GONZALO: Sec. Martin, magandang umaga
SEC. ANDANAR: Magandang umaga Lakay, magandang umaga sa lahat ng nakikinig sa atin sa DWIZ.
GONZALO: Yes sir, alam kong ikaw ay manonood din ng boxing, pero maya-maya pag-uusapan natin iyan. Sec, kumusta ang preparasyones sa ating Presidente for tomorrow?
SEC. ANDANAR: Well, one hundred percent handa na. Alam mo noong Friday, nagkaroon po ng rehearsal ang ating Mahal na Pangulo at doon ay in-edit muna ni Presidente ng makailang beses iyong speech – from 29 pages ay naging 19 pages iyong speech ni Presidente. So, ito ay—sigurado between 45 minutes to 1 hour ang haba nito at nandoon naman si Direktor Joyce Bernal, at doon din nagbigay siya ng random tips din kung anong mangyayari and mayroon ding mga huling order si Presidente sa amin kung anong dapat gawin sa talumpati sa Lunes. And parte nga pala ng ano ng aming meeting ni Presidente noong Friday ay siyempre kausap ko rin iyong mga speech writers, mga gumagawa nito at malamang baka bumaba pa iyong bilang ng pahina ng speech ni Presidente. Posible naman kasi kahit Linggo or a day before ay nagkakaroon ng karagdagang inputs or advice si Presidente sa mga speech writers, na kung bawasan o dagdagan. Pero malamang mababawasan pa ito kasi ang target talaga ni Presidente ay matapos in less than one hour.
GONZALO: So mga ilan pages iyan Sec.?
SEC. ANDANAR: Well, noong naghiwa-hiwalay kami, ito ay umabot ng 19 pages, noong naghiwa-hiwalay kami. Noong nag practice naman si Presidente, nasa less than one hour na iyong bilang namin, kasi siyempre hindi ito iyong dire-diretso na practice. Mayroon pang intermission na nandoon, nagku-kuwentuhan o ini-expound kung paano sabihin iyong speech kaya sa tantiya namin, in less than one hour.
GONZALO: Aabot? Sec., kagaya noong nakaraang mga talumpati niya, ano ba iyan, may pagkakataon ba na magde-deviate siya or lalampas siya sa kung ano man ang mayroon sa speech?
SEC. ANDANAR: Posible, depende iyan sa mood ni Presidente. Posibleng lumampas, posibleng magkaroon ng ad lib na wala doon speech. Ito lahat depende ito lahat sa magiging mga balita ngayong araw na ito hanggang Lunes. Depende rin sa mood ni Presidente iyan. Kaya from 28 pages naging 19 pages. Itong 28 to 19 pages, ito conservative pa itong 19, palagay ko posible pa itong bumaba kung talagang tatanggalin lahat inalis ni Presidente during that day noong Friday.
GONZALO: Well, ano pang bago sa scenario Sec., sa Kongreso bukas nga hapon?
SEC. ANDANAR: Alam mo taun-taon naman pare-parehas lang iyan eh. May protocol kasi iyan pagpasok ni Presidente, sasalubungin siya ng ES speech, tapos itu-turn over siya doon sa sergeant-at arms ng Kongreso, tapos i-eskortan, tapos doon sa Office of the Speaker, di ba, doon maghihintay iyong mga VIPs and then didiretso na doon sa Kongreso tapos mag i-speech na ang Presidente, iyon naman usually ang…
Mayroong dalawang LED screen, sa harap, isa sa likod. Nilagay ng Kongreso, mayroon ding orchestra na tutugtog ng mga paboritong awitin ni Presidente…
GONZALO: Iyon yata iyong bago.
SEC. ANDANAR: Iyon ang bago sa technical. Tapos magkakaroon ng pagbabago sa lighting. Ito lahat ay sa direksiyon ni Binibining Joyce Bernal.
GONZALO: Iyong paboritong awitin ni Presidente, para doon sa hindi nakakaalam, ano nga ba iyon Sec.?
SEC. ANDANAR: Iyong sa… either ‘Ikaw’ o iyong sa
GONZALO: Iyong Bisaya..
SEC. ANDANAR: [unclear]
GONZALO: Ahhh okay-okay. Ano ang isusuot ni Presidente, Barong?
SEC. ANDANAR: Oo, Barong. Hindi ko lang alam kung sino iyong mananahi. Pero so Presidente, simpleng Barong lang ang isinusuot ni Presidente pag mga ganyan, hindi naman magarbo si Presidente.
GONZALO: Well, sana naman mananalo si Manny Pacquiao para lalong ganahan si Presidente sa pag talumpati bukas. Ang sabi pa nga ni Manny, hahabol siya sa SONA.
SEC. ANDANAR: Hahabol kasi kausap ko iyong kanyang right hand. Papuntang Los Angeles iyong kanyang right hand at nagkita kami doon sa airport at sabi nga niya hahabol talaga si Senator Manny Pacquiao. Pero alam mo Lakay, ang mahalaga dito iyong Duterte Legacy, kasi ika-apat na SONA na ito, ilalatag ni Presidente ang kanyang plano para sa susunod ng tatlong taon na makakaapekto sa buhay ng mga Pilipino sa susunod na sampung taon: Ito iyong poverty alleviation; ito iyong infrastructure building – Build, Build, Build; ito iyong peace and order pamamagitan ng National Task to End Local Communist Armed Conflict, na 50 years na pong nag a-alsa sa kanayunan – mga komunista, so kailangan matapos na ito
At mayroong mga legislative agenda si Presidente na babanggitin din at ito na iyong makakapagbabago ng ating lipunan sa susunod na mga sampung taon.
