Q: Good morning po sa inyo, Secretary Martin Andanar, Junry Hidalgo po at Neil Badion.
SEC. ANDANAR: Hello Junry at Neil, magandang umaga po sa inyo at sa lahat po ng mga taga pakinig ng DZMM.
Q: Opo at happy New Year po at isang taon ho tayong hindi nagkausap, Secretary.
SEC. ANDANAR: Oo nga ang tagal-tagal din ano. Happy New Year sa inyong dalawa.
Q: 2018 na. Secretary kami ho ay bigyan ninyo nga kami ng update diyan sa third Telco na ito. Napakahalaga po ng balitang ito, ng itong isyu na ito sapagka’t sa ngayon talagang ano—kumbaga, kung noong dati ay may LTE, natutuwa na ako na may LTE na iyong dati dahil mabilis. Ngayon kahit naka-LTE ka, ang bagal-bagal pa rin. Oho. Ano na po ang bago at ano na po itong update po sa pagpasok ng third Telco po. Ito ho ay mag-isa lang talaga o marami hong nagnanais na pumasok po na Telco sa ating bansa?
SEC. ANDANAR: Magandang tanong iyan, Junry sapagka’t nabanggit mo nga na iyong LTE—kung pati LTE bumabagal na. Dahil nga sa—dahil nga doon sa scale ng users, dumadami din kasi iyong users kaya kailangan ng mga makabagong teknolohiya katulad ng mga 5G, mga five generation—5th generation. Last week po ay bumisita si Minister Seiko Noda ng Internal Affairs and Communication sa Ministry ng Japan. At isa ito sa mga napag-usapan. At tinanong ko nga si Acting Secretary Rio about the interest of Japan na sumali sa bidding bilang third player. Now alam ninyo naman na we have been announcing since last week na iyong PT&T po ay nakikipag-partner sa isang giant Korean company—
Q: Korean na naman?
SEC. ANDANAR: LG Plus iyon, LG Plus. So kahapon ay binunyag ni Secretary Rio na mayroon ding interesadong Japanese—
Q: Japanese naman?
SEC. ANDANAR: Oo at ito naman iyong KDDI. KDDI, iyan po iyong interesado na pumasok sa bidding at mayroon pang isa pa na interesado na Taiwanese firm pero hindi po binanggit sa atin ni Secretary Rio kung ano po iyon. But what is important really is iyong bukod doon sa bibilis iyong speed ng internet at mababawasan o mawawala kaagad talaga iyong garble ay iyong additional funding or investment dito nga ho para sa bansa natin. Kais ine-expect po nila ni Secretary Rio at ng DICT na iyong third player ay kailangan makapagpondo ng 300 to 400 billion pesos for the next five years.
Q: Baboy po, baboy, Billion…
SEC. ANDANAR: Bilyon, baboy oo, bilyon po. So 300 to 400 billion investment sa Telco in the five years. This is on top of the reinvestment ng DICT na binanggit ni MVP na additional 50 billion sa PLDT at Smart and iyong Globe naman ay mag-i-invest din ng mahigit na 48 billion pesos.
Q: Parang tatapatan nila?
SEC. ANDANAR: Oo, just by the mere announcement na bubuksan iyong merkado para sa ikatlong player, mayroon kaagad na hundred billion pesos na papasok sa Telco dahil kung pumasok na itong third player, mangyayari naman ay madadagdagan pa ng 400 billion for the next five years. At iyong timeline nito Junry at Neil ay first quarter of this year. So binanggit po sa atin na kailangan by Feb. 19 ay nakapagpasa na sila ng kanilang terms of reference o tapos after that—after one month mga end of March ay makapagbigay na iyong mga interesadong parties ng kanilang interest na sumali sa bidding. So therefore by end of March ay nandiyan na iyong mga pangalan noong mga interesadong players na pumasok sa Telco industry natin.
Q: Oo Secretary, parang ang pinag-uusapan natin is talagang third Telecom player lang. Hanggang tatlo lang ba? I mean isa lang ba talaga ang parang hinihintay natin or puwede tayong magpasok ng isa pa, dalawa ganoon?
SEC. ANDANAR: Sa palagay ko kasi Junry, kailangan we have to take into consideration the size of the Philippine market. Sa palagay ko hanggang third player lang para maging… at least lucrative iyong merkado ng Pilipinas for these Telcos. And imagine mag-i-invest kayo ng 400 billion tapos apat, lima kayo. So hindi rin kayo kikita, hindi—necessary din iyong balik sa kanila ‘di ba? So three players for the Philippines could be enough at this point.
Q: Secretary, so iyong unang dalawa, nandiyan na iyong Smart, nandiyan iyong Globe, ito may papasok na isa pa. So magiging ano talaga iyan, iyong competition nila magpapagandahan iyan ng kanilang mga serbisyo. Paano po kung nakapili na ho tayo ng pang-third? Okay, nandiyan na po siya nakapasok na—
SEC. ANDANAR: Opo. Opo.
Q: Nakita natin na nagkaroon din ng isa pang problema, huwag naman sana, pero alam ninyo naman tayo noong unang dalawa okay tayo, habang tumatagal nagkakaproblema, ang signal pumapanget. Kung magkaroon ng problema doon sa ika-tatlo so wala ng way para iyong katulad ng binabanggit ni Junry. Tayo ba ay tatanggap pa ng pang-apat, panglima, pang-anim kung hanggang ilan puwede?
SEC. ANDANAR: Ay magandang tanong iyan, Neil. Sa isang merkado naman na mayroong kompetisyon in a liberal market ay talagang magpapagandahan ng serbisyo niyan. Halimbawa iyong Globe at saka Smart, of course mayroon kayong—mayroon tayong mga biases. Ako sa palagay ko mayroong isang mas maganda kaysa doon sa isang kumpanya at kayo din, Junry at Neil mayroon din kayong bias kung sino ang mas maganda sa dalawa. Now kapag dinagdagan mo iyan ng pangatlo, talagang hindi hamak in terms of market at service talagang magpapagalingan iyong mga iyan. And I also know another factor that you are trying to point, Neil na what if mangyari iyong nangyari sa Sun Cellular na binenta na binili ng Smart at Globe. So imbis na tatlo ay naging dalawa ulit.
Q: Dalawa ulit, oo.
SEC. ANDANAR: Ang gagawin po ng DICT ngayon ay mayroon pong requirement doon, mayroon pong clause na nagbabawal na maibenta iyong third player sa existing Telco company.
Q: Iyan ang maganda.
Q: Oo ayos iyan, ayos iyan.
SEC. ANDANAR: Oo para tuloy-tuloy po iyong kompetisyon. Iyon po iyong kagandahan nitong bagong mga kasunduan sa mga clause na ilalagay doon sa third player.
Q: So Secretary ang una ay China tapos nabanggit ninyo Japan, may Korea, may Taiwan. Apat bali ho ang kumbaga nanliligaw ano ho? Apat?
SEC. ANDANAR: Opo, oo. Apat po na malalaking foreign investors, foreign Telco company at alam mo naman currently ang Smart naman ay partner ng DoCoMo if I’m not mistaken. At iyong Globe ay ang partner nila ay Sintel. So mayroon ng history na puma-partner tayo sa mga solid na mga Telco. So ngayon solid din itong LG plus, solid din itong sinabi ni Sec. Rio na Taiwanese firm at iyong China Telco pinakamalaki sa China. So talagang magiging exciting ito, itong KDDI sa.. I think it’s still the third player in Japan, malakas din ito.
Q: Opo, Sec., mayroon ba tayong target na date—
Q: Target date, oo.
Q: Kung kailan papasok nga itong pangatlong Telco dito sa Pilipinas?
Q: Kumbaga Secretary itong mga nakikinig sa atin at nanonood—
Q: Parang ang isip —
Q: Sa kaisipan siguro nila ngayon ay third Telco. By March ba ay may third Telco na? Mga ganoon ho ba?
SEC. ANDANAR: Oo by March naka-open bidding na tayo.
Q: Open bidding?
SEC. ANDANAR: Kasi tapos na iyong terms of reference, iyon ang target. Dapat by March open bidding. But you know what I tell you, Junry at Neil sa palagay ko kahit hindi pa magsisimula o kahit nagsisimula pa lang iyong construction ng third player, sa palagay ko magkukumahog na iyong Smart at saka Globe na pagandahin iyong serbisyo eh. So before we know it maganda na rin iyong serbisyo by the end of this year. Kasi like I said, nag-commit po si MVP ng 50 billion pesos, nag-commit po iyong Globe ng additional 48 billion pesos. Kapag hindi pa naman gumanda iyong serbisyo ‘di ba? Ewan ko na lang—
Q: Oo nga ho.
SEC. ANDANAR: Ang palagay ko habang nagko-construct iyong third Telco ay gaganda na rin iyong serbisyo ng dalawa.
Q: Ilan iyan Junry, apat ano?
Q: Bale apat.
Q: China?
Q: China, Taiwan?
Q: Taiwan, Korea at saka Japan. Wala ng iba? Hanggang doon lang po ba o may mga humahabol pa ho ba?
SEC. ANDANAR: Sa ngayon wala pa. Ngayon wala pa ho.
Q: Pero puwede pa?
SEC. ANDANAR: Oo puwede, pupuwede po. Pupuwede pong… lahat ng interesado na mga giant international telco na gustong sumali, puwede po. Basta dito, ang pinakamagandang offer, pinakamagandang bidder ang mananalo. Kung sino iyong pinakamalaking mailalagay sa bansa natin na investment, of course, iyon ang mananalo.
Q: Opo. Dati po kasi mayroong galing ng Australia, pero nawala din iyon. Nawala din po iyon.
SEC. ANDANAR: Opo, iyong Telstra iyong nawala.
Q: Telstra, tama po. Iyon ho ba hindi nagpapahiwatig?
SEC. ANDANAR:Wala pa akong alam na nagpapahiwatig. Pero I remember it was Telstra saka iyong kumpanya ng San Miguel na telco nila. Pero binili ng Smart iyong San Miguel, iyong San Miguel na telco. So—kaya nawala din iyong Telstra.
Q: Oo. Iyon iyong sinasabi ko po, bilihan nang bilihan.
Q: So Secretary, nasa proseso ng bidding pa ngayon. Hindi ho totoo na nakuha na ng ZTE?
SEC. ANDANAR:Hindi ho. In fact, I asked also Secretary Rio about ZTE. Hindi niya sigurado kung ano iyong participation ng ZTE. Because I know ZTE is not a telco, it is provider of technology. It’s a provider I think of fiber optic saka iyong mga tele—hardware. Hindi sila telco, so palagay ko baka interesado sila sa national broadband.
Q: Aba iba naman ‘to, mga internet-internet ‘to, ZTE na ‘to.
SEC. ANDANAR: Oo, baka…
Q: Wala bang problema kung pumasok ang ZTE? ‘Di ba’t dati may controversial na ano ‘yan…
Q: Panahon ni Pangulong Gloria—
Q: Oo, ni GMA.
SEC. ANDANAR: Palagay ko hindi sila sa telco. Kasi hindi telco iyong company ng ZTE if I’m mistaken ha, hindi sila telco. Now kung anuman iyong interes nila, hindi ko pa nababasa. Pero sabi nga ni Secretary Rio, malamang sa ano ito… broadband papasok, na interesado na tumulong na lumakas iyong broadband, iyong laying of fiber optics, iyong mga ganoon.
Q: Opo. Sec., may mga areas na Wi-Fi free… free Wi-Fi, Wi-Fi ready. Ang target ho ng gobyerno, buong Pilipinas na ho ba puwedeng maging Wi-Fi—free Wi-Fi?
SEC. ANDANAR: Ang target po this year, ay nasa 30 thousand Wi-Fi spots… free Wi-Fi spots this year.
Q: Kasi batas na iyon ‘di ba, Secretary?
SEC. ANDANAR: Opo, batas na iyon. Thirty thousand po this year… ang pinaka-target po talaga for the entire duration of the Duterte administration, ay nasa more or less 250 thousand free Wi-Fi spot around the country. So this year, ang target ng DICT is 30 thousand, and of course ito’y bibilis nang bibilis habang pabilis nang pabilis din iyong broadband speed at iyong supply ng mabilis na internet sa bansa natin. Of course that’s always dependent doon sa supply ng internet.
Q: Oho, oho… Siguro dalawa na lang Secretary ano. Una iyong sa free text warnings, napapansin ko ho na ano, may mga bagyo, hindi nakakatanggap ng mga text warning iyong mga kababayan natin. Baka puwede ninyong kalampagin iyong mga telcos, at ano ho bang inaasahan natin, sa inyong tanggapan sa PCOO ngayong 2018?
SEC. ANDANAR: Salamat po. Ire-remind ko po ang DICT at ang DOST tungkol dito sa mga text warnings. Ang plano po ng PCOO, actually noong last week po ay kalulunsad lang po ng Digital Terrestrial Television Broadcasting System ng PTV, so ito po ay in partnership with the Japanese government. Ilulunsad din po namin iyong Early Warning Device System, at iyong Data Casting. Now ito po ay mga teknolohiya na puwedeng gamitin kapag Digital Broadcasting na po.
So like ABS-CBN, Digital Broadcasting na po ang PTV starting last week. Iyong mga covered areas po natin ay Manila and then soon Davao Cebu. Mayroon po tayo sa Bicol at dito po sa Guimaras at Quezon City. Iyon po iyong plano natin for this year, palakasin iyong DTTV, at the same time, na mailunsad po ng PCOO iyong government satellite network na magbibigay po ng satellite connection bawat barangay para puwede po silang makipag-usap sa ating Pangulo at puwede po silang padalhan ng mga balita mula po naman sa gobyerno.
Magandang proyekto po ito, sapagka’t iyong government satellite network ay hindi lang po ito one-way, na tumatanggap ka lang ng signal at puwede kang manood ng government channel or kung anumang mga government public service announcements – kundi puwede rin po iyong barangay mismo ay magpadala ng video or puwede niyang kausapin ang opisyales niya sa Manila o ang Pangulo mismo.
Q: Madali maipahatid iyong mga kailangan sa isang lugar, lalo na kung binagyo.
SEC. ANDANAR: Tama po. ‘Pag binagyo, ‘pag wala pong signal iyong mga cellphones dahil nagtumbahan po iyong mga cell sites o nasira po iyong mga linya, kable, fiber optics, ang satellite po ay wala naman siyang wire – ito po’y direkta doon sa nag-o-orbit na satellite, kaya magandang technology po ito.
Q: Opo. Secretary, baka may naulinigan na kayo. May nagpapahiwatig ba na gustong pumasok iyong isang Converge na taga-diyan sa Pampanga? Dennis Uy po ‘ata ito, sumasali rin sa bidding.
SEC. ANDANAR: Opo. Ang alam ko po ay interesado po ang kumpanyang Converge na sumali sa isang consortium. Sapagka’t alam naman po natin Neil, na ang isang telco ay kailangan 60 percent Filipino-owned—
Q: May ka-partner…
SEC. ANDANAR: Oo. So mga international partners, 40 percent lang ‘yan. Therefore, iyong mga international partners will have to create a local consortium. Now kung sino iyong mga kasali sa consortium na iyon, I’m sure itong kumpanyang Converge ni Dennis Uy will really be a force to reckon with. Kasi napakadami na po niyang nailatag na fiber optics sa buong Pilipinas.
Q: Okay. Maraming salamat po ha, Secretary Martin Andanar.
Q: Thank you po.
SEC. ANDANAR: Maraming salamat Neil at Junry. Mabuhay po kayong dalawa. Mabuhay po ang DZMM. Thank you po.
Q: Si Kalihim Martin Andanar…
###