SEC. ANDANAR: Alas onse y beinte-nuwebe ng umaga. Ito po ang inyong lingkod, Martin Andanar, kasama po natin si…
MUNDA: Carlos Munda…
PALO: Leo Palo III
SEC. ANDANAR: At ang ating special guest…
MALANO: Vic Malano po ng PAGASA…
SEC. ANDANAR: Ito iyong talagang mayroong pag-asa [laughs]… Dito tayo humuhugot ng pag-asa sa mga panahon na ganito. Ako po ay galing lang doon sa Kampo Aguinaldo, sa NDRRMC para doon sa alas-nuwebe na press conference ni Secretary Harry Roque, kasama po si Secretary Delfin Lorenzana, Secretary Villar, yours truly, Secretary Orogo at si Undersecretary Jalad para po sa update ng sitwasyon tungkol sa bagyong Ompong.
And of course speaking of update, nasa linya na po ng ating telepono ang ating reporter. Mula po naman sa Tuguegarao, si Dina Villacampa…
[LIVE REPORT]
Maraming salamat Dina Villacampa, mag-ingat kayo diyan.
Ang ating hashtag po ay #laginghanda; tayo din po ay napapakinggan sa iba’t-ibang mga social media pages ng Presidential Communications Operations Office, particular po ang Radyo Pilipinas Uno 738, hanapin ninyo lang po sa ating Facebook page na… i-type po doon Radyo Pilipinas; and of course you can also go to our Presidential Communications Operations Office; puwede rin po sa Philippine News Agency, puwede rin po sa Philippine Information Agency, PTV at sa NDRRMC… and lastly, Laging Handa Facebook page.
Mayroon po tayong report live mula sa Agoo, si Maricel Fronda. Maricel…
[LIVE REPORT]
Maraming salamat Maricel Fronda.
Anyhow, tawagan natin si Secretary Al Cusi para sa kaniyang report sa mga linya ng kuryente, mga kawad ng kuryente…
PALO: Speaking of kawad ng kuryente, may panawagan dito. Doon daw sa Purok 1, San Roque, San Rafael, Bulacan – nakalaylay daw, livewire na na-trap daw mga tao roon. Hindi makalabas, natatakot sila, delikado nga naman…
MUNDA: Sa report nga kanina sinasabi, hindi ba na parang ano, kumpara daw doon sa bagyong Lawin, mas mahina daw ito kasi mas marami pang posting nakatayo. Ang gusto kong itanong ano ba, mas mahina ba iyong bagyo o mas matibay na iyong poste?
MALANO: Puwedeng matibay ngayon iyong poste dahil may bagong design eh.
SEC. ANDANAR: Oo eh kasi noon kasi iyong mga poste hardwood iyong mga poste noon.
MUNDA: Oo dati, dati hindi ba?
SEC. ANDANAR: Eh dati ang mga—ang mga poste naman ngayon ay puro ano, iyong semento na.
MALANO: Actually, mayroong project ang PAGASA with NGCP eh to determine kung anong lakas doon sa lugar na iyan para mai-design iyong poste.
MUNDA: Oo nga naman, tama nga naman, hindi ba? Tayo nang tayo poste hindi pala kaya ng bagyo.
SEC. ANDANAR: Hindi ka nagtatanong sa PAGASA eh.
MUNDA: Sa PAGASA eh, hindi ba?
PALO: Naka-coordinate pala ang MERALCO sa inyo ‘no, sa mga ano—
MALANO: Lahat ng mga power sector.
SEC. ANDANAR: Eh dapat pala mayroong ano palagi, approval ng PAGASA.
MUNDA: Actually, true ‘no considering that we are a—
MALANO: Minamapa kung ano iyong puwedeng mangyari doon sa lugar na ito. Kamukha din ng magnitude ng earthquake.
SEC. ANDANAR: Dapat isama ang PAGASA sa Bids and Awards Committee ng mga—iyong ano mga ano, iyong mga DEPED, iyong gumagawa ng mga bubong ng mga eskuwelahan.
PALO: Pero ano din, may kasalanan din sila, iyong radar nila sa Aparri hindi nakapag-coordinate sa kanila, nasira iyong—
MALANO: Iyong ating radar natin ngayon sa Aparri, naapektuhan iyong ating communication link. Nag-umpisa siyang hindi magbato kaninang alas kuwatro ng umaga. At siguro naman, after siguro iyong how many hours kung kaya ng akyatin, puwede nating i-satellite siguro iyon.
SEC. ANDANAR: Baka naka-orient sa China. [laughs]. Tingnan mo tuloy pati iyong mapa ng Pilipinas eh [laughs]. Hoy kung sino naman iyong hayop na nagpakalat niyan, hindi ho hindi ho galing sa PAGASA iyan, dismiss disinformation iyan. Magkatabi kami noong isang araw sa NDRRMC, sabi ko, ‘Boss, galing sa PAGASA, tumabingi iyong mapa ng…’
MUNDA: Pero seryoso I mean ano ha, I think considering that we are a disaster prone country, typhoons, inaasahan natin, 5, 6, 7, 8 times a year, iyong talagang malalakas. I think that’s a very good idea na iyong mga infrastructure natin, DPWH, anything that needs to be constructed has to have clearance or at least coordination from PAGASA hindi ba? Lalo na iyong mga eskuwelahan.
MALANO: Oo iyong may mga bagong building code.
MUNDA: Oo iyan, dapat talaga mayroong PAGASA clearance eh hindi ba?
SEC. ANDANAR: Oo dapat mayroong ganoon, kasi hindi ba mayroong mga fire clearance hindi ba, sa fire department, police clearance, may barangay clearance hindi ba? Tapos iyong DOH may mga clearance diyan hindi ba? Eh dapat mayroon din sa PAGASA,
MALANO: Baha sa—bahaing lugar.
PALO: Iyong mga malalakas na hangin kasi, eh pano, kakayanin ba ng salamin na iyan na itatayo diyan sa building na iyan?
SEC. ANDANAR: Kakayanin ba ng flashlight? [laughs].
MUNDA: Sobrang lakas ng hangin, iyong ilaw tumatabingi. [laughs]. Pag ganoon mo ng flashlight, sa mata mo tumatama ‘no? Ganoon kalakas iyong hangin.
MALANO: Lumabas iyong mga taga Bisaya eh hindi ba? [laughs]. Joke ng mga Bisaya iyon.
PALO: Iba talaga.
MUNDA: Ibang klase ‘no. Ah nasisilaw ako, pabalik iyong ilaw—
PALO: Sa sobrang lakas ng hangin bumalik iyong ilaw. Ang tindi ng bagyo na iyon.
SEC. ANDANAR: Nag-u-turn. [laughs].
MUNDA: Pero maganda ano, ang hindi natin napag-usapan, napag-uusapan natin na nabawasan iyong mga casualties ‘no, and I think a lot of it—
PALO: Hindi as of now wala pa; iyon ang mga masarap pakinggan.
MUNDA: I think a lot of it goes to—a lot of the credit goes also to the preparation of the government particularly doon sa—informing people hindi ba? Kaya kasama sa trabaho ng PCOO iyan, basta trabaho ng PAGASA, ng lahat ng ahensiya na, ‘uy, umiwas kayo diyan.’ Disaster preparedness starts with good communication kasi, my opinion lang ito.
SEC. ANDANAR: Well, ang kagandahan naman ngayon ng government communications, kasi very coordinated, hindi ba Vincent? As a matter of fact, iyong Radyo Pilipinas, iyong TV4, iyong PTV tapos kasama iyong Presidential Communications, Philippine News Agency, Bureau of Communications, lahat, lahat pati PIA, nagsama-sama, RTVM nagsama-sama ngayon para iyong isang impormasyon, dati rati kasi noong mga nakaraang administrasyon pa, iyong in-charge diyan sa NDRRMC ay Philippine Information Agency lamang.
So ngayon hindi lang PIA, nag-meeting nga kami kahapon sa Malacañang, dapat nandoon lahat ng mga agencies, sister agencies ng PIA. Again iyong Philippine News Agency, nandoon dapat iyong News and Information Bureau, nandoon dapat ang Philippine Broadcasting Service, itong Radyo Pilipinas, ang PTV, ang Bureau of Communication Service na gumagawa ng mga—iyong gumagawa ng ano natin, iyong mga quote cards, iyong gumagawa ng info graphic. So at least may katuwang na. O kung magsasalita halimbawa si Usec. Ricardo Jalad ay nandoon iyong government agencies of communication na buong-buo nang sumusuporta sa kaniya, and of course the private media.
PALO: Kasi ito Radyo Pilipinas, ito pinaka-frontline mo eh—
SEC. ANDANAR: Yes, yes.
PALO: So back up ka, iyong sa socmed sa information dissemination, eh kasi iyong sa socmed actually ha, pasalamatan natin iyong mga kaibigan natin na mga taga DDS and the DBM, Maharlikans, lahat. Kasi nakatingin sila lagi, sa ngayon ha, sa PCOO, like that iyong hash tag natin iyong ‘laging handa.’ Ano iyon—talagang lumilipad lahat.
SEC. ANDANAR: Si Director Pebbles Duque ang point person diyan sa socmed, socmed ng government media pati iyong socmed din ng ating mga volunteers, iyong ating nga DDS friends. So talagang ano, and then not only that, nabanggit nga ni Carlos na noong nag-command conference si Presidente, nandoon lahat ng mga Secretary. Pinakita sa buong Pilipinas, inatasan ni Presidente sina Secretary Art Tugade, Secretary Bello, Secretary Tolentino na magpunta talaga doon sa Norte at sila talaga iyong magbantay, at the same time na nandiyan si Secretary Harry Roque at kami, sina Secretary Villar para naman umaalalay din kay Secretary Roque habang nagkakaroon ng press conference dito sa NDRRMC.
PALO: Correct, iyan ang isa sa mga hinahangaan ng tao eh, iyong kailangan nandoon mismo ang gobyerno.
MUNDA: Oo kasi kung naaalala natin iyong Yolanda hindi ba? Iyong may sinabi si Yolanda na maraming naapektuhan kasi hindi nila naintindihan iyong ibig sabihin ng storm surge. Hindi ba, na ang ibig sabihin pala ng storm surge ay mala-tsunami. Communication talaga ang isa sa mga pinaka-critical na link dito sa pagbigay solusyon sa taunang problema natin sa bagyo, so kailangan natin talagang tutukan iyan.
SEC. ROQUE: Ilang bagyo ba tayo, Vincent?
MALANO: Sa ngayon mayroon tayong—pangkinse itong si Ompong eh, eh ang average natin nasa 20, 21—
MUNDA: So mayroon pang lima?
MALANO: Eh matagal pa iyong December.
SEC. ANDANAR: Eh iyong ni-report mo doon sa NDRRMC mayroon pang isang parating after this.
MALANO: Mayroon nakita nating namumuo, asahan na hindi naman mabuo.
MUNDA: Pero sunod-sunod ‘no? If I remember correctly a week or two weeks ago eh sa Japan, tinamaan sila.
MALANO: Laging sa Japan iyong papunta roon—
MUNDA: Papunta sa Japan lahat ngayon, tapos ngayon sa kasalukuyan ang Amerika naman iyong Florence nga, iyong Florence ipinandayo dito. Ewan ko kung—may nakita akong image eh, ewan ko kung tama iyon pero iyong parang naglinya iyong mga bagyo all over the world ngayon.
PALO: Tama iyon.
MALANO: Pero sa ngayon mayroon tayong nagbabadyang El Niño ha. Kapag ka El Niño year ang kalimitang takbo ng bagyo dito sa atin ha ay papuntang—bago tumama ng Pilipinas ay nagrerecurve, kaya sabi ko nga nakailang bagyo na ngayon ang Japan?
MUNDA: So binabato natin sa kanila, baka ganoon?
MALANO: Iyon iyong ine-export natin sa kanila.
MUNDA: Hindi na saging eh ‘no?
PALO: Iyan ang itinatanong ko sa kaniya, Sec., kanina kasi may climate change tayo. May kinalaman din ba iyan sa change of leadership?
SEC. ANDANAR: Easy, easy. Naku naman. [laughs]. Mamaya eh mag-viral na naman tayo.
