ANGELO PALMONES: Secretary, good morning.
SEC. ROQUE: Magandang umaga, Angelo at magandang umaga po sa mga nanonood sa atin at nakikinig.
ANGELO: Opo, serious ba ang Presidente doon sa sinabi niya na 100,000 per head ng mga madadaleng NPA?
SEC. ROQUE: Wala naman pong ini-issue na implementing order tungkol diyan. So tingin ko po ang in-emphasize ng Presidente ay kinakailangan talagang masupil na talaga at matalo na at mawala na sa ating lipunan itong mga miyembro ng NPA.
ANGELO: Kasi baka mamaya sabihin na naman ay ini-embrace ng Pangulo ang… mercenary, mga mersenaryo.
SEC. ROQUE: Well, ang nais mangyari lang ni Presidente talaga ay siya ay sumasagot doon sa sinabi ni Joma Sison na magpapapatay siya ng isang sundalo kada araw. So ang sinasabi lang niya ay huwag ninyong hamunin siguro ang estado dahil mas marami namang resources ang estado. Kung kinakailangan talaga ay mas madaling mabura sa mukha ng planetang ito ang mga miyembro ng CPP-NPA.
ANGELO: Nagkausap kayo ng Pangulo tungkol doon sa pagharap ni Secretary Bong Go kahapon sa Senado?
SEC. ROQUE: Opo—
ANGELO: Anong sabi niya?
SEC. ROQUE: Ang sabi niya kasi, hindi niya napanood lahat dahil naniniwala naman siya na paninindigan ni Bong Go iyong katotohanan, pero napanood niya iyong kabahagi at siya naman po ay satisfied na lumabas ang katotohanan at malinaw na malinaw na fake news nga itong di umano ay panghihimasok ni Bong Go. Malinaw na malinaw sa kaniya na talagang fake news at talagang problema itong fake news, hindi lamang sa hanay ng mga taong gobyerno kung hindi sa hanay din ng mga pribadong mga mamamahayag.
ANGELO: Sec., paano na ito? Gaya nito, isang katulad nitong very glaring na fake news ano ho. Dahil sa pagdinig mismo ng Senado naliwanagan na wala naman talagang basehan, pero pinaninindigan pa rin ng Philippine Daily Inquirer. Anong puwedeng gawin ng taong bayan o ng mga nasa-subject sa ganitong mga pekeng balita?
SEC. ROQUE: Well ako po napekeng balita na rin ng Philippine Daily Inquirer. Ang aking ganti naman diyan, hindi ko na siya binabasa. At sa tingin ko iyong pagbaba rin ng sirkulasyon ng Philippine Daily Inquirer ay isang epekto rin noong perception ng marami na ang Daily Inquirer ay maraming fake news. So ganoon naman po iyong merkado ng malayang ideya, pag ikaw ay palaging fake news ay bababa ang mga taong nagbabasa sa iyo. Dati ako hindi nagsisimula ang araw na hindi ko nababasa iyong Inquirer, pero ngayon talaga hindi ko na siya binabasa.
ANGELO: Pero iyon nga din ang hirap sa gobyerno, kapag kayo naman ang nagdemanda ay sasabihin balat sibuyas ano ha?
SEC. ROQUE: Pero sa—ang Presidente Duterte po ni minsan hindi nagdemanda laban sa media dahil naniniwala naman siya na bahala ang taong bayan na maghusga. Kasi kahit anong fake news ang binabato kay Presidente nung isang taon at kalahati na niyang pamumuno ay sabi naman ng taong bayan ay pinakamataas ang kaniyang trust rating, approval rating sa loob ng dalawampu’t walong taon.
So iyan po ang ginagawa ng Presidente, dalhin ang kaniyang—dalhin ang kaniyang mga accomplishment directly sa ating taong bayan.
ANGELO: Secretary, maraming salamat. Magandang umaga po.
SEC. ROQUE: Salamat po, magandang umaga po.
###
SOURCE: PCOO – NIB (News and Information Bureau)