Interview

Interview with Acting Presidential Spokesperson and Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar by Henry Uri and Mavel Arive – Operation Tulong, DZRH


URI: Sec. Mart, magandang umaga!

SEC. ANDANAR: Yes, Pareng Henry, good morning! Magandang umaga sa lahat ng nakikinig, si Doña Mavel

ARIVE: Good morning, Sec.!

SEC. ANDANAR: It’s great to meet you, to see you here, napakaganda ng studio ninyo. Sabi ko napakamakabago, moderno at talaga namang international standard ‘no.

URI: Parang iyong ibang mga studio lang ng government station, Secretary Martin.

SEC. ANDANAR: Hindi, hindi kasi mas bago ito eh! Mayroon ka ng mga LED wall eh at ito naman ay nakikita mo lang sa mga BBC, hindi ba? America.

URI: Kita mo na?

SEC. ANDANAR: Hindi, bago, bago talaga eh! At saka ang bango!

URI: Huh? Eh, baka naman iyong—

SEC. ANDANAR: Si Doña [laughs].

URI: Nagtitinda ho kasi iyan ng pabango [laughs].

Anyway, ano ang mabangong balita ngayon sa Palasyo? Unahin lang ho natin itong intervention, operation tulong na gagawin po ng Administrasyon lalo na sa mga driver na ngayon po ay talaga hong umiiyak na.

ARIVE: Kung maaalala mo, Ka Henry, lagi tayong nakaka-interview ‘di ba ng mga tsuper ng mga jeep—

URI: Yes!

ARIVE: Ayan, halos araw-araw may nai-interview tayo at talaga naman na kumakatok sila sa government.

URI: Hindi namin ho ma-imagine kong papaano pinagkakasya iyong 200/300—

ARIVE: Masuwerte na raw kung 300.

URI: —maiuuwi sa pamilya tuwing hapon. So, ano ang gagawin ngayon ng gobyerno riyan?

SEC. ANDANAR: Simula bukas, Pareng Henry, ay idi-distribute na, ipamamahagi na ng LTFRB iyong P2.5 billion na subsidy ng ating pamahalaan para sa mga tsuper ‘no. So, ito ay ayon naman kay DBM Undersecretary at spokesman si Rolando Toledo na mayroong mga 377,000 mahigit na beneficiaries dito sa DOTr na funds na nagkaka—

ARIVE: Magkano iyan, Sec., kada—

SEC. ANDANAR: Ang kabuuan ay P2.5 billion tapos iyong—

URI: Beneficiaries ilan?

SEC. ANDANAR: 377,443.

URI: Puro driver ho iyan?

SEC. ANDANAR: Halo-halo na ito, kasama na dito iyong… of course iyong jeepney driver na iyon naman talaga iyong number one diyan, tapos iyong mga driver ng mga UV Express, nandiyan din iyong minibus driver, iyong mga bus, shuttle services kasama din diyan, iyong taxi, tricycle, iyong Transport Network Vehicle Services—

URI: TNVS?

SEC. ANDANAR: TNVS. Iyong motorcycle taxi kasama iyon, tapos—

URI: Iyong mga Angkas?

SEC. ANDANAR: Good news, iyong mga delivery services kasama rin. Tapos ang ibibigay dito ay P6,500.

URI: Kada isa ito?

SEC. ANDANAR: Kada isa.

ARIVE: One-time lang ito, Sec.?

SEC. ANDANAR: Oo, ito one-time P6,500. So, malaking tulong na ito sa ating mga kasamahan, mga kaibigan, kababayan, na nandiyan sa transport sector.

URI: So, ang simula ng pamimigay ay bukas?

SEC. ANDANAR: Oo, bukas.

URI: Papaano at saan sila magki-claim nito? Ano ang kanilang mga kailangang gawin?

ARIVE: Requirements?

URI: May pupuntahan ba silang bangko, government financial institution or ihuhulog na lang ito sa kanilang mga account?

SEC. ANDANAR: Magandang tanong iyan. Ihuhulog ito sa mga cash cards na galing sa Land Bank of the Philippines. So, kailangan may cash card kayo na—

URI: Pero iyong 377,400 beneficiaries na iyan, lahat ba iyan ay may cash card? At kung wala pang cash card, papaano sila magkakaroon nito?

SEC. ANDANAR: Eh, magbukas na kayo ng cash card. Siyempre, pumunta kayo ng Land Bank. Pero alam mo, kasi ito identified na eh. 377,000 identified na ito eh, so, most likely—

ARIVE: May mga cash card na sila.

SEC. ANDANAR: -—mayroong mga cash card na. Kung wala naman eh madali lang naman mag-apply ng cash card sa Land Bank.

URI: At kung identified na ibig sabihin may listahan na niyan ang DOTr at ang DBM kung sinu-sinong bibigyan?

SEC. ANDANAR: May listahan ang DOTr, ang LTFRB, sa DOTr, tapos ibibigay nila doon sa—of course, para ma-justify ‘no sa DBM tapos sa COA, para makita—

URI: Baka kasi ho, Doña, baka ang maging tanong diyan eh: “Naku! Baka iyang cash card naman na iyan eh may bayad at saka matagal iyan kuhanin eh papaano kung bukas na iyan?”

SEC. ANDANAR: Wala eh. Kapag cash card naman ay mag-deposit ka lang ng kaunting halaga. Hindi ko lang alam kung magkano iyong minimum na deposito.

URI: At saka baka naman puwedeng pakiusapan na rin ang Land Bank na i-waive na iyan, kaya nga kasi kung 6,500 iyan mabawasan ng 200 iyan malaking bagay din iyan eh. Baka puwedeng mapakiusapan na i-waive na iyan—

SEC. ANDANAR: Ay, oo. Siyempre naman, siyempre naman.

ARIVE: Para buo na nilang makuha.

URI: Oo, makuha.

SEC. ANDANAR: Tapos ang maganda pa ay iyong Department of Agriculture. Kasi magandang operation tulong ito dahil mayroon ding implementation ng P500 million na fuel discount o fuel subsidy between the last week of March, ngayong buwan na ito hanggang first week of April.

Now, ang beneficiaries ng Department of Agriculture ay makakatanggap ng 30% fuel discount or maximum na P3,000 each. So, you just do the math, 500 million divided by 3,000, ganung kadami ang makakatanggap.

URI: Okay. Farmers – sinu-sino iyan? Iyan ba iyong mga nasa delivery ng pagkain? Iyan ba iyong mga nasa trucking ng isda o papaano iyong mga ordinaryong nagsasaka sa kanayunan?

ARIVE: At saka mga mangingisda?

SEC. ANDANAR: Oo. So, 166,000 ang makakatanggap nito. Ang nakalagay dito ay fuel subsidy. Fuel subsidy! Now, aalamin ko kung ito ba ay iyong middlemen lamang na nagdadala, iyong logistics o kasama iyong may-ari ng… kung saan eh nag-gagaling ng palay, ginigiling iyong palay.

URI: Iyong may-ari mismo ng palayan. Pero baka ang maraming makikinabang niyan, Doña, ay iyong mga mangingisda natin na bangkang de motor—

SEC. ANDANAR: Tama, pump boat.

URI: —ang ginagamit sa paglalayag kasi iyon ang gumagamit talaga ng gasolina.

SEC. ANDANAR: Pati iyong naglalako. Naglalako sa probinsiya, hindi ba naka-motor lang iyan?

URI: Oo at saka iyong mga nagde-deliver ng isada sa palengke. Well, maganda iyan. So, 6,500 plus fuel subsidy—

SEC. ANDANAR: Sa mga farmers.

URI: —farmers. Aside from that, Secretary?

SEC. ANDANAR: Sa ngayon ay iyon ang nakalagay dito sa ating report pero of course mayroong mga panawagan na i-suspend muna itong excise tax.

URI: Sabi ni Senator Drilon, matter of siguro kung hindi man hours o baka days na lang, may pipirmahan na si Presidente na… ano ba ‘yan? Suspension ba? Ano iyong pipirmahan ng Presidente?

