Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Willie Delgado and Rod Marcelino (DZXL – Straight to the Point)


Event Radio Interview

Q: Sige… Secretary, magandang umaga at Kung Hei Fat Choy.

SEC. ROQUE: Oo magandang umaga po at Kung Hei Fat Choy at magandang umaga po sa lahat ng nakikinig sa atin.

Q: Kayo ho ba ay nagse-celebrate din ng Chinese New Year at may mga—

SEC. ROQUE: Nag-celebrate po kami, kumakain ng tikoy at nagsusuot ng pula tapos naglalagay ng 999 sa isang pulang sobre na nasa bulsa simula kahapon.

Q: Secretary, anong ginagawa ninyo po doon sa 999?

SEC. ROQUE: Ewan ko nga ba, sabi ko kay Misis, ‘Oh anong gagawin natin dito ngayon, ngayong tapos na ang Chinese New Year.’

Q: Hindi daw dapat igastos iyon. Pinatago lang iyon ng isang taon.

SEC. ROQUE: Ay itatago ho pala iyon.

Q: Pero kayo ho ba ay may lahing Chinese?

SEC. ROQUE: Ay naku sana po mayroon pero nakiki-Chinese na rin tayo para naman kahit papaano ay yumaman tayo.

Q: Wala naman mawawala.

Q: Pinag-uusapan iyang Chinese. Napaka… iyong isyu-isyu ngayon iyong mga pagpapangalan ng Chinese doon sa laman ng ating Benham Rise, Secretary?

SEC. ROQUE: Well unang-una po huwag nating tawaging Benham Rise dahil ang Benham po, iyan po ay pangalan na ibinigay ng mga Amerikano, nakadiskubre niyang Philippine Rise. Pinalanganan na po nating Philippine Rise iyan. Kaya nga naman po ang posisyon natin, ng ating Presidente ay huwag naman magalit ang Tsino kahit sila iyong nagbigay ng mga ganoong pangalan, gaya ng ginawa natin sa Amerika at sa pangalan na ibinigay ng mga Amerikano. Bibigyan din nating mga Filipino ang pangalan iyang mga nasa ilalim ng karagatan, diyan sa Philippine Rise.

Q: Kaso ang nangyari na idineklara natin lagi iyang mga ganiyang pangalan, kumbaga parang sumunod na lang tayo sa mga ipinalanganan noong araw, hindi tayo iyong ang siyang nangunang nagpangalan sa mga iyan.

SEC. ROQUE: Hindi na po, kaya nga po ang South China Sea—

Q: Binabago na natin, oo.

SEC. ROQUE: West Philippine Sea na ngayon.

Q: Ang ating Benham Rise, Philippine Rise na ngayon at maganda po lamang pong mga pangalan iyang pinalanganan ng mga Tsino. Ang sabi ko nga, pangalan ko na lang iyong isa diyan, kay Herminio ‘di ba? Para matapos iyan, oo.

Q: Ang isang rise lang na pinalanganan ng Pilipinas, NFA rice.

SEC. ROQUE: [laughs]. Opo.

Q: Secretary may—o reaksiyon na ba si Pangulong Rodrigo Duterte tungkol doon sa nangyari kay Pastor Quiboloy? Alam natin itong si Pastor Quiboloy, ay close na close kay Pangulong Duterte?

SEC. ROQUE: Wala po dahil pribadong indibidwal naman si Pastor Quiboloy at alam naman ni Presidente, kaya niyang pangalagaan ang kaniyang sarili.

Q: Secretary balikan ko lang iyong Benham—iyong Philippine Rise, sir. May mga isinumiteng pangalan ang China doon sa UN. Bakit parang ni-recognize nila? Samantalang recognizable sa atin iyong Philippine Rise?

SEC. ROQUE: Well alam ninyo po na iyong pagpapangalan naman ay wala naman pong kinalaman sa titulo at sa—doon sa tinatawag nating sovereign rights, may proseso lang po talaga iyong international scientific community na iyong mga nakadiskubre ay sila po ang puwedeng magbigay ng pangalan. Pero ito maski nadiskubre nila iyan ay walang kaduda-duda po na ang Pilipinas ang may sovereign rights dahil ang UN Commission on Extended Continental Shelf ay nagkaroon ng desisyon na atin iyan. So…  pero ganoon pa man ang nirereklamo naman ng mga developing countries, gaya ng Pilipinas, hindi naman tayo miyembro noong asosasyon na nagbibigay ng mga pangalan na iyan. So hindi makatarungan na iyong mga malalakas na country lang na maraming perang ginagamit para sa siyensiya, ang nakakapagpangalan. So kaisa tayo noong developing world sa pagtutol sa ganitong patakaran. At kaya nga sinabi na natin na nag-o-object tayo at tayo mismo ang magbibigay ng pangalan na Filipino diyan sa mga submerge features na iyan.

Q: Pero hindi nangangahulugang opisyal po iyon na—

SEC. ROQUE: Hindi po in fact sa batas ng Pilipinas hindi natin kikilalanin iyan.

Q: Kasi parang lumalabas—pero ano bang pumasok sa utak nitong mga Chinese na ito at—

SEC. ROQUE: Hindi pero iyon nga naman po, wala naman po silang masamang ring ginawa kasi iyan naman po talaga iyong base sa siyensiya. ‘Di ba ho kapag may nakadiskubre ng bagong bulaklak ay sila ang nakakapagbigay ng pangalan. So ganoon din po, ito naman kasi kahit anong nadiskubre nila doon dahil wala naman silang titulo doon, pangalan puwede silang magbigay pero pati sa pangalan, dahil nga—dapat naman consistent tayo, hindi natin ginamit ang mga pangalan na ibinigay ng mga Amerikano sa Benham Rise, hindi rin natin gagamitin iyang mga pangalan na ibinigay ng Tsina.

Q: Maiba tayo, isa ring mainit ngayon iyong pinag-uusapan iyong biyahe nitong si Secretary Wanda ng Tourism. Ano bang take ng Pangulo dito? Doon sa mga nakaraan kasi may mga sinasabing excessive na biyahe ang nagro-root sa pagsibak sa puwesto ng mga nasa Gabinete ng Pangulo?

SEC. ROQUE: Well ang sa akin naman po, ang tingin ko hindi naman po nakakapagtaka ang biyahe ni Secretary Wanda dahil siyempre binibenta ang Pilipinas bilang isang tourist destination. So hanggang doon lang po ang Malacañang diyan sa isyu na iyan.

Q: Pero doon sa punto na kung sino-sino iyong isinama niya sa biyahe, kanino po ipinapasa ng Malacañang iyon?

SEC. ROQUE: Kasi mayroon naman pong COA rules iyan, kung sinong dapat sumama. Ang alam ko po kada Gabinete ay maximum na apat ang pupuwedeng isama. Kapag naman po mas madami pa sa apat ay iyan po ay masa-subject na to review ng COA o kaya naman notice of disallowance.

Q: Binabanggit ko nga kahapon, mayroon bang kapangyarihan ang isang Kalihim na mamili kung sino iyong kaniyang isasama?

SEC. ROQUE: Well mayroon naman po, kaya lang po mayroon ding requirements kung sino sila. Kasi ang alam ko po diyan ay mayroong isang tinatawag na substantive staff, iyong isa na support staff at mayroong isa na personal assistant. So iyan po iyong alam kong isinasama dahil noong ako ay nagbiyahe sa state visit bagama’t hindi ko po nilulubos iyan ay nagsasama ako ng executive assistant, so iyon lang po ang aking kasama pero pupuwede pa akong magsama ng dalawa kung gusto ko. Pero hindi ko na nga po ginagawa iyon dahil abogado naman ako kaya hindi ko kinakailangan ng isang substantive staff so ako na lahat ang gumagawa ng research doon. Pero siyempre iyong ibang mga Kalihim dahil hindi naman sila mga abogado baka kinakailangang magsama din. Mayroong mga pinag-uusapan na mga kontrata.

Q: Ang nag-trigger kasi ng question dito, Secretary ay ayon doon sa ilang mga insider ng tourism, iyong ilang mga nakasama, nabigyan ng pagkakataong magbiyahe ay nasa hanay po ng mga rank and filena hindi naman talaga required na sumama sa mga biyahe ni Secretary Wanda?

SEC. ROQUE: Well ang sa akin naman po ay pakitanong na lang po iyan kay Secretary Wanda dahil ako naman po ay hindi taga-pagsalita ni Secretary Wan.

Q: Iyong iba personal na pera niya iyong ginagamit?

Q: So anyway, mensahe ninyo na lang ngayong Chinese New Year, Secretary Harry Roque sa Chinese.

SEC. ROQUE: Well Kung Hei Fat Choy po. At alam mo ang maganda naman dito sa tradisyon na ito ay nagiging pagkakataon para ating palakasin ang ating pagkakasama-sama, lalong lalo na doon sa ating mga kapatid na mga Filipino-Chinese. At ngayon po dahil alam nating importante ngayon ang relasyon ng bansang Tsina dito sa ating parte ng daigdig na ito. Okasyon na ito para tayo po ay makipagkapit-bisig din sa ating kapitbahay, karatig bansa at ngayon po isang matalik na kaibigan, ang bansang Tsina.

Q: Okay, maraming-maraming salamat po. Good morning.

SEC. ROQUE: Good morning.

###

SOURCE: PCOO – NIB (News and Information Bureau)

Resource