Q: Nasa himpilan na po natin si Atty. Marie Rafael Banaag, ang Assistant Secretary for Operation and Legislative Affairs ng Presidential Communications Operations Office. Ang iksi ng title niya ‘no, ang haba… Atty. Marie Banaag, magandang umaga po, ma’am.
ASEC. BANAAG: Magandang umaga Vic at David, magandang umaga po.
Q: Welcome po sa Tandem, Lima at Oro, at kahit araw ng Sabado pinaunlakan ninyo po ang aming paanyaya.
ASEC. BANAAG: Walang problema po.
Q: Hayun… Well of course ito ho’y—marami ho kasi, aminin natin lately ang mga lumalabas ay, “Naku, ganito na lang sasabihin niyan. Naku, ganito na lang iso-SONA niyan, wala ring katuturan.” Pero you know, what’s in store for the Filipino people dito ho sa kaniyang pangalawang SONA, Ma’am Marie?
ASEC. BANAAG: First Vic, normal sa lahat ng administrasyon iyong kapag narinig mo na iyong first at second, iyong third parang… ano kayang bago? So more or less, it’s normal. We’re looking into having a SONA na it’s not as exciting as the first. But of course, coming from a President who is very unpredictable – it does make it so exciting.
Q: Oo nga, agree…
ASEC. BANAAG: And we have—may mga pre-SONA po tayo. We have pre-SONA kaya iyon nga, I cannot comment kung—of course ang gusto ni Presidente 35 minutes, but of course we would not know what would really happen by then.
Q: Baka 35 minutes iyong intro…
ASEC. BANAAG: Ah, alam hindi kasi—and also sa SONA kasi, hopefully by then tapos na iyong BBL, so that the President will sign it. Hopefully precautionary fingers, kasi iyong mga mambabatas natin, they’re working so hard para sa mga bicam meetings para diyan.
Q: Well I for one, ako si David, lalo na kami mga lalaki ‘no, interesado ako doon sa Build, Build, Build. And lately, alam naman natin na medyo nabanggit ni Presidente ang pangalan ni Secretary Mark Villar hindi ba, dito sa kanilang Build, Build, Build na ayaw na ayaw ng Presidente iyong mga—and in fairness naman to Mark, I know he’s working. Pero, can you give us a… what do you call this, an introduction or pahapyaw… the Build, Build, Build program is number one talagang loves na loves ni Pangulong Duterte hindi ba?
ASEC. BANAAG: Yes, of course. Doon sa report ng Tatak Pagbabago, iyong mga pre-SONA report natin, nailahad naman po lahat doon ni Secretary Villar kung ano iyong mga plano. You know, it’s easy to judge itong mga infrastructures natin, but of course the implementation, if you want something that is of value, it would take really hard work and it would take time. It would take years to build big bridges, mga magagandang kalsada; and these are not the usual na repairs that we have—
Q: Ah oo, major, major…
ASEC. BANAAG: These are major projects, yes. And of course let’s—it’s two years lang naman, two years lang naman mula noong pinangarap iyan. And of course, the practicality of having to build itong mga malalaking bridges that are connecting these provinces and cities—
Q: Ito ang SLEX and NLEX na ano hindi ba? Dream come true iyon.
ASEC. BANAAG: Exactly po. Yes, and TPLEX. So five years/six years… so it’s too early to make judgment on that. But of course, we see naman, we see how difficult it is also for our economic managers to manage and put into something that is tangible na nakikita ng ating mga kababayan itong mga infrastructure projects na gusto ng ating pamahalaan.
Q: Well, siguro sa aking—in fairness din sa DPWH ano, kay Pangulong Duterte… siguro expect din natin na may konting delay because probably Secretary Villar wanted to do it na malinis, diretso, walang korapsiyon, gusto niya malinis ang papel, walang you know… mga paningit-paningit kumbaga sa mahjong. Walang ganoon hindi ba, I mean it will take time really hindi ba?
ASEC. BANAAG: Tama, sir. And of course along that, doon sa byurokrasya natin, if you try to be proper, you try to follow procedures and at the same time you want to make it fast, with that, lahat ng mga reglamentary period na kailangan mong sundin, it’s quite difficult also. But of course, what’s important is that they’re at stage with whatever that, the government and what they have been doing.
Q: At siyempre Tandem, maliban diyan sa issue nga ng mga Build, Build, Build na iyan na posibleng maging laman ng SONA ng Pangulo, ay siyempre nangunguna pa rin sa mga topic ng lipunan sa ngayon ay ang kampanya laban sa iligal na droga at corruption, Ma’am Asec.
