FERNAN GULAPA: Sec., magandang umaga po.
SEC. ANDANAR: Magandang umaga, Fernan at good morning po sa lahat ng nakikinig sa iyong programa sa DZBB.
FERNAN: Nakatulog ka na ba, Sec.?
SEC. ANDANAR: [laughs].
FERNAN: Sec., pasensiya na.
SEC. ANDANAR: Oo nga siyempre may tulog kaunti tapos trabaho.
FERNAN: Ano ba ho iyong investment na binabanggit ng Pangulo, saan po ba ito?
SEC. ANDANAR: Iyong 1.2 billion dollars po ay, number one mayroong investor na pharmaceutical; Number two mayroon din pong investor na taga IT; Number three, taga wellness industry. So iyon po ay mga commitments ng iba’t ibang mga kumpanya mula sa India kaya umabot po ng 1.2 billion.
FERNAN: Pharmaceutical. Alam natin sa India talagang napakamura ng mga gamot. So gagawa na po dito ng murang gamot? Ganoon po ba iyon, Sec.?
SEC. ANDANAR: Iyon po iyong pinag-uusapan na iyon po iyong commitment ng India na sila po iyong magpapadala ng kanilang mga eksperto sa paggawa ng gamot para matulungan po tayo na bumaba ang presyo ng ating mga gamot dito po sa Pilipinas.
FERNAN: So sana ho kasama iyong mga gamot sa high blood, ang daming mga high blood na Pinoy.
SEC. ANDANAR: Naku po sinabi mo.
FERNAN: Iyong mga maintenance.
SEC. ANDANAR: Oo, sa puso iyong mga ganoon ba, mga high cholesterol.
FERNAN: Diabetes.
SEC. ANDANAR: Diabetes. Kailangan talaga mababa iyong presyo ng mga gamot natin sa bansa natin.
FERNAN: Ano ba ang basa ninyo dito, all time high daw iyong naitala na naman ng Philippine Stock Exchange, Sec.?
SEC. ANDANAR: Ang ibig sabihin lang ho niyan ay napaka-confident ng ating mga investor na mag-invest sa Pilipinas at the same time ay sila po ay nag-appreciate ng anti-corruption drive ng ating mahal na Pangulo at iyong pagpapatupad ng batas sa lahat ng mga Pilipino mahihirap man o mayaman.
FERNAN: So ano ba ito, ibig bang sabihin nito iyong mga walang trabaho mas mababawasan ba, Sec.?
SEC. ANDANAR: Ibig sabihin ho niyan ay magkakaroon po ng trabaho at tama ka mababawasan nga iyong unemployment rate at the same time ay dumadami din iyong mga investors po para sa mga infrastructure projects ng bansa.
FERNAN: Sec., may mga—under sa inyo kasi itong si Asec. Mocha Uson, iyong kaniyang ‘pagbanggit doon sa Bulkang Mayon ay nasa Naga daw. May mga humihiling na magbitiw na. Ano ba? [laughs].
SEC. ANDANAR: Well alam mo naman ay nagkamali iyong tao, hindi naman sinasadya at ito naman ay malayo sa—mula sa bindikasyon ng tao sa gobyerno at sa mga mamamayan in terms sa public service. So iyong mga kababayan natin na nananawagan na magbitiw na, of course mayroon din silang karapatan maghayag ng kanilang saloobin.
FERNAN: Sinabi ng Pangulo pagdating niya dito sa bansa na hihilingin daw niya sa China na tumanggap ng mga domestic helper dahil doon sa problema sa Kuwait? Paano ba iyon?
SEC. ANDANAR: Well, iyon po ay option ng Presidente, kapag ka hindi ho sumunod sa panawagan ng ating Pangulo ng mga bansang nagha-hire ng mga Pilipina sapagka’t ang dangal ho, respeto ang gusto ni Presidente na ibigay sa ating mga OFW na Pinay na inaabuso po ng kanilang mga amo. Hindi ho natin nilalahat pero mayroon ho talagang naa-abuso.
FERNAN: Sa pahayagan ngayon, Sec., iyong mga contractor daw na nagbi-bid habang naggo-golf. Ano ba usapan diyan?
SEC. ANDANAR: Nagbi-bid habang naggo-golf?
FERNAN: Iyong mga tambay sa golf course na mga sindikato ng contractor so iyong lowest bidder.
SEC. ANDANAR: Iyon nga po ay ayaw ng Presidente iyong lowest bidder talaga dahil this is one form of corruption na mababa nga iyong bidder, ano nga siya pero hindi naman magandang kalidad ang trabaho at kuwestiyonable po iyong paggagawa ng trabaho. So kumukulo po ang dugo ng ating mahal na Pangulo pagdating po sa mga ganiyang mga kalokohan.
FERNAN: Sec., may consultative committee na binuo. Paano magiging papel nito maliban pa doon sa magiging papel ng mga mambabatas natin sa pederalismo na isinusulong?
SEC. ANDANAR: Well alam naman natin, Fernan na ang ating mga mambabatas ay nanggaling po sa isang independent na branch of government at ito po ang binuong consultative committee, ito ay directly under executive po, so therefore ito po iyong kontribyusyon ng executive sa ‘pagbalangkas ng isang batas, so magbabago ng porma ng ating gobyerno. Now itong mga pinangalanan na miyembro ng ating consultative committee ay mga legal luminaries po ng ating basa. So ito po ang isa sa mga kontribyusyon ng Ehekutibo sa ‘paggawa ng batas para sa pederalismo.
FERNAN: Dadagdagan pa ito? Kulang pa po ito, iyong labingwalo, Sec.?
SEC. ANDANAR: Alam ko nasa mahigit dalawampu, so kulang pa iyan.
FERNAN: So iyong gagawin nilang pag-aaral ibibigay sa Pangulo? Ganoon po ba iyon?
SEC. ANDANAR: Ibibigay po sa Pangulo at isusumite din sa Kongreso, sa mga Senador para makita po nila kung ano po iyong mga personalidad na gawin sa isang pederalismo na form of government.
FERNAN: Tapos, iyong ginagawa na ngayon noong mga—diyan sa Kamara at gagawin din sa Senado. Paano po iyon?
SEC. ANDANAR: Well iyan po ay pagdedebatehan nila at the same time, at least mayroon pong option na galing po sa Ehekutibo na ibinalangkas po ng mga legal luminaries sa pangunguna po ni former Chief Justice Puno. Pero po, mayroon pong isang guide na magandang Saligang batas ay at least dagdag ho ito sa mga pagpipilian, sa mga option ng Lower House at Upper House.
FERNAN: So hindi iyong mga unang pumutok na term extension ang gusto kaya may ganiyan? May Cha-cha?
SEC. ANDANAR: Well ang Cha-cha naman kaya naman ginagawa ito dahil nga sa panawagan ng mamamayan na kailangan baguhin po iyong porma ng ating goberyno sapagka’t marami po sa mga rehiyon ang naiwan po sa kangkungan pagdating po sa pagpa-asenso ng ating iba’t ibang mga rehiyon ng bansa. So it’s a matter of decentralizing the powers of the Palace.
FERNAN: Anong magiging papel dito ng gobyerno? Iyong binabanggit na mayroon ng rally na gagawin ang grupo nila—sino nga ito? Tungkol doon sa pederalismo na naka-schedule sa—itong Pebrero, Sec.?
SEC. ANDANAR: Well may mga rally naman na ganiyan na hindi sang-ayon. Iyon po ay normal lamang, Fernan sa ilalim po ng ating Saligang Batas na binibigyan natin ng karapatan na maghayag ang isang kababayan natin sa gobyerno at puwede pa silang mag-assemble peaceably sa kahit anong lugar po sa ating bansa. Kaya po ito po ay bahagi ng isang demokrasya!
FERNAN: At iyong mga pabor naman, Sec.?
SEC. ANDANAR: Well iyong mga pabor sa ating pagbago ng ating batas, they can write that Congressman or Senators na sila ay pabor. Puwede pa silang makisali sa huntahan, puwede silang makisali sa kuwentuhan, kung dati sa pamamagitan ng mga media, puwede pa silang magsulat sa ating mga Congressman. Iyong mga in favor po sa pagbuo ng ating Constitution.
FERNAN: Iyong grupo nitong si Attorney Raul Lambino na… special ito, International Affairs ng PDP Laban, mayroon silang gagawing rally sa ika-labing pito ng Pebrero ‘Fed-ibig sa Bayan Rally’ sa Pederalismo?
SEC. ANDANAR: Si Attorney Lambino ay pro ano iyan—
FERNAN: Federalism.
SEC. ANDANAR: Oo, federalism iyan so talagang may karapatan din sila na magsalita at umikot sa buong Pilipinas para ipaliwanag po itong konsepto ng federalism.
FERNAN: Ano ito may pondo ito ng gobyerno, Sec.?
SEC. ANDANAR: Baka PDP-Laban iyan kasi alam ninyo po very active si Raul sa PDP-Laban.
FERNAN: So, sa partido iyon?
SEC. ANDANAR: Sa partido iyan, oo.
FERNAN: Okay, sige, Sec., pasensiya na—ito po ihabol ko nga lang pala.
SEC. ANDANAR:Sige, go ahead.
FERNAN: Tungkol ito sa pangatlong Telco. Ano ba balita sa iyo sa pangatlong Telco? Kaya ba na Marso mayroon na?
SEC. ANDANAR: Iyon ang sabi ni Secretary Rio na kailangan by March ay mayroon ng mapili para sa open bidding. So tayo po ay umasa na pumasok po talaga iyong pangatlong player by March. Now kung sino man iyong papasa, kung sino man iyong mga magka-qualify diyan, that remains to be seen for now. Ang pagkakaalam natin ay marami na hong interesado.
FERNAN: Ano iyon, hindi pa sigurado iyong Telco mula sa China Telecom?
SEC. ANDANAR: Well sila po ay talagang interesado, iyong China Telecom. And interesado din po iyong galing Korea—
FERNAN: South Korea—
SEC. ANDANAR: Mayroon din pong Taiwan. So tingnan natin kung sinong pinakamagandang offer. Kung sinong pinakamagandang magbi-bid po sa ikatlong Telco company dahil alam naman natin na franchise po ang ibinibigay diyan ng ating Kongreso.
FERNAN: So kaya ng March?
SEC. ANDANAR: We are hoping and we are praying na ito po ay magkaroong linaw at talagang mabuksan iyong bidding sa kanilang lahat by March, at tapos na po iyong terms of reference, iyong terms of reference ng third player.
FERNAN: Okay, sige po, Sec., maraming salamat po.
SEC. ANDANAR: Thank you, thank you. Mabuhay ka, mabuhay po ang DZBB. Salamat po.
###