NIU: Nasa linya na po natin ang isa sa ating panauhin, si Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar. Good afternoon po Sec. Martin.
UMALI: Good afternoon po
ANDANAR: Good afternoon Tuesday and Isa.
NIU: Opo.
ANDANAR: At sa lahat po
NIU: Salamat po sa pagtanggap ng aming tawag. Sir, ano ba, 100% ready na bukas si Presidente?
ANDANAR: 100% ready na bukas. Pero una sa lahat, congratulations sa Pambansang Kamao.
NIU: Tama – tama, sir.
ANDANAR: Si Manny Pacquiao.
NIU: Kanina ko kayo kino-contact sana, kukuha akong statement ninyo. Hindi ko lang ma-contact yung cellphone mo. Pero ngayong… sige.
UMALI: Agad naman niyang binanggit.
NIU: Oo.
ANDANAR: Si Senador Manny Pacquiao, against all odds, kahit na siya’y kwarenta anyos, kalaban niya eh trenta anyos, nanalo pa rin siya, na-knockdown niya noong first round.
NIU: Oops. Lumalabo ang signal ni Sec.
UMALI: Oo, hindi maganda ang ating linya ng komunikasyon.
NIU: Sir, tawagan ka namin ulit ah, at nawawala ang linya niya.
UMALI: Balikan natin si Secretary Andanar.
NIU: Balikan natin siya, baka kung nasaan siya.
UMALI: Ayan na.
NIU: Hi Sir.
ANDANAR: Oo, nawawala daw yung signal.
NIU: Oo nga po; yung third telco kasi sir inaantay natin.
ANDANAR: Anyway, just like what I said Tues and Isa, na even with the age of Manny – 40 years old, Senator Manny Pacquiao ay nagawa niya pa ring ma-knockdown at matalo si Thurman, although kuwestyonable dahil split decision. Dapat hindi split decision yun, dapat unanimous, hindi ho ba? Oo.
Senator Manny Pacquiao serves an inspiration to everybody, talagang napaka dexterous ng mamang iyan – left and right kung siya’y mag-boksing. Hindi lang sa boksing, pati sa pulitika. So, it gives us really an inspiration and gives…it sends a message to every Filipino na kahit man saan ka galing, whether ikaw ay basurero o ikaw ay taga masa ng pandesal sa isang bakery ay posible mong makamit ang iyong mga pangarap basta’t magsikap lang at ilagay ang isipan sa tamang focus.
NIU: Yan. salamat po sa message na yan.
Sir, nasaan na po ba si Pangulong Duterte dito sa paghahanda, nagkaroon po ba ng actual rehearsal?
ANDANAR: Well, nagkaroon po ng actual briefing at kung matatawag mo na rehearsal dahil mayroong teleprompter at binasa muli ni Presidente ang kaniyang speech although ilang beses na niya itong in-edit.
So, from 28 pages ay naging 19 pages na lamang iyong speech and we are expecting it to be at least nasa mga 17 to 18 pages to last for 45 minutes and one hour depende sa speed ni Presidente. Pero based doon sa nangyaring ensayo noong Friday ay kaya niya ito in less than one hour.
NIU: Without ad lib?
UMALI: Opo.
ANDANAR: Yeah, oo. Thank you for the disclaimer.
NIU: Opo. Sir, noong nag-practice o nag-briefing sila, di ba, nagkaharap na sila Direct Joyce para rito, may particular na request ba si Presidente para doon sa kaniyang speech?
UMALI: O kaya partikular na anggulo.
NIU: O kaya si Direct Joyce, mayroon bang request kay Presidente?
ANDANAR: Yung request lamang ni Direct Joyce was for the President to also look at the center. Kasi, di ba yung prompter nasa left and right? So, when you look at the prompter at the left side, the tendency for the person reading the teleprompter ay diretso sa right side, the left. So, yun lang ang request na tumingin sa camera, sa gitna. Very technical ang mga request ni Joyce at nakakatawa nga dahil mayroong anecdote doon, dahil si Direct Joyce ended up talking about the effects of lighting. Tapos si Presidente interesado siyang malaman na, “ah, ganoon pala yung epekto niya”.
Alam mo, kailangan kasi mayroong lighting sa ibabaw pero iniiwasan natin yung lighting na tumama sa mata ni Presidente. Kasi, otherwise hindi niya mababasa yung teleprompter. Pero that just a minor technical advised and problem at palagay ko naman ay the President will be able to overcome that, little challenge.
Kasi, noong 2018, last year ay kita naman natin na talagang binasa ni Presidente yung speech, using the teleprompter.
NIU: First time po, di ba, Secretary na magkakaroon ng orchestra sa SONA ng Pangulo at yung iba, may mga nagtatanong, kakanta rin kaya si President Duterte sa SONA?
ANDANAR: Hindi naman siguro. Well, you mention the orchestra. Ito ay isang first at ito ay ang suggestion ni Director Joyce at sa palagay ko naman ay maganda rin dahil it’s another first in the State of the Nation Address at doon ay…yung orchestra will be playing the favorite songs of the President including the Philippine National Anthem, ayun po yun.
And, mayroon ding LED na kinuha ang Kongreso. I think they got three LED’s and we will see. Mayroon din kaming tinitingnan na possibility of placing a backdrop sa likod ni Presidente pero pinag-aaralan pa namin yun.
NIU: Oo. Sir, yung mga nakaraang mga SONA ng mga dating Presidente, may mga personalidad o palabas na ginawa: Example, si dating Pangulong Cory Aquino, presyo ng galunggong hinay-light.
UMALI: Oo.
NIU: Fidel Ramos, si Mang Pandoy; GMA, bangkang papel; si Noynoy yung No to Utak Wangwang – ano naman ang kay Pangulo?
UMALI: May pasabog din po ang Presidente.
ANDANAR: Napag-usapan namin ng Presidential Management Staff kung maglalagay kami ng graphics sa gilid pero we decided not to. Kasi, ang gusto namin naka-focus lang talaga kay Presidente at bahala na ang mga TV Network na maglagay ng graphics kung gusto nila. Eh, kasi, alam naman natin na kapag naglagay ka ng graphics, basically that’s just inside Congress, di ba Tuesday?
NIU: Opo.
ANDANAR: Hindi naman ibig sabihin na kukunin ng GMA yan o ng ibang istasyon kasi may sariling clean feed, di ba? So, we decided not to, but we’ll see tomorrow kung yan ba ay nabago. But as far as I know, hindi pa nababago ang desisyon na yan; ano pa ba ang aasahan natin bukas?
NIU: Sir, may nabanggit kayo, Duterte legacy. Ano po ba yung…paano ninyo ilalarawan ba yung SONA ni Presidente bukas?
ANDANAR: Thank you Tuesday for mentioning that. The Duterte legacy, yan talaga, for the next three years, it’s all about Duterte legacy: Number one – poverty alleviation; number two – Build, Build, Build; number three – peace and order, highlighting the National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).
Alam mo, legacy is a very important word. Kasi, the more legacies na magagawa yung isang Presidente, lalong-lalo na kung ang legacy ay yung infrastructure, hard legacy tulad ng mga subway, mga riles ng tren. Yung railway system sa Mindanao, mga bridges, mga highways.
The more legacies na maiiwan ni Presidente Duterte within six year term, that will become the goal standard, that will become the barometer, the bar in which the next President will have to look at. Dahil kailangan, either pantayan ng susunod na Presidente yan o higitan pa para mas gumanda ang buhay ng bawat Filipino.
Kailangan talaga, we have to improve the lives of the generation, the next generation. Improve and improve and improve. And that is the responsibility of each President who comes in to govern the nation.
UMALI: Secretary, seryoso po ba o totohanin ni Presidente yung nabanggit niya before na magle-lecture siya about the constitutionality hinggil po doon sa fishing deal with China?
ANDANAR: It is highly possible that the President will mention the West Philippine Sea at kung ano ang kaniyang stand sa West Philippine Sea. Kung magle-lecture siya, meaning off the script, hindi ko alam. But that would be the prerogative of the President, that would depend on the mood of the President at hindi pa natin alam kung ano pa ang puwedeng sabihin ni Presidente off the script. That will happen between now and tomorrow. Of course the biggest news now is the victory of Senator Manny Pacquiao. Tingnan natin kung babanggitin ni Presidente. Pero ang alam ko si Senator Manny ay pauwi na ng Pilipinas.
NIU: Hahabol sa SONA?
ANDANAR: Hahabol, hahabol siya. Oo.
NIU: Sir, mayroon bang specific priority bills na mababanggit si Presidente sa SONA niya?
ANDANAR: Posible, posible yung National Land Use – posible yun. In fact, he mentioned that two weeks ago, in one of the interviews na gusto niya talagang matutukan itong National Land Use Act dahil ilang Presidente na ang nagdaan at hindi talaga ito naging batas.
UMALI: Sir, ano kaya yung naging reaction ni Presidente Duterte, kasi noong mga nakalipas na araw nag-announce na si Mayor Sara Duterte na hindi siya makakadalo, pati po si Vice Mayor Baste Duterte. Although dadalo naman kaya si Congressman Pulong, di ba? Si Congressman Duterte and, mayroon po ba kayong naririnig, may conflict ba ngayon sa family or may kinalaman kaya ito sa isyu naman ng Speakership sa Kamara?
ANDANAR: Ang alam ko lang ay may sakit si Mayor Sara at we pray that she recovers – fast. Alam ko lang din na si Vice Mayor Baste ay maraming trabaho sa Davao at si Congressman Pulong, I don’t know if he did mention na he’s not attending kasi nakita ko sa news na magkasama sila ni Congressman Cayetano at mayroon ding balita pala na magkakaroon siya ng breakfast with a group of Congressmen. So, dalawang breakfast ang mangyayari and si Congressman Cayetano will be joining that breakfast also – so both of them will be hosting two different breakfast meals. Tapos si Congressman Cayetano will be attending also, the other one that will be hosted by Congressman Pulong Duterte.
UMALI: Pero Secretary, yung iba namang members of the family ni Presidente Duterte pupunta naman po?
ANDANAR: Hindi. Sorry, I cannot answer that question because I really don’t know who is attending. Masyado tayong naka-focus sa technical production ng SONA at naka focus din tayo doon sa mga nakaraang pre-SONA. And by the way Tuesday, magkakaroon ng post-SONA, I think you were already informed.
NIU: By Tuesday ata yun, after the SONA.
ANDANAR: Yes, immediately on Tuesday, magkakaroon ng post-SONA. Para maipaliwanag kung mayroong mga hindi masyadong maliwanag. That will be addressed this coming Monday.
NIU: Sir, recently ipinatawag ni Presidente sa Malacanang yung about 50 plus na mga kawani at opisyal ng Bureau of Customs, mababanggit ba niya yan bukas, with regard to his campaign on his anti-corruption campaign?
ANDANAR: Yung topic na corruption will be part of the speech pero kung babanggitin ba yung mga nagtungo sa Malacanang last week, na mga opisyales ng Bureau of Customs, I don’t know. But that matter has been settled already. Sabi nga ng Presidente, “I will file charges and with a prayer that they be suspended while they are facing their charges in court.
UMALI: Last question na lang regarding SONA sir.
ANDANAR: Opo.
UMALI: Nakahanda na po ba yung susuotin ni Presidente, mayroon po bang partikular na nagbigay sa kaniya ng sapatos? Di ba kasi…
NIU: Sa Marikina dati, favorite niya yun eh!
ANDANAR: Oo.
UMALI: Barong Tagalog niya sir.
ANDANAR: Ang napag-usapan lang yung Barong. Na-overhear ko lang si Direct Joyce and the President talking about the type of Barong, the shade of the Barong kasi mayroong effect yan sa lighting – iyon lang.
But kung sino yung mananahi, kung sino yung fashion designer – hindi ko alam.
NIU: Ah okay. Well, other matters Secretary.
ANDANAR: Sige po.
NIU: Mayroong ibang nabanggit si Presidente before na posibleng magkaroon ng minor changes o balasahan sa gabinete, when, kailan ba ito?
ANDANAR: Yun ang hindi ko masasagot Tuesday. Pero that was mentioned by the President during the last Cabinet meeting and if it’s happen today, tomorrow or any day in the future, alam naman natin na kami sa Cabinet, we serve at the pleasure of the President – kung kailan niya kami gustong tanggalin o ilipat, puwede. Kung minor o major na balasahan, nasa kaniya po iyon. Pero during the last two weeks ago, nagkaroon ng interview and the President was satisfied with the performance of the Cabinet members and he did mention di ba, iyong top three: Mark Villar, Art Tugade at si Mon Lopez.
NIU: Pero sir, yung naririnig namin, nakausap ka na ba ni Presidente? Doon sa issue ng Presidential Adviser for Political Affairs.
ANDANAR: Hindi pa po. Hindi pa kami nag-uusap tungkol diyan pero I am very humbled kung talagang I am being considered, I am very humbled by the consideration.