SEC. ANDANAR: Hindi pa natin natitiyak kung ano iyong pipirmahan ni Presidente kasi ayaw ko namang pangunahan din si Presidente pero itong suspension of the excise taxes, ano ang magiging kontribusyon nito o tulong doon sa vulnerable sector?

Now, iyong price per liter ng gasolina ay bababa ng anim na piso—

URI: kung mawawala iyong excise tax.

SEC. ANDANAR: Tapos iyong price naman sa diesel—Sorry, iyong price sa diesel six pesos, iyong price sa gasolina sampung piso iyong mawawala ‘no, base po ito doon sa batas, sa TRAIN Law.

Now, ang sabi naman ng DBM, ang mawawala na pera sa gobyerno, sa revenue, ay nasa P117 billion. So, kailangang balansehin nang husto dahil alam naman na iyong suspension ng excise tax ay makakaapekto rin sa mga social services.

URI: Donya, as a reporter, ang tanong diyan ay, ano ang tsansa, gaano kalaki ang tsansa na i-suspend sa pamamagitan ng paglagda ng Pangulo iyong excise tax?

SEC. ANDANAR: Number one, may mga panawagan; number two, iyong mga panawagan na iyon ay nakarating na sa Malacañang; number three, hindi lang nakarating sa Malacañang kung hindi napag-uusapan doon sa mga meeting natin at naiprisinta na rin ng economic cluster. So, ito ay kinu-consider. But, sabi nga ng DBM, kailangan nating balansehin nang husto sapagka’t marami ngang maaapektuhan na social services ng DSWD, halimbawa, at Department of Health na doon natin kinukuha.

ARIVE: Hinuhugot.

SEC. ANDANAR: Hinuhugot natin doon sa 117 billion na mawawala.

ARIVE: Napakahirap nga naman, Ka Henry, na balansehin din, if ever na aalisin natin iyong excise tax pero ang laking tulong, six pesos to ten pesos iyong mawawala, bukod pa doon sa subsidy na makukuha nila.

URI: So, can we say, hindi uuwing luhaan iyong mga humihiling na isuspinde itong excise tax na ito?

SEC. ANDANAR: Ang mahalaga kasi dito ay iyong kapakanan ng ating mga kababayan, ang kapakanan ng transport groups, in general. Kasi siyempre lahat naman na may sasakyan ay bumibili talaga ng diesel o gasolina. So, ang epekto nitong pagtaas ng presyo ng krudo sa pandaigdigang merkado ay kawing-kawing, ‘di ba, kapag tumaas ang gasolina. Alam naman natin, eh kaya nga ang magsasaka ay tinutulungan, mga mangingisda tinutulungan, transport group din.

ARIVE: Domino effect.

SEC. ANDANAR: Domino [effect] kasi, halimbawa na lamang, kapag tumaas ang gasolina tataas din ang presyo ng mais.

ARIVE: Halos lahat, Sec.

SEC. ANDANAR: Oo. Kapag tumaas ang mais, siyempre iyong kakainin ng manok, mga feeds, ng mga baboy, lahat! Apektado lahat iyan. So, kapag apektado lahat iyan ay magkakaroon ng inflation.

URI: Actually, maski iyong isang tali ng kangkong, kapag tumaas ang gasolina, tataas ang presyo ng isang taling kangkong. Kasi iyong kangkong, hindi nakakarating sa palengke iyon nang hindi isasakay sa tricycle at hindi isasakay sa dyip o sa pedicab. So lahat iyan, kapag sinabi ng tricycle driver na aba eh iyong babayaran ninyo sa akin ay gawin ninyo na hong 600 kung dati ay 450 lang. Kailangan ho nating magdagdag ng 150 kasi ang mahal po ng krudo ngayon. So siyempre, saan kukunin ng nagtitinda ng kangkong iyong ibabayad niya sa tricycle driver – sa ating mga consumers, kaya apektado tayo maski doon sa kangkong.

SEC. ANDANAR: At saka hindi naman tayo major oil producing country. Hindi tayo nag-iisa; marami tayong apektado diyan. At iyong mga ibang bansa na hindi oil producing ay ganoon din ang kanilang problema ngayon, kung papaano nila ma-stabilize iyong presyo ng pangunahing bilihin at kung paano matutulungan iyong mga vulnerable sectors na isang kahig, isang tuka. Iyon ang pinakamahalaga doon eh.

URI: Pero sa kabila ho nitong mga krisis na nararanasan natin at sa kabila po ng mga problemang dinaanan po ng administrasyong ito, mayroon ding mga legasiya naman ang kasalukuyang Pangulo at ang kasalukuyang administrasyon. Sec, yaman din lamang na kayo ay naririto na, Donya, at mayroon pa naman tayong sapat na ilang mga minuto, puwede ba naming malaman, ano ba iyong legasiya na mayroon ang Pangulong Duterte na pupuwede nating sabihin na ito ay taas noo naman na maipagmamalaki ng administrasyong ito?

SEC. ANDANAR: Maraming salamat, Henry. Number one, masasabi natin ay iyong Malasakit Center ni Presidente at ni Senator Bong Go na libre ang gamot/pampagamot at mayroong more than 150 Malasakit Centers sa buong bansa.

Number two, iyong Universal Health Care na kung saan 110 million Filipinos ang parang kumbaga ay mayroon ng insurance covered ng buong gobyerno.

Number three, iyong libreng edukasyon sa mga state universities and colleges.

URI: As in zero tuition fee and miscellaneous iyan?

SEC. ANDANAR: Oo, libre. Tapos number four, nandiyan iyong Build, Build, Build ni Presidente na five percent ng ating GDP ay napupunta dito sa Build, Build, Build kung ikukumpara mo doon sa mga nakaraang administrasyon na hindi sumusobra ng dalawang porsiyento o hindi umaabot ng tatlong porsiyento iyong ginagasta ng gobyerno na napupunta doon sa infrastructure. At alam mo naman, kapag mayroong infrastructure projects ay mayroon ding trabaho na nabibigay. So more than 6.5 million jobs ang naibigay. Kaya nga tinatawag na Golden Age of Infrastructure ang panahon ni Presidente Digong.

Pagdating sa security ay bumaba ng 64% iyong crime volume ng bansa dahil sa drug war, isa na rin iyan. Iyong mga drugs na pakalat-kalat sa Pilipinas, puro mga imported na ito. Pero iyong mga local na mga drug manufacturers, iyong mga hard drugs na tinatawag tulad ng shabu.

URI: Iyong mga drug laboratories?

SEC. ANDANAR: Mga drug laboratories—

URI: Naalala ko, 2015, kung hindi ako nagkakamali, sabi ng PDEA bago pumasok ang Pangulong Duterte, 92% ng Metro Manila ay infested ng illegal drugs. Pagpasok ni Pangulong Duterte, itong huling quarter ng 2021, sabi ng PNP, 64% ang ibinaba ng crime rate because of the success of [the drug war]. Is that accurate, Secretary Mart?

SEC. ANDANAR: Yes, yes, iyan ang report ng Philippine National Police. So iyong mga kalye, iyong mga side streets naibalik na natin sa ating mga kababayan. So iyan ay legasiya ni Presidente –napakadami. Iyong Department of OFW, migrant workers.

URI: Mayroon na, mayroon nang isang ahensiyang para sa OFW talaga.

ARIVE: Nakatutok talaga for [OFWs].

SEC. ANDANAR: Matagal na ito na ipinaglalaban. At ito naman ay naibigay na ni Presidente Duterte.

Mga polisiya na nakakatulong sa ating mga kababayan, mga magsasaka. Kapag mayroon kang otso ektarya pababa na lupain, libre na ang irigasyon mo. Hindi ka na magbabayad [ng irrigation fees]

URI: At saka maraming mga titulo ng lupa na hinihingi ng mga magsasaka – tama ba? – ang napasakanila na?

SEC. ANDANAR: More than 230,000 hectares.

URI: Balikan ko lang kaunti iyong sa infrastructure – Build, Build, Build. Maraming mga kalsada, tulay ang naipagawa na, mga dam at kung anu-ano pa, paliparan, sa mga probinsiya, hindi lang sa Metro Manila ho.

SEC. ANDANAR: Oo, napakadami. Natapos iyong Bicol International Airport. Iyong Bohol-Panglao International Airport natapos na. Iyong mga tulay, iyong mga ginagawang tulay ngayon sa Mindanao, iyong magkukonek ng Davao at iyong isla sa tapat ng Davao. Iyong ating kauna-unahang subway, ‘di ba binaba na iyong [tunnel boring machine].

URI: Naku, si Donya ho ang makikinabang doon. Araw-araw ito …

ARIVE: Magsa-subway na ako.

URI: Magsa-subway na ito. Anong update na doon sa subway? May nakita ako, may bumubutas na sa—

SEC. ANDANAR: Iyong [tunnel boring machine] na tinatawag nila.

URI: Oo, iyon iyong boring na hindi boring ‘no.

SEC. ANDANAR: Oo, talagang iikut-ikot iyan, parang sabmarino iyan na umiikut-ikot sa ilalim ng lupa. Ito naman ay binaba na nila. Tapos na iyong kanilang depot doon sa Valenzuela, hindi ba.

So talagang kapag sinabi mong Duterte legacy, napakadami, Henry. More than kung ano iyong ipinangako.

URI: Hindi, at saka iyong ano na lang eh, iyang Baclaran-Cavite LRT, ‘di ba.

ARIVE: Oo, patapos na rin.

URI: Tapos iyong dalawang Skyway sa SLEX papuntang norte, papuntang south.

SEC. ANDANAR: At saka hindi mo talaga ito madi-deny sapagka’t iyon nga, tingnan mo naman iyong budget, five percent nga ng GDP ay napupunta. Mahalaga ring pag-usapan iyong Mindanao dahil doon sa Muslim Mindanao ay Napirmahan iyong Bangsamoro Organic Law.

URI: Ah, iyon pala, oo.

SEC. ANDANAR: Hindi ba naalala mo, noong mga nakaraang administrasyon—

URI: Wala ito.

SEC. ANDANAR: Hindi pumasa. ‘Di ba nagkaroon pa ng party diyan sa Malacañang. ‘Di ba, kung anu-ano pa ang ginawa. Pero pagdating sa Kongreso, thumb down! Ito may Bangsamoro Organic Law na tayo. Mayroon na tayong kapayapaan na nararanasan at nakikita sa mga susunod na mga taon diyan sa BARMM.

URI: Sa mga trabahante ng gobyerno, iyong pag-doble ng sahod ang kuwan ano—

SEC. ANDANAR: Ayun! Naka-ilang tranches ba iyon? Parang third—

URI: At saka iyong pag-doble ng sahod ng pulis at militar.

SEC. ANDANAR: Ayun! O, ‘di ba isa rin iyon? At saka pagbili ng mga gamit sa militar, iyong mga bagong frigate, Navy ship, Coast Guard.

URI: Doña—

ARIVE: Napakadami ‘no?

URI: —iyong one hundred million a month na bigay ng Tanggapan ng Pangulo sa PGH hindi ba mayroon yatang ganiyan?

SEC. ANDANAR: Mayroon ding ganiyan, one hundred million a month.

URI: A month iyan ano?

ARIVE: Uhm.

SEC. ANDANAR: Iyong maternity leave ng mga nanay, from sixty days to 105 days. Iyong pinirmahan na bagong batas ni Presidente na itinataas iyong sa mga kababaihan, iyong para maiwasan iyong sexual abuse from I think 12/13 to sixteen years old.

ARIVE: From sixteen to twelve. Iyon sa ano din… From twelve to—

URI: Pero bakit, Doña, kapag ang Presidente ang nagsasalita parang pilit niyang sinasabi na, “Hindi, wala ito. Hindi ito—trabaho lang.” Parang ganoon eh.

SEC. ANDANAR: Ayun!

URI: Why is President like that ‘ika nga?

SEC. ANDANAR: Ganoon siya kasi—Sinabi ko nga sa kaniya, Presidente, mahal na Pangulo, dahil sa iyo mayroon na tayong Mindanao Media Hub, Visayas Media Hub, at saka iyong Government Communication Academy. Sabi niya, “Hindi, trabaho lang tayo.” Kasi—

URI: Ayaw niya. Parang ayaw niyang…

SEC. ANDANAR: Hindi, kasi iyon naman daw talaga iyong dapat gawin ng isang opisyal ng gobyerno, iyong siguraduhin na maganda ang mga proyekto para sa greater majority of the Filipinos. So, sabi niya, “Hanggang diyan lang tayo, Martin. Hanggang diyan lang tayo pagkatapos okay na. Okay na tayo. Na-deliver natin iyong pangako. Iyong pangako pagdating sa security, sa peace and order, poverty alleviation, na-deliver natin, iyong pangako na mag-build build build, lahat na-deliver—”

URI: Nakatawid sa pandemya because of the vaccination hindi ba?

SEC. ANDANAR: Oo! We are the third lowest in ASEAN now pagdating sa mortality rate at iyong mga infected on a daily basis mababa.

ARIVE: Pero, Sec., ngayon may ilang months na lang ‘no si Pangulong Duterte. Mayroon pa kaya tayo, iyong mga Pilipino na aasahan na maiiwan pa niyang karagdagang legacy?

SEC. ANDANAR: Magandang tanong iyan, Doña.

Number one, peaceful, orderly, and fair, honest elections;

Number two, iyong i-prepare natin iyong ating mga kababayan, iyong ating bansa para sa pagbukas ng ating ekonomiya;

Number three, paano natin masosolusyunan itong pagtaas ng pandaigdigang presyo ng krudo dulot nitong giyera sa Ukraine?

So, iyon ang mga—Sana nga wala na iyong sa Ukraine para maka-focus tayo sa ilang nalalabing proyekto ni Presidente. We are already preparing for the transition. Iyon ang sinabi ni Presidente. Ang Office of the President nagsisimula na sa transition process.

As we speak, kami din sa PCOO mula noong December ay mayroon kaming ano, Pareng Henry, iyong transition program. Iyong hindi lang siya basta-basta pagdating ni Doña, si Doña maging Secretary, ‘O, ito, Doña, ito iyong sa BCS, ito iyong PIA, ito ang ginagawa.’

Hindi! This is a complete program na one week, na iyong bagong Administrasyon, bagong papasok na Secretary ng PCOO maipapaliwanag sa kaniya iyong programa, iyong logic, iyong rationale ng programa tapos may ipapakilala sa kaniya higit sa lahat iyong mga tao sa PCOO para alam niya kung sino iyong mga talagang magagaling na puwede niyang asahan pagdating sa communication crisis at kung ano pang mga sakuna, delubyo, na puwedeng tumama sa ating bans, kung ano ang dapat gawin, sino iyong aasahan na tao.

URI: Oo. In other words, all is set. Parang itu-turnover—

ARIVE: Nilalatag na nila.

URI: —na lang ninyo sa kanila, nasa sa kanila na lang iyan kung itutuloy lalo na iyong mga magagandang nangyari at nagawa.

SEC. ANDANAR: Kasi siyempre tayo naman ay technocrat, eh gusto nating maipaliwanag din sa papalit sa atin na itong proyekto na ito, halimbawa Laging Handa, ito iyong rationale, ito iyong logic. So, kapag nalaman ng papalit sa akin, Ah, itutuloy natin ito. O iyong Visayas Media Hub, so itutuloy niya iyong proyekto na iyon.

URI: Kumbaga ho, hindi lugi iyong sasalo?

SEC. ANDANAR: Oo.

URI: Walang kuwan—

SEC. ANDANAR: Wala—Hindi iyong bibigyan ko lang ng isang papel, nandiyan na iyong organizational—

URI: Structure.

ARIVE: Ikaw na bahala diyan.

SEC. ANDANAR: —bahala ka na ha! Good luck, Pare! [laughs] Hindi ganoon. Hindi… hindi, kasi kailangan nating palakasin iyong ahensya ng Presidential Communications Operations Office o iyong departamento.

