SEC. ANDANAR: Pilipinas, ilang buwan na lang at magdadalawang taon mula nang magkaroon ng kaso ng COVID-19 dito sa atin. At nitong nakaraang buwan, Hulyo, nakadalawang taon na mula naman nang unang dumating sa atin ang African Swine Fever o ASF. Patuloy ang dalawang pandemya ng COVID at ASF sa pamiminsala sa ating mundo at ating bansa. At sa pangontra sa dalawang virus na ito ang isang inaasahang pangontra ay bakuna.
Kaya ngayong gabi, updates sa mga bakuna kontra sa mga pandemyang COVID at ASF ang paksa natin. Makakausap natin mula sa Department of Science and Technology si Secretary Fortunato de la Peña at mula naman sa Department of Agriculture, Secretary William Dar. Makakasama din natin mula sa TESDA si Deputy Director General John Bertiz III upang malaman ang mga bagong partnerships and linkages nila na makakatulong sa mga mag-aaral nito.
Ito po ang inyong Communications Secretary Martin Andanar. Welcome to the Cabinet Report.
***
SEC. ANDANAR: This is The Cabinet Report at diretso na tayo sa paksa ng bakuna laban sa ASF at kasama natin ngayon si DA Secretary William Dar. Good evening, Sec. Willie.
DA SEC. DAR: Magandang gabi po Sec. Martin at sa lahat na tagapakinig po ninyo at sumusubaybay dito po sa programa.
SEC. ANDANAR: May napipinto pong rollout ng bakuna kontra African Swine Fever matapos lang ang testing na sa kasalukuyan pang ginagawa. Ano po ang latest hinggil dito?
DA SEC. DAR: Yes, Sec. Martin. Ongoing na po iyong dalawang bakuna, ongoing ang testing at we’ll have the initial results by end of August. So from the initial results ay i-evaluate po natin kasi may phase 2 pa ito until we go for a phase 3 challenging the virus na nandoon na sa mga live pigs. So this is a good start by the way, Sec. Martin, because for after 100 years wala pang naka-develop na advanced country ng bakuna sa African Swine Fever. So USDA helped us connect with the private sector companies in US developing nitong African Swine Fever vaccine. So we are excited because kagaya po sa COVID-19 ay may… nakikita po namin light at the end of the tunnel.
SEC. ANDANAR: Makakapagbigay na po ba kayo ng detalye sa rollout ng mga bakunang ito?
DA SEC. DAR: Ang tinitingnan natin ito, Sec. Martin, with all the planned testing – may phase 1 kasi, may phase 2, phase 3 – so lahat nito po ay magagawa po natin itong taon na ito. So before the end of the year ay there will be a decision to whether go ahead kung successful nga itong mga bakuna or ano pa iyong other ways forward.
Kung successful po ang resulta, itong testing ng dalawang bakuna, kahit isa lang iyong bakuna na puwedeng gamitin ay iri-recommend po natin sa national government, kay mahal na Pangulo Rodrigo Roa Duterte, na ang gobyerno na ang bibili at ang gobyerno na ay will spend for everything to vaccinate 9.7 million hogs that we have present today in the country.
SEC. ANDANAR: Ano po ang mechanics nitong pagbabakuna kontra ASF? Sino ang makaka-avail nito at may bayad po ba ito?
DA SEC. DAR: Ang aming gagawin, Sec. Martin, ‘pag successful itong testing na ito ay we will recommend to government na bibilhin na lahat iyong bakuna para mabakunahan lahat iyong hog inventory natin sa bansa. Today we only have about 9.7 million hogs present in the country so I hope government will shoulder the expenses in buying and in the vaccination process in the future.
SEC. ANDANAR: Isang solusyon itong pagbabakuna, Sec. Matapos nito, may plano ba kayong added measures upang maiwasan ang muling pagkalat ng ASF?
DA SEC. DAR: Tama po, maraming mga existing na quarantine protocols, iyong sanitation protocols, para hindi babalik ulit iyong virus na ‘yan. One of them now is itong clustered backyard hog raising at ang tinutukoy po natin niyan ay iyong makabagong pamamaraan para iyong biosecurity measures ay in place na even in a backyard clustered farms. So iyon, that will be number one, iyong biosecurity measures will continue to be, you know, elevated/upgraded.
Alam naman natin na may mga malalaking kumpanya sa hog industry na hindi naman sila apektado doon sa African Swine Fever so we are getting the technologies from them in terms of this biosecurity measures at ito iyong ipapa-implement po natin dito sa clustered backyard hog raising.
Now, what are the other measures? Iyong Bantay ASF will be a regular program, reinstitutionalized kasi hindi natin alam ay maraming mga nagpaparating din na smuggled items na mga karneng baboy galing countries kagaya ng China. So we will continue our guard dito sa mga dumarating na mga imported meat products at huwag natin pahintulutan na pumasok itong mga meat products na galing ibang bayan.
SEC. ANDANAR: Salamat, DA Secretary William Dar. Sa kabila ng pagkalat ng ASF sa ilang parte ng bansa, may mga lalawigan namang nananatiling ASF-free – isa na rito ang Negros Occidental. At kausap naman natin ngayon ang kanilang Gobernador na si Governor Eugenio Jose Ong Lacson. Governor, maayong gabii.
NEGROS OCC GOV. LACSON: Maayong gabi, Sec. [DIALECT] na maayong gabii ka ninyong tanan.
SEC. ANDANAR: Governor, two weeks ago nag-celebrate ang Negros Occidental ng ikalawang anibersaryo mula nang magbuo kayo ng Provincial ASF Task Force. Your task force is doing well dahil nananatili ang Negros Occidental na ASF-free at nakapag-celebrate pa kayo nga with of course lechon. What is Negros Occidental doing right and that hopefully other LGUs may learn from your experience?
NEGROS OCC GOV. LACSON: Well, Sec., suwerte naman na iyong ASF hindi nag-umpisa dito sa Negros Occidental ‘no. So we were, you know, prepared for what was happening doon sa Luzon. And because of that, July of 2019 through an executive order, we created the Provincial ASF Task Force. Basically this task force is really to protect our borders ‘no. We protected the airport, the seaport and our boundary with Negros Oriental. Seaport naman because northern part of Negros Occidental is facing Cebu so of course we also protected that.
But the main protection was to—for ports coming from Luzon ‘no, because at that time it was Luzon that was getting hit. Right now it’s not only Luzon, there is also in Eastern Visayas and some parts of Mindanao. So because of that, because of what was happening in Luzon, we prepared ourselves and we made sure we protected the borders and we did not allow the pork products, live or processed especially coming from Luzon at that time ‘no. So iyon lang, masuwerte lang kami that it did not start here.
But since then and up to now, we continue to apprehend those that are trying to bring in pork. But so far, we’ve been successful and I’m very appreciative of our people, our men on the ground that, you know, up to now are very eager to really protect the province from ASF.
SEC. ANDANAR: Iniulat po ng Philippine News Agency na ang Negros Occidental daw ay may production ng 75,000 heads of hogs a month. Ang ibig sabihin nito ay may surplus kayo ng mga 10,000 or so heads at nagsu-supply na nga kayo sa mga bahagi ng bansa na tinamaan ng ASF. Tell us about the increase in business for hog raisers in Negros Occidental.
NEGROS OCCIDENTAL GOV. LACSON: Here in Negros Occidental, we have roughly 15,000 backyard hog raisers with a combined population of around 370,000 heads. In addition to that, we have 18 commercial hog farms with a combined population of close to 100,000 heads. So this our source right now. And because of the ASF which really hit Luzon, prices went up as far as live weight is concerned. There was a time during the peak, our hog raisers, they were able to sell at 160 pesos per kilo live weight. This was not the case prior to ASF.
Although right now, medyo nag-taper off na iyong presyo because we are now also importing pork from abroad. But still the prices right now is much better than it was before ASF. And this is the one that’s encouraging especially for our backyard hog raisers to, you know, continue to raise pigs because they see how profitable it is right now.
For a while, Sec., nagkaproblema kasi iyong mga consumers ay nagreklamo na masyado nang mataas ang presyo ng baboy sa merkado. Eh sagot naman ng mga backyard raisers, bakit noong mababa iyong presyo tumingin ba kayo sa amin? Hindi naman kayo nagreklamo. So parang ano lang eh, bawi-bawi lang eh. So right now, medyo nag-stabilize naman iyong presyo pero maganda pa rin especially for our backyard hog raisers.
SEC. ANDANAR: Are you looking to increase production, Gov?
NEGROS OCCIDENTAL GOV. LACSON: Definitely! In fact, as you said, we celebrated our second year eh. In that celebration, we committed to our backyard hog raisers that we will continue to supply them with piglets; we will continue to upgrade the quality of their hogs. Yes, for as long as the prices keep like this, I think we can expect a bigger production which, I think, also, Sec., nakatulong din sa amin during the COVID.
Negros Occidental being an agricultural province, ang laking tulong ‘no, not only from the sugar industry, not only from our rice farmers but also from our hog raisers. Naka-contribute din sa ekonomiya ng probinsiya ng Negros Occidental.
SEC. ANDANAR: By the way, Governor, special mention nga pala ang Negros Occidental sa panayam natin kay DA Secretary William Dar.
DA SEC. DAR: Yeah, ang Negros Occidental ay presently green zone. So dapat mapanatili po natin iyan na green zone. Huwag nating pahintulutan na may magbibitbit ng karne na galing sa red zones kasi iyon ang nakikita po namin, iyong transfer from one province na red zone pupunta sa green zone ay dito na kakalat again iyong African Swine Fever virus. So paiigtingin po natin iyong border control para sa ganoon ay hindi makapasok.
Ganoon din iyong mga nagbibiyahe, kausapin po natin na hindi puwedeng magdala ng karneng baboy galing sa red zones. Ganoon po. So Negros will continue their guard against African Swine Fever.
