SEC. ANDANAR: Pilipinas kapag napag-uusapan ang agrarian reform, madalas ang focus ay sa pamamahagi lamang ng lupa. Kaya lang napakarami ng aspeto ng paksang ito – nandiyan ang aspetong may kinalaman sa kapayapaan, sa social justice, sa pag-unlad ng ating kabukiran at sa pagkamit ng food security para sa buong kapuluan pati na rin sa paghikayat sa mas marami pang mga kabataang bumalik sa pagsasaka.
Kaya ngayong gabi, lalawakan pa natin ang ating kaalaman sa tunay at malawakang reporma sa lupa. Makakausap natin mula sa Department of Agrarian Reform ang kanilang Kalihim, Secretary John Castriciones.
Ang DAR at ang tunay na malawakang reporma sa lupa ang paksa natin ngayong gabi.
Ito po ang inyong Communications Secretary Martin Andanar; welcome to the Cabinet Report.
***
SEC. ANDANAR: This is The Cabinet Report! Sa nakaraang episode natin tungkol sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict at ang whole-of-nation approach nito ay nakuwento ni National Security Adviser at NTF-ELCAC Vice Chair Jun Esperon ang mga nakikita ng bunga ng kanilang programa sa Samar. Ang mga tulong na naihatid ng mga iba’t ibang sangay ng pamahalaan na nagkaisa upang magbigay ng kaunlaran sa mga barangay na dating mga pugad ng kaguluhang dala ng communist terrorist group ay nakatulong sa pagbabalik ng tiwala ng mga kababayan natin doon sa pamahalaan. Dahil na rin sa unti-unting pagganda ng buhay doon, napadadali ang hangarin ng pamahalaan na mawakasan na ang banta ng insurhensya.
[VTR OF SEC. ESPERON AIRED AUG. 20, 2021]
Iyon po si National Security Adviser at NTF-ELCAC Vice Chair Jun Esperon. Kinausap din natin si Eastern Samar Governor Ben Evardone upang kunin ang kaniyang pananaw sa mga ginagawa ng NTF-ELCAC sa kaniyang lalawigan at pinatotohanan niya ang obserbasyon na nagbalik-loob na nga sa pamahalaan ang mga dating kalaban o ‘di kaya ay pumapanig sa kanila.
EASTERN SAMAR GOV. EVARDONE: Totoo iyon, talagang iyong mga iba may mga kapitan diyan, may mga kagawad… Alam ko dati na ganoon eh, pero noong na-reach out na sila through this ELCAC, kaya nga ako talagang purely politics ‘tong…grandstanding ‘tong ginagawa ng mga Makabayan Bloc at saka ilang senador eh to block the ELCAC fund. They don’t know eh what they are talking about. They don’t know what is the situation on the ground.
Itong ELCAC hindi naman pumupunta iyan sa opisina ni gobernador eh, hindi ‘yan pumupunta sa ELCAC funds, sa opisina ni General Esperon, sa MSC – hindi. Itong ELCAC fund eh diretsong pupunta na pondo sa mga barangay at sila ang mag-i-implement ng project na priority identified nila. Ano ‘yan? Water system, kalsada, health center, livelihood, transportation… kung anu-ano na makakaunlad sa kanilang bayan kasi nga ang pinangangalandakan ng kabila ‘no, iyong armas ng mga rebelde is that, “Kayo, pinababayaan naman kayo eh. Ano, may nakakarating ba sa inyo dito na serbisyo publiko? Wala. Tingnan ninyo iyong situation ninyo.” Kaya iyon ang kina-capitalize nila.
Ngayon binabaligtad natin ‘yan – ito kami – nandiyan iyong TESDA nagti-training ng mga nanay. In fact mayroong ilang barangay na na-train ng TESDA, bibigyan ko sila ng puhunan, sila iyong gumagawa nga mga face masks at iyong probinsya ang bumibili sa kanila, pinamamahagi namin sa mga frontline workers namin. So isang halimbawa lang ‘yan ‘no; so nandiyan pa iyong iba’t ibang ahensiya ng gobyerno.
So itong ELCAC na ito talagang kaya kong depensahan ‘to, oo sa Plaza Miranda talaga. Kung iimbitahin lang kami sa Senate magsalita tungkol sa ELCAC, I will gladly attend that hearing and tell our senators that you are mistakenly wrong in your notion that this ELCAC will be used by political purposes, will be used for corruption purposes. Hindi ninyo nalalaman at hindi ninyo nararamdaman you know. Hindi ninyo nararamdaman iyong kalagayan noong taumbayan doon.
SEC. ANDANAR: Ang magandang halimbawa nga daw ng pagbabalik-loob at tiwala ay ang isang enkuwentrong naganap sa mga bundok doon. Muli, ito si National Security Adviser at NTF-ELCAC Vice Chair Jun Esperon:
[VTR OF SEC. ESPERON AIRED AUG. 20, 2021]
SEC. ANDANAR: At iyan ang kanilang pananaw hinggil sa mahalagang gawain ng NTF-ELCAC, ang pananaw mula sa pamunuan nito at marahil mas mahalaga ang pananaw ng taga-doon mismo na magpapatunay sa mga kontribyusyon at kahalagahan ng NTF-ELCAC sa mga tao on the ground. Iba po ang buhay nila doon at iba din ang impact sa kanila ng whole-of-nation approach ng pamahalaan.
Kaya sana sa ating pag-appreciate sa NTF-ELCAC, lawakan din natin ang ating pananaw to take into consideration ang nadadala nitong kaunlaran sa ating mga kababayang matagal nang napag-iwanan.
Muli maraming salamat National Security Adviser at NTF-ELCAC Vice Chair Jun Esperon at Eastern Samar Governor Ben Evardone.
Sa ating pagbabalik, ang DAR at ang tunay na malawakang reporma sa lupa.
Keep ito here, this is The Cabinet Report.
***
SEC. ANDANAR: Welcome back to The Cabinet Report at kasama natin ngayon on the ground diyan sa Cagayan De Oro dahil patuloy pa rin ang trabaho at serbisyo ng pamahalaan kahit sa gitna ng pandemya. Mula sa Department of Agrarian Reform, ang kanilang Kalihim, si Secretary John Castriciones known to many as ‘Brother John’ kaya iyon na rin ang itatawag natin sa kaniya. Good evening, Brother John.
DAR SEC. CASTRICIONES: Magandang gabi po Secretary Martin at sa libu-libo ninyong mga tagapakinig sa inyong palatuntunan.
SEC. ANDANAR: We usually ask first time guest secretaries to the program to introduce their departments. Mas kilala po ang inyong kagawaran sa pamamahagi ng lupa. Pero mag-zoom out po tayo. Ano po muna ang mandato ng Department of Agrarian Reform?
DAR SEC. CASTRICIONES: Mayroon pong tatlong mandato ang atin pong departamento. Unang-una po iyon pong land acquisition and distribution; iyong agrarian justice delivery; at saka po iyong support services. Alam ninyo po ito po ang tinututukan natin, iyong tinatawag natin na social justice dahil alam naman po natin na karamihan ng ating mga magsasaka ay wala silang sariling lupa. Kaya nga po ang hinahangad natin para magkaroon ng stability at magkaroon po ng kapayapaan at progreso sa mga kanayunan natin ay dapat mabigyan ang ating mga magsasaka ng kanilang sariling lupa nang hindi hihigit sa tatlong ektarya.
Ngayon ang nangyayari po dito ngayon sa ating departamento ay alam naman natin na hindi naman po sapat na bigyan lang sila ng kanilang sariling lupa kung hindi kailangan din po natin na sila ay bigyan ng ayuda para po talagang mapaunlad nila ang kanilang sariling mga sakahan. Dahil alam natin sa tinagal-tagal na panahon na sila ay mga tenants, hindi nila alam kung paano i-manage o supervise ang kanilang mga lupain at dahilan dito ay kung minsan bumabalik iyong mga lupang ibinigay sa kanila sa mga land owners at hindi nagiging makabuluhan ang ating comprehensive agrarian reform program.
At iyan nga ang ginagawa namin dito, ang gusto natin ang mga magsasaka ay mapataas ang antas ng kanilang pamumuhay. At alam din natin na kapag pinag-uusapan natin ang lupa, kalimitan mayroong mga tinatawag natin na alitan – ito nga iyong agrarian justice – at ito po ang tungkulin natin na mapanatili ang kaayusan sa pamamagitan po nang paglulutas ng mga usaping legal sa atin pong mga magsasaka. Iyan po ang mandato ng Department of Agrarian Reform.
SEC. ANDANAR: Brother John, pag-usapan natin ngayon ang malaki at mas kilalang bahagi ng inyong gawain sa DAR – ang pamamahagi ng lupa. Simula nang manungkulan ang administrasyong Duterte, ilan na bang ektaryang lupa ang naipamahagi na ng DAR?
