Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar by Jaymark Dagala and Rolly Gonzalo


LAKAY:  Secretary Martin, si Lakay at ako si Jaymark. Good morning.

SEC. ANDANAR:  Hello Jay at Lakay, good morning. Actually ito iyong resulta noong—nagtanong kasi si Rappler doon sa press briefing room na diumano’y may kinalaman ang Office of the Special Assistant to the President doon sa kontrata ng gobyerno sa DND. Pagkatapos iyong pagkasulat na  parang nakialam na talaga, iyong ganoong, iyong tipong nag-conclude na nakialam. So, siyempre napuno na si Presidente dahil sa paulit-ulit na ganitong mga istorya, kahit naman sinasagot mo iyong mga istorya ay pagdating sa anggulo, pagdating doon sa title ng story eh ay parang nakapag-commit na ng crime iyong isang tao. Tapos kung ano-anong pang puna at kumento para magpatunay na ginawa mo itong isang bagay na ito.

Wala namang itong pinagkaiba doon sa sinulat tungkol sa sampung biyahe ko na anim pala doon ay libre. Tapos hindi naman sinulat iyong mga pakinabang ng opisina, hindi naman ako tinanong ng personal kung ano iyong mga sampung biyahe na iyon, hindi naman idinetalye. So alam mo iyong mga ganitong klaseng journalism ay hindi na ito objective, hindi na ito iyong itinuro sa atin sa eskuwelahan. Ako naman, I am just it in stride at ipinagsasa-diyos ko lamang. Pero iyong kay Special Assistant to the President ay ganundin. Eh si Presidente na ang nagalit para sa kanya.

JAYMARK:  Pero ganito po, para lang malinawan iyong ating mga kababayan, Secretary. How was your relationship dito sa mga reporter sa Malacañang Press Corps at nagkakaroon din ba kayo ng pagkakataon nitong si Pia na mag-usap during the press briefing, kung meron mang mga ambush interviews?

SEC. ANDANAR:  Ako naman ay inambush din ni Pia mga last week, Friday yata iyon. At kahit na wala namang isinulat si Pia na maganda sa akin at sa PCOO sa dami ng magandang ginawa namin, ang daming accomplishment namin ay wala naman siyang isinulat na maganda. Bagkus ay puro panlalait lamang at puro mga—iyong kanyang mga teorya na ako daw ay pasimuno ng mga (unclear), etcetera, iyong mga ganoong istorya. I take it as part of the territory na meron talagang tutuligsa sa akin, kahit na wala namang mga basehan.

So, kahit na ganoon po ay kinakausap ko pa rin, just like any normal person pinagbibigyan ko pa rin. Pero kahit pagbigyan mo, negative din ang isusulat sa iyo, hindi kasama iyong mga magagandang ginagawa mo. So, I guess iyon talaga ang istilo nila. Pero hindi naman lahat ng tao ay pare-parehas ang reaksyon. At of course, iyong kanyang paratang kay Bong Go ay napaka-unfair talaga dahil para bang isinulat mo ay siya na talaga ang may kasalanan.

JAYMARK:  Pero parang napansin ko, napag-usapan nga namin ni Lakay kahapon, Sec. Parang itong nangyari na ito sa SEC na iyong cancellation of registration ay parang coincidental na nangyari prior ito doon sa naging article na inilabas nga nitong si Pia against your trip, doon sa mga sinasabing biyahe n’yo raw po. Dito ho tuloy nagkaroon ng parang kaisipan iyong ilan nating mga kababayan na parang nagkaroon daw ng kumpas ang Palasyo dito sa pagka-kansela noong rehistro ng Rappler sa SEC.

SEC. ANDANAR:  Hindi naman, kasi alam mo, Jay, last year pa iyang isinumite noong Office of the Solicitor General iyong kanilang recommendation na imbestiga, July pa iyan. Wala naman kaming kinalaman diyan.

Ako naman ay bilang Kalihim ng PCOO, ako ay patas naman sa lahat, whether ikaw ay objective or subjective, pinapabayaan na lang natin iyong mga ganyan at ipinapasa-diyos ko lamang iyong mga iyon, tapos biglang lumabas iyon. Ano ang magagawa natin, hindi lang naman ako iyong tao sa gobyerno, marami kami, hindi ba. So nandyan si SolGen at meron din silang karapatan na gawin ang gusto nilang gawin.

At tandaan po natin na iyong pagkaka-revoke ng lisensiya ng Rappler, na dinesisyunan ng Securities and Exchange Commission, ito po ay desisyon ng SEC sapagkat nakitaan po nila ng paglabag sa Konstitusyon ang Rappler Incorporated dahil nga nakalagay sa Saligang Batas ay kailangang 100% owned ang isang kumpanya at doon po sa kanilang PDR nakalagay po doon na in terms of control ay kailangan po ay ipakita muna nila sa kanilang mga investors iyong kanilang Articles of Incorporation kung babaguhin po ito o hindi. So doon po sila sumabit.

LAKAY:  Eh iyong sinasabi naman ng Rappler na ‘aba, may mga kumpanya naman na medyo kuwestyunable iyong ownership,’bakit daw sila ang nasi-single out. Inisip ko tuloy iyong dating boss mo sa Channel 5 – Manny Pangilinan, di ba. Mukhang siya ang isa sa tinutumbok noong sinasabi ng Rappler na ang dami pa ngang iba pang mga medyo may kuwestyun din sa ownership, eh bakit sila lang daw ang na-single out sa Rappler?

SEC. ANDANAR:  Well hindi naman sa sini-single out, kasi nasa batas kasi talaga iyan. Kapag nasa mass media ka kailangan ay 100 percent  owned. Wala namang sine-single out dito, the same way na si Lucio Tan nagbayad ng 6 billion, the same way na si Mighty nagbayad ng 25 billion, ang Rufino-Prieto ay kinuha iyong Mile Long, ito po ay mga paglabag sa ating gobyerno, sa  ating Konstitusyon, sa ating batas. At ang mensahe po talaga dito ay we really need to follow the rule of law.

Lahat po ay patas sa mata ng ating Saligang Batas. Mahirap ka man o mayaman sa ilalim po ng Duterte administration ipapatupad po ito and you this ruling really will open a can of worms. So ito ay babala sa lahat, hindi lang po sa media, kung hindi sa lahat po na meron pong mga clause  sa Konstitusyon na bawal iyong foreign ownership, na kailangan ay tingnan natin ng maigi iyong ating negosyo, iyong ating nakasulat.

Ngayon, sinabi ng SEC na puwede pa pong mag-operate ang Rappler as a newspaper or an online news entity. Wala namang problema, wala namang pagkitil sa freedom of the press dito. In fact, marami pang nagtutuligsa hanggang ngayon, wala namang problema sa atin iyan. Tuloy-tuloy pa rin po sila, the only issue here is the SEC. So, they must really submit and fix their documents to satisfy the requirement of the Securities and Exchange Commission; otherwise, kapag hindi po nila ito nagawa, Lakay at Jay, meron pong consequences. For example, maapektuhan iyong business permit mo sa City Hall, baka maapektuhan iyong barangay permit mo, iyong building permit, lahat. So—at the same time iyong BIR permit mo dahil hindi ka naman puwedeng maningil or mag-transact pag wala kang SEC. At hindi ka rin puwedeng bigyan ng resibo kapag wala kang SEC. So kawing-kawing ito, that’s why they have to solve their problem so that they can continue transacting as a business entity; so, iyon po iyon. But as far as being an online news agency, they can continue what they are doing.

JAYMARK:  So ibig sabihin, given that situation, Sec, idugtong ko na rin ho siguro itong tanong na ito: posibleng ho bang maapektuhan iyong naging hiling sa inyo noon ni Asec. Mocha Uson na ide-classify ang Rappler from a main stream media to a social media dahil ang katuwiran dito ay ang Rappler ay hindi naman nakikita in papers, in radio, in television, pero sa social media?

SEC. ANDANAR:  Sabi nga nila, Jay, it ain’t over till the fat lady sings. So I wish for Rappler to satisfy the requirements stipulated in the law and given by the Securities and Exchange Commission. They have the right to go through a process. They can appeal at the Court of Appeals, sa Supreme Court and even fix it there sa Securities and Exchange Commission, puwede nilang baguhin iyong kanilang—puwede silang mag-apply ng bagong negosyo para lamang ma-comply nila iyong kailangan ng SEC.

So, I will not even decide on that recommendation by Asec. Mocha for now; aantayin po natin iyong desisyon ng Rappler, what they do to be able to abide by the law.

LAKAY:  Ayon, okay. Maliwanag na siguro iyan Secretary Martin. Pero bago ka namin pakawalan, medyo itanong ko lang, totoo ba iyong report na mukhang mas madalas daw si Presidente sa Davao kaysa dito sa Maynila.

JAYMARK:  Nai-stress na yata si Presidente. Mas komportable yata siya roon.

SEC. ANDANAR:  Hindi naman, hindi naman. Siguro nagkataon lang na meron pong mga courtesy calls doon sa Malacañang of the South. So, kaya ang nangyari po ay kahapon, Tuesday siya dumating para umatend doon sa event ni Secretary Tugade.

JAYMARK:  Sec., salamat po.

SEC. ANDANAR:  Mabuhay kayong dalawa. Salamat po, mabuhay po ang DWIZ.

###

SOURCE: PCOO – NIB (News and Information Bureau)

Resource