ASEC. BANAAG: Yes, David. Doon sa kampanya natin sa anti-illegal drugs, may Real Numbers po tayo and lagi po natin ina-update iyan monthly with the PDEA, the PNP, the Bureau of Customs and the NBI. And dito po walang makaka-question, kasi itong mga numero na ito, doon sa anti-illegal drugs campaign natin ay puwede namang i-verify. Maraming mga questions doon sa—
Q: I-double check, i-verify…
ASEC. BANAAG: Tama po. And halimbawa po, doon sa mga… ilan ba ang anti-illegal drugs operations natin – mayroon po tayong data. Ilan ang namatay, ilan ang nag-surrender, ilan ang naaresto… Ito may mga tao, may mga places… so these are very viable data from government. And what’s very important here is that, we see na doon sa halos dalawang taon—more than two years pala, ng ating Pangulo, ilang anti-illegal drugs operation ang ikinasa ng ating mga law enforcement agencies at ilang buhay na rin ang nasakripisyo – both from, of course, the government sector at sa ating lipunan. We cannot do away with all these—
Q: At ang ibang issue nga ay may kaugnayan sa corruption. Alam ninyo ho Asec. Banaag, ang nabanggit sa akin minsan ng ilang mga nakakausap nating mga local government officials, alam mo sabi niya, “David…” Actually isang governor ito nakausap ko, sa bandang north. Alam mo sabi, “David, iba na ngayon…” sabi niya “…talaga ang kilos ng mga pulitiko, ng mga mayors, ng mga gobernador, sa hanay namin… kasi seryoso ang Pangulo laban sa corruption eh.”
Kaya sa totoo lang maski daw sila, kumbaga nag-iingat sila na huwag silang masangkot sa corruption sapagkat hindi sila tatantanan ng Pangulong Duterte, at baka may posibleng kabilang sa mga maging pahayag ng Pangulo ang sibakan na naman dito sa mga corrupt, kaugnay—iyong iba’y mga issue ng mga pag-alis, paggastos ng mga government officials. Malamang Ma’am, kasama po ito ‘no sa mata-tackle?
ASEC. BANAAG: Yes, tama po. And of course, since matatapos na po si Ombudsman Conchita Carpio-Morales, may itatalaga na ring bagong Ombudsman. So with this one, with the new development, doon sa Ombudsman, sa pag-change ng leadership, malamang mas maigting pa because of course mas open sigurado ang communication ng Office of the Ombudsman and Office of the President.
And on top of that, of course mga kasama, I think it’s also proper to look into—may nangyari na ba doon sa mga issue lately doon sa—iyong sa kontraktuwalisasyon.
Q: Iyon, isa iyon, number one – iyong mga endo-endo.
ASEC. BANAAG: Yes and mainit iyan lately…
Q: Ang dami, ang daming issue…
ASEC. BANAAG: Yes. But then, let’s look into the problem this way: kapag halimbawa tayo napunta sa mga establisyimento… ako kapag napupunta ako tinatanong ko sila, “Kayo na ba ay regular?”
Q: Uy ako din ganoon, sa supermarket lagi kong tinatanong…
ASEC. BANAAG: And kapag sinabi nilang—ah well ako naman, kapag sinabing hindi – aalamin ko at nire-report ko iyan. Kasi—
Q: Ah talaga, puwede pala iyon?
ASEC. BANAAG: Opo. I-report natin sa DOLE, kasi hindi natin kaya; hindi kaya ng gobyerno lang na gawin ito. Ngayon po ‘pag ano naman… halimbawa sa mga salon na napupuntahan ko, sa mga restaurant… tinatanong ko po iyan. And kapag sinabing, “Opo. May mga 7 years, 2 years… pero at least ngayon regular na po ka kami. So may 13th month pay, may PhilHealth,” so natutuwa ako. Doon sa mga establisyimento na tinatanong ko—natatanungan ko po na ‘hindi’, nire-report ko po iyan sa DOLE.
Q: Ma’am, maraming kumpanyang matitigas ang ulo eh…
ASEC. BANAAG: Yes…
Q: Hindi ba, I mean parang hindi sila natatakot, hindi sila natitinag ng mga pahayag ng Pangulo. Can you tell us—ang pangulo ba nagbibiro?
ASEC. BANAAG: Hindi po, hindi po. And mas maganda rin na magtanong din sa iba at tulungan din natin ang ating pamahalaan para mai-report natin kung ano—
Q: [Overlapping voices]… iyong mga bago tinatanong ko ma’am, iyong mga kahera sa—
ASEC. BANAAG: Tama, tama sir…
Q: Regular na kayo? Bawal iyan ha… O hayun, go ahead ma’am, go ahead.
ASEC. BANAAG: Tama po, and i-report natin sa DOLE para maabisuhan sila. And usually po, pinapatawag iyan ng DOLE, may hearing po sila. And ang hindi maganda rin, kung minsan itong mga malalaking kumpanya, nagte-threaten sila na aalis sa ating bansa hindi po ba? Nahirapan sila sa mga ganiyan, mga ganito… Pero kapag tungkol sana sa labor, sa ating mga kababayang manggagawa, kasama sila doon sa pag-unlad ng kumpanya – so ibigay natin, ibigay natin iyong para sa kanila.
Q: Oo. Wala kang kumpanya kung wala kang trabahador.
ASEC. BANAAG: Tama po. So, ang kaya natin pong itulong ay magtanong tayo sa mga lahat ng pinapasukan nating establisyimento. Pati iyong mga anak natin tanungin natin, sabihan natin sila, “Magtanong kayo.”
Q: Where they can report if ever?
ASEC. BANAAG: Sa DOLE po.
Q: DOLE…
Q: May hotline naman si Secretary Bello.
ASEC. BANAAG: Secretary Bebot Bello, tama po.
Q: Marami hong ano eh, maraming… Kasi since na may mga mangilan-ngilang kumpanya lang naman, we know naman lately na ang laking problema noong sa PLDT ‘di ba, na bakit daw pinag-a-apply ulit. Galit na galit nga si Secretary Bebot, “Eh bakit ninyo pinag-a-apply ulit? Ang usapan gawin ninyong regular, that’s it, period.” Why exam again, start from one again hindi ba?
ASEC. BANAAG: Yes, and PLDT had been there for ages. Maybe, even before we were born.
Q: Ma’am mahaba pa buhok ko, maliit pa si David PLDT na iyan eh. Actually natalakay po natin nang bahagya ang mga posibleng maging laman ng SONA ng Pangulo. Nabanggit natin kanina iyong may kaugnayan sa first theme niya, na-discuss natin sa Build, Build, Build… mga proyekto ng—infrastructure project po ng pamahalaan, ang kampanya laban sa illegal drugs, ang corruption, ang tungkol sa endo… baka mayroon pa tayong ma-tackle mamaya. Ang tanong ngayon, sakto itong concern ni Doc. Tony Leachon, na ang sabi niya… ano ang mga posibleng maging pahayag naman ng Pangulo sa loob ng 4 years niya ng panunungkulan, may mga inaasahan ba tayong mga medyo, well sorpresa? Sabagay hindi na magiging sorpresa ito kapag binanggit na ni Asec.
ASEC. BANAAG: Exactly po [laughs]
Q: Pero sa tingin ninyo po, baka… puwede ho bang—
Q: Mayroon bang pang-bulaga?
Q: Puwede bang pumitas ng konting idea man lang iyong mga kababayan natin na, ano ang inaasahan ng ating mamamayan sa hinaharap sa ating Pangulo sa kaniyang natitirang apat na taon, Asec. Banaag?
ASEC. BANAAG: Opo. Ah, hindi na rin magiging surprise talaga kapag sasabihin ko…
Q: Hindi… ang sagot lang – mayroon o wala.
ASEC. BANAAG: Mayroon, mayroon.
Q: Tao ba ito?
ASEC. BANAAG: [laughs].
Q: Lumilipad ba ito? Okay mayroon ha.
ASEC. BANAAG: Mayroon po.
Q: Kasama po ito sa pag-unlad ng bayan?
ASEC. BANAAG: Tama po siyempre and of course hindi masyadong nagve-veer si—ang ating Pangulo doon sa mga primary na kampanya, of course sa anti-illegal drugs, sa korapsyon, sa kriminalidad and of course on federalism.
Q: ___.
ASEC. BANAAG: Ito iyong mga bagay na—bagay na titingnan natin baka mamaya hindi ba—baka mamaya hinihintay pala nila na baka sabihin ng Pangulo na ‘No election.’ Wala pong ganiyan. Kasi po ang ‘No election’ na bagay ay hindi na sa Pangulo, iyan po ay nasa Kongreso.
Q: Agree. Oo.
ASEC. BANAAG: Wala po, wala pong ganoon.
Q: Kasi iyong federalism sa tingin ko, in the bag na iyon eh, medyo plantsadong-plantsado na eh.
ASEC. BANAAG: Doon sa mga gumawa ng—nagrebisa ng proposed na—teka muna taga Mountain Province kasi ako eh—
Q: Ah Ilocano ba kayo? Ilocano, Ibanag?
ASEC. BANAAG: Igorota po.
Q: Igorota. Okay.
ASEC. BANAAG: Iyong mga nag-amend, gumawa ng amendments sa—iyong mga bagong ConCom, iyong ConCom natin ngayon. Personally, I trust in them. Sumama ako sa kanila sa mga road shows nila and nagtatanong ako sa kanila, ito mga senior citizens na halos sila lahat and wala silang political ambition and wala silang vested interest doon sa Saligang Batas na pinapanukala, na mga amendment nito. Ito ay para sa mga—sa ating mga kabataan.
Q: Iyon, tayo kasama tayo diyan mga kabataan.
ASEC. BANAAG: And mga anak natin, tama. So sa akin, sa tingin ko po kapag ito po ay mas naintindihan ng ating mga kababayan at sino ang nagsulat ng mga ito, siguro mas kampante sila, mas kampante sila na, ah so siguro napapanahon na rin para tingnan natin kung anong mas nakabubuti, kagaya po ng local government po noon at nakabuti ba sa ating mga kababayan sa probinsiya? Nakabuti; bakit hindi natin i-try ito? Kasi ito naman ay panukala, panukala ng mga tao na alam kung ano ang puwede sa ating mga kababayan, sa batas. Ano ang puwedeng i-limit; ano ang puwedeng bigyan ng pansin at may transition government after.
Q: At ang mahalaga po diyan Ma’am – maputol ko kayo ng kaunti – itong mga umuukit ng batas na iyan, ng planong iyan ay wala pong mga political agenda.
ASEC. BANAAG: Exactly, wala silang vested interest. So iyong mga programang pangkababaihan, istraktura ng bagong pamahalaan kapag magiging Regional State na po ang mga Rehiyon, iyong daloy ng taxes, halimbawa po iyong mga Jollibee nasa Baguio City. Si Jollibee nagbabayad sa Makati kasi iyon iyon ang main office nila.
Q: Ngayon?
ASEC. BANAAG: Sa pederalismo hindi na, kung nasaan siya, doon siya magbabayad sa region na iyon, sa state na po ito. Halimbawa ang Aboitiz nasa Cordillera, nagbabayad sa Makati—
Q: Ang traffic noon.
ASEC. BANAAG: So ang pera na taxes po napupunta sa Central government. Hindi lang po iyan, kapag po pederalismo na po tayo hindi na kailangang pumipila lagi itong mga local officials natin, mula board members at sangguniang bayan, kung minsan pati kagawad ng barangay from Aparri, from the South pupunta ng Manila—
Q: Luluwas pa—
ASEC. BANAAG: Luluwas para lang hihingi ng—ito pondohan ninyo itong barangay health station ko—
Q: Ngayon?
ASEC. BANAAG: Ngayon doon na lahat po sa region po, sa state.
Q: Sa region, right-right.
Q: So menos gastos, menus tao, luluwag ang traffic avenue
Q: Konek-konek eh. Iyon na pala iyan ano. Teka muna, ang Pangulo ba ay nagre-rehearse ng speech niya?
ASEC. BANAAG: Yes po.
Q: Kapag bagong gising ba, gumaganyan si Pangulo. Mi-mi-mi-mi—
ASEC. BANAAG: Hindi naman, wala pong oras ang Pangulo para every time. So talagang sinisingit-singit na lang po na first, puwedeng i-rehearse so ganoon kapag may extra time.
Q: Sinong nagsasabi noon? Sir, puwedeng—ikaw?
ASEC. BANAAG: Hindi po, iyong mga kasa-kasama lagi ng ating Pangulo. Kasi hindi tayo—
Q: Ah talagang si Sec. Bong Go—
Q: Oo, sigurado iyan.
Q: At tama po kayo diyan sapagkat ang balita ho namin ay pinulong na nga po ng Pangulo ang economic cluster para magkaroon ng tamang mga datos siguro, mga impormasyon at kabilang iyan sa magiging laman ng SONA ng Pangulo dahil lang sa hindi puwedeng ang Pangulo ay magsalita ng walang ebidensiya hindi ba?
ASEC. BANAAG: Tama.
Q: Walang katibayan, walang—
Q: Sabi nga ng SOCO, hindi nagsisinungaling ang ebidensiya
Q: At ang ebidensiyang iyan ay base sa mga nariyan na at kaya kinakailangan hindi puwedeng mambola ang Pangulo sa kaniyang talumpati—
ASEC. BANAAG: Tama po.
Q: Kumbaga ang sasabihin ng Pangulo, walang kulang, walang labis.
ASEC. BANAAG: Opo, and gaya nga ng sabi natin kanina may mga pre-SONA project tayo doon sa Tatak Pagbabago. Ito po ay through the PCOO kasi po ang mandato natin ilahad kung ano iyong mga programa ng ating pamahalaan and the Executive branch. So ang thrust ni Secretary Martin Andanar would be—itong mga Tatak ng Pag-unlad, ito iyong economic cluster po. So natapos na po sila, nag-report and Tatak ng Pagkakaisa at Pagmamalasakit. Ito po iyong human poverty—human development and poverty reduction cluster. So dito po may mga datos din po sila, itong mga department natin para makikita—usually po ang sinasabi ng ating mga policy makers, ‘You cannot manage what you cannot measure.’ So papaano mo ima-manage ito? You have to have program na may research sa anti-poverty alleviation cluster, sa human development cluster po. Ito po ang inilahad po nila, iyong sa DOLE, iyong sa TESDA, sa DEPED, ito po iyon and—
Q: Pati DSWD?
ASEC. BANAAG: Pati DSWD po.
Q: Correct.
ASEC. BANAAG: At sa Wednesday po, sa July 18 po ay Tatak ng—ito po iyong cluster ng climate change and mitigation, security cluster, justice and iyong reduction ng kriminalidad. So ito po ay very—importante din po ito especially with sa environment.
Q: May ganoon ngayon ha.
ASEC. BANAAG: Yes sir.
Q: Maganda iyon at least tulong-tulong mayroong ano—
ASEC. BANAAG: And sila mismo po ang nagpapatupad ng lahat ng polisiya na sinasabi ng ating pamahalaan, itong mga department head ang nagpapatupad niyan at sila ang nagre-report para alam natin kung puwede tayong magkomento kung may kulang o puwedeng baka kasi nasobrahan nila, magkomento, mag-suggest. Ito po iyong ginagawa natin.
Q: Ah may cluster lang din?
Q: Nandiyan iyang mga iyan, iyang cluster na iyan—iba’t iba—
ASEC. BANAAG: Iba-iba po, may human development, may—maraming klase po, economic cluster—
Q: May climate—
ASEC. BANAAG: May climate change and adaptation, resiliency, social—security, justice iyon po, so iba-iba pa. So by Wednesday po iyan na po ang last na ano—
Q: Well, I’m sure—eh ano naman ang masasabi ninyo doon mga nagsasabing—mga tao talaga, wala puro mura lang sasabihin niyan, wala magmumura lang iyan. Sige nga.
ASEC. BANAAG: Last SONA, wala namang mura ang Pangulo; mayroon si—[laughs]. May ganoon. So nag-i-improve opo. Noong first SONA may—hindi siguro—medyo nasanay ang Pangulo na—siyempre dating Mayor, ganoon ang joke niya, noong second halos wala na. Ngayon siguro walang-wala na.
Q: Pero sa tingin ninyo masusunod iyong 35 minutes, Ma’am?
ASEC. BANAAG: Ayokong mag-comment. [laughs].
Q: May mabigat na mabigat na tanong ho rito. Hindi ko alam kung paano sasagutin ni Ma’am Marie ito. Ito ay mabigat, nakakabigla.
ASEC. BANAAG: Puwede bang tumayo?
Q: Joey Sy ng Quezon City. David at Vic paki-ask ninyo nga si Ma’am Marie kung kaanu-ano niya si Doctor Love Jun Banaag?
ASEC. BANAAG: Ay mabigat nga [laughs].
Q: Mabigat, mabigat.
Q: Ikaw si Doktora Love.
Q: Hindi, hindi. Ibang ano yan, Ilonggo yata eh.