DAR SEC. CASTRICIONES: Sec. Martin, para talagang maunawaan natin ano ang sistema na nangyayari dito sa Department of Agrarian Reform. Unang-una gusto ko pong sabihin na ang Notice of Coverage ay nagwakas na way back 2014 – ang ibig sabihin, kapag ang isang lupa na more than 5 hectares ay hindi nabigyan ng Notice of Coverage, hindi na ito puwedeng i-cover o hindi na ito puwedeng sakupin ng Department of Agrarian Reform. Kaya ang natitira na lamang ayon sa aming mga datos ay mayroon na lang natitirang mga more or less mga 500,000 plus na lupa, na ektarya ng lupa na puwede pang i-cover under the Department of Agrarian Reform CARP program.
Ngayon sa panahon ng ating Pangulong Duterte ay kapag pinagsuma-total natin ang lahat ng mga lupang nai-distribute kasama na dito iyong tinatawag natin na new lands, iyong mga bagong lupa na nasakop at hinati-hati at naipamigay, iyon pong re-documented lands na kung saan ito po iyong mga collective CLOAs na noong nakaraang mga administrasyon ay naibigay sa daan-daang mga magsasaka pero iisa lamang ang titulo – ito by the way, ito ay idi-discuss ko rin po mamaya dahil napakarami po ang complications nito ano – repercussions and problems that were created by this collective CLOAs. At pagkatapos iyong mga tinurn-over (turned over) ng Landbank, siguro mahigit na sa more or less mga 516,000 hectares ang nai-distribute natin sa pamamagitan po ng atin pong aktibong pakikipag-ugnayan sa ating mga magsasaka sa panahon ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
SEC. ANDANAR: Balikan po natin, Brother John, itong usapin ng collective CLOA o collective Certificate of Land Ownership Award. Bakit po ba ito masalimuot na usapin?
DAR SEC. CASTRICIONES: Alam mo, Sec. Martin, noong mga nakaraang administrasyon, hindi naman sa sinisisi natin sila pero para mapadali ang kanilang accomplishment sila po ay namimigay ng titulo ng lupa na kung saan daan-daang mga magsasaka ang nagmamay-ari sa isang collective CLOA – isang titulo lamang ito. At dahilan po dito ay nagkakaroon po ng pag-aaway-away ang mga magsasaka sapagkat hindi nila alam kung anong bahagi ng lupa ang sa kanila.
Pangalawa, hindi po nila mabayaran iyong kanilang tinatawag natin na mga amortisasyon sa Land Bank. At pangatlo, dahilan dito, hindi po nila magamit iyong kanilang mga lupa para makakuha ng mga financial loans sa mga financing institutions.
At pang-apat, wala po sila babayarang real property tax because they don’t know which portion of the land is theirs.
And so instead na nagkaroon po ng magandang resulta ang pamimigay po ng mga titulo ng lupa sa ating mga magsasaka, bagkus ay nagkaroon po ng pag-aaway-away at sila po ay hindi nagkaroon ng kasunduan kaya napilitan po ang ating administrasyon na magkaroon ng isang programa na tinatawag natin na ‘Project SPLIT’ na kung saan ito ay Support to Parcelization of Lands for Individual Title na kung saan tayo po ay humiram ng pera sa World Bank na nagkakahalaga ng 19 billion pesos at pagkatapos ay nagkaroon po tayo ng government counterpart na another five billion, all in all, 24 billion pesos para matugunan lamang itong problemang ito; mahati-hati na itong mga collective CLOAs at maipamigay na sa atin pong mga magsasaka.
SEC. ANDANAR: Uunahan ko na po ang mga tanong ha: Bakit natin kailangan ng ganoong kalaking halaga para maayos itong mga collective CLOA or collective Certificate of Land Ownership Award na ito?
DAR SEC. CASTRICIONES: Alam mo po, Sec. Martin, kapag sinakop po natin ang isang lupa, marami pong prosesong pinagdadaanan ang atin pong pagkuha ng lupa at pag-convert ito sa isang Certificate of Land Ownership Award o iyong tinatawag natin na titulo na napapaloob sa Torrens System, Torrens title system.
Ngayon, ganito po iyan, unang-una, kailangan po nating malaman iyong exact area noon pong lupain na iyon kaya kailangan po nating mag-conduct ng isang survey. At siyempre ang pagsu-survey naman ay hindi naman ito parang isang square meters lang iyong sinu-survey natin.
Alam ninyo po ba na iyong collective CLOA na sinu-survey po natin ay nagkakaroon ng area na around 1.3 million hectares – iyan po ang atin pong susukatin.
Pangalawa, kailangan natin po ng mga materyales dito na makabago para mapabilis po iyong pagsusukat. Kasi kung gagamitin lang po natin iyong mga tradisyunal na pagsusukat, aba’y baka abutin tayo ng siyam-siyam dito at ilang tao na ang makakalipas ay hindi pa natin natatapos.
Pangatlo, kailangan po natin dito ng mga field validation teams na kung saan pupuntahan po talaga nila iyong lugar kasi gusto nilang masiguro na iyong mga lupang iyon ay ganoon pa rin ang sitwasyon. Kasi alam ninyo naman, sa tinagal-tagal na panahon na – ito’y mga na isyu way back since 1990, iyong mga ganoon katagal – ay siguradong nagkaroon na ng pagbabago ang mga lupain na iyan kaya kailangan natin ng mga field validation teams.
At ganoon din naman ay kailangan natin ng mga operational cost para po iyong atin pong mga manpower na gagamitin para po dito sa pagsusukat, pagsu-survey, pag-a-identify ng mga agrarian reform beneficiaries, pagdadala po sa DENR para po sa approved survey plan, at pagkatapos po ay kailangan din po iyan sa LRA para po sa titling o pagbibigay ng Certificate of Land Ownership Award. Iyan po kailangan po lahat po diyan ng manpower and operational cost kaya umabot po ng ganiyang kalaki.
SEC. ANDANAR: Iilang buwan na lang ang nalalabi sa administrasyong Duterte at sa pamumuno ninyo ng Department of Agrarian Reform. ilan pa bang ektarya ng lupa ang natitira pa na ipapamahagi natin?
DAR SEC. CASTRICIONES: Alam mo, Sec. Martin, medyo napakalaki ng hamon ng land acquisition and distribution sa panahon ng pandemya dahil sa mahigpit na mga health protocols. Alam ninyo, iyong pagsusukat kasi kailangan iyong mga tao mismo ang dapat bababa doon sa mga lugar na kung saan ito ay dapat sinusukat. At alam ninyo naman po kung gaano kahigpit ang ating mga local government units, iyong mga IATF natin – provincial and regional levels – na kung saan ay hindi nila pinapayagan basta-bastang pumasok ang atin pong mga personnel para mag-conduct ng mga operations para po sa departamento.
Pero ganoon pa man, kami po ay nagsusumikap para gampanan po namin itong pamimigay ng mga natitira pa pong lupa para sa ating mga magsasaka.
Kung napansin ninyo po, ako po bilang Kalihim ng Department of Agrarian Reform, ako po ang nagbibigay po ng ehemplo sa atin pong mga empleyado na kahit sa panahon ng pandemya, ako po’y umiikot. At siguro ay nakikita ninyo naman po sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas kung saan-saan po ako nakakarating. Katulad po ngayon na nagkakaroon tayo ng interview, nandidito po ako sa Cagayan de Oro. At bukas lamang, ako naman po ay didiretso sa Marawi para sukatin din po iyong ibang area po ng Lanao del Norte at ganoon din po ang Marawi City para makapagbigay po tayo ng lupa. Ito naman ay under naman sa EO 75 which was signed during the time of Presidente Rodrigo Roa Duterte.
Alam ninyo, ito po ang magandang pangyayari ‘no, Sec. Martin, liban doon sa mga natitirang mga lupa na dapat ipamigay under Comprehensive Agrarian Reform Program, mayroon tayo ngayong programa under EO 75, ito po iyong mga idle government-owned lands na kung saan ang mga lupain na unang-unang naibigay sa mga government agencies and departments na hindi nila nagamit ito sa tagal ng panahon ay puwede nang kunin sa pamamagitan ng EO 75. Susukatin namin ito, hahati-hatiin, ia-identify namin iyong mga potential agrarian reform beneficiaries at pagkatapos ay ipapamigay namin ang mga lupang ito sa kanila nang libre at walang bayad.
At ayon po sa datos namin, mayroon kaming mga around 232,ooo sa imbentaryo natin na ektarya ng lupa na puwedeng ipamigay under EO 75.
SEC. ANDANAR: Saan po located ang mga lupain na ito na sakop ng Executive Order 75 ni Pangulong Duterte?
DAR SEC. CASTRICIONES: Well, unang-una, katulad ng sinabi ko kanina, Sec. Martin, mayroon tayong 4,000 hectares doon sa Marawi dahil ito ay isang military reservation. Ganoon din naman, katatapos lang naming ipamigay iyong Arakan Valley na kung saan mayroon din kaming naipamigay doon na, more or less, 4,000 hectares.
Alam natin iyong mga lupaing ito, ito iyong mga lupain na kung saan medyo nagta-thrive dito iyong insurgency dahil directly proportional kasi iyong legal problems on land areas na kung saan ay gusto ng ating mga magsasaka na maangkin nila iyong mga lupa na dapat maipamigay sa kanila na nasakop na nila.
Ganoon din naman, mayroon kaming mga lupang naipamigay na sa mga state colleges and universities katulad ng Cagayan State University. Malaki-laki po iyong naipamigay na lupa diyan, and these are all under EO 75.
Ganoon din po naman sa Davao, iyong Dinas na tinatawag natin which was formerly owned by TESDA. We have just recently distributed these lands; kagagaling ko lang po sa Davao.
At ganoon din po, mayroon din po tayong lupa sa Pampanga State Agricultural University kung saan around 174 hectares po ang naipamigay po natin sa atin pong mga magsasaka; ito po ay bahagi ng isang state agricultural university.
At ganoon din po ngayon, mayroon pa po kaming sinusukat ngayon dito sa University of the Philippines doon po sa Laguna at ganoon din po dito sa Mindanao. At ako po ay umaasa na sa darating na panahon ay maidi-distribute na namin ito. Kasama rin po dito iyong isang lugar po ngayon na pinag-aaralan namin na kung saan kung ito ay maituloy ay siguradong maipapagpatuloy namin ang pamimigay ng lupa. Ito po ay doon sa bandang Palawan. Ito po ay dating pagmamay-ari ng Department of Agriculture, at naumpisahan na po naming ipamigay ang, more or less, mga more than 100 plus of hectares of land dito po sa mga lugar na ito. At marami pa pong iba, dahil sabi ko nga kanina, Sec. Martin, we still have in our inventory around 232,000 hectares of land to be distributed under the program of EO 75.
SEC. ANDANAR: Patuloy po ang Cabinet Report tungkol sa Department of Agrarian Reform at ang tunay na malawakang reporma sa lupa, tutok lang.
[COMMERCIAL BREAK]
SEC. ANDANAR: Nasa Cabinet Report pa rin kayo at kausap pa rin natin mula sa Department of Agrarian Reform ay ang kanilang Kalihim, Secretary John Castriciones, again, known to many simply as Brother John.
Brother John, napag-usapan natin kanina ang land distribution. Sa katotohanan, ang pamamahagi ng lupa ay parte lamang ng reporma sa lupa; ano pa po ang mga proyekto ng Department of Agrarian Reform hinggil sa pagkamit ng makabuluhang reporma sa pagsasaka?
DAR SEC. CASTRICIONES: Maraming salamat, Sec. Martin, at naitanong mo iyan. Alam mo noon ako ay bagong dating dito sa Department of Agrarian Reform, ayon sa datos namin, mayroong mga around 51,000 na kasong pending dito sa Departamento. At aking napagtanto na this is the real reason why there are a lot of rallies, protest actions, discontentment among our farmers kaya nagkakagulo sila. Kaya ang ginawa ko, nagkaroon ako ng programa na ang tinawag natin ay Zero Backlog.
So from high number of 51,000 pending cases, ngayon, sa panahon na ito, mayroon na lang around 679 cases na pending dito sa Departamento. At iyan siguro ang dahilan kung bakit wala na kayong nakikitang mga sobrang rallies and demonstrations. True enough, mayroon pa rin, dahil hindi naman natin maipi-please ang lahat ng tao. Pero marami na ang nawalang mga farmers sa lansangan dahil natugunan na ang kanilang mga reklamo tungkol po sa mga legal cases sa agrarian issues. Sa katunayan, iyong mga ibang kaso na aming naresolba, ito po ay nagbunga na ng pamimigay ng mga lupa sa mga magsasaka na dati-rati ay nagkakaroon ng problema tungkol sa mga agrarian cases na tumagal, naging pending for more than 20 to 30 years.
Alam mo, Sec. Martin, maaawa ka sa kanila dahil iyong iba sa kanila na binigyan namin ng lupa, siguro mga 90 years old na. Katulad kahapon, ako ay namigay ng lupa dito sa may bandang Surigao del Sur. Nandoon ako sa may Cabadbaran, pumunta rin po ako roon, doon sa may Agusan del Norte. At nakita ko iyong mga magsasaka 93 years old, ngayon pa lang nila natanggap iyong kanilang mga titulo ng lupa. At talagang sa kanilang kasiyahan, medyo naiyak-iyak sila. Pati ako nadamay na rin, halos maluha-luha rin ako dahil nakikita ko sa kanila ang kagalakan sa kanilang mga mukha na nagkaroon na ng kahulugan ang kanilang pagiging magsasaka.
SEC. ANDANAR: May mga programa po kayo na focused sa mga kabataan at sa mga rebel returnees. Tell us about this piece, Brother John.
DAR SEC. CASTRICIONES: Okay. Sec. Martin, alam mo nakapaloob ito sa Comprehensive Agrarian Reform Program under Republic Act 6657 na mayroong mga uri ng mga mamamayan natin na puwede nating bigyan ng lupa. Ngunit ang problema, sa tinagal-tagal ng panahon na ito ay naging batas, hindi ito naipatupad. At ako ay natutuwa sapagkat mayroon tayong isang Pangulo na aktibong tumututok sa kapakanan ng ibang mga mamamayan natin, lalung-lalo na iyong mga tinatawag natin na mga rebel returnees.
Alam mo, dito sa programa natin, at ito ay sinusugan ko sa pamamagitan ng paggawa ng bagong alituntunin under AO #3 Series of 2020 na ang ating mga rebel returnees ay dapat bigyan natin ng kanilang sariling lupa para sila ay maengganyo muli na sumali sa ating lipunan at makisama para sa kapayapaan at kaunlaran ng ating bansa. Kasi alam naman natin na most of the reasons why there are a lot of rebels or insurgents is because of their issues against land problems. And you know, some of their concerns are very valid because they have been deprived of the piece of land which they have been occupying for the longest time. But because of some pressures coming from some people who are well off, people who have the political clout, these lands were taken away from them.
Pero alam ninyo, itong programa natin ngayon, sa pamamagitan po ng administrasyon ng ating Pangulo, nagkaroon po ng kahulugan ang tinatawag nating isyu ng social justice. At ngayon, ang atin pong mga rebel returnees ay nabigyan ng pagkakataon para bumalik uli sa pamamagitan ng pagkakaloob sa kanila ng kanilang sariling lupa.
Ngayon, pagdating naman sa mga agriculture graduates. Alam mo, Sec. Martin, ang ating mga magsasaka, tumatanda na. Ang average age ng magsasaka ngayon ay 57 years old. And whether we like it or not, most of our citizens, they would like their children to finish college, and thereafter, leave agriculture or farming. They would rather be engineers or accountants, lawyers, etc., etc. Ngayon, to give them some sort of an incentive, mayroon po kaming ginawang isang alintuntunin, itong AO #3 series of 2020 na kapag ikaw ay isang Agriculture graduate ay pagkatapos ng iyong graduation ay wala kang sariling lupa, you are landless, now we are giving you a parcel of land not bigger than three hectares. Ito po ay ginagawa natin para muling magising po iyong tinatawag natin na love of the youth for farming.
Napagtanto po natin during the time of the pandemic, Sec. Martin, na agriculture is the last frontier of our survival. Without agriculture, I’m sure there will be a problem of food sufficiency. And that is the reason why kailangan po natin na i-motivate iyong atin pong mga kabataan para po talagang muling magbalik iyong kanilang pagmamahala sa agrikultura. At alam naman po natin na dahilan po dito, sa atin pong programang ito ay dumadami po ang mga kabataan na talagang bumabalik sa agrikultura. Dahil po doon sa mga government-owned lands na naipamigay na po namin katulad po sa Cagayan State University, doon po sa Palawan, sa Busuanga at ganoon din po dito sa may Pampanga State Agricultural University, marami na po kaming nabigyan na mga agriculture graduates. At dahilan po dito, mayroon po silang tungkulin na ibahagi iyong kanilang nalalaman sa mga makabagong pamamaraan ng pagsasaka.
At alam po natin na karamihan ng ating mga magsasaka, tradisyunal po iyong alam nila na pamamaraan ng pagsasaka na kung saan ikaw ay nakasakay kalabaw, magigising nang maagang-maaga at pagkatapos ay ilulublob mo ang iyong paa sa isang putik. Pero ang ating mga makabagong mga magsasaka, itong mga kabataan, gumagamit na po sila ng mga traktora, rice harvesters, mga farm tools and implements, mga tinatawag natin na fertilizers at kung anu-ano pang mga pamamaraan na makabago sa pamamagitan po ng kanilang napag-aralan sa agrikultura.
At sabi ko nga, palagi kong dyinu-joke ngayon iyong ilang ektaryang lupa, puwede mo na ngang bungkalin iyan ng ilang minuto lamang at habang ikaw ay nagbubungkal sa pamamagitan ng traktora, ikaw ay nagpi-Facebook pa at nagku-comment pa sa Facebook. Iyan po ang ating programa.
Of course, idadagdag ko na rin iyon pong mga sundalo po natin who are retirees and who do not have a piece of land of their own after their retirement, they are also entitled to a land area which is now bigger than three hectares of land. Ganoon po ang programa natin under our new Comprehensive Agrarian Reform Program.
SEC. ANDANAR: I agree that we really should be tapping our youth more sa agriculture. At maganda na talagang natututukan in particular ang ating mga kabataang graduate ng mga kursong agrikultura at nabibigyan ng lupang sasakahan. Kumusta na po ang programang ito, Brother John?
DAR SEC. CASTRICIONES: Alam mo, Sec. Martin, ito nga ang nakakatuwa, dahil itong probisyon na ito ng Republic Act 6657 since 1988 pa pero ngayon lang na-implement during the time of President Duterte, and they are under my stewardship. At ako ay natutuwa dahil ang mga balitang dumarating sa akin ay talagang nagkakaroon ng parang samahan itong ating mga young agriculture graduates at talagang pinag-iibayo nila ang pagbubungkal ng lupa; and I am receiving good feedbacks that they are really developing these lands. And I hope that they will be really successful and they would be able to share their talents and their skills and their technical know-how to our old farmers so that there will be true development in agriculture.
SEC. ANDANAR: Naku, Brother John, nakikita ko na na matapos itong panayam na ito ay malamang sasabihan kayong ‘Eh matagal na naman pala iyang programang iyan. Ito na naman kayo sa credit grabbing.’ Ano ang masasabi ninyo tungkol dito?
DAR SEC. CASTRICIONES: Well, sabi ko nga, you cannot please everyone. Pero sa amin ay may sinseridad at may katotohanan ang amin pong hangarin para makatulong po sa ating agrikultura. Kahit ano pa ang sabihin nila na kahit ano pang pang-iintriga ang gawin nila, ang masasabi ko lang ay we are doing it out of our genuine intention of really helping our economy and the citizenry as a whole.
SEC. ANDANAR: Speaking of rebel returnees, kausap natin last week ang NTF-ELCAC at ipinaliwanag nila ang whole of nation approach na nagsisimula sa whole of government approach. Kasama po ang Department of Agrarian Reform sa whole of nation at whole government approach ng NTF-ELCAC. Ano po ang papel ng DAR dito?
DAR SEC. CASTRICIONES: Ang solusyon sa problema ng ating insurgency ay hindi lamang nakukuha iyan sa pamamagitan ng paggamit ng dahas or violence. Ang kailangan po natin dito ay bigyan ng katarungan ang mga pangangailangan ng atin pong mga mamamayan. At we are rather successful here in this regard. Kaya nga po kapag kami po ay namimigay po ng mga titulo ng lupa, kasi mayroon kaming bagong approach ngayon, Sec. Martin, iyong tinatawag natin na DAR to door na kung saan hindi na lamang sila pumupunta sa isang lugar, itong mga magsasaka natin para tanggapin ang titulo ng lupa; ako na po mismo bilang kalihim ang pumupunta sa mga bukirin, sa kanilang mga bahay at inaabot ko po sa kanila personally iyong kanilang mga titulo ng lupa at marami na po akong nabigyan ng ganiyang pamamaraan at kasama ko po dito ang mga miyembro ng mga local government units, ganoon din po ang ating AFP at saka PNP to show to the people particularly our farmers of the concept of the whole government of approach na kami dito ay nagkakaisa para sabihin sa inyo na kayo po ay mahalaga, kayo po ay importante sa amin at mahal kayo ng administrasyon.
We are actually bringing the government to the people and we are very happy because the response coming from our farmers ay talagang kakaiba, masaya po sila at talagang satisfied po sila at talagang makikita po natin sa kanila na nagkakaroon sila ng satisfaction at alam po nila na buhay na buhay ang atin pong pamahalaan sa paglilingkod sa kanila.
SEC. ANDANAR: Nalalapit na po ang pagtapos ng ating mga termino bilang kalihim. Bro. John, ano ang maiiwang pamana ninyo at ng administrasyong Duterte sa bansa sa larangan ng agrarian reform?
DAR SEC. CASTRICIONES: Well, Sec. Martin, as I’ve said, we have a paradigm shift when it comes to agrarian reform program. Hindi na lamang po iyong pamimigay po ng isang kapirasong lupa sa magsasaka ang konsepto ng agrarian reform program, kailangan po ito ay buo, total. Kaya ang ginagawa po natin pagkatapos natin silang bigyan ng kapirasong lupa, kami rin po ay nagbibigay sa kanila ng mga support services.
Kasi, alam naman po natin sa tinagal-tagal ng panahon na sila ay mga tenants, na sila ay nagbubungkal lamang ng lupa, halos lahat ng kanilang pangangailangan ay nakadepende po sa mga land owner – sa kanila hinihingi ang mga pera para sa pag-aaral ng kanilang mga anak, sa mga abono na kailangan nila, sa kanilang mga farm tools and implements at lahat-lahat na.
Kaya’t, kapag ibinigay mo na sa kanila ang kanilang sariling lupa ay hindi nila ngayon alam i-manage o patakbuhin ang kanilang sariling lupa. Kaya, tuloy kung minsan nagiging failure po ang ating agrarian reform program. Kaya ngayon, ang ginagawa po namin pagkatapos po silang bigyan ng sariling lupa, inu-organize po namin sila.
We give them talents, skills, binibigyan po namin sila ng pagtuturo, binibigyan po namin sila ng makinarya, pinapahiram namin po sila ng pera sa pamamagitan po ng mga afford program, mga Agrarian Production Credit Program (APCP) at kung ano pang mga financial loans na puwede nilang hiramin para hindi na po sila hihiram ng 5/6 sa kanilang mga land owners at saka kung kani-kanino pang tao para maging failure po ang agrarian reform program.
Ganoon din po, ay binibigyan din po namin sila ng training, pagtuturo, kung ano-ano pang farm to tools and implements, mga post-harvest facilities at tinututukan po namin na sila dapat ay mapasama sa isang agrarian reform beneficiary organization or kooperatiba. Sapagkat, naniniwala po kami na kapag sila ay nagsasama-sama ay sigurado pong magkakaroon po sila ng mas matinding pamamaraan para mapalakas ang kanilang hanay.
Ganoon din po, ang ginagawa po namin ay tinututukan po namin sila para lahat po ng mga naibigay na ayuda sa kanila ay talagang magamit nila sa wastong pamamaraan. Ganoon din po, hindi na lamang po sila mga ordinaryong mga farmers in the concept na iyong tinatawag na surviving farmers. Ano bang tawag doon, iyong isang kahig isang tuka, iyong survival theory.
Ito na lang ay ginagawa po namin silang entrepreneurs, tinuturuan po namin sila kung paano makakonekta sa merkado para po iyong mga excess nila na mga produkto ay puwede ng dalhin sa merkado. Kaya naman pinag-iibayo po namin iyong mga pamamaraan para lalo po silang mai-link-up sa merkado katulad po ng mga tinatawag nating mga farm to market roads at mayroon din po kaming ‘Tulay ng Pangulo,’ lalung-lalo na sa mga far-flung areas.
At ganoon din po naman, nili-link up po namin sila sa mga institutional buyers katulad ngayon mayroon kaming programa, iyong Enhanced Program Against Hunger and Poverty na kung saan iyon pong mga institution katulad po ng BJMP, iyon pong mga hospital – sila na po ang diretsong bumibili sa mga magsasaka natin kaya wala ng mga middle man at dahilan po dito ay lalo po nilang makukuha iyong tamang presyo ng kanilang mga produkto at nagiging progresibo po ang kanilang pamamaraan ng pagsasaka.
SEC. ANDANAR: Maraming salamat Secretary John Castriciones, ipagpapatuloy natin ang Cabinet Report matapos ang ilang paalala.
***
SEC. ANDANAR: Nasa Cabinet Report pa rin tayo at patuloy nating tinatalakay ang DAR at ang tunay na malawakang reporma sa lupa. Alamin natin ang mga nangyayari sa mga lupang sakahan sa ating kapuluan, let us watch this:
[VIDEO CLIP]
SEC. ANDANAR: Pilipinas, dito sa Cabinet Report, sa Network Briefings News at sa CORDS X PODCAST linalawakan natin ang ating pananaw upang isama natin sa ating national consciousness o pambansang kamalayan ang perspective sa mga rehiyon, lalawigan, lungsod at munisipyo sa labas ng mga urban centers natin.
Dahil sa paniniwalang ang ekonomiya at kinabukasan natin ay hindi lamang doon kung hindi sa kabuuan ng ating kapuluan, kasama na ang ating kanayunan. Ito rin ang isinusulong ng ating Department of Agrarian Reform, hindi lang sila namamahagi ng lupa, tinutulungan nila ang makakatanggap nito na magamit ito tungo sa ikauunlad ng kanilang buhay pati na rin ng kanilang komunidad.
Kaya, patuloy ang ating panawagan: lawakan ang ating pananaw, we have 7,641 island of beauty of our opportunity, we have fields of bounty, mountain tops of growth and waters and richness around us. Kaya, sana makita natin ang pangangailangan ikalat ang development sa buong kapuluan.
There is more to the Philippines than our city centers, let us appreciate our countryside and invest in it for our own future. Para sa Cabinet Report ito po ang inyong Communication Secretary Martin Andanar, mabuhay ang Pilipinas, mabuhay ang Pilipino!
###
—
News and Information Bureau-Data Processing Center