Interview

Interview with PCOO Secretary Martin Andanar by Fernan Gulapa (Sunday Gwapo – DZBB)


GULAPA: Secretary Andanar, magandang umaga po. 

SEC. ANDANAR: Hello, good morning, Fernan gwapo, good morning. 

GULAPA: Nakabalik na po kayo dito sa Metro Manila?

SEC. ANDANAR: Opo, nandito na tayo sa Manila ngayon, nakabalik na tayo kagabi at nabanggit mo nga na kahapon iyong official turnover ng American government ng mga kampana o iyong mas kilalang Balangiga bells. At kahapon Fernan, actually iyong nangyari ay tinurnover ng national government sa Philippine government, tinanggap ni Secretary Lorenzana at of course witnessed by the President, Rodrigo Roa Duterte, and then iyong bells naman ay tinurnover sa local government ng Balangiga, Eastern Samar and then after that tinurnover naman nila sa mga Pari dito sa Parish, iyong Parish Church nila dito sa Balangiga, Eastern Samar. At napaka-emosyonal iyong araw na iyon kahapon, very high energy iyong—

GULAPA: Okasyon—

SEC. ANDANAR: High energy iyong Church, iyong buong Balangiga, tapos very emotional. Eh talaga namang makikita mo na napakaraming nag-iyakan at lalo na noong pagdating ni Presidente at hinalikan niya iyong kampana, hindi ko alam kung nakita ninyo sa TV, nakatalikod siya eh. Noong una eh— 

GULAPA: Nakita po, nakita po at itinaas iyong kaniyang kaliwang kamay.

SEC. ANDANAR: Oo itinaas iyong kaniyang kaliwang kamay, ito ay matapos niyang i-ring iyong bell noong kampana. So it was very, very emotional and pagkatapos noon ay noong lumabas na iyong Presidente doon sa auditorium, doon sa quadrangle ng Balangiga ay si Presidente mismo ay pumunta doon sa area naman na kung saan nakasulat iyong mga pangalan ng mga Pilipino na namatay at hinawakan niya pa. So siyempre iyong mga kababayan natin doon, talagang hindi sila makapaniwala na ito ay nasauli na, itong bells, matapos nga ang 100 and 17 years.

GULAPA: Ang tagal.

SEC. ANDANAR: Ang tagal ‘di ba? Ang tagal…

GULAPA: Inulit ng Pangulo iyong kaniyang unang binanggit doon sa isang speech niya na, walang dapat na umaangkin dito sa pagkakabalik nito kung hindi samabayanang Pilipino mismo at iyong akto ng Amerika ha, Sec.?

SEC. ANDANAR: Inulit niya kahapon ulit; sinabi niya ulit kahapon. Sabi niya, ‘Salamat sa mga Amerikano, salamat sa mga Pilipino at nobody should lays claim to the return of the bells,’ kung hindi iyong mga Pilipino mismo pati mga Amerikano na tumulong.

Pero alam mo, ito kasi ay nangyari sa ilalim ng administrasyon ni Presidente matapos ang halos or mahigit limampung taon na attempt na maisauli ito. Kasi marami ng nag-attempt before at nangyari ngayon at ito naman ay dahil na rin sa trabaho ng marami rin na mga tumulong katulad nito sila ni Henry Howard. Sila iyong mga Amerikano na tumulong sa atin, sila ni Brannigan ng United States, pero Pilipino rin ito. At of course sila Senator Richard Gordon, mga tahimik na nasa likod na tumulong at marami pang iba na tumulong. But then again, nakita ko kasi and I’m sure nakita mo rin noong 2017 ‘di ba nagkaroon ng State of the Nation Address.

GULAPA: Binanggit niya iyan ah, sa SONA niya?

SEC. ANDANAR: Doon niya mismo binanggit sa kaniyang SONA na itong bells ay pag-aari ng mga tao ng Balangiga at ito naman ay sa Pilipinas ‘so return those bells, bring us back those bells,’ ganoon ang pagkasabi niya. At naka-focus iyong camera kay Ambassador Sung Kim at nakita natin na iyon, medyo naintindihan ni Ambassador Sung Kim kung gaano kahalaga itong mga kampana na ito. At kung natutukan ng GMA iyong pangyayari doon sa labas habang umiikot si Presidente sa quadrangle at kinukumusta iyong mga tao eh parang nagsi-ayon iyong mga ibon, nagliliparan doon, napakadaming ibon ang nagliparan doon sa ibabaw ng town center…

GULAPA: Nakakaiyak pala iyong atmosphere doon…

SEC. ANDANAR: Tapos mayroon ding mga naghihintay doon sa simbahan ha, naghihintay iyong mga kababayan natin dahil mayroon ding official na event doon sa loob ng simbahan.

