Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar by Leo Palo III, Cabinet Report sa Teleradyo, Radyo Pilipinas


LEO:  Si Secretary Andanar ay nasa linya na dahil mayroong… busy talaga, grabe. Secretary Andanar… partner, heartthrob… magandang hapon.

SEC. ANDANAR:  Hi, hello. Magandang hapon Leo at Dino, sa lahat ng nakikinig. Hindi agad ako maka-pickup ng telepono kasi…  kanina naglibing kami ng tiyahin ko dito sa Davao City, so medyo ano, medyo solemn iyong okasyon.

Pero ganoon pa man, congratulations kay Dino, sa PTV at buong gobyerno na rin… at sa buong Pilipinas dahil nailunsad nang matagumpay ang Early Warning Broadcast System. Ito ang kauna-unahan sa Pilipinas, at iyong pilot city ay Davao City. And soon, it will be in Metro Manila, I think by the end of this month as announced by Dino Apolonio.

LEO:  Oo. Actually ‘yan ang binabantayan din natin, kung… when will that be, iyong launching sa Maynila para at least malaman talaga ng tao na ito, may bagong gadget na na puwedeng gamitin pagdating ng mga kalamidad, Secretary.

SEC. ANDANAR:  Opo. Siguro nabanggit na ni Dino iyong mga features ng Early Warning Broadcast System.

LEO:  Yes. Actually hindi pa namin napag-uusapan dito, kaya nandito pa ‘yan Secretary, dalawang oras ko pinaupo dito dahil hindi pa namin napag-usapan iyong data casting, dahil iyon ay isa sa mga parte ng kaniyang nasasakupan, pero—doon ba Secretary, kanina kasi – linawin ko lang ulit – kasi medyo minimal nga ang puwedeng gastusin dito if ever na magtuloy-tuloy na. Secretary, ito ho ba ay malaki ba ang dapat ang gagastusin ng pamahalaan dito para na rin sa kapakanan ng ating mga kababayan?

SEC. ANDANAR:  Sa palagay ko, dahil ang Early Warning Broadcast System ay isang [choppy line]…

LEO:  Naku, Secretary? ‘Ayan, medyo ano ang signal ano… Balikan natin ang signal ni Secretary, saka iyong… may sinasabi po siya na bagay pero hindi po natin maintindihan. Balikan natin si Secretary Andanar.

Nasa linya na natin si Secretary Andanar. Alright Sec., magandang tanghali po. Pasensya na ha…

SEC. ANDANAR:  Oo, tulad noong binanggit ko kanina, itong Early Warning Broadcast System ay isang feature na puwedeng gamitin lamang kapag ang iyong broadcast station ay digital, at since nag-digital na po ang PTV dito sa Davao City ay puwede nang ilunsad – kaya nailunsad nang matagumpay iyong Early Warning Broadcast System.

So ito po ay mahalaga on three grounds: Number one, kung mayroon pong isang delubyo, bagyo, isang emergency, mayroon pong sunog, lindol, mayroong storm surge o tsunami ay nawa-warning-an agad ang mga kababayan natin. Kapag patay ang telebisyon pero mayroon kang digital television receiver, ay automatic po ay bubuksan niya at magkakaroon ng alarm at iwa-warning-an iyong viewer na mayroon nga parating halimbawa na storm surge. Now kapag ikaw ay nanonood naman ng isang programa, automatic ay magsu-superimpose doon iyong warning ng EWBS.

Number two, ang mahalaga ho dito ay kahit po nagtumbahan na iyong mga cell sites, kahit nagtumbahan na po iyong mga kawad ng—iyong mga poste, kawad ng kuryente – as long as strategically located ‘yung iyong digital transmitter ay puwede pong gamitin iyong frequency ng telebisyon. Sa pamamagitan po ng EWBS at data casting ay maipapadala po ang data, ang text message through television.

Number three, of course ang pinakamahalaga dito ay iyong buhay na naisasalba natin from all of the wrath of mother nature. Kung ito po ay dumating sa Pilipinas, if the Philippines is right smack [choppy line]…of fire, at tayo po ay paboritong daanan ng bagyo taun-taon, at itong EWBS ay sigurado pong makakatulong sa ating mga kababayan upang maiwasan po ang casualties at para maisalba ang ating mga kababayan mula sa kapahamakan.

LEO:  Oo. Kailan Secretary ito magiging fully operational? Maganda ho ito…

SEC. ANDANAR:  Depende ‘yan sa pakikipag-ugnayan ng PTV at ng national government, NDRRMC. Wala pang eksaktong modelo kung papaano idi-distribute itong mga digital receiver boxes ng PTV. Hindi natin alam kung ano ang magiging proseso – ito ba’y ipagbebenta; kung ipagbebenta, magkano or mayroon bang isa-subsidize din iyong gobyerno para ang ating mga kababayan ay magkaroon po ng box nang mura, hindi naman totally libre but mura.

At isa pa diyan ay kailangan po kausapin ng PTV at ng gobyerno, ng NDRRMC ang National Telecommunications Commission para gawin po itong mandatory sa lahat po ng mga digital boxes ng iba pang mga pribadong kumpanya ng telebisyon, para ang kanilang mga viewers din ay mapadalhan ng early warning report kung mayroon pong emergency, para po ay maiwasan ang casualties, para maiwasan po ang maging biktima ng disgrasya.

LEO:  Totoo ‘yan, Secretary. At kung ito ay mag-fully operational na, aba’y matindi pala ang trabaho ni GM Dino nito [laughs].

SEC. ANDANAR:  Matindi talaga, pero again I’d like to congratulate him, congratulate the entire PTV. Ito’y pangarap lamang namin noon… 2016 noong kami’y pumunta ng Japan, pinilit ko pong makapasyal doon sa NHK para makita namin kung papaano nagiging updated ang mga Japanese pagdating po sa lindol, pagdating sa tidal wave or tsunami. Dahil tayo’y reporter noong nangyari iyong sa Sendai, at nakita natin iyong extent noong damage noong Sendai; at nakita rin natin iyong naging effect, positive effect ng NHK at ng Early Warning Broadcast System. So siguro, no brainer na dapat mayroon din tayong EWBS dito sa Pilipinas, at maganda naman at suportado ng ating administrasyon itong proyektong ito.

LEO:  ‘Yan ang maganda. Siyempre pa ay ang ating mga kababayan, ay naghahangad po ng tunay na pagbabago na laging bukang-bibig ng ating Pangulo at siyempre sa lahat ng mga Gabinete katulad ninyo, ‘yan po ang isa sa mga – puwede pala talagang mangarap – ganoon iyon. At iyong pangarap na ‘yan ay mukhang magkakatotoo na sa mga ilang buwan na lang simula ngayon.

SEC. ANDANAR:  Opo. Salamat po sa pagkakataon Leo, sa—

LEO:  Maraming salamat, Secretary ha.

SEC. ANDANAR:  Oo, salamat po. Kay Dino, nandiyan siya for taking the time to promote this project. I think every Filipino should be proud of the EWBS at data casting dito sa PTV, tayo po ang una and it’s very inspiring for government to be able to trail blaze in this high technology for saving our countrymen. At for broadcasters naman, nakikita mo mayroon na tayong EWBS na ginagamit sa Japan at ginagamit din po sa mga bansang Guam or even Hawaii. And the best man to rearing this is Dino Apolonio who’s there now with you. Congratulations.

LEO:  At maraming salamat Secretary sa panahon. Our deepest condolences again sa family. Thank you so much.

SEC. ANDANAR:  Opo. Salamat po. Mabuhay po kayo.

LEO:  Secretary Mart Andanar…

###

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau)

Resource