NEGROS OCCIDENTAL GOV. LACSON: We’re very thankful also with the Department of Agriculture, because the national government issued some regulations especially identifying the red zones and the green zones. I think that was very important because, then again, we can identify which areas that we’re not supposed to receive any pork from. So we’re very thankful that the Department of Agriculture was on top of the situation.
Well, you know, from what I read also, baka magkakaroon na tayo ng bakuna para sa mga baboy ‘no. And I do hope that that will come and I also hope that the national government will provide that for free ‘no, the same way that they are providing us now, humans, free vaccines. So we’re looking forward to these vaccines and I do hope that they will protect first areas that are under the green zones just to protect our industry here.
SEC. ANDANAR: Maraming salamat, Governor Bong Lacson ng Negros Occidental.
Ipagpapatuloy natin ang ating usapin tungkol sa bakuna kontra sa mga pandemyang COVID at ASF. Tutok lang dito sa Cabinet Report.
[COMMERCIAL BREAK]
SEC. ANDANAR: Ngayon naman ay talakayin natin ang isang aspeto hinggil sa usaping bakuna kontra-COVD. At makakasama natin para dito si DOST Secretary Fortunato “Boy” Dela Peña. Magandang gabi sa iyo, Sec. Boy.
DOST SEC. DELA PEÑA: Magandang gabi rin, Sec. Martin.
SEC. ANDANAR: Sec., pinasa na nga ng Lower House ang bill nila hinggil sa Virology Institute of the Philippines, at inaabangan natin ang agarang pagsasabatas nito matapos itong i-certify na isa sa mga priority bills ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte nitong nakaraang SONA.
DOST SEC. DELA PEÑA: I would like to mention that we would like to request the Senate to adopt the version already approved at the House but institute a little modification in the name of the institute because the President wants to emphasize the importance of vaccine development. And so we would like to re-title the institute as the Virology and Vaccine Institute of the Philippines.
Now, why do we want to include vaccines? Because there are illnesses or diseases not necessarily caused by virus alone, kaya kailangan din ng bakuna doon. So whatever the origin of the disease, whether it’s virus or not, we still need the vaccines kaya gusto nating idagdag iyong word na vaccine doon sa pangalan.
Now, ano ang next steps natin? Unang-una, banggitin ko lang that even before the adoption of the legislation, naghanda na kami ng mga research projects, na ito iyong magiging research core kapag nagsimula na iyong Virology and Vaccine Institute of the Philippines. So mayroon na kaming walong proyekto ngayon. Mayroong mga proyekto na may kinalaman sa viruses na umaatake sa tao. Mayroong proyekto tungkol sa viruses na umaatake sa hayop. At mayroon din tayong researches na tungkol sa viruses na umaatake sa mga crops natin. At iyan ay binigyan naman ng, actually, funds ng DBM for DOST muna.
So in the meantime, most of these projects are implemented under the wings of our Pharmaceutical Development Center of the Industrial Technology Development Institute. Pero once we have the law passed, then this will form the core of the initial activities of the Virology Institute.
One important step that we have to take is to craft the Implementing Rules and Regulations of the law. As we know, every law needs an IRR and we need to immediately go into that. At the same time, we already have to finalize partnerships with other institutions particularly international institutions with whom we will partner for capacity-building and this will involve invitation to visiting scientist, to recruitment of more balik-scientist and of course even exchange fellowships that we will have.
So maybe I should also mention that an immediate step that we have to undertake after the passing of the legislation is to see to it that the construction of the facility at the New Clark City in Capas, Tarlac will be implemented. At the same time, we will have to shift our human resource development and network alliance building to a high gear once we already have the law passed. And of course we have to recruit also or nominate the private sector representatives to the governing board of the Virology and Vaccine Institute because it has been provided that there will be private sector representatives in the institute.
SEC. ANDANAR: Once na naipasa na nga, ano na po ang magiging next steps?
DOST SEC. DE LA PEÑA: In terms of actual deliverables then we will go immediately into the development of diagnostic tools and techniques for a new and existing viruses; again, I will repeat that the viruses maybe attacking humans, animals or plans and the design and production of the vaccines already based on genetic and structural information plus the cataloguing of the virus strains.
In addition to that, it’s very important that we already make it known to our private sector that in terms of vaccine development, most likely the institute can go up to the clinical trials for animals and maybe the first step or the first phase of clinical trial. Iyong smaller number of participants pa lang. But when we wish this to be tested fully up to phase 2 and phase 3, these we would like to have the private sector take over na as much as possible or there may be a government body or corporation also that can be the manufacturer.
But the institute itself will not be a mass manufacturer of vaccines ano. So this will be the development and production prior to the advance stages of testing. And the aim really is self-reliance, okay, in vaccine development.
Now that aspect will ensure us that when another disease or pandemic comes, we are not at the mercy of other countries waiting in line for vaccines. We hope that we can develop our own, okay, and sabi nga natin magkaroon tayo ng vaccines na gawang Pinoy at gawa sa Pilipinas.
SEC. ANDANAR: Ano ang mga magiging priority deliverables nito, Secretary?
DOST SEC. DE LA PEÑA: First priority will be the existing problems that we have. I do not want to say that the pandemic will not end or COVID-19 will not disappear. But you know, even if we have the so-called herd immunity or it has been put under control, I think the vaccination will still be needed, okay. Para na rin iyang iyong mga bakuna na ginagamit, halimbawa sa flu, na kahit na walang epidemic sa flu ay kailangan pa din nating magpabakuna. So there will still be a demand for that and we would like to have our locally manufactured vaccines.
Initially we will also be able to help siguro in the process of helping companies that would like to mass produce vaccines even if the technology is not ours. Initially just to have the mass production done here. So priority will of course be iyong mga existing virus related diseases na nagbibigay sa atin nang malaking problema. So halimbawa kahit iyang ASF na ‘yan, sa palagay na nating ma-control at mawala na because of what we are giving now, okay, ay mangangailangan pa din ng development dahil siyempre gusto nating maka-develop nang mas mura, okay, at mas effective.
Actually iyong aming tinatawag na medium term plan eh nasa within 5 years ano pero siyempre may mga stages diyan within 5 years. Iyong sinasabi kong puwedeng makipagtulungan tayo for mass production of vaccines whose technology can be adopted from abroad can be done earlier, as early as within a year ‘no. Pero iyong ‘ika mo ay vaccines that we will develop ourselves, let us give ourselves siguro up to 5 years from now.
SEC. ANDANAR: May timeframe po ba tayo dito?
DOST SEC. DE LA PEÑA: The research output or the R&B outputs that we will come with at the Virology Institute: number one, can help us prevent the further spread of pathogens ano. Once we know, okay, the diagnostic tools, it will be easier to fight and detect these viruses early, okay.
Secondly, the research output can be used in partnership with local pharmaceutical companies so that mass production can be quickly done even if we do not have to mass produce it at the institute then we will be ready because there are pharmaceutical companies that are based here that are capable enough to do the mass production.
And so this Virology Institute will be essential for the Philippines to become self-reliant with technologies that are locally made. As we can see, iyong mga nagpu-produce ng sarili nilang vaccines ay ang dali nilang naka-90% ng vaccination ano kasi they have all the vaccines right there. And while they are already talking of the booster, we are still lining up for the basic requirement.
So we hope that with our own capabilities, okay, both in vaccines, in diagnostics and therapeutics, we will be able to have the tools at hand and also avoid paying high prices for these necessities.
SEC. ANDANAR: Ano po ang magiging benepisyo nito sa pangkalawakang vaccine self-reliance initiative natin?
DOST SEC. DE LA PEÑA: Sa ngayon, tayo ay umaasa pa doon sa ating imported na vaccine kasi ang development ng vaccines ay kahit na nga iyong mga very experienced companies, it still takes time, okay. Eh lalo pa siguro kung tayo ay nagsisimula pa lang, so one year is not enough to develop a vaccine ano – some vaccines are developed for so many years. But at least we will—if we can develop the technology then we can work and collaborate with the manufacturers so that the process can be speeded up, okay. So halimbawa iyong mga higher levels or phases of clinical trials, iyong adaptor na ang puwedeng gumawa noon para mapabilis.
SEC. ANDANAR: May mga ginagawa din pong research ang DOST upang malaman ang benepisyo ng ilang lokal na tanim at puno laban sa COVID; kumusta na po ang pagsasaliksik dito?
DOST SEC. DE LA PEÑA: Tatlo itong mababanggit ko at puwede ko ring banggitin iyong iba pa na hindi pa natin inaaral para sa COVID-19 ano.
Iyong sa Virgin Coconut Oil ang isang ating ginawa diyan at ang findings diyan ay talagang may anti-viral activity ang VCO. Kaya lang kumbaga sa ano, hindi pa din kumpleto iyong trials kasi ang ating isinagawa ay para lamang doon sa low viral load ano. Eh ngayon ay kailangang aralin na iyong mataas na viral load. Ang dalawa pa nating ginawang trials ay iyong isa na may kinalaman sa mga mild or suspected cases at iyong isa naman ay iyong para sa severe and moderate cases.
Iyong sa mga suspect, probable and mild cases, ang isang grupo diyan ay natapos na – iyon sa Sta. Rosa Community Hospital. At nakita natin na iyong pagkawala ng symptoms at saka iyong pagkawala mismo ng virus sa katawan ng tao ay mas maaga. So iyong recovery ng tao ay five days on the average kung siya ay nag-VCO doon sa mga mild, suspects and probable [cases]. At mas maaga ring nawala o bumaba iyong level ng viral load ‘no. So we hope that we can get the preliminary data by the second week of September and the final report on October for VCO.
Ngayon, iyong sa Lagundi, kasi natapos na ito at ito ay puro analyses na, we can safely say that Lagundi is helpful in the treatment of mild COVID-19 to help alleviate the overall symptoms of COVID including iyong anosmia, iyong pagkawala ng pang-amoy. It is very safe and no serious adverse events. Pero doon sa pag-test ng pagkawala or iyong pagiging negative sa RT-PCR ay walang nakitang pagkakaiba doon sa binigyan ng VCO at doon sa controlled group.
So kung iyong recovery man ay in terms of alleviation from symptoms ang pag-uusapan, nakabuti iyong Lagundi. Pero kung iyong pag-uusapan ay iyong RT-PCR test, wala daw significant difference. Although, there were some trends observed for faster decline in viral load for those who have taken Lagundi. Mas mabilis ang decline ng viral load pero hindi pa nagni-negative.
Mayroon din tayong mga iba pang possible developments ‘no. Halimbawa, alam naman natin na iyong Tawa-Tawa ang simula niyan ay inaprubahan siya as health supplement for Dengue patients. Mayroon silang permit sa ating FDA to produce and sell iyong mga Tawa-Tawa capsules. Now, mayroong isa pang grupo naman ng mga scientists din na nag-develop ng gamot ‘no – gamot talaga hindi lang health supplement – para sa dengue patients ‘no, at ito ay nag-i-involve, although hindi ko muna iri-reveal, ng tatlong halaman. At ito ay tapos na sa animal trials, sa Phase 1. Ginagawa na ngayon iyong Phase 2 at tayo ay pupunta na sa Phase 3. Ito iyong anti-dengue herbal drug.
Ang isa pang ating tinitingnan ngayon ay mayroong dini-develop sa Central Mindanao University with DOST support, ito naman iyong mga nakukuha sa ating mga fern (pako), sa mga pako. At ito kasi ay napakaraming koleksiyon at iba’t ibang uri ng pako na makikita dito sa lugar ng Central [Mindanao], around this area sa Cotabato. Central Mindanao University nga ang gumagawa. And ang kanilang tinitingnan dito ay immediate possibility ay isang ointment na anti-inflammatory. Hindi ko lang mabanggit kung ano ang mga pangalan ng halamang pinagmulan, pero marami na tayong ready na mga extracts for formulations against diabetes, inflammation, hypertension na nakita na po ano talaga iyong mayroong positive effect diyan sa mga disorders na iyan. So iyan ang ating mga developments naman sa ating natural products.
SEC. ANDANAR: Maraming salamat po, DOST Secretary Boy Dela Peña.
Patuloy po ang Cabinet Report matapos ang ilang paalala. Tutok lang.
[COMMERCIAL BREAK]
SEC. ANDANAR: Welcome back to the Cabinet Report.
Kapag nabanggit ang TESDA, ang agad na naiisip po natin ay ang pagtuturo at pamamahagi ng kaalaman na praktikal na makakatulong sa pagtatrabaho at sa negosyo. Lalo itong ipinaigting sa focus nila ngayon sa mga partnerships and linkages. Upang ibahagi sa atin ang kanilang ginagawa dito, kasama po natin ngayon si TESDA Deputy Director General John Bertiz III. Good evening, DDG John.
TESDA DDG BERTIZ: Magandang gabi po, Secretary Martin at sa lahat po ng nanunood ng inyong programa.
SEC. ANDANAR: Kakaiba po inyong papel sa TESDA, kayo ay nakatutok sa partnerships and linkages. Ano po ang layon ng TESDA dito?
TESDA DDG BERTIZ: Ang Office of the Partnership and Linkages ay responsible sa pakikipag-ugnayan sa mga private companies and enterprises, mga industriya, factory, national government agencies, ganoon din po, Sir, ang mga non-government organization nang sa ganoon ay magiging kaakibat sila ng TESDA para makabuo ng mga programa at mga training para sa ating mga kababayan na hindi lamang po pagsasanay or pagkakaroon ng kaalaman, ganoon na rin po ng kakayahan hanggang kabuhayan.
So we are giving them not only training but also access to job opportunities and livelihood. At dahil nga po ang TESDA ay bahagi ng isa sa mga direktiba ng ating Presidente, ang National Employment Recovery Strategy Task Force or NERS, na magriresolba sa suliranin ng unemployment sa bansa dahil po sa COVID-19 pandemic.
Napakahalaga po, Secretary Martin, ang papel na ginagampanan po ng partnership and linkages ng TESDA dahil napakarami po sa ating mga kababayan ang nawalan ng trabaho kabilang na rin po dito ang mahigit sa 600,000 repatriated and displaced OFW.
Ang partnership and linkages bitbit ang aming mantra ng kaalaman, kakayahan at kabuhayan… ganoon na rin po ang TESDA Abot ang Lahat.
Ang aming opisina ay patuloy na nakikipag-partner at naghahanap po ng mga oportunidad sa public at private sector para makalikha ng mga oportunidad at makatulong sa pagbangon ng ating ekonomiya at ating mga kapwa Pilipino.
SEC. ANDANAR: Pag-usapan muna natin ang mga partnerships and linkages ninyo sa pribadong sektor. Tell us about these.
TESDA DDG BERTIZ: Alam ninyo po noong nagsimula ang pandemya or bago pa naman magpandemya ay napakalaki po ang naging role ng private sector sa pag-create ng job at livelihood opportunities na labis po na nakatulong sa ating mga kababayan – dito po pumasok ang TESDA sa pamamagitan po ng partnership and linkages. Kaya naman po mas lalo pa nating pinagtibay ang mga opportunities, mga job creations, livelihood opportunities na labis pong nakakatulong sa ating mga kababayan.
Isa rin po dito mas lalo po nating napatibay din ang mga partnerships sa kanila through our office sa pag-introduce sa kanila ng ating mga programa katulad po ng Enterprise-Based Training Program – ito po ‘yung mga area-based demand driven program. So mayroon po tayong apprenticeship program, nandiyan din po iyong learnership program natin, dual training system program, supervised industry learning at iyong isa po, dahil po sa food security na programa ng ating gobyerno, nandiyan din po iyong programs on accelerating farm school and establishment.
Napakalaki pong tulong dahil lalung-lalo na po iyong enterprise-based natin or iyong apprenticeship natin at dual training system, nakakatulong din doon sa mga out-of-school youth, iyong mga walang trabaho ages from 16 and above na habang sila ay nagti-training ay sumasahod po sila ng 75% ng minimum wage salary under the DBS Law at ganoon din po, nakakatanggap din po sila ng allowances sa TESDA.
So ang programa po niyan ay 3 months to 6 months at kapag dito po—dahil ang isa sa malaking tulong nga pala, Mr. Secretary, ng programa na ito ay mayroon po tayong mga incentive na binibigay sa mga kumpanya.
So biruin ninyo po nasi-select na nila at nati-train na nila ng kultura at saka kung ano po iyong talagang proseso ng kanilang kumpanya habang iyong ating mga trainees ay natututo sa kanila; and they have all the opportunity to frame up iyong best of the best para magtrabaho po sa kanilang kumpanya.
At as of June 30, 2021 ay magmula po noong nagsimula ang pandemya, mayroon na po tayong 351 EBT implementers nationwide, ito po iyong mga partner companies natin na nag-a-avail ng partnership na ‘to.
Simula naman po nang tayo ay nalagay sa TESDA under the partnership and linkages noong June 2020 ay nakapagbukas tayo nang nasa mahigit na 65 partnership deals – 23 po dito, Mr. Secretary, ay we are so honored to give this good news dahil nga po ito ay napirmahan na at mayroon pa po tayong mga lima hanggang anim na malapit na pong maikasa at mapirmahan sa mga susunod na araw.
So 23 MOAs na po iyan na napirmahan—ay nasa labingtatlo po ay nagmula sa pribadong sektor at kinabibilangan ng mga sumusunod: Siyempre nandiyan iyong SM Foundation, Incorporated; Pilipinas Shell Foundation, hindi lang po sa petrolyo kundi pati na rin po sa kanilang agricultural and food programs; Nestle Philippines, napakaganda po nito lalung-lalo na po iyong mga kababayan natin sa Mindanao na mga farmers kasi nga sinusulong po natin ang coffee industry so we are giving them training at ganoon na rin po sa mga pagtatanim din po ng mga kape at mismong mga partners na rin po n atin ang bumibili ng coffee na ‘yan.
Kaya nga po nagpapasalamat din po kami sa inyo of course, Mr. Secretary, sa suporta ninyo po dahil po ‘yung isa sa mga binuksan po natin iyong Balik Probinsya, Bagong Pag-asa program natin na kayo po ay nandoon mismo at si Senator Bong Go sa Mindanao po.
At of course ang isa po sa mga pinakamagandang binuksan nating partnership just recently po is iyong Daikin Industry Corporation. At dahil ngayon po ang demand sa ating mga AC technicians hindi lamang po sa mga matataas na building ngayon although despite of pandemic pero nandiyan din po iyong mga—siyempre kailangan din ng aircon sa sasakyan, sa mga building, sa mga tren natin so TESDA partnered with Daikin Industry and it was witnessed and signed also by the Ambassador of Japan himself. At nag-donate din po sila ng isang laboratoryo para matulungan po natin ang ilang libo na mabigyan po ng pagsasanay pagdating naman po sa air conditioning system.
At hindi lamang po, of course iyong Coca-Cola Philippines din po Foundations, nandiyan din po iyong mga San Miguel Aerocity at lalung-lalo na po iyong ating CILA, iyong Clark Investors Locator Association na 265 companies po iyan na we are already working out the partnership with them – from tourism to logistic to medical to aviation at ganoon na rin po iyong mga IT-BPOs natin na ilang libo or ilang daang libo po ang matutulungan na mabigyan ng trabaho.
SEC. ANDANAR: Maging sa mga government agencies din ay may mga programang pagkakasundo po. Ano naman po ang layon ng mga ito?
TESDA DDG BERTIZ: Napakaimportante rin po ang ginagampanan ng mga national government agency natin, Mr. Secretary Martin. Out of 23 MOAs po signed simula po nang nagsimula itong pandemya na ito, sampu po dito ay sa pagitan ng national government agency. At katulad sa partnership with the private sector, our partnership with national government agencies aim to help our fellow kababayan to reskill and upskill at magkaroon din po ng mga oportunidad at magkaroon nang sarili nilang kabuhayan, job opportunity at negosyo.
Ilan po sa ating mga partners sa national government agencies sa pagitan po ng TESDA, of course nandiyan po iyong Cooperative Development Authority na napakalaking tulong po dahil binibigyan natin ng mga pagsasanay ang ating mga magsasaka at ganoon na rin po, napapahiram po sila ng puhunan.
Of course the Presidential Commission for the Urban Poor lalung-lalo na po, Mr. Secretary, dito sa NCR – iyong mga niri-relocate po natin na mga informal settlers natin, iyong mga Balik Probinsya beneficiary natin, iyong mga LSI natin, Locally Stranded Individuals ay pagdating po nila doon sa kanilang mga pinupuntahan or probinsya, nandiyan na po nag-aabang na si TESDA na para mabigyan po sila ng kaalaman at kakayahan at pagsasanay na mapapakinabangan po sa mga regions at partners natin with the local government unit.
At siyempre ang—ito po, noong time po ng SONA po mismo, Mr. Secretary, ay we signed with the National Dairy Authority para naman po mapalakas ang ating agrikultura pagdating po sa dairy industry nang sa ganoon po hindi na po tayo fully dependent sa pag-iimporta ng ating mga dairy products. At malaking tulong din po ito dahil ang DA ay nagbibigay po sila ng mga milking animals tulad po ng goat, carabaos and Tamaraws na marami pong nabibiyayaan.
And we, actually TESDA is the one who’s actually introducing them more than technology and training and skills development. And of course iyong mga local government unit po natin, iyong magmula sa mga mayors, congressmen na dinadaanan po ng mga Build, Build, Build Program natin ay—dati po kasi kung matatandaan ninyo ay minsan sinasabi nila kaya daw bumagal ang ating Build, Build, Build dahil wala tayong skills program or mga skilled workers. Ngayon hindi na po, sa dami po, ilang daan libo ang mga nawalan ng trabaho at nakauwi rito sa Pilipinas, most of them are skilled worker that they have gained the experience all throughout the years na nasa ibang bansa sila. Sila po iyong hinarness [harness] natin dahil may mga bago silang kaalaman, skills training na puwede po nilang i-impart.
We are encouraging them to be part of our trainors training program na libre pong nakukuha ‘to. Iyong iba nga po nating mga OFW ay sila na po mismo ang mga nagdadala ng mga bagong training courses and tinatawag nating mga modules or training regulations na pag-aralan at na-develop nila noong nasa ibang bansa sila. So pati nga po iyong mga welders natin, construction workers, lahat po ‘yan in partnership of course with our Build, Build, Build program. Kabalikat po ito ng Jobs, Jobs, Jobs naman po.
Philippine National Police of course and our Armed Forces of the Philippines nandiyan din po iyan para naman po doon sa mga programa natin na mga—iyong recovery, employment recovery natin sa mga far-flung barangays, sila na po iyong tini-train natin para magkaroon po—nang maramdaman ng ating mga kababayan lalung-lalo na po iyong mga dating rebelde na bumabalik sa ating gobyerno na ang ating pamahalaan sa pamamagitan po ng ating Armed Forces at Philippine National Police na hindi lamang po armas ang kasagutan at solusyon dito sa ating—mawakasan ito pong mga problema pagdating po natin sa mga armed conflicts. So ito po ay binibigay natin, imbes na armas, binibigyan po natin sila ng mga farm tools at tini-train natin sila through organic farming. At malaki na rin po ang naitutulong sa kanila at kinikita nila lalung-lalo na po diyan sa ating mga far-flung barangays and provinces po.
SEC. ANDANAR: May mga programa po kayong masasabi nating bunga ng pandemya, ang face mask production at ang contact tracing program. Kumusta po ang enrolment sa mga ito?
TESDA DDG BERTIZ: Ito po, Mr. Secretary, napakaganda ring programa, iyong pagputok pa lamang po ng pandemya noong isang taon, ang TESDA po ay isa na sa mga nangunguna na gumawa po ng face mask under our dual training system po. So ito iyong para hong habang nagti-training sila, work for training program natin, iyong mga face mask nila ay binigay po natin. Tayo nga po iyong unang mga namigay ng mga face masks at PPEs sa mga frontliners natin. At tuluy-tuloy din po ito dahil din po sa programa ng ating mahal na Presidente na face mask for all, marami rin pong nakinabang na ating mga kababayan. Ito naman po ay naglalayong mabigyan ng mga hanapbuhay ang ating mga kababayan lalung-lalo na po diyan sa mga nasa laylayan ng ating lipunan lalung-lalo, of course, iyong mga ibang OFWs na mayroon po silang pagkakakitaan sa panahon ng pandemya.
At naglunsad din po tayo ng isang step by step guide sa paggawa ng reusable facemask na maaaring sundin at gayahin ng ating mga kababayan po.
At ngayon po, dahil po under the STEP scholarship program natin, iyong Special Training for Employment Program, iyong mga guma-graduate po natin, Mr. Secretary, na mga dressmaking/mananahi po, binibigyan po iyan ng panimulang gamit tulad po ng sewing machine. So sa bahay nila, iyong natutunan nila, gumagawa sila ng facemask at naibibenta naman nila at nakakatulong din po.
And of course, napakaimportante po ngayon iyong Contact Tracing Level II ng TESDA facemask sa mga kursong prinupose (propose) at na-implement po ng TESDA. Iyon pong contact tracing natin, iyong COVID contact tracing program natin, isang programang naglalayon na maging kontribusyon ng TESDA sa tinatawag po nating whole of government approach. Sa paglaban sa pandemya, amin pong hinihikayat ang lahat po ng mga local government units and executives natin and provincial offices na i-employ nila at i-hire ang aming mga very qualified na contact tracers.
Nagkaroon po tayo ng pakikipag-ugnayan and several meetings with our Contact Tracing Czar na si Mayor Magalong po at siya po mismo ang nag-endorse. Since the TESDA is the training arms of the government, ito po ay napapakinabangan po ng ating mga local government units and private companies iyong mga grumadweyt po or nakatapos po ng training pagdating po sa contact tracing.
And dagdag ko lamang po, Mr. Secretary Martin, as of July 23, 2021 ay nasa 557 ang enrollees ng ating contact tracing program na nasa 474 na grumadweyt po, na ay sa kabuuan ay mga 5,000 mahigit na po ang ating contact tracing program graduates sa buong Pilipinas na napapakinabangan po ng ating mga LGU kung saan nasa 1,500 plus ang na-hire ng mga LGUs and various sectors.
Pagdating naman po sa mga facemask production, nakapag-produce ang … nakapag-distribute po ang TESDA nang nasa higit 43,000 or more facemasks para sa ating mga uniformed personnel at healthcare professional.
Sec. Martin, bukod po sa paggawa ng facemask at contact tracing program natin, marami pa po tayong puwedeng mapakinabangan dahil ang TESDA online program ay isa po ito sa mga programa ng ating Secretary Lapeña ay mayroon po tayong mahigit isandaang courses na puwede pong i-avail lalo na ngayong ECQ, ultimo iyong paggawa ng tinapay, pastry making at iba pa po. Para po sa mga detalye ay puwede po kayong mag-log on sa www.e-tesda.gov.ph. Hindi lamang po ang ating mga kababayan dito sa Pilipinas, ganoon na rin po ang ating mga OFWs sa ibang bansa para po kayo ay magkaroon ng dagdag kaalaman, kakayahan hanggang kabuhayan, dahil ang TESDA ay abot ang lahat.
SEC. ANDANAR: Maraming salamat, TESDA Deputy Director General John Bertiz III.
Ipagpapatuloy natin ang Cabinet Report matapos ang ilang paalala.
[COMMERCIAL BREAK]
SEC. ANDANAR: Pilipinas, dalawang pandemya ang hinaharap natin. Una ay ang COVID na posibleng kumalat sa ating mga tao; at pangalawa ay ang ASF na ang tinatamaan ay mga hayop at ang apektado ay ang hog industry natin. Laban sa dalawang virus na ito, bukod sa pag-iingat upang hindi mahawaan, ang solusyon ay nasa bakuna.
Kaya masaya po tayo ay agad inaksiyunan ng Kongreso ang planong Virology and Vaccination Institute of the Philippines. Sana nga ay agaran nang maisabatas ito upang masimulan na rin ang kanilang trabaho.
Ang aking habilin lang matapos ang mga panayam natin kanina ay patuloy po tayong maniwala sa kakayahan at galing ng Pilipino. Kampante si DOST Secretary Boy Dela Peña na kaya ng mga siyentipikong Pinoy na matuklasan ang mga solusyon para sa mga karamdamang ito, at ako ay naniniwala sa kaniya.
Magaling tayo, magaling ang Pilipino, kailangan lang na mabigyan ng pansin, masuportahan, ma-enable at ma-empower. Hindi ba iyan na rin ang nakikita natin sa Olympics? Kaya ng team Pilipinas. Kaya sana marami sa mga kabataan ang ma-inspire sa kuwento ng ating mga Olympians at ma-inspire sa mga ginagawa ng siyentipikong Pinoy; nakita nating kaya din nila. Sana lahat tayo ay magtiwala kaya din natin to excel, to make a difference for our country.
Para sa Cabinet Report, ito po ang inyong Communications Secretary Martin Andanar. Mabuhay ang Pilipinas! Mabuhay ang Pilipino!
##
—
News and Information Bureau-Data Processing Center