LEO: Magandang, magandang morning Pilipinas – Luzon, Visayas, Mindanao. Ito po ang inyong lingkod again, Leo Palo III.
SEC. ANDANAR: Ito po naman si Secretary Martin Andanar. Kayo po ay nakikinig sa programang Cabinet Report sa Teleradyo. Good morning, good morning, napapanood ninyo po kami dito sa PCOO Facebook page, RTVM, PIA, PNA, Radyo Pilipinas Uno at sa ating bisita puwedeng i-share sa kaniyang Facebook page, ni Pareng Mon Abrea. Dito ninyo malalaman ang lahat ng mga proyekto sa accomplishment po ng bawat ng ahensiya ng gobyerno. Of course sa Cabinet report, we give you all the update you need.
LEO: Yes iyan siyempre ano mang isyu o usaping kinasasangkutan ng mga ahensiya, ng pamahalaan dito po lilinawin natin iyan at iyan ay mula mismo sa ating mga Gabinete, ang ating mga Secretaries, ang ating mga resource person like for example ngayon mayroon tayong resource person ngayon na magbibigay linaw mamaya sa inyo: Ano nga ba ito, ang mga isyung ito?
SEC. ANDANAR: Ipapakilalal natin siya maya-maya. Ngayon ay ika-dalawampu sa buwan ng Enero, dos mil disi-otso. Binabati natin, Pareng Leo ang ating mga estudyante ng UE College na nag-tour po dito sa PIA at bahagi iyan ng kanilang interaksiyon dito sa ating programa. Of course later on, they will be here.
LEO: Okay.
SEC. ANDANAR: Sila ba iyan, mga estudyante, hindi pa? Mukhang mga estudyante itong mga ito. At sa episode po natin ngayon January 20, 2018. Mga kaibigan ang ating tatalakayin ay ang mainit na usapin sa pera, mga pera-pera.
LEO: Akala ko nag-usap tayo kanina, akala ko iyong MRT or LRT, iyon pala iyong TRAIN law.
SEC. ANDANAR: TRAIN…Hindi iyong train na tren talaga.
LEO: Akala ko iyong tren.
SEC. ANDANAR: ‘Na ano, na puwedeng sumagasa hindi… Ito iyong tax reform—
LEO: Tax reform for acceleration and inclusion. Dahil diyan sa usaping tax reform, maya-maya maging ang taga-Bureau of Internal Revenue eh makakapanayam din ho natin iyan.
SEC. ANDANAR: Aba… Siksik na siksik ha—
LEO: Kailangan nating maipaliwanag sa ating mga Juan Dela Cruz, tayong mga ordinaryong mamamayan. Ano ba ang talagang tunay na epekto nito sa bawat isa, sa iyo, sa akin.
SEC. ANDANAR: So patasang programa natin, objective. Mayroon tayong taga gobyerno—
LEO: Correct.
SEC. ANDANAR: Na magpapaliwanag, ang ating Deputy Commissioner at nandito rin po ang isang tax wiz na taga pribadong sektor naman. Kaya kailangan tutukan ninyo po ang programang ito dito po sa 738 am Radyo Pilipinas Uno at sa lahat po ng ating mga Facebook pages. At mayroon tayong isa pang ano, mamaya may surprise guest. Ito kaabang-abang. Aabangan talaga ito ng ating mga kasamahan sa Malacañang Press Corps.
LEO: Uy mga taga Malacañang Press Corps, magandang umaga sa inyo ha. Iyan at pasensiya na kayo naliligaw yata ako dito. [laughs]. Maliligaw yata ako ng ilang taon dito.
SEC. ANDANAR: Alam mo Leo, i-text mo na lang sa kanila kung sino ang makakapanayam natin mamaya.
LEO: Yes mamaya? Antabay lang kayo at talagang ano ba iyon surprise ba talaga iyon?
SEC. ANDANAR: Kasi ngayon lang namin pinag-usapan, ngayon lang nag confirm [overlapping voices] kaya surprise iyon para sa atin dito.
LEO: [laughs]. Oo.
SEC. ANDANAR: But anyway let’s get started at masuwerte po tayong makakasama natin dito sa ating studio ng RP1 ang tinatawag na tax wizardof the Philippines. Walang iba kung hindi si Ginoong Mon Abrea. Dati siyang BIR examiner na ngayon ay itinuturing na prominent advocate of genuine tax reform. Ang kaniyang adbokasiya ay ang makatulong sa Pilipino na ma-enjoy ang tax free lifestyle. Si Mon ay awardee ng 10 outstanding young men, TOYM lang, naman noong 2015.
LEO: Walang-wala pala ito.
SEC. ANDANAR: Walang-wala ito dahil sa kaniyang natatanging kontribyusyon sa larangan ng accounting at finance. Talaga naman, siya ngayon ang President—
LEO: President ha, hindi vice…
SEC. ANDANAR: Oo, President at Chief Strategy officer ng Abrea Consulting Group or ACG at Founding President, hindi co-founder ha…
LEO: [laughs]
SEC. ANDANAR: Founding talaga, founding. Founding President ng Center for Strategic Reforms of the Philippines or CSR Philippines. Kaya marami siyang maibabahagi sa atin ngayon. Good morning sa iyo, sir Mon.
LEO: Good morning, Sir Mon.
MON ABREA: Good morning, Secretary Martin. Good morning sir Leo. Good morning sa lahat ng nakikinig at sa lahat ng ating mga tax payer.
SEC. ANDANAR: Alam mo Leo, kasi itong paksa ng tax ay talagang masalimuot, mahirap intindihin ito. Maging ako ay kailangan magbasa nang magbasa ng husto para maintindihan ko iyong tax reform. Kahit anong basa ko, kulang pa rin. Itong si Sir Mon ay active ito sa social media—
LEO: Yes.
SEC. ANDANAR: So ‘pag nababasa ko sabi ko, ang ganda ng mga argumento ni Sir Mon sa pagpapaliwanag, kaya niyang ipaliwanag sa madla. Subukan ko kaya i-private message ito sa Facebook.
LEO: Ikaw ba naman ang maging advocate ng… anong tawag dito, itong tax reform, saan ka pa? So parang ano, narito na tayo sa yugto mga kababayan na ang taong ito ay siyang makapagpapaliwanag sa isyung ito bukod pa sa ano ha, siya po ay dating nasa… I mean nasa ilalim ng BIR kaya nga tinawag mo kanina tax wizard.
SEC. ANDANAR: Oo wizard ito, wizard of the Oz.
LEO: Kita mo naman.
SEC. ANDANAR: Or wizard of the tax.
LEO: Ngayon kung mayroon ho kayong mga katanungan, try namin or susubukan, pipilitin namin na mabasa iyong inyong mga tanong doon sa Facebook live ng RP1 at sa PCOO. Try din natin na mabasa ang inyong mga katanungan, bibigyan po kayo ng pagkakataon na iyong inyong mga tanong mismo, iyong inyong agam-agam dito sa sinasabing… Ano daw, masama daw ang TRAIN sa buhay ng isang tao. Iyan ang ipapaliwanag natin.
SEC. ANDANAR: Iyan ang sinasabi ng mga kritiko at ng ibang mga expert din na hindi sang-ayon dito sa tax reform—
LEO: Mga ekonomista—
SEC. ANDANAR: So ano ba talaga ang pakinabang ni Juan, Maria, Pedro dito sa bagong TRAIN law. Mon explain it to us, parang TRAIN law for the dummies. Papaano ba ito? Ano bang pakinabang ni Juan, Maria at Pedro sa TRAIN law?
MON: Para sa akin siguro lalo na sa mga millennials, mas madali nilang maintindihan kapag sinabi na itong TRAIN na ito hindi ito anti-poor, itong TRAIN na ito ay hindi ito parang political mass machinery para lang pahirapan kung sinong gustong pahirapan.
I think for me, this is train to progress. Kasi sa loob ng dalawampung taon pinasan ng ating mga ordinaryong empleyado iyong mabigat ng 32 percent. At kapag sinabi nating 32 % hindi bale sana kung isang milyon iyong kinikita nila. So iyong mga sumasahod ng bente mil, 20,000, 30,000. Ang buwis nila kasing laki na ng buwis ni Manny Pacquiao o ng mga bilyonaryo dito sa Pilipinas.
Itong TRAIN na ito, itinama iyon. Kaya kahit anong sabihin ng mga kritiko, isang katotohanan ang hindi nila puwedeng baguhin, iyong dating nagbabayad ng 30% or even 32 percent ngayon buong buo niyang nauuwi iyong take home pay niya para sa pamilya niya, para sa kinabukasan ng mga anak niya at hindi na kinuha ng gobyerno.
So bale ito iyong sinasabi kong key component ng TRAIN. Kasi mahaba iyong riles, mahaba iyong tren, kaya nga iyong mga nagki-criticize, sabi ko nga sa kanila mag-quiz bee tayo kasi mahaba ito. Eh talaga bang nabasa ninyo mula section 1 hanggang sa dulo iyong TRAIN para masabi ninyo na masama iyong TRAIN.
LEO: Bago tayo dumiretso doon ano, Mon, medyo gusto ko lang malaman kay Mon iyon bang isyu na baka itong in-interview natin ngayon eh pro-TRAIN lang naman ito, parang ganoon. So saan ba talaga nanggaling si Mon? Kasi kanina nag-uusap kami kanina, kaming dalawa kanina nag-uusap kami. Ang sinasabi niya since Day 1 ng hearing diyan sa Kongreso about the TRAIN nandoon na siya, at alam na niya kung paano nangyari iyong ano ng hearing.
SEC. ANDANAR: Para siyang naging konduktor ng TRAIN. Wala siya sa baba—
LEO: Nandoon mismo sa TRAIN—
SEC. ANDANAR: Nasa TRAIN mismo kasi kung paminsan-minsan ay kapag absent iyong piloto ng tren, siya mismo ang nagpipiloto.
MON: At saka po mababasa naman po nila iyan sa social media, sa lahat ng articles na pinublish natin. Hindi po lahat ng pagkakataon sinang-ayunan natin iyong debate o iyong mga probisyon dito sa TRAIN. Pero ngayong naipasa na siya, ang ating adbokasiya ay siguraduhing ma-implement siya para sa taong bayan.
Kaya nga ang una nating pinush noong pagpasok ng 2018 iyong RFC ni Commissioner na sinasabi niyang gamitin ninyo na iyong bagong withholding tax table para mabawasan na iyong buwis ng mga ordinaryong empleyado. Pero marami pa ring matitigas ang ulo, hindi pa rin ginamit noong ibang mga kumpanya. Kasi ang sabi nila wala pang IRR iyan, hindi pa valid iyan.
Paano naman naging hindi valid ang linaw noong batas at nakalagay doon January 1, 2018 mababa na iyong buwis o lahat ng kumikita ng 250,000 and below, hindi basta minimum wage earner wala ng income tax at ito ay halos 83% ng kabuuang individual tax payers.
LEO: Actually iyong unang naging announcement ng actually ng Pangulo noong bago magpasko. Ito iyong pamasko actually, kahit si Secretary Andanar, iyan din iyong ibinalita niya noon… Ito iyong pamasko para sa lahat, ng Pangulong Duterte. Pero bago diyan Mon, Secretary, Commissioner?
SEC. ANDANAR: Sakto kasi, sakto napag-usapan iyong January 2018, wala ng income tax na babayaran. Iyong mga sumusuweldo ng—
LEO: 250,000 pababa.
MON: 21,000 monthly pababa—
SEC. ANDANAR: 21,000 monthly. Alamin natin kung ano ang naging experience naman ng mga employers dahil sila iyong nagwi-withhold ng tax. At maraming mga employers din ang humingi ng extension doon sa BIR. Nasa linya po ng ating telepono ang ating Deputy Commissioner ng Bureau of Internal Revenue, si Commissioner Marissa Cabreros. Magandang umaga po—
LEO: Magandang umaga, Ma’am.
SEC. ANDANAR: Magandang umaga po. Welcome po sa programang Cabinet report, Madame.
*more*
PART 2, CABINET REPORT, JAN. 20, 2018
ASST. COMM. CABREROS: Yes, magandang umaga po Secretary at sa mga panauhin po sa inyong istasyon. Assistant Commissioner po, Marissa Cabreros po ng BIR.
SEC. ANDANAR: Ay, magdidilang anghel ako niyan…
LEO: Ganoon din iyon.
SEC. ANDANAR: Oo. Kasama po namin si Sir Mon Abrea, Assistant Commissioner Marissa.
ASST. COMM. CABREROS: Yes po, magandang umaga Mon. Kakilala ko po si Mon, kasabay ko na rin po siya sa mga hearings po noong ating TRAIN bill noon.
