Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar By Milky Rigonan – One on One, DZRH


MILKY RIGONAN: Secretary Martin, magandang hapon.

SEC. ANDANAR: Magandang hapon, Milky. At magandang hapon sa lahat ng mga taga pakinig ng iyong programa dito sa DZRH.

MILKY: Secretary Andanar, ang first question ko muna iyong sa Cha-cha umarangkada na ito sa Senado, sa Kongreso at ang sabi nga ho noong iba nating mga kababayan, mas maraming mahahalagang panukalang batas daw than Cha-cha. Ito ba daw talaga ang priority ng Palasyo?

SEC. ANDANAR: Ang priority po talaga ang charter change kung [choppy signal] Pangulong Duterte na umikot [choppy signal] 2015 ay—

MILKY: Ay Secretary ikot ka ng kaunti ha medyo putol-putol ang signal mo. Iyan.

SEC. ANDANAR: …Capital region ay hindi po kumikita ng ganoong kalaking kita iyong kanilang mga probinsya dahil nga sa masyadong centralize iyong gobyerno. So hindi po equal iyong distribution of wealth. So that is the most important aspect of the charter change stating [choppy signal].

MILKY: Naku po, maganda sana iyong sinasabi ni Secretary Martin Andanar pero putol-putol ang signal. Secretary tawagan ka ulit namin ha.

SEC. ANDANAR: Opo sige po.

MILKY: Iyon medyo maganda na ulit iyong signal.

SEC. ANDANAR: Iyan mayroon na?

MILKY: Iyon okay na. So ito iyong Cha-cha, wala bang gagawing hakbang daw ang Malacañang dahil walang problema sa Kamara, pero ‘pagdating sa Senado mukhang hindi daw ho sila pape-pressure, hindi kinakailangang madaliin ang Cha-cha, iyon ang sinasabi ng mga Senador?

SEC. ANDANAR: Tama naman na kailangan din ay ‘pag-aralan ng husto ng ating mga Senador ang Charter change, ang pagpasok po ng ating Saligang Batas at porma ng gobyerno sapagka’t iyon naman talaga iyong trabaho nila, so that we leave no stone unturned. Basta kagaya ng sinabi ko po nagsimula po iyan dahil sa reklamo ng ating mga kababayan sa mga probinsiya na hindi po umaasenso, mabagal ang pag-asenso ng kanilang mga rehiyon tulad po ng mga rehiyon sa Mindanao dahil nga napapabayaan tayo ng central government. Our government is to centralize, that we have to decentralize it to give more chances to our kababayans in the provinces.

Now pagdating naman doon sa porma ng kung anong klaseng federalism, kung ito ba ay presidential-federal, kung ito ba ay parliament, etcetera. Ito po ang babalangkasin ng Senado and of course we respect our Senators, if they say that they will have to study it properly and I think tama naman iyon na dapat hindi talaga—

MILKY: Minamadali—

SEC. ANDANAR: Madaliin ng sobra.

MILKY: Naku, Secretary Andanar, kunin ko lang iyong pagkakataon na ito kasi mahirap makausap si Secretary Bong Go, ang Special Assistant to the President. Baka puwedeng pakilinaw iyong kontrobersiya, nadadawit iyong pangalan niya dito sa FAP project, kung hindi ako nagkakamali ng Philippine Navy nagkakahalaga ng 18 billion pesos. Mayroon po bang intervention, impluwensiya daw na ginagawa si Secretary Bong Go?

SEC. ANDANAR: Malinaw ho na itong Frigate Acquisition Program ay nasimulan ito at naselyuhan ito noong panahon ng administrasyong Aquino. Kung makikita po natin iyong timeline noong Hunyo, first week of June or second week of June 2016 ay na-finalize na po iyong contractor na para manalo dito.

At ang ginawa po ni SND ay ceremonial po or ministerial na lang po iyong pagpirma niya ng kontrata. So therefore there is no chance for anyone to influence the contract or even to change the contractor. Now nakalagay po doon sa kontrata na iyon 15 billion, hindi lang po barko iyon, hindi lang po iyon frigate, kasama po dito iyong Combat Management System. So therefore, hindi rin ho puwede na ibang contractor ang manalo doon sa CMS kung hindi dapat po ay kung sino iyong nanalo doon sa national— iyong pinakamalaking kontrata, I think it’s the Hyundai Heavy Industries ang nanalo, sila din po ang pipili ng maglalagay ng CMS.

Now since napili na nga po iyon, there is no way to influence it. Kasi nga ito ay naselyuhan na noong panahon pa ng Pangulong Benigno Aquino, kumbaga done deal na po ito—

MILKY: Oo itutuloy lang… Pero bakit pa nadamay iyong pangalan ni Secretary Bong Go? Inabot niya ba iyong document daw kay Secretary Delfin Lorenzana?

SEC. ANDANAR: Hindi po, hindi po nakita ni Special Assistant to the President Bong Go iyong dokumento, iyong white paper na iyon at mismong si Secretary Lorenzana ay nagsabi na hindi ho inabot sa kaniya ni Secretary o ni SAP Bong Go iyong dokumento. Ganoon din po ang sinabi ni FOIC Vice Admiral Mercado na never ho nakialam si Secretary or SAP Bong Go sa kontrata na iyan. At iyon nga kitang kita po natin na talagang wala na po talagang tiyansa na impluwensiyahan iyang kontrata na iyan dahil ito nga po ay done deal na.

MILKY: Itutuloy na lang ng Duterte administration dahil napagtibay under the PNoy administration. Pero siyempre sinasakyan ito ng mga kritiko rin ng Pangulo at sa Kamara sabi ni Congressman Garry Alejano: “marami daw anomalya itong FAP project, huwag na daw ituloy,” ang sabi.

SEC. ANDANAR: Well alam mo naman si Congressman Alejano ay talagang nasa oposisyon niya na gagawa at mag-iingay at mag-iingay talaga. It is their duty to criticize the government and I think it is policy for them also. Now we must remember that it is also Congressman Alejano ang gustong bantayan ang West Philippine Sea. Now papaano natin babantayan ang West Philippine Sea kung wala tayong mga frigate diyan na may capability na maglunsad ng isang missile from surface to air? So I think medyo kino-contradict po ni Congressman Alejano ay kaniyang adbokasiya na bantayan ang West Philippine Sea.

MILKY: Well on that note, Secretary Martin Andanar mabuti at nalinawan itong kontrobersiyang ito. Maraming salamat ho sa inyong mga paliwanag.

SEC. ANDANAR: Mabuhay ka Milky, mabuhay po ang DZRH. Salamat po.

###

SOURCE: PCOO – NIB (News and Information Bureau)

Resource