Interview

Cabinet Report sa Teleradyo by Presidential Communications Operations Office Secretary (PCOO) Secretary Martin Andanar, PCOO Director Vinci Beltran and Leo Palo III with guest DICT Secretary Eliseo Rio


PALO: At magandang, magandang, magandang, magandang, magandang morning; Sabadong morning sa inyong lahat. Kamusta ang inyong buong linggo na naman; siyempre pa ngayon po ay araw ng Sabado again. A-disiotso tayo sa buwan ng Agosto, taong dos mil-disiotso – ayan, kamusta naman kayo? Maulang linggong nakaraan, ngayon medyo makulim-kulimlim na lang at paminsan-minsan ay sumisilip po iyong haring araw o hinahawi ng haring araw iyong mga alapaap para hindi masyadong maulan. Pero sana nga buong Linggong ito, dahil sa Davao ay Kadayawan doon ngayon, eh baka mamaya malungkot iyong ating mga kababayan diyan sa Davao. Anyway, again sa ating mga kababayan, ito po si Leo Palo III.

DIR. BELTRAN: At ito po si Director Vinci Beltran ng PCOO. Hello, ako po ang makakasama ninyo ngayong Sabado.

PALO: Dahil wala po ang aking partner, si Secretary Martin Andanar – ang heartthrob ng mga Gabinete ng Pangulo – at si Carlos Munda rin ay nasa Davao ngayon at nakiki-piyesta ngayon sa Kadayawan – Ang sarap ng buhay ng mga taong ito oh.

DIR. BELTRAN: Na-imagine ko iyong pagkain doon eh, kapag piyesta talaga pagkain. Pero, Sir Leo, susubukan natin na makasama si Sec. Martin.

PALO: Nandiyan na? Nandiyan na?

DIR. BELTRAN: Nandiyan na, kinaya ng signal.

PALO: Oo kinaya ng signal talaga naman. Hindi ko alam kung nagpatay ng kaniyang Mancave. Naka-live ba sa Mancave?  Naka-live sa Mancave; talaga naman, oo.

DIR. BELTRAN: Iyan, ang galing talaga.

PALO: Nakita mo ba Sec.? Nakita mo ba? Secretary Martin Andanar, magandang umaga.

SEC. ANDANAR: Good morning, Leo at Vinci—

DIR. BELTRAN: Hello po!

SEC. ANDANAR: Can you hear me? Okay, oo live din ako dito sa aking Mancave pero—

PALO: Oo nakikita ka namin dito.

SEC. ANDANAR: Through technology ay tayo po ay nakakapag-live sa Facebook page ko, Facebook page ninyo, sa RP1, sa Facebook page, kahit saan po, because of our high technology diyan po sa ating Radyo Pilipinas Uno. Magandang umaga po sa lahat ng mga nakikinig po sa atin dito sa Cabinet report sa Teleradyo and as usual, ako po ay natutuwa na nandiyan po si Leo parati, hindi nag-a-absent kahit na Kadayawan Festival, taga-Davao iyan si Leo, pero hindi umuuwi.

PALO: Pareho lang kami ng rason ni Maki. Bakit kami pupunta roon, napakahirap, ang traffic, traffic [laughs].

SEC. ANDANAR: Hindi, nagkaproblema sa ano hindi ba, sa NAIA.

PALO: Oo mahirap eh.

SEC. ANDANAR: Traffic sa ere eh, sa himpapawid. Kaya buti na lang at nandito sa Leo, and of course si Vinci – ever present po.

PALO: Sabi naman niya on call siya lagi.

DIR. BELTRAN: On call. Always ready [laughs].

PALO: May guest tayo ngayon ha, kaya diyan ka lang at ipapakilala ko maya-maya; bigyan natin ng kaunting suspense ang ating mga taga subaybay at tagapakinig.

SEC. ANDANAR: Always ready… iyan ang maaasahan. Eh ganoon talaga kapag bata, hindi ba? Pero si Leo bata pa…

DIR. BELTRAN: Pero, Sec., sa tingin ko iyong guest natin siya iyong nagdadala ng signal kaya malinaw ka naming naririnig ngayon.

PALO: Ah ganoon ba iyon? Posible…

SEC. ANDANAR: Signal na lang signal?

DIR. BELTRAN: Opo eh. Ang linaw natin ngayon, Sec., sa video pa, hindi lang phone patch.

SEC. ANDANAR: Tingnan mo naman, tingnan mo iyong technology. So the two of you, Vinci and Leo, the two of you are broadcasting from the Luzon Broadcast Hub natin sa Philippine Information Agency building sa may Visayas Avenue; and then ako naman ay nandito sa bahay ko.

PALO: Hindi halata [laughs].

SEC. ANDANAR:  And through technology, puwede tayong mag-usap, hindi ba? So next time mag-set up ka sa bahay mo, Vinci, mag-set up ka sa bahay mo. Hindi mo na kailangang pumasok diyan sa Radyo Pilipinas.

PALO: Mag-iipon muna ako, Sec.

DIR. BELTRAN: Ng ganiyan…

PALO: Iba iyan eh, ang ganda ng set up eh.

SEC. ANDANAR: Hindi matagal na itong na-set up, nasa TV5 pa lang ako sinet up ko na ito, kasi hilig natin iyong mga technology, mga bagong teknolohiya. Kaya nga sa PCOO ngayon ay nakikita ninyo unang ginawa natin noong pumasok po si Pangulong Duterte ay iyong ma-stream live si Presidente sa lahat ng kaniyang talumpati. Oo dahil iyong mga nakaraang administrasyon ay hindi naman nai-stream ng live ang mga talumpati. So ngayon, simula noon ay talagang live si Presidente sa Facebook, sa TV, sa telebisyon at sa radyo. Now maraming nagtatanong, kasi majority ng video na napapanood ninyo, video ni Presidente na live, iyan po ay galing sa Radio-Television Malacañang, iyan po ay galing sa PCOO. So not only on air but now available sa internet.

PALO: Tingin ka raw sa camera mo, Sec., kasi hindi ka tumitingin sa camera eh.

SEC. ANDANAR: Hinahanap ko iyong picture mo doon sa—hindi ko makita. Eh titingin ako ngayon sa camera.

PALO: Iyan tingin ka sa camera para kunwari nakikipag-usap ka talaga sa amin para hindi halatang nasa bahay ka lang—

SEC. ANDANAR: Nakikipag-usap naman ako sa iyo…

PALO: Anyway Secretary… patagalin pa ba natin? Huwag na patagalin, kanina pa tawa nang tawa eh. Pakilala mo nga muna Director Vinci para ano— ito, hindi biro itong ano nito eh… Ang nagdala po ng signal namin ngayon dito…

DIR. BELTRAN: Nagtapos ng Electronics and Communications Engineering Course sa University of the East noong 1966; at noong 1967 naman, nagtapos ng Electrical Engineering sa University of the Philippines. Noong 1969, nagtapos naman siya ng iba’t ibang kurso sa Philippine Army School Center hanggang 1980 – so tuluy-tuloy iyong pag-aaral niya ng mga military courses. Siya ay 4th place in the Electronics Engineer Licensure Examination noong 1971…

PALO: Uy pagka ganoon, kapag sinasabi mong 4th place that time ha, 1971, sobrang taas na noong rank na iyon. Nagsimula iyong kaniyang career sa military, hayan militar po siya ha; and was employed mostly by the government – o ang daming posisyon siyempre sa telecommunications dahil ECE ang ating guest ngayon. Na-appoint din siya ni former President now Speaker Gloria Macapagal-Arroyo bilang Commissioner po ng National Telecommunications Commission noong February 26, 2001, so alam ninyo na ha, mayroon na kayong hint. Undersecretary for Special Concern ng Department of Information and Communications Technology and nanumpa siya noong September 13, 2016…

DIR. BELTRAN: On October 10, 2017 noong nag-resign si Secretary Salalima, he was appointed Officer-In-Charge ng DICT ni mahal na Pangulong Duterte at siya ay naging Acting Secretary…

PALO: Sa araw na ito eh ako po ang magde-declare… Secretary na po siya ngayon [laughs]. Alam mo ba na minsan nagdidilang-anghel ako? Ang dami kong binibiro na mg— si PNP Chief ngayon, biniro ko iyon eh. Sabi ko nakahanda ka ba? Ikaw na ang susunod ha. Nagulat din ako, pati ako nagulat eh two days after, PNP Chief na. Naku totoo pala ito, sabi kong ganoon.

DIR. BELTRAN: Walang iba po kundi si Secretary Eliseo M. Rio, Jr.

PALO: Magandang umaga, Sec.

SEC. RIO: Magandang umaga Leo, Director Vinci; Secretary Andanar, magandang umaga din po sa inyo diyan. Itong teknolohiya na pinapakita ninyo ngayon ay marami hong ma-solve na problema natin, lalo na iyong traffic sa EDSA. Kung tayo ay makapag-usap, makapag-transact ng business in our homes, eh pati ho iyong mga estudyante natin ‘no, hindi na sila kailangan talaga maging physically present sa mga eskuwelahan nila to learn ‘no. And in fact, they don’t even have to be in Metro Manila, they could be in the provinces and they can get the first class education that is being given here in Metro Manila. So magandang umaga po sa atin at sa lahat ng nakikinig sa atin.

PALO: Sec., loud and clear ba sa inyo diyan si Secretary Eliseo Rio?

SEC. ANDANAR: Good morning po, Secretary Rio. Good morning po, at welcome sa Cabinet Report. And as you guys will probably notice that I am live from my own home; live po si Secretary Rio sa Radyo Pilipinas at si Vinci and si Leo. Ito mismo iyong technology na dala ng DICT, iyong nagpapalakas ng ating broadband, ng ating fiber optics. So eventually, doon po sa plano na Government Satellite Network and through the, of course, effort of the DICT ay puwede pong—iyong ginagawa natin ngayon, puwede pong mangyari ito na imbes na ako nandito, ako iyong barangay captain, kausap ako ni Presidente, kausap ni Secretary—hindi ho ba, Secretary Rio?

SEC. RIO: Tama po kayo diyan, Secretary Andanar. Talaga po ang teknolohiya natin at iyong aming mandate sa DICT ay pagandahin iyong ating internet connectivity ‘no – isa ho ito sa naging campaign promise ng Presidente natin ‘no, mabilis at affordable dapat ang internet natin ‘no. So makita natin na more or less ay may improvement na, nakakapag… actually, well actually, commuting na tayo actually ngayon ‘no. But this still has to be improved. and dito nga ho, pagdating ho ng third telco – na ito rin ay isang idea ni Presidente natin – ay talaga hong mapapahusay na iyong ating ICT services.

DIR. BELTRAN: Hayan, iyong third telco; mayroon na po ba?

SEC. RIO: Yes. In fact, nag-umpisa na iyong tinatawag nating legal process for the, iyong memorandum circular that will define the terms of preference in selecting iyong magiging third telco natin. This started August 8, and iyong first public hearing na kailangan talaga dadaanan itong legal na prosesong ito, dahil this is like a legislative process – may public hearing at hindi mo ma-shortcut talaga ito – this will be on next Wednesday, August 23; and then…

PALO: Saan po ito gaganapin, Sec.?

SEC. RIO: Sa Novotel ho. Kasi we are expecting a big crowd, inilagay na ho namin diyan para ho iyong publiko ay makapagdalo ho ‘no. So, iyong legal process will take around 55 days and by—that will take us to about end of September; effective na ho iyong terms of preference by that time ‘no. So end of September and, we will give the contenders, iyong interesadong maging third telco maybe one month to first bide their bid documents, fill it up and come up with their bid proposal. And then siguro by end of October or early November, mayroon na tayong…

PALO: Iyong ma-award…

SEC. RIO: Ma-identify na natin or ma-award na natin sa isang third telco po.

PALO: Atin-atin lang ito Sec., tayo lang naman dito. Wala bang clue kung sino? China ba, Korea ba?

SEC. RIO: Palagay natin, tanong natin kay Secretary Andanar…

SEC. ANDANAR: Alam ninyo sa Cabinet kasi, ang magkakatabi doon—ang perennial seatmates sa Cabinet ay ako, si Harry Roque at si Secretary Rio, tapos si RJ Jacinto; kaya kapag nag-uusap sila – si Secretary Rio at saka si RJ – parati, malimit nagbubulungan iyang dalawa eh. Hindi namin marinig ni Harry, kasi mamaya kapag narinig ni Harry ay biglang i-broadcast ni Harry [laughs]…

PALO: Pero kidding aside Secretary Rio, eh sabi ko nga noong si Presidente na mismo ang nagsabi na kailangan pumasok na itong ano—dahil sa parang monopolized nga or ano ba tayo duopoly ang ating linya ng telepono, linya ng cellphone, so on and so forth. Eh hindi ka ba na-pressure doon na parang ‘ang bilis naman ni Presidente’. Sa ngayon kasi sinasabi mo, there’s a process na kailangan sundin na parang Kongreso din na idadaan sa legislative style ng pagproseso. So naipaliwanag mo na ba kay Presidente ito?

SEC. RIO: Opo. We are very thankful that the President is very understandable ‘no na puwede naman siyang pakiusapan na, actually iyong sort of timeline ay dictated by the—well, mga inputs na nakukuha namin. Especially those also coming from Secretary Dominguez, na kailangan – ang sabi ni Secretary Dominguez – kailangan iyong mga elements to—well, let the third telco come in a level playing field.

Alam ninyo naman itong Globe and Smart eh incumbent ‘no, 20 years na sila diyan. They have 130 subscribers between their—the two of them ‘no. And that’s more than the population of the Philippines. So here comes third telco player na that will enter without subscribers – zero. And we will expect the third telco player to compete with the big, with these incumbent telcos. So kailangan talaga bigyan natin ng—

PALO: Maraming factors ‘no?

SEC. RIO: Yeah, opo. At more or less for example iyong nababaan na natin iyong interconnection charges ‘no. So itong third telco iyong subscriber niya, makatawag na sa Globe and Smart at a very much less cost than before ‘no. Dati kasi 2 pesos and 50 centavos para tumawag from one network to another – it was one of the most expensive sa ASEAN – ngayon eh napababa na natin to 50 centavos. It’s now one of the least expensive now in the ASEAN. And then of course iyong paggamit ng mga facilities, we have—they can now use the dark fiber of the Transco. The Transco has dark fiber of 6,200 kilometers, covering the whole North to South of the Philippines na puwede na ngayon—

PALO: Nakalatag na ito, Sec. ‘no?

SEC. RIO: Ay opo nakalatag na ito; so ito, kaagad magagamit ng third Telco and then iyong common towers – ito ho ay under auspices of Presidential Adviser Ramon Jacinto. Sa ngayon ho ang Globe and Smart gumagawa sila ng sarili nilang towers ‘no. Kaya lang hindi nila makamit iyong ideal number natin ngayon which is—they have only made around 20,000 ‘no. We need 50,000 more—

PALO: More towers.

SEC. RIO: So ito ho kapag magawa ito ng isang common tower provider na wala ng gagawin kung hindi towers lang at ito ay ipapaarkila, not only to the third Telco but to Globe and Smart.

PALO: Oo tama.

SEC. RIO: Tingnan ninyo po, sa ngayon magtatayo ng tower ang Globe, a few meters away magtatayo ng tower ang Smart. Eh iyong cost nitong towers, ipapasa nila sa subscribers—

PALO: Yes subscribers.

SEC. RIO: Habang kung nag-share na lang sila ng isang tower, puwedeng mapababa iyong subscription cost ‘no.

PALO: Baka naman masyadong mahal kasi ang renta ng—

SEC. RIO: Ah hindi sa kanila ho ito.

PALO: No, I mean doon sa common tower na sinasabi mo?

SEC. RIO: Ah hindi, ito nga iyong kuwan—of course we will oversee iyong mga presyo. Mayroon na tayong mga—but it is very much cheaper—

PALO: Cheaper na—

SEC. RIO: Kasi, when they will build their own towers, capex ho iyon eh; ito magiging operational expenses lamang. At pati Globe and Smart ay naaakit din dito sa pag-aarkila

DIR. BELTRAN: So Secretary iyong common towers po na ito, government owned bale po ito?

SEC. RIO: No, no.

DIR. BELTRAN: Ah so paano po?

SEC. RIO: Ah, this will be a private—

DIR. BELTRAN: You can be under TTP or a BOT arrangement ‘no. Pero purely walang more or less gagastusin ang gobyerno dito ‘no, because ang investment will be a private source.

SEC. RIO: Sila sa kanila. Hindi kasi parang iniisip ko baka mamaya kaya nagtatayo ng tower itong Globe at saka Smart dahil sabi niya, ‘Eh sir, mag-upa tayo nang mag-upa, eh hindi mayroon tayong sariling tower.’ Eh ganoon siguro ang nasa isip nila?

SEC. RIO: Eh hindi, ang Globe and Smart kulang na kulang pa rin sila ng tower. Kaya ho—kasi isang tower ngayon around—ang subscriber na nakatutok doon is about 4 to 5,000 ‘no. Ang ideal is should be less than 1,000. Kaya congested ho, mahina ang ating kuwan, dahil ho diyan sa congestion na iyan.

PALO: Imagine mo iyon ‘no. Secretary Andanar, magnegosyo na tayo ng tower. Kailangan pala nila ng tower eh.

SEC. ANDANAR: Ikaw puwede kang magnegosyo, Leo, kasi wala ka sa gobyerno.

SEC. RIO: Oo tama iyon.

PALO: Ganoon pala iyon.

SEC. ANDANAR: Oo ganoon iyon, at saka alam mo—halimbawa si Secretary Rio, kung siya ay—eventually kapag siya ay nag-join ng private sector, ang alam ko one year siya hindi puwedeng pumasok sa mga—

SEC. RIO: Two years po.

SEC. ANDANAR: Oo two years ‘no.

PALO: Two years din pala ha, ang tagal.

SEC. RIO: May ban tayo.

SEC. ANDANAR: Hindi niya puwedeng pasukan iyong kung ano man iyong kaniyang ginagawa ngayon sa DICT, hindi siya puwedeng pumasok sa ganoong negosyo for two years.

SEC. RIO: Two years.

SEC. ANDANAR: Ikaw na lang, Leo.

SEC. RIO: Yeah si Leo na lang.

PALO: Napaka-unfair naman noong batas kung ang katulad ni Secretary Rio na sabi na natin eksperto pagdating sa Telecommunications eh hindi makapasok. Eh iyon naman ang dapat mas kailangan natin, hindi ba?

DIR. BELTRAN: Parang iniiwasan yata na—

SEC. RIO:  Oo iyon, tama kayo.

DIR. BELTRAN: May pabor kung sino man iyong papasukin ni Secretary.

SEC. RIO: Yes, tama. So talagang nakasaad ito sa batas.

PALO: Dapat case to case iyon dahil—kasi kung ako ang tatanungin, eksperto itong taong ito, bakit pagbibigyan pa natin iyong wala pang alam sa ano hindi ba? Parang ganoon ang ibig kong sabihin.

DIR. BELTRAN: Baka kasi may mga classified information.

PALO: Tatakbo akong Congressman, aamyendahan ko iyan. [laughs].

DIR. BELTRAN: Iyan, iyan. Sayang iyong negosyo nila Sec. Martin eh. [laughs].

PALO: Anyway, iyong ano kasi—balikan natin iyong sa Telco, iyong mga—iyong sa third player. Kasi nga baka mamaya ito na naman ang fear ng karamihan dahil duopoly nga hindi ba? Nandiyan iyong Smart and Globe. Dati rati pumasok na sana eh, mayroon na tayong Sun, mayroon tayong BayanTel. Ano pa ba? Bakit naglaho iyong mga iyon?

SEC. RIO: Well, Digitel—

PALO: Oo digitel, mayroon pang isa na malakas talaga. Iyong Telstra ba iyon?

SEC. RIO: Well, iyong Telstra sa Australia iyon.

PALO: Australia, eh lumalabas Secretary, parang binili yata ng mga malalaki ito eh, malalaking company na ito – bakit ganoon?

SEC. RIO: Ganito iyon, Leo ‘no, when I was the NTC Commissioner way back 2001 up to 2003 ‘no, middle part, almost 2004. Nagkaroon na ho tayo ng liberalization noon, noong panahon pa ni FVR ‘no.

PALO: Ah kaya pala.

SEC. RIO: So kung monopoly pa iyong PLDT noon, noong naging Presidente si FVR, ni-liberalize natin iyong telecommunication ‘no, so dumami ang ating mga telcos. In fact during that time, Globe and Smart were very small telcos starting in those years. So dumami nga ‘no, pero during the first part of 2000 decade, ano ho iyong naging gamit natin talaga sa ating telepono – texting? Tayo ang naging texting capital of the world – we were texting an average of 1.4 billion text a day. O isipin ninyo ho iyon, kasi noon one peso isang text – iyan ho ang kinikita more or less ng mga—iyong dalawang telco lang kasi noon…

PALO: Iyon ang ano ko doon, medyo doon ako nagtatanong Sec. eh. Pag pumasok ba itong third telco, kung saka-sakali man sino ang manalo sa kanila, kung taga saan man sila, baka taga Zimbabwe ito – baka mabili na naman?

SEC. RIO: Kaya nga nag-explain kami kay Presidente na “Sir, kaya matagal-tagal ng konti iyong selection process, because we would like to prevent iyong nangyari na mabili sila.”

Ito ngayon sa term of reference, may kondisyon doon na kailangan baguhin niya iyong mga incorporation papers ninyo na para kung bibilhin man kayo ng Globe and Smart, ibalik ninyo iyong frequency para magamit na naman ng isang third telco.

PALO: Speaking of frequency, ang daming nabibili ng Smart and Globe na mga frequencies.

SEC. RIO: Actually ho, bawal ho iyon, ang ginagawa ng Globe and Smart, binibili iyong buong kompanya.

PALO: Sana magkaroon ng batas para—

SEC. RIO: Wala pa ho, pero dito sa term of reference, nilagay na ho namin iyan.

DIR. VINCI: Secretary, do you work hand in hand with the Philippine Competition Commission?

SEC. RIO: Yes, in fact, they are always in our meetings. In fact kahapon lang nag meet kami para ipasok iyong mga conditions and provisions na gusto ng PCC. Ito ay amin ngang pag-uusapan sa August 23.                                                                             

PALO: Secretary Martin, mayroon ka bang anuhin muna bago tayo mag-break?

SEC. ANDANAR: Hindi… na-realize ko lang kasi sa mga sinasabi ni Secretary Rio na a cellphone or a smart phone is a basic human right already according sa United Nations… Kasi halimbawa ito, itong cellphone na ito… the reason why that we are talking right now, that we can talk right now is because of this cellphone, of the signal that goes through the cellphone tapos kumu-connect dito sa aking console. And the reason why you guys can also watch me right now is because of the internet connection.

Now mayroong mga bagong… iyong mga experts ‘no sinasabi nila na eventually ang pinakamahalaga talaga sa lahat ay iyong internet connection, because hindi ba napansin natin siguro doon sa mga gumagamit ng smart phone na bihira na lang iyong gumagamit noong text message mismo that goes through the mobile phone, goes through the telecommunication regular signal. Kadalasan ginagamit natin iyong internet, we use the applications like Viber, WhatsApp, telegram… And in fact tayo sa opisina, iyon ang ginagamit nating communications, hindi ba Vinci?

DIR. BELTRAN: Yes po Sec., Viber…

SEC. ANDANAR: Oo Viber, mayroon tayong isang thread… lahat tayo sa PCOO puwedeng makipag-usap sa isa’t isa. And kaya very interesting kung ano iyong mangyayari ngayon bukod doon sa third telco that will be coming in, I would also like to ask the question, kay Secretary Rio na doon naman sa DICT part lang, iyong backbone lang ng gobyerno, iyong dadaanan ng internet…

SEC. RIO: Yes. Maraming salamat Secretary Andanar for that question ‘no. Actually ho iyong ating—nasa national broadband plan natin iyan, ano. Kung it is composed of 4 important components ‘no: ito ho iyong una is the international gateway infrastructure or iyong tinatawag na IGF that connects us to the outside world ‘no; and for the first time nagkaroon tayo ng dalawang cable landing station connecting us to the outside world that is not owned by Globe and Smart. Lahat tayo ngayon ay dumadaan para maka-connect sa Facebook… lahat tayo dumadaan diyan ‘no.

So nagpirmahan na kami with Facebook and on October 2019, next year magkakaroon tayo ng two terabits of internet capacity coming from Los Angeles and coming from Hong Kong. And ito iyong significant nito, iyong price ng Los Angeles is less, about one US dollars per megabit per month ‘no; ganoon din sa Hong Kong. Ang Globe and Smart kumukuha rin ng internet capacity from these sources, pero sila ang nag-invest sa submarine cable ‘no. So kaya pagdating mo rito, nagiging 5 US dollars na, kasi siyempre babayaran iyong kanilang ROI sa…

Pero tayo dahil Facebook ang naggawa nito, wala tayong binayad sa Facebook. In fact, Facebook pa nga magbabayad sa atin ng two terabits. So kung anong presyo sa Los Angeles at kung anong presyo sa Hong Kong, that will be exactly the same when it hits Luzon ‘no.

And then the second component is iyong backbone; kasi ito, useless itong internet capacity kung nasa Baler, Aurora iyong isang cable landing station at iyong sa Poro Point kung doon lang sila ‘no; so kailangan idi-distribute natin ito, so kailangan natin ng backbone. Dito naman gagamitin iyong sinabi ko kanina, iyong dark fiber ng Transco/NGCP, which about 6.1 thousand kilometers na backbone, from north to south of the Philippines. Iyon ibibigay din sa atin ng libre. Because ang mayroon nito, gobyerno eh.

PALO: Secretary ang mga signal ng wifi, ang mga signal ng katulad ng sinasabi natin, iyong mga fiber optic… maraming mga katanungang, in a while – matapos po ang ilang paalala Secretary, tayo’y magbi-break muna.

###

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)

Resource