SEC. ANDANAR: Kumusta po iyong naging experience ng Bureau of Internal Revenue ngayong Enero 2018, especially noong a-kinse, kasi iyon ang suwelduhan eh.
ASST. COMM. CABREROS: Okay. Actually with the TRAIN Law po, marami pong sakop po na nabago sa TRAIN. Malaking bagay po ngayon na tinatrabaho ng BIR ang iba’t ibang issuances at mga guidelines po para sa ating kaalaman ng ating taxpayers para maipatupad nang ayos ang TRAIN.
Ang pauna nga po is iyong para sa withholding tax ng suwelduhan, para po maramdaman at sabi nga ho ng Presidente malaking bonus ‘yan sa lahat ng tao, bababa at mararamdaman ng bawat isa ang pagbaba ng buwis. Pauna pong naglabas kaming ng guidelines na gamitin na ng mga employers ang mababang withholding tax para sa unang pasuweldo po, lalo na iyong karamihan po is kinsenas, is pumasok na po at mai-adjust ang bagong withholding tax.
LEO: Eksaktong ramdam ba? For example, sabihin na natin ako’y sumusuweldo po ng—
SEC. ANDANAR: Forty one thousand…
LEO: Huwag naman, masyadong mataas iyon… Mababa doon…
SEC. ANDANAR: Hindi, kasi ‘pag mababa magre-restructure, mag-zero tax naman talaga, di ba?
LEO: Ah sige, sa 21 thousand. Kunwari tinaasan na po ako ng suweldo sa 21 thousand, so ang take home ko eksakto, 21 thousand, Asst. Commissioner?
ASST. COMM. CABREROS: Yes po. Kasi po iyong 21 thousand, dati po is may buwis ‘yan, ngayon po wala na po. Para mai-highlight po sa inyo kung gaano kalaki ang diperensiya ng buwis noon at buwis ngayon, dati po, sa halagang 10 thousand pesos, so annual po iyon, annual at hindi buwanan, 5 percent tax na kaagad. Sa bagong batas, 250 thousand annual, zero tax na po iyon. Kaya ang katumbas po more or less ng 250 thousand buwanan, is 20 thousand to 21 thousand pesos, wala na po tayong tax na dati-dati may nakakaltas silang mga more or less nasa around 1,600 or 2,000 na buwis – ngayon, wala na pong ikakaltas sa kanilang buwis.
LEO: Oo, so ang laki noon ha… take home.
SEC. ANDANAR: Mayroon akong chart dito Asst. Commissioner Marissa, ang nakalagay dito kapag ang suweldo ko ay 25 thousand pesos, noong 2017 Sir Mon, ang binabayaran kong income tax kada buwan ay P3,918. Ngayon sa bagong TRAIN Law, ngayong Enero 2018, iyong take home ko ngayon ay madadagdagan ng P3,283 dahil—
LEO: Ngayon?
SEC. ANDANAR: Oo, dahil nga sa TRAIN Law na binabawasan iyong income tax na binabayad sa BIR.
ASST. COMM. CABREROS: Yes po. Kasi ‘yan ho iyong epekto na ibinaba natin ng exempt ang exemption, P250 thousand zero tax na po. Kaya ramdam po ng ating masa, kasama po na magkaka-save siya ng more or less 8,000 plus buwanan. Kasi naman po kung balikan natin ang history, first time po, milestone po ng administrasyon natin na nabago iyong tax rate. Kasi po iyong dating tax rate, 20 years ago na po ‘yan, 20 years na pong hindi naa-adjust. So at least finally po, ngayon under current administration napapatupad na at baguhin at babaan iyong ating personal income tax para mas mababa po ang magiging buwis ng bawat isa.
SEC. ANDANAR: Okay. So, i-peg natin sa 25 thousand iyong suweldo. Ang savings mo ngayon Asst. Secretary Marissa would be, 39 thousand plus a year ang additional take home mo.
Mon, ang sinasabi kasi ng mga critics, magtataas ng presyo ng gasolina, magtataas ng presyo ng delata ng sardinas, ng pagkain… pero, can you give us a layman’s explanation, kasi may inflation daw. Ito bang 39 thousand ay sapat ba ito para doon sa sinasabi nilang inflation o pagtaas ng presyo dulot ng pagtaas ng presyo ng gasolina, etc.?
LEO: Ang eksaktong salita ng mga kritiko diyan: “Niloloko lang tayo.”
- MON ABREA: Actually malinaw naman po na sa unang dalawang linggo ng Enero, talagang nagbantay ang DOE at DTI na may nananamantala at nananabotahe doon sa pag-implement ng TRAIN.
At ‘yan ang panawagan natin sa lahat ng ating mga kababayan na kapag nag-hoarding, bilang nag-out-of-stock, bilang lumagpas doon sa sinasabi ng DTI na suggested retail price, dapat magreklamo tayo, i-tweet natin, i-post natin. Kasi, hindi lahat nauunawaan ng tao kung ano iyong impact ng TRAIN eh. ‘Pag sinabi ng headline na tumaas lahat ng presyo, parang tinanggap na lang natin. Eh ang linaw noong pag-iikot ng DTI, si Secretary Mon Lopez mismo nagsabi, ang karamihan sa presyo ng malalaking mga grocery stores, within suggested retail price despite the fact na nag-implement na tayo ng excise tax.
Pangalawa po, hindi po lahat ng commodities, basic goods o bilihin is dodoble o tataas ang presyo. Kasi kahit po may excise o tataas ang gasolina, o iyong sinasabi nating distribution cost, hindi naman po ito one is to one – na dahil tumaas ang ginasolina mo ngayon, dodoble iyong halaga noong produkto mo. So, ito po ay spread among the inventories na malaking volume. So hindi po makatarungan na, in fact, doon sa computation ng DTI, nasa .05 ang increase noong mga basic commodities—
SEC. ANDANAR: Iyong de lata…
- MON ABREA: De lata… na hindi sweetened beverages, iba po ang sa soft drinks. Mag-diet na po talaga tayo, soft drinks talaga malaki. Wala na po akong magagawa diyan. ‘Yan po ang isa sa kinontra ko dati kasi sabi ko, “bakit naman binawasan ninyo naman, trip ko ‘yan!” Ay hindi na talaga, train to diet tayo sa soft drinks.
LEO: Kaya nga ito, balikan ko lang ha… para mas maintindihan ng katulad ko na talagang ordinaryo naman tayong husto eh, Secretary ano, tama ba ako?
Ito kasi, parang… kapagka okay na ako, sa suweldo ko ‘di ba, okay na iyong take home ko, although may bawas sa SSS, PhilHealth at kung anu-ano pa. Pero ang laging bukambibig ng karamihan, dahil nga lumabas iyong mga balitang ganoon. Ang taas ng ganito, pati iyong renta ng bahay, kuryente, gasolina, pamasahe, as in magtataas lahat dahil daw TRAIN! So?
- MON ABREA: ‘Yan po iyong sinasabi nating pananamantala. Hindi naman po ibig sabihin na may TRAIN, eh lahat puwedeng itaas nila.
LEO: So hindi iyon agad-agad na ganoon? Na—?
- MON ABREA: Hindi po, lalo na po iyong sa upa ng mga apartment o dormitoryo, dapat linawin po natin – itinaas pa po ng TRAIN Law ang VAT threshold. Ibig sabihin ho, ‘pag sinabi nila, “Uy dahil sa TRAIN ha, Dagdagan ko na iyong upa ko. Dati 10 thousand, gagawin ko nang 15.” Mali po, kasi po hanggang 15 thousand wala pa rin pong VAT. So hindi po dapat gamitin iyong TRAIN sa pang-aabuso na gusto lang nilang itaas lahat. Kaya importante po iyong tamang impormasyon, kasi po ‘di ba madadarag ka din kapag ‘di mo alam iyong tama.
LEO: Correct, correct. So ibig sabihin Asst. Commissioner Marissa, iyong mga employer dapat ngayon eh hindi dapat nagbabawas ng buwis doon sa kani-kanilang mga empleyado.
ASST. COMM. CABREROS: Patukoy naman po sa mga employer para doon sa mga pagbabawas ng buwis, dapat po, ang pakiusap namin sa kanila, ke nilabas ho namin iyong guidelines as early as December 29 po nilabas na namin, kasi para iyong pagko-compute po nila ng suweldo ay tamang buwis na. However, mayroon naman pong mga employer na nakiusap, kasi iyong sistema ho nila hindi ho kaagad mabago iyong withholding tax rate sa sistema, at kung mano-manong gagawin parang masyadong marami o libo-libong mga empleyado ‘yan.
So ang pakiusap namin is, mayroon naman pong pagkakataon pa, hindi pa tapos po iyong buwan ng Enero, iyong suweldo po ng end of the month, dapat po mai-adjust nila at dapat ibalik sa empleyado iyong sobrang winithhold po noong January 15.
LEO: Parang retro na lang? Pagdating ng katapusan, isoli.
ASST. COMM. CABREROS: Iyon po kasi kailangan po… isoli po. Kasi ang effectivity po ng batas, January 1, 2018—
LEO: At kapag hindi sinauli?
SEC. ANDANAR: Siyempre, may kaso.
ASST. COMM. CABREROS: Kasi po hindi ho nila pera iyon, pera ho ng empleyado iyon, sobrang pinagka-kaltas, so dapat po ibalik ng employer.
So may pagkakataon naman pong i-adjust pa, kasi end of the month magko-compute na naman sila para sa end of the month na suweldo, puwede ho nilang ayusin. Kasi kahit po naman i-mano-mano ‘yan, siguro naman ho puwede i-overtime ‘yan.
Kami nga ho sa BIR, inulit po iyong aming payroll system, in-overtime po ng aming Accounting, 10 thousand plus employees po mano-manong ginawa para umabot po ng January 15 na tama po iyong aming withholding taxes.
SEC. ANDANAR: Okay. Ma’am Marissa, mayroon lang akong tanong about the, balikan natin iyong 25 thousand, at ipapa-explain ko kay Sir Mon itong tax calculator. Kasi mayroong tax calculator ang Department of Finance. So, hindi ko maintindihan, ipapa-explain ko kay Sir Mon kung anong ibig sabihin.
- MON ABREA: Okay. Dahil lahat naman tayo ay active sa social media, iyong Department of Finance ay naglabas ng link sa kanilang tax calculator. Kasi nga maraming iba’t ibang impormasyon iyong lumalabas, so iyong iba nadadala na lang.
So dito po sa tax calculator, ‘pag in-input ninyo po iyong 25 thousand at automatic po niyang ko-compute-tin kung ano iyong SSS, PAGIBIG, PhilHealth, kung magkano iyong take home pay mo o iyong tax savings mo under the TRAIN LAW.
So dito lalabas siya, ang net take home pay mo is bagong sistema, P23,346. Sa luma, P20,000. So malinaw, mayroon kaagad na P3,283.08 per month or P39,384 per year na annual fixed tax savings.
Pero hindi din naging bulag iyong tax calculator doon sa posibleng pagtaas ng presyo. So in-itemize din niya iyong epekto sa mga iinumin mo, sa pamasahe mo, at dito nakalagay na mababawasan, oo, iyong savings mo. Pero ultimately, ito ay less than 10% ng iyong fixed tax savings. Kaya ang overall impact sa’yo, after considering iyong pagtaas ng presyo still nasa P3,093 or wala pang P200 iyong epekto sa’yo noong pagtaas noong presyo.
SEC. ANDANAR: So, ano iyong mga naka-itemize diyan, Sir Mon?
- MON ABREA: Actually nakalagay dito pati nga sigarilyo eh, so in-assume kong nanigarilyo ka. Medyo mali ‘tong DOF [laughter]… healthy living po kami. Pero sabi ko nga iyong train to diet, bawas bisyo, bawas softdrinks. Kasi dito nakalagay ang epekto ng VAT, epekto ng excise sa oil, sa soft drinks, sa sigarilyo. Nakakainis ‘to in-assume lahat naninigarilyo, pati iyong inflationary impact… In short, pati iyong basic commodities kinonsider (consider) niya.
SEC. ANDANAR: Ibig sabihin, iyong epekto ng pagtaas ng presyo ng mga basic commodities every month nakalagay diyan?
- MON ABREA: Yes, every month.
SEC. ANDANAR: So magkano, magkano iyong…
- MON ABREA: Ang lumalabas sa calculator ng DOF, nasa 188.95. Uulitin natin ha, dagdag po ito… Huwag ninyo pong sabihing “mali iyong calculator, wala namang ganoong halaga,” hindi po. Ang kinompute (compute) po niya, iyong dagdag sa presyo dahil sa epekto ng excise.
