SALVACION: Cabinet Secretary Nograles magandang umaga po, live kayo sa Dobol B at sa DZBB; kami po si Emil at Weng.
SUMANGIL: Welcome back, sir. Happy Saturday po!
CABSEC NOGRALES: Happy Saturday sa inyo, Weng at Emil at sa lahat ng nakikinig at nanunuod ngayon, good morning,. Happy Saturday po sa inyong lahat!
SALVACION: Ayan, iba ang inyong background ngayon, CabSec.
Ang unang tanong at tanong din po ng marami actually: Nasa severe na po tayo, ang lagay natin dito sa COVID sa Metro Manila—nasa severe to critical tayo, mayroong mga lugar sa labas ng Metro Manila na nasa moderate, puwedeng sumampa ng severe anytime. Bakit po hindi pa tayo nasa Alert Level 4?
CABSEC NOGRALES: Mayroon kasi tayong tatlong parameters na tinitingnan:
- Ito po iyong two-week growth rate,
- iyong Average Daily Attack Rate, ito po iyong sinasabi ng ilan sa mga nakakapanayam ninyo at iyong mga sinasabi nating mga nasa medical field na may bago silang mga terminology. Pero at the very least, yes high po ang ating two-week growth rate, mataas din po ang ating Average Daily Attack Rate.
- Pero iyong pangatlong metric or parameter na tinitingan po natin, ay iyong total bed utilization natin. Ibig pong sabihin, ang total hospital beds po na ginagamit sa buong Metro Manila halimbawa.
At para umakyat ito sa Alert Level 4, kailangan pumalo po siya ng 71% and up. Sa kasalukuyan po kasi, hindi pa po tayo tumatama doon sa 71% and up. Kung titingnan po natin ang ating total bed utilization ay… based sa nakita namin kahapon, iyong mayroon ako dito iyong sa ano pa as of January 13 ‘no and based sa January 13 ang total bed utilization natin, nasa 60.03% for NCR. Ang ICU beds po natin as of January 13 is 55%. So, makikita natin, we are, talagang active iyong monitoring nitong ating total bed utilization. So right now, nasa 60% pa siya, hindi pa siya pumapalo ng 71%.
Ngayon—of course although ganyan ang total bed utilization, tingnan din po natin kung ano ang classification ng mga pasyente na gumagamit ng mga hospital beds ngayon. We want to emphasize na dapat ang mga hospital beds po natin ay naka-reserve po iyan para sa mga severe at critical na mga patients ng COVID, elderly – mga senior citizens, those with comorbidities o iyong tinatawag natin na mga vulnerable population po natin.
Ibig kong sabihin kung mild naman po at asymptomatic, lalo na kung asymptomatic, eh hindi po sila dapat nandoon sa ospital. It’s either nasa home isolation po sila kung may sarili silang kuwarto at banyo at maganda naman iyong ventilation, para hindi magkahawaan sa bahay or kung hindi naman puwede, doon sila sa TTMFs or iyong ating mga Temporary Treatment Monitoring Facilities o iyong tinatawag natin na isolation facilities. Para sa ganoon, naka-reserba lang po ang ating mga hospital beds para talaga sa mga nangangailangan na mga severe, critical and vulnerable populations.
So right now, we are doing an assessments sa lahat ng mga beds natin sa NCR, i-step down natin iyong mga puwedeng i-step down to isolation facilities, eh doon natin i-step down whereas, magta-triage din po tayo na para iyong mga hindi naman nangangailangan talaga, ibig sabihin, hindi mga severe, hindi naman critical o hindi naman vulnerable, eh doon lang sila sa isolation facilities. Para sa ganoon, hindi talaga tayo tatama doon sa 71% dahil kapag ganoon magkakaroon tayo ng problema in terms of pag-aalaga natin ng mga COVID positive patients na nangangailangan ng hospital attention.
SALVACION: May sinasabi po ang OCTA Research kahit po ang Department of Health na siguro po starting January 15 towards the end of January, mararanasan natin iyong peak n surge ng COVID-19 at puwedeng pumalo tayo ng 40,000 mahigit para masabing mag-peak bago tayo bumulusok pababa ulit ang COVID cases. So kahit po tayo ay mag-peak ng ganoong kadami o lagpas ng 40,000, hindi pa rin maikokonsidera ang Alert Level 4 until and unless pumalo tayo ng 70% sa hospital utilization rate?
