Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Jeff Canoy & Neil Badion (Failon Ngayon – DZMM)


Q: Okay, at makakausap naman natin ngayon siyempre – si Presidential Spokesperson Harry Roque. Isang New Year’s message mula sa Malacañang… Boss Harry, Happy New Year.

Q: Good morning, Happy New Year!

SEC. ROQUE: Ay Happy New Year po Jeff at si…

Q: Jeff din po, Jeff 1 at Jeff 2 sir…

SEC. ROQUE: Ah, Jeff 1 and Jeff 2… Oh, Happy New Year po sa inyo ‘no. Naku, sigurado naman tayong… tayo’y magkasama muli ‘no. So magkasama tayo ng isa pang taon sa 2018.

Q: Kamusta sir ang naging pagsalubong ninyo sa 2018?

SEC. ROQUE: Well gaya po ng sambayanan natin, masaya naman po pagsalubong natin. Wala na po halos paputok ngayon, pero mayroon pa ring mga sparklers at mayroon pa ring siyempre, iyong mga pamilyang nagtitipon-tipon at saka mga kaibigan, mga kapitbahay na nagbabatian ng Manigong Bagong Taon.

Q: Okay. So Secretary Roque, si Pangulo ba saan nag-New Year?

SEC. ROQUE: Ay, nasa Davao po si Pangulo opo… oo. Nakaugalian na po niya ‘yan na tuwing Pasko at New Year talagang nasa Davao po siya.

Q: Oo. Ang ating EO 28 mukhang naging epektibo talaga, kasi kagabi napakatahimik Secretary ng Kamaynilaan. Of course, mayroon at mayroon at mayroon… at nakikita din natin ‘no sa mga reports na pumapasok sa amin dito sa news room, eh mayroon pero kakaunti lamang itong mga naputukan. So mukhang medyo… success talaga ang EO 28…

Q: May pagbabago…

SEC. ROQUE: At napatunayan natin na bagama’t napakalaking bawas po ang paputok nitong Bagong Taon, ay patuloy pa rin naman naging maligaya ang ating sambayanan. Oh, so hindi kinakailangan talagang magpaputol ng daliri, ng kamay… mawalan ng mata para tayo po’y magsaya sa pagpasok ng bagong taon. Napatunayan po natin ‘yan nitong bagong taon na ‘to.

Q: Sinasabi ko nga kanina Secretary ‘no, so mas may… itong EO 28 hindi lamang paglilimita ng paputok ang magiging—ang epekto nito. Eh magkakaroon din kasi… kung hindi ka na magpapaputok, mas matagal kayo sa hapag-kainan, mas matagal kayong mag-uusap ng inyong mga pamilya kaya medyo mas magiging maganda ang samahan ng family ‘no, Secretary.

SEC. ROQUE: Tama po, as taken po naging karanasan natin ‘no na talagang ang naging emphasis ngayon ay iyong samahan sa isang pamilya at sa isang komunidad ‘no kaysa doon sa paputok. At dahil po diyan eh tingin ko naman, eh mas masaya nga itong naging bagong taon na ito ‘no, dahil pagdating ng alas dose na walang paputok… eh lahat lang tayo’y sumisigaw ng “Happy New Year,” at naghahalikan, nag-aakapan.

Q: Sec., medyo marami tayong napagdaanan nitong 2017, nitong ating bansa. Eh, ano po bang tingin ninyo sa nagdaang taon natin, itong iniwan natin kagabi, iyong 2017 na may mga… gusto po ba tayong baguhin or i-maintain para po sa susunod na taon?

SEC. ROQUE: Well alam ninyo po nagkaroon na ng SWS survey na 96%, halos lahat po ng Pilipino at ito po ang pinakamataas sa kasaysayan ng ating bayan, ay mayroong pag-asa sa pagpasok ng bagong taon. At sa tingin ko, tama naman tayong umasa dahil itong taon na nakalipas, nakita natin napakadaming trahedya, may mga bagyo, may mga giyera… pero lahat po ‘yan ay nakabangon muli ang Pilipino, taas-noo at humaharap nang may pag-asa sa bagong taon. So tingin ko po, ‘yan po talaga ay isang kaparte na ng ating kultura, ng ating personalidad na iyong mga Pilipino, ang kakayahan na bumangon, umasa at umusong ‘no sa mga bagong paghamon na darating pa.

At tingin ko po sa 2018, hindi po mawawala ang mga paghamon… unfortunately po talagang nandoon tayo sa gitna ng ring of fire, nasa gitna tayo ng… sa pass ng Pacific Ocean na kung anu-anong aberya’t bagyo ang pumapasok sa atin. Pero gaya ng nakaraan, tayo po’y umaasa dahil alam natin kahit anong pagsubok… eh tayo po ay, in the end ‘no, we will prevail and we will rise as one nation.

Q: Oo… Naku, ay dapat talaga ‘yan positive… positive thinking for 2018, pagtutulungan ng bawat Pilipino para sa isang mas magandang Pilipinas. Alam mo tama ka diyan Secretary, napakarami talaga nating challenges noong 2017, pero naka-move forward pa din tayo. Kaya ngayong 2018… siyempre marami pa rin tayong mga susuungin ano, pero kayang-kaya ito nga mga Pilipino, Secretary.

SEC. ROQUE: Basta’t sama-sama po tayo, kapit-bisig… kahit ano po ‘yan, kakayanin nating mga Pilipino.

Q: Okay. Maraming salamat po, Secretary Harry Roque. Happy New Year po sir…

Q: Happy New Year, Secretary.

SEC. ROQUE: Happy New Year po sa inyo, at Happy New Year sa buong Pilipinas. Magandang umaga po.

Q: ‘Ayan si Presidential Spokesperson, Secretary Harry Roque…

###

 

Resource