SEC. ANDANAR: Okay. So kung P188 ang dagdag, pero iyong additional take home pay mo is…
- MON ABREA: P3,282…
SEC. ANDANAR: Nakatipid ka pa…
- MON ABREA: Correct.
SEC. ANDANAR: Nakaipon ka pa.
- MON ABREA: Ngayon po iyong argumento ng mga kritiko which is hindi pa natin dini-deny… “Paano iyong mahihirap, wala naman silang take home pay?” ‘Di ba, hindi naman po sinadya noong batas na pahirapan ang kahit sino, kaya nga po may subsidy. Kaya lang mukhang nagugulat ang karamihan na nasa probisyon po noong TRAIN iyong earmarking sa subsidy, hindi ko po ‘to gawa-gawa at hindi naman po ako tumatakbo (laughs). Binasa ko lang po iyong batas at inuulit ko lang.
SEC. ANDANAR: Puwede ka namang tumakbo…
- MON ABREA: Hindi po, mapapagod ako (laughs). Ang nakalagay po sa batas is, magdadagdag, uulitin po natin, magdadagdag ng P200 sa 10 million poorest households doon sa existing Conditional Cash Transfer. Kung susundin natin ‘tong computation na ‘to na in-assume na naninigarilyo ka’t nagso-softdrinks ka, eh P188 nga lang iyong epekto – may P200…
LEO: Correct…
SEC. ANDANAR: Kumita ako ng bente pesos.
- MON ABREA: Correct… kaya, ‘pag sinabi na “hindi naman sapat ang tulong ng gobyerno.” Hindi naman po natin puwede i-asa lahat sa gobyerno! Talaga pong totoong dapat mag-diet tayo. Magbawas-bawas tayo ng bisyo, totoo po iyon. (laughs)
SEC. ANDANAR: Maganda ‘yan Sir Mon, maraming salamat sa paliwanag. Marami pa tayong tanong para kay Asst. Commissioner.
LEO: Ang dami pa, oo, ang dami pa.
SEC. ANDANAR: In fact…
ASST. COMM. CABREROS: Yes, okay po.
SEC. ANDANAR: Kasi mayroon kasi Commissioner, iyong mga sinasabi na mayroon pa raw mga second tranche, third tranche o iyong second TRAIN, third TRAIN. So, alam mo kailangan natin ito maintindihan kahit papaano, bago ito ipasa ng Kongreso!
So Leo, uulitin po natin, live po tayo ngayon sa ating Facebook pages ng PCOO, PNA, PIA, PTV at RP1. At live po tayo nationwide of course sa Radyo Pilipinas Uno.
LEO: At siyempre ang mga katanungan mula sa ating mga kasamahan sa Malacañang Press Corps ay ibabato rin natin mamaya-maya…
SEC. ANDANAR: Oo, yes…
LEO: For a while, eh kami po’y pansamantala munang magbi-break… Magbabalik po ang Cabinet Report sa Teleradyo.
**more**
PART 3, CABINET REPORT, JAN. 20, 2018
(28:25)
LEO: Alright, balik tayo sa ating pagtatanghal. Ito po ang Cabinet Report pa rin sa Teleradyo. Again ito pa rin si Leo Palo III…
SEC. ANDANAR: Ito po si Secretary Martin Andanar… Kayo po’y nanonood/nakikinig sa programang Cabinet Report sa Teleradyo.
LEO: ‘Ayan… So keep on coming sa mga nanonood at mamaya-maya i-try namin na mabasa ang inyong mga questions. Ang dami, sigurado ito…
SEC. ANDANAR: Naku, ang daming mga tanong partner.
LEO: Sure ito, marami ito.
SEC. ANDANAR: Nasa linya pa rin po ng ating telepono si Asst. Commissioner Marissa Cabreros, and ang ating panauhin dito sa studio… ang tax wiz…
LEO: Tax wiz ha, wala akong masabi…
SEC. ANDANAR: Oo, mayroong wand, may dala ang mga wizard of the oz, Mon Abrea.
- MON ABREA: ‘Pag ‘di ko po nasagot iyong tanong, magsi-CR muna ‘ko (laughs)… Nakakahiya naman kay Asst. Commissioner…
SEC. ANDANAR: Ikaw pa… Okay, so ito ‘yung napag-usapan during the break, nasabi kasi ni Sir Mon na bukod doon sa mga empleyado na mas malaki ang kanilang take home pay ngayon – for example, ay ikaw iyong sumusuweldo ng 25 thousand ay nasa 3 thousand plus na.
Iyon pala, ang katotohanan pala doon iyong mga epekto pala doon sa pagtaas noong mga langis, etcetera ay nasa mga P188 lang pala, nakatipid ka pa, nakaipon ka pa. Pero ang tanong: “papaano naman iyong buwis ng mga small/medium enterprises?” So, itanong natin kay Ma’am Marissa kung anong epekto nito sa ating mga maliliit na negosyo, mga negosyante.
ASST. COMM. CABREROS: Okay. Iyong para po sa mga negosyanteng indibidwal… ang tawag po natin sila sa taxation is iyong ating self-employed/professionals. Sa kanila po, mayroon din pong option na nilagay ang TRAIN Law na kung hindi po lalagpas ng 3 million ang kanilang gross receipt sa isang taon, puwede po silang mag-opt na ma-subject sa 8 percent tax and in lieu of business taxes na ‘yan, so ibig sabihin wala na silang babayarang business tax, income tax lang po na 8 percent, iyon na ho iyong kanilang buwis para sa isang taon, or iyong sinabing option, nasa kanila kung gusto nilang ma-subject po doon sa graduated rate na taxes na katulad din po noong tax rate ng isang empleyado.
SEC. ANDANAR: So ang nabanggit ninyo po, kung tatlong milyon ang gross revenue ng isang—
ASST. COMM. CABREROS: Gross Receipt po, Gross Receipt…
SEC. ANDANAR: Gross Receipt ng isang negosyante, so otso porsiyento doon, iyon iyong babayaran niyang tax?
ASST. COMM. CABREROS: Yes po. Kaya lang po doon sa 8%, bago po natin i-apply iyong 8%… hindi po ba, let’s say 3 million, i-awas po natin muna iyong 250 thousand—
SEC. ANDANAR: Okay, suweldo…
ASST. COMM. CABREROS: Iyong neto. Kasi ang 250 thousand po sa suwelduhan, di ba yung unang 250, zero percent. Para parehas po ang treatment, sa isang indibiduwal po na hindi naman suwelduhan, nagnegosyo siya, iyong receipt niya, iyong paunang 250, tatanggalin po natin kasi walang buwis iyon, so saka natin i-apply iyong 8 percent na tax.
SEC. ANDANAR: Aba, so ibig sabihin Madam, lahat pala ng mga kababayan natin, iyong unang 250 thousand na kinikita ay dapat awas na iyon, bawas iyon?
ASST. COMM. CABREROS: Yes po. Iyong unang Gross Receipt po ha, kasi actually po sa pagko-compute ng buwis, iba iyong kita saka iyong Gross Receipt. So iyong Gross Receipt po, actual for a year less 250, iyong neto, iyon po iyong masa-subject sa 8% na tax. Tapos po, kung pasok kayo sa option na iyon, ‘di po ba ang isang negosyante naririnig ninyo may binabayaran na income tax, may binabayaran ding business tax. Kung pasok po kayo doon sa option na iyon, iyong 8 percent na ‘yan, wala na pong babayaran na katumbas na business tax.
LEO: Aba, oo…
SEC. ANDANAR: Kinompute (compute) ko Madam… Kung tatlong milyon ang Gross Receipt ko, binawas ko iyong 250 thousand, minultiply ko iyong 8 percent – ang 8% percent doon, 220 thousand sa tatlong milyon. So para lang mabigyan ng—
ASST. COMM. CABREROS: Isang taon po ‘yan ha… isang taon po.
SEC. ANDANAR: Sa isang taon, isang taon po, opo… So I just want to compare, kung mayroon tayong comparison. Magkano ba dati, kung ikaw ay kumikita ng tatlong milyon, negosyante ka, magkano ba iyong total na buwis na binabayaran mo?
ASST. COMM. CABREROS: Iyong dati pong tax rate, 32% po iyong 500 thousand and up, iyong lalagpas ng 500 thousand. Wala pong paunang 250 na binabawas, nasa maximum tax rate pa po siya ng 32 percent.
SEC. ANDANAR: Naku, so iyong tatlong milyon, i-multiply ko iyong 32 percent? Iyon na iyon?
ASST. COMM. CABREROS: More or less ho, pero kasi sa negosyante po may tinatawag tayong deduction. So i-neto natin muna, ‘di kunwari 3 million, para po mas simple may tinatawag tayong 40% optional tax deduction. So ibawas po muna ninyo iyong 40 percent…
SEC. ANDANAR: 1.2 so 3 million minus 1.2 oh. O tapos Ma’am, okay, 1.8 na lang.
ASST. COMM. CABREROS: Yes po. So times 32 percent…
SEC. ANDANAR: Times .32 – o ang laki… 576 thousand ang babayaran niyang income tax o business tax.
LEO: ‘Yan iyong dati.
SEC. ANDANAR: Dati…
ASST. COMM. CABREROS: Opo…
LEO: Ang laki, eh samantalang 200—halos kalahati ba, tama ba ako?
SEC. ANDANAR: Oo…
LEO: Sobra…
ASST. COMM. CABREROS: Halos mababa pa po sa kalahati, opo.
SEC. ANDANAR: Hmm talaga naman…
LEO: Kaya imposible na rin na mangyaring maningil pa sila, kasi iyong iba, alam mo iyong mga tusong negosyante. “o wala na kayong tax, o sige, magkano ka ba? 20? O ngayon 19 ka na lang (laughs) ‘di ba?
ASST. COMM. CABREROS: Hindi po. Ang objectiba po noong batas, noong binalangkas nila ‘yan, given po na mahirap nga po ang ating mga self-employed, sila po iyong tinatawag nating ‘hard to track, then hard to comply.’ So noong ginawa nang mas mabilis at mas easy iyong implementation, kumbaga madali na itong 8% ng Gross Receipt mo, mas madaling i-comply. We are hoping na sana po, iyong ating mga self-employed eh boluntaryo na pong mag-file at magbayad ng buwis kasi magiging mas madali na para sa kanila na i-comply.
SEC. ANDANAR: ‘Ayun, napakaganda talaga nitong TRAIN Law. Biro mo, 32 percent pala ang dating binabayaran Mon, ng ating mga maliliit na negosyante.
- MON ABREA: Kaya hindi po totoo na anti-poor, kasi tinanggal iyong additional exemption para sa qualified dependents. Kasi maraming nagsasabi na, “Paano ‘yan, may apat akong anak, dati mayroon akong 100 thousand exemption, tinanggal ninyo, paano na iyon?” Hindi po, pinalitan po siya ng mas mataas, sinimplehan, 250 thousand.
Ang sabi ko nga, eh kayo nga po mahabang panahon na-enjoy ninyo iyon. Eh ako po walang anak, pero tumutulong tayo sa pamilya, sa kapatid, pero wala tayong exemption. Ngayon po, lahat tayo nakikinabang ng unang 250 thousand, whether empleyado ka, at tulad noong sinabi ni Asst. Commissioner, kahit na small business ka, iyong unang 250 thousand mo, sa’yo na, hindi mo na bubuwisan.
Pero hindi lang iyong 8% ang maganda doon ha, wala ka na noong monthly compliance, so hindi mo na kailangan magbuwan-buwan kung qualified ka doon sa optional 8%. Sabi ko nga po, tayo po ay, para matulungan ang gobyerno, ang BIR sa pag-i-inform sa public, sa pag-implement ng TRAIN, na tayo po’y tumanggap ng maraming interviews the last two weeks, at pati po iyong mga cameraman, makeup artist, iyong mga freelancer ba, sinabihan natin sila na, “O kayong mga nagrereklamo at nape-penalize sa BIR,” ngayon ‘pag pumasok ka sa optional 8 percent, ang withholding sa’yo ng contractor mo 8 percent, wala ka nang babayaran. Ipa-file mo na lang siya quarterly.
**more**
PART 4, CABINET REPORT (AUDIO PART 3)
36:16
LEO: May tanong dito, Mon. May tanong dito Assistant Commissioner. Ang tax free ay para lang daw sa mga regular employees. Iyong mga contractual tumaas daw ang tax deduction nila?
