TED: Attorney Roque, sir, good morning po and Happy New Year, Sec.
SEC. ROQUE: Happy New Year, Manong Ted; at sa lahat ng nanonood at nakikinig sa atin, magandang umaga po.
TED: Happy New Year, sir. And by the way, sir ha, kanina po amin ng nakausap po iyong taga PPA at maganda nga po ang kinalabasan ano ho, nagkaroon na po ng aksiyon ang gobyerno and you know kumbaga happy ending po ang nangyari doon po sa mga na-stranded na pasahero sa pantalan natin sa katulong din po ng gobyerno. Thank you po, Attorney Harry sa inyo po ng pagiging bahagi po ng atin pong ginawang tulong dito po sa mga na-stranded po na mga pasahero, Attorney.
SEC. ROQUE: Ay walang anuman po, eh trabaho naman po talaga ng taong gobyerno iyan, na magbigay serbisyo sa ating mga kababayan.
TED: Attorney, amin pong nakapanayam si Attorney Sal Panelo noong Friday din po ito ‘no ho. At tungkol doon sa ERC Commissioners appointment iyong mga OIC—
SEC. ROQUE: Opo.
TED: At siya po ay—sabi niya sa akin, that day daw ho nagbigay siya ng—siya ng memorandum kay Presidente informing the President daw ho na walang balakid ‘no, allowed daw ho, sa ilalim po ng mga panuntunang mga batas na makapag-appoint siya ng Officer-in-charge para po sa ERC.
Ngayon po if you read the papers mayroon na pong mga concern iyon pong mg stakeholders ‘no, iyong mga nasa power industry at iyon nga po ang sinasabi, kung maaari daw ho eh mapunuan iyong vacuum na ito sa mga na-suspinde pong Commissioners.
Ano ho ang ating balita kay Presidente? Mayroon na ho ba siyang ano ho dito, sinasabi o mayroon na ho bang posibilidad po na makapag-appoint within the week ng nga OIC, sir?
SEC. ROQUE: Well ang masasabi ko lang po, Manong Ted, noong pumutok na itong suspension na ito ay ang sabi ay pinag-aaralan talaga ng tanggapan ng Executive Secretary kasi alam ni Presidente, hindi pupuwede na mawalan ng mga Commissioners ang ERC sa dami ng mga pending na PSA ‘no. At totoo po iyong sinasabi ni Chairman Devanadera kung mapa-paralyze ng isang taon ang ERC, talagang magkaka-brown out tayo ‘no.
So ang huling narinig ko po kay Executive Secretary Medialdea ‘no, pinag-aaralan nilang mabuti kasi… isang posibilidad, eh pag-aralan nga kung ano iyong basehan ng Ombudsman para sila ma-suspend at tingnan kung pupuwede silang… magdesisyon na ang Presidente na tanggalin. Pero ang problema po ni Executive Secretary diyan ay mayroon po kasing fixed term ang mga taga ERC ‘no. So… kaya pinag-aaralang mabuti. Tapos ito pong deklarasyon ni Presidential Chief Legal Counsel Sal Panelo na OIC, isang posibilidad din po ‘no.
Pero ang malinaw po hindi po pupuwedeng ma-paralyze ang ERC dahil napaka-importante po ng papel na ginagampanan ng tanggapan na iyan.
TED: Opo and so—iyon po ang klaro na hindi papayag ang gobyerno na ma-paralyze po ang Commission na ito ng dahil po lamang sa isyung ito. So may mangyayari pong aksiyon ASAP I think?
SEC. ROQUE: Mayroon po, mayroon po. Kung mayroon po ay sa tingin ko mayroon pong gagawin ang Presidente diyan. Pero lilinawin ko lang po: hindi rin po naman sang-ayon tayo na mabalewala iyong suspension order just because we don’t want to paralyze ito. Tama po iyong sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel Attorney Sal Panelo ‘no na pupuwede naman din siguro na OIC appointee.
TED: Opo, sige po. Sir, mayroon kayong nabanggit na announcement daw po. Hindi ba ito today, tomorrow pa kung sino po iyong kaano ninyo… opisyal ng gobyerno na ite-terminate po ang serbisyo?
SEC. ROQUE: Ah mayroon namang pong isa pero bukas ko na po i-a-anunsiyo iyan dahil baka magalit ang mga taga Malacañang Press Corps. [laughs]
TED: Oo naunawaan ko—
SEC. ROQUE: Pero ang masasabi ko lang po eh mukhang may nakikinig sa programa ninyo.
TED: Babae, lalaki?
SEC. ROQUE: Ewan ko lang ha, give away na iyan ha, give away na iyan. [laughs]
TED: Opo, opo, opo. Sige po, ayaw ko ho kayong bigyan po ng pressure baka magalit nga ang Malacañang Press Corps. Bukas na lang.
SEC. ROQUE: Sige po, Manong Ted.
TED: Opo, Attorney Harry muli po ha, marami pong salamat sa inyo pong lagi pong pagtugon sa aming mga tawag sa ngalan po ng public service. Mabuhay po, Attorney. Thank you.
SEC. ROQUE: Maraming salamat po. Happy New Year po. Magandang umaga po.
####