MIKE ABE: Abogada, broadcaster, vlogger. Ngayon pala ay hindi lang pala 3-in-1, ngayon ay hindi man spokesman pero talagang siya ang humaharap in behalf of the Office of the President at Presidential Communications Office, Palace Press Officer at Communications Undersecretary ng PCO. Ang tinutukoy ko ay si Usec. Atty. Claire Castro. Magandang umaga po, ma’am. Good morning.
PCO USEC. ATTY. CASTRO: Yes, good morning, Sir Mike. Good morning sa lahat ng viewers.
MIKE ABE: Salamat ha. Pasensiya ka na, tinawag kitang 3-in-1 eh kasi naman talagang iyon ang linya mo – broadcaster, lawyer, vlogger ngayon ay nasa gobyerno ka pa. So, talagang alam na alam mo ang mga nangyayari. Alam mo ang fake news, alam mo kung saan nanggagaling kaya inggit na inggit sila sa iyo at tuwang-tuwa sa iyo, Usec. Kumusta na? Okay lang ba?
PCO USEC. ATTY. CASTRO: So far, so good, Sir Mike.
MIKE ABE: Ma’am, ganito, ano nga ba ang totoo – unahin lang natin itong kontrobersiyal nitong weekend – may warrant of arrest ba, wala pa o ano ba talaga ho ang totoong … kasi ang sabi nila, ang estado lang, ang ating gobyerno ang unang makakaalam kung sakali. Ano ho ba talaga?
PCO USEC. ATTY. CASTRO: Yes, actually, as of now, Sir Mike, hindi talaga ako makakapagbigay ng official statement on that. Kailangan ko pang hingiin ‘no ang mga detalye patungkol dito at most probably mamayang press briefing, kung mayroon man, ay atin itong babanggitin kapag may bumalik na or bumalik na sa akin or mayroon nang bumagsak sa aking detalye patungkol diyan.
MIKE ABE: Dalawa kasi itong pinag-uusapan – posible raw na warrant of arrest galing sa ICC; baka raw mayroong warrant of arrest galing naman sa ating Philippine court, sa ating mga korte dahil—pero ang alam ko, ang kaso naman ng mga Duterte ay nasa DOJ pa lang eh. So, dalawa itong inaabangan. Sana maliwanagan ito today or sa mga susunod na oras kung ano ho talaga ang totoo rito, Usec., please.
PCO USEC. ATTY. CASTRO: Oo nga eh. Ang isa sa sinasabi iyong sa ICC, at mayroon tayong nababasa na last Saturday night, nabasa natin ito sa Rappler, at atin itong itinanong sa ating team, sa PCO, pero hindi pa po kami makakapagbigay ng official statement kung mayroon man o wala pa. Sabi nga nila, ito ay mga bagay na sensitibo as of the moment. At kapag po nailahad talaga sa atin ang … sa amin po talaga manggagaling ang pagkumpirma.
Pero patungkol naman po doon sa sinasabing inciting to sedition ay nadinig nga rin po natin iyan sa isang vlogger. Pero hindi naman po masyadong nakakaalarma kung mayroon mang warrant of arrest for inciting to sedition dahil iyon naman po ay maaaring mag-bail ang isang akusado kung mayroon man po. So, tingin ko, hindi masyadong nakakaalarma kung inciting to sedition man iyong sinasabi nilang maaaring maisyuhan ng warrant of arrest.
MIKE ABE: Anyway, baka nananakot lang sila. Alam mo naman, madalas silang manakot; madalas silang maghanap ng kakampi pero marami namang … ang Pilipino naman ay matitino, hindi nila makuha kaya ganoon. Eh inciting to sedition, nasa prosecutor pa lang eh, paano naman magkakaroon ng warrant of arrest eh nasa DOJ pa lang, wala pa naman sa korte, ‘di ba, Usec.?
PCO USEC. ATTY. CASTRO: Yes. Sabi ko nga, hindi po masyadong—although, kaso po iyan; a case is still a case. Pero kapag po inciting to sedition, hindi naman po iyan dapat ikaalarma. Alam naman po ng dating Pangulong Duterte, that’s bailable po.
MIKE ABE: Well, ganito, bago ang ibang isyu, itanong ko lang dahil ako ay naaawa na sa iyo. Hindi naman kita kilala ng personal, pero naaawa na ako sa iyo, binubugbog ka ng kung sinu-sino diyan. Parang ang tingin ko, ano ito, naiinggit ba sila dahil maganda ka kaysa sa kanila o matalino ka kaysa sa kanila. Ano ba talaga, ano ang dating sa iyo nito? Paano mo tinatanggap iyong mga—alam mo, Araw ng Kababaihan, month ng kababaihan, dapat nirirespeto natin ang mga kababaihan, pero bakit sila ay parang below the belt ang mga banat? Anong dating sa iyo nito at paano mo natatanggap ito, Usec.?
PCO USEC. ATTY. CASTRO: Ang dating sa akin nito, Sir Mike, siguro epektibo ako.
MIKE ABE: Yes.
PCO USEC. ATTY. CASTRO: Kasi kung hindi siguro nakakarating ang mensahe, hindi naman nila ako papansinin. So, kung lahat sila ng … tawagin nating anti-government o anti-PBBM, at nasasaktan sila sa aking mga isinisiwalat dahil ito naman po ay may, kumbaga, may resibo; hindi naman po tayo magsasalita dito ng wala tayong pinanghahawakan, apektado siguro sila. So, kung apektado po sila, mas matutuwa ako. Kung papansinin nila ako at ako ay aatekihin ng personal at hindi sa isyu, ibig sabihin lamang po ay wala silang panlaban sa aking ibinabatong isyu. Okay lang sa akin iyan, ibato na lang nang ibato iyan. Hangga’t binabato nila iyan, ipinapakita lang natin sa taumbayan na sila ay fake news.
MIKE ABE: Ayan, naku, napakaganda ng sagot mo dahil ako iyon din ang aking paniniwala, kapag binabato ka, ibig sabihin, mabunga ka. Tama iyong ginagawa mo, wala silang argumentong pantapat sa iyo dahil tama iyong ginagawa mo. Ibig sabihin, ramdam nila ang epekto ng kanilang ginagawang mali dahil nasa tamang direksiyon ka, ‘di ba, ganoon ang dating eh. Kaya sige ituloy mo lang iyan, iyong tapang mo, galing mo ay kailangang-kailangan ng mamamayang Pilipino.
PCO USEC. CASTRO: Saka, Sir Mike, kung sabihin man nila—ang unang-unang itinawag nila sa akin, palengkera, kasi parang lagi akong palaban. Sa akin po, welcome na welcome po kung tawagin nila akong palengkera kasi iyong mga tao sa palengke, kahit maingay po iyan, ibig sabihin may sense po iyan. Huwag nilang maliitin ang mga nasa palengke, nagtatrabaho sa palengke, nag-aastang palengkera, ibig sabihin po niyan na napapansin. So, welcome po sa akin iyang mga tawag na ganiyan.
MIKE ABE: At saka sa halos tatlong taon na kanilang paninira at kung anu-anong mga sinasabing below the belt sa First Family, lalo na kay Pangulong Marcos, akala nila kasi lahat ng taon, lahat ng panahon, kanila. Ngayon, nagkaroon na po ng pagkakataon ang Pangulo sa pagitan po ninyo, bilang Undersecretary, Malacañang Press Officer ay iyan na po iyong tamang-tama, sinasagot na ninyo. So, hindi nila akalain na mayroong lalabas at gagalaw ang ating Pangulo na ilagay ka diyan para harapin itong mga ganito, kaya na-shock sila. Kaya ngayon, wala na argumento, personalan na lang iyong kanilang ginagawa. Iyon ang aking nakikita sa kasalukuyan mong kalagayan, Usec.
PCO USEC. CASTRO: Iyon nga po ang nakakalungkot, Sir Mike, sa tatlong taon halos, puro paninira, puro walang mga basehan ang pag-aakusa sa Pangulo, pero hindi nila napapansin na sila iyong attack dog. Ngayon na sinasagot sila at sinasangga lang, iyong mga fake news nila, bakit sila parang nagkakagulo, nagkakagulo sila sa aking mga sinasabi.
MIKE ABE: Natawa nga ako sa—kasi nanunood ako sa vlog mo, doon sa garapata, dumami na ang garapata ng mga attack dog. Grabe! Kaya nga mukhang inuusig na sila ng kanilang konsensiya, kahit hindi mo pinapangalanan, nagri-react. Hindi ko maintindihan iyong mga taong iyan, natatawa talaga ako.
Anyway, dito naman, alam ko nasagot mo na ito pero liwanagin natin: Iyong crime rate, alam mo, medyo nakakabahala iyan eh. Ibinibintang nila, mas mataas daw ang crime rate ngayon, eh wala namang tokhang ngayon ‘di ba? Wala namang double-barrel campaign ngayon, rule of law nga ang pinapairal ni Pangulong Marcos, papaano magkakaroon ng mataas na crime rate at ang nagbibintang nito ay taga-Davao City. Pakibigyan mo nga ng paliwanag iyan kung mayroon anumang puwede mong masabi dito, Usec.?