ASST. COMM. CABREROS: Ay hindi naman po, iyong mga contractual po is nasa kategorya silang tinatawag nating self-employ professional. Dati-dati po ang withholdings sa kanila ng income fare sa kanila is either 10 or 15 percent. Iyon po iyong sinasabi ni Mon na ibinaba na rin po ang withholdings sa kanila, 8 percent.
Kaya lang po kung ikukumpara sa isang empleyado. Ang empleyado po, ang employer na ang namamahala na pagdating ng end of the year sakto-saktuhan na po ang taxes kaya hindi na sila nagpa-file ng return. Pero ang contractual po hindi natin alam, iba-iba ho ang tinatanggapan nila ng kanilang income, hindi natin sigurado kung exclusive siya sa iisang income-payor. So lahat po ng natatanggap niya kakaltasan ng 8% so may obligasyon po siyang mag-file ng return at a yearend para po ma-isuma niya lahat ng tinanggap niya, mag-compute ng tax less ‘yung mga 8 percent na kinaltas sa kaniya. Kung sakali pong sumobra eh puwede ho siyang mag-file ng refund.
LEO: Iyon puwede pala. Ito from—sa Facebook pa rin.
SEC. ANDANAR: Sige sige go ahead, sige.
LEO: Unahin muna natin iyong mga nanonood sa atin.
SEC. ANDANAR: Sige, sige.
LEO: From Norma Kanto-abubo. Hindi ko alam kung saan siya. So paano daw iyong isang—iyong 100,000 plus lang in on year ang suweldo at sila ay ordinaryong workers sa government at ang basic na bilihin mahal kaysa dati. Ano po ang palagay ninyo mga sir?
ASST. COMM. CABREROS: Pagdating po doon sa withholding taxes, kung 100,000 po sa isang taon, wala po dapat na nakaltas na sa kaniya na withholding taxes kasi pasok po siya doon sa exemption.
LEO: Iyon, nasagot naman siguro from Ron Uy Pasion. Sir, dito sa amin sa Masbate tumaas ang pamasahe sa fast craft from 396 naging 540, that’s 35 percent increase. Sa tingin po ninyo iyan ay excessive fare hike na? May ganoon ba Mon na agad-agad?
- MON ABREA: Siguro po iyan po iyong sinasabi natin na may mga nananamantala or profiteering na dapat tayong mga consumers or mga mamamayan ay magmatiyag din at tulungan ang gobyernong bantayan na iyong mga nananamantala is malaman ng gobyerno or iyong mga concerned government agencies.
Kasi ‘di ba hindi naman kaya talagang bantayan lahat pero kung tutulong tayong mga mamamayan dahil alam natin na 35 percent increase at sa tingin ko hindi lang TRAIN ang problema diyan. Baka talagang nagtaas siya ng presyo, ‘di ba? Mukhang ginagamit lang nila iyong TRAIN para ma-i-excuse nila iyong pagtataas ng presyo.
LEO: Correct. Parang iyon nga lagi nilang nirarason, ‘Oh may TRAIN kasi kaya ganito.’ Iyong apple dati 25 pesos ngayon singkuwenta na. Imagine mo iyon.
ASST. COMM. CABREROS: Kaya nga po iyong nananamantala, nagbabantay po ang DTI pero kami naman po sa BIR kung sinasangkalan po nila ang pagtataas ng presyo nila dahil sa TRAIN, eh dapat po may ine-expect kami, kasi kung tutuusin po profit po iyang dinagdag nila, hindi iyan dahil sa TRAIN. Dapat po is makakakita kami ng pagtaas ng buwis na babayaran nila itong buwan ng January kasi subject sa income tax at saka business tax, iyong pag-increase naman ng profit ng mga negosyanteng iyan.
SEC. ANDANAR: Okay, Assistant Commissioner at Sir Mon, mayroon lang tayong mga man on the streets na papakinggan natin. Ito po iyong sinasabi ng mga empleyado natin after sila sumuweldo noong 15th of January.
(VIDEO PRESENTATION)
SEC. ANDANAR: Lumalabas ba iyong audio?
LEO: Iyan mukhang hindi ko narinig. Iyan.
SEC. ANDANAR: Mukhang sa Facebook lang yata lumalabas eh.
LEO: Ah akala ko nag-sign language ako eh. [laughs].
SEC. ANDANAR: May dumaan na anghel. Iyon and sa Faceboook, live siya sa Facebook pero—Anyhow ganito po iyan ‘no. Ano po ang kailangan pa nating malaman, ano pa ang puwede, ang dapat naming alamin, Assistant Commissioner patungkol sa TRAIN?
LEO: Hindi, mukhang siya yata iyong naputol.
SEC. ANDANAR: Naputol siya—
LEO: Naputol sila ng train? Naputol ang train. [laughs].
SEC. ANDANAR: Kay Sir Mon na lang. Sir Mon ano pa iyong mga dapat malaman ng pangkaraniwang mga empleyado tungkol sa TRAIN?
- MON ABREA: Okay biro ko nga, ngayon puwede ng mamatay kasi dati marami tayong minamana na hindi natin mailabas sa bangko o hindi natin ma-transfer iyong titulo.
LEO: Huwag naman, huwag muna ngayon.
- MON ABREA: Hindi kasi double dead ang buwis dati, 20 percent. Ngayon po binaba sa 6 percent at may tatlo pong probisyon na dagdag na ako mismo ay natutuwa dahil iyong ating mga kababayan o lalo na iyong mga magsasaka na nagmana ng kanilang lupa pero nakapangalan pa rin sa mga ninuno nila. Ito ay pagkakataon na nila kasi po iyong first 1 million exempted na—ay iyong dating 1 million standard deduction or exemption ginawang 5 million. Ibig sabihin iyong unang 5 million na minana mo, walang buwis. Maliban doon kapag may bahay at lupa, dati 1 million lang ang exception, ginawang 10 million.
So in short lahat ng mga mamanahin natin iyong unang 15 million technically wala ng buwis at from 20 percent binaba siya sa 6 percent. Pero ang mas maganda which is isa ito sa talagang pinaglaban natin na paulit-ulit nating ipinost sa Facebook. Kapag may perang naiwan sa bangko iyong namatay, huwag ninyo naman kaming singilin sa buwis pero ayaw ninyong ipa-withdraw iyong pera. Wala naman kaming pera, iyon ngang minana ang ibabayad. Ngayon po puwede ng withdraw-hin. I-wi-withhold na lang iyong 6 percent kasi nga ibinaba na rin iyong estate tax.
SEC. ANDANAR: So halimbawa mayroon kang isang daang libo na minana sa Lolo mo at namatay si Lolo tapos habang hinahalungkat mo iyong kagamitan niya, nakita mo mayroong passbook doon, hundred thousand—
LEO: Hundred thousand ‘di ba?
SEC. ANDANAR: Kailangan ng pambayad sa tuition ni ineng. So puwede mo ng makuha iyong hundred.
- MON ABREA: Puwede na pong ma-withdraw iyon—
SEC. ANDANAR: Minus?
- MON ABREA: Wala po. Iyong buong 6 percent, iyon na lang po.
SEC. ANDANAR: Dati?
- MON ABREA: Dati po hanggang 20,000 lang kaya ‘pagkamalaki iyong pera sa bangko naka-frozen siya. Freeze siya doon hindi siya puwedeng i-withdraw.
SEC. ANDANAR: O tapos kung mayroong lupa?
- MON ABREA: At kung may bahay at lupa. Dati po dahil ang minana mo lupa hindi pera, so wala kang pambayad ng estate tax. Ngayon po 6 percent na lang at iyong unang 10 million iyong halaga, exempted pa.
SEC. ANDANAR: Aba.
LEO: Marami pa lang.. Sabihin na nating kategorya doon sa TRAIN.
- MON ABREA: Hindi po iyong TRAIN po halos sinakop niya po iyong buong tax code. Kaya nga po iyong sinasabi ni Attorney Moc(?), dalawampung taon ang hinintay natin dito sa pagbabago na ito.
At noong sabi nga natin, ‘di ba, broken hearted tayo doon sa previous administration kasi lahat tayo umiiyak na. Lahat tayo kinompare na natin sa ASEAN, ASEAN tayo pero tayo ang pinakamataas ang rate. Wala pa rin, walang nangyari! Waley kumbaga sa lengguwahe, waley sabi ng mga millennials, walang nangyari. Kaya ngayong naipasa ito eh huwag na tayong mamulitika, makipagtulungan tayo kasi para talaga sa taong bayan ‘to.
LEO: Itong coaches ba itong TRAIN na ito? Parang ang haba yata?
SEC. ANDANAR: Hindi ilan ba iyan?
- MON ABREA: Dati actually 5 pero ngayon mukhang magiging 3 na lang kasi marami ng na-advance o naisama sa TRAIN 1, pero iyong TRAIN1 pala 1-A pa lang, mukhang may 1-B pang pine-prepare ang DOF at may 2 pa.
SEC. ANDANAR: Ito iyong pinag-uusapan natin iyong 1-A. Ano naman iyong 1-B, Assistant Commissioner Marissa Cabreros?
ASST. COMM. CABREROS: According po sa DOF, may panukala pong 1-B, iyong kaakibat sa usapin po on amnesty. Katulad po noong sa estate tax amnesty ‘di ba napakaimportante po noon kasi binaba po natin iyong estate tax to 6 percent. Paano naman po iyong mga namatay prior to the new law?
Hindi naman po nila kasalanan na hindi sila nagbayad ng estate tax, maaaring wala silang cash, walang pambayad. Sabi ni Mon, puro lupa ang property pero hindi naman maibenta kasi may estate tax. So may panukalang magbigay ng amnestiya sa estate tax para clean slate po at sila rin makinabang sa pagbaba ng estate tax rate.
SEC. ANDANAR: Hanggang kailan itong amnestiya na ito, Assistant Commissioner?
ASST. COMM. CABREROS: ‘Pag-uusapan pa po part siya ng package 1-B na tinatawag. ‘Pag-uusapan pa at hindi pa ho nagsisimula na ma-resume ulit iyong hearing tungkol diyan pero sabi po sa amin ng Senado is isasalang na nila at ikakalendaryo ang ‘pag-uusap tungkol sa amnesty.
- MON ABREA: Pero maraming matutulungan iyan, Sec. Martin kasi, sir Leo sa mga probinsiya, kasama na iyong probinsiya namin, hindi uso ang pagta-transfer ng titulo. Lumulipat ka na lang ng bahay ‘pag namatay na iyong Lola mo, iyong Tita mo, doon kana kasi wala naman silang balak ibenta.
Pero halimbawa sa ating mga magsasaka, kapag gusto nilang mangutang sa bangko, hindi nila magamit iyong lupa nila kasi hindi nakapangalan sa kanila. Iyon iyong sinasabi natin iyong mga middle man na nakikinabang.
Ngayon po kapag naipasa itong 1-B na mayroong amnestiya talaga pong imbes na mapunta sa interes iyong pera noong mga kababayan natin, iwe-waive na ng gobyerno para lang ma-transfer na iyong titulo.
*more*
46:04
PART 5, CABINET REPORT, JAN. 20, 2018
(46:04)
SEC. ANDANAR: Teka, ito bang ano Sir Mon at Asst. Commissioner, itong pagbawas ng income tax, parehas ba iyong calculation mapa-pribado ka man o gobyerno, parehas lang ba?
ASST. COMM. CABREROS: Iyong income para sa individual, parehas po, parehas.
SEC. ANDANAR: So ibig sabihin, ‘tong mga cameraman namin dito nabawasan na iyong tax ninyo?
ASST. COMM. CABREROS: Opo…
- MON ABREA: So dapat pala magpa-burger ‘tong mga nandito (laughs)…
SEC. ANDANAR: Oo, magpa-burger dapat kayo
- MON ABREA: Lahat po ha, ang sinasabi nga natin hindi lang po—ngayon hindi lang minimum wage earners ang matutuwa. Lahat kahit sino, basta ang sahod mo o kita mo hindi lumagpas ng 8 million, makikinabang ka sa pagbaba ng personal income tax.
SEC. ANDANAR: So ang inyong mga natipid ba, ini-report ninyo ba kay misis iyon? (laughs)
LEO: (Laughs) May ganoon talaga. Sandali lang, mayroon tayong ano—pakinggan natin ang ating mga kababayan na nasa labas. Alamin natin iyong contractual, tumaas daw ba? Iyon ba iyon, tama ba ako, iyon ba iyong, tingnan natin, pakinggan natin ang ating…
SEC. ANDANAR: Iyon man on the street, dapat ito na in-interview ng ating production kung ano iyong kanilang tingin sa bagong TRAIN Law, kung sila ba’y nakinabang. Pero may problema ‘ata tayo.
