Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar by Milky Rigonan (One on One – DZRH)


MILKY RIGONAN: Nasa linya natin si Secretary Andanar ng Presidential… ahh PCOO na lang. napakahaba kasi ng title ng tanggapan ni Secretary Andanar. Secretary, magandang hapon…

SEC. ANDANAR: Hello Milky, magandang hapon. Magnadang hapon sa lahat ng nakikinig.

MILKY RIGONAN: Tapos na ba?

SEC. ANDANAR: Okay naman.

MILKY RIGONAN: Tapos na ba ang Cabinet meeting sa Senado?

SEC. ANDANAR: Ay, hindi… tumuloy yung Cabinet meeting… May meeting kami alas…

MILKY RIGONAN:Nasa Malacañang na?

SEC. ANDANAR: Hindi, hindi. Mayroon lang kaming…nagmeeting lang ng mga kasama ni SAP Bong at pinag-usapang na namin kung ano yung nangyari sa Senado kanina. So, para sa amin naman Milky ay naging matagumpay ang Senate hearing kanina.

MILKY RIGONAN: Ano ang assessment mo?

SEC. ANDANAR: I’m sorry?

MILKY RIGONAN: Ano ang assessment ng PCOO?

SEC. ANDANAR: Opo. Naging successful, naging matagumpay ang Senate hearing. At napaliwanag lahat ni Special Assistant to the President Bong Go ang kanyang saloobin at ang totoong nangyari talaga na, iyon nga, walang kinalaman, walang pinakialaman, walang nabago, walang binago doon sa kontrata ng Philippine Navy at ng Hyundai Heavy Industries.

Now, even sina Senator Legarda at iba pang mga senators doon nagsasabi na it’s a waste of time. Kasi wala naman talagang kinalaman si Bong Go doon sa kontrata ng frigate. So, mayroon lang konting point na sa palagay ko ay hindi masyado na emphasize during that hearing [overlapping voices]

MILKY RIGONAN: Bitin pa ba iyong mga paliwanag ni Secretary Bong Go?

SEC. ANDANAR: Hindi. Ang…Bitin ang paliwanag ng DND at ng Philippine Navy—

MILKY RIGONAN: Philippine Navy…

SEC. ANDANAR: Oo, sapagkat hindi naipaliwanag na humingi nga mas mahal na Tacticos Thales, ay mas mahal ng seven hundred million pesos, dahil tinaasan nila iyong presyo. Kasi mayroong nagsasabi na iyon din ang presyo daw ng Tacticos Thales before, noong 2016 ay mura lang. Kaso ang nangyari kasi Milky, ay mayroong expiration iyong kanilang SOBE, 120 days iyong prescrined period and after which mag-e-expire iyong kanilang presyo na ibinigay nila originally.

So, that’s why, noong nagpahiwatig ang Philippine Navy under the leadership of FOIC Mercado na ang gusto nila ang Tacticos Thales, nagtaas ng presyo ang kumpanyang ito. Ang nangyari tuloy, ang sabi ng Tacticos Thales that if you get this you have to pay 700 million at yung HHI naman ay ipinapasa sa gobyerno iyung gastusin na iyon at ayaw naman pumayag nina Empedrad na magbayad pa ng seven hundred million.

MILKY RIGONAN: Seven hundred million.

SEC. ANDANAR: Opo.

MILKY RIGONAN: Iyon ang hindi masyadong nabigyan ng highlight sa Senate investigation.

SEC. ANDANAR: Oo, pati iyong timeline, hindi masyadong naipaliwanag, hindi naipakita sa presentation. Power point presentation pa si DND Secretary dun, at saka si Empedrad. Meron pa silang paliwanag pero iyon nga hindi na nabigyan ng pagkakataon.

So, hindi ko alam kong magtatawag pa ng pangalawang hearing, pero hopefully sana ay maipaliwanag sa publiko. Siguro si Harry Roque na magpaliwanag.

MILKY RIGONAN: Oo, tungkol sa deal na iyan. Pero Secretary Andanar, nanood ba si Pangulong Rodrigo Duterte sa hearing? Nag start ng 9:30 in the morning, natapos ng alas tres ng hapon?

SEC. ANDANAR: Hindi ko tiyak kung nanood si Presidente, pero kahit hindi bibigyan naman ng update ang Presidente kung anong nangyari doon sa hearing na iyon. Ang mahalaga lang ho talaga dito ay inosente si Bong, si SAP Bong Go. Wala siyang kinalaman doon. So ngayon, dapat tayong lahat, we should really move forward, Milky. Kasi lahat naman ng mga senador doon, they all agree that modernization program of the AFP and the Philippine Navy ay napakahalaga, we really need strengthen it then. It is a great project. Kaya dapat yan hindi na ho ito maantala pa, sapagkat wala nga tayong frigate, wala tayong mga barko. Puro second hand, so hindi natin mabantayan ang ating karagatan at mayroong—binanggit nga ni Senator Loren, mayroong 500 million pesos na budget…

MILKY RIGONAN: Na pondo…

SEC. ANDANAR: Opo, hindi nagagastos, kasi nga dahil sa mga ganitong klaseng pag kuwestiyon, ganitong klaseng mga kontrobersiya na dapat ay wala naman.

MILKY RIGONAN: At maganda iyong punto ni Senate President pro Tempore Ralph Recto, mayroon na tayong issue ng Benham Rise, West Philippine sea, napalaki ng karagatan ng Pilipinas and yet wala pa tayong kahit isang barkong pandigma man lang. Ito nga sabi nila, si Senator Chiz Escudero: 20 years na kailangan na modernization ng Philippine Navy.

SEC. ANDANAR: O di ba? Parang… alam mo Milky, noong binenta iyong Fort Bonifacio, di ba iyong pagkakakitaan doon ay didretso sa modernization…

MILKY RIGONAN: Modernization…

SEC. ANDANAR: Ay ngayon, puno na, mga building na lahat hindi pa rin na establish yung pangbili ng frigate natin.

MILKY RIGONAN: Oo, building and shopping mall.

SEC. ANDANAR: Oo.

MILKY RIGONAN: Pero Secretary Martin, mayroong binabanggit kanina si secretary Bong Go. Mayroon daw mga ilang grupo ang nasa likod na hindi naman daw siya ang target, kundi ang punirya ay si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayaw niyang banggitin iyong mga grupong ito nang tanungin ni Senator Grace Poe. Baka naman mayroon kang alam kung anong mga grupo ito?

SEC. ANDANAR:Basta ganito na lang siguro, Milky, pagmasdan na lang siguro natin iyong mga nangyayari sa mga paligid natin, iyong mga rally na mga nangyayari na wala namang nangyayari. Iyong mga fake news na kumakalat internationally, i-trace na lang natin kung saan galing dito sa ating local front. Iyong pag-iingay din ng… iyong grupo na hindi naman kailangan mag-ingay. Iyong nal ang ang pagmasdan natin. Alam mo ang Pilipino naman ay…hindi bobo ang Pilipino, huwag na nating insultuhin ang kanilang intelligence. I think they know kung sino yung mga gustong mag destabilize kay Presidente Duterte.

Pero alam mo Milky, kahit naman nangyayari ito lahat at tayo rin ho ay nakasandal sa isang prinsipyo, ito pong prinsipyo ng demokrasya ay pinapabayaan na ho natin lahat na to peaceably assemble, to express ang kanilang damdamin, pero sana naman ay huwag ho doon sa punto na magkalat na ng misinformation, disinformation, fake news, sapagkat hindi rin naman ito healthy para sa atin lahat.

Banggit nga ni SAP Bong kanina, sa gitna po ng napaka-ingay po na… o napadaming kritiko ay otsenta por siento (80%) pa rin ang approval rating ni Presidente at ang kanyang Satisfaction rating ay, isa siya sa pinakamataas sa history po ng mga presidente sa bansa natin.

MILKY RIGONAN: Hmmm. Secretary Andanar ini-expect niyo ba mayroong pasabog na tanong itong si Senator Antonio Trillanes nang makaharap sila ni Secretary Bong Go?

SEC. ANDANAR:Usually naman si Senator Trillanes, marami talaga siyang mga tanong na sorpresa. Pero we were all confident that SAP Bong Go will be able to answer any question, any surprised question, sapagkat nasabi ko nga kaninang umaga, ang dala ni SAP Bong ay katotohanan lamang at doon tayo sa totoo. Kung hindi naman nagsisinungaling ang tao, kung wala naman itinatago ay wala dapat pang ipangamba.

MILKY RIGONAN: Uhum, iyong pagharap ni Secretary Bong Go, Secretary Andanar, be a precedent doon sa mga susunod pang pag-iimbestiga ng Senado. Halimbawa, mayroon pang mainvolve na mga Cabinet member sa mga kukuwestiyuning mga kontrata, halimbawa anomalya?

SEC. ANDANAR: Opo.

MILKY RIGONAN: Kasi unlike doon sa mga nagdaang mga administrasyon na mahirap imbitahin ang isang gabinete, ang isang gabinete?

SEC. ANDANAR: Ay hindi po mahirap imbitahin ang gabinete ni Presidente Duterte. We are all transparent, mayroon nga tayong freedom of information sa Executive branch. At kung ano mang tsismis, kung ano mang iyong mga accusations, kung mayroong corruption whatsoever, handa pong humarap si Mr. President.

Hindi po natin maiwasan ang Senado, at ito po ay para sa Pilipino. Para ipakita sa Pilipino na talaga iyong sistema natin ay gumagalaw: Gumagalaw iyong… gumugulong iyong sistema ng Senado; gumugulong iyong mga rally o iyong street parliament; gumugulong din ang freedom of the press. Lahat po ito ay para po sa isang transparent na gobyerno. Alam naman natin kung transparent ang gobyerno ay mahikayat pa mga investors na mag-invest dito sa atin, sapagkat ang iniwasan nila ay isang transparent government ay ang isang corrupt government.

MILKY RIGONAN: Uhum. Secretary Martin Andanar, baka mayroon ka pang mga mensahe sa mga nanood, nakinig at iyong ayaw pa ring tumigil dito sa pagdadawit kay Secretary Bong Go. Nasa iyo ang pagkakataon.

SEC. ANDANAR: Siguro naipaliwanag na ni SAP Bong Go ang dapat ipaliwanag at siya nga po ay handang humarap sa akung ano mang plenaryo, ano mang hearing, ano mang imbestigasyon. Kami pong lahat ng gabinete ay nagkakaisa. We are for Bong, Bong is for us. We are for every Cabinet member, all for one, one for all. Iyon lang po, Milky. Salamat sa pagkakaton.

MILKY RIGONAN: Maraming salamat po at magandang hapon. Si Secretary Martin Andanar ng Presidential Communications Operations Office.

###

 

Resource