FAILON: (RECORDING CUT) … by virtue, etc., signed, may pirma ho dito at may seal ni Presidente. Ang in-appoint po dito – if you can you just verify ano po kung ito ho ay may kopya ho kayo o anuman, talagang nailabas na po officially – Ms. Catherine Paredes-Maceda through the Chairperson Energy Regulatory Commission, Pasig City, sir. Ito amin po para… nalaman po nga na appointment po, OIC Commissioner po, sir.
SEC. ROQUE: Well, again, Manong Ted, tayo po ay tagapagsalita lamang, makipag-ugnayan po tayo kay Executive Secretary. Pero dahil tayo ay abugado rin, baka po parang ang isyu ngayon ay paano mong mai-implement ang TRO, na implemented na iyong pinipigilan ng ating Court of Appeals. Parang naging moot na iyong temporary restraining order na iyan dahil ayan na nga po, nagkaroon ng implementasyon at nagkaroon na ng appointment ng OIC. Pero ibi-verify ko rin po iyang appointment ng OIC dahil hindi ko pa yata formally—
FAILON: Opo, please lang po. Baka lang ho siguro, you know, naipit somewhere or hindi po natuloy ang appoint. But again, ito po ang akin pong hawak na impormasyon at akin nga pong binasa. Ang punto lang po kasi natin dito, Attorney, Spokesperson, Secretary, sir, ay iyon nga, iyon pong punto na ang pinag-uusapan po ay iyon pong irreparable injury, sa hango po sa decision ng CA. Irreparable injury nino? Sabi po dito, sa taumbayan daw po ang sinasabi po, Attorney. Irreparable injury. ‘Di po ba, sir, iyong Ombudsman suspension, ganoon din po iyon, para ho sa kapakanan po ng taumbayan?
SEC. ROQUE: Tama po iyon. Pero sa punto ng Ehekutibo, wala pong irreparable injury pagdating naman doon sa serbisyo ng ERC, kasi nga po nariyan iyong pag-a-appoint, pagtatalaga ng mga acting commissioners. So wala po dapat maging paralysis diyan dahil, unang-una, hiwalay naman po iyong mga day-to-day workers na opisyales ng ating ERC. Iyong policy lang naman pong ginagawa ng mga members ng commission en banc. At gaya ng nasabi ko na dati sa programa ninyo, maiiwasan naman po ang aberya sa pamamagitan ng pag-appoint ng acting commissioners. So mayroon pong pamamaraan talaga para maiwasan iyong sinasabi nila na ‘irreparable injury.’ Wala pong irreparable injury; pero ibi-verify po natin lahat ito mamaya.
TULFO: Opo, sige po. Salamat po nang marami, Attorney. At abangan po namin ang inyong announcement, kung mayroon mamamaya, concerning this matter po. Salamat po, Attorney. Mabuhay po kayo.
SEC. ROQUE: Maraming salamat po. Magandang umaga po.
###
SOURCE: PCOO – NIB (News and Information Bureau)