GULAPA: Iyong mga—may isang pari na sinabi na pinaalis daw iyong mga pari na nandoon sa Plaza bago dumating ang Pangulo? May ganoon ba ha, Sec.?

SEC. ANDANAR: Wala naman akong nakita, ang nakita ko lang ay noong pagpasok ni Presidente doon sa auditorium o doon sa gymnasium ay kinamusta niya ang kaniyang mga gabinete, wala pa ako doon, tapos iyong kaniyang mga officers sa Armed Forces of the Philippines and then kinamusta niya iyong mga pari at iyong bishop, tapos taga Davao ‘di ba?; tapos iyong papal nuncio, kita mo naman siguro iyon. Tapos iyong isang pari pa or reverend na representing the United States military.

Naghiyawan pa nga iyong mga kababayan natin eh noong kinamusta ni Presidente iyong bishop, iyong papal nuncio, tapos iyong reverend and then umakyat siya ulit. So wala naman akong nakita, wala naman akong nakita na itinaboy.

GULAPA: Ayaw makita ng Presidente iyong pari, walang ganoon? So hindi totoo iyon, Sec.?

SEC. ANDANAR: Eh kinamusta niya nga pa, kinamusta niya pa nga tapos in-announce niya pa nga sa kaniyang speech. Kumbaga ni-recognize niya pa eh. In-acknowledge niya iyong presence, andoon sa speech eh. So hindi ko alam kung bakit may mga ganiyang kuwento.

GULAPA: So ang naitutulong dito? Kasi ‘pagkakataon na ito sa Balangiga, iyong sa bayan mismo para umasenso sila, puntahan ng mga turista. May itutulong ba dito ang national government para doon, Sec.?

SEC. ANDANAR: Sa palagay ko itong ginawang effort ng national government na maisauli itong mga kampana, iyong pag-backup, pagsuporta doon sa mga gustong magsauli. Sinabi din po ni Presidente na ‘bring us back those bells, those are ours, I’ll appreciate it,’ Iyon mismo malaking tulong na iyan eh at saka iyong ‘pag-transport mismo sa Balangiga. Iyong pagsauli mismo ng kampana dahil ito ay sigurado ako aabangan na ito ng maraming mga turista, maraming pupunta na mga turista para makita lamang ito, dagdag na tourist attraction ito sa Eastern Samar. Alam mo ang Eastern Samar napakaganda niyan eh sapagkat mayroong lugar na malapit doon sa Balangiga, itong Guiuan—

GULAPA: Laging binabanggit iyon eh.

SEC. ANDANAR: Oo pero nandoon iyong military airport ng mga Amerikano noon. Iyong napakalaking military airport, iyong runway na puwedeng lumapag iyong C130. Tapos doon sa Calicoan, mayroon doong surfing paradise, oo so dagdag and then of course kapag pumunta ka sa Balangiga mismo, ang ganda ng simbahan, ang ganda ng plaza, ang ganda ng kanilang town center tapos idagdag mo pa iyong bell na 117 years na hindi nasauli. Tapos iyong history mismo na ginawang howling wilderness ng American General Smith itong Balangiga noong 1901 ay napakalalim ng kanilang—at napaka-interesting noong kanilang history.

Now it will now depend on the provincial government at ng local government kung papaano nila ima-market ang kanilang sarili. I’m pretty sure na alam na nila kung anong gagawin nila kasi it will really attract tourists. As a matter of fact—

GULAPA: May program daw doon Sec., iyong Eastern Samar, iyong ‘Homestay’ na sabi ng Department of Tourism na mga dayuhan tumuloy sa tahanan ng mga residente sa lugar? Wala pa bang hotel diyan sa Balangiga?

SEC. ANDANAR: Wala akong nakitang hotel eh. Iyong ‘Homestay’ kasi ito iyong mga ginagawa sa mga regions, probinsiya na nagsisimula pa lamang na maging tourist attraction. Doon sa amin sa Siargao ay ‘Homestay’ iyong uso dahil nga kakasimula pa lang noong 90s, pero ngayon marami ng hotel. Dito sa may Dahilayan, sa Bukidnon, ganoon din ‘Homestay.’ So itong sa Guiuan, itong sa may Calicoan iyong surfing paradise diyan, marami ding ‘Homestay’ diyan.

GULAPA: Paano ba ang bayaran diyan sa mga ‘Homestay’, Sec.?

SEC. ANDANAR: Ang ginagawa kasi nagpapa register sila diyan sa local government unit, tapos tinuturuan sila kahit papaano kung ano iyong mga dapat gawin para makapag-‘Homestay’ iyong isang turista so, mayroong minimum requirement: malinis iyong kuwarto, malinis iyong banyo, etcetera, magparehistro ka doon, sa barangay at saka sa munisipyo at tutulungan ka din ng Department of Tourism kung papaano, may mga training iyan eh.

GULAPA: So bahala na sila kung magkano iyong bayaran, ganoon po ba iyon?

SEC. ANDANAR: Oo ang ‘Homestay’ Fernan, ito iyong nauso bago iyong ‘Airbnb’. ‘Di ba—iyong Airbnb kasi website ito, tapos pupuntahan mo and then rerentahan mo iyong bahay ng isang tao na miyembro ng ‘Airbnb’. Pero iyon kasi internet, itong ‘Homestay’ ito iyong sa mga local, mga residents din pero hindi sa internet kung hindi pupunta ka doon sa munisipyo at tatanungin mo, “Ano ba iyong mga ‘Homestay’ dito?” At ituturo sa iyo iyong mga bahay na iyan, iyan ang mga ‘Homestay’ diyan, so iyon iyon.

So mas maraming mga foreigners ang interested sa ‘Homestay’, kasi kapag ‘Homestay’ ay na-e-experience mo rin iyong mura. So ma-e-experience mo rin iyong kultura ng Pilipino dahil kasama mo sa bahay iyong may ari eh, ang Pilipino ay talagang pati iyong ulam, maaamoy mo iyong daing, danggit, iyong kinakain natin, longganisa. So mas maganda rin iyong ‘Homestay’ basta marami.

GULAPA: Native na native ang dating ano po?

SEC. ANDANAR: Oo siyempre native na native eh kung ma-timing-an ka pa ng bisita na—

GULAPA: Big time.

SEC. ANDANAR: Big time pala oh ‘di ba? Tapos sabihin sa iyon na maganda na rin itong ‘Homestay’ mo, dagdagan natin ng aircon ‘di ba? Pero alam mo sa Balangiga napakapresko ng hangin doon, eh parang tuloy-tuloy na electric fan, mahangin. Tapos—dito naka-number one, naka-number two, naka-number three, humihina lumalakas o kaya kahit na tirik ang araw ay hindi masyadong mainit.

GULAPA: So maganda ang nangyari doon at hindi naman—wala namang murahan na binanggit ang Pangulo?

SEC. ANDANAR: Actually, ang naging usapan doon ay ‘just be prepared na magsalita ang Presidente o hindi, kaya walang ano doon eh, pansin mo walang official na lectern or podium ni Presidente ‘di ba? Kasi hindi nga kami sure kung magsasalita siya o hindi. So naging ano iyan eh, may naging kaunting—hindi naman debate pero kumbaga nag-aabang din kami kung magsasalita o hindi. Pero may naka-prepare na speech din. So at the end of the day eh nag-decide si Presidente na magsasalita siya. At sinabi naman niya kagabi o kahapon na, he must say something because of the nature of the event at sa palagay niya ay kailangan niyang magsalita dahil napakahalaga ng turnover of the Balangiga bells.

GULAPA: So iyon ba iyong binabanggit ninyo kaya nagbago? Kasi noong una sabi niya hindi na siya pupunta. Noong una pupunta tapos hindi na pupunta, tapos tumuloy ha, Sec.?

SEC. ANDANAR: Oo, iyong nag-decide si Presidente na una, hindi siya umattend noong sa Villamor Airbase ‘di ba? Hindi siya nagpunta and then nakatanggap kami ng order na iyon nga, ay pupunta si Presidente sa Balangiga tapos—and then mayroon ng kuwento na umikot na hindi raw pupunta. Eh siyempre ako naman ay naghihintay talaga ng official, iyong official talaga na order. Eh wala namang order na official na hindi pupunta. So I mean sa amin ha, sa akin lang, nakakahiyang the President is not going and then iyon, kaya nga kami ay nagpakuha ng airplane ticket ng maaga ng Sabado. So—pero alam mo ano eh talagang—nakapunta ka na ba ng Tacloban, Fernan? 

GULAPA: Hindi pa ako nakarating diyan eh.

SEC. ANDANAR: Alam mo ‘pag—first time kong makarating ng Tacloban eh. At makikita mo talaga iyong—pagdating mo ng Tacloban iyong airport nila, tapos didiretso ka doon sa downtown makikita mo iyong rebulto ni McArthur, didiretso ka doon sa Balangiga, mararamdaman mo talaga na dumaan iyong mga Amerikano dito eh, sa lugar na ito. So ngayon na nandiyan na iyong mga kampana ng Balangiga ay sigurado akong mas marami ng turista na magiging interested diyan sa Balangiga at maraming kuwento eh, maraming kuwento, Fernan eh. Mayroon pa ngang mga versions na kaya kinuha ng mga Amerikano, iyong kampana ng Balangiga dahil noong panahon pala na iyon ay maraming mga Pilipino na rebolusiyonaryo na iyong mga kampana ay tinutunaw nila.

GULAPA: Ano? Ano?

SEC. ANDANAR: Tinutunaw.

GULAPA: Tinutunaw?

SEC. ANDANAR: So at ginagawang bala pero bago pa man gawin ng mga Pilipino noon, mga rebolusiyonaryo na gawing bala ay kino-confiscate na ng mga Amerikano iyong mga kampana.

GULAPA: Ah may kuwento pa lang ganoon?

SEC. ANDANAR: Oo may kuwentong ganoon; so maraming kuwento iyan eh, very interesting. In fact gumawa kami ng documentary sa RTVM, a three part series na mapapanood mo doon iyong mga iba pang mga kuwento tungkol sa kampana.

GULAPA: Ihabol ko lang ito.

SEC. ANDANAR: Sige.

GULAPA: Nabanggit na ba sa Pangulo iyong pagkakasangkot sa umano’y drug den noong anak ni Bureau of Correction Director Faeldon. May reaksiyon na ba ang Pangulo?

SEC. ANDANAR: Wala pa akong narinig na reaksiyon. Si Sal Panelo, may sinabi si Secretary Sal, na—siyempre let the process see kung anong dapat gawin sa anak ni Commissioner Faeldon or Director Faeldon ‘no. At of course si Faeldon mismo ay… sabi niya na ganoon nga kung anong dapat gawin ay dapat gawin, kung kailangang ikulong, di ikulong, kung kasuhan di kasuhan, wala namang sacred cow dito.

GULAPA: May mensahe na ba ang Pangulo para dito sa pagsimula ng simbang gabi, Sec.?

SEC. ANDANAR: Hihintayin natin ang magiging statement ni Secretary Sal Panelo, kung ano iyong kaniyang magiging mensahe for the Christmas holiday and the Christmas season, maglalabas naman talaga ng statement iyang ating Presidente Duterte.

GULAPA: So pupunta pa ng Baguio?

SEC. ANDANAR: Hindi ko pa alam Fernan kung pupunta ng Baguio. Pero magiging—masarap sana kung pumunta ng Baguio, mararamdaman mo iyong lamig ng Baguio City at ng—

GULAPA: Mararamdaman mo rin iyong traffic sa Baguio, Sec.? [laughs].

SEC. ANDANAR: [laughs]. May bagong binuksan na kalye eh.

GULAPA: Tuloy binabanggit ang DPWH eh.

SEC. ANDANAR: Oo may bagong binanggit na kalye. Pero dito pa lang sa Manila mararamdaman mo na iyong lamig ng simoy ng hangin eh. Dito lang eh, pumunta ka lang dito sa may Las Piñas area, doon sa may BF, tapos punta ka ng Muntinlupa or puwede kang umakyat ng Tagaytay, eh mararamdaman mo na iyong lamig ng hangin dito, ng panahon at parang Christmas na talaga ang dating – pero ang pinaka-merry Christmas talaga iyong mga taga Balangiga.

GULAPA: Napakagandang ginhawa para sa kanila iyon, ang tagal na panahon na hinintay, ano po. 

