URI: Unang-una, kami ay nagpapasalamat sa inyo, medyo nami-miss na namin kayo dini at ng ating mga kababayan matagal-tagal na kayong hindi namin nakakadaupang-palad. What makes you busy, Secretary?
SEC. ANDANAR: Well, iyong ating Cabinet Officers Regional Development and Security, ako ay na-assign sa Region X, so busy tayo diyan. Mayroon tayong bagong programa na ilulunsad ngay0ng Oktubre, ito po iyong Duterte legacy campaign. Ang campaign po na ito ay iyong magpapaalala sa publiko kung ano po ang legasiya ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte at kung ano pang mga susunod na mga legasiya sa darating na tatlong taon. This will be launched this coming October. Basically itong campaign na ito ay magpapaalala sa mga kababayan natin, hindi lang sa Metro Manila kung hindi sa buong Pilipinas sa mga programa po ni Presidente Duterte.
And kagabi po ay mayroon pong cabinet meeting. It was the 41st cabinet meeting at nagsimula po ito ng alas-sais ng gabi at ito po ay na-suspend ng ilang minuto dahil bumaba po si Presidente sa Heroes Hall at doon po siya nag press conference kasama po ang Malacañang Press Corps. And then bumalik po doon sa Aguinaldo room at natapos po ang cabinet meeting ng mga 1:25 in the morning.
URI: Madaling araw na rin ano.
SEC. ANDANAR: Opo. Very interesting po iyong napag-usapan; napagusapan po iyong proposal ng NEDA tungkol doon sa National Land Used Act. Maganda po iyong kanilang paliwanag kung bakit po ang National Land Used Act ay mahalaga sa ating bansa.
URI: Ano ba itong National Land-Used Act, Secretary?
SEC. ANDANAR: Ito po iyong kinaklaro ng batas kung ano po ang gamit ng ating mga lupain. For example ano po ang gamit ng isang bukid sa pagsasaka, ano po ang mga limitasyon, ito ba ay puwede kaagad gawin na commercial, mga ganyan ba. Tinitingnan niya po iyong hazardous na mga lugar in terms of halimbawa ito ay binabaha, ito ba ay nasa fault line. Iyan po ang rason kung kailangan po natin ng National Land Used Act: Kung ito ba ay para sa minahan; ito ba ay para lamang sa iyong mga forestry; ancestral domain, etc. – iyon po ‘yun. So ngayon, pag ito po ay naipasa ay hindi po puwedeng basta-basta na lang na isang halimbawa ay rice field ay gagawin mong subdivision.
URI: Oh kaya bigla mo na lang bubungkalin iyong kabundukan at kagubatan dahil may hinahanap kang Yamashita treasury.
SEC. ANDANAR: Tapos kung ikaw naman ay developer ay hindi puwedeng basta-basta na magtayo ka na lang ng building diyan.
URI: So, iyong agricultural at forestry area, forest land ay hindi basta-basta puwedeng pakialaman. Sa ngayon ho ba walang umiiral na batas tayong ganyan, wala pa ano?
SEC. ANDANAR: Wala pa ho tayong National Land Used.
URI: Nakabatay lang tayo sa mga zoning and zonal system ng mga munisipyo at siyudad ano ho.
SEC. ANDANAR: Opo, opo iyon po iyon. So, anyway, napag-usapan din iyong impact ng US-China trade conflict, napag-usapan din iyon at naipaliwanag po. At nandiyan din iyong impact din at iyong mga ginagawa ng gobyerno para ma-address po iyong dengue, tapos iyong fall armyworm at African swine fever. Magkaroon po ng briefing, surely mamaya ito po ay ipapaliwanag lahat ni Secretary Sal Panelo.
URI: Pero iyong sa ano lang, Secretary iyong sa dengue, ano ho ang—if we can have an information coming from you this early, baka puwedeng, doon sa dengue ano bang sinabi ng Pangulo para mas maiwasan ito, mas mapabilis iyong ayuda sa mga biktima, baka po mayroon lang?
SEC. ANDANAR: Ayaw ko namang pangunahan si Secretary Sal Panelo, dahil iyon ang magiging laman ng kanyang press briefing. Pero ang mahalaga ho ay ginagawa ho lahat ng DOH at sa pakikipagtulungan na rin sa DILG at DepEd para po hindi ho ito talagang dumami pa – itong mga lamok na may dalang dengue. And of course andiyan din po iyong DOST mayroon din silang ginagawang mga research and development para po masolusyunan po itong problema ng dengue ng sa bansa natin, dahil ito pala ay three year cycle, tapos nagi-spike on the third year. Kaso, sabi po ni Secretary Duque na this time ay parang nabawasan iyong three years, two years na lang. So, anyway, the DOH is on top of the situation.
