Interview

Interview with PCOO Secretary Martin Andanar by Benjie Liwanag and Rowena Salvacion (Say Mo, Say Ko, Sa Nyo – DZBB)


LIWANAG: Sir, magandang hapon si Weng Salvacion at Benjie Liwanag.

SEC. ANDANAR: Magandang hapon, Benjie at Weng, long time no hear.

SALVACION: Oo nga. Sir, una muna alam ninyo bukod sa namimiss ka namin sa program eh ito lang, ano po ang naging pahayag, ano po ang sentimyento ng Pangulong Duterte dito sa nangyaring pagsabog sa Jolo, Sulu?

SEC. ANDANAR: Hindi pa naman kami nagkakausap ni Presidente tungkol dito sa malagim na insidente na ito, pero sa gabinete, sa aming viber at aming whatsapp thread ay mainit iyong pagpasok ng impormasyon, of course iyong communications na galing sa ating Philippine National Police, DILG at Armed Forces of the Philippines—

LIWANAG: Security cluster…

SEC. ANDANAR: Yes, the security cluster, Benjie, at kami ni Secretary Jun Esperon ay maya’t maya ay nagte-text. At iyon nga na I gather na sobra na, mahigit bente na iyong nasawi at mahigit 50 iyong sugatan. Ang isa rin sa mga nasagap ko na impormasyon ay mayroong tinitingnang CCTV na footage ang ating otoridad at mayroon na rin silang mga na-identify na mga suspek na pumasok doon sa simbahan at diumano ay nagkunwaring mga magsisimba pero hindi palang ma-announce. Of course we will let the DILG or the AFP to announce after they clarify kung sino itong mga suspect na ito.

SALVACION: Secretary, nabanggit ninyo po na doon sa CCTV na ‘mga’ iyong suspects. Ilan po iyong tukoy na pinag-uusapan natin dito?

SEC. ANDANAR: Hindi ko maibigay kung ilan iyong numbers kasi kasalukuyan pa ring pinag-aaralan bagama’t mayroon nang na-identify na… but kailangan pa ring i-verify ito, and I would just let the Department of Interior and Local Government and the Armed Forces to do the verification and the announcement soon as they finalize it.

LIWANAG: Okay. Secretary, si Pangulong Duterte may sariling linya para dito kay MNLF founding Chairman Nur Misuari. Sa palagay ninyo ba makatutulong ng malaki kung kakausapin ni Pangulong Duterte itong si Misuari kaugnay dito sa naganap na pagpapasabog? Kasi kilala po itong Sulu, ayaw nila doon sa Bangsamoro Organic Law pero hindi naman ho kinu-confirm pa ng mga imbestigador na may kinalaman ito doon sa BOL. Pero palagay ninyo po makakatulong, somehow, itong si Misuari kung sakaling makausap niya si Pangulong Duterte?

SEC. ANDANAR: Well, alam ninyo of course tayo ay nananalangin na walang kinalaman ito sa Bangsamoro Organic Law sapagkat eh halos iyong ratio is 1 to 7, panalo po iyong ‘Yes’ although sa Jolo ay natalo iyong ‘Yes’ by a slim margin at dito rin sa Isabela – slim. The timing is very suspect na just after na na-ratify eh mayroon kaagad na pambobomba na naganap sa simbahan pa, sa cathedral pa.

Kaya tayo ay nananalangin na sana walang kinalaman dito at just the same, lives have been sacrificed at napakadaming wounded. Number two ginawa sa loob ng simbahan, eh walang respeto sa simbahan, number three eh talagang walang respeto sa ating pamahalaan, sa ating gobyerno kaya madali hong magsuspetsa na baka nga eh posibleng connected ito sa ratification ng Bangsamoro Organic Law, but hopefully hindi.

SALVACION: Secretary, ang buong Mindanao po ay under martial law hanggang sa ngayon hindi po ba kasi extended for another year—

SEC. ANDANAR: Opo, opo, opo.

SALVACION: Nakakaano lang, pangamba, na iyong martial law nagbigay na ng napakahigpit na seguridad sa iba’t ibang panig ng Mindanao and yet nangyari ito. Ano po iyong extra measure na gagawin ng gobyerno sa ilalim ng martial law system para masiguro na hindi na mauulit ito?

SEC. ANDANAR: Well, kailangan talagang higpitan pa iyong mga checkpoints, number one at iyong area na mayroong mga alert level 3 eh kailangan seryosohin talaga natin lahat. Hindi naman kasi ito kaya ng otoridad lamang, kailangan makipag-cooperate talaga iyong mamamayan kapag may nakitang suspicious eh kailangan i-report kaagad.

Pero alam mo we have trust and confidence and we fully believe in the Armed Forces of the Philippines, alam natin na hahabulin nila itong mga kriminal na ito, kung sino mang gumawa ng napakakarumal-dumal na krimen na ito until the ends of the Earth. Alam kong walang kawala ito, of course through the leadership of President Rodrigo Roa Duterte as a Commander-in-Chief of the AFP, hindi siya papayag na hindi mapapanagot iyong mga may sala.

SALVACION: Alright, last point sa akin, Secretary. Medyo busy ka naririnig namin iyong background ninyo pero doon sa CCTV na nakita, alam ko sabi ninyo kanina, DILG, PNP at DND iyong bahalang mag-verify nito. Pero iyon po bang mga nakita doon na mga suspects ay kung miyembro ng existing na na mga terror groups diyan sa Mindanao?

SEC. ANDANAR: Well, hindi ko masasagot iyan although there are initial reports na ipinakita sa akin si Secretary Jun Esperon, siguro hayaan na lamang natin na ma-verify ng husto para hindi naman tayo makuryente.

SALVACION: Okay, ano pong tulong ang maibibigay ng pamahalaan doon sa mga nasawi, iyong mga nabiktima rin ng pagsabog?

SEC. ANDANAR: Salamat, magandang tanong iyan. At alam natin na ang AFP, ang DILG, ang DSWD, lalung-lalo na ang DSWD ngayon, si Secretary ay dating heneral, si Rolly Bautista ay malapit sa puso niya ang military at iyong mga sibilyan na naapektuhan at huwag po natin kalilimutan na ang Office of the President mismo ay nasa likod talaga, 100 percent sa AFP, sa PNP at lalung-lalo na sa mga sibilyan na nadamay dito sa napaka-makademonyong pambobomba na nangyari. The entire government will be with the family, the entire government will support the families of the victims.

SALVACION: Alright, sir maraming salamat po sa inyong time ha.

LIWANAG: Secretary, maraming salamat.

SEC. ANDANAR: Salamat, salamat, Benjie at Weng… si Benjie kasi nakikita ko na lang sa coverage pero sa malayo, malayo parati eh. [laughs].

SALVACION: Sir, huwag kang madadala at mangungulit pa rin kami from time to time. Salamat po sa inyong oras ha.

LIWANAG: Thank you, Secretary ingat po kayo.

SEC. ANDANAR: Mabuhay po kayong dalawa, mabuhay po ang DZBB.

                                                                                                ###

Resource