamagitan ng paglalagay sa ilalim ng superbisyon ng provincial governor ang buong extension system. Lahat ng agricultural extension workers ng departamento na mula sa iba’t ibang commodities tulad ng rice, corn, coconut at iba pa ay magri-report sa PAFES upang mas maganda ang koordinasyon sa ating pagtulong sa mga magsasaka at mangingisda.
So magiging miyembro din ng PAFES ang mga eksperto sa lokal na state colleges and universities sa lugar upang tumulong sa tuluy-tuloy na pagsasanay ng mga local agriculturist sa mga makabagong paraan ng pagsasaka. Kasama na ang mga experts sa SUCs, ang mga eksperto ng mga agricultural training institute ng kagawaran sa pagsasanay na ito. On top of that, the SUCs continue to do research for the province.
Now, Sec. Martin, [diyan natin] ilalagak ang extension system sa dalawang kadahilanan: Una iyong tinatawag po natin na mayroong matatamong economies of scale sa agricultural production sa antas ng probinsiya at hindi lang agricultural production, mayroon na ring kaakibat iyan na marketing links. Pangalawa mas malaki ang pondo, Sec. Martin, na nasa probinsya na magagamit kung nanaisin nito na mag counterpart-funding sa pamahalaang national sa pagpapaunlad ng isang agricultural commodity industry.
Halimbawa, kung gusto ng probinsiya na maging producer ng isang produkto tulad ng mangga, mais, pinya, saging, coconut, pili at iba pa at maging exporter ng mga produktong ito, puwede nilang buhusan ng pondo ang proyekto upang hindi lamang mapaunlad ang production, kung hindi i-process pa ito upang lumaki pa ang kita ng mga magsasaka sa probinsiya. At dahil malaki ang kanilang sakahan, puwede silang mag-supply ng buong taon sa kanilang mamimili sa lokal at international na merkado.
SEC. ANDANAR: Of the functions of the Department of Agriculture, which ones will be immediately impactful to LGUs once devolved?
DA SEC. DAR: Sa aming pananaw, Sec. Martin, it is the extension function where the greatest impact will be achieved with better devolution implementation. So iyon ang i-highlight natin. It’s the implementation.
Now extension is not confined to training local agricultural officers on the latest technology and good practices in agricultural production. It also covers the early detection and prevention of plant and animal diseases. Under the Local Government Code of 1991, these functions have already been devolved to the local government units. However, inadequate funding and training for this purposes hampered the LGUs capability to respond to the challenges.
Now let me cite a clear illustration of my point: for instance, the local government units who have the police authority to enforce the rules and regulations in their respective jurisdiction have the primary function, Sec. Martin, of preventing the outbreak and spread of the African Swine Fever na nandiyan po ngayon – ASF.
Meanwhile, the role of the National Department of Agriculture with the Bureau of Animal Industry is to provide the guidelines and technical supports and assistance in the implementation of animal disease prevention, control and mitigation. So, we have knowledge of the disease, thanks to the highly trained experts in our specialized bureaus or units like Cagayan, the Bureau of Animal Industry, and our region all field offices endowed with laboratories for disease detection.
Further, Sec. Martin, the Department of Agriculture can provide additional resources to the LGUs in its campaign against such an animal disease. It is hoped that with the additional resources in the hands of the local government units and strengthened extension system the local governments can better perform their mandated functions in the Local Government Code of 1991 from preventing plant and animal diseases to promoting greater agricultural productivity including food security of their provinces and municipalities.
Now, the other is in the provision of infrastructure support services such as farm to market roads, irrigation, post-harvest and drying facilities at iba pa. The local government units who are most familiar with the situation in their communities are in the best position to determine the necessary types of infrastructure where those should be constructed and the local cost of setting this up.
In turn the Department of Agriculture is the technical back stopping in writing feasibility studies, including costing and sustainability of this projects and possibly in the provision of counterpart funds. Marami na po nating na-introduce na mga policy reforms, na mga innovations kagaya po noong sinabi ninyo na Kadiwa ni Ani at Kita and other marketing platforms, mga technologies and innovations.
Kasi ang mga technologies and innovations and modern techniques ay engine of growth natin to really enhance and transform Philippine agriculture. So, nakasaad po doon sa OneDA reform agenda with four pillars at 18 strategies. Ano po itong apat na pillars?:
Farm consolidation, may mga kaukulang case strategies kasama na po iyong clustering, iyong cooperatives developments, itong PAFES [Province-Led Agriculture And Fisheries Extension System] kasama po doon.
Then, pangalawa, pillars po sa OneDA agenda, itong modernization ng agrikultura where the technologies, innovations and digital technologies are properly now introduced.
So, pangatlo po, ay industriyalisasyon, agri-business, mga agri-industrial business corridors, mga export development kasama po lahat ng ito.
At ang pag-apat na pillar, ay itong professionalization, mga human capital na eksperto na ay dapat nandiyan sa lahat ng level. Now, whether or not the LGUs can sustain this, again that will be dependent on how focused they are, how supportive they are in terms of allocating substantial budget for insuring food security and really also bringing the best of human capital in their agricultural extension worker system.
So, kami ay nandiyan, tutulong to enhance capacity building of the local government units and hoping that during the transition again, they can handle and sustain this over time.
SEC. ANDANAR: Sa pananaw ninyo Sec., ano po ang mga pinakamalalaking hamon na kakailanganin ninyong lampasan over the next three years of the transition period sa pagpapatupad ng devolution?