Q: Well, I’m sure mag-iikot din kayo at ito ay isa lamang sa mga gagawin naming pre-SONA. Itong programa namin sa tandem and siguro iyong tao, ang sa akin lang, correct me If I’m wrong Ma’am Marie, David na hintayin muna natin iyong SONA bago tayo mag—
ASEC. BANAAG: Mag-comment, mag-comment.
Q: Bago tayo bumato.
ASEC. BANAAG: Tama-tama.
Q: Teka muna hintayin ko muna iyong explanation mo, hintayin ko muna ang sasabihin mo at saka tayo rumatrat. Parang—I mean in fairness to the President din dahil it’s not an easy thing to be a President.
ASEC. BANAAG: And of course for a President who wants tangible result.
Q: That’s right.
ASEC. BANAAG: Definitely maraming magko-comment pero marami ring matutuwa
Q: Of course you cannot please everybody.
ASEC. BANAAG: Exactly.
Q: Buti nga ang Presidente hindi numinipis ang buhok kagaya ko.
ASEC. BANAAG: Siyempre hindi natin masyadong nakikita. So baka for all you know baka nagpo-falling hair na si sir sa dami ng problema.
Q: Si Bong Go makapal ang buhok; si Martin Andanar bagong gupit din.
Q: Ah ganoon ba?
ASEC. BANAAG: Opo pero nakikita na rin ang white hair nila. Si Secretary Martin nga eh—
Q: Si Martin Andanar maliit pa ako reporter na iyan. Maliit pa ako reporter na iyan.
Q: Wala namang nakikinig, tayong tatlo lang hindi ba? At saka doon sa dami ng mga problema ng lipunan eh, kahit nga si Chief PNP, dati medyo malago pa ang buhok, ngayon eh talagang—eh siguro sa lawak ng problema rin ngayon. Ito may isyu na naman, may isyu na naman tungkol sa PNP vehicle at Ma’am Marie, in behalf of the President, ang Palasyo ng Malacañang nakikinig po sa inyo, ang sambayanang Pilipino. Nasa inyo po ang pagkakataon, go ahead Ma’am.
ASEC. BANAAG: Sa ating mga kababayan, sa lahat ng nanonood po ng DZMM, maraming salamat po for giving us the opportunity and sana po pakinggan natin at isa-puso natin iyong mga magagandang sasabihin ng ating Pangulo at mangarap tayo kasama ng ating pamahalaan. Maraming salamat po.
Q: Naku, maraming-maraming salamat po at palagay ko magtatawagan pa tayo sa mga susunod na araw.
Q: Oo naman, until before July 23 and tingnan natin, and of course iyong rally hindi na namin natanong, naging lenient yata ang Pangulo, walang container van na ihaharang, maximum tolerance to the highest level ‘di ba?
ASEC. BANAAG: Yes po. So far, walang problema po doon sa mga maghahayag ng kanilang mga damdamin, iyong mga magpoprotesta, walang problema iyan. Ang sina-suggest lang po – pero siyempre control iyan ng ating Pangulo – huwag na sanang pumunta ang ating Pangulo doon sa mag raliyista, but of course we cannot control.
Q: [overlapping voices].
ASEC. BANAAG: Opo last SONA po pumunta ang Pangulo. Of course we cannot dictate kung anong komportable sa ating Pangulo and he is so comfortable confronting iyong mga problema. He is always be that way.
Q: Ganyan din ako kasi, nasa kalye rin ako naglalaro pero nakikinig naman siguro ang Pangulo sa mga—siyempre suggestion ng mga—o kaya para sa kaniyang seguridad lalo na ngayon alam niya. Well—
Q: Teka kailan aalis ang Pangulo? Manonood siya ‘di ba?
ASEC. BANAAG: Tingnan natin kung hindi po siya busy. Kasi ang dami din pong—ang daming ginagawa and most of the time halos wala na ring tulog.
Q: Sabihin mo sa Pangulo magpahinga naman.
Q: Oo nga, Diyos ko naman.
Q: Ma’am, thank you so much ha.
ASEC. BANAAG: Thank you so much.
Q: Regards kay Presidente, kay SAP at kay Pareng Martin.
ASEC. BANAAG: Nasa ano po sila ngayon, nasa—magkaiba. Nasa Mindanao, si Sec., nasa Marawi. Si Sec. Bong nasa south din, sa Mindanao.
Q: Ang Pangulo nandoon din ngayon?
Q: Ma’am Marie, thank you ha.
ASEC. BANAAG: Thank you, maraming salamat po.
###
Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)