PCO USEC. CASTRO: Ang pagkakaalam ko po, kaya po yata ito nasabi ni Mayor Baste ay dahil may mga krimeng nagaganap sa kaniyang lungsod. Hindi po ba dapat humarap muna siya sa salamin at sabihin niya bakit ang taas ng crime rate ngayon sa aking lungsod, hindi po ba nagri-reflect ito ng kaniyang pagiging epektibo ba siya o hindi sa pamamahala niya sa kaniyang lungsod.
Pangalawa po, hindi po ba nalaman po natin mismo kay General Torre na kaya lumalabas na mababa ang crime rate sa Davao City ay dahil mukhang nadodoktor iyong mga blotter, iyong mga records sa Davao City. Ngayon po na lumalabas na iba po ang nai-assign na chief niya siya sa kaniyang lungsod, sa PNP station po niya ay siguro po lumalabas na po ang katotohanan na records. Mas maganda po, ang sabi po nila, hindi po kasi kasangga o kadikit ng mayor ang na-assign na bagong police officer o chief niya sa kaniyang lungsod o city director po niya.
Hindi po ba, bilang mayor siya po dapat ang lumalapit, siya dapat ang nakikipag-ugnayan din po sa maaaring magbigay at mag-enforce ng peace and order diyan? Hindi po ba dapat na siya ang namumuno, siya naman ang namumuno diyan, ay makipag-usap siya para maiayos kung anuman ang nagiging problema sa Davao City. Ang nagiging dahilan po na hindi—Hindi po iyon dahilan para sabihin na dumadami na po o tumataas ang crime rate. Nasa kamay niya po ang pag-aayos ng sarili niyang lungsod, huwag po niyang ipahid sa Pangulo iyong kaniyang kabagalan, kahinaan sa pamumuno diyan sa Davao City.
At saka totoo po iyong mga sinasabi po nila na lumalabas po na mind conditioning sa mga tao ito, bakit? Sasabihin nila mahina ang Pangulo, napaka-lenient sa mga gawaing kriminal ng mga tao samantalang makikita po mismo sa records mababa po ang crime rate sa panahon po ni Pangulong Marcos – iyan naman po ay sinang-ayunan na rin po ni Senate President Chiz Escudero pati na po ng records sa PNP.
Gusto lang po nila kasi palabasin na noong panahon nila mas tahimik kahit hindi iyon totoo. So, para bang kami ang best leader, kami ang maayos, so kami lang ang dapat namumuno rito – iyon iyong gustong paratingin eh, ng mga ganiyang mensahe ng mga Duterte.
MIKE ABE: At saka alam ninyo tayo, Usec., ikaw ay dati ka ring broadcaster at alam ko alam mo iyan na ang police report, kapag may ginawang police report, nagkaroon ng imbestigasyon ang kapulisan sa crime automatic iyan binibigyan ng kopya ng police report ang mayor kasi siya ang chairman ng Peace and Order Council. So, hindi puwedeng hindi alam ng mayor ang nangyayari sa kaniyang nasasakupan. Kaya iyan ang totoo diyan, baka hindi kasi alam ito ng mamamayan akala may nangyaring crime ang pulis lang ang nakakaalam – hindi po. Obligasyon iyan maiparating ng pulis sa mayor para mayroong record ang mayor kung ano ang nangyayari sa kaniyang siyudad – mayroon iyan binabago lang o baka binabaligtad lang pinapalabas ay kakaiba sa katotohanan pero, well, kung ganiyan ang style ng mayor aba’y kawawa iyong mga mamamayan ‘di ba kasi hindi nagagawa nila iyong kanilang trabaho, Usec., ‘di ba parang ganoon? May pagkukulang sila.
PCO USEC. CASTRO: At saka hindi po dapat maging dahilan na hindi ko kabagang or hindi ko kaalyado iyong bagong na-appoint na miyembro ngayon ng mga kapulisan diyan sa kaniyang lungsod – hindi po iyan dahilan para humina ang kaniyang pamumuno. Kaya po ba siya ay lumaban na lang ng vice president at ang tatay niya ang mayor dahil hindi niya kaya – iyon lang naman ang tanong diyan eh. Kasi kung effective po siya na mayor hindi po ba dapat ang tatay niya ay pinagpapahinga niya na? Siya na lang talaga iyong mamuno dahil siya iyong pinakamagaling na mayor dapat ng Davao City ngayon.
MIKE ABE: Iyon na nga. Anyway, maiba naman tayo, Usec., ano po dahil alam ko alam na rin ninyo ang nangyayari sa mundo na iba iyong galaw ni President Donald Trump, marami ng mga bansang mukhang hindi kuntento lalo na ang kanilang kapitbahay na Canada, iyong trade war at saka iyong problema doon sa Ukraine-Russia ang European Union iba rin ang posisyon. Alam ko may mga epekto sa atin iyan lalo na kapag oil product ang pinag-uusapan. Paano pinaghahandaan ng ating administrasyon under President Marcos ang mga epekto na puwedeng mangyari – huwag naman sana, don’t panic doon sa mga nanunood naitatanong lang ito at pinag-uusapan lang para lang ho mapaghandaan natin iyong pagtaas ng bilihin, pagtaas ng fuel dahil nga po nagkakainitan nang bahagya ang malalaking mga bansa sa mundo, Usec., please.
PCO USEC. CASTRO: Siyempre po, Sir Mike, ayaw naman po natin na magkaroon ng ganiyang mga pangyayari at sitwasyon. Pero as of the moment, Sir Mike, iyong mga ganiyang foreign policy hinahayaan po natin ang ating Foreign Affairs Secretary na siyang tumugon po sa mga ganiyang isyu.
MIKE ABE: Okay, good. Sa isyu naman po ng ano…ayaw nating pangunahan kasi may mga nagsasabi na napapanahon na raw na ang ating Pangulo ay makipagkita kay President Trump or kung anumang paraan at kung saan. Mayroon na bang mga planong ganiyan para daw mapalakas, kasing-tigas talaga ng bakal na relasyon ang Pilipinas at ng Amerika para iri-renew lang ito na naiwan ng dating administrasyon ng Amerika na iyan ang pagtingin sa Pilipino, kailangan daw ito ay makipagkita na. Mayroon na bang plano this year ang ating Pangulo kung papaano?
PCO USEC. CASTRO: Yes po. Mayroon po talagang plano, may intensiyon po talaga na magkaroon sila ng meeting po, siguro po in an appropriate time lang po. Hindi pa po ito napag-uusapan kung kailan pero mayroon po napag-usapan po iyan. At sinasabi nga po natin, napapansin po natin na iyon po ‘di ba iyong 330 million dollars na supposed to be na ibibigay sa atin na tulong – na-lift po iyan o na-exempt po iyan sa mga frozen fund support na ibibigay ng Amerika. So dahil po diyan, naipangako na po iyan sa panahon pa lang po ni President Biden. At dahil ito nga po ay na-exempt nga po na ma-freeze ng US, ibig sabihin lamang po nito ay maganda po ang relasyon ng Amerika at ng ating bansa.
MIKE ABE: Okay. Naku, alam kong napaka-busy ka at hinihintay ka sa Malacañang siguro ng Malacañang Press Corps, baka mayroon kang mensahe, mayroon kang gusto kang iparating sa ating mga kababayan. Pero bago ang lahat, ako ho ay sumusuporta sa iyo at saludo ako sa tapang at talino mo at nasa puso mo ang ginagawa mo. Tamang-tama, ituloy mo lang iyan at ang mamamayang Pilipino na nababasa ko sa social media rin ay halos lahat sa iyo o majority dito at sa abroad ay kakampi mo, kakampi ng ating Pangulo. Nasa iyo po ang pagkakataon, Usec., please.
PCO USEC. CASTRO: Actually, Sir Mike, ang hiling ko lang sa taumbayan, magdasal lang po tayo na maging maayos po ang sitwasyon natin sa Pilipinas. Hindi po natin kailangang ibagsak ang pamahalaan, hindi po natin kailangang ibagsak ang Pangulo – tuluy-tuloy lang po natin suportahan. Kasi kapag po minsan mga fake news ang nangyayari, napapangibabawan po kasi iyong mga good news eh hindi po napapansin ng taumbayan kung ano iyong maaari nilang makuha na mga tulong mula sa pamahalaan. So, dasal lang po tayo na itong mga fake news na ito ay malabanan po natin. Tulung-tulong po tayo sa pag-angat para sa Bagong Pilipinas.
MIKE ABE: Salamat po. Salamat, ma’am. Salamat, Usec. Mabuhay po kayo at Bagong Pilipinas talaga! Thank you po, ma’am.
PCO USEC. CASTRO: Thank you, Sir Mike.
MIKE ABE: Thank you po. Mga kaibigan, atin pong napakinggan, salamat sa oras, pagkakataon, Undersecretary Claire Castro.
###