Hindi, ganito na lang, kasi I think na-exhaust. Mayroon pa ba kaming dapat malaman Asst. Commissioner dito sa TRAIN Law, iyong ating mga ordinaryong kababayan? Nabanggit na po sa amin ni Sir Mon iyong sa estate tax, nabanggit na po iyon; napag-usapan na rin po natin iyong suweldo, iyong additional take home pay, at napag-usapan na rin po natin iyong posibleng epekto ng inflation. Mayroon pa bang dapat malaman o mayroon po ba kayong mga reminder sa ating mga empleyado, Asst. Commissioner?
ASST. COMM. CABREROS: I’ll take this as an opportunity po, i-remind ko lang po iyong atin pong pagpa-file taun-taon po or before April 15 is tax season natin, magpa-file na naman po tayo ng ating income tax return. So iyong individuals’ po, pati corporation ang tax return po, annual is due on or before April 15.
Paunawa lang po, ang laman po ng report ninyong ‘yan is income po ninyo na kinita ninyo ng 2017. So therefore, old tax rate po ang gagamitin natin. Iyon pong new tax rate is para ho sa income natin this year. So iyong ipa-file sa April 15, annual return, old tax rate po muna ang gagamitin. Pero iyong TRAIN Law nararamdaman na natin ‘yan simula itong January 1 doon sa kinikita natin today.
SEC. ANDANAR: Okay. So iyong filing ng income tax, ulitin ko this April, ang gagamitin dito na sistema, iyong lumang sistema pa, iyong last year pa.
ASST. COMM. CABREROS: Yes po, opo…
SEC. ANDANAR: So, mabigat pa… Pero by 2019, iyong babayaran mo, iyong pagpa-file mo, gagamitin mo nang batas, iyong sa TRAIN Law na.
LEO: Sa TRAIN Law…
ASST. COMM. CABREROS: Yes po, opo…
SEC. ANDANAR: Okay. Okay lang iyan, siyempre kailangan nating sumunod sa batas. Hindi naman puwedeng hindi sumunod, saka nadagdagan na nga iyong take home pay mo saka iyong savings hindi ba? Kaya okay na iyon. Maraming salamat po sa inyong panahon, Asst. Commissioner Marissa Cabreros. Ma’am, mabuhay po kayo.
LEO: Thank you so much, ma’am.
ASST. COMM. CABREROS: Okay. Maraming salamat din po.
LEO: Assistant Commissioner ng BIR, Marissa Cabreros po ang ating nakasama’t nakapanayam. Well sabi dito, “Good news po ‘yang estate tax na ‘yan, sa friend ko may milyones sa bangko. Ang namatay niyang nanay, ilang taon nang frozen ang milyones nila sa bangko.” (laughs)
SEC. ANDANAR: Kasi walang pambayad…
LEO: Huwag ninyo kaming kalimutan dito ‘pag nakuha ninyo (laughs). Milyones ang pinag-uusapan eh.
- MON ABREA: Pansinin mo iyong serbisyo o sakripisyo ng gobyerno, iwi-waive niya lahat iyong interest at penalty na dapat makolekta niya pagka iyong amnesty ay na-approve. Kaya ito talaga, para sa ating lahat. Ako, hindi ko nakikita iyong sinasabi nila na anti-poor, kasi nga ang objective natin dito hindi lang i-simplify, hindi lang ibaba, tulungan tayong makapagbayad ng ating kontribyusyon para sa pagbabago o sa pag-unlad ng ating bayan.
LEO: Mon pakinggan natin ito. Sec., tingnan natin… pakinggan natin kung makukuha na natin iyong ating MOS, iyong Man on the Street natin… [AUDIO PRESENTATION]…
SEC. ANDANAR: …Natipid mo, ginawa mong negosyo?
- MON ABREA: Opo, in-invest na po kaagad natin…
SEC. ANDANAR: Aba, maganda ‘yan ha, maganda…
- MON ABREA: Actually iyong isang staff natin sa office, tinag ako, bumili ng TV, 32 inches proud na proud [laughter]. Ito po’y totoong kuwento ha, hindi po ‘to gawa-gawa ah… kasi wala naman din akong idadagdag sa bonus niya, tapos na eh. Ibig sabihin, ito iyong mga talagang benepisyo na nae-enjoy ng ating mga kababayan, at para po sa akin, masaya ako kasi bilang tax advocate, ito naman iyong gusto natin, huwag nating pahirapan iyong ordinaryong Pilipino.
SEC. ANDANAR: Marami ka ngang magagawa sa tatlong libong dagdag na kita kada buwan. Leo ikaw, halimbawa nabigyan ka ng extra P3,282… anong gagawin mo doon sa—
LEO: Aba… ibabangko ko na lang.
- MON ABREA: Akala ko ililibre mo kami (laughs)…
LEO: Kasi pagka binili ko nang binili ng pagkain ‘yan… kami ni Moby(?) ano kami, nagda-diet kami ngayon.
- MON ABREA: ‘Ayan… basta hindi nagso-softdrinks…
LEO: Oo (laughs)…
SEC. ANDANAR: Ilang ano na ito, ilang hamburger na ito…
LEO: May tanong dito sa’yo…
- MON ABREA: Yes, Sir Leo…
LEO: Kasama daw ba dito, ito nakakatuwang tanungin ‘to: “Kasama daw ba dito iyong amnesty, iyong mga oligarch na hindi nagbabayad ng buwis sa matagal nang panahon?” (laughs) Mula kay Aileen.
- MON ABREA: Alam mo sa totoo lang, dito walang kakampi o kalaban. ‘Pag dineklarang amnesty, pinapatawad ka ng gobyerno. So sana lang makipagtulungan sila na ideklara nila talaga iyong totoo. Kasi kung hindi, mayroon pong ngipin ‘tong amnesty ‘na ‘to ha, ili-lift iyong bank secrecy. Ibig sabihin, mabubuksan ng gobyerno ang bank accounts natin kung nagsisinungaling pa rin tayo.
SEC. ANDANAR: Okay, ito ang sabi kasi sa… mga nabasa ko sa pahayagan, and this is a very pro-poor tax system. So, dito naman tayo sa, halimbawa sa mga mayayaman. Magkano iyong dagdag na tax nila?
- MON ABREA: Alam ninyo po sa mayayaman ha, iyong kumikita ng above 8 million, 35% po.
SEC. ANDANAR: Magkano ba dati?
- MON ABREA: Dati po lahat tayo 32 eh… ‘di ba po, nagsisiksikan sa 32% kahit na nasa 40 thousand ka lang monthly, 32 percent ka na. Ngayon po, kapag ikaw ay may annual gross 8 million, 35 percent na ang buwis. Ang tawag ng DOF dito ‘ultra-rich’!
Isa po ako sa umiyak diyan kasi iyong una 5 million. Sabi ko, “Ay hindi ultra-rich ang 5 million, makikipagpatayan talaga ako.” Kahit kay Tito Boy Abunda sabi ko talaga, “hindi!” Kaya sabi ni Tito Boy, “Para namang apektadong-apektado ka?” Hindi naman po masyado! Tinaas ng 8 million, masaya na tayo, okay na tayo.
SEC. ANDANAR: So 8 million…
- MON ABREA: 35 percent…
SEC. ANDANAR: 35 percent.
- MON ABREA: Ultra-rich na sila…
SEC. ANDANAR: Tapos 2.8 million ang babayaran nila na…
- MON ABREA: Ultra-rich naman sila.
SEC. ANDANAR: Ang laki-laki ng 8 million, it’s time to give back.
- MON ABREA: Iyan iyong sinasabi nating progressivity ng income tax, ang buwisan mo, iyong mas malaki ang kita.
LEO: Yes, hindi mga ordinaryo.
SEC. ANDANAR: So, ito ba ay 35 percent from 8 million and above? So ‘pag kumikita ka ng 100 million, for example, kung ikaw ay mga mala-ano ka na, mala-Ayala, mga ganiyan, oo.
- MON ABREA: Bale po actually, mag-a-apply muna iyong tax table. So in short, exempted ka pa rin sa first 250 thousand. Kasi nga mahirap/mayaman, kakampi/kalaban, dilaw o anong kulay, iyong first 250 thousand exempted talaga!
SEC. ANDANAR: Oo. So pati mga kalaban sa pulitika, kaibigan sa pulitika…
- MON ABREA: Oo, puti, blue, kahit anong kulay…
SEC. ANDANAR: Blue, pula, dilaw o…
- MON ABREA: La Salle, Ateneo… kahit ano (laughs)
SEC. ANDANAR: Kahit na iyong mga nagmamartsa. oo.
- MON ABREA: Isama natin iyong San Beda ha, taga-San Beda ako eh (laughs). Pati San Beda, lahat makikinabang.
LEO: Sandali ha, bago tayo mag-break. Balikan ko lang, nag-MOS tayo kanina eh. Lumabas iyong ating mga tanong ng ating mga kababayan kanina sa Facebook Live, eh ang concern nila doon, iyong bumaba iyong tax, pero tataas naman daw iyong bilihin at pamasahe. Anong explanation mo doon?
**more**
PART 6, CABINET REPORT
56:05
- MON ABREA: Okay. Malinaw po doon sa TRAIN law na mayroon po tayong tinatawag na earmarking. 70 percent ng kikitain ng gobyerno dito sa TRAIN law ilalaan don sa ‘build, build, build’ or infrastructure project, iyong sinasabi nating ambitious infrastructure project. Alam ninyo po kahit anong itaas ng presyo makikinabang tayong lahat dito maniwala kayo sa akin, pero iyong 30%, ito po iyong nakakalimutang ‘pag-usapan!
May subsidy na nakalaan, may diskuwentong ibibigay sa 10 million poorest households. 10% pong diskuwento sa pamasahe, pero maliban diyan may fuel voucher. Ibig sabihin lahat ng public utility vehicles hindi nila mararamdaman iyong excise ‘pag na-release na iyong fuel voucher, kasi ang gustong buwisan ng gobyerno at malinaw ang datos ng DOF dito.
Ako na naman ang tinamaan, feeling ko talaga mayaman ako. Lahat ng SUV owners na diesel, sila ang gustong buwisan kasi more than 60 percent ng diesel consumers mayayaman sa naman. Dapat ang diesel pang jeep lang dati. Ang nangyari ngayon lahat ng ating mga manufacturers puro diesel na iyong nire-release na SUVs. Kasama ho tayo diyan, nag diesel… ang laki ng natipid, ngayon binawian na tayo. So pero pinrotektahan ang PUVs, may fuel voucher sila.
SEC. ANDANAR: So may voucher ang PUV owner?
- MON ABREA: Yes.
SEC. ANDANAR: Iyong driver—ikaw ang driver, operator—
- MON ABREA: Para hindi nila maramdaman iyong dagdag na excise.
SEC. ANDANAR: At bukod doon sa voucher na iyon, iyong mga 10 million—
- MON ABREA: Poorest households—
SEC. ANDANAR: Households or families.
- MON ABREA: Iyong sinasabing posibleng tumaas na pamasahe, handa na rin iyong TRAIN law, may 10% discount.
SEC. ANDANAR: Plus 200 pesos?
- MON ABREA: Correct. Plus 200 pesos dadag sa conditional cash transfer na existing.
LEO: Eh anong sinasabi ng mga militanteng Congressman, ano ito?
- MON ABREA: Hindi po baka po nakalimutan nila iyong math nila, nag-iba-iba iyong number kasi po—
LEO: Hindi ako, hindi ako marunong sa math.
SEC. ANDANAR: Kasi partner dito nga sa—
LEO: Eh bakit ang mga ito, ano bang—
- MON ABREA: Hindi baka iba po iyong calculator na gamit nila.
SEC. ANDANAR: Dito sa tax calculator kapag 25,000 ang kinikita mo kada buwan, iyong estimated na impact doon sa—
- MON ABREA: 188 lang—
SEC. ANDANAR: So ang ibig sabihin ang laki talagang natipid mo kasi ang take home mo 3,300. Eh kung ikaw naman ay halimbawa sumusuweldo ng kinse mil. Eh hindi ko alam kung bibilangin ba ito dito.
LEO: Kung ang take home mo pala is 3,000—
SEC. ANDANAR: ‘Pag 15,000 ang suweldo mo ang calculated impact, ito po iyong impact sa VAT sa langis at siyempre kapag 15,000 siguro wala ka namang sasakyan. Ano iyong SSB ano iyon?
- MON ABREA: Iyon po iyong soft drinks—
LEO: Sweetened—
SEC. ANDANAR: Sweetened beverages.
- MON ABREA: Correct.