SEC. ANDANAR: Oo at saka unang araw ng—iyong simbang gabi, ‘di ba misa de gallo ay nandiyan na iyong mga kampana, akalain mo? Eh akala ko nga ni sa buhay ko hindi ko makikita—hindi ko talaga maisip na makikita ko iyong mga kampana na iyan, naririnig ko lang iyong istorya, nababasa lang. Pero nandiyan, kaya nga noong in-announce ito ni Presidente sa mga taga Eastern Samar na ito na nga iyong bells at pinatunog niya iyong kampana at marami ang nag-iyakan doon sa lugar. Siyempre parang mararamdaman ko iyong kaluluwa noong mga namatay, mga Pilipino doon, andami iyon eh, di ba?.

GULAPA: Madami iyon eh.

SEC. ANDANAR: Ang dami noon eh ‘di ba? Eh they turn it into ‘the howling wilderness’ lahat ng mga lalaki edad sampu pataas ay minassacre, iyon nga. Kaya mararamdaman mo talaga na parang nakikiayon dito iyong mga ibon tapos mahangin pa, nagsisigawan iyong mga tao. Oo grabe, parang may homecoming na nangyari at mayroon talagang homecoming iyong tatlong kamapana na iyon.

GULAPA: Sec., puwede ko bang ihabol dito sa—

SEC. ANDANAR: Puwede.

GULAPA:  Dito sa hindi pagkakapasa pa noong budget natin, ano ba ang reaksiyon dito ng Pangulo?

SEC. ANDANAR: Eh basta tayo ay maghihintay na ito ay maipasa na ng Kongreso dahil napakahalaga ng budget para sa ating bansa. Mayroon naman na hindi ito pumasa ay ire-reenact lang ito ‘di ba, ganoon ang mangyayari. So we are still hopeful na ito nga ay ipasa ng Kongreso; pero ang sinabi naman ay very supportive.

GULAPA: Iyong suporta niya kay DBM Secretary Diokno, andun pa rin?

SEC. ANDANAR: Andun, hundred percent. In fact, noong nagkaroon nga kami ng Christmas party noong Biyernes, ito iyong Cabinet Christmas party ni Presidente Duterte ay in-announce niya sa gabinete na siya ay masaya at siya ay confident sa kaniyang current Cabinet members at pinaalala niya sa amin na iyong kaniyang mga utos na, iyon nga iwasan ang corruption at sabi niya, masaya siya sa gabinete dahil majority ng mga members ay non-politician at kung non-politician ang miyembro eh siyempre, hindi beholden sa mga pulitiko.

At sabi niya napakasuwerte niya dahil nanalo siya bilang Pangulo ng Pilipinas na napakakaunti lang, isa, dalawa, tatlong governor at mayor lang ang tumulong.

So therefore kung walang tumulong sa kaniya na governor, mayor or any local government official, talagang kakaunti lang, tatlo o apat lang. Then wala rin siyang pinagkakautangan ng loob sa mga pulitiko. So therefore wala ring mga pulitiko ang may karapatan na sabihin kay Presidente, ‘O bigyan mo ako ng project na ganito, project na iyan.’ So sabi niya, kaya walang nagla-lobby sa Malacañang na mga local government officials dahil—eh kakaunti lang naman iyong tumulong noong eleksiyon – walang pinagkakautangan ng loob. So ganoon din napakasuwerte natin, napakasuwerte.

GULAPA: May binabanggit itong si Sec., na iyon daw balae ni DBM Secretary Diokno ay may nakuhang mga proyekto para doon sa budget nasa 2019?

SEC. ANDANAR: Iba naman kasi iyong sagot ni Secretary Ben, ang sabi naman niya ay mayroon talagang pinaghuhugutan ang Kongreso. Sabi ni Secretary Ben at isa diyan iyong hindi pag-release ng road users tax, iyon ang sabi ni Secretary Ben. In fact in-interview na siya ng mga media eh, lumabas na sa pahayagan iyan.

GULAPA: Sige. Sec., maraming salamat po sa oras po ninyo at sa inyo po. Thank you.

SEC. ANDANAR: Ako ang dapat magpasalamat sa iyo, Fernan Gulapa. Merry Christmas and happy new year to everybody dito sa DZBB. Lalong lalo na po sa ating mga listeners dito sa inyong himpilan, thank you po.

GULAPA: Thank you po. Thank you.

 

###

Resource