VELASCO: At pumunta muna tayo kay Secretary Martin Andanar sa PCOO. Good afternoon, Secretary Martin.
SEC. ANDANAR: Magandang hapon po at salamat sa tawag, talagang nakakagalak at nakakatuwa. The Philippines is rejoicing for Manny Pacquiao sa victory, akalain mo 11 years iyong kanilang agwat ‘di ba, tapos nanalo pa si Senator Manny Pacquiao? He’s really the People’s Champ and we are very-very proud of Senator Manny Pacquiao – mabuhay ka Manny.
VELASCO: Secretary, ‘pag ba nanonood kayo ng boxing ni Senator Pacquiao eh may kaba din ba kayo?
SEC. ANDANAR: Eh siyempre parang nasa ano rin eh, parang ako iyong nagtatago eh. [laughs]. Feel na feel mo na iyong boxing ‘di ba parang ikaw iyong nakikipaglaban. But then again, we’ve been so used to Manny Pacquiao with his battle sa ring at alam naman natin na ‘pagdating sa experience nandoon, sa bilis nandoon although sa age ni Senator Manny Pacquiao na may edad na rin pero kita naman natin because of his discipline ay nakakamit niya pa rin itong mga ganitong bihirang tagumpay that’s why we should really emulate Manny Pacquiao, lalung-lalo na iyong mga kabataan ‘no, kailangan talagang tingnan si Manny Pacquiao in a way that he has shown as so much discipline at iyon ang kailangan ng tao para maging successful.
VELASCO: Okay, as Senator, as a government official, how big a blessing is it to the Filipino people whenever Senator Pacquiao triumphs in a boxing match?
SEC. ANDANAR: Napakahalaga kasi iyong kaniyang karangalan na naiuuwi nadadala nga sa Pilipinas. Hindi lang si Senator Manny kung hindi buong Pilipinas, the whole 107 or 110 million Filipinos ay nakikinabang dito sa karangalan na inuuwi niya. There was upon a time ang Pilipinas ay nakikilala dahil kay Manny Pacquiao at he has done that before and he continues to do that now. Sabi nga nila ‘di ba, na tumitigil ang mundo ng mga Pilipino kapag nasa ring si Manny Pacquiao, and then again we have had so many Sundays with so many victories na inuwi sa atin ni Manny Pacquiao that’s why we should be very-very thankful kay Manny and we are very-very proud of him.
VELASCO: Okay, maraming salamat po, Secretary Andanar.
SEC. ANDANAR: Mabuhay po kayo sir, mabuhay po ang DZMM, thank you po.