URI: So, ang inyong itu-turnover at ita-transition sa kanila iyong mga nagawa na best practices puwede nilang ituloy, puwede nilang manahin at I think obligado silang ituloy sapagkat nakatulong sa tao.

SEC. ANDANAR: Oo at saka kung ano iyong direksyon ng government communication. Halimbawa, sabi ko sa mga tao ko, sustainable communication, delivering information doon sa last mile ‘no. So, investment dapat sa artificial intelligence, investment pagdating doon sa mga algorithm, kasi nagbago na eh, nagbago na.

Halimbawa, DZRH, manonood ako, makikinig ako, hindi lang sa TV, sa radyo, eh puwede akong manood sa—

URI: Social media.

SEC. ANDANAR: Sa social media, at napakadami pang puwedeng pasukan ng mga last mile delivery services.

URI: Anyway, with that, how many… I think one and a half or two—

SEC. ANDANAR: Three months.

URI: Three months to go?

SEC. ANDANAR: Three months and about 19 days.

URI: Technically—Oo! So, I don’t wanna say goodbye but mas maganda siguro iyong good luck and keep it up hanggang sa… malay mo, baka naman magustuhan ng mga papasok na Administrasyon. Eh, sabi nga, tayo-tayo pa rin naman ang magkikita sa finals, Secretary. Kagaya noong interview ko sa’yo eh—

SEC. ANDANAR: Lahat naman nagawa natin, Pareng Henry. So, I’m very happy sa mga nangyari. Of course, to the President, salamat sa suporta. Kay Senator Bong Go tapos iyong aking mga isinama sa loob ng bus, sa loob ng jeep, para sa biyaheng ito for the past five years and nine months, magagaling dahil nagawa natin lahat ng plano.

URI: So, sa nalalabing mga buwan, keep up the Duterte legacy at good luck din kay President Duterte. At salamat din sa kanilang lahat at kay Senator Bong Go sa palaging pagtitiwala ninyo dito sa DZRH.

SEC. ANDANAR: At mabuhay po.

ARIVE: At sabi nga, Ka Henry, no goodbyes only see you next time.

SEC. ANDANAR: Ayun.

URI: Yes, yes.

SEC. ANDANAR: Andito lang naman tayo.

URI: Sec., salamat ha!

SEC. ANDANAR: Salamat.

ARIVE: Thank you, Sec.

URI: At iyong mga kasamahan natin sa Malacañang Press Corps, ang tanong naman eh: Kailan ba uli tayo babalik doon at magkikita-kita naman? Bonus question na lang ito sapagkat baka puwede namang magkadaupang palad uli tayo, ng face-to-face? Puwede na naman, Level 1 na eh!

SEC. ANDANAR: Mayroong ipinasa sa akin na recommendation pero limited pa rin… limited pa rin iyong puwedeng pumasok. Kailangang maging maingat pa rin tayo. Mainam na iyong okay, safe tayo kaysa tayo naman ay magkasakit pa.

URI: Iyong Alert Level Zero, may pag-asa ba?

SEC. ANDANAR: Oo, lahat naman may pag-asa at siguro kailangan talagang sundin natin lang natin—

URI: Ano ang pinaka-latest information from the IATF doon sa Level Zero?

SEC. ANDANAR: Mamaya mayroong ire-release mamaya [laughs]. At saka I was just informed na iyong Talk to the People mukhang bukas mangyayari.

URI: Iyong ire-release mo mamaya ay pabor sa Level Zero?

SEC. ANDANAR: Tingnan natin [laughs]. Hindi kasi iyong Talk to the People bukas na eh.

ARIVE: So, bukas pa ia-announce ni Pangulo.

URI: Ikaw, Kelly, hindi ako maka-scoop sa’yo ha.

SEC. ANDANAR: Trained… trained. Trainer ko ito eh.

URI: Sec., salamat nang marami!

SEC. ANDANAR: Salamat. Salamat.

URI: I’ll see you soon again.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat, Pareng Henry.

URI: Salamat, salamat.

ARIVE: Thank you, Sec.

SEC. ANDANAR: Thank you.

##


News and Information Bureau-Data Processing Center

 

Resource