SEC. ANDANAR: Sin taxes, inflationary impact, targeted cash transfer. Alam mo 86 pesos lang pala ang dagdag na impact. So tipid na tipid ka. Kasi iyong 200 pesos iyong ibinigay sa iyo na conditional cash transfer na dagdag eh—
- MON ABREA: Dagdag po ha, dagdag. Pero maliban po diyan siguro Secretary Martin and sir Leo, banggitin din natin iyong dalawa pang aspeto: Una, iyong proper personal financing, iyong paggamit noong tamang sahod natin o kita natin na puwedeng i-invest, i-save o i-negosyo ‘di ba? O kumbaga alam na nating tumaas ang soft drinks baka dapat talaga magbawas tayo ng konsumo kasi health measure din po ang excise tax sa soft drinks. Iyan nga po ang isa sa kinotra ko noon kaya sabi ko, ‘Bakit ba pati bilbil ko binibilang mo?’
LEO: Sabi ko nga Sec., sabi ko nga Mon, kung mag-take home pala ako ng 3,000—
- MON ABREA: Mayroon ka na nga sir.
LEO: Balik bisyo na ako. [laughs].
SEC. ANDANAR: Hindi at saka ‘di ba sabi ni Sir Mon, sabi ni Sir Mon na you live a healthy lifestyle. Bawasan mo iyong—
- MON ABREA: Sigarilyo at soft drinks.
SEC. ANDANAR: Kaso ‘di ba kasama rin sa tax ito kapag may diabetes ka hindi ka na magbabayad ng VAT?
- MON ABREA: Ito po, iyan buti nabanggit ninyo. Kung matigas ang ulo mo, mahal ka pa rin ng gobyerno kasi next year VAT exempt na rin po ang lahat ng gamot sa diabetes, cholesterol at hypertension.
LEO: Tayong mga media?
- MON ABREA: Kaya iyong mga matitigas po ang ulo, sige laklak pa. Next year VAT exempt ka pa rin. Medyo ano talaga? Kung hindi ka pa ba naman sinalo ng gobyerno.
SEC. ANDANAR: Maraming salamat sa inyong panahon, that tax wiz sir Mon Abrea.
LEO: Saan ba puwedeng magpakonsulta sa inyo?
SEC. ANDANAR: Kasi marami akong mga kaibigan na kailangan magpakonsulta pagdating sa kanilang mga problema sa buwis, saan ka ba puwedeng kontakin?
- MON ABREA: Actually po unang una po may maganda tayong balita, may TRAIN handbook po kaming ire-release next week.
LEO: Uy kailangan natin iyon.
- MON ABREA: Okay po. Sa TRAIN handbook po 100 questions mula po sa batas. Kinonvert po namin sa layman’s term. Tanong at sagot, ayon sa batas ha, hindi ko po opinyon. Hindi po ito pro-Duterte, pro-government, hindi po… Kung ano po iyong laman ng batas! 100 questions, so next week po siya.
SEC. ANDANAR: Iyan ba iyong hawak mo?
- MON ABREA: Hindi po ito pong tax guide is project natin with Commissioner Billy Dulay.
LEO: Ang galing.
- MON ABREA: Libre po ito. Libre po ito, Sec., sa inyo na po. Ipamimigay sa lahat ng BIR office po.
LEO: English-Tagalog? English tagalog?
- MON ABREA: May Tagalog din po, tax comics. So—
SEC. ANDANAR: Napakagandang lalaki nitong nasa likod. Eh iyong nasa gitna.
LEO: Akala ko iyong humahawak.
SEC. ANDANAR: Raymond “Mon” Abrea: Founding Presidente of CSR.
- MON ABREA: Iyan kasi po advocacy partner tayo ng BIR at DTI—
LEO: Uy pahingi daw siya ng handbook sabi ni MR. Malicdem at si MR. Puyat
- MON ABREA: Opo libre po iyan.
SEC. ANDANAR: Libre ito ipa-photocopy ko.
- MON ABREA: Hindi po, dadalhan ko na lang po kayo ng kopya.
SEC. ANDANAR: Alam mo CDF ito, mula sa—
- MON ABREA: Opo available din po siya sa ACG.ph. Puwede ninyo pong ma-access for free. Ulitin po natin libre lang po itong tax guide at tax comics. Puwede na rin po kayong mag-subscribe sa tax wiz mobile app, Secretary and Sir Leo. Puwede mo ng computin at i-file ang returns mo. Libre lang po siya. Mag-like lang po kayo sa The Philippine Tax Whiz at CSR-Philippines Facebook account, Twitter, Instagram, lahat po ito libre. Hindi po tayo taga gobyerno pero naniniwala po tayo na governance is a shared responsibility.
SEC. ANDANAR: Talagang pinagpala itong si Mon—
LEO: Halatang-halata.
SEC. ANDANAR: Iboboto ko itong Senador.
- MON ABREA: Hindi po ako tumatakbo baka magalit po iyong Nanay ko, nakikinig. Hindi po ako tatakbo!
LEO: Anyway iyan pong mga sinasabi ni Sir Mon, lahat po mapapanood ninyo palagi iyan sa PTV4, sa PCO, sa Facebook live ng RP1. I-roll natin iyan ano, Sec.? I–roll natin iyan, iyang graphics na iyan.
SEC. ANDANAR: Kaya si Weng, kausap ko na si Sir Mon bibigyan din tayo ng kopya noong kanilang mga infographic—
- MON ABREA: Opo para ma-share po. Then para doon po sa gustong um-attend ng seminar every Friday po may TRAIN seminars tayo. May libre pang burger. So diyan lang po sa Quezon City sa may Max’s sa Scout Tuazon. I-email ninyo lang po kami. Consult at ACG.ph or puwede ninyo ring bisitahin iyong aming website ACG.ph.
Uulitin po namin iyong tax guide po at tax comics libre lang po siya. Iyong TRAIN handbook ilo-launch po siya sa PCCI QC next Friday. At tayo po ay sumasagot ng libre sa lahat ng tanong sa Facebook, sa Twitter, sa Instagram. Just follow us The Philippine tax Whiz and CSR Philippines.
SEC. ANDANAR: Mabuhay ka.
- MON ABREA: Thank you sir.
LEO: Sa mga nag-message sa akin na mga media. Sa akin po muna kayo mag-ano, ako po ang Manager ni Sir Mon ngayon. [laughs]. Maraming nagtatanong, gustong i-guest eh. Kaya sabi ko, dito kayo sa akin magdaan.
SEC. ANDANAR: Ako iyong naka-discover nito.
- MON ABREA: Maraming salamat po. [laughs].
SEC. ANDANAR: Well it’s 12:11 in the afternoon na, Sec., at Mon, magbabalik po ang Cabinet Report sa Teleradyo.
(Commercial Break)
LEO: Alright! Balik tayo it’s 12:20 in the afternoon na po at siyempre pa ito pa rin po si Leo Palo III.
SEC. ANDANAR: Ako po naman si Secretary Martin Andanar. Kayo po ay nakikinig sa programang Cabinet Report sa Teleradyo.
Isa rin sa mainit na balita Partner, nitong nakaraang Linggo ay iyong pagsangkot kay Special Assistant to the President Secretary Bong Go sa acquisition nitong bilyong-bilyon na frigate acquisition project ng Philippine Navy. Pero ayon po naman sa dating flag officer in command na si Vice Admiral Ronald Joseph Mercado, walang kinalaman si Special Assistant to the President Bong Go sa acquisition na iyon.
LEO: Aba’y Special Assistant to the President or SAP Christopher Bong Go eh, hindi po siya kailanman natanong o hindi siya nagtanong ano pa man, doon sa isyu ng Philippine Navy sa 18 billion frigate acquisition project ha. Ito iyong part at although na relieve ni Defense Secretary Delfin Lorenzana si Vice Admiral doon sa, hindi naman dahil doon sa isyu mula sa kaniyang puwesto noong December 18, dahil daw sa sinasabing lost of trust and confidence doon sa integrity ng leadership.
Well dito nakatakda naman talaga daw na magretiro this coming March si Admiral pero ang ibang isyu naman iyon. Kaya nag-ugat po iyong pagkakasibak niya sa puwesto sa umano ay pagbibigay-pabor niya sa isang kumpanya na magus-suplay daw di umano ng mga gamit ng combat management system ng frigate project. At dahil sa mga ipinupukol na isyu kay SAP, aba’y lumalabas na si Vice Admiral Mercado eh para po magsalita at sabihing hindi niya nakakausap si Secretary Bong Go tungkol sa kahit na ano mang pamimili ng mga gamit ng Philippine Navy kahit na ilang beses na silang nagkasama sa mga appearances ng Pangulong Duterte sa Navy events. At para mas maliwanagan tayo Secretary, mga kababayan sa lahat ng isyung iyan.
Makakausap na po natin sa linya ng telepono, si Vice Admiral Ronald Joseph Mercado, nasa linya na po natin. Kumusta kayo, sir?
SEC. ANDANAR: Magandang tanghali po, Vice Admiral Mercado, sir…
VICE ADMIRAL MERCADO: Sir, Sir Secretary, Sir Leo magandang hapon naman po.
SEC. ANDANAR: Okay. Ito, once and for all, from the horse’s mouth, kasi mayroon tayong narinig na statement galing po sa inyo, hindi ko po ito narinig ng audio o napanood sa isang TV, pero ito’y statement sa online at gusto po naming marinig kung ano ho ba talaga ang nangyari, ano ba iyong totoo Vice Admiral Mercado, sir?
VICE ADMIRAL MERCADO: Sir, sisimulan ko doon sa note. Iyong note na iyon saka iyong paper, natanggap ko tapos noong natanggap ko ho iyon, nabasa ko pinasa ko kaagad kay Real Admiral Empedrad. Kasi si Real Admiral Empedrad, siya ho dati iyong head ng Project Management Team.
So iyong instruction ko sa kaniya, “to act on the note”. So binigay ko lahat ng papel sa kaniya kaya wala na ho akong copy noon. Ngayon lang ako gustong kumuha noong copy noon para ma-refresh ko iyong memory ko tungkol doon. So si Admiral Empedrad, siya na ho iyong gumawa noong action tungkol doon sa note.
Gusto ko hong sabihin na medyo hindi ho tugma iyon sa normal communications process ng Malacañang, dahil generally may transmittal iyong mga paper galing ng Malacañang. Anyway, siyempre hindi ko naman ho tatanungin kung tama iyon o hindi. Basta noong natanggap ko iyon, binigay ko kaagad iyong papel kay Admiral Empedrad. So nandoon sa kaniya iyong original noon, or baka naiwan niya sa office niya dati.
Tungkol ho doon sa paglabas ko sa media noong ilang araw na iyon, totoo ho iyon. Ilang beses kami magkasama ni Sec. Bong Go, ilang beses kami nag-uusap. In fact, ‘pag nag-escort ako kay President aboard foreign navy ships gaya ng sa China, Pakistan, Japan eh ni isang beses hindi kami nag-usap tungkol as navy frigate project. Hindi niya ako tinanong, hindi niya nga kinukumusta kung ano na iyong nangyayri doon.
Ganoon din ho si President Rodrigo Roa Duterte, hindi niya tinatanong. Iyong communications ko tungkol sa frigate, lahat papunta lang sa GHQ and sa DND. Basta on my side, kung may magtatanong, wala ho kaming diskusiyon ni Sec. Bong Go tungkol sa frigate, para lang sa akin iyan.
LEO: Actually, kaya nilinaw namin ito Admiral dahil nga sabi ko nga para iyong ating mga kababayan na nag-iisip ng masama sa Pangulong Rodrigo Roa Duterte at siyempre sa ating Special Assistant to the President Bong Go. Eh malaman nila na talagang wala naman talagang isyu dito sa bagay na ito at hindi talaga maaaring makialam ang Ehekutibo, ang punong Ehekutibo mismo at si Secretary Bong Go.
VICE ADMIRAL MERCADO: Sir the issues doon sa frigate is very technical. So hindi naman sa nanlalait ako, medyo, kung si Sec. Bong Go ang magtanong sa akin eh baka buong hapon kami mag-usap tungkol sa technical issues. So on that, maski na si Presidente. So on that sense, I really don’t think and ito hindi naman talaga nangyari ‘no, not in any moment na either si Sec. Bong Go, much more the President asking me about the frigate. Wala hong ganoon basta iyong komunikasyon ko lang tungkol sa frigate going to General Headquarters at hanggang sa DND lang, hindi na ho pumupunta sa iba pang opisina.
LEO: Admiral linawin ko lang. So nagsalita kayo ngayon dito para, natanong namin kayo, linawin ko lang, hindi po ibig sabihin ipinagtatanggol ninyo ang Pangulo at si Secretary Bong Go, wala pong ganoon?