MUNDA: May kinikuwento kanina si Boss Vic. Boss Vic, tungkol sa nakaraang ano—huwag na nating tanungin. Huwag na daw natin tatanungin tungkol sa Yolanda kasi kapanahunan ni ano noon eh—
SEC. ANDANAR: So Boss Vic tawag natin sa kanya [laughs]. Sabi nga nila doon sa Surigao eh, eh huwag kang pumalaot dahil maalon, sabi nila sa Surigaonon, sabi ng Surigaonon eh kuwan, ano ba iyon? ‘Bayud man ganing sabaw.’ [laughs]. Natatawa si Boss Vic. [laughs].
MALANO: Talking of Surigao eh ‘no, noong 1984 may Nitang—
SEC. ANDANAR: Bagyong Nitang, nandoon ako boss.
MALANO: Iyong Nitang, oo, nagbubuo ng storm surge iyon.
SEC. ANDANAR: Boss Vic nandoon ako sa bagyong Nitang, 1984, oo. Kasi nandoon kami sa isla noon eh.
MUNDA: Sa Siargao?
SEC. ANDANAR: Hindi one of the Surigao City islands. Kasama ko iyong buong pamilya, erpat ko lahat. Naubusan kami ng bigas kasi mag-o-overnight sana kami doon sa isla eh. So umuwi kami dahil naubusan, pero maalon na. Iyon pala noong gabi na iyon, tumama iyong bagyong Nitang.
MUNDA: Buti na lang, Pare.
SEC. ANDANAR: Eh wala na sana ako ngayon. Eh tapos noong binalikan namin iyong isla, nahati iyong isla.
MUNDA: Oo iyong sand, kumbaga—hindi ba nangyari sa—sandy rin iyan eh, hindi ba iyong—
SEC. ANDANAR: Nahati tapos sa—so doon ako enrolled sa Surigao Pilot Elementary School. Iyong public school na tapat ng bahay namin. And then of course, nawalan kami ng bubong, paggising namin sa umaga, nakita ko—eh nag-aagawan na iyong mga kapitbahay namin ng bubong. [laughs].
PALO: Amin iyan. [laughs].
SEC. ANDANAR: Sabi ko, ‘Hoy, amin iyan.’ Tawa nang tawa iyong nanay ko eh. Sabi ko, amin iyan. Iyon pala lahat pala nawalan ng bubong tapos iyong isang elementary school sa tapat din namin, bagong gawa iyon eh. So buo, hindi nasira iyong eskuwelahan, doon kami nag-evacuate. Eh kaya ilang linggo, mga buwan siguro iyon puro mga ayuda kami, iyong mga galing dito sa Manila iyong pinapadala.
MUNDA: So nagbakwit ka rin pala noon?
PALO: Sinong Presidente noong time na iyon?
MALANO: Marcos pa iyon ’84 eh.
SEC. ANDANAR: Tapos naalala ko mayroon akong natanggap na—mayroon akong nakuha doon sa mga—iyong mga ayuda na star wars, oo star wars na kumot at saka iyong punda. Oo iyon ang kinuha ko. Kumbaga iyong ang reminder ko doon sa bagyong Nitang, and then after sometime kaya kami bumalik ng Cagayan De Oro, kasi ang tagal bago bumalik iyong normal na eskuwela eh.
MUNDA: Would image, Pare that time hindi ba iyong Surigao was still—kahit ngayon medyo—medyo iyang mga iyan eh, malayo pa rin talaga sa what you would call iyong developed talaga na ngayon.
SEC. ANDANAR: Tapos iyong mga ano pa, iyong mga pagkain na pinapadala ni Makoy noon, iyong Libby’s corned beef.
MUNDA: Ah Libby’s corned beef.
SEC. ANDANAR: Kasi nandoon kami sa isla noon eh.
MUNDA: Sa Siargao.
SEC. ANDANAR: Hindi, one of the Surigao City islands. Kasama ko iyong pamilya, erpat ko lahat. Naubusan kami ng bigas, kasi mag-o-overnight sana kami doon sa isla eh. So, umuwi kami, dahil naubusan, pero maalon na, iyon pala nung gabi na iyon, tumama iyong bagyong Nitang. Buti na lang, di wala sana ako ngayon. Eh tapos nung binalikan namin iyong isla, nahati iyong isla.
MUNDA: Di ba nangyari sa Sandy rin iyan.
SEC. ANDANAR: Nahati, tapos—so doon ako enrolled sa Surigao Pilot Elementary School, iyong public school na tapat ng bahay namin. And then, of course nawalan kami ng bubong, lahat pag-gising namin sa umaga, nakita ko eh nag-aagawan na iyong mga kapitbahay namin nung bubong. Sabi ko, hoy amin iyan. Tawa ng tawa iyong Nanay ko eh, sabi ko, amin iyan. Eh iyon pala lahat pala nawalan ng bubong. Tapos iyong isang elementary school sa tapat din namin, bagong gawa iyon, so buo hindi nasira iyong eskuwelahan, doon kami nag-evacuate. Kaya ilang lingo, mga buwan siguro iyon, puro mga ayuda, iyong mga galing dito sa Manila, ipinapadala.
MUNDA: So nag-bakwit ka rin pala noong bata ka.
PALO: Sino ang Presidente that time?
SEC. ANDANAR: Marcos.
MUNDA: Marcos pa, ’84 eh.
SEC. ANDANAR: Tapos naalala ko, meron akong natanggap na, meron akong nakuha doon sa mga ayuda na Star Wars na kumot at saka punda, iyon ang kinuha ko. Iyon ang reminder ko doon sa bagyong Nitang; then after sometime, kaya kami bumalik ng Cagayan De Oro. Kasi ang tagal… ang tagal, bago bumalik iyong normal na eskuwela eh.
MUNDA: I would imagine, that time, di ba iyong Surigao was still… kahit ngayon medyo iyong mga areas na iyan, malayo pa rin talaga sa what you would call iyong developed talaga.
SEC. ANDANAR: Oo tapos iyong mga ano pa, iyong mga pagkain na ipinapadala ni Macoy noon, iyong Libby’s corned beef iyon ang—kaya lahat ng mga Surigaonon sosyal eh, corned beef iyong kinakain, kumakain ng Libby’s during that time, iyon ang na-experience ko nung bagyong Nitang, super typhoon.
MALANO: Sa Mindanao kasi, iyang area na iyan, wala pa tayong tinatawag na super typhoon, typhoon lahat iyan. Ginawa lang natin itong kategorya sa ngayon, in-adopt natin during Yolanda… after Yolanda.
MUNDA: So, pre-Yolanda, all typhoons were typhoons.
Q: Wala tayong—
MALANO: Historically, ang Mindanao, except for that Northern part talaga Surigao. Ang Southern Mindanao, hindi po iyan tinatamaan.
Q: Merong bago tumama namamatay eh. Kasi iyong mga panahon na iyan, February, January, malamig iyong panahon di ba. Hindi nabubuhay iyong bagyo gaano. So pagka bago tumama, eh nag-weaken na siya at mamamatay.
MUNDA: Kaya noong ano, naalala ko iyon nga, iyong Pablo, they were saying, parang it was the first typhoon that hit that part of Mindanao in like a hundred years, di ba more than 100 years, kaya walang nakakaalala.
MALANO: Pero meron ng nangyari.
MUNDA: Ngayon maalala ng mga tao, siguro hopefully for another what, a 100, 200 years. Sana wag nang bumalik.
MALANO: Pero ulan lang okay ang kailangan natin.
MUNDA: Pero iyong isang tanong ko rin kanina. Are we experiencing more severe storms or are we just more aware na of severe storms because of iyong interconnectivity ng mundo. Talaga bang mas marami.
MALANO: Sa pag-aaral ng Pag-asa, dumadami ngayong iyong severe talaga. Ma-recall ko lang nung 2006, iyong categorya ng super typhoon baka nasa anim o lima iyong tumama nung 2006, kasama na doon iyong Reming.
Q: So ang tingin ninyo, tataas ng tataas iyong bilang na iyon?
MALANO: Sana nga hindi na. Pag ganito kasi, dahil sabi natin eh, mainit iyong atmosphere, eh iyong evaporation is tumataas, so doon kasi nakakakuha ng energy iyong mga bagyo na iyon.
SEC. ANDANAR: Vincent, Carlos at Leo, nasa linya ng ating telepono si Governor Manuel Mamba ng Cagayan Province. Magandang umaga po sa inyo, Governor.
GOV. MAMBA: Magandang umaga, Sec, at magandang umaga po sa lahat ng nakikinig sa atin.
SEC. ANDANAR: Alam ko pong hindi kagandahan ang umaga natin, dahil sa bagyo, hihingi lang sana kami ng update, Governor, kung ano po iyong sitwasyon diyan sa inyong probinsya?
GOV. MAMBA: Well, since 11 o’clock talagang binabayo na kami dito ng bagyo and up to now meron pang winds hanggang ngayong dito sa atin. So far, umaabot kami ng about 39,000 na evacuees in different evacuations areas. Pero nawalan kami ng communication about two to three hours after the landfall in so many areas, pati telcos nawala din, kaya—at this point in time no casualty is still reported, wala pa naman, pero we are blind in certain areas. So we have to verify pa kung talagang no casualty tayo.
And as far as damages are concerned, we are still getting from… fresh information from our people sa baba. We are now in the process of clearing iyong mga thoroughfares at saka mga roads, iyon ang priority para kahit papano makapag-rescue kami.
We have a lot of rescue units na composed of PNP personnel, Army, Marines, including Coast Guard. We have been closely coordinating also with Secretary who was with me until midnight last night, si Secretary Tolentino and Secretary Bello and also Secretary Tugade, who are still here with us dito sa Cagayan and Isabela. And we also have Asec. Faeldon and Nolcom Commander Salamat who joined also until the evening last night.
Now, nagkukumpuni pa kami ng mga records dahil iyon nga, we are trying to get in touch doon sa coastal areas, medyo bulag kami doon, nawala iyong communication namin and we are trying to see kung okay at passable iyong mga roads natin.
MUNDA: How soon do you expect for the province to be get back to normal and if there is anything that the national government can help with… in this effort, ano po iyon?
GOV. MAMBA: We will have a command conference mamaya 1 o’clock called sa Recom. So that we will see the actual kuwan sa grounds, medyo bulag pa kami in a lot of areas and so we try to get all the information we could get… the fresh information that we could get.
As far as the help is concerned, so far… so far sa amin naman dito, wala pa namang kulang sa mga nakukuha naming mga… from the national government. We are still in the rescue and relief operations at this point in time. And we still have our people, most of our people na nasa evacuation centers pa rin at hindi pa rin namin—most of them hindi pa namin binibitawan, dahil medyo may malakas-lakas pa na mga ulan at saka hangin.
SEC. ANDANAR: Gov, baka meron po kayong mensahe para sa mga kababayan ninyo na nandito po Maynila o iyong mga nakikinig po sa atin, kamag-anak, mga nakikinig po sa atin dito po sa Radyo Pilipinas na nasa abroad, baka meron po kayong message sa inyong mga kababayan po, sir?
GOV. MAMBA: Well gusto ko pong malaman po nila what our government, the national government, local government units, uniformed personnel, the NGOs, naka kuwan ho kami… we have been coordinating for the last five days. And so far, wala po kaming reported pa ngayon na casualty. And kinukumpuni po namin lahat iyong mga information para kahit papano ay malalaman namin kung ano pang mga klaseng tulong pa ang mga kailangan namin especially sa government and the private sector.
Some people who already contacted me also para tutulong, CEZA Administrator Lambino together with some businessman headed by Engr. Danny Tamayo are trying to connect with us now, because they also want to help out. Manny Pangilinan is also trying to help out din po and a lot of people are now calling na tutulong po sa amin. And we are so glad po na nandiyan lahat sila.
And I would also like to take this opportunity to thank the President who has really, really taken out… out of his way to send us Secretaries to be with us here, ang laking tulong po iyon sa amin, because nakakadiretso kami sa national government and thank you so much.
And we would also like to thank the secretaries who came over na tumutulong dito sa amin ngayon.
And in due time po, ma-assess po namin sa inyo iyong talagang sitwasyon dito, dahil we were victims ho ng Lawin noon, we have not recovered fully yet at tinamaan na naman po tayo ngayon, the same path po and practically parehas ho iyong damage na ginawa dito sa atin, especially our crops ang maybe some of our infrastructure.
So, we are doing our best po na ma-reach out lahat at this point in time. We had about 39,000 evacuees as of 10 pm last night. So far, so far, hindi pa namin sila pinapayagang umalis po sa mga evacuation centers dahil nga po may mga pag-ulan pa at medyo malakas pa ang hangin.
SEC. ANDANAR: Okay, maidagdag ko lang, Governor, kung meron po kayong kailangan sa tanggapan po ng PCOO nandiyan po ang PTV, nandiyan din po ang Radyo Pilipinas at ang Philippine Information Agency para po uma-assist sa inyo. Governor, my office is your office, so kayo na po ang bahala diyan sa Cagayan. Mag-ingat po kayo, Gov, We are always here para sa inyo po.
GOV. MAMBA: Thank you po, thank you po, Secretary. They are really with us here whole heart po sila, nandoon sa Kapitolyo and now they are roaming around po. Maraming-maraming salamat po sa lahat ng tulong ang concern and we’d like to thank the President for all of this.
SEC. ANDANAR: Maraming salamat, Governor Manuel Mamba ng Cagayan Province. Thank you po, sir.
PALO: Ayan, so hintayin natin iyong mga susunod na mga oras, pagka nakaikot na sila, malalaman na nila kung—kasi nga sabi nga kanina, bulag talaga eh, totoo naman iyon. Pagdating sa communications, medyo—kapag naputol talaga iyan, bigyan mo ng dalawang oras na maputol iyan, ay nako, malaking problema diyan.
MUNDA: For example, sabi ni Sec. Martin di ba, nandoon iyong PTV, PNA, PIA, lahat ng ahensiya ng PCOO ay nandoon. Kasi in a situation like this, kanina pare, nag-uusap tayo. If you look at iyong mga private media reports on the weather, kasi sanay na sa bagyo di ba, may elemento po kasi ng pagka-tabloid – sa tingin ko ha – ‘asan iyong pinaka-ano—ang nagiging trabaho ng media, especially iyong private media sa sitwasyon na ganito is paano i-report iyong the worst that is happening, kasi iyon yung panunuorin ng tao eh, di ba. Diyan po pumapasok ang importansiya ng government media, because hindi naman dapat ire-report—ang trabaho po ng government media ngayon ay magpakalat ng impormasyon tungkol doon sa nangyayari para maintindihan ng mga tao at makatulong sa kanila kung paano sila magprepara at umiwas doon sa sakuna; hindi iyong para tumaas ang ratings. Di ba? Magkaiba po iyon. And that’s where, I think iyan, yung presence ng PTV, PIA, PNA on the ground is going to be a big factor.
SEC. ANDANAR: Doon nga sa aming mini command conference naman sa PCOO kahapon, I posed a question: ano ba ratings o public service? Nandito tayo para sa public service, sabi ko, hindi iyong nandito tayo para iyong reporter natin eh ipapahamak natin sa gitna ng bagyo na nagre-report ng live na—
MUNDA: Iyong buhok eh lumilipad-lipad ng ganoon. Mala-Atom Aurelio tayo niyan eh, di ba. Hindi, totoo naman di ba. Ang kailangan mo kasi diyan is a sober, accurate—totoo naman pare, nakita ko sa ibang network di ba, ilalagay mo iyong reporter mo saan, ilagay mo sa gitna ng bagyo, bakit? Iyan ang peg natin ngayong eh, di ba, iyan yung peg nung Yolanda di ba, nandoon ka sa gitna, but pakinggan mo iyong report. Ano iyong actual value nung report, doon sa saan ba ako pupunta, alam ko na eh di hindi ako pupunta doon, bakit? Eh nililipad iyong buhok nya eh, di ba. But iyong actual value to me as a citizen, medyo manipis. Manipis talaga.
SEC. ANDANAR: Actually, meron ngang ano ngayon, kung babasahin mo iyong mga weather channel sa Amerika, maraming nagba-bash eh na mga viewers. Na bakit ninyo inilalagay sa alanganin ang buhay ng inyong reporter, hindi na namin kailangan ng ganyan, we just want accurate information na magagamit namin, hindi iyong—ayaw na naming makakita ng ganyan, parang tapos na iyon eh, bumenta na iyan eh, tapos iyon, bumenta na, parang ganoon.
PALO: Hindi alam ni Sec iyan. Nagre-report iyan eh.
SEC. ANDANAR: Oo, pero hindi naman ako nagpa-ano ng hangin.
MALANO: Sec, sa Japan pala ang disaster type of message na patungkol dito sa mga ganito, ang private ay hindi pinapayagan eh, sa Japan legislated iyon na dapat nga kasi kapag ganitong panahon, dapat isang source para hindi magkakalituhan. Legislated iyon.
MUNDA: Puwedeng legislative agenda mo iyan, pare.
MALANO: Kung minsan ay nagkukumparahan, bakit ganito, ganito, tapos sa ngayon kasi kumpleto na tayo ng gamit, sabi ko nga kanina eh, kapag nasa loob ng PAR na iyong bagyo eh, kaya nang abutin ng ating radar. Meron ngang minsan nagtanong sa amin noon eh, bakit kapag nasa loob na ng PAR eh parang halos lahat ay iisa na lang iyong track? Medyo may pagkayabang din iyong sinabi ko eh. ‘Kasi nangongopya na sa amin iyan eh’, sabi ko. Aah ang yabang mo naman, sir. Sabi ko, hindi iyon, totoo iyon, dahil radar na iyon, precise kasi iyong location, nasa loob na eh. So, siguro naman panahon lang ng ganito na dapat isa lang source natin.
SEC. ANDANAR: Oo, ang Pag-asa dapat ang source natin.
MUNDA: True, I agree, because the other source—I mean like I said, it’s like para kang ano, para kang kumukuha ng disaster preparedness lessons doon sa mga taong gumawa ng Titanic. You know ang gusto nila—yung movie na Titanic ibig sabihin, ang gusto niyan iyong may drama, may excitement, iyan ang peg eh, iyan ang peg ng private media, because they are in there for income di ba. And sometimes, it actually is ano pa eh… nagiging siyang counterproductive, pare, so nagpa-panic iyong mga tao. Kahit ikaw rin naman siguro, kunwari ako taga-Metro Manila ako di ba, makikita ko lang iyong report na parang nagigiba na ang buong Northern Luzon, baka ang tendency, uy kailangan kong puntahan ko iyong pamilya ko doon. So, ngayon, I will race all the way to ano, instead of iyong matinong pag-iisip, magpa-panic rin ako, kasi iyon ang nakikita ko sa TV. So maganda iyong idea na iyon.
MALANO: Iyong kamukha nung ipinakita sa akin ni Sec. nung the other day na iyong bagyo eh, tumagilid iyong Pilipinas.
MUNDA: Magpa-panic talaga tayo noon.
PALO: Ito pa ang ano diyan, lahat iyon nararanasan ito lalo ng mga ordinaryong Pilipino, kapag sinabi ng Pag-asa, ang bagyo… ang malakas na bagyong ito ay nasa PAR na. Hindi nila muna intindihin kung nasaan iyong bagyo eh. Basta ang alam nila nasa PAR na, ibig sabihin nasa Pilipinas na, nasa loob na. Mas mainam iyong ganoong information admin na maging malinaw na pag sinabi mong nasa PAR malayo pa naman talaga iyon, wala pa sa lupa. Kinakabahan na lahat eh.
MUNDA: Nag-message nga kanina si Angel Abella, ng PCOO. Sabi niya na ano, para doon sa mga nagtataka daw o nagtatanong bakit daw hindi sila nakakatanggap ng text messages tungkol dito sa bagyo na ito galing sa NDRMMC, eh kasi nga karamihan ng mga messages are area located di ba. So, kung nandoon ka sa Davao, aba eh wag kang umasa na makatanggap ng message tungkol sa bagyo, kasi wala kang pakialam, hindi ka related, hindi sikat.
SEC. ANDANAR: Hindi at least nasasayang iyong resources. Iyon actually, Carlos at Admin at Leo, iyong dahilan kung bakit napakaimportante ng technology na DTTB or Digital Terrestrial Television Broadcasting. Kasi doon sa early warning system na in-adopt ng PTV, kapag naging digital na iyong ating transmission ng PTV ay kasama doong box na early warning device na puwedeng padalhan ng mensahe ng PAGASA iyong lugar na iyon; at iyong lugar lang na iyon. Halimbawa, kung tatamaan Barangay San Jose lang, doon lang sa Barangay San Jose ipapadala iyong mensahe na, “Uy, lumikas na kayo dahil mayroong storm surge na paparating.” Hindi mo na kailangan ipadala doon sa Barangay San Andres na nandoon naman sa Northern Luzon o sa Southern Luzon na hindi naman tatamaan.
So technology really plays a huge part. Teka muna, mayroon tayong report ngayon mula sa Tayug. Si Leslie Gimeno. Leslie…
[NEWS REPORT]
SEC. ANDANAR: Leslie, mag-ingat kayo diyan ha.
GIMENO: Maraming salamat po.
SEC. ANDANAR: Malapit pa naman kayo sa San Roque Dam. Mag-ingat kayo diyan. At kung mayroon kayong kailangan, back up, whatever, kumontak lang kayo dito sa amin, sa Metro Manila. Okay, Leslie, ingat kayo.
GIMENO: Opo, maraming salamat po, sir.
SEC. ANDANAR: Si Leslie po ay reporting from Pangasinan. Samantala, nasa linya na po ng ating telepono ang Special Assistant to the President para bigyan po tayo ng kaniyang mensahe at mga paalala. Secretary Bong Go, magandang tanghali po sa inyo, sir.
SAP GO: Magandang umaga, Sec. Martin, Carlos and Leo. At sa lahat ng tagapakinig ng inyong programa, mga kapatid nating Pilipino.
SEC. ANDANAR: Kasama rin po natin si Admin Vincent ng PAGASA, Secretary.
SAP GO: Admin, magandang umaga. Salamat sa pagbibigay ng update sa ating mga kababayan.
SEC. ANDANAR: Okay, Secretary Bong, so far, ano po ang mensahe ninyo sa taumbayan? So far, ang mga report na nakakarating sa atin ay, sa awa ng Diyos ‘no, hindi po ganoon kalaki ang napinsala nitong Bagyong Ompong.
SAP GO: Ang importante po ay maging vigilant tayo at pumunta tayo sa lugar na safe ‘no. Importante ang buhay ng bawat tao o bawat Pilipino so lumikas kaagad tayo kapag alam nating medyo delikado na iyong lugar, mababa at tatamaan ng mga pagbabaha ‘no.
Sa ngayon naman po ay naka-monitor ang ating gobyerno, ang national government, including po iyong mga local government natin; in close coordination tayo. Sabi ko nga, iyong tanggapan namin ay bukas po. In fact, si Governor Imee ay nag-report po kanina, medyo maraming bubong daw po ang nawala doon sa Ilocos Norte. At si Governor Mamba naman ng Province Cagayan, as of … kanina raw, wala namang reported casualty, though bulag daw sila on certain areas, na-cut daw iyong communications after the landfall ng 1:40 in the morning. Sana po ay walang masaktan. At magdasal po tayo na walang masaktang buhay o tao.
So sa ngayon po ay nag-aantay, nagmo-monitor po kami ni Pangulong Duterte. At si Secretary Tolentino naman ay nag-update nga rito sa kinaruroonan niya – natanggal iyong bubong sa regional office kung saan po siya naruroon. At si Secretary Tugade at Secretary Bello ay nandudoon din sa kanilang mga lugar. May update yata sila mamayang 1 o’ clock po. At kagabi ay nagbigay ng update si Secretary Tolentino kay Pangulong Duterte bago pa nag-landfall sa areas na kinaruroonan niya.
Sa ngayon po ay handa naman ang ating national government, DSWD, DOH, DPWH at iba pang inatasan ng ating Pangulo para tumugon kaagad sa paglabas nitong bagyo. Iyong rehabilitation efforts na po ang importante rito after makalabas iyong bagyo. So ngayon ay naghihintay kami kung puwede na kaming pumasok dito sa mga lugar na tinamaan. Iyon na lang po ang hinihintay ng ating Pangulo, at tutuloy kaagad kami doon; lilipad kaagad kami doon lalo na iyong pinakatinamaan talaga ng bagyo.
SEC. ANDANAR: Okay, Secretary Bong, para po sa kapakanan ng ating mga manunood at lahat po ng Pilipino na nakikinig po ngayon, ano po ang huling usapan ninyo ni President Duterte? Ano po iyong kaniyang bilin sa inyo?
SAP GO: Binigyan ko po siya ng update, mga updates from different government officials mula sa local government nga po at doon sa lugar ni Congressman Albano rin at malaki rin ang pinsala ng mga crops doon, agricultural crops. So sa ngayon po ay minu-monitor na natin kung ano po iyong damage. At sana po ay wala nga pong masaktan at magdasal tayo. At hinihingi namin ang mahabang pasensya po sa ating mga mamamayan kung hindi kaagad mapuntahan ng mga rescuers po sa sobrang dami siguro ng magiging biktima nitong napakalakas ng bagyo. Siyempre lahat po ay gusto nating tulungan, nguni’t kakulangan po, maaaring mismo sila, iyong mga local officials doon ay tatamaan din ng bagyo. So more patience po at magtulung-tulungan na lang po tayong mga Pilipino.
SEC. ANDANAR: Okay. Kanina, Secretary Bong, ay nagkaroon kami ng alas nuebe na command—
PALO: Briefing.
SEC. ANDANAR: Briefing dito sa NDRRMC, at mamayang alas tres ay mayroon ulit. Pero mayroon pong tanong sa inyo si Carlos Munda.
MUNDA: Sec., magandang hapon po. Kanina po kausap namin si Governor Mamba, at malaki iyong pasasalamat niya doon sa ginawa ni Presidente na nagpapunta ng mga Cabinet officials doon. Sinasabi niya na maganda raw iyon kasi direct iyong communications nila sa national government.
Ngayon po, pagdating naman sa ating mga kababayan, ano po ang maisa-suggest ninyong maitutulong? And nandiyan na po ang tulong ng gobyerno. Ano po ang dapat gawin nating mga Pilipino para makatulong dito sa panahon na ito?
SAP GO: I’m sure po pagkatapos nitong lumabas iyong bagyo, rehabilitation efforts na po ang gagawin natin. At I’m sure, sa ibang magiging biktima, kailangan po nilang mag-adjust sa kanilang paghanapbuhay. Dito po kailangan ng tulong, siguro mga pagkain at mga tubig at kagamitan. So sa ngayon po ay sana maghanda tayo, at tutulungan natin iyong mga magiging biktima rito. Alam naman natin na ang mga Pilipino ay may malasakit sa kapwa Pilipino.
PALO: Secretary, sa lawak po ng pinsala ng bagyong ito, maglalabas po kaya ang Pangulo ng emergency fund mula sa Office of the President?
SAP GO: Hindi ko po masasagot iyan. I’m not authorized to speak in behalf of the President. Pero I’m sure mayroon tayong … may pondo pong ilalaan ang ating national government, si Pangulong Duterte. And I’m sure papatutukan niya sa iba’t ibang departamento itong rehab efforts nga po sa mga tinamaan, including … pinakaimportante diyan ay itong Department of Agriculture, Department of Public Works and Highways. Of course, Department of Energy to restore iyong power kaagad sa mga tinamaan. At sa communications po, napakaimportante rin po ito at siyempre iyong mga passable na daan at ma-clear kaagad iyong mga daan na tatamaan. Clearing operations kaagad iyong DOTR. Iyong airport, kailangan clear din po para maparating kaagad iyong mga tulong na ipapadating doon sa mga kaniya-kaniyang mga lugar po na tatamaan.
So sa ngayon po ay hinihintay na lang natin na sana lumabas na kaagad itong bagyo para umpisahan na po natin to assess then rehabilitate na po.
PALO: Sir, last na lang ito. On the human side lang ng Pangulo. Alam mo naman iyong mga ka-DDS natin, nagtatanong sila, siyempre alam nila kung anong edad na si Pangulo – 73 na. Medyo ikuwento ninyo ng konti, ano ba ang nararamdaman ni Presidente kapag ganitong may mga ganitong inaabangan tayong mga pananalasa ng bagyo?
SAP GO: Very concerned po siya, ang ating Pangulo. Kasi hindi naman po ito bago sa amin ‘no. As local government noon, nakaranas din kami ng—though hindi naman binabagyo rito sa Davao City, may mga pagbabaha at mga kalamidad so handa naman po ang ating … sanay na po ang ating Pangulo sa ganoon. But we are very much concerned po sa safety po ng mga kapatid nating Pilipino. Walang masaktan at wala sanang mamatay sa bagyong nangyari nga.
MUNDA: Sec., alam naman natin na isa sa mga tinututukan ninyo ngayon itong pagtatayo ng Malasakit Centers sa buong bansa. Sa panahon na ito, dito sa Northern Luzon, maraming naapektuhan. Mayroon na ba po o magtatayo ba tayo ng Malasakit Center dito sa area ng Northern Luzon?
SAP GO: Opo, plano rin namin ‘no, iyong sa mga government hospitals po na importante po na may facilities sila kasi to avail the medicine, mga operasyon. Kailagan medyo kumpleto po iyong government hospital na pagtatayuan nito. At plano po namin next is sa Pampanga. At soon, paakyat naman tayo para ma-avail po nila iyong mga libreng gamot at pagamot natin.
Pangalawa, priority nga po natin iyong mga senior citizens at mga PWD, iyong mga persons with disability para hindi na po sila pumila. At alam naman natin na iyong nga Pilipino talaga, hindi natin matitiis ang ating mga magulang. Kapag umabot na iyan ng above 60, diyan na po pumapasok iyong mga sakit. So para po malibre sila and to unburden po iyong mga anak na mayroon na ring kaniya-kaniyang mga pamilya at mga anak, kaya ito po ang pina-priority natin – iyong libreng gamot po sa mga senior citizens.
SEC. ANDANAR: Maraming salamat po, Secretary Bong Go sa inyong assurance. At mabuhay po kayo, sir. Abangan po namin ang inyong biyahe ni Presidente ngayong Lunes sa mga tinamaan po ng bagyo. Thank you po, sir.
SAP GO: Hindi lang po Lunes, as soon na pumayag na ho ang … clear na po ang air o—at sobrang lakas ng hangin ngayon, bawal pa iyan ‘no. Mga thirty knots iyong hangin dito sa area na ito. Even Metro Manila, cancelled ho lahat ng mga eroplano. At delikado iyong helicopter o eroplano sa sobrang lakas ng hangin. Once na may clearance na po ang ating CAAP ay gustong tingnan kaagad, at lilipad ang ating Pangulo sa mga magiging hardest hit na areas po to assess and to help and rehabilitate po.
SEC. ANDANAR: Salamat po muli, Secretary Bong Go.
SAP GO: Maraming salamat po sa inyong lahat diyan. Maraming salamat sa mga kapatid nating Pilipino.
SEC. ANDANAR: Iyan si Secretary Bong Go, ang Special Assistant to the President. At i-recap lang natin ang sinabi ni Secretary Bong Go na ang gobyerno is really on top of the situation. Mayroon pong mga naka-assign na mga kalihim na nandoon ngayon sa Norte – sina Secretary Tugade, Secretary Francis Tolentino, Secretary Bello. At dito po naman sa NDRRMC, nandiyan po si Secretary Lorenzana, si Secretary Harry Roque, Secretary Orogo, Secretary Villar at ang inyong lingcod ay nandito rin po sa communication center ng gobyerno po natin.
At sinabi pa ni Sec. Bong, na as soon as pinayagan ng CAAP na makalipad na ay bibisitahin ni Presidente, ni Pangulo mismo iyong mga lugar na dinaanan nitong bagyo, lalung-lalo na iyong hardest hit.
PALO: Kapag sinabi ng PAGASA sa CAAP, puwede na.
SEC. ANDANAR: So dadaan pa rin sa’yo?
PALO: Dadaan sa PAGASA.
MALANO: Actually, iyong information is nanggagaling sa PAGASA. Sila iyong nag-a-assess kung puwede na.
PALO: Iyong flight ko ba mamaya, sir, tuloy?
SEC. ANDANAR: Malabo iyan, ‘Tol. So posible pa rin na kahit dito sa Metro Manila, kung malakas iyong hangin, eh sabihin ninyo walang eroplano, hindi puwedeng lumapag.
MALANO: Iyong mga ganyang sitwasyon.
SEC. ANDANARL: Naku, Diyos ko po. Eh dapat pala bago mo tawagan iyong CAAP, tawagan mo muna iyong PAGASA.
MALANO: Depende kasi sa aircraft. Kasi iyong kakayahan ng aircraft, iyon iyong hindi namin alam. Pero iyong information kung gaano kalakas iyong hangin, nanggagaling sa amin. So ang CAAP iyong magde-determine noon kung kaya ba ng aircraft mo iyon.
SEC. ANDANAR: So sasabihin ninyo, for example, nasa 200 kilometers per hour iyong hangin, sasabihin ng CAAP, “Teka, hindi kaya.”
PALO: Parang Coast Guard, ‘di ba, parang small craft warning lang or malaki. Si group commander ba, Army ‘no or Marines?
MUNDA: Air Force.
PALO: Air Force pala siya. Kadalasan kasi ng PSG—ang PSG ang nakakaalam eh. Pagtingin pa lang sa taas, alam na nila eh, “Ah hindi puwedeng umalis si Presidente.” Ganoon iyon, matik iyon. Kahit hindi na sabihin sa ano iyon.
MUNDA: Pero naalala ko noong Yolanda, si Mayor Duterte at that time was one of the first to go to Yolanda after what happened. So talagang ano siya.
SEC. ANDANAR: So ayaw man naming umalis dito, pero kailangan nating umalis.
PALO: Nakapila na iyong susunod na papasok.
SEC. ANDANAR: Nakapila na eh baka tayo naman ang hagupitin ng susunod eh.
MUNDA: Iyong susunod na programa ay puro balita na.
SEC. ANDANAR: Puro balita, update po. Maraming salamat sa mga nakatutok po dito sa Radyo Pilipinas. At sa mga kababayan natin na nanunood po sa pamamagitan ng social media, ng Facebook, sa Presidential Communications dito po sa Radyo Pilipinas, sa Laging Handa page, sa The Presser page, Philippine Information Agency, Philippine News Agency, maraming salamat. At tuluy-tuloy po iyong special coverage ng Radyo Pilipinas sa Bagyong Ompong. At manalangin po tayo sa ating Panginoon na ito po ay hindi pa lumakas.
MUNDA: At sana, ito na iyong pinakahuling bagyo na malakas. Wala na sana.
PALO: Itong taon na ito o buong buhay natin?
MUNDA: Mas maganda nga buong buhay natin.
SEC. ANDANAR: Maraming salamat po sa ating guest, si Admin. Boss Vic?
MALANO: Maraming salamat din po sa pag-imbita at maipaliwanag natin sa kanila kung ano iyong ating mga ginagawa. Naobserbahan ko talaga na kapag tulung-tulong talaga ay maraming magagawa.
SEC. ANDANAR: Hindi puwede iyong ija-ija, aho, aho. Hindi puwede iyon. [laughs]
MUNDA: Magandang message iyon, iyong dapat tulung-tulong tayo.
SEC. ANDANAR: Hindi ija-ija… [laughs]
MUNDA: Magandang mensahe iyon lalo na sa panahon ng sakunang ganito. Dapat po ay nagkakaisa tayo. Isantabi muna natin iyong pulitika. Iwan muna natin sa Senado iyan.
SEC. ANDANAR: Muli, ito po si Secretary Martin Andanar.
MUNDA: Carlos Munda.
PALO: Leo Palo III.
SEC. ANDANAR: Kayo po ay nakikinig sa Cabinet Report sa Tele Radyo.
###
SOURCE: PCOO – NIB (News and Information Bureau)