DA SEC. DAR: Tama po kayo Sec. Martin, big question ang pinakamalaking hamon ay nasa local government units na ngayon at nais kong idiin na ang Kagawaran ng Pagsasaka ay handang tumulong sa transition na ito.
Una, budget prioritization, kung ang LGU ay gagawing prayoridad ang pagpapaunlad ng sector ng agrikultura ay dapat namang may alokasyon silang sapat para mailaan sa mga priorities ng local government units and that’s the reason na thru the Mandanas ruling ay nabigyan po sila ng dagdag na budget starting 2021.
Now, hindi lamang agrikultura ang pangangailangan of course ng mga komunidad, lalo pang kung mahirap ito, nariyan ang ayuda sa panahon ng sakuna o disaster o natural calamity, mga pangangailangang pangkalusugan, pang-edukasyon, pang-kalikasan, housing o pabahay at social protection; so, lahat ng mga ito ay nangangailangan ng pondo alam natin.
Ang LGU officials ang siyang magdidesisyon kung saang prayoridad nila ilalaan ang malaking bahagi ng kanilang karagdagang pondo, kung hindi mabibigyan ng karampatang pondo ang agrikultura malaking hadlang ito sa pagpapaunlad ng sektor.
Ang ikalawang hamon ng LGUs, Sec. Martin, kailangan nilang itukoy ang magiging produktong prayoridad nila sa pagpapaunlad ng agrikultura o ng kanilang lugar o probinsiya.
Pag ikaw ay negosyante at gusto mong umunlad ang iyong negosyo, pipili ka ng produkto kung saan mayroon kang comparative advantage o kung saan ka naaangat sa iba, sa kaalaman o resources upang siguradong maging matagumpay ang iyong negosyo laban sa iyong kakompitensiya. Ganoon din iyan sa pagpapaunlad ng agrikultura po, dapat piliin ang tamang prayoridad na produkto ng mga LGUs batay sa konsepto ng comparative advantage para mas maganda ang kita ng ating mga magsasaka at mangingisda.
Okay. Sec. Martin, ang ating concluding message, let me assure you that the Department of Agriculture will fully support the devolution of agricultural services to the LGUs. Karaniwang mga problema ng sektor ay sa antas ng lokal mabibigyan ng solution. Agriculture activities are localized or community based in nature.
What is good for one province in Luzon might not be applicable to another province in the Visayas, iba-iba ang mga probinsiya mula sa uri ng lupang sakahan na nasa kanila, sa kaalamang naihulma ng kasaysayan nila at maging sa sistema at kultura ng pagbebenta ng kanilang sinakang produkto.
The agricultural profiles of provinces and communities are as diverse as many the languages we have all over the archipelago. Kaya po kami sa kagawaran ay buong suporta sa devolution dahil batid namin ang pagpapaunlad ng agrikultura ay hindi nasa kamay ng departamento lamang kung hindi sa kamay ng local government officials at kanilang lokal na mamamayan.
Inuulit namin, ang aming devolution mantra, the Department of Agriculture steers while the local government units do the rowing. Nasa kamay ng mga LGUs ang pagsasagwan. Agriculture development is a challenge too big for the DA to face alone, it can only be achieved with the participation of various stakeholders particularly the LGUs and local communities who encounter the daily challenges of improving agricultural productivity and promoting agricultural development in their respective areas. Mabuhay po kayo, Sec. Martin, mabuhay ang taga-local government units!
SEC. ANDANAR: Maraming salamat Secretary Willie, magbabalik ang Cabinet Report matapos ang ilang paalala.
[COMMERCIAL]
SEC. ANDANAR: Pilipinas, sa talakayan natin ngayong gabi makikita na natin na kakailanganin talaga ang malawakang paghahanda para sa ating devolution; hindi ho biro ang hamong ito, definitely maganda ang ninanais nito. Balikan natin ang Local Government Code of 1991 na tatlumpung taon na po this year.
Nakalagay doon as a declaration of policy: ‘it is hereby declared the policy of the state that the territorial and political subdivisions of the state shall enjoy genuine and meaningful local autonomy to enable them to attain their fullest development as self-reliant communities and make them more effective partners in the attainment of national goals.
Towards this end, the state shall provide for a more response and accountable local government structure instituted to a system of the centralization where by a local government units shall be given more power, authority, responsibilities, and resources. The process of decentralization shall proceeds from the national government to the local government units.’
Kaya lang, gaya ng narinig natin this past two episodes, magkakaroon talaga ng maraming hamon ang magpapatupad nito. Mga hamon na kakailanganin natin mailabas, mapag-usapan, at masolusyunan; binibigyan naman tayo ng batas ng 3 taon bilang transition period upang paghandaan ang devolution.
Bilang Communication Secretary, ang aking ambag sa usaping ito ay ang masimulan ang malawakang pagtalakay nito sa mga media platforms ng pamahalaan, because it involves all of us, it involves the whole archipelago, it involves the local government units big and small, rich and poor, that we are introduced to everyday on Network Briefing News.
Muli balikan natin ang napakagandang hangarin nakasaad sa Local Government Code natin, para sa ating mga lalawigan, lungsod, munisipyo at barangay: Genuine and meaningful local autonomy to enable them to attain their fullest developments as self-reliant communities and make them more effective partners in the attainment of national goals.
Kaya asahan ninyo po, patuloy po nating pag-uusapan ang devolution ng ito ay mapaghandaan at mapakinabangan ng Pilipino sa buong kapuluan.
Para sa Cabinet Report, ito po si Communication Secretary Martin Andanar, mabuhay ang Pilipinas, mabuhay ang Pilipino!
###
—
News and Information Bureau-Data Processing Center