ARCENA: [Recording starts]… Sec., they’re very thankful. Kasi unang-una, dahil nga tulad ng sinabi mo na talagang mahirap pumasok sa ground zero. Ang ginawa nga namin sa Office of the Global Media sa tulong na rin ng Task Force Bangon Marawi ay in-organize namin iyong buong programa mula ala singko ng umaga hanggang gabi. So lahat nakaplantsado ‘yan, kaya thankful sila dahil doon lang napagsama-sama namin iyong mga opisyal na kailangan nilang interview-hin; so they don’t need to coordinate na sila mismo ang magko-coordinate.
Ang office natin sa tulong ng Task Force Bangon Marawi ang mismong nag-coordinate, nagplantsa kung sino ‘yung mga i-interview-hin nila at sino ‘yung mga kailangan nilang makausap, including the IDPs. So, hindi lang mga government officials ‘yung binigay namin na interviewee kundi pati iyong mga Internally Displaced Persons o ‘yung mga apektado ng Marawi Siege, pati na rin iyong mga locals doon, iyong mga taga-local officials, government officials at national government officials.
SEC. ANDANAR: Maraming salamat sa panahon mo and for the effort JV Arcena. Aabangan namin ang kabuuang report na magmumula sa apatnapung international journalists, and of course ating Philippine News Agency at ang Office of Global Media Affairs social media reports, aabangan ho namin JV. And you have a safe flight coming back to Manila at abangan din natin ang iyong trabaho doon sa Nikkei Conference sa Tokyo, Japan kasama si Presidente Duterte. Mabuhay ka, ingat ka JV. Thank you.
ASEC. ABLAN: See you, JV.
ARCENA: Thank you, sir. Bago ko lang tapusin ‘no sir. Unang-una, thank you sa PCOO, sa Office of the Secretary, sa inyo sir; sa DND, sa Task Force Bangon Marawi at sa PIA sa kanilang mga tulong sa Office of the Global Media Affairs para maging successful ang reporting tour na, itong third reporting tour natin mula nang mabuo ang OGMA. Thank you again and magandang gabi.
SEC. ANDANAR: Thank you, JV. At alam mo Asec. Kris, gusto kong i-discuss iyong naging results ng senatorial elections, dahil napakadaming drama ang nangyari for the 90 days of the campaign. Even before that, na napakadaming… lalo na sa black propaganda, na si Bikoy lumabas at napakadaming mga paratang na si Secretary Bong Go ganito, ganiyan. In fact the entire campaign, the entire duration, siguro si Secretary Bong Go talaga iyong—
ASEC. ABLAN: Ginawang target.
SEC. ANDANAR: Tinarget talaga ‘di ba. Tinarget ng mga kalaban natin sa pulitika, lahat ng black propaganda. Pero alam mo, kahit na foul at below the belt iyong kay Bikoy noong lumabas siya ‘no during the campaign at iyong iba pang mga black propaganda, iyong kinalabasan pa rin ng halalan ay napakaganda for the administration ‘di ba. Sa coalition mismo siyam iyong nanalo, tapos mayroon tayong tatlong independents; iyong isang independent si Senator Lito Lapid ay sumusuporta rin sa Duterte administration, so that makes it ten out of twelve. At kita naman natin na iyong sa Otso Diretso ay zero iyong naging kinahinatnan—
ASEC. ABLAN: Zero out of eight.
SEC. ANDANAR: Zero out of eight, so wala talaga. Now ang tanong dito, mayroon bang talagang mali doon sa mga strategies ng Liberal Party, number one. Kung mayroon mang mali, ano ‘yun. Number two, masasabi bang talagang parang out of touch iyong oposisyon pagdating sa mga issues. May nagsabi sa akin, alam mo ideologically bankrupt na, wala nang naibibigay na magandang alternative, sapagkat kahit na may mga tamang sinasabi o tamang ginagawa ni Pangulong Duterte, puro mali.
At nasa linya natin para sagutin ‘yan, ang isa sa mga tanyag na propesor ng Political Science sa De La Salle University, Professor Antonio Contreras. Magandang gabi sa’yo, Prof.
PROF. CONTRERAS: Magandang gabi Secretary Martin. Sino ba ‘yan? Si Kris ba ‘to?
SEC. ANDANAR: Si Kris Ablan.
ASEC. ABLAN: Si Kris po, Prof. Good evening po.
PROF. CONTRERAS: Good evening.
SEC. ANDANAR: Salamat Prof. sa oras. Thank you for picking up, I know that this is a weekend for you, dapat ay nagpapahinga ka na pero nandiyan ka para rin. Salamat, Prof.
PROF. CONTRERAS: Okay lang basta kayo Secretary, kahit anong oras.
SEC. ANDANAR: Itong sinabi—may nag-comment kasi sabi, “Wala na, politically bankrupt na ang oposisyon. Ang Liberal Party hindi na in touch sa pulso ng masa.” Anong masasabi mo sa statement na ganiyan Prof., na sinasabi sa mga—actually, nabasa ko lang ‘yan sa mga Facebook comments.
PROF. CONTRERAS: Actually, accurate iyong ganoong description Martin, kasi ano eh, I heard they’re so—‘yun na, detached sila sa ano ‘yung pulso ng masa. Masyadong elite ang dating, masyadong mataas ang kanilang level ng diskurso na hindi sila maka-relate kung ano iyong pulso ng ordinaryong mamamayan. Marami silang mga issue na hindi naman nagre-resonate sa ordinaryong mamamayan, at idagdag mo pa diyan na talaga namang napakapopular ng ating Pangulo; otsenta porsiyento halos iyong approval rating niya.
So, nagpapatung-patong iyong ganoong klase nga, bukod sa mayroon kang napakapopular na Pangulo. Tapos ang oposisyon, ang kanilang ginagawa ay mga hakbang na kumbaga sa ano, hindi maka-relate iyong tao; masyadong—tapos siyempre, nandoon pa rin iyong ‘diumano nila ng resources. So nagpatung-patong na iyong ganoong klase ng masasabi nating kamalasan.
SEC. ANDANAR: Uhum. Actually, iniisip ko nga iyong sa resources Prof. Ton eh at ‘pag tinitingnan ko ‘yung kampanya ni Senator Lito Lapid ‘no, wala akong nakita ni isang poster; noong nagpunta ako sa Bicol, kami ni Kris nagpunta kami sa Bicol, halos lahat puro Otso Diretso. But of course, Senator Lito Lapid naman is very popular, ‘Pinuno’ ‘di ba.
PROF. CONTRERAS: Iyon nga. Ang kay Lito Lapid naman, hindi na niya kailangan ng poster, manood na lang sila ng Ang Probinsyano [Laughs].
SEC. ANDANAR: [Laughs]
ASEC. ABLAN: May comment sa Facebook Sec., Prof, kailangan may mamatay daw para umangat ang kanilang slate—
SEC. ANDANAR: Ranking…
ASEC. ABLAN: Oo, may ranking. Kailangan may mamatay daw.
PROF. CONTRERAS: Actually sa totoo lang, kung titingnan mo ‘yung—kasi inaral ko ‘yung lay ng boto, ng distribution. Ang malakas ang Otso Diretso sa dalawang demographics: the Bicol Region, malakas sila sa Region V. In fact sa Naga City, top 8 sila. Eh understandable, nandoon si Leni Robredo. Sa Camarines Sur, si Hilbay lang ang hindi pumasok sa top 8. But other than that, the other demographics group na mataas ang Otso Diretso ay sa mga gated community; ito ‘yung mga konggregasyon sa Manila, iyong may mga gate, exclusive of the rich.
So dito mo ngayon makikita na maliban doon sa balwarte nila na Camarines Sur at Naga. Malakas lang sila doon sa lugar na kung saan maraming mayaman, so dito mo makikita na talagang pang-elite ang kanilang… kumbaga [unclear], ang kanilang distinguishing [unclear]. Pero sa ordinaryong mamamayan, wala talaga. Tapos makita ko sa OFWs, sa OAV ballot, absentee voting, makita mo talagang walang pumapasok sa top 12 na Otso Diretso. Eh alam naman natin ang OFW, alam naman natin kung anong demographics sila. So, iyon ang pinaka-glaring exact na evidence that the elite are for Otso Diretso and the ordinary masses repudiated them.
SEC. ANDANAR: Oo. Dati-rati Prof., noong mga panahon ng yellow ‘no. Siyempre these are the same people, ang masa ‘no, ang bumoto rin kay President PNoy at iyong kaniyang mga senador. At ngayon nakikita mo na ang laki ng swing papunta kay Presidente Duterte. At nakikita ko kasi Prof. na sa dinami-dami ng ginawa ni Presidente na batas, mga polisiya tulad ng libreng edukasyon para sa mga state universities and colleges, itong healthcare, itong libreng irigasyon para sa mga mahihirap, iyong pagpapabayad sa isang malaking kumpanya ng malaking buwis na tinakasan niya noon man; at ito lahat – eh drug war nandiyan pa – nararamdaman ng taumbayan lahat ng ginagawa ng ating mahal na Pangulo.
Pero sa palagay mo, ito bang pagkontra o sadyang pagiging contrarian ng oposisyon, na kahit na malinaw na malinaw na, mas malinaw pa sa alas kuwatro na dineliver ni Presidente iyong kaniyang mga pangako, ito bang pagkontra nila naramdaman ba, nainsulto kaya iyong masa dito?
PROF. CONTRERAS: Alam mo ang basa ko ganito eh Sec., ang tingin ko ang botante natin hindi masyadong tumitingin sa mga usapin o issues. Ang pinag-uusapan dito iyong usapin ng nakaka-relate ba sila doon sa tao at doon sa mga pinaglalaban nila na representasyon o kaya simbolismo. Kasi matagal naman nang napapansin naming mga political scientists, ang mga pagboboto ng tao, hindi naman talaga nila tinitingnan kung anong usapin, kung droga ba ‘yan, tungkol ba sa kriminalidad, kung may nagawa ba. Ang pinag-uusapan dito, sino ‘yung sa tingin nila ay kumakatawan sa kanilang mga interes, iyong kaya nilang masabi na, “Ito para sa amin ‘to, tumatakbo ‘to para sa amin.”
So therefore ang usapin ito ng narrative, usapin ito optic; at ang optics na pinakita ng administrasyon ay optics ng ‘kami ay para sa inyo’. Kung anuman iyong isyu, para kami sa inyo. Ang oposisyon kasi, ang tingin ng—kontinuwasyon kasi ‘to eh; balikan natin iyong 20—bat’ na nanalo ang ating Pangulo. Kasi nanalo siya, dahil nagrebelde nga ang masa sa matagal na patung-patong at paulit-ulit na hindi pagpansin sa kanilang interes ng mga elite at mga oligarko, so ito ‘yung continuation noong rebelyon na ‘yun. So nakikita nila na anyone na lumaban sa Presidente, kalaban ‘yan ng masa. So hindi masyadong tinitingnan – if I may – kung ano ‘yung laman noong usapin sa [unclear].
Kasi usapin ito ng labanan ng symbols. Ang Liberal Party, ina-associate sila lagi doon sa grupo ng elite na iwinaksi na nga noong botante noong 2016. Ngayon ang ginawa naman nila, kasi pinagpatuloy nila iyong naratibong ganoon kaya therefore they are doomed. From the very start they are doomed, and the result for them zero is basically a reflection of that. Kasi hindi sila—they never learned; they never learned any lesson in 2016. What was repudiated was the symbolism of elitism and exclusion, iyon ang ni-repudiate noong 2016, eh pinagpatuloy nila iyong kanilang mga atake na parang, “Kami iyong disente, kayo ang hindi…” ay ayaw ng tao ‘yan.
At hindi lang naman si Senator-elect Bong Go ang kanilang inupakan nang husto. Inupakan nila noon si Senator-elect Imee Marcos, at ang nire-raise pa nilang isyu ay tungkol nga doon sa diploma o ‘diumano ay panggagaya sa diploma. Eh ‘pag ‘yan ay ni-raise mo sa ordinaryong mamamayan, ‘yan ay isang elite na usapin. Hindi naman nakakain ‘yang tinapos eh, hindi mo naman makakain ‘yang diploma eh. So ito ‘yung mga tao, na sabi ko nga sa isang kaibigan ko, marami naman tayong kaibigan sa kabilang kubol, ‘di sinabi ko bakit kayo mali eh ‘pag kayo bumabanat na ‘yan ang binabanat ninyo [choppy line] milyung-milyong mga Pilipino hindi pa nga nakatapos ng college.
So if you think—they kept on insisting on the narrative of the elite. O ‘ayan, tingnan mo ang nangyari, 12-0 [choppy line]. Kasi nga, hindi nila—hindi nila makita ang kiliti ng bayan eh, at pinagpatuloy nila iyong diskurso na ibinasura na noong 2016.
SEC. ANDANAR: Uhum. Medyo lumalabo iyong signal ni Professor Contreras.
PROF. CONTRERAS: Sorry, sorry po.
SEC. ANDANAR: Tawagan natin ulit si Prof. para mas klaro iyong kaniyang signal. Pero alam mo Asec. Kris, tama iyong sinasabi ni Prof. na iyong symbolism ba, nakikita nila kay Presidente iyong sarili nila – iyong sarili nilang pinaglalaban, tapos iyong sarili nilang lengguwahe, iyong sarili nilang itsura, iyong sarili nilang pananamit ‘no; nakikita ng masa iyon. Tapos idagdag mo pa diyan iyong mga nai-deliver ni Presidente na mga polisiya, batas na para talaga sa mahihirap, kaya naging ganiyang ang resulta.
ASEC. ABLAN: Yes. Sec. alam mo, mayroong nagkaroon ng picture na andoon si President sa bahay niya, sa kuwarto niya sa Davao, tapos medyo kalat-kalat iyong mga gamit niya. So nakakatuwa dahil iyong mga mahihirap, iyong mga common na tao talagang nakaka-relate sa kaniya. And then may mga elite na nagkukuwestiyon na ang dumi-dumi, anong klaseng Presidente ‘yan. So kita mo talaga iyong disconnect Sec. Martin.
SEC. ANDANAR: Oo, iyong disconnect ng elite sa mga mahihirap. Nasa linya na muli si Professor Antonio Contreras. So, ituloy natin Prof. So ibig sabihin Prof., itong mga dineliver ni Presidente na mga pangako sa anti-drugs, sa anti-criminality, sa peace and order, sa poverty alleviation, Bangsamoro Organic Law at iba pang mga polisiya na pangmahirap, bonus na lang pala ito. Ang tinitingnan lang pala ng mga mahihirap iyong ano lang, iyong kanilang simbolo.
PROF. CONTRERAS: Oo, kasi matagal naman na talagang naipapakita, mga Pilipinong botante, hindi bumuboto ayon sa issue; talagang iyon ang matagal nang na-establish na ang pagboboto ng Pilipino, binoboto ayon sa optics – kung ano ‘yung nakikita nila, ano ‘yung nire-represent noong taong iyon, iyong simbolo niya. Eh ang simbolo ng Pangulo pangkaraniwan, iyong para siyang tatay na puwede mong lapitan, napaka-ordinaryo niya.
ASEC. ABLAN: Kaya lang Prof., sinubukan ng kabila na gawin din iyon eh. Nakita ko iyong mga pictures na kumakain sila ng fish ball, nandoon sila sa palengke…
PROF. CONTRERAS: Hindi naman natural, ‘di ba. Parang katulad iyon noong isang pulitiko na nagkakarga ng yelo, ganoon ‘di ba. Alam mo namang hindi niya gagawin iyon sa pang-araw-araw. Pero si Pangulong Duterte kasi, even before na naging Presidente siya, kilala na siya sa ganoong klase ng representasyon – talagang nakikihalubilo sa ordinaryong mamamayan. At iyong mga—kasi iyon ang tingin ko doon. So tama ka Sec. Martin, bonus na lang iyong mga dineliver ng Pangulo.
And I am even going to say, I’m sorry but you know, na kahit hindi niya iyon na-deliver, siya pa rin ang pipiliin ng tao. Kasi nga, kaya malaki ang challenge din sa opposition, kasi ang challenge naman sa opposition i-reinvent nila ang sarili nila kasi kung patuloy pa ring gagawin nila at gagawin iyong ginagawa nila ngayon – borrowing any major change in the political developments of the country – they are going to suffer the same fate in 2022, perhaps even worse.
SEC. ANDANAR: So, how would you, paano mo ire-reinvent ang sarili mo sa ganitong klaseng sitwasyon, Prof?
PROF. CONTRERAS: Well, baka naman—parang hindi ko yata gusto na magbigay ng tip sa kanila, Secretary Martin eh. Bayaran na muna nila ako.
SEC. ANDANAR: Hindi, kasi iniisip ko parang, papaano mo ire-reinvent ang sarili mo kung talagang nakadikit na sa iyo iyong perception na maka-oligarkiya ka, maka-mayaman ka?
PROF. CONTRERAS: Magpalit siguro sila ng mga tao nila: Maghanap sila ng mga young blood; maghanap sila ng mga iba naman, huwag iyong mga paulit-ulit.
SEC. ANDANAR: Oh, so halimbawa, si Atty. Chel Diokno, noong tinanong siya, ano ang mga accomplishment ni Presidente, sabi niya, eh anti-smoking. Iyon lang, no smoking. Alam mo, hindi ba parang naiinsulto ang tao doon?
PROF. CONTRERAS: Oo, kasi nga, para bagang ano ba iyan, parang ang tingin nila doon, parang iisa lang naman iyong dismissive, napaka-dismissive na para bang hindi man lang nilagyan ng halaga iyong ginawa ng tao. Si Chel, is a colleague of mine sa La Salle, alam naman natin iyan, siya ay dating dean ng College of Law. A typical na scholar, typical na anak ng nasa elite. So much as they try to work on human rights, relate on that. Iyan ang pino-project nila na kailangan nagtatrabaho sila para sa karapatan ng ordinaryong mamamayan. Pero iyong mga ganoong sagot na dismissive, parang looking down, demeaning, diminishing, iyon ang mga word na naiisip ko, samantalang kita naman ng bayan na maraming ginagawa itong tao.
Alam mo, ang ginawa kasi—ang mali din kasi ng otso-diretso, ginawa nilang isyu sa eleksyon si Pangulo. Eh alam naman nilang popular, hindi ba? So dapat umiwas sila sa ganoon, mahina talaga ang strategy, mahina iyong strategy ng kampanya nila, tapos iyon nga, nag-ano pa sila, nag-coin pa sila ng term na otso-diretso na madaling i-meme. Ngayon nga otso-diretso, diretso sa inidoro, iyong mga ganoon. So, hindi dapat na ganoon eh, kami nga iyong mga nag-usap-usap, sa aming mga nagtatrabaho sa mga kampanya, ano ba naman iyan.
Kumbaga sa ano, it’s so inorganic, parang hindi natural, parang it’s no inauthentic. Tapos iyon nga, iyong mga isyu na nilalabas nila, babanatan nila si –napaka—much as they want to keep it on issues they are attacking personal, personalities.
SEC. ANDANAR: Okay, napag-usapan natin itong sa Liberal Party, ano iyong mga maling nagawa nila. Pangalawa, pag-usapan natin iyong sa area naman ng black propaganda. Iyong pinakamalaking black propaganda nila ay Bikoy at sinabi nila, sinira nila si Presidente na sangkot daw sa droga, ang pamilya, si Bong Go, tapos kasama pa si Ronald ‘Bato’ Dela Rosa. Below the belt, hindi naniwala ang tao.
PROF. CONTRERAS: Kasi ang ano doon, talagang halata mo naman talagang paninira, talaga namang paninira, tapos ang ginamit pa nila na ano, iyong mga may ganoong klase ng personalidad – hindi pa naman kilala si Bikoy noon as Advincula, di ba? Iyong optics kasi, nasa media ka naman Martin – makita mo iyong optics na para siyang dark, tapos na ano, iyong hindi mo kilala na para bagang iyong boses ay ginarble – so, is it not going to, parang sana naman, di lumabas na lang siya, nilantad na lang niya mukhang niya, di ba, kung nilantad niya ang mukhang niya, baka nakakumbinse pa siya. Kasi iyong optics eh, iyong mismong image nung pinakita na madilim; nung camera, parang suspicious ang dating parang, napaka—parang ang tingin ng tao, hindi ito dapat pagkatiwalaan.
So, kung ang ginawa nila, inilabas nila iyon na medyo open, transparent, nag-press conference, nandun ang media, eh di baka pinaniwalaan pa sila. So, mali iyong kanilang—nasa una pa lang halata na talaga na paninira.
SEC. ANDANAR: So, whoever did that, whoever thought of that sa kalaban natin sa pulitika, kung ikaw iyong campaign manager o kung ikaw iyong head ng opposition, ano ang gagawin mo sa nag-isip noon?
PROF. CONTRERAS: The service of his is fired and not paid, bawiin ang binayad. Kasi napaka-amateurish talaga, sa totoo lang. Nung unang tingin ko pa lang, sabi ko Diyos ko naman, they can do better than this, and besides, napaka-negative. Ang mga Pilipino naman kasi, nag a-appeal din naman sa ibang mga botante ang negative campaigning, matagal nang nag a-appeal. Kaya lang hindi naman iyong ganiyang garapalan na alam mong parang niloloko na ang tao, na parang –at saka iyong isyu dapat is iyong medyo puwede pang paniwalaan, di ba? Itong Bikoy na ito is basically something that’s really, a misstep on the part of the political opposition.
SEC. ANDANAR: So, isa ito sa pinakamalaking pagkakamali na in-apply ng kalaban natin sa pulitika, ng opposition. Okay, may last question dito sa area ng pagkatalo ng mga katunggali namin sa pulitika. Nakita ko kasi, Prof na si dating Secretary Mar Roxas was already number 9, was figuring well in the survey, Senator Bam Aquino was inside the magic 12. Bakit nalaglag, bakit lumabas sa magic 12? Ano iyong nakita mong mga dahilan kung bakit nawala itong dalawa?
PROF. CONTRERAS: Kasi nandoon sila sa baba eh, 9, 10, 11. I would think na nagkaroon ng epekto ang endorsement ng Iglesia ni Cristo. Kasi for a two million voting bloc and pag maikli, maliliit iyong mga ano doon, iyong inyong mga lamang sa ibaba talagang magpapalit, magkakaroon ng effect. So, I think that’s one. The Iglesia ni Cristo really made a difference in the lower ranks, iyong mga 10 to 12 ranks. So Bam Aquino was not endorsed by the Iglesia, Mar Roxas was not endorsed by the Iglesia, kaya iyon ang ano. At saka medyo pababa na sila doon sa ano eh, kasi iyong last survey ng Pulse Asia, medyo meron nang mga bumababa. Nung later pa ng survey period bumaba pa sila lalo kasi nilabas na nga ng Iglesia iyong kanilang in-endorse.
So, ang maganda ditong napansin ko, Sec. Martin and Asec. Kris, ang maganda dito, iyong resulta ng Pulse Asia na pre-election survey nila, nag-coincide doon mismo sa resulta ng eleksyon, except for some changes na medyo tumaas iyong ranking ni Francis Tolentino at bumaba ang ranking ni Bong Revilla. I think kay Francis Tolentino nakatulong ang Iglesia ni Cristo endorsement, iyong kay Bong Revilla medyo bumaba dahil siguro nag-apekto na iyong kanyang usapin tungkol nga doon sa naging mga kaso niya, pero parehong-pareho talaga. So it meant, for me, iyong mga nagsasabi na may dayaan noong eleksyon, malamang wala.
SEC. ANDANAR: Kung hindi tumakbo si Jinggoy Estrada, mananalo kaya si JV sa palagay mo?
PROF. CONTRERAS: Mahirap sabihin, kasi hindi naman ito labanan ng one on one. Kasi puwede namang kahit tumakbo si Jinggoy ay binoto pa rin si JV, kasi 12 naman ang binoboto mo eh, hindi naman ito one-one. So mahirap sabihin iyon, ang baka naka-epekto iyong resources nila, na-divide iyong attention, masyadong ang dami nilang mga battles na finight (fought). Meron sa Manila, meron sa Laguna, meron sa san Juan, di ba, so parang iyong kanilang—nabasag. Tapos ang hirap pa nito, dahil iba-ibang lugar, hindi katulad—merong San Juan, merong Laguna, merong senador.
ASEC. ABLAN: May Cainta pa, Cainta, Rizal, si Gary Estrada.
PROF. CONTRERAS: At least, hindi katulad nitong mga Marcos kunwari, talagang na-concentrate sila sa Ilocos Norte, tapos Senador, di ba? So, may ganoong klase ng—So, I think it’s more on the resources. Hindi sila, they fought so many battles. Kasi hindi ko binaba iyong arguments na sana bumoto ng marami kay JV. Kasi hindi naman puwedeng maiboto mo pareho iyong dalawa, hindi naman kailangang isa lang doon ang iboto mo.
SEC. ANDANAR: Yes at napansin ko rin kasi na hindi sinuportahan si JV ng Iglesia ni Cristo.
PROF. CONTRERAS: Yes, isa pa yun, kaya nga sinasabi ko, this election, the vote, the endorsement of the Iglesia ni Cristo made the difference.
SEC. ANDANAR: All right, meron pa akong gustong itanong kay Prof. Contreras. Okay Prof., talagang napaka-interesting itong pulitika ‘no? So, iwanan natin iyong senatorial issues, dito naman tayo sa pinaka-interesting at inaabangan ng lahat, iyong Speakership. So, ilan iyong nagba-vie ngayon na for speakership, Kris?
ASEC. ABLAN: At least three – baka-five?
SEC. ANDANAR: Okay, so one is?
ASEC. ABLAN: Lord Allan Velasco, Alan Peter Cayetano, Martin Romualdez, Loren Legarda, hindi ko alam kung may isa pa.
SEC. ANDANAR: Bebot Alvarez?
ASEC. ABLAN: Yes, of course, Bebot Alvarez.
SEC. ANDANAR: At lumulutang na ang pangalan ni Congressman Pulong Duterte.
ASEC. ABLAN: So, six.
SEC. ANDANAR: Six, ano ang basa mo dito Prof, dito sa nangyayari na bangayan for Speakership, ang aga-aga talagang iyon na iyong pinag-uusapan, Prof?
PROF.CONTRERAS: Masaya. Ngayon ang mananalo diyan, kung sino iyong i-endorse, kung sino iyong i-endorse ni Pangulong Duterte o kung sino iyong kakampihan niya, iyan ang mananalo diyan. Definitely medyo may handicapped na si Pantaleon Alvarez, kasi alam naman natin ayaw sa kanya ni Inday Sara. So, iyon—at meron ng well—ang projection ngayon ni Romualdez, meron na siyang 126 na total na number.
One way or the other, ang magiging Speaker talaga diyan ay kailangan may suporta ng Pangulo. At kung sino iyong kanyang i-endorse, either publicly or thru back channeling or ano, iyon ang makakakuha. Pero ang isa kasing interesting sa Speakership, kasi ang rules kasi ng House: Kung sino iyong manalo, iyon ang Speaker at kung sino iyong bumoto sa kanya, iyon ang nasa majority; kung sino iyong matalo, iyon ang magiging minority flood leader, at iyong bumoto sa kanya minority. So, baka tayo makikita na ng majority at ng minority compose pa rin ng mga pro-Duterte.
ASEC. ABALAN: Hindi naman po yata first time iyon, Prof, nangyari naman po iyon in the past.
PROF.CONTRERAS: Kaya nagagalit ngayon itong si Edcel Lagman, nakikiusap ngayon sa ruling coalition, mamili muna kayo ng isa, at kayo magbotohan. Mag-caucus muna kayo tapos iyon ang ilaban n’yo naman sa amin na gusto ninyong kandidato ninyo sa pagka-Speaker. Para daw iyong minority iyon minority talaga na—ako naman ang tingin ko, sabagay, oo nga naman, tama nga naman, kasi kaunti na nga lang sila, hindi pa sila magkakaroon ng papel sa organization ng House, di ba. Pero malamang pag hindi mapalitan ang rule na iyan ang magiging minority will still be someone from –among those names have mentioned, hindi ba?
ASEC. ABLAN: Sa tingin mo Prof, dahil iyong mga frontrunners po for the speakership are all supportive of the President, that the President will actually publicly support someone or do you think the President will also exercise restraint po?
PROF.CONTRERAS: Well, I don’t know. You know the President better, kasi you have been working with him closely. So, I don’t know how he is going to solve this problem. But ako naman kasi, pagka-alam ko sa Presidente, the President usually lets other people work on that thing, hindi siya masyadong nag i-intervene, di ba? Nung speakership nga noon, parang pati siya nagulat, di ba, napalitan na pala si Pantaleon Alvarez. Maaaring dito baka meron siyang preference pero hindi niya publicly sasabihin, kasi ayaw niyang masira iyong ano, hayaan mo silang maglaban-laban, ‘di ba.
SEC. ANDANAR: Iyong independence ng Congress. Tama si Prof, hinding-hindi talaga makikialam si Presidente dito sa labanan ng Speakership. Nagbitiw si Mayor Inday Sara ng isang napaka-controversial na statement tungkol kay Bebot Alvarez, kay Congressman Alvarez, kay Congressman Cayetano, pati kay Congressman Romualdez and effectively leaving out Congressman Velasco doon sa maanghang na salita.
PROF.CONTRERAS: Well, ang alam ko, si Inday Sara ay may sariling diskarte na hindi necessarily iyon ang diskarte ng Pangulo. Alalahanin natin iyong pinalitan si Pantaleon Alvarez, the President was even, you know, left – was left out of the whole thing. So dito, iba din naman si Inday eh, iba iyong kanyang preference, hindi natin alam kung iyon din iyong preference ng Pangulo, so we will see. So, dito siguro si Velasco ngayon ang preferred o lumalabas, kasi iyon nga, sabi mo na-chapteran na niya si Alan Peter, si Congressman Romualdez, pati si Pantaleon Alvarez. So, malinaw lang na itong tatlo hindi type ni Mayor Sara Duterte.
SEC. ANDANAR: Prof, sandali lang, Prof ha, at mayroong sasama sa ating kuwentuhan. Nasa linya na po ng ating telepono si Police Chief, Chief po ng ating Philippine National Police, Oscar Albayalde on the line. Magandang gabi po sa inyo, General Oca.
GEN. ALBAYALDE: Magandang gabi po sa inyo at sa atin pong mga kababayan. Yes, good evening po, Sec. at sa atin pong mga kababayan.
SEC. ANDANAR: Alam mo Chief, kasama natin si Asec. Kris Ablan at si Professor Antonio Contreras sa kabilang linya—
GEN. ALBAYALDE: Magandang gabi po sa inyo.
SEC. ANDANAR: Napakahalaga nitong usapin ng mga narco politicians. Di-umano dalawampu’t pito iyong nanalo sa tatlumpu’t pitong tumakbo na nabansagang… na ano nga, narco politicians. Ano po ang inyong reaksiyon nung nanalo itong dalawampu’t pito, Chief?
GEN. ALBAYALDE: Well, iba po kasi talaga siguro iyong political atmosphere sa local ‘no. At siguro talaga itong mga taong ito ay nakatanim na po, nakapagtanim na doon sa kani-kanilang mga constituents sa kanilang mga lugar. And of course, most probably talaga pong ito ay mga pina-patronize na even before itong mga tao na ito. At mayroon po tayong sinasabi diyan na baka itong namang mga ito, ito mga Robinhood ika nga sa kanilang mga lugar.
SEC. ANDANAR: Alam mo ang magiging lusot nila, “Ibig sabihin, lusot na kami diyan dahil mayroon na kaming mandato sa tao; kung anuman iyong mga paratang sa amin, hindi totoo dahil binoto kami.” Pero as far as the Philippine National Police is concerned, General, ano po ang gagawin ninyo? Itutuloy ninyo ba iyong imbestigasyon, iyong kaso; ano po bang hakbang na gagawin ng PNP?
GEN. ALBAYALDE: Yes, tama po iyan, Sec. Mayroon pong direktiba ang ating SILG na ituloy iyong pagkakalap ng ebidensiya laban sa kanila. At kapag tayo po ay nakakuha ng sapat na ebidensiya, hindi po tayo mag-aatubili na mag-file ng criminal case laban sa kanila.
SEC. ANDANAR: Okay. May tanong ka ba, Kris?
ASEC. ABLAN: Yes, General, mayroon po kaming narco politician na nanalo sa probinsiya namin na nanalo sa Ilocos Norte. Sana dumagdag na po iyong inyong ebidensiya para makasuhan na po siya. [Laughs]
GEN. ALBAYALDE: Sana nga po. Actually, ang pinakamahirap po talaga is iyong pagkalap ng ebidensiya dahil wala pong gustong mag-witness sa mga ganiyan ‘no. Napakahirap po talaga. Ito po iyong isang mahirap makuha, iyong ebidensiya laban sa kanila.
SEC. ANDANAR: How about sa inyo, Professor Contreras, mayroon bang nasa narco list?
PROF. CONTRERAS: Iyong nanalong Mayor dito sa Los Baños, nasa listahan; iyong incumbent, siya rin iyong panalo. And it is interesting because Los Baños is really a university town. So the voters, may mga voters dito na nagtatrabaho sa mga university, sa center. And yet, the incumbent, Mayor Perez, despite the fact that he was identified to be part of the narco list, won; and won overwhelmingly over the first runner up. So iyon ang ano, iyon ang interesting kasi issue na popular sa—ang pamahalaan ganoon laban sa droga, pero bakit may mga pulitiko na nanalo kahit kasama sila sa narco list.
Tama naman si Chief Albayalde na talagang ano sila eh, they deliver the … even if they are doing it, or they’re maybe doing it, they also deliver on good governance, parang ganoon. Puwede naman kasi iyon eh. Puwedeng kasama ka doon sa narco list pero maganda ang performance. Mayroon naman, iyon nga, baka naman iyong sinasabi ni Asec., baka ito ay Robinhood.
Pero ang punto ko nga dito kasi, medyo—ito nga, mabuti at nandito si Chief. Parang sa akin naman, kung nangangalap pa tayo ng ebidensiya—at ito nasasabi rin ito ng mga tao na nakausap ko, “Bakit ibinoto ninyo si ganito eh alam ninyo kasama sa narco list iyan.” Mayroong sumagot sa akin na, “Eh hindi pa nga malinaw ang ebidensiya eh.” The more when we say that nangangalap pa tayo ng ebidensiya para kasuhan sila, therefore, ang lumalabas ay bakit may listahan samantalang wala palang ebidensiya pa.
So iyon ang medyo, sa mga tao, nagri-raise ng duda. Kaya that sign of uncertainty, they’d rather vote for someone despite the fact na nasa listahan kasi wala pa naman talagang kasiguraduhan na iyan pala ay kasama; malay mo nagkamali lang, sa madali’t sabi napagbintangan lang. So siguro kailangan talagang palakasin iyong pag-ga-gather ng datos at para makasuhan na iyong dapat kasuhan, otherwise ay nawawalan ng credibility iyong listahan. Lalo na kapag pag ipinatong mo iyan sa fact na nanalo sila, may mandato sila sa tao tapos sasabihin natin walang ebidensiya pa eh, nangangalap pa eh di lalo tayo ngayong hihina ang power nung list.
SEC. ANDANAR: Anong gagawin natin dito, Chief Albayalde, sa ganitong sitwasyon na, iyon nga, sasabihin ng botante ay wala pa namang klarong ebidensiya iyan. So ano po ang gagawin ng PNP at ng PDEA sa ganitong sitwasyon? I know for a fact na ito rin iyong sinabi ni Senator Panfilo Lacson na kailangan mayroon tayong tight case.
GEN. ALBAYALDE: Yes, tama po iyan. Tama po talaga na ang isang listahan ay kaya tinatawag na watch list lang. And if you’re in a watch list, kailangan po talaga ng isang adjudication process diyan. Ito po iyong, siguro, medyo nakaligtaan natin na iyong mabilis na pag-adjudicate sa kanila. Dahil over the years, iyon pong una pa lang na naglabas ang ating Pangulo, kailangan iyan po ay in-adjudicate na natin. Dahil ang listahan, tama po iyong sinasabi ninyo, iyan ay listahan lang. At ang sinasabi nga ng mga tao ay listahan lang at wala po silang—of course, hindi naman po lantaran ang pagka-cuddle, kung ikaw ay nagka-cuddle o ikaw talaga ay nagtutulak doon sa lugar ninyo, hindi naman po lantaran iyan. And of course, lalo na kung ikaw ay local chief executive, hindi naman po talaga lantaran kaya hindi malalaman ng constituents mo iyan.
Tama po iyan na talagang iyong kasing watchlist iyan, parang iyan po iyong dati nating tinatawag na order of battle lang, pinalitan lang natin na pangalan na watch list. Hindi po nangangahulugan na kapag ikaw ay nasa watch list ay ikaw ay guilty kaagad at malaki ng ebidensiya laban sa’yo. Otherwise, kung mayroon na pong ebidensiya, then dapat nasa korte na iyang kaso na iyan.
ASEC. ABLAN: Yes, tama si Chief PNP Albayalde. I guess kailangan lang talagang palitan iyong framing or iyong optics kasi pagdating po sa mga krimen, ang kailangan nilang proof is proof beyond reasonable doubt. So hindi naman ibig sabihin kapag nag-ga-gather pa ng evidence na wala talagang ebidensiya, mayroon pero may preponderance of evidence – meaning to say, less than. Ang ginagawa lang ng PNP is sinisigurado nila na talagang enough iyong evidence na proof beyond reasonable doubt.
So I guess, to answer si Prof. Contreras, I think the PNP and maybe the PCOO can help pagdating po sa pagbalita na may ebidensiya. Pero alam mo, ang hinihintay ng korte ay proof beyond reasonable doubt, at iyon ang kinukolekta ng PNP. Tama po ba, General Albayalde?
GEN. ALBAYALDE: Yes, tama po iyan. I think, kailangan po talaga i-substantiate natin iyong accusations or information sa kanila. Kasi what we have is actually are what we call, intelligence information po. These are all raw information na kailangan po talagang i-confirm. And how do you confirm it – base po doon sa ebidensiyang puwede ninyong makuha.
ASEC. ABLAN: Yes. I guess siguro, kailangan na rin ‘no gamitin natin iyong medium na ito, General Albayalde, para mag-reach out po doon sa mga constituents ng mga narco politicians na in order for us talaga to stop narco politics in this country, kailangan talagang lumabas sila. So kapag naka-witness sila talaga na may vote buying o kung anuman na mga narco activities, lumabas sila kasi iyon po ang kailangan ng ating PNP – kailangan po nila ng witnesses.
So I think, maybe, you can use this program, General Albayalde, to reach out to our constituents na kailangan ng PNP ang tulong nila.
GEN. ALBAYALDE: Yes, tama po iyan. Wala pong ibang makakatulong sa atin kung hindi iyong ating mga kababayan din, community natin. Dahil ito pong nakaraang eleksyon, alam naman natin na naging rampant iyong vote buying. Dapat kuwestiyunin ng ating mga botante iyan o ng ating mga kababayan kung saan kinukuha ng mga kumakandidato iyong binibigay na pera sa kanila.
SEC. ANDANAR: All right. PNP Chief Oscar Albayalde, sir, congratulations for a relatively peaceful—
ASEC. ABLAN: Very peaceful.
SEC. ANDANAR: Very peaceful midterm elections. That’s already out of the way. Nakita kita doon sa proklamasyon ng mga senador a couple of days ago, at tuwang-tuwa sa inyo ang mga senador, kinongratulate kayo. What is the marching order of the President for the coming months para sa inyo, General Albayalde?
GEN. ALBAYALDE: Well, unang-una po, ang pini-prepare natin ngayon, iyong ating Ligtas Balik Eskuwela na kung saan ay babantayan po natin iyong iba’t ibang mga schools, lalung-lalo na iyong mga malalaki, na kung saan ay magde-deploy tayo ng more or less mga 120,000 personnel diyan. Ganiyan po ang magiging template natin, kagaya ng ginawa natin noong eleksyon na kung saan mayroon po tayong mga deployment ng minimum of two police personnel sa mga iba’t ibang mga schools natin.
SEC. ANDANAR: All right. On that note, maraming salamat po sa inyong panahon, General Albayalde. Mabuhay po kayo, sir. Thank you po.
GEN. ALBAYALDE: Maraming salamat po. Magandang gabi po at mabuhay po.
SEC. ANDANAR: Ayan, Asec. Kris at Professor Ton, narinig na natin kung ano iyong mga gagawin ni PNP Chief Oscar Albayalde sa mga susunod na lingo and of course, kung ano iyong kaniyang gagawin din para matuldukan na itong problema natin sa mga narco politicians.
ASEC. ABLAN: Yes, Sec., kailangan talaga nilang matutukan ito kasi kung hindi, dadami lang at dadami lang po ang mga narco politicians, and the President’s anti-illegal drug campaign will be for naught. So sana po ay magtagumpay po ang ating PNP.
SEC. ANDANAR: And my final question for Prof. Contreras would be this: Ano ang ini-expect mo, Professor Contreras, sa bagong porma, bagong miyembro ng Senado? Of course, we have 24 senators and then we have more members of the coalition of the President now. Ano ang ini-expect mo for the next year? Huwag ng three years, kung hindi next year na lang.
PROF. CONTRERAS: Ini-expect ko na dahil mas marami ngayon ang supporter ng Pangulo sa Senado – na naiwanan, apat na lang ang oposisyon – and then sa House – ganoon din, nabawasan ang oposisyon – siguro naman ang agenda ng Pangulo, legislative agenda ng Pangulo ay mapu-push na.
Iyon ang good thing about it, but we have to be very cautious kasi if we have super majority in both in the House and Senate, then there is no more reason to point to the opposition for any failure to legislate the priorities of the President. Kasi kung may oposisyon na malaki, puwede mong i-blame na sila ay [unclear] ganiyan. Pero kung aapat na lang iyan at ang sa House ganoon din, tapos iyong Minority Floor Leader ay galing pa sa hanay ng mga pro-administrasyon tapos hindi pa rin magawa ang mga … hindi pa rin maisakatuparan ang agenda ng Pangulo, doon magkakaroon ng …magiging delikado.
So the super majority would bring good news – which is be an opportunity to push for the agenda of the President, but it could also become an issue against the pro-administration coalition kung hindi nila magawa. Kasi wala na, hindi mo na puwedeng isisi sa minority o sa oposisyon kasi konti na nga sila eh.
ASEC. ABLAN: Prof. Contreras, ako naman po ang may last question para po sa inyo: Now that we’ve overcome the hump, the midterm elections po, and we’re now going to the last three years of the President, do you think that this last part of his presidency he becomes a lame duck president or that does not apply to him po?
PROF. CONTRERAS: Well, knowing the President that he’s very unconventional, he’s going to try to make sure that he’s not going to be treated as a lame duck. Technically naman kasi, ang pagiging lame duck is something na hindi mo maiwasan dahil wala eh, hindi ka na for re-election. Pero sabi ko nga, ang ating Pangulo ay unconventional. So gagawin niya, gagawa siya ng hakbang na magiging relevant pa rin siya. Although, the reality is since he’s not running for re-election on 2022, then may mga political realignment siya. You’re going to see a lot of new emerging people. In fact, ngayon pa lang, 2019, magsisimula na ng kampaniya ng iba, nagpuposisyon na. So magkakaroon ng mga bagong alliances, mga bagong mga pangalan na lalabas. But in all of this, I think, the President will not become irrelevant.
SEC. ANDANAR: Alam mo, gusto kong pag-usapan pa itong pulitika dahil the next question will be sino iyong mga promising ‘di ba, maging presidente. Pero, Prof, sana ay maging guest ka pa namin sa susunod na Biyernes.
PROF. CONTRERAS: Walang problema iyan. Lagi naman akong nandito, tawagan ninyo lang ako.
SEC. ANDANAR: Thank you so much, Professor Antonio Contreras ng De La Salle University. He is a senior professor doon sa De La Salle, political scientist, kaibigan ko. Dr. Antonio Contreras, mabuhay ka, sir. Thank you po.
PROF. CONTRERAS: Mabuhay din po kayo.
SEC. ANDANAR: Iyon, Kris, hindi mo napansin at—
ASEC. ABLAN: Madami pa akong tanong, Sec. Gusto kong pag-usapan party-list pa.
SEC. ANDANAR: Why don’t we talk about it next week, pulitika, ituloy natin ito sa Friday next week. But I will be talking to you through Skype.
ASEC. ABLAN: Both of us, both of us, Sec.
SEC. ANDANAR: Anong oras ka ba darati—umaga ng Friday, nandoon ka na?
ASEC. ABLAN: Opo, yes.
SEC. ANDANAR: Sige. We will be joining the program through Skype na lang. Kaso si JV nandoon din.
ASEC. ABLAN: Baka puwede tayong magkaroon ng show from there.
SEC. ANDANAR: Okay, okay, sige. Next week po, kami po ni Kris will be with the President’s delegation sa Nikkei at magkakaroon din po ng press freedom caravan doon.
Salamat po sa lahat ng mga nanood, nakinig po sa atin dito sa Radyo Pilipinas, sa programang Cabinet Report sa Teleradyo. Live po tayo sa PTV, sa Radyo Pilipinas, sa lahat po ng mga social media pages.
##
—
Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)