VICE ADMIRAL MERCADO: Ay basta iyong statement ko lang sir is factual, na never na kinausap nila ako tungkol sa frigate and that is on my side lang kasi siyempre ayoko namang magsalita about others. Basta on my side, sa tagal ko na naging FOIC, sa tagal naming nagkikita, never na tinanong ako or even kinumusta, ‘Ano iyong nangyayari sa frigate?’
In fact noong nag Navy Day last year, doon namin ginaganap sa Davao Where I invited the President and kasama si Sec. Bong Go doon sa Navy ship namin lna bago, iyong BRP Davao Del Sur. Doon din habang nandoon eh wala namang tinanong sila tungkol noong sa frigate or even the other navy projects. So as far as I am concern and people will ask me, they never intervene as far as sa akin on any of the modernization projects of the Philippine Navy hindi lang iyong frigate. Maski na iyong ibang project namin hindi sila nagtatanong.
LEO: Well itanong ko lang muna ito, Sec. Andanar, saglit lang. May tanong dito sa Malacañang Press Corps mula po kay Hannah Jane Sancho ng DZAR: “Willing daw ho ba kayong humarap sa Senado sakaling ipatawag?” Si Secretary Bong Go willing na willing.
VICE ADMIRAL MERCADO: Sir iyon lang iyong pagkakataon ko para masabi ko iyong isyu tungkol sa frigate. Ang dami kasing lumalabas na mga interpretations from very scanty details nakukuha, gumagawa ng conclusion. Ako very willing akong humarap at i-present ko iyong side ng Philippine Navy Project Management Team and iyong side ko kung bakit ganoon iyong decision namin tungkol doon sa frigate.
LEO: So Admiral, ito maitanong ko lang, personal sigurong tanong ito. Ano ho bang pagkakakilala ninyo kay Secretary Bong Go at sa kaniyang liderato?
VICE ADMIRAL MERCADO: Sir sa lahat ng pagkakataon na nagkikita kami, nag-uusap, mabait siya, nasabi ko na ito dati, when he deals with me, napakabait po at saka very professional. Kaya nga ho nagsalita ako noong last time dahil na-shock ako noong nakita ko iyong note na iyon medyo worried ako kasi nandoon iyong pangalan ko, Admiral Mercado tapos Ronald and ang dami na hong nagtatawagan sa akin, nagtatanong tungkol doon sa note.
Sabi ko, noong dumating iyong note sa akin, hindi ko nga masyadong inintindi iyon and ibinigay ko kaagad kay Admiral Empedrad sabi ko, ‘Admiral Empedrad, take charge of this one. You answer it because ikaw iyong head ng project management team’ and kinalimutan ko na iyon. Ito pa pala, generally ‘pag nakakatanggap ako ng communications coming from Malacañang, may mga staff doon na nagpa-follow up sa akin.
Itong note na ito noong ibinigay ko kay Admiral Empedrad, wala na eh. Kaya nga kinalimutan ko na iyon, wala namang tumawag sa akin na tinatanong, ‘Sir nasaan na iyong letter or justification ninyo?’ Wala! Basta noong ibinigay ko kay Admiral Empedrad hindi ko na inintindi iyon and I was confident that Admiral Empedrad will act on the letter. And he informs me that indeed he acted on that note.
LEO: Nagkausap na ba kayo ni Secretary Bong Go after this issue Admiral?
VICE ADMIRAL MERCADO: Hindi pa po. Wala kasing pagkakataon na magkita kami.
LEO: Kasi siyempre kung may mga ganitong isyu kayo pa ang nasangkalan kumbaga kaya gusto kong malaman kung nakapag-usap na nga ba kayo kahit sa telepono. Wala ba?
VICE ADMIRAL MERCADO: Wala pa, wala pa naman.
LEO: Hindi naman kayo tinawagan ni Secretary Bong Go?
VICE ADMIRAL MERCADO: Hindi rin sir, hindi rin. Siguro alam niya rin kasi may nabasa ako iyong statement ni Secretary Lorenzana and totoo iyon. From Secretary Lorenzana, ibinigay niya sa akin iyon and from me, binigay ko kaagad kay Admiral Empedrad. So iyon iyong movement nung papers na iyon. Kaya maski na tanungin ako, hindi ko alam ano na ang nangyari. Pero iyong alam ko si Admiral Empedrad acted on that note. Gumawa siya ng sulat, kasi kinopy furnish niya ako doon sa letter. Eh nakita ko naman maganda iyong mga justification na nilagay ni Admiral Empedrad for the position of the Philippine Navy.
LEO: Alright. Si Congressman Alejano ng Magdalo group, mayroon siyang mga inilalabas on this issue technically, may mga ganoon siyang inilabas. Ano masasabi ninyo doon?
VICE ADMIRAL MERCADO: Ah sir, if there’s going to be an investigation. I’d like to answer those issues and those revelations of Congressman Alejano, doon na lang sa forum na iyon kasi kung sasabihin ko ngayon, can create more questions in the following days. Eh ayaw kong pangunahan iyong imbestigasyon na iyan.
Ngayon nagsasalita lang ako dito sa note ni Secretary Lorenzana na naibanggit iyong pangalan ni Bong Go kasi na-worried lang ako dahil malinaw na malinaw nandoon iyong pangalan ko eh, ‘To Admiral Mercado’ nakalagay doon tapos ‘Ronald.’ And immediately noong gabi na iyon noong lumabas ‘yun ang daming nagte-text sa akin, nagtatawagan sa akin. So nabigla lang ako na ganoon.
So I’d just like to come out with the truth, in fairness to Secretary Bong Go. Kasi baka masamain na rin iyong loob niya sa akin na lagi kaming nagkikita tapos hindi man lang ako nagsalita. Totoo iyon lagi kaming nagkikita in fact ‘pag may problema sa Navy, nilalapitan ko siya like one time na nagkakaproblema kami doon sa Southern Philippines tungkol sa seajacking and piracy. Siya iyong nilapitan ko for the support. Tumulong naman, na-approve iyong request namin, may natulungan kami. So para sa akin in fairness to Sec. Bong Go ay kailangan magsalita ako kasi kahit naman saang forum tanungin ako. ‘Pag tinanong ako gaya ng tanong ninyo po, ganoon pa rin iyong isasagot ko. Kasi ganoon naman talaga iyong totoo eh.
LEO: Actually itatanong ko rin iyon. Last question na lang siguro on my part Secretary Andanar at saka Admiral. Kasi ang sinasabi noong ibang mga kritiko pati na mga nasa mga mambabatas natin sinasabi nila unusual daw iyong lumapit ka kay Sec. Bong Go on this matter na walang alam sa technical aspect doon sa katulad niyan mga armaments?
VICE ADMIRAL MERCADO: Ay hindi po ako lumapit kay Sec. Bong Go. Never ako lumalapit kay Sec. Bong Go or anybody outside of the DNDA field initiation regarding itong sa isyu sa frigate, hindi ako lumalapit para makakuha ng tulong.
Iyong issues tungkol sa frigate nagsisimula sa nakikita noong project management team kasi very technical nga ito, tapos dahil navy officers’ ito, nilalapitan nila ako, para ako naman, ay siyempre, ‘pag lahat ng sulat galing ng navy, palabas ng navy, ako ho iyong sumusulat! Kaya iyong mga issues actually, lahat nagsimula sa nakita ng project management team, ako naman ini-endorse ko at sinasabi ko lang kay SND.
LEO: Alright ito pa, habol ko na lang din ito, ang daming ano dito. Anong masasabi niya, ano daw masasabi ninyo po coming from Facebook question yata ito, sa Rappler na naglabas ng istoryang ito?
VICE ADMIRAL MERCADO: Well I think it’s the freedom of information. Wala naman akong masasabi doon pero I just wish na in all organizations o media outlets kapag naglalabas just state the fact and what’s true, iyong ganoon. Iyon kasing insinuations lalong magugulo iyong issue if you we put some insinuations to it. Gaya ko ‘pagharap ko sa any investigative body, I will just state the facts and lahat ng sasabihin ko po kasi is supported by documents, supported by documents, iyon lang po.
LEO: Well with that Vice Admiral Ronald Joseph Mercado, maraming-maraming salamat sa ‘pagkakataong ito dahil at least ang ating mga kababayan—
SEC. ANDANAR: Nalinawan lahat, oo.
LEO: Oo pati iyong mga nasa abroad, mga OFWs natin, naka-live po tayo sa Facebook ng RP1 at lahat po sila matagal na at nagtatanong talaga ho at gusto nilang malaman ang panig ninyo sa bagay na ito.
SEC. ANDANAR: Maraming salamat po for accepting our call, Vice Admiral Ronald Joseph Mercado, sir. Mabuhay po kayo, salamat po!
LEO: Maraming salamat.
VICE ADMIRAL MERCADO: Sir, daghang salamat gi hapon, sir.
SEC. ANDANAR: Daghang salamat.
LEO: Alright si Vice Admiral Ronald Mercado po iyan. Iyan malinaw… So parang pati ako na ano ako eh, dahil ito po iyong pagkakataon na iyong ating mga kababayan, mga nanonood at nakikinig sa atin nalinawan.
SEC. ANDANAR: Nalinawan talaga kasi nagsalita at live tayo as Teleradyo and of course iyong mga naglabasan kasi na mga balita ay mga mostly press release ‘di ba or iyong mga interviews na ibinigay. Pero naghahanap nga ako ng gusto kong marinig talaga mula sa kaniya kung ano iyong kaniyang version ng istorya. Pero Partner mayroon pa yatang question iyong MPC sa atin.
LEO: Actually may mga question ang MPC, medyo nahuli. ‘Di bale sabi niya kasi doon, ano raw ang tingin ninyo—
SEC. ANDANAR: Ngayon lang dumating?
LEO: Oo, anong dahilan o motibo sa pagdawit sa pangalan ni SAP Bong Go. Well pasensiya na ha. Hayaan ninyo malapit na iyong another third player ng Telco mas mabilis ang pasok noon, [laughs] ng mga signal. Well Secretary pasensiya na ha pero
SEC. ANDANAR: Sige, sige lang.
LEO: On another matters na tayo mga kababayan, pasensiya na ha. Iyong ating mga kasamahan sa Malacañang Press Corps kasi maraming mga tanong na dito na gusto kong ikaw mismo ang sumagot na rin siguro nito.
SEC. ANDANAR: Sige.
LEO: Mula kay Vanz Fernandez. Other topic ito, Secretary ha! Any update daw on government agencies required to submit an agency information inventory to which the PCOO will publish information inventories of 37 national government agencies in reusable format. Iyan, what happen to the remaining agencies or 37 out of 64 agencies? Mula kay Vanz Fernandez.
SEC. ANDANAR: Ano ito sa FOI ba ito?
LEO: FOI ito.
SEC. ANDANAR: Well ang atin namang opisina sa freedom of information ay tuloy-tuloy po ang kanilang trabaho. Tuloy-tuloy ang kanilang ‘pag-remind sa iba pang mga ahensiya na kailangan nga ay maka-comply sa lahat ng mga panuntunan nitong freedom of information, for example going online etcetera. So kaunting pasensiya lang but by Monday, Vanz we will get the details of your question, the detailed answer mula kay Assistant Secretary Kris Ablan.
LEO: Kris Ablan. Do you have any information, o iba naman ito. Why LTFRB Lizada resigned?
SEC. ANDANAR: Wala akong impormasyon.
LEO: Update daw, the numbers of residence affected by Mayon Volcano in Albay?
SEC. ANDANAR: NDRRMC
LEO: NDRRMC iyan?
SEC. ANDANAR: NDRRMC, oo.
LEO: One or three Filipinos escaped poverty in 2017 according to SWS.
SEC. ANDANAR: One out of three escaped?
LEO: Escaped poverty, kahirapan in 2017 according to SWS, any reaction daw?
SEC. ANDANAR: Alam ninyo po ang programa ng ating Pangulo lalong lalo na sa poverty alleviation ay umaarangkada na. Ito po ay makikita natin dito lamang sa TRAIN na pinag-usapan natin kanina na iyong mga sumusuweldo ng 250,000 pababa ay hindi na ho magbabayad ng income tax at marami hong pakinabang ang ating mga kababayan lalong-lalo na iyong mga nasa marginalize sector. Kasi mas malaki na po iyong kanilang take home pay. This year lahat po ng mga estudyante ng State Universities and Colleges ay wala na ring tuition.
LEO: Yes.
