SEC. ROQUE: Magandang umaga Ka Orly; magandang umaga po sa mga nakikinig.
ORLY: Okay. Ang aming katanungan para sa araw na ito ay hihingiin namin ang reaksiyon ang mga—iba ibang mga lumalabas sa aming reaksiyon sa pahayag ng ating Pangulo na ayaw niya na babae na naman ang magiging Punong Mahistrado po ng Korte Suprema. Ano bang sa tingin mo ang dapat na konteksto na para maipaliwanag. Of course, ang Gabriela na-interview ko kanina talagang, you know, they are reacting; but sa pananaw ninyo how should we view the statement of the President?
SEC. ROQUE: Well, sa akin simple lang po ‘no. Nagkaroon po ng tatlong appointment recently ang Presidente lahat po babae – iyong ating acting Secretary ngayon po ng DSWD, iyong ating Comelec Commissioner Justice Inting, at saka ang ating Department of Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, lahat po iyan ay kababaihan.
So sa akin po—hindi ko po talaga alam kung ano iyong konteksto ng sinabi ni Presidente na ‘di umano ayaw niya ng babae. Pero malinaw po na iyong mga na-a-appoint po niya nitong mga nakalipas na araw puro kababaihan. So meaning, wala pong bias si Presidente laban sa kababaihan. At kung mayroon pong kuwalipikadong aplikante para sa Chief Justice eh mai-kokonsidera rin po iyan dahil sa ngayon naman po ang ating proseso ang nagno-nominate po ng Chief Justice ay ang Judicial Bar Council at ngayon po wala pa pong mga nominado.
ORLY: Mayroon ding sinabi yata ang Presidente tungkol sa pulitiko eh. Sabi niya ayaw ko ng—you know, hindi na—parang, you can be sure it’s not going to be a politician or a woman…
SEC. ROQUE: Parang—ang konteksto po noon ay parang sa Ombudsman, ayaw niya ng—
ORLY: Ah sa Ombudsman, oo.
SEC. ROQUE: Opo, opo.
ORLY: So itong dalawang position na ito ay kritikal para sa ating bansa at saka sa tutok ng Pangulo tungkol sa anong anomalya, iyong graft and corruptions specially.
SEC. ROQUE: Opo. At kaya naman po ang sabi ni Presidente, kaya ayaw niya ng pulitiko sa Ombudsman, kasi gusto niya ipatupad lang iyong batas ‘no, ayaw niya iyong maraming utang na loob, ayaw niyang naaareglo, iyong mga ganoon ‘no. So sa akin po tama din naman iyong tact niya na iyon na huwag magtalaga ng pulitiko bilang Ombudsman.
ORLY: Okay, ano naman ang reaksiyon ng Pangulo sa—itong nalalathala at naipalabas na hamon ni former Chief Justice Sereno na mag-resign ang Pangulo?
SEC. ROQUE: Well, nabanggit nga po niya sa akin iyan na kailangan na mag-react daw. Eh ang sabi niya bakit daw siya magre-resign eh hindi naman daw sila kapareho ‘no. Unang una, bagama’t pilit na sinasabi ni Chief Justice na ang Pangulo ang nasa likod ng kaniyang pagkatanggal, ang tumanggal sa kaniya ay sarili niyang mga kasama sa Korte Suprema at kaya siya natanggal po dahil po sa hindi niya pagpa-file ng SALN na requirement ng Saligang Batas, in other words lumabag siya doon sa Saligang Batas.
Eh ang Presidente naman po walang nilalabag na probisyon ng ating Saligang Batas. Alam mo may kasabihan tayo, kapag ikaw nanturo, may isang daliri nakaturo pero ang apat na daliri ay nakaturo sa iyo ‘no, nakabalik ‘no. Ganiyang ganiyan po ang nangyari kay CJ, humarap lang po siya sa salamin at iyan po ang makikita niya kung sino talaga ang nasa likod ng kaniyang pagkakatanggal.
ORLY: So sa—[Laughs] Well, no one really expects the President to resign on this matter. But siguro dito lang nila makikita na—kasi ang sinasabi ni former Chief Justice is that the President himself gave the order. Pero didn’t that happen after—itong move to impeach the Chief Justice had already been going for a while?
SEC. ROQUE: Well, totoo po ‘no. At saka malinaw naman po, eh kung lahat ng bumoto kay… laban kay Chief Justice eh mga appointee ni Presidente puwede sigurong sabihin. Pero aapat lang po ang appointed ni Presidente doon sa Korte Suprema, walo pong bumoto laban sa kaniya. So tanggapin na lang po talaga niya na ang ginawa ng Korte Suprema eh talagang itinaguyod noong ating Saligang Batas at tanggapin na lang po niya na baka talagang mayroon talaga siyang ginawa na hindi maganda na talagang sarili niyang mga kasama sa Korte Suprema ay bumoto laban sa kaniya.
ORLY: My last question lang ako. Pupunta pa ba si Presidente doon sa Philippine Rise o hindi na? May plano pa ba?
SEC. ROQUE: Wala na po. Nanggaling na po doon sa area ang Presidente. Ang sinasabi ko nga lang po doon sa media na nagsasabing hindi raw natuloy, unang una, ang Philippine Rise po ang definition niyan soil and subsoil, huwag nating gawing literal. Kasi kung soil and subsoil nasa ilalim ng karagatan iyan, kinakailangan mo ng submarine. So ang ginawa po ng ating Presidente ay talagang nag-send off ng mga marine scientists; at pangalawa po, nag-float sila ng mga boya [buoy] ‘no.
At sa akin po sapat na iyon para i-assert iyong ating karapatan sa Philippine Rise at symbolic nga po ‘no na sinasabi na ang Philippine Rise ay para sa mga Pilipino lamang.
ORLY: Maraming salamat, Secretary Harry Roque. Thank you very much for answering our call.
SEC. ROQUE: Magandang umaga po. Maraming salamat po.
###
Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)