Interview

Interview Presidential Spokesperson Harry Roque by Arnold Clavio (GMA-7 – Unang Hirit)


Event Media Interview

CLAVIO:  Personal na po ba kayong nagkausap ni Health Secretary Duque? At iyong paglilinaw ba niya o pagbawi sa pahayag na iyan ay tanggap po ng Malacañang?

SEC. ROQUE:  Opo naman ‘no. Maraming beses na po kaming nakapag-usap at ang sabi naman namin ay siguro nga dahil propesyon naman ang medisina ay iba-ibang doktor bamaga’t pareho ang datos ay iba-iba rin ang interpretasyon o opinion. At ang tingin nga namin dito, hindi pupuwedeng maging first wave ang tatatlo lamang na kaso, lalung-lalo na hindi ito community acquired. So pinakita ko naman po sa pamamagitan ng datos na ang panimula po ng first wave natin ay iyong pagdating ng tatlong turista na mayroon ng COVID at tumaas nga po iyong mga kaso pagdating ng Marso at hanggang ngayon po pababa pa lang ang mga kaso, pero hindi pa natin tuluyang napa-flatten iyong tinatawag na curve.

CLAVIO:aPero ano po ang opisyal na natin, ika nga, y lagay sa COVID-19 kasi sabi nila malapit nang mag-flatten the curve, iyon ang mga termino? So ngayon nasaan na po tayo, Secretary?

SEC. ROQUE:  Papunta na po tayo doon. Kaya nga po importante at nakikiusap pa rin ako bagama’t binuksan na po natin ng bahagya ang ating ekonomiya, kinakailangan homeliners pa rin po tayo dahil iyan lang po talaga ang pamamaraan para ma-flatten iyong curve.

CLAVIO: So pa-second wave tayo?

SEC. ROQUE:  Sana po huwag umabot sa second wave dahil nagpa-flatten pa lang po iyong first wave na tinatawag.

CLAVIO:  Kaugnay ng kalituhang iyan at iyong hindi pa rin nasusunod na mga protocol na dapat ay nasabihan muna si Pangulong Duterte, mayroon po bang posibleng managot at magdulot pa ng pagkasibak sa puwesto, Secretary?

SEC. ROQUE:  Hinahayaan ko na po muna iyan ‘no sa liderato ng ating pamahalaan. Alam naman po ninyo, tagapagsalita lamang po tayo.

CLAVIO:  Pero mayroon, napag-uusapan po?

SEC. ROQUE:  Well, sa ngayon po, bising-busy ako na magbigay ng linaw na nasa first wave pa lang po tayo dahil matindi po talaga iyong takot at panic na nadulot po nung ganiyang statement na di-umano’y nasa second wave na tayo.

CLAVIO:  Pero may mananagot?

SEC. ROQUE:  Sana po.

CLAVIO:  First wave iyan kung may mananagot. Hindi na daw kayo sang-ayon sa pahayag na wala pang ebidensya na nakakahawa ang asymptomatic carrier. So, bakit hindi isama na lang sa testing daw iyong mga asymptomatic, Secretary?

SEC. ROQUE:  Well, ang problema po kasi ay limitado pa iyong ating PCR testing capacity. Kaya po ang guideline ng Department of Health ay limitado ang PCR [signal cut]

CLAVIO:  Secretary, are you okay? Good morning ulit.

SEC. ROQUE:  Pasensiya, Igan, nahulog iyong aking earphone.

CLAVIO:  Tuwing in-interview kita, mayroon kang scoop sa amin. Baka mayroon kang scoop sa amin?

SEC. ROQUE:  Well, mayroon pong announcement na isa po ‘no: Tinanggal po sa puwesto si Assistant Secretary Kristoffer “Toby” Purisima ng OCD for lack of trust and confidence.

CLAVIO:  Paki-ulit po at anong dahilan po?

SEC. ROQUE:  Lack of trust and confidence po.

CLAVIO:  Okay. Ano po ba ang papel niya sa ating COVID-19 ngayon, Secretary?

SEC. ROQUE:  Well, ang OCD po, siyempre po nasa ilalim din iyan ng DND, iyan po ay kabahagi po ng response natin sa mga crisis at iyong opisina po niya ay at the forefront of providing assistance kapag mayroon pong mga man-made or calamities ‘no. At mayroon din pong papel iyong opisina niya dito sa COVID-19 dahil kabahagi po sila sa government response sa COVID-19.

CLAVIO:  Okay. At iyong isa, sino po?

SEC. ROQUE:  Ito lang naman po iyong pagtatanggal for lack of trust and confidence.

CLAVIO:  Kay Purisima. Iyong isa po, ano ang dahilan po?

SEC. ROQUE:  Sino po iyong isa pa na sinasabi ninyo?

CLAVIO:  Sabi ninyo dalawa kanina.

SEC. ROQUE:  Ikaw talaga, ibigay ko iyong isa sa isang programa, gusto mo pareho.

CLAVIO:  Si Pangulo na ang mag-aanunsiyo po o kayo na rin mamaya?

SEC. ROQUE:  Mag-a-announce po tayo mamaya pero tinitingnan ko lang po kung handa na iyong papeles ng kapalit. Kasi iyong isa ay mayroon na pong kapalit, pero hindi po ito sinibak. Ito naman po ay voluntary resignation na irrevocable.

CLAVIO:  Kay Asec. Purisima po may kapalit na po siya?

SEC. ROQUE:  Wala pa po.

CLAVIO:  Wala pa po. Abangan na lang namin iyan. At iyong ating MECQ, GCQ, ECQ, malapit na rin po iyong May 30 po. Kausap namin si Mayor Olivarez. Ano po ang direksyon natin dito, baka bumaba na lahat sa GCQ after May 31, Secretary, para makapaghanda kaming lahat?

SEC. ROQUE:  Well, titingnan po natin ang datos. Masyado pa pong maaga ‘no. Biente dos pa lang naman po ng Mayo ngayon ‘no.

So titingnan po natin iyong pagkalat ng sakit, ngayon po nasa 5 days to 7 days ang Metro Manila. Kung ito po ay iigi pa at mas marami na tayong critical care facilities, pupuwede naman po tayong bumaba talaga to GCQ. Pero lahat po tayo ay nagnanais bumaba na iyan, kaya nga po ang patuloy na pakiusap natin, homeliners po tayo nang tuluyan na nating maiwasan iyong mas mabilis na pagkalat ng COVID-19.

CLAVIO: Kung iyong ibinahagi po ninyo sa aming Usec, iyong iaanunsyo mamaya, Secretary, na po?

SEC. ROQUE:  Hindi po.

CLAVIO:  Hindi rin. Iyon lang, abangan na lang namin, Secretary. Maraming salamat ha.

SEC. ROQUE:  Maraming salamat po.

CLAVIO:  Salamat po sa pagbibigay sa amin ng scoop. Thank you po.  Ito, reaksiyon muna daw, sabi ng SWS lumubo iyong nagugutom nitong nakalipas na tatlong buwan habang tayo ay naka-lockdown at may pandemic, Secretary?

SEC. ROQUE: Well, talagang nakakalungkot iyan kaya nga po lahat po ay ginagawa natin para magbigay ng ayuda sa ating mga mamaya. Nais sana nating maiwasan iyong ganyang malungkot na balita, pero talaga pong kapag sarado ang ekonomiya ay marami talagang nahihirapan at naiintindihan po iyan ng ating Pangulo. Kaya nga po sana magtulungan na tayong lahat para po lalo pa nating mabuksan ang ating ekonomiya nang sa ganoon ay mabawasang muli ang mga nagugutom sa ating bayan.

CLAVIO:  Opo, maraming salamat po muli. Good morning, Atty. Harry Roque, ang ating Presidential Spokesman.

SEC. ROQUE:  Magandang umaga po.

 

###

 

SOURCE: PCOO-NIB News and Information Bureau-Data Processing Center