FRANCIS: Nasa telepono si Communications Secretary Martin Andanar, mula sa Presidential Communications Operations Office. Magandang umaga, Secretary Martin.
SEC. ANDANAR: Hello, good morning Francis. Good morning po sa lahat ng nakikinig sa DZBB.
FRANCIS: Salamat po sa pagtanggap ninyo ng aming balita. Tag-araw, tag-init at susunod diyan ay tag-ulan… pagdating ng mga bagyo; narinig ko po, nalaman ko po iyong inyong nilunsad na Emergency Broadcast System. Pakidagdagan ninyo nga ang mga impormasyon nito, Secretary Andanar.
SEC. ANDANAR: Oo. Napakaganda ng binanggit mo na ‘yan, iyong Emergency Warning Broadcast System or EWBS na inilunsad namin noong Wednesday dito sa Davao City. Very momentous/historic event sa mundo ng broadcast, because first time in Philippine history na mayroon po tayong EWBS, ito po iyong ginagamit ng Japan.
So, why is this very important? Three things: Number one, kapag nagkaroon po ng isang bagyo, nagkaroon ng isang lindol, nagkaroon ng isang storm surge, iyong EWBS system ang siyang magbubukas ng iyong telebisyon sa pamamagitan ng EWBS receiver – bubuksan iyon automatic kahit nakapatay iyong TV mo, as long as nakasaksak sa kuryente iyon, bubuksan na niya.
FRANCIS: Magaling na technology ‘yan ha… ‘matic kung tawagin.
SEC. ANDANAR: Opo, parang sa Japan talaga, sa Japan talaga Kiko. So bubuksan niya, tapos magkakaroon siya ng alarm sound and then lalabas sa TV iyong warning. And then number two… oo very, very good… very good. Alam mo naman sa bansa natin na tayo po ay nasa Pacific Ring of Fire at dinadaanan tayo ng bagyo taun-taon. So this is very, very important for us.
Number two, itong Early Warning Broadcast System ay gumagamit po ng isang frequency ng telebisyon, iyong data ay doon dumadaan sa frequency ng telebisyon at hindi po siya dumadaan sa regular cellphone line. So therefore, kahit na magkatumbahan na lahat ng mga cell sites sa oras na may bagyo, at ‘yung iyong digital transmitter ay nakatago nang husto, it can always still send data through television frequency, okay? So mayroon kang option, hindi lang iyong telecommunications frequency, maging iyong TV frequency nagiging frequency for data.
Number three: of course, the most important is it saves the lives of many people—
FRANCIS: Iyon ang mahalaga.
SEC. ANDANAR: Iyon ang mahalaga talaga, Kiko. Sa Japan noong nagkaroon ng Sendai, may mga namatay pero marami rin ang nakalikas kaagad dahil doon sa warning. Just 30 seconds after nagkaroon ng balita na magkaroon na ng storm o tsunami sa Sendai, naglabas kaagad ng Early Warning Broadcast report ang Japan, so maraming buhay din ang naisalba dahil doon.
FRANCIS: Secretary Martin, maputol kita. Sino ang mga mamamahala nitong Emergency Broadcast System na ito?
SEC. ANDANAR: Dito po sa Davao, since ito po iyong pilot city natin, we turn it over to the very organized Rescue 911 sa Davao, sapagka’t ang 911 ang modelo ng buong bansa, iyong 911 Davao, okay? modelo ‘to. Right now… Kasi ganito kasi ‘yan, hindi ka puwedeng magkaroon ng EWBS, kung hindi DTTB o Digital Terrestrial Television Broadcasting System ang iyong channel.
So for instance, sa PTV is already DTTB. So congratulations to Davao City, operating now… Davao City-PTV4 is now operating on digital transmission and at the same time paired with the EWBS. So kailangan partner iyong dalawa, kasi iyong gagamitin ng EWBS na receiver, iyong receiver ng DTTB. So—but eventually ang ating pangarap Francis is that, sa National Telecommunications Commission who would order all of the private companies na iyong kanilang binibentang receiver box would be compliant to the EWBS.
So therefore ang gobyerno natin, makakapagpadala ng signal hindi lang sa Channel 4 na digital box kundi sa lahat ng private digital boxes, sapagka’t ito po ay government service – oo, iyon po iyong ambisyon natin. And ang maganda po dito sa EWBS is that, puwede mo pang i-localize iyong message. So for example, kung iyong baha ay dito lang sa Surigao, then you can just send the message to all of the Surigao City televiewers.
FRANCIS: Hindi na aabot na puwedeng nakakakaba-kaba sa mga ibang taong nakakatanggap ng messages na, “oy mayroong nangyayari sa isang lugar, pero hindi naman nangyayari dito sa kaniyang kinaroroonan… kundi localize.” Maganda iyong sinasabi ninyong sistema na iyan.
SEC. ANDANAR: Oo, tama. Ang kulang na lang dito partner, ay iyong—kasi ito kasing EWBS can also be applied on radio. So ang kulang na lang natin dito ay iyong partners natin for radio, kasi ang atin pong PBS ay kulang… hindi up to the grassroots level, nasa province na naka—
FRANCIS: Mahalaga ay nasimulan mo na, na iyong EWBS ay isang malaking tulong sa pagbibigay ng mga mensahe on alert system on emergency broadcast, sapagka’t iyan iyong kailangan po. at iyong mahalaga din, iyong before, during and after na pagbibigay ng mga communication at messages tungkol diyan sa disaster prevention kung tawagin, ‘di ba?
SEC. ANDANAR: Tama po kayo. So ito po ay first in the Philippines and under the Duterte administration, we are innovating ways para po makatulong tayo sa ating mga partner-agencies like NDRRMC, Department of National Defense, DILG… iyong mga front liners po pagdating sa mga disaster at emergencies.
FRANCIS: So ito ho, pilot na nai-launch iyan kamakailan lamang diyan sa Davao City, at kailan naman ang susunod, iyong mga ibang lugar Secretary Martin?
SEC. ANDANAR: Magandang tanong ‘yan. Sa Metro Manila, we are expecting this to be rolled out this coming third week of March – dito po sa Metro Manila po.
FRANCIS:Okay. Tamang-tama, maayos… Malalaman na ng mga kababayan natin mayroon nang EWBS, Early Warning Broadcast System. Well salamat sa pagkakataong ito, unless mayroon kang karagdagang impormasyon na nanggagaling sa inyong tanggapan, puwede mong banggitin sa ating mga listeners this Saturday.
SEC. ANDANAR: Well itong EWBS, Early Warning Broadcast System partnered with PTV’s digital transmission or digital television ay magpapalakas talaga ito lalong-lalo na with the presence of the Government Satellite Network na binanggit ko po noong nakaraang linggo. So kapag ito pong lahat ay na-rollout na po ito, ay hindi na ho tayo lugi, tayong mga Pilipino pagdating po sa mga panahon ng sakuna. This will be a huge help for us to save more lives, and we would really like to partner with the private broadcasting companies, of course GMA7 at DZBB. And kung mayroon pong mga community radio stations mas maganda po, kasi sila po talaga iyong localized.
FRANCIS: Iyon… maganda iyon, at least makakausap naman. Salamat sa pagkakataon muli, Secretary Martin.
SEC. ANDANAR: Mabuhay po kayo. Thank you po.
FRANCIS: Secretary Martin Andanar, PCOO Chief…
###
Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau)