SEC. ANDANAR: Welcome back to the Cabinet Report, kausap po natin ngayon si Department of Health Undersecretary and National Vaccines Operations Chair, Dr. Myrna Cabotaje. Magandang gabi po sa inyo Undersecretary Myrna.
DOH USEC. CABOTAJE: Good evening, Sec. Martin.
SEC. ANDANAR: Limitado pa talaga ang supply ng bakuna, so matanong ko po kayo: Ano po ang vaccine allocation and distribution strategy ng Pilipinas?
DOH USEC. CABOTAJE: Ang istratehiya ng ating pag-allocate ng ating bakuna ay based on two things, iyong tinatawag nating sectoral at geographic prioritization.
Iyong sectoral, nababase iyan kung sino iyong most at risk at sino ang most vulnerable. So naayon ito sa WHO Strategic Advisory Group of Experts on Immunization Framework, the recommendation na unahin natin iyong ating tinatawag na health workers, tapos iyong senior citizens and then we added iyong with comorbidities, tapos iyong economic frontliners sa atin at saka iyong indigent population. Alam naman natin na ang ating mga health workers, sila ang sandigan ng ating healthcare system kaya kailangan protektado sila so that our health system will not collapse. Tapos iyong ating senior citizen, while ngayon sinasabi sa kanila na nasa bahay naman bakit sila ang priority. Kasi kung nagkasakit sila ng COVID, they are ones who get the most serious cases and the ones who die. So that is the first basis.
The second basis is iyong tinatawag nating geographic. So we have certain focus on certain areas, kung saan mas maraming population doon tayo, kung saan may mga kaso doon tayo. So iyon ang ating basehan o kaya iyong may tinatawag nating geographic in terms of disease burden kung saan maraming mga kaso, doon tayo mas maraming binibigay na bakuna.
SEC. ANDANAR: Ngayong gabi ay ibinabahagi natin sa taumbayan ang bilang mga bakunang ipinararating sa mga probinsiya at highly urbanized cities ng ating bansa. Kanina sinimulan natin sa NCR at patuloy nating ihahatid ang mga update na galing sa iba pang mga bahagi ng Luzon, Visayas at Mindanao. At kanina lang ipinaliwanag ninyo ang ating vaccine allocation strategy. Kaya lang nitong Miyerkules ay iminungkahi ng OCTA Research Group na mag-focus sana ang pamahalaan sa NCR. Gusto nila na 90% ng mga bakuna ibuhos doon upang bumaba daw ang total case load ng Pilipinas ng hanggang 50% na lang daw. Ano po ang pananaw ninyo sa mungkahing ito ng OCTA Research Group?
DOH USEC. CABOTAJE: Rini-recalibrate po natin iyong ating plano, kung matatandaan ninyo, noong nag-surge ng cases dito sa NCR even before the OCTA Group recommended the 90%, nagsimula na tayong mag-focus sa NCR. So, with the vaccines that we had on hand, about 70% binigay natin at one time dito sa NCR, pero kasama iyong NCR Plus, kasi kasama sa bubble. And then also, there was a time, iyong ating mga AstraZeneca na first doses di ba, ginawa nating first doses lahat, para it’s going to afford protection.
Ngayon ang ating strategy, iyong focus ni Secretary Galvez na NCR Plus 8. So we are looking at about… more than between 75 to 80% na ibibigay natin dito sa NCR Plus. Yes, we need to focus on the areas with high disease burden without forgetting naman iyong ating mga kababayan sa ibang parte ng bansa, because as we mentioned kailangan mabakunahan pa rin natin iyong A1 and A2. So kailangan mabigyan din sila ng bakuna sa iba’t ibang panig ng ating bansa.
SEC. ANDANAR: Nang magsimula ang Pilipinas sa pagpapabakuna, ang unang mga vaccines natin na ginagamit ay ang Sinovac na sinundan ng AstraZeneca na parehong hindi maselan sa ang handling and delivery. Kaya lang ngayong nagsimula na tayong mamahagi ng Pfizer medyo mas kumplikado na ang proseso.
Tell us, ano po ang biyahe ng mga bakuna mula ng lumapag ang mga ito sa NAIA hanggang sa ang mga ito ay iturok sa mga braso ng mga Pilipino sa buong kapuluan natin.
DOH USEC. CABOTAJE: Sa alam natin dumating iyong ating Pfizer noong May 19. Doon pa lang sa airport, sinundo na siya noong tinatawag nating refrigerated van, tapos dinala sa ating central warehouse. Ang central warehouse natin, iyong may kakontrata tayo, iyong Pharmaserv, iyong third party logistics provides. Tapos from the airport diretso na siya sa warehouse, pagdating sa warehouse inilagay sa tinatawag nating ultra low freezer. Of course before putting it in the ultralow freezer, the usual na ide-disinfect, etcetera.
And then, after mailagay natin sa ultralow freezer then we already allocated to the different NCR areas and a few areas, Metro Cebu, Metro Davao at some of the areas na mayroong ultra low freezer. So after that, the next day doong nag-ramp na sila, iyong inayos na nila iyong shipment, we immediately shipped it to the local government units taking care that nandoon, mayroon silang appropriate storage, iyong tinatawag nating -70 to -80. So, inieskortan iyan, dinadala sa mga LGU warehouses.
Sa Manila diniretso na natin sa LGU warehouse; doon sa Cebu, pagka-pack shinip, we sent it through to flights to Cebu and Davao, so nandoon na sa Cebu and Davao. Pagkatapos noon, from the warehouse of the LGU, trinain sila kung paano maglabas ng dahan-dahan para sa mga babakunahan at dadalhin sa vaccination sites. We need to remove by tray, so may mga orientation, may mga training, tapos hindi dapat mas matagal na nakalabas iyon, tapos iyong shaking ng vial ay pinag-aralan at inayos para hindi tatagal ng lampas sa takdang oras iyong pag-expose ng ating vaccine sa ambient temperature, para safe and effective pa rin pag tinurok sa vaccinee.
Iyong hindi maselan, from the airport may sumusundo pero hindi na kailangan talagang mataas iyong temperature, tapos diretso din sa warehouse ng central office, iyong central warehouse, iyong sa 3PL Pharmaserv pa rin, tapos may specific na portion iyong saan puwedeng i-store iyong plus 2 to plus 8. And then the same, inaayos natin, sini-ship natin sa mga different areas of the country.
Kung puwedeng idiretso sa NCR dine-diretso na ng ating Pharmaserv, iyong ating 3PL sa mga cities of Metro Manila and then they are also now delivering to provinces ng CALABARZON and Bulacan and Pampanga and dahil sa may 3PL na tayo dinadala din niyan as far as possible hanggang sa RHU basta may allocation din sila; so ganoon naka-detalye iyong ating pag-transport, pag-deliver ng vaccines. Siyempre hindi na masyadong maselan kahit aabutin ka ng not the required hours, kasi ang Pfizer for instance will only need0 about 120 hours exposure, kaya titingnan natin na hindi matagal ang transport.
Ito namang sa ibang bakuna, hindi naman sinasabi natin na patatagalin natin. But we can have some leeway na hindi kaagad dini-distribute, pero lahat sila pagdating sa place of deployment, itsi-check – mayroon silang temperature logger kung iyong temperature ay walang incursions na tinatawag, tapos may vaccine arrival report, para makikita kung in good condition ba.
SEC. ANDANAR: Ano nga po pala ang delineation of responsibilities ng national government at ng local government units o LGUs sa pagbabakuna kontra COVID?
DOH USEC. CABOTAJE: Tama ka, Sec. Martin. Maraming moving parts ang pagbabakuna. Nasabi mo na from the arrival to the distribution hanggang iyan ay mapunta sa kamay ng ating mabakunahan. Ang pagbabakuna ay part ng ating buong COVID response, iyong tinatawag nating PDITR (Prevent-Detect-Isolate-Treat-Reintegrate) at ito ay national government enabled, tayo ang nagpaplano, tayo ang nag-aayos na dumating iyong mga bakuna, tapos tinitingnan natin na maayos ang pag-deliver hanggang sa mga warehouses.
But it is LGU led. The ultimate implementer is the local government units – iyong ating mga heroes, iyong ating mga vaccinator – para maiturok ang bakuna sa ating mga vaccinees. So it is important that we work seamlessly and in synchrony, we provide the guidelines, we provide the policies and then some of the resources sa atin iyong bakuna, sa atin iyong mga syringes and needles, even the face mask, iyong ibang kailangan in terms of human resource, binibigay iyan ng local government; iyong management, iyong supervision, may mga resources din na inu-augment sila both human and material resources.
Tapos nagtutulungan po tayo in terms of technical assistance, kagaya ng pagdating ng Pfizer, iyong mga mas maselan na handling, we do refresher training at the national government and then we monitor and supervise. It’s multi-agency, hindi lang national and local – multi-agency, importante nandiyan ang DICT for the reporting, nandiyan po iyong mga DILG for shepherding and looking at how the local governments are working. Of course nandiyan po iyong iba’t ibang ahensiya – sa inyo, di ba iyong mga PCOO, iyong mga coms group to help us address vaccine hesitancy, para sabi nga nila explain, explain and then through advocacy and information. So at different levels, may kaniya-kaniya tayong mga papel. Sometimes we overlapped, but we are supposed to augment and complement each other.
SEC. ANDANAR: Undersecretary, balikan po natin ang hinggil sa allocation ng bakuna. Dahil sa sobrang focused sa NCR, ang ating vaccination drive ay hindi natin maiiwasang kuwestiyunin ito ng ibang lugar na mas kaunti ang nakukuhang bakuna. Ito si Negros Occidental Governor Eugenio Jose Lacson.
NEGROS OCCIDENTAL GOV. LACSON: Kami sa probinsiya, we are hoping to be receiving much more than we are [receiving] right now, our target like iyong Negros Occidental is 1.6 million individuals and if you want to cover that in six months, we need to inoculate 430 individuals per LGU per day. If we can do that, then we can be finished in 6 months. Because even the national government says that let us heal as one and let us heal together. So how can we heal together, when you know the focus is on NCR plus.
So, I think na dapat it should be pro-rated based on the target number of individuals that we have to vaccinate. So I hope that the national government will not just focus especially on NCR. And why blame us if we kept our numbers low? But you asked every Negrense, they also would like to be vaccinated right away, as in now. So, I hope they change that policy and based it on target individuals and pro-rate it based also on the number of vaccines that is in our possession.
SEC. ANDANAR: Ano po ang inyong masasabi, Usec.?
DOH USEC. CABOTAJE: Huwag silang mag-alala, when the volumes come, kapag a big percentage, kunwari, 80%. The 20% is still a big volume and we will have some in reserve para iyong mga tumataas iyong mga kaso ay bigyan natin. Rest assured that while we concentrate on NCR Plus, hindi ho papayag si Presidente na walang bakuna para sa iba’t ibang parte ng ating kapuluan. Sabi nga ni President, di ba, Sir? – No one is safe, until everyone is safe. So, we will abide by that dictum of the President.
SEC. ANDANAR: Maraming salamat, DOH Undersecretary Myrna Cabotaje, ang chair ng ating National Vaccine Operations.
Mga kaibigan, nabanggit kanina ni Usec. Cabotaje ang kahalagahan ng papel ng mga local government units sa ating programang pagbabakuna. Hindi po biro ang hamon ng implementasyon ng pagbabakuna, on the ground. Kailangang maging creative at innovative ka sa mga approach mo lalo na at bagama’t kailangan mong magbabakuna ng napakarami sa lalong madaling panahon, kailangan pa rin mapanatili ang minimum health protocols. Pakinggan po natin ang solusyon na ipinapatupad sa Quezon City sa pamumuno ni Mayor Joy Belmonte.
QC MAYOR BELMONTE: Hi, Secretary Martin. I am very happy to see you again and thank you so much for inviting me to your show.
SEC. ANDANAR: Mayor, you have taken an innovative route to vaccination via partnerships with the private sector including homeowners associations. Please tell us a bit about it, beginning with the big idea and please give us an overview of its implementation?
QC MAYOR BELMONTE: Ang idea po behind this partnership with the Homeowners Association stemmed from fact that here in Quezon City we had to think of ways to make vaccination more accessible to our people. As you know, we are 25% of Metro Manila, 25% din po ng populasyon ng Metro Manila ay nasa Lungsod Quezon at napaka-challenging po para sa atin na ipaabot po sa lahat po ng ating mga mamamayan ang vaccination program.
At sa totoo lang, hindi nga nagmula sa amin ang idea na ito, nagmula sa isang kapitana na maraming mga villages, ito iyon kapitana ng Barangay Ugong Norte at ang kaniyang hawak na mga villages ay ang Corinthian Gardens at ang Green Meadows. At binanggit niya sa akin, “Mayor, natatakot ang mga mamamayan ko, mga citizens ko na pumunta pa sa mga vaccination centers lalo na iyong mga senior citizens, kasi natatakot silang ma-expose. Puwede bang ibaba ang serbisyo sa amin?”
And noong pinag-aralan namin, nakita namin na napakagandang idea nito, because totoo naman na napakarami nating mga mamamayan na natatakot talaga na ma-expose sa mga vaccination centers. At lalung-lalo na kapag napapanood pa nila sa TV na maraming tao at minsan ay walang social distancing. So we did a pilot [vaccination] in these particular communities at naging napakamatagumpay niya.
So, the idea behind it is we forged a partnership at may pinipirmahan po tayong memorandum of agreement with our various homeowners associations, subdivisions, etcetera, wherein ang kasunduan ay ganito – kami sa Lungsod Quezon ibababa namin iyong bakuna sa inyo, iyong mga kagamitan, katulad ng syringes, etcetera, iyong mga supervisors nandiyan din kasi iyong protocols kailangan pare-pareho tayong lahat.
Iyong technology ibababa rin natin sa inyo, pero kayo naman po sa homeowners ang siyang mamamahala sa pag-supply ng mga health workers, katulad ng mga doctor at nurse at pati na iyong mga marshals na magma-man ng inyong lugar para siguraduhing may minimum health standards tayong sinusundan. In fact it’s been very, very successful so far and we have already worked with about 57 homeowners associations. This is a very, very good program and I believed that this is one way in which we can reach Herd immunity faster and better.
SEC. ANDANAR: You have been doing this for a few weeks now. What is your evaluation and feedback from residents been?
QUEZON CITY MAYOR BELMONTE: Ay, napakaganda ng feedback ‘no. Kasi ang ginagawa ko, pinupuntahan ko talaga lahat ng mga homeowners associations natin kapag may rollout sa kani-kanilang lugar because I’m a very hands on mayor and I really want to know what’s going on. At kung mayroon silang mga reklamo o mga suggestions kung paano pa ito mai-improve and every time I go down, labis silang nagpapasalamat.
Alam ninyo ang sinasabi lang naman ito ‘yung protocols, ito ‘yung dapat ninyong gawin, ito ‘yung mga kailangan at sila na lahat ang nag-aayos. At magugulat ka, kasi pagpunta mo sa area mas mahigpit pa sila sa pagpapatupad ng minimum health standards at sa pag-iingat para sa kanilang mga residente ‘no. So I find it very, very successful; it’s been very, very helpful; the people embrace it wholeheartedly at so far wala pa akong nakita ka-partner na HOA na hindi naging masaya sa programang ito.
And so we continue to do this and from one or two a day, we now do about 8 homeowners associations a day and that is our way of ramping up, scaling up the vaccination process and creating a multiplier effect and also answering the problem of manpower resources.
At the moment we operate at least 35 sites now, some are permanent sites ‘no – what we call mega vaccination centers like the Araneta Coliseum which can serve about 2,000 individuals a day. We also have partnerships with our universities like the University of the Philippines, Ateneo De Manila and soon iyong FEU. We have partnerships with our parishes that allow us to use the grounds of our churches ‘no as vaccination sites.
Of course I already mentioned the HOAs and we have partnerships of course with the DepEd through our schools, with our barangays and most importantly now our malls ‘no. So we have over 12 malls working with us on the vaccination effort ‘no. And because of that, we’ve been averaging about 10,000 doses a day.
SEC. ANDANAR: If other LGUs would like to consider adopting this strategy, what are some key learnings you can share with them?
QUEZON CITY MAYOR BELMONTE: Because of the success of the program and the seamless way in which it is implemented, kasi ang ginagawa po natin kapag nag-manifest na po ng interest within that week ay nagru-rollout na po tayo sa kanilang mga communities so long as they comply with all of the requirements and they submit a masterlist to us. And many have even expressed the willingness ‘no to vaccinate the communities around, na-foster na natin iyong sense of ownership dito sa project na ito, iyong sense of community, iyong who of city approach.
And many of the healthworkers sabi nga nila sa akin, “O Mayor, kung tapos na kami dito HOA and you need us to augment your manpower resources in the communities in other vaccination sites, willing na willing kaming mag-volunteer.” And so I believe that to all the LGUs out there thinking about this, huwag na po kayong magdalawang-isip – this is a very effective and I think one of the most innovative ideas that we have thought of and implemented here in Quezon City.
Ang atin pong battle cry dito is everyone is welcome; everyone has to work together, kailangan magtulungan po tayo dahil hindi po natin makakamtan ang herd immunity within 6 months as we targeted kung hindi po nakikipagtulungan ang private at public sector. And this is a classic example of public-private sector cooperation that I think will lead to the success of the vaccination program of our city.
SEC. ANDANAR: Sa ating pagbabalik, makakausap natin si Food and Drug Administration Center for Drug Regulation and Research Director Joyce Cirunay. Tutok lang dito sa Cabinet Report.
[AD]
SEC. ANDANAR: Nandito pa rin kayo sa Cabinet Report at kausap natin ngayon si FDA Center for Drug Regulation and Research Director Joyce Cirunay.
FDA DIRECTOR CIRUNAY: Magandang gabi sa iyo Sec. at sa ating mga tagapakinig o nanunood, to those na nasa online rin. Thank you very much for having us.
SEC. ANDANAR: Director Joyce, naging usapin po kamakailan lang ang expiry ng mga bakuna. Mag-zoom out muna tayo, Director. Pakilinaw po ito: Ano po ang mga lifespan or shelf life ng bawat bakunang ginagamit ngayon sa Pilipinas?
FDA DIRECTOR CIRUNAY: Thank you sa tanong, Sec. Sige, enumerate ko na lang iyong nabigyan na natin ng Emergency Use Authorization:
- So ang una nating nabigyan ay si Pfizer BioNTech, 6 months po ang kaniyang shelf life.
- Ang AstraZeneca, ang kaniya pong shelf life ay 6 months rin.
- Ang sumunod po, ang pangatlong nabigyan natin ng EUA ay iyong Coronavac, iyon ang kaniyang brand name pero mas famous siya sa pangalang Sinovac. Ang kaniyang shelf life po ay 6 sa ngayon.
- Ang sumunod pong nabigyan natin ng EUA ay ang Sputnik V (Gam-COVID-Vac), ang tawag po natin dito ay Sputnik V o minsan binabanggit Gamaleya. Ang kaniyang shelf life po ay 6 months.
- Ang sumunod ay ang Janssen COVID-19 vaccine famously known as Janssen lang. So 3 months po ang kaniyang shelf life sa ngayon. Pero dahil ito ay walang hintong inaaral kaya puwedeng pagdating noong bakuna mas mataas na iyong kaniyang shelf life.
- Ang sumunod po ay ang Whole Virion, Inactivated Corona Virus Vaccine, ang tawag po natin ay Covaxin. Ito po sa ngayon ang shelf life na nabigay sa kaniya ay 1 month pero dahil hindi pa siya ma-deliver sa Pilipinas, continues naman ang kaniyang pag-aaral patungkol doon sa kaniyang shelf life ay puwedeng pag-deliver nito mas mataas na iyong kaniyang shelf life.
- COVID-19 mRNA Vaccine (nucleoside modified) na ang tawag natin ay Moderna, siya po sa ngayon ay mayroong 7 months na shelf life.
SEC. ANDANAR: Salamat po, Director. Now, napabalita po na may mga supply daw na AstraZeneca na ikinababahala ng ilan dahil malapit na daw po itong mag-expire. Ano po ang inyong comment dito?
FDA DIRECTOR CIRUNAY: Thank you very much, Sec. Ang atin pong Departamento ng Kalusugan ay namamahagi ng mga bakuna in its original packaging at ito’y nakaimbak sa required at tama na temperatura at dahil dito, nari-retain iyong safety at potency hanggang siya ay gagamitin. Lahat po ng bakuna, Sec., will retain its safety and efficacy when stored, ito’y nakaimbak sa tamang kondisyon at temperatura hanggang siya ay dadating doon sa kaniyang expiration date na nakalagay doon sa kaniyang label.
SEC. ANDANAR: O sige, Director, para sa gusto talagang manigurado na ang bakunang gagamitin sa kanila ay hindi pa expired. Ano po ang inyong payo?
FDA DIRECTOR CIRUNAY: Tanungin nila iyong magbabakuna sa kanila, iyong nurse: “Puwede bang tumingin doon sa bakuna, kung ano iyong expiration date?” Para lang ma-satisfy iyong kanilang agam-agam kasi nandoon naman, makikita naman nila iyong bakuna eh na pini-prepare ng ating mga competent frontliner personnel; so puwede nilang tanungin ang frontliner personnel, sasagutin naman sila.
At makikita nila eh, ako bakunado na ako, Sinovac, 2 doses completed na dahil may comorbidity ako at tiningnan ko kung paano niya ginawa. You can ask, sumasagot naman siya, tinanong ko siya eh. In-explain niya sa akin. So magtanong lang tayo doon sa ating nagbabakuna para lalo tayong mapaliwanagan.
SEC. ANDANAR: Should Filipinos be worried about the expiration of the vaccines now being made available across the country?
FDA DIRECTOR CIRUNAY: Hindi po, kasi ito naman ay nakaimbak sa tamang temperatura. At ang mga bakuna, kapag nakaimbak sa tamang temperatura, sa tamang storage niya, ito po ay epektibo hanggang sa expiration date niya. Kaya sa ating mga kababayan, huwag kayong matakot. Ang mga bakuna na nakaimbak sa tamang temperatura, sa tamang lagayan ay ito po ay epektibo – safe and effective until the expiration date.
The Department of Health is in charge of the vaccination and will distribute and dispense safe vaccines only. Kaya sa ating mga kababayan, tayo po ay pumunta na sa ating mga vaccination sites at magpabakuna.
SEC. ANDANAR: Maraming salamat, Food and Drug Administration Center for Drug Regulation and Research Director Joyce Cirunay.
When we return, we will speak with DOH Director Beverly Ho about promising news about vaccinations from Brazil and Indonesia. Keep it here, this is the Cabinet Report.
[AD]
SEC. ANDANAR: Nagbabalik ang Cabinet Report at kausap natin ngayon mula sa Department of Health, si Director Beverly Ho. Director Ho, noong Mayo a-dose, ibinalita ng Nikkei News ng Japan ang eksperimentong Projeto S sa lungsod ng Serrana sa Brazil kung saan 95% sa kanilang mga adults ay nabakunahan na kontra COVID as of April 11. Ang ginamit nga pala nila doon ay Sinovac. Bumaba nang two-thirds ang bilang ng kaso noong Abril kung ikukumpara sa noong Marso. Masasabi po ba natin na ang resulta ng eksperimentong ito sa Serrana ay patunay na tama tayo na umasa sa mga bakuna at sa konsepto ng herd immunity?
DOH DIRECTOR HO: Mahalagang malaman natin na iyong mga lumabas po na resulta sa clinical trials noon na sinasabing malaki po ang mabibigay na proteksiyon sa atin at sa ating komunidad kung marami po sa atin ang magpabakuna ay naipakita na in the real world ‘no, sa totoong tao dito at sa isang siyudad po doon sa Brazil.
So kung maalala po natin, iyong konsepto po ng herd immunity ang sinasabi po doon, kung karamihan ‘no or mga 70% ng tao sa isang komunidad ay nabakunahan na, makakapagbigay po siya ng proteksiyon doon sa mga ibang tao sa komunidad na hindi po maaaring bakunahan. Example po dito ang mga bata na hindi pa po eligible mabakunahan ng COVID o ‘di kaya naman iyong mga iba pong mga taong may severe allergy ‘no sa mga bakuna kaya hindi po sila maaaring mabakunahan.
So kailangan po nating matandaan na this is a very good example po na maaari pong maproteksiyunan hindi lang iyong sarili natin o pamilya natin pero iyong buo nating komunidad kung marami sa atin ang magpapabakuna.
SEC. ANDANAR: Noong araw din na iyon ay binalita naman ng Bloomberg ang resulta ng pag-aaral sa Jakarta, Indonesia. Ibinalita ng Health Ministry officials doon na Indonesia tracked 128,290 health workers in capital city Jakarta from January to March and found that the vaccine protected 98% of them from death and 96% from hospitalization as soon as 7 days after the second dose. Ano po ang mapupulot natin mula sa pag-aaral na ito sa Jakarta, Director Ho?
DOH DIRECTOR HO: Again ‘no, ito ay example ulit ng real world data. Ibig sabihin, nakuha natin iyong mga datos mula sa actual implementation po or rollout po nang pagbabakuna sa mga bansa. So ang information na ito para sa atin is very, very encouraging. Unang-una, pinapabulaanan niya na talagang napuproteksiyunan ‘no ng mga bakuna ang mga health workers o ang mga tao laban sa severe COVID infection na maaaring dahilan para tayo ay ma-hospitalize o ikamatay natin, ‘di ba? Sinasabi naman natin simula pa lang, mahalagang makita ‘no, the ability of the vaccines to prevent hospitalization and to prevent deaths, that’s really what we’re looking for.
Second, most important thing na kailangan natin maalala dito na ang proteksiyon ‘no, nakita ninyo tsinek po nila weeks after the second dose ‘di ba. Ibig pong sabihin, alam natin dapat na iyong full protection ng vaccines hindi po siya dumadating the moment na nabakunahan ka, hindi pa rin po siya full protection kapag natapos mo iyong first dose – kung hindi kapag natapos mo iyong second dose and even a week or two after you finished your second dose.
SEC. ANDANAR: O ‘ayan, mga real world experiences na iyan mula sa Serrana, Brazil at sa Jakarta, Indonesia. Ano po ngayon ang inyong panawagan sa mga kababayan lalo na sa mga ‘di pa buo ang loob tungkol sa pagpapabakuna?
DOH DIRECTOR HO: Gusto po natin ipaalala sa lahat ‘no, ang COVID po, virus ay nariyan at marami na po siyang kinuha sa atin ‘no na mga mahal natin sa buhay. Marami po kaming mga kasamahan na health care workers ang binawian ng buhay dahil sa COVID o nagkaroon nang mahabang paglalagi sa ICU kung saan napakalungkot na magkasakit. Nagkaroon na rin siguro kayo ng mga kapitbahay, kamag-anak na nagkaroon ng COVID dito sa huling taon na ito.
Gusto nating matapos na ang mga paghihirap natin mula sa pandemyang ito. Gusto na nating makita iyong mga mukha ng mga kasamahan natin, mga ngiti ‘no. Gusto na nating makalabas ulit nang matiwasay kasama ang ating mga kaibigan at kamag-anak at nakikita natin na nangyayari na iyon dahan-dahan sa ibang bansa. At nagawa nila iyon dahil marami na po sa kanila ang nagpabakuna. Iyon ang reyalidad ngayon ay posible po para sa atin pero kailangan hindi po kaunti lang sa atin ang magpabakuna – marami po sa atin ang dapat magpabakuna.
SEC. ANDANAR: Maraming salamat, Department of Health Director Beverly Ho.
[AD]
SEC. ANDANAR: Pilipinas, natatanaw na natin ang pag-asang parating na, ang pag-asang hatid nang pagbabakuna. Sa Ingles, ito ang tinatawag nating game-changer sa ating laban kontra COVID. Sa mga maaari nang magpaturok, please magpabakuna na po kayo. Sa kailangan pang maghintay, magtiis pa po tayo ng kaunti, parating na sila.
Malayu-layo pa tayo sa pinapangarap nating herd immunity kaya huwag nating kalilimutan – minimum health protocols pa rin ang pairalin natin. Ampo, amping, ambit – magdasal, mag-ingat, makibahagi at makiisa sa ating kapwa.
Para sa The Cabinet Report, ito po ang inyong Communications Secretary Martin Andanar. Mabuhay ang Pilipinas, mabuhay ang Pilipino.
###
—
News and Information Bureau-Data Processing Center