NIU: Yes. And one thing sir, ano na po yung update, nabanggit niyo ito dati pa, yung draft ng muling pagbuhay sa Office of the Press Secretary. Sabi ninyo the last time nasa table ni Executive Secretary Salvador Medialdea, ano na po bang status niyan?
ANDANAR: Well, kasi, alam mo Tuesday, the last time na mainit ang usapin na yan, was when the President ask Secretary Roque to stay in the Cabinet and not plan for the Senate. So, that was the decision back then na pirmahan yung draft EO and then si Secretary Harry Roque will then become the new Press Secretary tapos ako naman ililipat sa ibang puwesto, pero that was then.
NIU: Iba na ngayong Sir, so medyo naka-hold?
ANDANAR: From that time on hindi na napag-usapan – we’ll see. That idea is a good idea and it should be reverted to the Office of the Press Secretary and kung kailan man gagawin ni Presidente yan because in principle, it was already approved by the President. We will just wait for him to sign it. I guess now, marami pang ibang problema na tinututukan ang ating Mahal na Pangulo kaya itong pag-revert lang to Office of the Press Secretary is not really a priority as of now.
UMALI: Secretary, noong mga nakalipas na araw po, isa sa mga isyu na napabalita, natutukan din ng ating mga kababayan ay yun pong sa UN Human Rights Council adoption ng Iceland resolution. Kanina nakausap din namin sa ere si Attorney Harry Roque, sabi niya, “dedmahin na lang, dapat hindi na lang bigyang pansin”. Pero kayo po bilang Secretary ng PCOO, bakit nga ba hindi na lang dapat tanggapin ng pamahalaan yung pagkakataong ito, yung binigay nga po ng UNHRC para po, sinasabi nga nila makapagpaliwanag ang ating government regarding po sa mga allegations ng EJK.
ANDANAR: Well, first and foremost, nagsalita na po ang Department of Foreign Affairs, si Secretary Sal Panelo at si Secretary Locsin, at sinasabi nila na hindi tinatanggap ng ating pamahalaan ang desisyon na iyan dahil mayroon ding mga protocol ang hindi nasunod ng UNHRC, tulad ng protocol ng periodic review at nabanggit din yan ni Executive Secretary Bingbong Medialdea. So, we do not accept that decision and we will not allow the investigators to come in, iyon po iyong decision. Now, kailangan siguro ay i-review yung desisyon na yun. Now, if the President will talk about it or not – hindi ko alam.
NIU: last one on my part sir, kailan ililipat si Secretary Manny Pinol, minamadali na ni Presidente yung sa may Bangsamoro Autonomous Region eh. Para raw makapagsimula na, umusad na yang BARMM.
UMALI: At mayroon na bang ipapalit sa DA? Sa Department of Agriculture Sir?
ANDANAR: Again, it will depend on the President. For now, Secretary Pinol will remain to be the Department of Agriculture Secretary. And Secretary Pinol has the trust and confidence of the President. In fact, kung if ever man na ililipat siya, ililipat siya sa isang posisyon na napaka sensitive, napakahirap – ito pong maging go between ng Presidente at ng Bangsamoro Autonomous Region of Muslim Mindanao.
We cannot afford to fail in this BARMM kasi kapag nag-fail ito, parang ARMM din yan, nag-fail. Mahirap, mahirap, hindi puwede. Failure is not an option kaya kailangang maglagay ng isang tao na pinagkakatiwalaan ng Presidente na marunong na administrador, kasi yun ang kailangan diyan.
I hear na sa BARMM ngayon, medyo nag-i-stall iyong mga projects kasi nga wala pang experience. Walang experience yung mga nag-takeover pa, in governance, kasi matagal silang naging rebelde, di ba?
NIU: Tama.
ANDANAR: And they don’t also want to the make mistake of signing documents na illegal. So you need somebody like Secretary Manny Piñol who knows the ins and outs of government para mas mapabilis yung kanilang pag-implement ng mga pagbabago, change ng gobyerno doon sa BARMM.
NIU: With that Secretary, salamat po sa oras ninyo at magkikita po tayo bukas sa Congress.
ANDANAR: Yes, bukas Tuesday. Thank you, thank you so much. Mabuhay kayong dalawa Tuesday, Isa at sa lahat ng nanonood ng DZBB, mabuhay po ang GMA.
###