Interview

Interview with Presidential Communications Operations Secretary Martin Andanar by Atty. Bruce Rivera and Atty. Jess Falcis (Radyo 5 – Boljak)


 

Q:  Maayong buntag, sir.

SEC. ANDANAR:  Maayong buntag, Atty. Bruce at Atty. Jess. Oo nga kahapon.

Q:  Ano sir, maayos ba ang morning ninyo. Hindi ko alam kung mabi-beast mode ka o matatawa na lang?

SEC. ANDANAR:  Alam mo kasi, ako ay galing sa radyo at minsan may mga ginagaya din akong mga boses at kasama iyan sa entertainment ng radyo. Nagkataon lang na number one.

Q:  Na play time.

SEC. ANDANAR:  Na good time.

Q:  Magaling iyong boses.

SEC. ANDANAR:  Napakagaling, akala mo si Presidente talaga ang nagsasalita.

Q:  Oo, pati accent.

SEC. ANDANAR:  Oo, accent, pati iyong context kasi na si Bong Go iyong in-interview at bihira si Bong Go i-interview ng ganoon kaaga.

Q:  Oo, kasi tulog pa iyon.

SEC. ANDANAR:  Bihira, tapos impromptu pa siya i-interview doon sa DZRH.

Q:  Napanuod ko iyon, iyong video.

SEC. ANDANAR:  Oo, sa DZRH. So, iyong—alam mo sa Malacañang, meron kasi kaming monitoring group at ito ay sa ilalim ng News and Information Bureau at doon nila sinusulat iyong transcript lahat kay Presidente. So akala noong nag-monitor na si Presidente iyong nagsasalita, kaya isinulat niya. Wala namang malice doon. So palagay ko naman ay—

Q:  Honest mistake.

SEC. ANDANAR:  Honest mistake, wala namang masama doon.

Q:  No harm intended, totoo.

Q:  Pero, Sec. Martin hindi ba doon sa radio na station na iyon, doon sa show, parang naging klaro later on at kahit Bong Go, kay SAP Bong Go na parang joke nga lang or peke  iyong impersonator, hindi ba naging klaro iyon sa staff ninyo?

SEC. ANDANAR:  Iyong mga monitoring groups kasi namin sa NIB, mino-monitor lahat ng radyo. So, they move from one station to the next.

Q:  So ang nangyari yata ganoon.

Q:  Nagkulang ng vetting.

SEC. ANDANAR:  Well, kasalanan din ng nag-monitor kasi—

Q:  Hindi niya tinapos siguro.

SEC. ANDANAR:  Tapos nagmamadali sa kanyang pag-transcribe, kaya nagpadala naman kaagad ng erratum ang News and Information Bureau.

Q:  Speaking of that, sir. Alam naman natin na isa sa mga news natin ngayong umagang ito ay iyong nagbabadyang balasahan sa gabinete. So siyempre tinanong ko na kasi hindi ko na mapigilan. So siyempre, sir ako bilang ikaw, bilang parte ng gabinete and I know that you know. I know that you are doing a good job, but alam mong marami ka rin namang mga—

Q:  Basher.

Q:  Alam mo maraming ayaw sa iyo, lalo na iyong mga, alam mo na–iyon. So ikaw ba, sir ay nababahala doon sa balasahan or you just keeping it cool like the cool person you are?

SEC. ANDANAR:  Sa palagay ko Bruce at Atty. Jess sa palagay ko kung balasahan ang pag-uusapan, dapat lahat ng miyembro ng gabinete ay asahan na baka siya iyon. Tapos, dapat huwag masamain…

Q:  Walang forever.

SEC. ANDANAR:  Oo, walang forever, number one. Number two, we all work at the pleasure of the President. And halimbawa, we just have to work hard. Last night, noong umuwi   kami natapos iyong National Security Executive Com namin kagabi, mga 2:30 na ng madaling araw. So, trabaho ng trabaho, as if it is our last  day in office, kasi ito naman lahat ay tiwala ng Presidente sa amin and therefore  tiwala din ng taumbayan at  tiwala din ng  mga miyembro ng Commission  on Appointments na nag-confirm sa amin. So, dapat din hindi masamain at dapat ine-expect na ito araw-araw na this could be our last day.

So for me, wala namang problema sa akin, sapagkat I work hard every day  as if it’s my last day, para kung saka-sakaling sabihin ni Presidente na bukas umalis ka na, wala pong pagsisisi, kasi ginawa ko lahat ng ginawa ko.

Q:  Pero, sir ito, sir ano ha, siyempre tsismosa ka, tsismosa rin ako at tisismosa din itong si Jess.

Q:  Tama lang.

Q:  Anong tama lang, ang galing mo ngang mang-ano.

Q:  Tamang-tamang tsismosa lang.

Q:  Ito iyong tanong ko, sir. Siyempre kayong mga gabinete nag-uusap-usap din kayo, “Pare, ano ba, parang sino ba talaga, ulo mo ba iyong nakasalalay o ulo ko” Siyempre normally ganoon, ganoon iyong iisipin mo. “Ako ba, ikaw, sino” iyong mga ganoon. May mga ganoon bang usapan?

Q:  Sino po iyong matunog na baka masisante?

SEC. ANDANAR:  Well, wala naman pero iyong biruan lang naman, pag nakikita, “Pare, nice working with you”.  Pero, wala actually at least ako, hindi ko naman tinatanong, halimbawa kung meron akong… something that crosses my mind na itong tao na ito ay puwedeng siya iyon. I just keep it to myself. Kasi siyempre it’s the prerogative of the President.

Q:  Puwede mo namang i-whisper sa amin, sir.

SEC. ANDANAR:  Oo, tayo-tayo lang naman ang nag-uusap.

Q:   Sir, iyong monitoring group, iyong may kasalanan sa ano, binoljak mo ba? Mangyayari ba doon, suspension or warning or ano?

SEC. ANDANAR:   Actually naman, hindi naman, wala naman, because it was really just an honest mistake.

Q:  Ay ang bait mo naman.

SEC. ANDANAR:  Alam mo iyong mga taong ito, sila iyong talagang.

Q:  Overworked.

SEC. ANDANAR:  Overworked sila, sila iyong unang nakaka-interact ko sa isang araw. For example today at 5:00 a.m. sila iyong nakakausap ko, kasi sila iyong nagpapadala sa akin ng mga updates, balita, headlines, mga negative, positive news.

Q:  Pati nga comments sa Facebook, sila ang nagbabantay, ganun iyon.

SEC. ANDANAR:  So, mahirap iyong trabaho nila and then, siyempre kulang sila, hindi sapat iyong numero. But then again, I really have to give all the attention that I can. Iyong kaya ko lang. I spend at least a meal with them once a month, kasi…

Q:  Ang suwerte naman nila, hindi ba, at least mabait iyong boss nila.

SEC. ANDANAR:  Hindi, kasi talagang magaling talaga iyong impersonator, hindi mo aakalain. But I just told them already that they have to be very careful.

Q:  In the future.

SEC. ANDANAR:  Maraming gumagaya,   iyong sa taga-Davao, sa DZRH, meron din dito sa [DWWW](?) na magaling ding gumaya, parang si Presidente magsalita. So, siguro mas maganda kung both ways.

Q:  Verified. Kaya naiintindihan ko si Pebbles Duque, ayaw siyang iwanan, dahil sobrang bait nitong amo niya.

SEC. ANDANAR:  Trabaho lang naman tayo, Bruce.

Q:  Oo nga, alam ko, sir. Daghang salamat, sir.

SEC. ANDANAR:  Sabi ko nga dati Bruce, dapat sabi ko, dapat sumama ka na sa Presidential Communication.

Q:  Madaming magagalit sa iyo.

SEC. ANDANAR:  Sa sobrang bait ko raw, kailangan ko ng taga-Boljak.

Q:  Nandito lang kami, sir. Isang sabi lang.

###

SOURCE: PCOO – NIB (News and Information Bureau0

Resource