Interview

Interview With Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar by Leo Palo III (Cabinet Report sa Teleradyo – Radyo Pilipinas)


 

LEO: Nasa linya na natin ang ating heartthrob ng Cabinet… ikaw nga magtawag para mas maganda…

  1. PIA/PNA: Behave Mr. Leo, behave… Good morning, Secretary Martin Andanar.

SEC. ANDANAR: Napakaganda talaga ng boses… isang Pia Morato at Leo Palo – bagay na bagay on air.

LEO: Wow… Narinig mo ba iyong sinabi ko? [Laughs]

SEC. ANDANAR: Good afternoon.

  1. PIA/PNA: Good afternoon… good afternoon na pala.

LEO: Good afternoon, Sec. Sabihin mo kasi iyong sinabi ko.

  1. PIA/PNA: Ano? Sir kanina ka pa tinatawag na—

LEO: Kung paano kita—kung paano pinapakilala.

  1. PIA/PNA: Sino, ako? Si Secretary Martin?

LEO: Oo.

  1. PIA/PNA: Sir, kanina ka pang tinatawag “heartthrob of the Cabinet”.

SEC. ANDANAR: [Laughs]

  1. PIA/PNA: Sabi ko, don’t state naman the obvious. Totoo naman talaga…

LEO: Uy ano iyon… at naging ano iyon, naging pruweba diyan si Ma’am Grace.

  1. PIA/PNA: Totoo sir. She was so star struck when she saw you in Davao City.

SEC. ANDANAR: Ganoon ba?

  1. PIA/PNA: Ganoon na ganoon [laughs].

SEC. ANDANAR: Baka kailangan nang magpa-checkup ng mata ni Ma’am Grace [laughs].

LEO: Alam mo Secretary Andanar kaya ko nabanggit iyong kanina, kasi iyong mga OFWs natin, iyong mga… doon sa barangay noong nasa Manila Hotel, sinasabi nila sa akin iyon – “Si Secretary Andanar grabe, heartthrob talaga ng Cabinet.” Sabi ko, “Ay, ganoon ba?” Tapos akala ko iisa lang magsalita, mayroon pang sumunod, “Pa-picture naman sa heartthrob.” “Sige, pa-picture na kayo.” [Laughs]

SEC. ANDANAR: Alam mo doon sa Barangay League ‘di ba Leo doon tayo…

LEO: Yeah.

SEC. ANDANAR: Napaka-timely iyong Barangay League o Liga ng mga Barangay event na iyon, sapagka’t doon ay—hindi lang sa mga picture-taking ha… feeling ko artista ako doon [laughs]. Kasi feeling ko puwede akong maging actor doon sa Government Satellite Network [laughs].

LEO: Puwedeng-puwede naman.

  1. PIA/PNA: Puwede sir, puwede…

SEC. ANDANAR: Ay, lalo na kung iyong leading lady ko si Pia Morato…

LEO: ‘Yan ang sinasabi ko… [laughs]

  1. PIA/PNA: [Laughs] Napasama tuloy ako… of course, sir.

SEC. ANDANAR: Tapos iyong karibal ko si Leo Palo.

LEO: [Laughs] Yari tayo diyan… Sinong direktor? Si Weng?

SEC. ANDANAR: Ang direktor si Weng Hidalgo…

LEO: Naloko na. Bias iyon…

SEC. ANDANAR: Oo… si Weng Hidalgo iyong direktor tapos mayroong cameo appearance si Harry Roque.

LEO: [Laughs] Buti na lang nagpe-presscon ngayon kaya okay lang, hindi narinig. Parang kontrabida ang dating ko ha, ba’t ganoon? [Laughs] Mukha ba akong si…

SEC. ANDANAR: Congratulations sa Liga ng mga Barangay sa pagiging successful ng kanilang national convention na ginanap sa Manila Hotel kamakailan. At tayo’y mapalad, nakumbida tayo ng Pangulo mismo ng Liga ng mga Barangay. At doon nga sa convention, ay naibahagi natin ang programa ng PCOO, at ito iyong Government Satellite Network.

Nagpapasalamat tayo kay President Edmund Abesamis dahil nabigyan tayo ng pagkakataon na maipaliwanag sa ating barangay chairmen na napakahalaga nitong Government Satellite Network sapagka’t mabibigyan po sila ng satellite receiver, at iyong satellite receiver na iyon ang siyang magbibigay ng impormasyon sa lahat ng mga barangay hall – ito po iyong government information:

Number one, iyong lumalabas po sa PTV, Radyo Pilipinas Uno, Dos, Tres, Kuwatro, FM 1, 2, 3; tapos mayroon din tayong Presidential Communications TV, mayroon tayong Philippine News Agency TV, magkakaroon din tayo ng isang government bulletin board kung saan nandoon po ang ating weather, ating FOREX at lahat ng mga balita nanggagaling sa iba’t ibang mga departamento. So direkta po mula sa Malacañang all the way to the barangay halls.

Now, it’s a very ambitious project kasi 42 thousand ang nais nating lagyan ng Government Satellite Network. So ito po ay magiging proyekto ng PCOO, ng Office of the President, kasama na po iyong National Security Adviser, Secretary Esperon so… and then, we are already talking to DILG pati ang Department of National Defense para magamit po nila itong Government Satellite Network.

Ang kagandahan din po dito, ay ang ating mga barangay chairmen o iyong mga Information Officers, since mayroon na silang technology para makausap tayo sa Ehekutibo at para makita nila, makuha nila kaagad iyong balita direkta mula sa Malacañang, ay puwede rin po silang magpadala ng balita papuntang Executive. At the same time, kung gusto nilang makipag-usap kay Presidente dahil ito po ay—mayroon pong IPTV picture, ay puwede pong mag-teleconferencing ang mga barangay chairman at si Presidente para po mas ramdam nila ang pamumuno po ng ating mahal na Pangulo at para mapakinggan din ni Presidente ang kanilang mga hinaing.

LEO: So ibig sabihin Secretary… balikan ko lang konti iyong sa GSN, sa Government Satellite Network na ‘yan, ito ba ay parang… na, libre sa lahat ng mga barangays?

SEC. ANDANAR: Well, iyon po ang ating ambisyon. Ang ambisyon po natin ay kailangan lahat ng barangay magkaroon ng satellite receiver sapagka’t ito po ang magiging sentro or central information hub ng Ehekutibo. So therefore, lahat ng impormasyon na kailangan nilang malaman/matutunan na diretso galing sa Malacañang ay dito sa Government Satellite Network dadaan.

Sa ngayon kasi, wala kasi tayong central hub kung saan iyong impormasyon ay mapapanood talaga ng lahat ng barangay. Hindi po lahat ng barangay naaabot ng PTV4, ng Radyo Pilipinas, ng PNA; hindi po lahat ng barangay ay naaabot ng Philippine Information Agency na ganoon kabilis, in real time. At dahil mayroon tayong satellite, ito pong satellite technology, ito po iyong maghahatid ng signal sa bawat barangay – kahit iyong mga barangay na nasa liblib na, nasa mga bundok na, nasa mga isla na, na wala pong telecommunications signal, walang Globe, walang Smart, walang Sun – ay kahit iyong mga barangay na iyon, dahil mayroon tayong Government Satellite Network ay maaabot na po natin sila.

Kung mayroon pong mga emergency, mayroon pong bagyo, signal number 3, number 4… mayroon tayong mga—knock on wood, mga mala-Yolanda na mga bagyo, may lindol, mayroong [choppy line]… signal, dahil po sa Government Satellite Network ay maaabot po ito ng ating national government. So this will really be a great leap in terms of communication for the national government and for the local government units.

LEO: So meaning dito Secretary, magkakaroon siya ng parang receiver ang bawat isang barangay, ganoon ba iyon?

SEC. ANDANAR: Tama. Parang signal, iyong signal na direct to home satellite TV, ganoon din po iyon. Pero ang pinagkaiba ho nito, bukod ho sa signal, sa TV na matatanggap ninyo ay mayroon ho kayong internet din na libre. So—opo. So halimbawa nandoon ka sa pinakamalayong isla, halimbawa na lamang dito ka sa amin sa Siargao, mayroon pong mga isla dito, mga lugar dito, mga barangay na wala pong internet, wala pong cellphone signal – ay dahil sa Government Satellite Network, at least iyong barangay hall mayroon siyang 3 to 6 MBPS na internet.

So ito po ay malaking hakbang po ito, malaking pag-asenso ho nito ang ibig sabihin para sa ating mga local government unit at para sa ating national government, sapagkat puwede na hong makipag-communicate si DILG Secretary Año – hindi na niya kailangan umalis pa ng kaniyang opisina – all he has to do is activate this Government Satellite Network receiver, at halimbawa gusto niyang kausapin ang isang barangay chairman sa, halimbawa sa Cagayan Valley na wala hong cellphone signal, ay sa pamamagitan ng Government Satellite Network ay makakausap niya po iyong barangay chairman doon, at puwede niya pong matulungan masolusyunan kung anuman ang mga problema o hinaing ng ating mga kababayan doon sa partikular na barangay na iyon.

LEO: Oo. Ibig bang sabihin nito, itong GSN na ‘to Secretary kahit bumagyo malakas ang signal niya, ganoon?

SEC. ANDANAR: Well ang—well, mayroong limitation, kasi siyempre ‘pag bumabagyo, ‘pag cloudy ay nawawala po iyong signal kasi satellite po ito. Pero alam mo, hindi naman parating cloudy ‘di ba? Ang kagandahan ho nito is that, halimbawa, kapag mayroong malakas na bagyo, ang unang napuputol mga linya ng kuryente, mga kawad ng kuryente.

LEO: Oo, totoo ‘yan.

SEC. ANDANAR: Saan ba nakalagay iyong mga cable channel, etcetera? ‘Di ba sa kawad ng kuryente? Doon din nakalagay sa—sa poste din nakalagay. So ‘pag naputol iyon, walang kuryente, walang cable, etcetera. ‘Pag natumba iyong cell sites, kasi sa lakas ng hangin ay ganoon din ang mangyayari. Ang kagandahan po ng Government Satellite Network, because it’s a dish that you will have to orient or place in your backyard, puwede mo pong ipasok iyong dish na iyon ‘pag bumabagyo.

So ‘pag bumabagyo, malakas iyong hangin, kahit nasira na ho lahat, wala na hong kuryente, wala na hong cellphone, walang cell sites, ang gagawin lang ho ni Kapitan, ilalabas niya iyong dish ulit, paandarin niya iyong kaniyang generator – automatic, mayroon na ho siyang broadcast capability para makausap niya ho iyong sa Headquarters sa Camp Crame o makausap niya iyong DILG or iyong Philippine National Police o kausapin niya po iyong Armed Forces of the Philippines, o ang Presidential Communications Operations Office.

LEO: May ano siya, parang dedicated station—I mean channel, parang ganoon.

SEC. ANDANAR: Tama, tama po kayo. Ang kagandahan po dito ay unlimited po ang TV channels na puwede nating ilagay. So ito po ay government TV channels ha, ito po iyong nabanggit ko kanina, puwede pong magkaroon ng channel ang PTV, Radyo Pilipinas, FM 1, puwede pong magkaroon ng channel ang Presidential Communications, ganoon din po ang government bulletin board; puwede rin pong magkaroon ng channel ang DILG if they want, o ang Department of Tourism.

So, endless po iyong possibility nitong Government Satellite Network, kaya nga po noong ito’y prinisinta natin sa ating mahal na Pangulo noong December na Cabinet Meeting ay agad-agad hong natuwa si Pangulo, kinongratulate (congratulate) tayo, at sabi niya bilisan na sapagkat alam naman natin na ang problema natin sa internet connectivity ay napakalawak po.

So at least kahit papaano, iyong mga barangay na hindi nararating po ng cell sites at internet ay mayroon na pong Government Satellite Network. At itong plano po ng DICT na magkaroon nga ho tayo ng isang e-governance sa pamamagitan po ng electronic technology ay mangyayari na po ito ngayon.

LEO: Secretary, makukuha ba iyong mga local channels niyan, iyang GSN na ‘yan?

SEC. ANDANAR: Hindi po, hindi po. Ito po ay purely government—

  1. PIA/PNA: Just purely government.

LEO: Oo…

SEC. ANDANAR: Yeah, purely government lang po ito.

LEO: Oo. Kasi ‘di ba paano iyong may TV plus cable, mga ganoon? May bukod na sila…

SEC. ANDANAR: Oo. Ito po ay talagang barangay lang po talaga, tapos iyong mga different government agencies ay ito po iyong mga target natin, iyong mga Information Officers. Ito po ay malaking panlaban din Leo at Pia, sa disinformation, misinformation or fake news.

  1. PIA/PNA: Yeah…

SEC. ANDANAR: Sapagka’t kung mayroon pong fake news na halimbawa may nagsabi na, “Uy mayroong red tide sa lugar na ito.”

Dahil nga 42,000 na mga barangays ang mayroon at lahat po ng mga information officers ay united po lahat, kumbaga IOU ‘di ba? Information Officers United ay siguro na mas madali po ng mapawi o matabunan iyong mga fake news dahil lahat ho ay nagkakaisa at mayroon pong government satellite network. At kung Facebook po ang pag-uusapan ay puwede rin pong mag-Facebook diyan sa government satellite network at para matabunan at mawala nga ang fake news.

LEO: Secretary linawin ko lang. Ito ay para sa mga barangay, hindi ito para sa bahay-bahay?

SEC. ANDANAR: Opo, para po ito sa barangay hall, sa barangay hall, para po ito sa mga iba pang mga departamento na gustong gumamit ng government satellite network but we will really encourage all of the departments, lahat po ng Cabinet members at lahat po ng mga sangay ng gobyerno, lahat po ng mga ahensiya na nasa ilalim ng mga departamento ay atin pong i-e-encourage na mga—kailangan sumali kana sa government satellite network because this is really the information network of the government using satellite technology. So, itong satellite technology… yes, yes go ahead…

LEO: Hindi puwedeng maki-connect ang mag-residente, hindi puwede? Doon lang talaga sa barangay?

SEC. ANDANAR: Basta ito pong project na ito para lang po talaga sa barangay para sa mga government agencies, doon sa mga regional officers ng iba’t ibang executive department or agencies under the executive department. So ito ho talaga ay network ng lahat ng mga government agencies at ng local government units.

LEO: Secretary may tanong dito si Vanz Fernandez ng La Solidaridad, joke. [laughs]. Sabi niya: “ganoon?” Sa nakaraang administrasyon hindi ito nangyari. Kailan maipapatupad daw ito, ang sinasabi ni Secretary Andanar para sa mga barangay na ito, may timeline ba iyan? That’s a good job for you daw, sabi niya.

SEC. ANDANAR: Salamat, Vanz. Alam mo as soon as possible we want to roll this out, ang target po talaga namin is June. We will start rolling this out by June. Of course we’re talking about 42,000 barangays and we need also the approval of the Department of Interior and Local Government sapagka’t sila po talaga ang kakausap sa mga barangay and we will also talk to Department of Tourism, we will talk to DPWH, we will talk to DND, to the PNP, lahat po kakausapin natin kasi ito po talaga ay mapapakinabangan ng lahat ng sangay ng gobyerno.

LEO: Sabi dito ni Weng, baka daw may magkabit ng splitter ay baka—may security daw ba iyong receiver?

SEC. ANDANAR: Mayroon po, mayroon po ito. Hindi po pupuwedeng magka-signal dito sapagkat—

  1. PIA/PNA: Ang daming jumpers kasi [laughs]—

SEC. ANDANAR: Sabagay like what I said mayroon pong naka-state na 3mbps to 6 mbps na internet. So kung ikaw po iyong barangay chairman, siyempre ayaw mong—ayaw mong ma-split iyong mbps na iyon sapagka’t gusto mo na lahat ng mga dadaan diyan ay mga official business lang ng barangay. Kasi mahalaga nakakausap mo iyong national government, mahalaga nakausap mo iyong mga gobernador at ang mahalaga iyong mayor mo o lahat po ng mga dapat mong kausapin na mayroon pong mga proyekto sa inyong mga barangay ay kaya hindi po—it will be in the interest of that barangay captain to keep the password to its information officer.

LEO: At saka iyong disk baka mamaya iuwi, gawing plato.

  1. PIA/PNA: Sec. Martin very timely po itong discussion natin because we have student also from the New Era University for today. And they’re Electronic Communication Engineers, Sec. Mart.

SEC. ANDANAR: Ay oo.

  1. PIA/PNA: Kailangan natin sila.

LEO: Si Karen Lyn Marco at saka si Sonny James Emblacas.

SEC. ANDANAR: Ako po ay very proud sa mga estudyante ng New Era University lalo na mga ECE, iyong mga mass communication, journalism, napakasipag ng mga estudyante diyan at napakagaling ng eskuwelahan ng New Era, napakadisiplinado sa mga estudyante diyan. Sabi ko ay kailangan ang government communications infrastructure platforms ay kailangan tayo po ay bukas para sa estudyante ng New Era University at iba pang mga eskuwelahan.

LEO: Sobrang disiplinado talaga, Secretary. Kanina pa sila nakikinig sa iyo, hindi makapagsalita.

SEC. ANDANAR: Ah ganoon ba?

  1. PIA/PNA: Na-star struck, Sec. Mart. [laughs].

SEC. ANDANAR: Ay ngumiti naman kayo ng kaunti.

LEO: Ah sige babatiin natin. Ah, Karen bumati ka nga muna kay Sec.

KAREN/NEW ERA UNIVERSITY: Hello po. Magandang hapon po, Secretary Martin Andanar.

SEC. ANDANAR: Hi Karen, magandang hapon. Salamat at mayroon kayong oras na bumisita sa Philippine Information Agency building. Alam ninyo, like what I said napakasuwerte ng mga estudyante ngayon sapagka’t iyong Philippine Information Agency, lahat po ng mga ahensiya sa ilalim ng PCOO ay nagkaisa na po, iyong Philippine Information Agency, Philippine News Agency, nandiyan po iyong Radyo Pilipinas FM1, nandiyan po iyong PTV, nandiyan din po iyong ating training center diyan sa Philippine Information Agency, nandiyan din po iyong APO Printing. So kung mayroon po kayong—iyong field trip or mayroon kayong mga internship na kailangan i-satisfy. Naku makukuha ninyo po lahat iyan sa government communications department, dito po sa PCOO kumbaga ay isang pasukan lang at marami kayong matututunan.

LEO: Ikaw Sonny, iyan! Bati ka muna kay Sec!

SONNY: Magandang tanghali po, sir.

SEC. ANDANAR: Hello, Sonny, good afternoon at good afternoon din sa lahat ng mga kasama mo. I’m sure mayroon ka naman na mga nanonood din.

LEO: Ang dami, oo. Ang dami nila, umabot yata sila ng 20 ngayon, Secretary!

SEC. ANDANAR: Oo sana lahat naman—

LEO: Ang lungkot nila, hindi daw nila nakita iyong heartthrob.

SEC. ANDANAR: Madami akong litrato diyan.

LEO: Anyway, ano Sonny at Karen—

SEC. ANDANAR: Hindi ganito, I want to encourage all of the students to join us dito sa Information Officers United movement. Alright, itong IOU movement, ito po ay movement na para sa lahat ng mga estudyante, lahat ng mga Filipino na gusto pong labanan ang fake news. So everyone can be an information officer whether you are government or private, you join the movement, magkakaroon po tayo ng isang Facebook page na IOU – Information Officers United para malabanan po natin ang fake news.

  1. PIA/PNA: Maganda iyan, Sec. Mart. Iyan iyong sinasabi ko kanina kay Ma’am Grace. So maganda iyan sir!

SEC. ANDANAR: Yes, si Pia ang aming model. [laughs].

LEO: Ikaw pala model.

  1. PIA/PNA: Sure sir. [laughs]. For education yes.

SEC. ANDANAR: I am appointing Pia as the ambassador of the Information Officers.

LEO: Iyon yon.

  1. PIA/PNA: [laughs]. Thank you.

LEO: So Ambassador Pia, what can you say?

  1. PIA/PNA: I welcome all the students, the youth [laughs].

LEO: Ang bilis ng sagot. [laughs].

SEC. ANDANAR: Alam mo naman si Pia ay ano lang iyan, 30 years old lang iyan.

  1. PIA/PNA: I fool, you see… sa mata lang Sir, di ba?

SEC. ANDANAR: Iyong IOU movement po, let’s help, let’s organize this, ito po ay isang magandang movement para matigil na, masawata, malabanan natin ang fake news.

LEO: Iyan ha, Sonny and Karen, IOU, sumali kayo doon maganda iyon. Information Officers United, iyan ang ano diyan—anyway, bilang mga ECE students, siyempre mga engineer itong mga ito. May tanong ba kayo kay Secretary Andanar regarding doon sa satellite receivers na ito, itong government satellite network na ito?

KAREN: Ano po, government satellite network po? Ang coverage po ba nito is—

LEO: Go ahead, go ahead.

KAREN: Region or ano po malawakang—

SEC. ANDANAR: Buong Pilipinas ang coverage nito, buong Pilipinas and some parts of Asia. Hindi ko lang alam kung anong parte ng Asia pero I’m sure the entire Philippines and I think Hong Kong probably Hong Kong—

LEO: Ang layo…

SEC. ANDANAR: Depende kung may receiver, kasi ang receiver kasi nito ay really exclusive for the government agency. But iyong may-ari po ng satellite of course mayroon silang mga sariling box nila ‘di ba?

LEO: Yes.

KAREN: Opo, opo.

SEC. ANDANAR: So depende kung magpaparenta na kami ng box, kung magpaparenta sila sa ibang lugar or sa ibang bansa. Then, of course mayroon din tayong kasunduan kung which channels lang ang puwede nilang panoorin. Halimbawa PTV tapos ang nilagay doon FM1, FM2, Radyo Pilipinas 1,2,3, Radyo Pilipinas worldwide, Radyo Pilipinas Podcast, Philippine News Agency. So mayroon po tayong mga channels na puwede po nating ibibigay sa kanila o i-avail para sa kanila sapagka’t ito pong government satellite network, ang infrastructure po nito ay no cost to the government. So iyong atin lang pong maibibigay sa kanila ay content. So iyon po iyong kapalit noong ating pakikipag-cooperate sa kanila o pakikipag-cooperate nila sa atin, ang kapalit po noon ay iyong contents na mayroon po tayo.

LEO: Nalulungkot si Sonny kasi mawawala iyong kaniyang negosyong cabling. [laughs]. Oh ‘di ba mga ECE iyan ang isa sa mga negosyong gusto nilang pasukin, cabling. Ang problema may GSN na, wala na.

SEC. ANDANAR: Leo?

LEO: Yes, Sec.?

SEC. ANDANAR: Kasi paputol-putol iyong signal dito, I will have to go already. Gusto ko lang sabihin sa inyo na keep up the good work at sa lahat po ng mga sumali sa National Information Convention noong nakaraang Linggo, tayo po ay nagpapasalamat sa kanilang pakikiisa po sa atin, iyong lahat ng dumalo 1,800 po iyon—

LEO: Ang dami—

SEC. ANDANAR: At congratulations po sa inyo at basta trabaho lang tayo para lalong gumanda, umasenso ang ating communications sa ating gobyerno, kasi marami po sa mga kababayan natin ang umaasa sa government communications – lalong lalo na iyong mga nasa barangay kaya – salamat din kay Pia sa iyong oras.

  1. PIA/PNA: Thank you, Sec. Martin for having me.

SEC. ANDANAR: Oo sana madalas ka nang makadalo dito sa Cabinet Report—

  1. PIA/PNA: Sure, for the heartthrob of the Cabinet.

SEC. ANDANAR: Salamat.

LEO: Secretary last na lang, habol ko lang. Kailan mo ilulunsad iyong IOU page?

SEC. ANDANAR: Well kailangan pa nating buuin iyong buong plano, iyong communication plans pero the idea is there, of course the advocacy is there, and the advocacy is to fight fake news, iyon po iyong advocacy. Ito po ay nagsimula doon sa provincial communication officers network, ito po iyong samahan ng mga information officers sa mga probinsiya at iyong—ito nga ay naglikha ito ng idea na kailangan magkaroon tayo ng isang malawakang kampanya laban sa fake news.

So iyong IOU naman ay ito po ay—ito ay isang movement na hindi po exclusive sa gobyerno, dito po ay isinasama na natin iyong mga private citizens na talagang sawang-sawa na sa fake news. So isasama natin iyong mga government—iyong mga local media kung gusto nila or kung sinong gustong mag-volunteer at sumali doon sa movement ay welcome po. Pero abangan ninyo lang po iyong detalye ng IOU movement. Ito po ay makikita ninyo sa Facebook perhaps in a few days, Information Officers United.

LEO: Sabi ni Andrea Lee, tapos na ang henerasyon ng mga bias big network. [laughs].

SEC. ANDANAR: Basta alam mo kapag nagkaisa tayong lahat, 42,000 barangays, 42,000 information officers na united at iyong mga miyembro pa ng mga private media, iyong mga civil society kapag nagsama-sama po lahat, kapag umabot tayo ng mga 50,000 na mga talking heads are going again fake news, hindi po imposible na matalo natin ang source ng fake news. Salamat po, mabuhay po kayong lahat.

LEO: Again, maraming-maraming salamat, Secretary at enjoy the weekend.

SEC. ANDANAR: Kayo po enjoy din po kayo. Salamat po, mabuhay po kayo.

  1. PIA/PNA: Happy weekend, Sec. Mart.

LEO: Thank you, Secretary.

SEC. ANDANAR: Happy weekend. Thank you po…

###
Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau)

Resource