CABSEC NOGRALES: Tama po iyon, kasi kung titingnan natin iyong bakit ganoon iyong metrics natin, it’s because:
- Number one, karamihan, in fact, based on our numbers 100% na po sa NCR ang fully vaccinated ‘no, 100% na po, although siyempre iyong numero na iyan na sinasabi nating 100%, kabilang na kasi diyan iyong mga nagtatrabaho sa Metro Manila ano. That is why we still see that there are certain populations in NCR na hindi pa talaga fully vaccinated. Although numerically, nasa 100% na po tayong fully vaccinated. But nonetheless, karamihan ‘no, mas majority ng NCR ay fully vaccinated, kaya nakikita po natin iyong epekto niyan is kapag nahawaan ng COVID-19 sa Metro Manila, mostly, hindi naman severe at critical. That means the vaccines really work ‘no, iyan talaga iyong tagumpay noong nakikita natin sa vaccines. Meaning to say, tama iyong sinasabi ng mga eksperto, na kapag ay fully vaccinated at tinamaan ka ng COVID, hindi lulubha iyong sakit mo hanggang siguro, hanggang mild, asymptomatic or even slight moderate na ang ano.
And that is the reason why, hindi—kahit na mataas po iyong cases natin, hindi nakikita doon sa hospital utilization, hindi nakikita hospital utilization, hindi nakikita sa total bed utilization. So, dahil sa ganoon, kaya naman nating mag-home isolation, kaya naman natin mag-isolation facilities at dahil nga iyan ang naging epekto noong fully vaccinated, itong mga vaccines na ito, then kapag hindi tatama sa 71%, hindi natin ia-akyat sa Alert Level 4.
- Pangalawa, I would like to be very careful about iyong sinasabi ‘peak’ na iyan ‘no. Siguro dapat ang i-concentrate natin is obviously ang gusto nating mangyari ay hindi na umakyat ang kaso ng COVID-19 at iyan na nga po ang reason bakit tayo nag-Alert Level 3 and nakikita naman po natin sa Metro Manila ‘no na karamihan sa ating mga kababayan eh nag-i-stay at home o nag-a-alternative working arrangements na lang po. So, ibig sabihin, iyong takot at iyong nararamdaman natin na siyempre nababahala tayo, ayaw nating magkasakit ng COVID.
Marami na po sa mga kababayan natin sa NCR ang stay at home na rin po and that will really help bring down the number of cases or at the very least, hindi na sumipa ng mas mataas or napakataas ang kaso ng COVID-19.
SALVACION: CabSec, ito lang naiintindihan po namin ni Emil iyong parameters na nabanggit ninyo lalo na doon sa hospital utilization rate. Pero may iba ring nagsasabi, hindi ba nagpapakasobrang ingat din ang gobyerno kasi baka maapektuhan na naman ang ekonomiya? Siyempre nakasalalay doon ang trabaho ng marami nating kapuso.
Pangalawa, baka daw po wala ng pang-ayuda ang gobyerno, kasi kung mag-Alert Level 4, obligado ang pamahalaan na magbigay ng ayuda sa mga maapektuhan at mawawalan ng trabaho ng mas marami kapag itinaas pa ang alert level?
SUMANGIL: Baka daw ma-kompromisyo iyong kalusugan ng taumbayan, sir?
CABSEC NOGRALES: Well, iyong ano natin talaga diyan is, nag-shift tayo sa policy sa alert level mula sa community quarantine di ba; dati kasi, ECQ, MECQ, GCQ di ba.
Ano ang pagkakaiba ng dalawang policies na iyon? Iyong una is… iyung umpisa nitong laban against COVID-19, community quarantine ang ginagawa natin, malawakang community quarantine ‘no. Kapag sa alert level po, ang concentration natin doon iyong 3Cs. Iyon lang po iyong mga industries, establishments na kumbaga naka-classify sa 3Cs, which is close contact at confined spaces—
SALVACION: Maraming tao, tapos kulob.
CABSEC NOGRALES: Iyong maraming tao or masikip or close contact kung saan dikit-dikit. Ito lang po iyong klinasify namin under 3Cs. Ito lang po iyong nilagyan namin ng mga capacities, 10%, 30%, 50% and so on di ba. Para sa ganoon whatever alert level there is ‘no, whether it’s 2,3 or 4, ito lang po iyong nakikita natin based on science na mga closed spaces, confined spaces, close contacts, ito lang po iyong mag-a-adjust ng percentages. Bakit? Para hindi lubhang matamaan whatever alert level iyong hindi naman classified sa 3Cs. Para sa ganoon ang ating mga kababayan ay makapagpatuloy ng kanilang kabuhayan, ng kanilang negosyo o ng kanilang trabaho.
CABSEC NOGRALES: (con’t) So, we don’t want the economy to suffer. Kasi kapag sinabi mo tinamaan ang ekonomiya natin, ang bottom line diyan is iyong trabaho at kabuhayan ng ating mga kababayan.
SUMANGIL: CabSec, with Weng’s indulgence, please makikibalita lang po kami, kayo po ay kabilang sa mga umuupo sa pagpupulong sa IATF, patungkol lang dito sa pinakabagong polisiya ng Department of Health sa quarantine period po. Ang kanilang paliwanag eh, kinokopya nila iyong mga ginagawa na sa ibang bansa, pinapaiksi na po iyong quarantine period. Ang tanong po eh, applicable po ba ito sa Philippine setting, Sir?
CABSEC NOGRALES: Well, first of all, gusto ko lang ipaliwanag na iyong adjustments natin sa quarantine and isolation period ‘no. First of all, iyong pagso-shorten natin diyan, ang ibig ba ninyong sabihin, iyong tungkol sa—ano iyan eh, mayroon sa health care workers and then iyong pinakabago iyong sa aviation sector, then mayroon po tayo para sa general public.
SUMANGIL: Sa health care, CabSec, saka po doon sa binabanggit ninyotgn general public, Sir go ahead please.
CABSEC NOGRALES: Okay. So, sa healthcare and aviation sector, number one mayroong mga committees na magdi-desisyon diyan kung sa shortened quarantine at saka shortened isolation. So para sa health care workers mayroon tayong hospital infection control committee ‘no. So, mayroong kumbaga mga eksperto na mga hospitals that will decide whether or not iso-shorten ba iyong quarantine or iyong isolation ng mga health care workers natin. Sa aviation sector ganoon din, magkakaroon ng committee na made up nitong mga health experts, infections disease experts, safety officers na bubuuin ng DOTr sila iyong magbibigay ng go signal or recommendations kung certain workers sa aviation sector ay puwedeng ma-shorten iyong quarantine at isolation. So again, it is only in extreme circumstances when the need arises ‘no, whether it is in the hospital or in the aviation.
Doon naman tayo sa general public. Well ito naman po ay of course, based sa recommendations din ng ating mga health experts. And of course ang tinitingnan po nila diyan, ano rin iyong nakikitang mga policies na ginagawa sa ibang bansa based doon din sa assessment ng mga health experts din po sa ibang bansa.
SALVACION: Aaprubahan ba ito, CabSec ng IATF? Kasi ang understanding ko sa sinabi ni Usec. Vergeire, iyong sa general public na pagpapaikli ng quarantine o isolation period subject to approval pa rin po ng IATF?
CABSEC NOGRALES: Mayroon na po silang naano di ba, mayroon na po tayong IATF resolution number 157, ito para sa aviation sector, pero mayroon na po tayong mga resolutions regarding doon sa shortened quarantine and isolation protocols. So, na-present na po iyan and mayroon na pong inilabas ang Department of Health tungkol diyan na department memorandum order.
SALVACION: So, aprubado na po iyong seven-days quarantine para sa general public?
SUMANGIL: Hindi na po dadaan sa IATF?
CABSEC NOGRALES: Let me ano ‘no, balikan kita Weng, hanapin ko dito sa aking viber.
SUMANGIL: CabSec, ihabol ko lamang, Weng please. Iyong pagpapalakas po sa vaccination – dahil iyan po ang nakikita nating susi sa pandemya na ito – ginawa ninyo na lahat ano, CabSec, mayroon na kayong insentibong ibinibigay kapalit ng pagbabakuna, tapos ngayon po naghihigpit na tayo sa public utility vehicles at kung sana-saan pa. Ano pa po ang naiisip ninyong hakbang, CabSec, na puwede pa ninyong ilunsad o ilulunsad ninyo sa mga susunod na araw para po magpabakuna iyong ating mga kababayan, Sir?
CABSEC NOGRALES: Well, it’s just really a matter of ano eh, iyong talagang pakikipagtulungan natin with the LGUs and the general public. Of course, isa sa mga nakikita nating effective na ginagawa ng ibang mga LGUs ay iyong house to house campaigning talaga. Iyong house to house na pagbabakuna. Kasi ang target po natin mga senior citizens, hindi po ba – at mga vulnerable. Lalo na sa mga areas na outside of NCR Plus.
SALVACION: Dito po gagamitin iyong mga listahan na ginagawa ngayon ng barangay ng mga hindi bakunado?
CABSEC NOGRALES: Opo. Per LGU mayroon naman silang ginagawang mga hakbang ‘no. And iyong house to house campaign will be very effective, kasi para iyong sa accessibility kumbaga. At mayroon din po tayong mga kababayan na talagang mahihirapan silang lumabas, mahihirapan pumunta sa mga vaccination sites. So kailangan talaga per barangay iyan. And ito iyong kailangan nating gawin para maabot natin iyong mga hindi pa bakunado.
SUMANGIL: Home service na pala ito Weng, CabSec. Ganoon na pala ang mangyayari.
CABSEC NOGRALES: Iyon ang isinusulong natin sa mga LGUs. May kakayahan naman ang mga LGUs to schedule iyong mga house to house visits at house to house vaccination, especially para sa mga senior citizens natin, especially para sa mga those with comorbidities, iyong hindi naman makakapagbiyahe o hindi naman makakapunta sa mga vaccination sites. So kailangan reach out na lang tayo sa kanila.
SALVACION: Secretary, nabanggit na natin iyong ‘no vax, no ride’, ‘no vax, no labas’ policy. Mayroon pong nagsasabi na baka ito ay puwedeng makuwestiyon sa Korte Suprema kasi sumasagasa doon sa ilang fundamental rights ng bawat Pilipino. Ano po ang posisyon doon ng Malacañang?
SUMANGIL: At lalo na [dahil] nagri-react na ang Commission in Human Rights, Weng, CabSec?
CABSEC NOGRALES: Well, alam ninyo ang posisyon naman talaga ng ating pamahalaan diyan is this is really to protect the unvaccinated. So, whether it’s Pangulong Duterte who is speaking or even sa DOTr, kung nabasa po ninyo iyong mga press statements ng DOTr, it’s really to protect, it’s for the protection of the unvaccinated. Kasi nakikita naman po natin, na mostly, ilagay natin sa numero, 85% ng mga nasa ICU ay unvaccinated, 73% ng mga nasa hospital ay unvaccinated. So napakaliwanag po ng datos na kapag unvaccinated po kayo ay malaki po iyong chances na kapag tinamaan po kayo ng COVID ay hospital, when I say hospital, dahil na sa malubhang kondisyon ang mga pasyenteng unvaccinated na tatamaan ng COVID. Whether it’s Omicron or Delta or whatever variant. Kitang-kita po sa datos iyan. And then of course iyong sinasabi nga 85% ng nasa ICU ay unvaccinated.
So, it’s for the protection of the unvaccinated. So, kung titingnan ninyo iyong statement ng DOTr ay ganoon po, it’s really for the protection ng nasa transport sector, pati iyong driver, iyong conductor, iyong nagtatrabaho, iyong trabahante, iyong worker sa transport sector. Plus of course para sa protection ng unvaccinated din po natin, ganoon din po si Pangulong Duterte noong sa mga sinasabi niya sa mga barangay na make sure iyong mga unvaccinated ay hindi lalabas unless di ba, pati sa Metro Manila Council ganoon din. It’s for the protection of the unvaccinated.
SALVACION: All right. CabSec, maraming salamat po sa oras at pasensiya na sa maaga naming pang-aabala namin ni Emil palagi sa inyo. Pero salamat po sa napakatiyagang pagpapaliwanag palagi, Thank you, Sir.
SUMANGIL: CabSec, puwede na ninyong higupin iyong kape ninyo, iyong nandiyan sa likuran ninyo.
CABSEC NOGRALES: Maraming salamat. Thank you Weng, thank you Emil at ingat po, doble, triple ingat po ang lahat at God Bless po and Stay safe.
##