Interview

Interview with Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar with DSWD Secretary Rolando Bautista by PCOO Assistant Secretary Kris Ablan (Cabinet Report sa Teleradyo – Radyo Pilipinas)


Event Media Interview

ASEC. ABLAN:  Kasama na po natin on the line live po from CDO, si Secretary Martin Andanar. Sec. Martin magandang gabi po, live po tayo sa Cabinet Report sa Teleradyo.

SEC. ANDANAR:  Magandang gabi, Kris. Maayong gabii sa tanan nga naminaw, sa buong Pilipinas, lahat po ng nakikinig, magandang gabi, mula dito sa Cagayan De Oro. Napaka-hectic ng ating schedule dito Kris dahil first day natin nandoon tayo sa Malaybalay, Bukidnon tapos nakipag-meeting tayo sa mga kabataan, sa LGU at nagpunta tayo ng Valencia, Bukidnon; ganundin, kabataan/LGU, pati mga media mga ka-meeting natin dahil dito nga sa ating Duterte Legacy campaign; So, nag-kick off tayo at the same time iyong ating responsibilidad bilang Cabinet Officer for Regional Development and Security.

And then kanina nandoon ako sa Iligan City naman, nakausap natin iyong ating mga kasamahan sa media, sa Iligan at sa Ozamiz City sa Misamis Occidental. Tapos ang mga LGU, ang mayor ng Iligan na si Mayor Regencia. Ganundin po ang pakay natin doon, iyong ating Duterte Legacy campaign dahil we are preparing already for the Duterte Legacy summits that will happen in 81 provinces, pero by region. So we have about 18 regions including the BARMM at iyong ating Cordillera Region, Kris.

ASEC. ABLAN:  Congratulations po Sec. Martin. I attended the Duterte Legacy launching last week; very, very well laid out program and we look forward po to the Duterte Legacy summits po around the country.

Ang topic po natin ngayong gabi Sec. Martin ay ang Taal Volcano eruption update. Kanina po in-interview po natin si Usec. Ricardo Jalad ng OCD-NDRRMC; pagkatapos po ng break si Deputy Speaker Vilma Santos-Recto naman po and ngayon po, live on the line po si DSWD Secretary Rolando Bautista – magandang gabi po Secretary Bautista, live po tayo ngayon sa Cabinet Report sa Teleradyo kasama po si Secretary Martin Andanar, ako po si Asec. Kris, magandang gabi po.

SEC. BAUTISTA:  Magandang gabi po sa inyo.

SEC. ANDANAR:  Good evening Sec. Rolly…

SEC. BAUTISTA:  Magandang gabi, Sec. Martin.

SEC. ANDANAR:  I would like to congratulate you dahil sa mabilis ninyong pagresponde dito sa Taal incident at panalangin natin lahat, eh hindi na ito mag-alburoto pa at hindi sumabog at hindi umabot sa Alert Level 5. Pero if you can give us an update from your end, Secretary Rolly, sir.

SEC. BAUTISTA:  Thank you, Sec. Martin. Actually iyon ang ina-anticipate namin, iyong kung sakaling magkaroon ng big bang which is not yet predicted as of now by PHIVOLCS ‘no. Kaya noong last weekend nagkaroon kami ng, short of saying, strategic planning; bale pin-fine tune (fine tune) namin iyong response plan namin.

Ang importante doon is nag-identify kami ng mga areas where we can setup iyong mga mobile storage unit namin para kung sakaling maapektuhan iyong accessibility sa road, ma-ensure namin na kung ang field office augmentation namin, ito ‘yung mga field offices na galing sa Bicol at saka sa MIMAROPA, na kasi apparently, sila iyong magpapasok ng mga goods. at the same time iyong mga field offices namin nag magpapasok ng good coming from NCR, Northern Luzon saka sa CAR eh doon ipe-preposition iyong mga food packs o kaya iyong iba pang mga food and non-food items.

So as of now, a total of 488 evacuation centers ‘no although may direktiba si SILG na most likely iyong affected/restricted area lang ang ipo-focus ng lockdown. So parang ano ‘yan, positive news iyan sa mga areas na hindi restricted. As of now ‘no mayroon pa ring 488 evacuation centers at with a total of 37,445 families or 137,994 individuals. Pero outside of evacuation centers, mayroong 37,000 or 145,000 individuals who are outside of the evacuation centers. Ibig sabihin nito, tumutuloy sila sa kanilang mga kamag-anak or mayroong mga—nag-setup sila ng mga sarili nilang evacuation (center) sa mga open spaces.

So ito ngayon ang mino-monitor namin; for every evacuation centers, mayroon na kaming mga DSWD personnel doon. Ang purpose noon is talagang i-observe iyong mga camp evacuation protocols, ito ‘yung tinitingnan natin na mayroon ba tayong space para sa mga female, sa families, sa children at saka iyong mga lugar na ma-ensure na ma-secure natin iyong mga pamilya, iyong mga bata at saka iyong mga female natin. So ‘ayun ‘yung update natin ngayon ‘no—sige, Sec. Martin…

SEC. ANDANAR:  Para sa kaalaman lang ho Sec. Rolly ng ating mga kababayan na nakikinig ngayon, kung saka-sakaling itong mga evacuation centers natin or iyong mga evacuees natin ay ma-extend po ang kanilang bilang na bakwit, mayroon ho ba tayong sapat na pondo mula sa ating national government para i-sustain ho iyong operations ng DSWD?

SEC. BAUTISTA:  Actually mayroon tayo niyan ‘no. Sa Bicol lang muna, iyong standby funds natin; dito sa DSWD Central Office at saka may mga field offices ‘no, mayroon tayong amount na more than 1.4 billion pesos. Pero sa Central Office, ito ‘yung pinaka-main office natin sa Metro Manila, mayroong naka-standby funds doon na 1.4 billion – ito, in terms of QRF. Ibig sabihin nito, kapag iyong field office natin, 4-A ito ‘yung CALABARZON, nangailangan ng further augmentation dahil—actually nagme-maintain sila ng 3 million na Quick Reaction Fund doon sa kanilang field office sa area nila pagka nababawasan ‘to or if they need additional funds eh mayroon tayong sapat na pondo para suportahan sila.

SEC. ANDANAR:  And on top of that Sec. Rolly, nandiyan pa iyong 4P’s mo, tuluy-tuloy pa rin ‘yan at iyong ating mga benepisyo para sa ating mga senior citizens, tuluy-tuloy pa rin po ‘yan.

SEC. BAUTISTA:  Tama ka diyan Sec. Martin ano, though itong mga suporta binibigay natin during disaster ay tuluy-tuloy pa rin iyong big ticket projects/programs ng DSWD; ‘ayun ‘yung binanggit mo kanina, iyong 4P’s, social pension, iyong Unconditional Cash Transfer at iyong iba’t iba pang programa. Ibig sabihin nito, na sabay-sabay ‘yung paggalaw ng DSWD kasi alam naman natin mayroong mga budget na ibinigay ang ating gobyerno para dito sa mga big ticket items kaya kailangan isabay din namin iyong pagbigay ng payout regardless kung may disaster o wala.

SEC. ANDANAR:  Speaking of senior citizens Sec. Rolly, maiba lang ho tayo ng lugar kasi alam ninyo naman ako’y assigned dito sa Region X bilang Cabinet Officer for Regional Development and Security, at mayroon ho tayong mga senior citizens dito sa Cagayan De Oro na nangangailangan ho ng assistance dahil iyong iba ho sa kanila ay hindi nakakatanggap or siguro hindi tuluy-tuloy iyong pagtanggap nila ng kanilang social pension. Eh kung mamarapatin ninyo po, kung okay lang po sa inyo Secretary Rolly ay inilalapit ko po sa inyong tanggapan itong mga panawagan po ng ating mga kababayan dito po sa Region X.

SEC. BAUTISTA:  Ah sige’t alam mo naman Sec. Martin ‘ayan ang ini-encourage ko talaga, ‘ayan ang gusto ko. Welcome kami sa any complaints, sa mga issues na nire-raise ng ating mga kababayan dahil doon namin nalalaman kung ano ‘yung mga shortcomings and gaps namin. Isa talagang issue nangyari sa ating mga social pensions, sa ating mga indigent senior citizens, nagkaroon tayo ng delay ng payout diyan kasi unang-una may direktiba ang ating Presidente na i-validate iyong mga list ng social pension beneficiaries kaya natapos natin ito nang mid ano na, 2019.

Nagkaroon ng delay kasi at the same time iyong list na ‘to bina-validate namin ‘to. Ang importante kasi dito is dapat wala silang pension na natatanggap ‘no other than the social pension. Pero ang target namin by February 2020 ay maibigay namin iyong lahat ng mga kakulangan namin sa social pension na payout kaya ‘ayun din ang tinututukan namin. At the same time, kung puwede naming makuha ang contact numbers o kaya pangalan noong mga, sabihin nating hindi nabibigyan o hindi pa nakaka-receive ng kanilang pension ‘no.

SEC. ANDANAR:  Maraming salamat po Sec. Rolly at congratulations nga palang muli dahil kayo po ay isa sa mga top performers ng ating gobyerno base po sa survey kaya congratulations po. Wala na akong tanong Sec. Rolly pero baka may tanong pa ho si Asec. Kris Ablan. Kris…

ASEC. ABLAN:  Huling message na lang po Sec. Rolly para sa mga nakikinig at nanonood ng Cabinet Report sa Teleradyo.

SEC. BAUTISTA:  Maraming salamat Kris ano. Ito lang talaga ang dapat nating paghandaan, iyong mga kababayan natin sa area ng CALABARZON na kasama ninyo po kami na talagang naghihintay at nakikiramay sa paghihirap na dinadanas ninyo ngayon. Pero gayunpaman ang DSWD ay talagang hindi kayo iiwanan, hindi kayo pababayaan kapag dumating na ang pagkakataon na pumutok iyong sinasabi nating—ang term namin doon is ‘big bang’ kasi, ini-ensure namin na sasamahan namin kayo at tuluy-tuloy ang ayuda ng DSWD para masigurado lang natin na kahit na nasa affected area kayo ay mayroon pa rin kayong nare-receive o natatanggap na tulong galing sa ating gobyerno; At ‘ayun din naman ang direktiba ng ating Presidente, na huwag nating pababayaan ang mga kababayan natin lalo na ‘yung mga naghihirap at saka iyong mga naapektuhan ng ganitong sakuna.

ASEC. ABLAN:  Maraming, maraming salamat po DSWD Secretary Rolly Bautista. God bless you po and mabuhay po kayo.

Alright, Sec. Martin maraming salamat din po and hope to see you po next week.

SEC. ANDANAR:  Salamat Kris at mabuhay ka. You have a nice weekend at sana ay gumanda ang batting average mo sa baseball or softball.

ASEC. ABLAN:  Salamat po, Kung Hei Fat Choi. Happy Chinese New Year, Sec. Martin.

SEC. ANDANAR:  Salamat po. Mabuhay po kayong lahat at maayong gabii kaninyong tanan!

ASEC. ABLAN:  Alright, wala na po tayong time. Next week na lang uli po tayo, same time, same day, Friday. Uli, ito po si Asec Kris Ablan sa Cabinet Report sa Teleradyo. Magandang gabi po sa inyong lahat. God Bless, mabuhay!

###

 

Source: News and Information Bureau-Data Processing Center

Resource