URI: Sec, iyong kagabing press conference natin tungkol sa of course, iyong pagtanggal niya kay Captain Faeldon diyan sa BuCor as a Chief ano ho, napag-uusapan din ba ito at may mga munti pa bang mga kuro-kurong naririnig niya sa mga cabinet official na kagaya ninyo?
SEC. ANDANAR: Bago bumaba si Presidente sa Heroes Hall, doon muna siya sa cabinet for a few minutes, ine-explain nga niya kung ano ang kanyang stand sa naging kontrobersiya dito sa BuCor, dito po sa National Bilibid Prisons. At pagbaba niya doon sa Heroes Hall kung ano ang sinabi niya sa gabinete, iyon din ang sinabi niya sa harapan ng media. Talagang hindi siya sang-ayon at talagang sinuway.
URI: Kumbaga ano ho ang—what he did for the people, iyong ganoong pagiging decisive, may nagsasabi iyan ang political will. May nagsasabi naman na bakit hindi agad, pinatagal pa, inilipat pa nga, dapat nga daw hindi na inilapat from Bureau of Customs, ayan tuloy lumikha pa ng problema, hindi sinuklian iyong tiwala ng Pangulo. Siyempre, iyong iba naman ay natuwa sapagkat at least eh, dinidinig ng Presidente iyong ingay, iyong iyak ng taumbayan sa mga bagay na dapat ay hindi mangyari at mga maling hindi dapat ipatupad.
SEC. ANDANAR: Well, nakita naman natin na talagang tinawagan ni Senator Bong Go si Nick, at sinabi nga na huwag ituloy. Pero imbes na huwag ituloy ay nagpaliwanag pa kung ano iyong ginawa, so doon po nabuwiset si Presidente. So makikita natin na may ginawa talaga right from the very beginning. At ang Presidente talaga ay nakikinig sa clamor at siya nakikinig sa murmurings, ‘ika nga, ng ating mga kababayan. At ngayon, ang mahalaga ay nandiyan na iyan, nagdesisyon si Presidente na tanggalin si Nick.
At doon naman sa parte na kung mayroon pang trust and confidence, sabi ni Presidente, sila na lang dalawa ang mag-uusap. Sila na lang dalawa ang mag-uusap ni Presidente. At si Nick naman ay tinanggap niya kagabi pa lang, sabi niya na siya ay mali, na siya ay sumusunod lamang sa utos ng kaniyang Commander-in-Chief.
URI: At siguro naman sir, naging magkaibigan naman sila at mayroon namang tiwala dati sa isa’t isa. (Unclear)
SEC. ANDANAR: Kapag mali talaga, nagkamali talaga. At binanggit din naman ni Presidente na malaki rin ang naiambag ni Nick doon sa Customs. Halimbawa, nagkaroon siya ng raid which led to a 35 billion pesos penalty sa cigarette company na Mighty. At kung titingnan mo doon ay napakalaking accomplishment iyon.
URI: At iyan namang mga bagay na ganiyan, tama ba, kahit kayo, Secretary, kapag may mga lumalapit sa inyo at humihingi ng ayuda para mai-refer ninyo sa ibang ahensiya, hindi rin kayo exempted sa mga ganoon, ano ho? I’m sure may mga lumalapit din ganiyan sa inyo.
SEC. ANDANAR: Well, marami po. Marami pong lumalapit sa amin na nagpapatulong—
URI: Ano ba talaga ang instruction ng Pangulo sa inyong mga Cabinet officials kapag may lumapit?
SEC. ANDANAR: Kailangan bukas po ang pinto namin sa lahat ng mga kababayan natin at marami pong humihingi ng tulong. Halimbawa, humihingi ng tulong sa mga ahensiya na nagbibigay ng libreng gamot o paggamot, iyong mga Malasakit Center. Marami hong humihingi ng tulong na, halimbawa, makauwi ng probinsiya – iyong mga ganoon ho, marami po.
Tapos mayroon ding nag-a-apply ng trabaho o kailangan ng referral, ganoon po iyong karamihan. So, hindi naman puwedeng tanggihan, kailangan sulatan mo rin pabalik kasi mayroong ARTA eh, ‘di ba Anti-Red Tape Act. Kailangan sulatan mo agad iyong sumulat sa’yo
URI: Secretary, itong mga kaganapang ito, malalaki at mabibigat na isyu, pero ang Pangulo ay tumutugon sa tao. Pero iyong iba, siyempre hindi mo rin maiiwasan, hilaw pa rin ang paniniwala nila at para sa kanila ay tila nababagalan pa. Kayo, bilang kayo ang Kalihim ng Komunikasyon, ano ang gusto ninyo i-communicate ngayon sa ating mga kababayan?
SEC. ANDANAR: Ganito lang iyon, Henry, ang Duterte administration ay mabilis pong umaksyon. Napakadami na pong mga polisiya na pinirmahan, mga proyekto na pinasinayaan. Napakadami na pong mga pagbabago na hindi natin inakala na mangyayari sa administrasyong ito.
Ang ating lipunan po ay it is designed in such a way that kapag umasenso na po tayo, kumbaga sa isang lebel ay umakyat sa isang lebel ay hindi po tayo nakukuntento; gusto natin mas umangat pa – kaya ang gobyerno po ay tumatanggap ng kritisismo, constructive criticism.
It is the nature of a human being to excel and excel and excel. Wala po tayong satisfaction sa ating mga nakakamit, lalung-lalo na ang Pilipinas po ay isang bansa na humahabol sa iba pang mga bansa na mas asensado tulad ng Singapore. Normal lang ho talaga iyan na halimbawa kapag nasulosyunan mo ang problema sa kagutuman, problema sa shelter, safety ay aangat po iyan sa isang bagong lebel na pangangailangan. Ito po ay sinabi ng Maslow’s Hierarchy of Needs, so normal lang ho talaga iyan.
At ang mga kritiko naman, normal lang din ho iyan na may kritiko tayo dahil ito po ay isang malayang mamamayan, ito po ay demokrasya; at iyon po ay ating sinusunod.
URI: Marami pa ba, Secretary, na mga mararamdamang ginhawa? Sa hanay ba ninyong mga Gabinete kapag nag-uusap kayo ng Pangulo, marami pa ba siyang plano na talagang bago matapos ang termino ay mararamdaman naman nila iyong hinihinging pag-unlad?
SEC. ANDANAR: Opo. Halimbawa na lang, Henry, ‘di ba iyong tanong mo doon sa MPC, sa Malacañang Press Corps kay Presidente na iyong bigas, ang kilo 21—
URI: Medyo nagkamali ako. What I meant is 17 – from 21 ay naging 17. Pero may nabasa na rin ako kanina na tama raw iyong sinabi ko dahil sa Cotabato, nag-di-disiyete na nga daw iyong bigas, iyong palay.
SEC. ANDANAR: So halimbawa, iyong palay, iyong bigas, 21 pesos to 17—sabi mo siete sa ibang lugar katulad ng Cotabato—ang kay Presidente lang naman is for the greater good of the majority or the good for the greater majority. Iyon po ang gusto ni Presidente. Iyon naman talaga ang trabaho ng ating gobyerno na kung anuman ang makakaganda sa mas nakakarami ay doon po tayo.
So halimbawa, kung ang bigas ay bumaba mula 21 pesos to 17 pesos, eh for the good of the greater majority. Now, kung anuman ang problema ng ating mga magsasaka dahil mayroon talagang magsasakripisyo ay dapat naman dito pumasok ang Department of Agriculture at iba pang mga ahensiya para naman matustusan din at matulungan din ang ating mga maliliit na mga magsasaka, at sila po ay makaahon din sa hirap. Pero if you speak of the greater majority, iyon po iyong pangkaramihan o iyong nakakarami na mga Pilipino.
URI: Which is iyong makikinabang sa mababang presyo ng bigas at hindi naman pababayaan ang magsasaka ng palay. Kahapon sa presscon namin diyan sa Palace, may mga binabanggit na rin si Secretary William Dar na may mga nagho-hoarding daw ng bigas. Siguro iyan kapag isang araw naman ay mai-address din iyan natin sa Pangulo, Secretary, ano ho?
SEC. ANDANAR: Opo, opo. Alam mo naman si Secretary William Dar ay—nagkausap nga kami doon sa sideline at sinabi niya, “Ito, masusolusyunan natin itong mga problema tulad ng Fall Armyworm, tapos itong mga African Swine Flu, iyong bigas.” So marami hong problema na masusolusyuna na rin ng ating bagong Kalihim.
URI: All right. Secretary, maraming salamat po at isang araw, tayo ay magkuwentuhan ulit dito sa himpapawid. Thank you.
SEC. ANDANAR: Salamat. Salamat, Henry. Salamat po sa lahat ng nakikinig sa programa mo. Mabuhay po ang DZRH.
###
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau)