Interview

Cabinet Report | SONA: Ang Lokal na Pananaw part 2 hosted by Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar


SEC. ANDANAR: Pilipinas, sa huling episode natin, sinimulan natin ang pag-abang sa huling State of the Nation Address o SONA ng termino ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na gaganapin sa Lunes, July 26.

Sa SONA ipinaaalam ng Pangulo ang kalagayan o estado ng ating republika. Bahagi nito ang ulat tungkol sa mga nagawa ng pamahalaan nitong nakaraang taon at ang mga gagawin pa sa mga susunod na buwan. This episode, patuloy nating pupulsuhan ang estado ng ating republika. The state of our nation mula sa ibang punto de vista – ang pananaw na lokal.

Ngayong gabi makakapanayam natin si Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao Chief Minister Ahod Al Haj Murad Ebrahim at si Department of Transportation Secretary Art Tugade.

‘SONA: Ang Lokal na Pananaw’ ang paksa natin ngayong gabi.

Ito po ang inyong Communications Secretary Martin Andanar. Welcome to the Cabinet Report.

***

SEC. ANDANAR: Pilipinas, nakausap natin last episode sina Quirino Governor Dakila ‘Dax’ Cua, Legazpi Mayor and Bicol Regional Development Council Chairman Noel Rosal, Capiz Governor Esteban Evan ‘Nonoy’ Contreras at North Cotabato Governor Nancy Catamco.

Ngayon naman, makakapanayam natin si BARMM Chief Minister Ahod Al Haj Murad Ebrahim. Chief Minister, sa July 26 na gaganapin ang last State of the Nation Address ng Pangulo, ano po ang pinaka-significant na nagawa ng national government para sa BARMM this past year?

BARMM CHIEF MINISTER EBRAHIM: Alam mo iyong implementation ng Bangsamoro Autonomous Region, iyong Comprehensive Agreement with the Bangsamoro ay hindi one-time ito. Kailangan there are series to deliveries from the national government. so unang-una nga iyong law that establishes the BARMM.

Then pangalawa ho ay iyong establishment of the Bangsamoro Transition Authority which will govern iyong transition mechanism na 3 years at agreed upon in the law. Then pangatlo po is iyong block grant na pinagkasunduan. It started to be downloaded to the Bangsamoro government 2020 at significantly, ito pong block grant is so far the largest amount na naibigay ng national government to the Bangsamoro Region, to the Autonomous Region. Iyon pong ARMM, pinakamataas na na natanggap nila ay 32 billion. Ito pong block grant is 75, something around 75 billion and it is increasing every year depending on the collection ng national government over taxes and custom fees, kasi 5% po iyong block grant.

So ito iyong pangatlong delivery na very important sa kuwan, nag-start ito 2020 ang delivery nito sa amin. Then from there we started also to restructure the government. Itong istraktura ng gobyerno ay talagang wala pa tayong—it is unique in itself, because although there are autonomous government in other countries pero the system, the structure adopted in the autonomous government is the same as the structure of the national government. so itong sa atin po is it does not—the first time na mayroong parliamentary/ministerial na gobyerno that is under a presidential unitary system sa national level.

So ito po iyong mga kuwan na—ito ay dahil sa tulong po ng national government sa atin, na-accomplish natin iyong lahat ng requirement. And then we also had to accomplish the priority codes, mayroon hong anim na priority codes. Kasi po itong priority codes, reflecting iyong difference ng national government laws and the Bangsamoro administrative laws. So una dito ho iyong administrative code, may pagkakaiba sa national setup. Then mayroon din civil service code na ginawa, Bangsamoro Civil Service Code and then mayroon tayong local government code and then mayroon pa tayong separate na electoral code. Then we have revenue code, then we have… So iyan po ay naisagawa natin dahil po sa tulong ng national government.

SEC. ANDANAR: From the perspective of BARMM, what are you looking forward to from our national government, in this administration’s last year?

BARMM CHIEF MINISTER EBRAHIM: Ang talagang inaasahan natin is over the 3 years ay ma-implement na lahat iyong provision ng Comprehensive Agreement on the Bangsamoro, iyong agreement at saka iyong BOL. Kaya lang ho dahil nga sa maraming mga naging balakid po nito especially iyong pandemic ay hindi natin nagawa lahat. Hindi naipatupad lahat kasi itong pagpatupad ho is a partnership between the national government and the Bangsamoro government.

So inaasahan natin na within the last year of the President ay maipatupad pa rin ang lahat ng substantial na provision ng law at saka ng Comprehensive Agreement on the Bangsamoro, especially doon sa normalization track. Kaya ngayon ay humihingi tayo ng extension dahil nakikita natin na talagang dahil doon sa mga years that lost to us because of the pandemic, so kailangan natin ma-extend iyong term ng BTA in order to further implement.

Now on our side, we will try our best na during the last term of the President, iyong mga substantial part ay ma-implement na. And then kaya nga gusto rin natin na whoever he will endorse for the presidency ay iyon pa rin ang maging susunod natin na maging presidente dahil nakikita natin na kapag napalitan iyong administration at iba naman ang kuwan—hindi po kuwan, walang continuity doon sa current administration magiging challenging ho. So, iyon ang inaasahan natin.

SEC. ANDANAR: Ano po ang maiiwang pamana o legacy ng administrasyong Duterte sa BARMM?

BARMM CHIEF MINISTER EBRAHIM: I think everybody will agree with me that the greatest contribution of the Duterte administration to the Bangsamoro people and the Filipino people in general is itong pagpapatayo ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao which is actually the result of the more than two decades of negotiation between the Philippine government, national government and the Bangsamoro people led by the Moro Islamic Liberation Front.

So ito iyong biggest contribution as far as we are concerned kasi ngayon lang nangyari ito sa panahon ni President Duterte. Ang pinakaimportanteng pamana rito is iyon pong—we are hoping na magkaroon na talaga ng tunay na kapayapaan, progress at saka iyong development na ng area. Dahil iyong kapayapaan, iyong tunay na kapayapaan ay hindi lamang magbi-benefit ang Bangsamoro kundi the entire country will also benefit for this, iyong genuine and lasting peace na mangyayari.

So we are hoping that with the establishment of the BARMM and the implementation of the substantive agreement on the normalization ay talagang maiiwan ng administration iyong lasting peace and gradually magiging daan para mag-progress iyong Bangsamoro. So iyon po ang aming inaasahan.

SEC. ANDANAR: Sa ating pagbabalik, ang report ng Department of Transportation tungkol sa kanilang mga nagawa lalo na iyong mga nagdudulot ng mga mahalagang pagbabago sa mga lokalidad sa buong kapuluan. Tutok lang dito sa The Cabinet Report.

[AD]

SEC. ANDANAR: Nandito pa rin kayo sa The Cabinet Report.

Ngayon, ang atin namang makakausap ay si Department of Transportation Secretary Art Tugade. Malawakan ang kahalagahan ng mga ginagawa ng DOTr at ang nakikinabang nito ay ‘di lamang buong bansa kundi ang mga lokalidad na kinalalagyan ng kanilang mga proyekto pati na rin ang mga karatig bayan, lungsod, lalawigan at rehiyon ng mga ito.

Sec. Art, ano po ang mga naging pinaka-significant na nagawa ng national government para sa mga lungsod, lalawigan at mga rehiyon ng ating kapuluan this past year?

DOTR SEC. TUGADE: Salamat sa iyong magandang katanungan, kaibigan. Kung papayagan mo ako, hihimayin ko ang mga nagawa ng Kagawaran ng Transportasyon sa tinatawag na low-hanging fruits, madalian at mabilisan at iyong tinatawag na medium term and long term.

Umpisahan po natin sa low-hanging fruit, iyong madaliang ginawa ng kagawaran upang address-in iyong estado at sitwasyon noong dumating ang Duterte administration sa sambayanan.

Maalala ninyo iyong laglag-bala, maalala mo ba iyon sa NAIA? Katakut-takot na perhuwisyo iyong ginawa noong mga insidente ng laglag-bala noong tayo ay dumating na kung saan napiperhuwisyo po iyong mga biyahero, iyong mga mananakay, mapa-foreigner, mapa-local na nabibinbin at naaagrabyado sa airport dahil sa laglag bala. Ngayon ho wala na ho kayong naririnig na laglag-bala. Mahigit apat na taon na kami, wala ho kayong naririnig sa laglag-bala sapagkat ito ho ay natugunan ng pansin.

Maalala ninyo noon ay tinatawag ang NAIA na worst airport, one of the worst airport in the world. Napakapangit at napakabuwisit na pinapakinggan iyon na kung saan nasa hanay tayo ng mga airport na kinabubuwisitan ng mga pasahero. Ngayon ho eh kung sasabihin ko ho sa inyo, ngayon ang NAIA ho ay napapabilang sa tinatawag na ‘most improved airport’ in the world. Ito ho ay nagawa ho noong 2018, kakapasok-pasok lang ho natin, mahigit isang taon. Nabago na ho natin iyong tagline na ibinibigay sa NAIA.

Isa pang low-hanging fruit: Maalala mo na kapag kukuha ka ng lisensya, ang ibibigay sa iyo ay papel lamang. Ito ho ay kabuwisit-buwisit. Pero ngayon ho hindi na ho ganiyan – naka-plastic ang ating mga tinatawag na lisensya at mayroong 10-year validity. Agarang binago natin iyong validity. Biro mo naman magmamaneho ka, kapag na-confront ka papakita mo isang pirasong papel. Wala man lang pride sa iyong tinatawag na driver’s license. Pero ngayon ho na-address ho iyan, wala pang dalawang taon na-address na ho natin iyan. May zero backlog ho ang driver’s license with 5-year validity, supplies since September 2016 to the present. From July 2016 to 30 March 2021 a total of 27 million driver’s license cards and permits have been issued. Makikita mo na ito ay natugunan natin.

Maalala din ho natin na noon ang tawag sa Pilipinas ay ‘republikang walang plaka’. Dati lahat ng uri ng sasakyan ay walang plaka. LTO recorded over 8 million backlog on license plates from 2013 to mid-2016. Ngayon ho may plaka na. This as the LTO has already been producing our vehicle license plates since 2018. Mayroon ho tayong plate-making facility – robot – na kung saan talagang mapapabilis ang paggawa ng mga plaka. Noon ho ‘republikang walang plaka’ – ngayon ho nabibilang tayo sa bansa at republika na may plaka.

Maalala din ho ninyo na noon ang sabi nila sa EDSA – EDSA ‘carmageddon’ na kung saan talagang siksikan, unahan at tulakan. Makikita mo on the screen, ito iyong pang-araw-araw na nakikita mo sa EDSA. Ito ho ay tinugunan ng Duterte administration. Ngayon mayroon na tayong EDSA bus way, hindi na nakahalo ang mga public utility buses sa mga private vehicles, kaaya-ayang tingnan. Ngayon makikita mo mayroon pang bike lane, kaaya-ayang tingnan.

Noon ho, ang dating 3 to 4 hours na biyahe mula sa Monumento papuntang PITX ay nasa 15 minutes na lang to 1 hour. Ibig sabihin ito ho ay natutugunan natin sa pamamagitan ng EDSA bus lane, iyong Carousel. Ito ho ay natugunan natin sa pamamagitan nang pag-unlad at pagtulak ng tinatawag na Active Transport System.

Hindi ho natin makakalimutan iyong bansag na ‘MRTirik’. Ito ho MRT tirik kasi iyong MRT patirik-tirik, katakut-takot na breakdown at service interruptions, kasama na iyong unloading incidents at buhos ang complain at problema ng ating mga pasahero. Noon ho tumatakbo ito 30 kilometers per hour. Ngayon ho tinutumbok na natin at ordinaryo iyong tinatawag na 60 kilometers per hour. Ngayon ho iyong waiting time between trains and stations noon ho ay 9 minutes, ngayon tumatabas at bumabagtas ho tayo 3 to 3.5 minutes. Faster ho ang travel time from the North Avenue Extension to the Taft Avenue Extension to 45 minutes from a previous of 1 hour and 15 minutes. Makikita ninyo na talagang naging mabilis, komportable at kaaya-aya iyong pagbiyahe sa MRT 3.

We have set an all-time high of 23 running trains. Noon ho, suwerte na kung mayroon tayong sampu hanggang kinseng tren na tumatakbo. Ngayon po on the average, tumatakbo ho diyan 21, 22 at umaabot po g 23.

Ito ho iyong mga bagay-bagay na nagawa natin sa MRT-3. Ang pagbabago lang ho ba ay sa tren na tumatakbo sa riles? Hindi po. Sapagkat ho iyong 46 escalators and 34 elevators sa stations are now fully operational. Noon hong dumating ang Duterte administration, naku po, problema ho para sa senior citizens at mga persons with disability, iyong mga bata, iyong mga escalators na hindi gumagana at hindi nag-o-operate, pati na iyong 34 elevators na hindi gumagana at hindi nag-o-operate.

Sasabihin ko lang ho, the installation of the brand-new rails at the main line were completed in December 2020, two months ahead of the target date of February 2021. Track replacements work were completed in January of 2021. Ito ho iyong mga kaganapan na nagawa natin dito sa MRT-3.

Ano naman ho iyong mga railway projects na ating sinubaybayan, tinugunan at ginawa sa atin? Alam ninyo ho, noong dumating tayo, talagang napabayaan iyong railway ng ating bansa. Eh puro drawing at usap-usapan lang. Kung mayroong Build, Build, Build, noon ho ay mayroong drawing, drawing; mayroong talk, talk, talk. Ngayon ho ang nangyari natin sa railway tracks ay Build, Build, Build. Kaya nga ba nakalimutan iyong LRT 1; nakalimutan iyong MRT 7.; nakalimutan iyong LRT 2; nakalimutan iyong common station; ang Metro Manila subway ay nakalimutan. Lahat ho, talk, talk, talk; plan, plan, plan. Itong mga proyektong ito ay binigyang buhay at katotohanan ng Duterte administration.

Pumunta po tayo sa LRT 1 Cavite Extension. Nasimulan na ang konstruksiyon nito noong Mayo 2019. Iyong konstruksiyon for LRT 1 Cavite Extension was delayed for 19 years. Ito ho, 19 years na-delay. Ngayon po kung babaybay kayo sa Sucat, Parañaque, makikita ninyo iyong mga posteng nakatayo, papatungan na lang diyan iyong tinatawag na Girder at in due time magiging operational iyong LRT 1 extension. Iyong Baclaran hanggang Parañaque papuntang Niog, Bacoor, inaasahan po ito na makumpleto, iyong Baclaran trial run sa October 2023; operational by the first quarter of 2024; full operation is expected on 2027. Bagama’t ito iyong aming target, mayroon ho kaming mga ginagawang plano nang sa ganoon ay mapadali ang pagkumpleto ng LRT 1.

Sana ho magampanan natin ito at magpapatuloy. Makikita ninyo, ito ho iyong mga ginagawa ngayon sa LRT 1 Cavite Extension. Ito ho ay ang magbibigay-tunay na talagang ginagawa na iyong LRT 1 Cavite Extension. Noon ho, noong dumating tayo ay puro drawing at puro plano. Ngayon ho, ‘gawa, gawa, gawa,’ ‘work, work, work’, ‘build, build, build’.

Katumbas ho at kasabay ng ating pag-construct ay iyong pagdating ng tinatawag na arrival of the first batch of 120 LRVs (light rail vehicles) of the 4th generation trains of LRT 1. Ito ho, nandidito na ho iyong tren. Kung may konstruksiyon at may tren, hindi ho ba sa equation na iyan ay sasabihin natin tuloy na iyong LRT 1 extension at masisinayan na ho natin iyong takbo ng ating tren from Baclaran, Parañaque at Niog, Bacoor, Cavite.

Tingnan ho natin naman iyong tinatawag natin na North South Commuter Railway. Ang railway system na magdudugtong sa Maynila papuntang Pampanga, at Maynila papunta namang Calamba sa Laguna. Ito ho ay talagang binibigyang buhos natin upang ito ay matapos, full operation iyong PNR Clark Phase 1 second quarter of 2024. Ini-expect ho namin na may partial operations dito by the second quarter of 2023. Segment – partial operation segment includes Valenzuela to Malolos station.

Ito ho kapag tiningnan mo iyong PNR Clark phase 1, PNR Clark phase 2 at iyong PNR Calamba, makikita ninyo na buhos-buhos talaga iyong trabaho na ginagawa dito. Maganda ho na makita ito sapagkat ini-expect ho natin na magdudugtong na iyong Tutuban, Manila papuntang Malolos, Bulacan – that is phase 1. Kagaya ng sinabi ko, mai-experience na ho natin iyong partial operability nito. Magandang-maganda ho ang Malolos station. Magandang-maganda iyong Guiguinto, at maganda iyong Balagtas station. Makikita sa screen iyong mga kaganapan at mga paggawa na ginagawa upang sa ganoon mabigyan patotoo iyong ating Malolos, Bulacan PNR Phase 1.

Makikita rin ho dito iyong West Valenzuela station, iyong Meycauayan Station at Marilao viaduct. Ito ho ang ating mga ginagawa sa riles. Mamaya ho may idadagdag ho ako kapag pinag-usapan natin iyong mga proyektong nakumpleto na, at magugulat at magugulat kayo sa mga kaganapan na mga nagawa sa Kagawaran ng Transportasyon doon sa tinatawag natin na completed projects.

Ano naman ang project status ng Mindanao railway phase 1? Ito ho ay sa Tagum-Davao-Digos. Ngayon po ang ginagawa natin iyong right of way acquisition, ongoing preconstruction work, parcellary survey and property appraisal survey. Itong proyektong ito will accommodate 130,000 passengers daily and will reduce travel time from Davao del Norte to Davao del Sur from 3.5 hours to just 1.3 hours. Partial operation segments, Tagum to Carmen, on March 2022. Full operation nito ay expected before the end of 2023. Naniniwala ho kami na dapat at dapat lang na magkaroon tayo ng Mindanao railway para ng sa ganoon iyong kabuhayan, iyong kalakal, iyong pamumuhay sa Mindanao ay mabigyan tulong at kaganapan.

Ito ho iyong mga bagay-bagay na in-address natin dito sa katanungan mo kanina, ano iyong tatatak sa utak ng mga tao sa pagdating ng Duterte administration. Dalawang bahagi ho iyan, iyong tinatawag natin na low-hanging fruit, iyong mabilisan na problema na tinugunan natin; at iyong tinatawag na medium term at long term. Mamaya ho ipapaliwanag ko sa takdang oras iyong mga proyektong nakumpleto na po natin.

SEC. ANDANAR: Patuloy po tayo sa SONA: Ang lokal Na Pananaw sa pagbabalik ng The Cabinet Report.

[COMMERCIAL BREAK]

SEC. ANDANAR: Welcome back to The Cabinet Report.

Sec. Art, we are an archipelago of 7,641 islands, at dahil dito ay susi sa pagsulong ng ating ekonomiya ang mga airport and seaport projects ng DOTr. Ano po ang mga notable infrastructure projects ng DOTR sa Luzon, Visayas at sa Mindanao na natapos natin nitong nakaraan taon? At ano pa po ang mga nasa pipeline sa huling taon ng termino ninyo ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte?

DOTR SEC. TUGADE: Pumunta ho tayo sa aviation and airport projects. Iyong Clark International Airport, alam mo sa July 15 ma-inaugurate na ho natin iyan. Ang kapasidad ho niyan ay 12.2 million passengers per year. Ito ho ay mahalagang bahagi sapagkat makikita mo talaga na itong passenger terminal na ito ay world class. Sana maka-attend ho kayo sa inauguration sa July 15 at masasabi ninyo na tunay at talaga naman na mayroong world class project na nandito sa Clark International Airport.

Doon sa NAIA Terminal 2 rehab, alam ninyo ho ba na hindi natuloy iyong tinatawag na unsolicited proposal, tuluyan at tuluyan tayo nag rehab sa NAIA terminal. Kaya nga ba’t iyong repair and upgrading of the NAIA runway 13/31 was completed and inaugurated noong February this year, 2021. So makikita ninyo, nandidiyan iyong inauguration at puwedeng ipagmalaki na hindi tayo umasa unsolicited proposal. Nagawa ho natin iyong expansion ng runway at taxiway, at mahalaga ho ito sapagkat iyong paggamit ng NAIA ay mao-optimize at mapapalapad pa.

Ang isang benepisyo nito ay iyong NAIA ay puwede na ho gamitin ang 4 high-speed exits for commercial airlines. In other words, mapapabilis iyong takeoff at landing ng mga eroplano. Kung mapapabilis ang takeoff at landing ng mga eroplano, mas madami ho na mga eroplano ang makakagamit, mas mabilis po iyong landing and takeoff.

Pumunta ho tayo sa Mactan-Cebu International Airport. Nagdiwang at nag-celebrate tayo noong inauguration ng Mactan-Cebu International Airport. Ito ho, ang tawag dito world’s friendliest resort airport; kapasidad 8.5 million passenger per year. Ngayon, kami ho ba ay nakuntento dito? Hindi po! Soon, hangarin po namin na magkaroon ito ng two parallel runways. Sana ho bago matapos ang termino ng ating Pangulo ay maumpisahan natin ito.

Tinatanong ninyo iyong mga airport na natapos. Pumunta tayo sa Bohol-Panglao International Airport. Natapos ho ito. Tahimik na ginawa natin, tahimik na natapos at pinagmamalaki ho natin ngayon. Tapos na ho: Capacity – two million passengers per year.

Pumunta ho tayo sa Puerto Princesa International Airport – completed; capacity – 1.9 million passengers per year. Tahimik po ginawa natin ito. Iyong floor area ho nito ay 13,000 m2 with a seating capacity of 1,500. Ito ho ay isa sa pinagmamalaki natin na airport na ating tinapos.

Tinapos at pinaganda rin ho natin iyong Sangley Point Airport Phase 1. Ito ay ini-inaugurate natin noong February 2020; kapasidad – 8.5 million passengers. It caters to commercial cargo operations and will soon be utilized for general aviation and turboprop cargo operations from 6 A.M. to 6 P.M.

Hindi ho makakalimutan iyong Kalibo International Airport na noong naayos ho namin ito ay talagang naglipana iyong mga text na aking natanggap, nagpapasalamat at naayos iyong Kalibo International Airport na kung saan magiging komportable at kaaya-aya iyong pagbiyahe ng ating mga kababayan pati na ho iyong mga turista. Makikita ninyo iyong mga binago natin dito. It can accommodate 406 passengers from its previous 340-passenger volume.

Natapos din ho natin iyong Ormoc Airport. A passenger terminal building was renovated after it was destroyed by super typhoon Yolanda in 2013 and the 6.5 magnitude earthquake in 2017.

At habang pinagmamalaki ho natin iyong Ormoc, nandiyan ho ang Calbayog Airport na completed and inaugurated on May 5, 2021. The construction of the new passenger terminal building with shed, which will increase passenger capacity from what it was, 170 to 450. Winayden [widened] din ho natin iyong runway at ang apron. Kumpleto na ho ito. Ito ho ay magdadagdag ng pamaraan ng pagbiyahe ng ating mga kababayan.

Dumaguete Airport, iyong repair nito ay nakumpleto ho noong March 11. Ano ho iyong mga ginawa natin dito? Iyong re-blocking of the apron, construction of two taxiways, expansion of the existing passenger terminal building, the runway asphalt overlay, shoulder grade correction and the expansion of the CAAP building. Ang kapasidad ho nito ay 550 passengers from what it was, from 300. Halos dinoble ho namin iyong kapasidad.

Marahil narinig ninyo na rin ho iyong tinatawag na Maasin Airport, tinapos na rin ho namin ito. This is the only airport serving the region of Southern Leyte. Kinumpleto ho namin ito, iyong Maasin. Hindi ho ba kaaya-aya na talagang nakakakumpleto tayo ng mga paliparan – malaki, medium size, maliit – para nang sa ganoon, the convenience and comfort of the passengers will be assured.

Ganoon din ho iyong ginawa sa San Vicente. Ito ho, gateway to the longest white beach in the Philippines; capacity passengers at any given time is 150.

Ongoing na ginagawa ho natin iyong Bicol International Airport. The most scenic gateway, 84.47% na kumpleto ito. Hangarin ko ho na ma-inaugurate ito before the end of this year. Hangarin ko ho na maging operational ito before the end of this year. Para lang maitulak at maitulak ang pagtatapos nitong airport na ito, sinabi ko po sa CAAP at sinabi ko sa mga kontratista na by July 30 of this month la-landing ako doon, finished or not finished. Ito ho ang pamaraan ko upang sa ganoon ay maitulak at maitulak ko iyong pagtatapos ng airport na ito without sacrificing the quality of the construction and without incurring additional unreasonable cost. Naniniwala ho ako na mabibigyan patotoo itong Bicol International Airport na inaantay at inaantay ng mga Bicolano at ng sambayanan for more than two decades.

Hindi ho malalayo iyong Zamboanga Airport Rehabilitation Project, for completion and inauguration on last week of August 2021. Ano ho iyong napapaloob sa aming mga ginawa sa Zamboanga? The passenger terminal was expanded and rehabilitated. The runway was repaired, as well as asphalt overlay was done. Rehabilitation of the taxiway in the Zamboanga Airport, construction of the Zamboanga Airport Malasakit Hall. Makikita ninyo na mayroon pa rin hong ‘All Purpose Center’ na ginawa dito. Ito ho ay makakatulong, again, sa pagbiyahe ng ating mga mamamayan at turista.

Ang Butuan Airport, iyong Malasakit Hall for inauguration on July 29, 2021. Sabihin ko na rin ho iyong Siquijor Airport for completion/inauguration on second week of September 2021. Other airports being scheduled – kasi tinatanong mo ho iyong mga airport, mahaba pa ho ito – ito ho iyong Catarman Airport Rehabilitation Project, nandiyan iyong Busuanga Airport, nandiyan iyong General Santos International Airport, nandiyan iyong Bantayan Airport sa Cebu. Ito ho iyong mga airport na tahimik na kami ay nagtrabaho, gumawa at kinumpleto nang sa ganoon mabigyang katuparan iyong mandato ng ating Pangulo – make the Filipino lives convenient and comfortable.

Pumunta ho tayo sa mga projects natin sa maritime.

Alam mo ba, Sec. Martin, na sa termino ng ating Pangulo, naitayo ho natin iyong tinatawag na biggest passenger terminal ng seaport ever, ever – inaugurated 15 July 2019. Ang kapasidad ho ay 3,000 passengers. Ito ho iyong pinakamalaking passenger terminal to date dito sa maritime – fully air-conditioned, malapad, malawak. Iyong mga tao doon, dati ang mga pumupunta lang sa terminal ay iyong mga pasahero – ngayon maski na hindi pasahero pumupunta sa Cagayan De Oro upang baybayan, mag-picture-taking sa malapad at malaking terminal na ating ginawa. Kapasidad – 3,000 passengers.

Eh kung sabihin ko ngayon at this point kung mararapatin mo, Sec. Martin, sasabihin ko kung iyang 3,000 mayroon pa hong dalawang port terminal na tinatapos ngayon. Dito ho sa Calapan, matatapos ho natin passenger terminal. Alam mo iyong kapasidad nito, Sec. Martin? 4,000 passenger capacity. So nalakihan na iyong tinatawag na Cagayan De Oro, 3,000. Sasabay ho diyan iyong development, ginagawa natin sa Zamboanga. Alam mo iyong kapasidad diyan at matatapos before the end of the term of President Duterte? 3,000 passengers! Dito sa kabuuan ng tatlong port terminal na biggest so far na itinatayo ngayon – 10,000 passenger capacity ho iyan na kung saan hindi na nagsisiksikan, hindi na nagtutulakan, hindi na pinapawisan iyong mga pasahero. Kaaya-aya ho magbiyahe at siyempre maiengganyo sila.

Mayroon din hong mga proyektong ginagawa at nagawa na iyong maritime. Nandidiyan ho iyong Pangasinan River Landing, na-inaugurate namin ng 11 June 2021. Ito ho ay magdudugtong ng dalawang island dito sa Pangasinan na tuwang-tuwa naman na nakita ng mga tao sapagkat iyong travel nila noon na 3 hours, na-limit na lang ho sa less than 30 minutes, napakakaaya-aya. Ginawa ho natin iyan sa Pangasinan – ang tawag ho diyan, proyekto na iyan is Pangasinan River Landing.

Nandudoon ho iyong Port of Tagbilaran, this was heavily damaged by strong earthquake in 2013. Napabayaan ho iyan – noong dumating ho kami talaga naman mabubuwisit ka sa vista (view) nang makikita mong airport. Inayos at inayos ho namin iyan at na-inaugurate ho iyan noong 14 April 2021.

Nandidiyan ho iyong Port of Tubigon na na-inaugurate noong 5 January 2019. Ito ho talagang naku, kung makikita mo iyong mga puertong ginagawa ngayon, matutuwa ka. Ikaw mismo nagsabi kanina diyan na ang Pilipinas ay archipelago. Para mapagdugtong-dugtong mo itong mga islang ito, kailangan mayroon tayong mga programa at improvement hindi lang sa paliparan kundi pati sa puerto. Makikita mo itong Port of Tubigon sa Bohol, napakagandang project ho iyan.

Iyong Port of Ormoc expansion of passenger terminal was completed and will be scheduled for inauguration this 2021.

Alam ninyo ho ba iyong Port of Babak? Ito iyong Port of Babak sa Davao, ito ho ay scheduled for inauguration na before the end of this year. Ongoing projects: Port of Calapan, Port of Zamboanga – nasabi ko na ho kanina ito – 4,000 passengers Port of Zamboanga City 3,000 passengers. For completion is Port of Maribojoc, ito ho i-inaugurate ko ito before the end of 2021. At tinitingnan din ho natin itong malaking project na ito, iyong New Cebu International Container Port, targeted completion, 4th quarter of 2024.

Makikita ninyo na mayroong mga proyekto tayong ginagawa, again tahimik na ginagawa, tahimik na tinatapos para nang sa ganoon mag-enjoy ang mga tao.

Idagdag ko lang ho ngayon. Mayroon ho akong mga projects na tinatawag na Cruise Ports. okay? Ito ho iyong mga daungan ng mga cruise vessels. Mayroon ho tayong mga proyektong ginagawa diyan at ginagawa. Naumpisahan na ho naming magtapos ng tatlong puerto sa Palawan na kung saan gagamitin among others as cruise port. Ito ho’y magku-connect – Palawan, Visayas and Mindanao at kasama iyong iba-ibang bansa sa ASEAN.

Nandiyan ho iyong Port of San Fernando, El Nido nandidiyan, ito ho ginagawa natin. Ito flashed on the screen, nagawa ho natin iyan, tatlo hong puerto iyan na ginawa natin – iyong Port of Borac makikita ninyo itong Barangay Borac, Coron – lahat ho iyan ginagawa. Ito ini-expand ho namin kasama iyong Port of Bataraza, iyong tinatawag na cruise operations.

Mayroon din ho tayong tinatapos at gagawin sa Siargao. Mayroon pong port cruise ang gagawin diyan. Pasintabi na lang, Sir, kung paminsan-minsan nagkakagulo iyong mga pangalan sa dami ng mga puerto talagang nagkakarambol minsan iyong pangalan sa atin. Pero makikita ninyo na habang gumagawa tayo ng mga connectivity ng mga islands, gumagawa rin ho tayo ng pamaraan na kung saan iyong international cruise travels ay maiengganyo nating pumunta sa Pilipinas. Ito ho ay makakatulong sa tourism, makakatulong sa business development.

Marami hong mga ginagawa sa maritime. Marami hong pagbabago. Marami hong ginagawa sa aviation. Marami hong pagbabago. Never before has so much been done in so short a time. Ito ba ho ibig sabihin tapos na? Hindi ho! Marami pa hong dapat gawin sapagkat iyong ginagawa natin ay bunga ho ito among others ng tinatawag na kapabayaan at neglect na kung saan dapat naatensiyunan ang Mindanao, Visayas and Central Luzon sa tinatawag na connectivity and travel. Iyon lang po, Sec. Martin.

SEC. ANDANAR: Nabanggit nga po ni Mayor Noel Rosal last episode ang kahalagahan ng PNR at ng Bicol International Airport sa ekonomiya ng kanilang rehiyon.

DOTR SEC. TUGADE: Sabihin ko na rin ho iyong pagtanaw ng utang na loob ko kay Mayor Rosal at iyong mga ibang local government na nakikiisa upang sa ganoon ay bigyang-buhay at patotoo namin iyong proyekto sa Bicol. Malaking tulong ho si Mayor Rosal sapagkat noong nangailangan kami ng mga tao na idadagdag sa mga workers dito sa Bicol International Airport eh agarang tinulungan po kami ni Alkalde/Mayor Rosal.

SEC. ANDANAR: Tuloy ang talakayan natin kay DOTr Secretary Art Tugade matapos ang ilang paalala.

[AD]

SEC. ANDANAR: Nandito pa rin kayo sa Cabinet Report.

Anu-ano po ang mga big ticket projects na ginagawa pa ng DOTr na target nating matapos bago magwakas ang termino ng Pangulo sa 2022?

DOTR SEC. TUGADE: Una ho iyong tinatawag natin na LRT 2 Extension. Ito ho ay iyong proyektong dinagdag natin, iyong Marikina-Pasig at Antipolo. Ito ho ay in-inaugurate ng ating Pangulo last week. Makikinabang ho dito nang malaki iyong mga mag-aaral kasi dadaan at dumadaan ito sa tinatawag na Claro M. Recto sa university district na kung saan noon ho ang passenger capacity ay tumatama sa 240,000 a day. Ngayon ho with that extension eh ang makikinabang ho dito ay mga 310-320 thousand. Ito ho ay operational na ngayong Lunes na kung saan mayroon hong mga libreng sakay na ibinibigay para ipatupad at bigyang-kaligayahan lang ang ating mga mamamayan na nagbibiyahe sa Santolan hanggang Antipolo. Ito ho iyong LRT 2.

Pangalawa ho, iyong subway. Iyong subway, hangarin ho namin na magkaroon ng trial run nito dito sa first quarter hanggang second quarter of next year. Ang length nito is 34 kilometers, iyong partial operations segment nito ay 8-kilometer covering 4 stations. Kasama ho nito iyong tinatawag na pag-umpisa namin noong Philippine Railway Institute. Mahalaga hong lagyan-kaalaman ito sapagkat ito ho iyong kauna-unahang institute na kung saan hihingi ho tayo ng mga certification dito sa institute sa mga taong magtatrabaho sa ating subway at mga riles. Ako ho ay naniniwala na mabibigyan natin patotoo ang target natin sa Manila Subway.

Huwag din ho natin kalimutan iyang tinatawag na Common Station. Matagal na hong nagbakbakan ang mga taipans dito na kung saan noong dumating ho ang ating Pangulo, ang termino ng ating Pangulo, napagbati-bati ho natin itong mga principals na ito. Maalala ko noong tinanong sila minsan bakit sila nagkasundo-sundo, ang sinabi ho nila ito ho iyong pamaraan na kung saan maipapakita nila sa madlang tao na sila ay may trust and confidence kay President Duterte at may trust and confidence sila sa Duterte administration. Ito ho ay mag-uumpisa na dito sa partial operations nito mga December of this year. Ang full operations ay ini-expect ho natin na magbigay patotoo ito lalo’t higit sa MRT 3, MRT 7, LRT 1 at kung matatapos iyong Metro Manila Subway ay magiging dagdag ho ito. Ang kapasidad ho nito 500,000 passengers per day.

Ito ho iyong tatlong kaganapan na gusto nating mabigyan-patotoo dito sa rails. Mayroon ho tayong MRT 7 ‘ika nga, na kung saan ito ay nagtatapos sa San Jose, Bulacan. Nagkaroon ho ng problema dito sa tinatawag na depot, right of way sa depot saka sa istasyon. Pero hangarin ho namin na matapos din ho itong MRT 7 by next year. Nagbigay patotoo ang ating operator dito na San Miguel at tina-target ho nila iyong trial run by April 2022, full operations on the 4th quarter of 2022.

Pakinggan mo ito, iyong kapasidad nito ay 300,000 to 500,000 passengers per day. Ang biyahe ho Quezon City and Bulacan from 2 to 3 hours, kapag natapos na ho ito ay magiging treinta y singko minutos lamang. Hindi lang ho ang benepisyo nito para sa mga manggagawa. Ang isang benepisyo ho nito ay iyong mga mag-aaral, iyong mga mag-aaral. I-imagine mo, mas kakaunti na ho ang biyahe nila sa kalsada, mas mapapaganda at mapapabilis ang kanilang disposisyon pagdating sa kaniya-kaniyang paaralan. Mas maganda iyong disposisyon pagdating sa kanilang mga kaniya-kaniyang bahay. They will be spending more time in school. They will be spending more time with their family nang sa ganoon makakatulong din ho hindi lang ho sa pagbuo ng kapasidad ng pag-aaral kundi sa kaligayahan ng bawat pamilya.

Nabanggit ko iyong Bicol kanina. Ilang dekada, ilang taon napabayaan ang Bicol? Ngayon ho sinasabi natin bago magtapos ang termino ng ating Pangulo ay nandidiyan na iyong Bicol International Airport – that is the first part of the twin project in Bicol. The second part of the twin project in Bicol is iyong riles ng tren. Itong papuntang Bicol may partial operability ho iyan na mag-uumpisa sa Quezon, apat na lugar: Candelaria, Lucena, Pagbilao at San Pablo. Ito ho iyong partial operability na hinahangad namin na maumpisahan sa 1st and 2nd quarter of 2022. Ito ho iyong magdudugtong sa tinatawag namin na Bicol Express.

Iyong full operation ho nitong Manila-Sorsogon Port of Batangas ay the 3rd quarter of 2025. Travel time will be reduced from what it was from 12 hours to 14 hours into 6 hours. Kapasidad ng passenger daily nito kapag ito ay nagawa at naniniwala kaming magagawa at aming uumpisahang gagawin – 100,000 passengers a day. Kung mayroon kang airport sa Bicol na tatapusin mo at mayroon kang riles, hindi ho ba parating at parating na iyong kaunlaran, iyong progreso, iyong tinatawag na prosperidad sa Bicol?

Ang programa ng ating development ay hindi lang ho pang-Luzon or Central Luzon – ito ay kasama ang Visayas at Mindanao. Ito ay kasama iyong buong sambayanan Republika ng Pilipinas. Sinabi ng ating mahal na Pangulo, “Hindi lang ako presidente ng Luzon at Metro Manila, presidente ako ng Visayas and Mindanao.”

SEC. ANDANAR: Paano po ang continuity sakaling may mga hindi matatapos?

DOTR SEC. TUGADE: Ah una ho, dapat maglagay at magluklok tayo ng mga tao sa susunod na halalan ng mga tao na naniniwala sa proyekto na hangarin ay bigyang continuity. Eh may usap-usapan na ang ating Pangulo ay baka tumakbong bise presidente. Eh bigyang-diin at pansin iyan. Kung magluluklok tayo ng mga tao sa darating na halalan, maglagay tayo diyan ng mga taong magtutuluy-tuloy ng programa. Tinanong mo iyong continuity, ito iyong isang pamaraan na kung saan magkakaroon tayo ng continuity sa Executive Department. Magkaroon tayo ng continuity sa Legislative Department nang sa ganoon itong mga proyektong ito, iyong mga itutuloy ay matuloy.

Pangalawa ho, tiningnan natin iyong sa darating na halalan, sa Departamento ng Transportasyon. Sinisiguro ko ho na iyong mga taong may malaking ambag at maitutulong sa mga proyekto ay sila ay kumuha ng Civil Service Eligibility. Mayroon akong mga Usec. na kumuha na ng Civil Service Eligibility nang sa ganoon mananatili sila sa Kagawaran ng Transportasyon at sige-sige ipagpatuloy iyong mga proyekto.

Sa mga proyekto mismo sasabihin ko sa iyo, Sir, mayroon tayong tinatawag na partial operability. Maraming beses mo narinig sa akin iyan. Dati ho kapag may proyekto ka, from point A to point Z, kailangan tapusin muna lahat iyan bago mo magamit iyong proyekto, hindi ba? Pero kami ho nag-umpisa nang partial operability – ibig sabihin from point A to point Z hindi mo hihintaying matapos – kapag nasa point E ka, magagamit mo na ito. In other words, we have introduced the concept of partial operability.

Sabihin mo sa akin, kaibigan, kung iyong mga susunod hindi gagawin iyan at napakinabangan na at na-experience na ng mga tao iyong partial operability, ang kalaban nila diyan sambayanan.

SEC. ANDANAR: May mga nagsasabing ang ilang proyekto pong nabanggit ninyo ay ‘di naman talaga sa inyo at ang mga ito ay actually sinimulan ng mga nakaraang administrasyon pa. Ano po ang inyong tugon dito, Sec. Art?

DOTR SEC. TUGADE: Hindi naman namin kini-claim na kami ay nagplano. Hindi naman namin kini-claim na kami ay nagsumite sa mga bawat ahensiya noon.

SEC. ANDANAR: Paano ninyo po gustong maalala ng ating mga kababayan ang inyong pamumuno sa DOTr? What do you want your legacy to be?

DOTR SEC. TUGADE: Ah, simple lang ho. Ako ho ay isang kalihim na sumunod sa utos at mga instruksiyon ng ating Pangulo. At sa kaniyang pagsunod ay nagawa at nagawa naman iyong inutos ng Pangulo upang sa ganoon makamtan ang tinatawag na convenience and comfort of the Filipino people.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat, Department of Transportation Secretary Art Tugade.

Pilipinas, paulit-ulit nating pinapaalala dito sa Cabinet Report na ang Pilipinas ay isang archipelago na may 7,641 islands. Marami sa mga bayan, lungsod at probinsiya sa archipelago natin ay napapakilala natin sa inyo, sa Network Briefing News. Napakaganda, maraming tourist attractions, sagana sa mga natural resources. In short, full of opportunities.

Kaya kailangang-kailangan natin i-improve ang connectivity ng mga ito sa pamamagitan ng mga railways, airports at seaports upang ang mga biyahero, mga bisita at mga businesses ay mas madaling ma-access ang mga lugar na ito. Kaya ikinatutuwa natin ang mga ibinalita ni Sec. Art, mga accomplishments sa mga railways, airports and seaports natin.

Habang patuloy tayong sumusulong patungo sa pagwakas nitong pandemya, itong mga connectivity projects ng DOTr ay magiging susi sa pagbangon natin at sa pagsulong sa bagong normal.

Bago tayo magwakas, muli ko po kayong hinihikayat kapag pagkakataon ninyo na, magpabakuna na. RESBAKUNA na upang talunin natin, aron mapilidi na gyud nato ang COVID-19.

Para sa Cabinet Report, ito po ang inyong Communications Secretary Martin Andanar. Mabuhay ang Pilipinas. Mabuhay ang Pilipino.

###


News and Information Bureau-Data Processing Center