Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar by Angelo Palmones (DZRH – Angelo Palmones Live)


PALMONES:  Sec., number one: mukhang kinakailangan talaga ng ibayong kampanya ngayon para i-educate ang bayan as to the impact of Cha-Cha, lalung-lalo na ang mga senador?

SEC. ANDANAR:  Tamang-tama po kayo, Congressman Angelo, sapagkat more than 50% nga ang hindi pa aware dito po sa ating federalism, draft constitution, ito po iyong panukala ng ating Constitutional Commission na inatasan po ni Pangulong Duterte.

So, it is very important for us to go around the countryside to explain to the rest of the population kung ano po ang magiging epekto nitong power to the people – ‘Bayanihan Federalism.’ Ito po iyong titulo ng kanilang ibinigay na draft constitution—

PALMONES:  Sec., ang isang concern lang kasi natin, sabi nga ng report kanina ni Milky Rigonan. Mas concerned ang mga senador doon sa gagastusin, kaya gusto daw nilang matanong muna si Asec. Mocha Uson kung saan gagastusin iyong pondo. Number one, magkano ba talaga ang inilaan natin para sa education campaign?

SEC. ANDANAR:   Sa palagay ko naman kasi, Congressman Angelo. Sa isyu ng kay Asec. Mocha Uson – siya ay na-tap lamang ni Ding, siya po iyong Spokesperson ng Constitutional Commission – para po maparating sa ating masa in layman’s term ito pong draft federal constitution. Now—

PALMONES:  So hindi siya iyong main Spokesman?

SEC. ANDANAR:  Hindi po, hindi po. Meron po tayong mga miyembro ng komisyon na puwede pong magpaliwanag nito, iyong mga abogado, iyong mga… former Chief Justice, Senator Nene Pimentel, meron po tayong mga dalubhasa na puwedeng magpaliwanag. Iyong kay Asec. Mocha po ay para mai-bridge lang po iyong communication gap between the Constitutional Commission at iyong masang Pilipino.

At sa palagay ko naman kung pag-aaralan ni Mocha itong power to the people, Bayanihan Federalism ay mai-explain niya ng husto ito; hindi naman natin puwedeng ismolin o maliitin si Mocha Uson.

PALMONES:  And pupunta rin siya sa Senado kapag… apparently ipinatawag na yata?

SEC. ANDANAR:  Oo, depende po iyan sa Senado kung talagang ipapatawag po nila. Pero si Asec. Mocha hindi naman takot iyon, I am sure that she is also responsible to her more than 5 million followers. Kasi kapag minaliit mo kasi is Mocha, eh parang minaliit mo na rin iyong limang milyong followers niya. So, sa palagay ko ay pag-aaralan naman ni Mocha itong power to the people Bayanihan Federalism. Pero more than that, ang mahalaga kasi dito Congressman, ay maipaliwanag din sa taumbayan iyong iba’t-ibang artikulo nitong draft  federalism constitution at mahalaga nga dito ay iyong fiscal powers and financial administration, nasa Article 8 po iyan ng draft constitution, at pagkasabi nga dito na kapag pumasa itong federalism ay mas malaki po iyong magiging parte, iyong IRA ng isang—

PALMONES:  Lokal na pamahalaan.

SEC. ANDANAR:  Opo. Not less than 50%, Congressman, alam mo naman iyong IRA natin ngayon ay mga 30-40%. So kung hindi po bababa ng 50% ibig sabihin iyong kontribusyon na revenues ng isang local government unit ay maibabalik mas mataas ngayon sa kanila. Ibig sabihin, mas malaki iyong chance na umasenso iyong isang lugar.

PALMONES:  Unfortunately nga, mukhang natatakpan iyong mga real na issues dahil nga dito sa mga usapin at sinasabing mas priority nila malaman kung saan gagastusin iyong pondo. Ang laging itinatanong ng ating mga kababayan, pag nagkaroon ba ng Cha-Cha gagaan ang buhay ni Juan Dela Cruz lalung-lalo na iyong nasa hanay ng poorest of the poor, Sec. Martin?

SEC. ANDANAR:  Opo. Sa palagay ko po ay talagang gagaan. Sapagkat ngayon ay masyadong centralized po iyong gobyerno natin. Simpleng paliwanag lang po, ang gusto po ni Presidente ay i-decentralize iyong government, mawala po iyong pirma nila, mas malaki po iyong parte ng funding na maibabalik po sa mga probinsya para mas ma-concentrate po  iyong investment. Mas alam kasi ng probinsya, ng mga governors kung ano ang dapat gawin sa kanilang probinsya para lumago. So therefore, if they are given a little bit of fiscal autonomy and more money, mas malaki iyong chance na mas lumago iyong kanila.

Walang pinagkaiba iyan eh, parang negosyo lang iyan eh, pag maliit na puhunan eh mas matagal umasenso; kapag malaki iyong puhunan, mas malaki iyong tiyansa na mabilis iyong pag-asenso.

Ngayon, ang natanong mo kanina Cong, kung magkano po iyong budget ng communications. Ang budget po na inilaan for now is 10 million, out of the 90 million. Maliit lang po.

PALMONES:  Saan ka makakarating noon?

SEC. ANDANAR:  Exactly. That is why kami po sa PCOO and together with the inter-agency ay makikipag-meeting po kami sa Kapisanan ng mga Broadkaster ng Pilipinas para kausapin po, kasi meron pong nakalaan doon sa bawat broadcasting station na ilang minuto para sa gobyerno, para matulungan po iyong ating gobyerno.

And number two, kami po ay humingi ng karagdagang pondo para makaikot po tayo sa buong Pilipinas, dahil iyong 10 milyon, although malaki iyan para sa pangkaraniwang Pilipino, pero para sa isang kampanya po ng federalism ay talagang kakapusin iyong 10 milyong piso.

PALMONES:  (dialect)

SEC. ANDANAR:  Ako po ay—magandang punto, salamat texter. Kasi Congressman ang panukala ko rin naman doon sa inter-agency, na lahat ng mga Cabinet members na meron pong kanya-kanyang rehiyon ay bumaba doon sa kanyang rehiyon para tumulong sa pag-e-explain ng federalism.

PALMONES:  Okay, Sec, daghang salamat, maayong buntag.

SEC. ANDANAR:  Daghang salamat.

###

SOURCE: PCOO – NIB (News and Information Bureau)

Resource