SEC. ANDANAR: So malaking tulong din po ito para sa ating mga kababayan na mahihirap. Malaking tipid din po ito sa kanilang gastusin. So idagdag mo diyan iyong mga big ticket infrastructure projects na makakalikha ng trabaho para sa mga kababayan natin. Sigurado na iyong ekonomiya natin ay magiging inclusive na matagal na nating sinasabi, naririnig itong salitang ito ‘inclusive’ meaning mararamdaman, magti-trickle down iyong economy hanggang doon sa—
LEO: Pinakababa.
SEC. ANDANAR: Sa baba, oo. So kaunting pasensiya na lang, iyon nga iyon.
LEO: Iyon sabi ko, hindi ba nating hintayin iyong long term kasi gusto agad-agad. Ganoon ang gusto ng tao eh, parang agad-agad pero masyadong maikling remedyo.
SEC. ANDANAR: Ang dami ng nagawa within 19 months of the Duterte administration. In fact, base nga doon sa huling survey, SWS if I’m not mistaken, papasok ng 2018 very optimistic ang mga Filipino.
LEO: Correct.
SEC. ANDANAR: At iyong huling Pulse Asia Survey na inilabas noong Disyembre ay nagsabi ring 82% ay naniniwala sa direksiyon ng ating bansa at 82% na may kumpiyansa sa ating Pangulo. At iyong pinaka-latest ng SWS survey na lumabas this last week lang na nagsabi na pinakamataas, record high in satisfaction rating sa SWS survey si Pangulong Duterte. Ito po ay nangangahulugan na naiintindihan, nararamdaman, nakikita ng ating mga kababayan ang mga bagong polisiya, mga pangako ni Presidente, mga pangakong hindi napako.
LEO: Mga pagbabagong totoo.
SEC. ANDANAR: Kasi ano eh, this administration Leo, it is about promise plus delivery. Halimbawa nangako si Presidente doon sa TRAIN. O pinirmahan niya, nangako siya doon sa doblado iyong suweldo ng mga pulis at army, nangyari iyon. Nangako siyang i-improve ang health services ng bansa natin, medication etcetera, nagbigay kaagad siya ng hundred million doon sa PGH kada buwan ha, hundred million pesos kada buwan. Nangako po si Presidente na kailangan ho ang ating ‘pag-celebrate ng New Year halimbawa matiwasay, ito walang fireworks, lahat ho. Iyong drugs pa, ipinangako ni Presidente na mabawasan, nabawasan, tumaas ang presyo ng droga at bumagsak po ang crime rate ng 32%. At noong last week lang during the campaign, nangako po si Presidente na bibigyan ng sariling bangko ang mga OFWs—
LEO: OFWs at mayroon na.
SEC. ANDANAR: Mayroon ng bangko. So it’s about promises during the campaign and the delivery of those promises. At lahat po ng ipinangako ng Presidente sinubukang i-deliver, nai-deliver po iyong iba. Sinubukan nating magkaroon ng peacetalks sa mga rebelde, o sinubukan natin. Ngayon mayroon tayong peacetalks din with Moro Islamic Liberation Front. So ibig sabihin niyan ay tuloy-tuloy po iyong mga pagbabago sa bansa natin based on the promises of the President during the campaign.
Corruption, hindi na ni-renew iyong MIASCOR ‘di ba? Iyong nagkaroon ng problema doon sa bagahe na nawala. Ito damay iyong buong kumpanya, hindi na namin ire-renew ang kontrata because this is one form of corruption.
LEO: Iyon iyong nakikita ko nga political will. Kapag sinabi, sinabi. Gagawin talaga.
SEC. ANDANAR: Kapag sinabing batas, batas ‘di ba? Kung gusto nating maayos iyong bansa natin, walang dapat nangunguna, eh walang dapat pinapanigan ang batas! Lahat ng tao, mahirap, mayaman, maliit ka mang negosyante, malaki, ikaw man ay isang pahayagan sa probinsiya o pahayagan sa national, eh lahat ho tayo pantay-pantay po ang tingin ng batas sa ating lahat.
LEO: Speaking of that iyang isyu na iyan. Reaction mo daw sabi ni Reymund sa ginanap na Black Friday protest kagabi ng pahayagan ba o ng mga mamamahayag pala?
SEC. ANDANAR: Karapatan naman iyan ng ating mga kababayan na magtipon-tipon to peaceably assemble kung mayroon pong mga hinaing na gustong ilahad, ilabas. Nangangahulugan lang ho na talagang buhay na buhay ang demokrasya, buhay na buhay ang freedom of the press sa bansa natin sapagka’t nakita mo naman, kung ang lahat ng mga sinabi doon sa protesta na iyon o rally na iyon ay lumabas naman sa social media at lumabas naman sa mga diyaryo at lumabas sa telebisyon.
Now kung mayroon pong pagkitil ng freedom of the press, ‘di dapat hindi nangyari iyon, nangyari iyon. So, ang reaksiyon ko po doon ay kung mayroon pong, kung mayroon pong nararamdaman o mayroon mang isang gustong ideya na i-express ng isang mamamahayag o isang tao, kahit sino, eh wala hong problema. You can go to the streets, you can rally, you can call your radio station, you can write your Congressman. Puwede po! Buhay na buhay po dito ang freedom of expression.
LEO: And I don’t think na kokontrahin mo iyan, ikaw dati kang mamamahayag until now naging anchor ka pa din. May kalayaan ka sa paghahayag.
SEC. ANDANAR: Oo siyempre.
LEO: Ito pa. Sir, do you agree or support the threat of Speaker Alvarez? Aba, to give zero budget to LGUs who do not support federalism. Is this acceptable to the—
SEC. ANDANAR: Zero budget to, iyong mga Congressman?
LEO: LGUs ang nakalagay dito sabi ni Reymund para suportahan ang federalism. Is this acceptable to the President who says he does not even call or threatens solons to force shift to federalism?
SEC. ANDANAR: Ang liderato po sa Kongreso ay independent iyon. It’s an independent branch of government. The same way that independent po iyong ating Executive at independent po iyong judiciary.
So kung ano po iyong sa palagay ni Speaker Alvarez na tamang estratehiya ay nasa kaniya po iyon, rerespetuhin po natin iyon. Ako naman, kami sa Executive ay nagtatrabaho lamang, kami po ay patuloy na nagbibigay ng serbisyo sa bayan at binabago po natin ng husto ang ating mga sariling ahensiya na pinapatakbo.
So as far as I am concerned, ang tutok ko ay iyong trabaho ko. But kung tatanungin ninyo ako about federalism, I believe that we should really move to change our form of government to federalism. For the simple reason that marami tayong reklamo Leo sa atin, sa Mindanao eh.
LEO: Correct. Sobra.
SEC. ANDANAR: Na matagal dumating iyong pagbabago, pag-asenso, noon ha. At ang pakiramdam natin ay we are short changed. Kung magkano iyong ayuda natin o iyong tanging kontribyusyon natin sa central government, ay hindi na ibabalik sa atin.
LEO: Hindi lang iyon tingi pa.
SEC. ANDANAR: Oo tingi-tingi. So we feel that, I feel personally na masyadong centralize iyong gobyerno at maraming mga rehiyon, maraming mga probinsiya ang napag-iwanan. At ako as a Mindanaon, dapat ay baguhin ang sistema na ito at kailangan na palakasin din iyong mga ibang rehiyon. It’s about time to decentralize government.
LEO: From Aileen Taliping, umapila ang ibang empleyado ng MIASCOR na sana ikonsidera daw ng Pangulo ang kautusan dahil hindi naman lahat ng taga MIASCOR ay magnanakaw. Paano na lang daw silang mawawalan ng trabaho kapag tuluyang i-terminate iyong contract ng kumpanya?
SEC. ANDANAR: Sa palagay ko naman kung mayroong papalit na kumpanya na pribado ay mangangailangan din iyan ng mga trabahador o mangangailangan ng empleyado iyan. The issue here is iyong nagpabaya, iyong pamunuan ng MIASCOR. Iyon po iyong issue dito eh. Now, matagal na hong nirereklamo itong mga ganitong klaseng kabulastugan diyan sa Airport na MIASCOR po ang talagang may kagagawan. So sa palagay ko ay tama ang desisyon ni Presidente because
LEO: So wala na?
SEC. ANDANAR: It is a wakeup call to all contractors to do their jobs properly.
LEO: So wala na talaga iyon? Wala ng pag-asa?
SEC. ANDANAR: Public ano iyan eh, public utility. Public utility, ito po ay isang mahalagang facility ng gobyerno na kailangan talagang bigyan serbisyo, Partner.
LEO: Alright so iyan po ang—
SEC. ANDANAR: Excuse lang ho, saglit lang mayroon lang—
LEO: Okay. May mahalagang importante lang ang Kalihim na ano. Its 10 minutes before the hour of 1. At siyempre pa, actually itatanong ko nga sana in a while, marami pang tanong dito actually ang ating mga kasamahan sa Palasyo pero mukhang may mahalagang tawag lamang ang Kalihim. Well magbabalik tayo saglit lang. Paalala muna tayo mula sa ating himpilan, dito pa rin po sa Cabinet Report sa Teleradyo.
(COMMERCIAL BREAK)
LEO: Medyo mukhang talagang mahalaga at importante ang tawag mula sa ating Kalihim kaya tayo po muna ay tutuloy na sa mga issues siyempre pa. At well sana nakakuha tayo ng mga magandang leksiyon lalong lalo na sa TRAIN law. Kanina although sabi ko nga, puwede ninyo pong panoorin lahat ang mga graphics na ipapalabas namin soon enough matapos pong makuha natin iyong mga graphics na coming from the BIR.
Pasensiya na sa mga, naku… ang dami pa palang tanong dito ano na hindi na hindi na masagot pa ng ating Kalihim. Well that’s part of our program sana dito pero ang mahalaga po iyong tawag ng ating kalihim kaya siya po ay nag-beg off na muna at kailangang tapusin ang naturang call na iyon.
Well doon po kanina, aminado po iyong si dating Navy Chief Admiral Ronald Joseph Mercado na madalas silang magkita at magkausap po ni Special Assistant to the President Bong Go. Gayon man agad na nilinaw ni Mercado na sa daming beses nila ng pagkikita nitong si Secretary Go ay never siyang nagtanong o natanong. Iyan ay kaugnay sa frigate project o ano mang modernization project ng Philippine Navy.
Kaugnay niyan ay tiniyak naman ni Mercado na siya po ay handa na dumalo sa lahat ng klase ng pagdinig sa Senado, sa Kongreso para maipaliwanag at mailahad ang kaniyang mga nalalaman. Ang lahat ng kaniyang mga nalalaman hinggil po sa mga programa sa Navy.
Nilinaw din niya kanina na ang sabi niya na magsasalita siya hinggil sa mga isyung ito. Hindi daw para ipagtanggol ang Pangulong Rodrigo Duterte o si Secretary Bong Go dahil tanging ang katotohanan iyong kaniyang tiyak na ilalahad sa taong bayan, sa sambayanan.
Binigyang diin din ng Admiral na maging ang Pangulo ay hindi kailan man nagtanong daw sa kaniya sa mga kontrata kaugnay sa mga modernization ng ating Philippine Navy. Tumanggi rin siya na sagutin iyong mga alegasyon nitong si Magdalo Party-list Representative Gary Alejano na sa pamahayan natin kanina dahil gusto niyang sagutin ang mga sinasabing mga paratang at alegasyon against him sa imbestigasyon ng Senado at sa ano pa mang tamang forum dito sa ating bansa sa pag-iimbestiga sa isyung ito.
Well tayo po ay pansamantala sigurong magpapaalam. With that, sa mga nasa Facebook live pasensiya na ha! Sabi ko kanina itatanong ko sana or mga questions ng ating mga kababayan via Facebook. Hindi ko na naisa-isa dahil sa napakarami pong ano, na talagang sabi ko nga siksik liglig na pag-uusapan dito po sa programang ito, ang Cabinet report sa Teleradyo.
Well sa ngalan ng ating mga bossing dine, ng ating mga taga RTVM. Thank you so much… Ang ating mga camera men at siyempre sa Radyo Pilipinas 1, sa PCOO at siyempre ang ating mga nakasama sa ating technical side, sina Engineers Rolly and Rene, siyempre sina Ms. Weng iyan, sina Jam nandiyan pala sila. Parang ang dilim diyan! Bakit ganoon? [laughs]. At siyempre kay Richard, and so on and so forth. Sina Maki siyempre, thank you so much again for your time.
Sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar. Sa ating mga ka-DDS Worldwide, mga ka-BBM mga nakikinig at nanonood sa pamamagitan po ng Facebook sa radyo, sa 738 kilohertz. Muli ito po si Leo Palo III para po sa Cabinet Report sa Teleradyo.
###
Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau)