Interview

Interview with PCOO Secretary Martin Andanar by Richard Enriquez (Yesterday – DZMM)


Event Interview

ENRIQUEZ: Magandang hapon po, Secretary Martin Andanar.

SEC. ANDANAR: Hello Richard, magandang hapon at sa lahat ng mga nakikinig sa inyong programa at sa hindi magandang hapon sa mga kapatid natin sa, Jolo dahil doon sa bombing na nangyari sa Cathedral—

ENRIQUEZ: Talagang sobra tayong nalulungkot, Secretary, sa nangyari sapagkat dalawang blast ang nangyari iyon sa loob pa mismo ng cathedral, sir?

SEC. ANDANAR: Mayroon talagang mga elements na pilit na dinidiskaril itong ating BOL, Bangsamoro Organic Law, bagama’t ito ay ratified na at halos 1 to 7 ang ratio na bumuto for, in favor of the BOL sa buong Mindanao at bagama’t talo ito ng kakaunti dito sa may Jolo pero hindi po mawawalan ng pag-asa ang gobyerno—

ENRIQUEZ: Opo.

SEC. ANDANAR: At resolve ang gobyerno na ito ay talagang hanapin iyong mga kriminal na gumawa nito na nagdulot ng pagkamatay ng mga civilian at mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines.

ENRIQUEZ: Opo.

SEC. ANDANAR: Nag-usap kami ni Secretary Jun Esperon eh ngayon lang before you called, at mayroon ding mga tinitingnan na mga anggulo at ito ay base na rin sa kanilang ‘pag-view ng CCTV, mayroon na silang mga suspects dito. Pero hindi pa natin ma-aannounce kung sino iyong mga identified.

ENRIQUEZ: Sir, mayroon na ho ba kayong nakuhang reaksiyon mula sa ating mahal na Pangulong Rodrigo Duterte?

SEC. ANDANAR: Hindi pa kami nagkakausap ni Presidente Duterte, pero ang masasabi ko sa iyo, Richard ay sa aming whatsapp group at viber group ay back and forth ang pag-u-update nga ating security cluster partikular si Secretary Año at si Secretary Esperson ay very active sa communications namin kaya kami po ay updated din sa mga nangyayari.

ENRIQUEZ: Sir, sa nangyaring twin bombing diyan sa Mindanao at mas pinaigting pa ang seguridad, mayroon po bang plano din na mas itaas po ang alerto sa Visayas at lalung-lalo dito po sa Metro Manila?

SEC. ANDANAR: Tingnan natin kung ano ang magiging desisyon ng security cluster ng Cabinet; by tomorrow we should already have decisions coming from the cluster itself.

ENRIQUEZ: Okay, sir, mayroon na kayong nasisilip na maaring grupo o mga tao na behind this bombing, pero iyong binabanggit nga ninyo hindi pa rin ninyo masabi, pero ang nakalulungkot nga Martial law po ang nagdala diyan sa Mindanao at naganap pa ho ito ‘no ho? So talagang hindi natin lubos maisip na hindi man lang nila iginalang iyong simbahan lalung-lalo na sa cathedral pa nangyari at pati iyong mga bantay na militar ay nasabugan din po ano ho?

SEC. ANDANAR: Iyong wala talagang pagrespeto: sa number one relihiyon, number two sa ating gobyerno, number three sa naging desisyon, naging resulta ng Bangsamoro Organic Law plebiscite. Sa palagay ko ay malaking rason itong kanilang pagtutol o pagkadismaya siguro ng mga kalaban natin na iyong mga bumoto kontra dito sa BOL dahil tulad ng nabanggit ko ay overwhelming po iyong panalo ng BOL sa pagkara-ratify nito. Basta pag hindi po tayo mawawalan ng lakas, ng gana na ito po ay lalabanan natin, hahabulin po natin, hahabulin po ng ating mga Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police ang mga kriminal na may kagagawan nito.

ENRIQUEZ: Pero liliwanagin ko lang sir ‘no, so sa tingin ho ninyo sir may kaugnayan po sa BOL ang nangyaring twin bombing sa Jolo?

SEC. ANDANAR: Mayroon pong chance, there’s the possibility pero tinitingnan natin lahat ng anggulo dito. Eh this is really plainly ano eh, eh talagang mga kriminal ang mga gumawa nito, wala na itong ideology na pinag-uusapan eh. Biro mo dalawang beses mong bobombahin sa loob at sa labas ng cathedral eh talagang wala ho talagang mga pinaglalaban itong mga tao na ito.

ENRIQUEZ: Sir, ano pong tulong naman sir ang maaaring maibigay ninyo po sa mga nasawing biktima at sa mga sibilyan ho na sugatan pati na sa mga military na nasugatan po?

SEC. ANDANAR: Well, nandiyan po naman ang ating Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police, ang ating Department of Social Welfare and Development, nandiyan po ang Office of the President na nasa likod po ng ating mga military na mga nasawi at hindi lang po iyon pati iyon mga sibilyan po. Hindi po pababayaan ng gobyerno lalung-lalo na po iyong mga pamilya ng mga nasawi.

ENRIQUEZ: Sir, maraming-maraming salamat bagama’t hindi maganda iyong ating hapon. Dalangin ko po pa rin ang kaligtasan po ng ating mga kababayan, hindi lamang sa Mindanao kung hindi sa buong Pilipinas pati na sa ating mga military personnel.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat, Richard. Mabuhay ka!

ENRIQUEZ: Mabuhay rin ang ating Secretary Martin Andanar ng Presidential Communications Operations Office. Thank you, Secretary Martin Andanar.

###

Resource