Interview

Interview with PCOO Secretary Martin Andanar by Fernan Gulapa (Sunday Gwapo – DZBB)


Event Interview

SEC. ANDANAR: …(recording start). At ang mahalaga dito ay na-ratify na iyong BOL, iyong pangmatagalang, pang habangbuhay na kapayapaan na ating minimithi ay posible nang mangyari sa Bangsamoro Organic Law. At kita naman natin na iyong eleksiyon relatively peaceful at tanggap na tanggap diyan sa Cotabato maliban na lang dito sa may Isabela at sa Sulu pero overwhelmingly, ‘yes’ ang boto. Akalain mo after so many years, Guwapo, ay sa ilalim ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte nangyari itong lahat.

GULAPA: Paano iyong sa Isabela City, sa Basilan? Ano ba ang dating sa Malacañang nito, Sec.?

SEC. ANDANAR: Ito naman ay demokrasya, puwede namang pumili at kung ayaw nilang maging parte nitong BARMM ay nasa kanila iyon. Pero makikita din natin that in the long run kapag naging successful na itong BARMM ay maliliwanagan din sila one of these days but you know, that’s how it is in our country the voice of the majority is the voice of God.

GULAPA: Tama. Sec., may binabanggit iyong ilang pamilya noong SAF 44 na mayroon pa raw silang claim sa DSWD na hindi nabibigay sa kanila noong mga nakaraang administrasyon pa daw pangako iyon eh. May impormasyon ba kayo doon?

SEC. ANDANAR: Wala akong impormasyon partikular dito pero madalas kong makausap si Secretary Rolly Bautista, at si Secretary Bautista naman ay hindi naiiba sa SAF 44 dahil PMAer. Itong si General Bautista bagama’t siya ay nasa Armed Forces of the Philippines so kapag nagkita kami ni Rolly ay—even ‘pagbaba natin ng telepono ay tatanungin ko siya kung ano iyong estado noong mga benefits na kailangang ibigay doon sa pamilya ng mga biktima.

GULAPA: Sige po, kasi ito iyong lumabas sa anibersaryo ng mga SAF 44. Sec., segue ito ha, Biyernes ng makalawa nasa Malacañang itong mga taga Myanmar ha, ano ba iyong pinirmahan ninyo?

SEC. ANDANAR: Iyong Minister of Information na si Doctor Pe Myint ay bumisita po ng Pilipinas at tayo po ay nagpirmahan ng Memorandum of Understanding in information or media exchange at itong pinirmahan po natin ay nangangahulugan na puwede na pong magpadala ang Myanmar government ng kanilang mga media workers dito sa Pilipinas para pag-aralan po iyong media landscape – government at private. Ganoon din po tayo, puwede po rin tayong magpadala doon.

Napakadami pong mga magagandang nakasulat doon sa kasunduan: information exchange, news exchange, nandiyan din po iyong papayagan tayong magpunta ng Myanmar para mag-filming, mag-shooting, at iyong countering fake news kasama po iyan. So madadagdagan na po iyong ating mga MOU, last week pumirma po tayo o two weeks ago with Thailand, ganoon din po media exchange program at ito po ay para sa lahat ng media, government at private para madagdagan po iyong ating kaalaman sa ating field of expertise na media. Wala naman kasing monopoly ng ideas, Fernan, pagdating sa media.

GULAPA: So paano sa pag-unlad ng ating bansa may maitutulong ba ito, Sec.?

SEC. ANDANAR: Of course, alam mo ako ay nag-guest… Ako kagabi nandoon ako sa awarding, iyong People’s Choice Award kagabi, tayo po ay naparangalan ng People’s Choice Award. Sabi ko sa kanila na—

GULAPA: Congrats.

SEC. ANDANAR: Salamat, salamat Fernan ‘no, salamat. At sabi ko nga sa kanila na napakahalaga ng partnership ng government at saka media or itong ikatlong policy natin ‘no na building government and media partnership or bridging both, sapagkat ang nation building ay talagang dependent din sa pagbabalita, pag-u-update ng media ng mga kababayan natin kung anong nangyari—

GULAPA: Tamang balita, hindi fake news, Sec., ‘no?

SEC. ANDANAR: Oo siyempre – tama na, objective pa. Halimbawa ang Pilipinas ay highly objective; ang media sa Pilipinas ay nababalita lahat ng nangyayari sa pamahalaan, sa oposisyon – lahat. Kaya ang taong bayan ay sila ay bumoto ng… nang sila ay sinurvey ng Pulse Asia, ang sabi nila 81 percent ang maniniwala kay Pangulo. Ang kanilang approval 76 percent ang trust rating, 35 percent ang kanilang satisfaction sa gabinete. Ito ay mangyayari lamang kung mayroon pong media na nagbabalita, that’s why they know how to answer those survey questions.

So napakahalaga pati itong partnership internationally sapagkat tayo po ay ASEAN country, nasa ASEAN region at marami pong mga issues na international in scope na puwede po tayong magtulungan. In fake news halimbawa, kung mayroong fake news na umiikot tungkol sa Pilipinas, ngayon ang Myanmar hihintayin lang nila iyong ating press release galing sa ating gobyerno at sila na ang bahala ang mag-broadcast doon sa kanilang mga government facilities.

GULAPA: Binabanggit mo iyong mga fake news, fake news na mga ganiyan eh sa Facebook may nabasa ako noong isang araw eh, ‘matakot kayo, sangkatutak ang may pneumonia.’ Nabasa mo ba iyon, Sec.?

SEC. ANDANAR: [laughs]. Oo-oo. Kasi mayroon din naman kasing mga kaibigan natin na mayroong pneumonia o nagkaka-pneumonia, pero hindi ibig sabihin na lahat ay… sangkatutak talaga ‘di ba? Parang nag-conclude agad eh ‘di ba? Ibang klase. Pero ‘pag iyong balita ay… ‘Matakot kayo dahil dumadami na ang guwapo tulad ni Fernan Gulapa,’ ‘Di ba? Iyon ay hindi fake news iyon totoo iyon. [laughs].

GULAPA: So paano iyon kapag magpapalitan ng mga media men, sinong gagastos noon, Sec.?

SEC. ANDANAR: Kapag ang Pilipinas ang magpapadala doon sa Myanmar.

GULAPA: Opo.

SEC. ANDANAR: Sila ang gagastos. Kapag ang Myanmar ang magpapadala sa Pilipinas, tayo ang gagastos. Pero hindi pa kasi definite iyong details niyon eh: Tayo ba ang gagastos ng pamasahe, sila ba o sagot ba natin iyong hotel o personal iyong kanilang board and lodging – so iyon ay paplantsahin pa. Sa ibang bansa kasi tulad ng Cambodia at China, sila ang magbabayad ‘pag tayo ang pupunta doon. Tayo ang magbabayad kapag sila ang pupunta dito, except for.., iyong air fare ng sa Cambodia, kaniya-kaniyang air fare – basta depende iyan sa usapan.

GULAPA: Eh paano kung private iyong sa media—

SEC. ANDANAR: Ang sasama? Ganoon din, ganoon din; so halimbawa sa China, this year mayroon tayong padala na mga tatlumpu para sa isang two weeks na pag-aaral, libre lahat iyon, pamasahe libre lahat iyong board and lodging – lahat libre. Noong tayo ay nagpadala sa Cambodia, libre lahat iyon, sila rin sagot nila lahat iyon. So iyon na, kapag Cambodia papunta dito, oh yes now I remember sagot natin. Pero alam mo kaya nga pinipili din natin, ASEAN region, kasi affordable eh ‘di ba? Kapag iyong mga flights papuntang ASEAN countries affordable, mas mahal pa nga iyong flights dito papuntang Siargao eh.

GULAPA: Oo nga eh.

SEC. ANDANAR: [laughs]. ‘Di ba?

GULAPA: Kahit ako, doon sa mga ng may promo.

SEC. ANDANAR: Oo ‘no, puwede iyong piso fare. [laughs].

GULAPA: So anong kasunod nitong Myanmar?

SEC. ANDANAR: Mayroon tayong pinaplantsa ngayon na kasunduan with Vietnam with Brunei at Malaysia. So hopefully ito lahat ay magkaroon tayo ng MOU, dahil mayroon tayong existing: China, Russia, South Korea, Japan, Singapore, Thailand, kahapon Myanmar and hopefully madagdagan ng Vietnam, madagdagan ng Brunei at Malaysia.

GULAPA: So wala pa sa Europa?

SEC. ANDANAR: Mayroon tayong Hungary pala sa Europa at ito naman ay exchange program between the Philippines News Agency at iyong kanilang counterpart na hub nila doon sa Hungary—

GULAPA: Iyan so—

SEC. ANDANAR: ‘Pag sa Europa gusto mong mag-apply?

GULAPA: Ayaw ko [laughs] bawal um-absent.

SEC. ANDANAR: Bawal um-absent ‘di ba parehas tayo. [laughs].

GULAPA: Ay Congrats nga pala iyong ‘People Choice’ kagabi.

SEC. ANDANAR: Ay alam mo, Fernan itong lahat naman ng ito ay inspirasyon at dedicated ito sa ating mga kasamahan sa media. Kaya nga tayo ay patuloy na umiikot sa buong Pilipinas. Last week ay nandoon ako sa Nueva Ecija at Cavite at ako ay nakipag-meeting sa mga press club doon and prior to that ay nagpuntang Cebu, Dipolog, Dapitan. Tuloy-tuloy lang ito hanggang sa nandito tayo sa trabaho ay pupuntahan natin iyong mga kasamahan natin sa media para malaman iyong kanilang mga issues at kapag may alam tayo sa isyu ay alam natin kung anong klaseng solusyon ang ibibigay natin sa ating mga kasamahan.

GULAPA: So kasama ninyo rin si Usec. Egco, kapagka may concern sa media, Sec.?

SEC. ANDANAR: Oo iyong press freedom caravan na sinasabi natin ay kasama natin ang Undersecretary ng Presidential Task Force on Media Security at iyong Assistant Secretary ng Freedom of Information – si Kris Ablan at si Usec. Joel Egco.

GULAPA: Ah okay, sige, Sec., thank you po ha, thank you sa panahon – thank you po.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat, Fernan at maraming sa lahat ng mga nakinig at mga nanonood po ng inyong mga programa dito po sa DZBB. Mabuhay ka, Fernan!

GULAPA: Si PCOO Secretary Martin Andanar.

###

 

Resource