So aabangan talaga natin, kasi sa dami ng accomplishments ni Presidente na iyon nga, in-explain namin doon sa pre-SONA 1, 2, 3 – Luson, Visayas, Mindanao dahil tatlong pre-SONA iyan ay nag reflect din ang mga ito sa huling Pulse Asia survey na 85%…
GONZALO: Yes, grabe!
SEC. ANDANAR: …ang nagtiwala kay Presidente. Huling SWS survey, 80% ang satisfied sa kanyang performance. Napakataas Lakay, ikaw napakatagal mo nang nagko-cover [unclear]..
GONZALO: Oo, ngayon lang nangyari iyan. Lahat ng presidente sa mga huling taon na niya eh, pababa-nang pababa ang rating. Pero si Presidente tumataas pa!
SEC. ANDANAR: Tumataas pa, in fact, three percent ata iyong walang tiwala – 3% lang. so kung titingnan mo talaga, 85 plus 3 – 88, so mayroong 12% na undecided, di ba? So ang trabaho natin kailangan makumbinsi na magtiwala na sa Presidente para umangat sa 97% ang kanyang approval rating, ang kanyang trust rating sa mga kababayan natin.
Anyway, be that as it may, unprecedented pa rin iyong nangyari. Kaya nga kakaiba pa rin iyong 4th SONA dahil coming from major majority noong nakaraang halalan kung saan nilampaso natin lahat ng opposition sa Ocho Diretso – zero-zero talaga sila. Number 2, 80% iyong satisfied sa kanyang performance, sa SWS at 86% naman ang tiwala – Pulse Asia. We are coming confidently from those victories ngayong darating na Lunes at very inspired iyong Duterte administration na talagang magtrabaho pa.
GONZALO: O sige trabahao pa. Nabalitaan ko Sec., mayroon nadagdag na trabaho mo pala sa Mindnaao?
SEC. ANDANAR: Oo sa Cabinet Officer for Regional Development and security – ito iyong actually mechanism para ma monitor iyong lahat ng proyekto ni Presidente sa lahat ng kanayunan para maibsan na ang kahirapang at para maalis na ang communism dito sa mga kanayunan. At tayo ay nakatutok sa Northern Mindanao, sa Region XI…
GONZALO: Ang laki, ang lawak ng area mo.
SEC. ANDANAR: Oo, malawak pero okay lang, hindi naman nabago kasi taga Region XI din naman ang nanay ko at doon din naman ako lumaki, so walang problema.
GONZALO: Okay. Sec. ano naman ang susuotin mo bukas ng hapon?
SEC. ANDANAR: Hihiram muna ako ng Barong kay Aling Nena, isosoli ko lang sa umaga [laughs] ido-donate ko lang doon sa, iyong mumurahing Barong lang tapos ido-idonate ko doon sa funeral parlor [laughs].
Puwera biro, Barong siyempre, Filipiniana – Barong, kasi alam mo Lakay, marami ang nagsasabi na ano na fashion show na naman ito. Alam mo I don’t really mind the fashion show eh, there’s nothing wrong with the fashion show as long as Filipiniana.
GONZALO: Yes!
SEC. ANDANAR: Alam mo kung bakit? Sa tatlong taon kung experience sa gobyerno, hindi ko rin naman ipinagmamalaki, nakakabiyahe ka sa kung saan-saan sa… sa ASEAN na lang, sa ASEAN. Halimbawa sa Indonesia, hindi lang sa mga government offices sinusuot ang kanilang national costume, national costume iyong Batik nila, suot ng mga kababaihan. Pati sa day to day business.
GONZALO: Araw-araw batik
SEC. ANDANAR: Oo, sa business days. Ganoon din sa Cambodia, ganoon din sa Vietnam, Thailand, sa Myanmar. Alam mo lahat ng mga ASEAN countries na ito ay araw-araw ay suot iyong kanilang national dress, national costume, national long sleeve. You know, suot-suot ng mga neighboring countries natin, makikita mo na they are really proud of their custom, their tradition, their culture, even the national outfit, national dress, national costume. Tayo sa Pilipinas, lalaki lang ang nagsusuot ng Filipiniana na normal lang di ba, sa mga business, sa business sector, sa day to day work, pero sa mga kababaihan bihira mo makita iyong naka Filipiniana na inspired na mga damit, kokonti lang. Siguro it’s about time that we use and we showcase our own dressmaking, our own fabric dito sa Pilipinas.
kaya nga itong SONA, ito iyong pinaka opportunity para maipagmalaki natin iyong ating sariling damit, sariling tela, sariling fabric, sariling… ano bang tawag doon, iyong mga Pinya di ba?
GONZALO: Yes – yes – yes
SEC. ANDANAR: Para to also encourage patriotism in fashion, palagay ko okay lang naman iyan, huwag lang iyong may mga diamante, di ba? Para na iyang ostentatious display of wealth na siyempre sensitive tayo sa ating mga kababayan na halos 95, 96, 97% sa ating populasyon ay mga kababayan nating naghihirap.
GONZALO: Okay Sec, nice talking to you on a Sunday morning, salamat ng marami.
SEC. ANDANAR: Salamat Lakay, mabuhay ka, mabuhay si Manny, mabuhay ang Presidente
GONZALO: Yes, thank you
###