Interview

Interview with Presidential Cabinet Secretary and Acting Presidential Spokesperson Karlo Alexei Nograles by Rowena Salvacion & Emil Sumangil Super Balita sa Umaga – Isyu Atbp, DZBB


ROWENA SALVACION: Samantala, iyong makakapanayam natin ngayon ay hindi birthday pero in-demand na personalidad sa gobyerno natin at hindi masamang batiin siya ng Merry Christmas ha, hindi ipinagbabawal sa atin na bumati.

EMIL SUMANGIL: Yes, Happy Christmas.

ROWENA SALVACION: Merry Christmas po kay Cabinet Secretary at Acting Presidential Spokesperson Karlo Alexei Nograles. Secretary, magandang umaga. Kami po si Emil and Weng.

EMIL SUMANGIL: Welcome back, sir, isa po sa pinagkakatiwalaan.

CABSEC NOGRALES: [Laughs] Merry Christmas! Magandang umaga po sa ating lahat.

ROWENA SALVACION: Uy na-miss ka namin, sir ha, dito sa programa.

CABSEC NOGRALES: Ay, thank you. Sorry, nami-miss ko rin kayo pero sobrang busy. Sorry…

ROWENA SALVACION: Oo nga, hindi ka mahagilap.

CABSEC NOGRALES: Ganoon pa man, thank you for inviting me muli sa inyong programa, Emil at Weng.

ROWENA SALVACION: All right. Sir, ito na ang unang tanong: Nagkaroon tayo ng tatlong araw na bakunahan – Bayanihan, Bakunahan days. Hindi natin naabot iyong target although nag-hit tayo ng 8 million na nabakunahan pero ang target natin ay 9 million. Mayroon bang kinailangan tayong i-calibrate para sa second round ng bakunahan ng December 15 onwards? Kasi magkakaroon tayo ng second Bayanihan, Bakunahan kasi nga kailangan mapalawak pa iyong ating vaccination program. Mayroon ba tayong kailangang i-calibrate doon sa nangyaring unang bakunahan para mas matamo natin iyong target sa second bakunahan?

EMIL SUMANGIL: ‘Ika nga nila’y ‘rooms for improvement’, Sec.

CABSEC NOGRALES: Well una sa lahat, kami po’y lubos na nagpapasalamat sa lahat ng nag-volunteer, lahat ng mga LGUs, lahat ng ating mga national government agencies, sa mga regions, sa lahat – private sector, NGOs, lahat ng communities at of course mga kababayan nating Pilipino dahil hindi natin marating iyong 8 million kung wala po iyong pagbabayanihan nating lahat ano. Eight million is still 8 million.

ROWENA SALVACION: Oo naman, Sec.

CABSEC NOGRALES: Pero siyempre mayroon talagang mga room for improvement na puwede nating gawin especially sa second round ng vaccinations po natin ‘no. At siguro isa sa mga nakikita natin na puwede pa nating ma-improve is doon sa mga walk-ins dahil siyempre sa kaniya-kaniyang mga LGUs ay mayroon din po ng mga walk-ins na kailangang ma-accommodate natin. Sayang din naman ‘no, dumating na sila sa vaccination sites so dapat magkaroon po tayo ng sistema for walk-ins.

At pangalawa po, although isolated cases mayroon pa rin pong tinatawag na ‘brand preference’ iyong iba nating mga kababayan kaya kailangan paulit-ulit po nating banggitin at i-remind ang lahat ‘no na wala na dapat iyong brand preference – kung ano pong mayroon diyan, iyan pong lahat ng mga vaccines po natin ay safe and effective po para sa lahat. So may mga ganoong klaseng mga instances na kailangan din po natin talagang i-emphasize na wala na iyong brand preference. Basta kung ano iyong nandiyan, magpaturok na tayo, magpabakuna na po tayo.

ROWENA SALVACION: Okay. Baka kailangan din, CabSec, na paigtingin natin, dagdagan natin iyong effort lalo na sa mga local government units, iyong pagbabahay-bahay. Kasi I think bagama’t marami pa rin—malakas pa rin iyong vaccine hesitancy, marami pa rin ang hindi talaga makapunta sa vaccination sites at isa iyon sa problema kung bakit siguro hindi natin na-hit iyong target.

CABSEC NOGRALES: Actually pinalawak na rin po natin iyong mga vaccination sites, [garbled] natin ang vaccination sites per LGU. But yes, of course, iyong paghihikayat at pag-house-to-house, iyon po ‘yung mga best practices na nakikita natin sa mga LGUs na mataas po iyong bilang ng mga nabakunahan nila. Kahit noong hindi national vaccination days ‘no, gusto ko lang ding i-remind na kahit—bagama’t walang—or tapos na iyong national vaccination days natin, patuloy pa rin naman po iyong ginagawang pagbabakuna ng ating mga kababayan.

So iyong sa mga LGUs, yes, several or many of the LGUs ay gumagawa po ng mga house-to-house. Kung lahat po ng LGUs ay magkaroon ng ganiyang klaseng initiative especially para sa mga senior citizens natin at iyong mga—those with comorbidities, mas maganda po iyan, mas maigi po.

EMIL SUMANGIL: Opo. CabSec, naireklamo rin iyong maagang pagsasara ng ilang vaccination centers. Sa second round po ba, CabSec, anong oras ho iyong talagang official time natin: Anong oras ang simula at anong oras po isasara iyong telon para sa mga magpapabakuna?

CABSEC NOGRALES: Well based sa aming assessment, parang iyong average hours na open iyong vaccination sites is 12 [hours] ‘no. But of course average iyon, meaning to say mayroong naggo-go beyond 12 hours at mayroon din namang mga less than 12 hours ‘no. But kailangan nga po basta mayroon pang bakuna at mayroon pang gustong magpabakuna, kailangan tapusin natin ‘no. Direktiba rin po iyon ng Pangulo, ang sabi nga niya basta may nakapila pa diyan, nandoon pa sa linya, may nag-aantay pa eh huwag ninyo pong isara ang vaccination sites.

In fact, ang mga best practices ng ibang LGUs ay nagkakaroon sila ng ‘bakuna nights’ kung tawagin. Ibig pong sabihin—opo, initiative po iyan ng mga LGUs lalong lalo na sa mga urban centers or urban areas, mga cities lalo na – na of course we give ano ‘di ba, parang nagkakaroon sila ng bakuna nights para iyong mga nagtatrabaho po eh maari naman pong after work sila magpabakuna. Pag-uwi nila sa barangay or sa area po nila, kung may vaccination site malapit sa kanila then mas madali para sa kanila before sila umuwi sa kanilang bahay.

ROWENA SALVACION: Although medyo mas tedious po iyon sa resources ng LGUs hindi ba, CabSec? Kasi halimbawa kung magbabakuna nights ka, didiretso mo iyong bakunahan mula umaga hanggang gabi eh kailangan mo ng shifting ng nurses, ng doctors, iyong mga vaccinators natin. Plus siyempre hindi lang iyon, iyong mga tanod na magbabantay, iyong security at siyempre iyong supply din niyon kasi hindi mo naman gugutumin iyong mga ‘yun eh hindi ba, CabSec?

EMIL SUMANGIL: Nagkakaproblema ho ba tayo sa bilang ng personnel?

CABSEC NOGRALES: That’s why ang ginawa ng IATF natin, simula December 1 and onwards ‘no, nakalagay sa ating resolution na kung ang empleyado gustong magpabakuna or nagpa-schedule na siya ‘no ng kaniyang vaccination on that day, dapat i-excuse ng employer. So kung natatandaan ninyo noong vaccination days natin ‘no – November 29, 30 and December 1 – very clear po doon na ‘pag iyong mga magpapabakuna during those days, excused po from work ‘no. But naglagay din po kami sa resolution ng IATF na beginning December 1, lahat ng mga empleyado na kailangang magpabakuna or naka-schedule magpabakuna ay excused na rin po from work at dapat payagan ng employer

ROWENA SALVACION: Okay. So ibig sabihin po, iyan na rin iyong ipapatupad na panuntunan ‘pag nag-second wave tayo ng Bayanihan, Bakunahan ng December 15, 16 and 17. Mae-excuse din po ba ang mga manggagawa? Kasi may kalituhan doon, CabSec, sa ngayon eh – kung papayagan na ma-excuse o hindi.

CABSEC NOGRALES: Yes. So beginning December 1 onwards, beginning December 1 onwards lahat mga employers ay may direktiba po na kung iyan po ‘yung vaccination day ng inyong empleyado ay dapat payagan po natin iyan at i-excuse po natin from work. So necessarily kasama na iyong 15, 16 and 17.

Not only 15, 16, 17 – basta December 1 onwards payagan po nating magpabakuna and excuse natin from work ang empleyado na naka-schedule magpabakuna.

ROWENA SALVACION: Hindi mamarkahang ‘absent’?

CABSEC NOGRALES: Dapat hindi siya mamarkahang absent.

EMIL SUMANGIL: ‘Ayun, malinaw.

ROWENA SALVACION: Okay. So ibig sabihin, CabSec, iyong December 15, 16 and 17 hindi na kailangang i-declare na special working holiday?

CABSEC NOGRALES: Actually hindi na and iyong first set naman ng ating national vaccination, actually ano na rin iyon eh, nakalagay lang iyon doon dahil may November 29 ‘no although November 30 was a holiday. But beyond that, December 1 onwards eh very clear po na dapat excused po iyong—

EMIL SUMANGIL: Weng, samantalahin ko lang din ang pagkakataon.

ROWENA SALVACION: Go ahead.

EMIL SUMANGIL: CabSec, iyon hong sa preregistration sa LGU, iyong polisiya ng LGU na nagkakaiba raw sa polisiya ng national government. Pagdating po sa second round, December 15, 16, 17, ano ho iyong mananaig na polisiya? Wala nang preregistration, iyan ho kasi iyong mga natanggap naming mensahe, sir, mga reklamo na “Ang dami pa hong hinihingi sa amin sa LGU…” Opo. Ano ho daw ang susundin nila, sir?

CABSEC NOGRALES: Well alam ninyo sa LGU, siyempre ginagawa nila iyong preregistration kasi nag-aalala rin po iyong LGU sa—siyempre dapat may scheduling para hindi magkaroon ng problema sa social distancing. It’s really a management tool na ginagamit ng mga LGUs para po mas magkaroon ng sistema ‘no.

Kaya nga ang pakiusap po namin na bagama’t mayroon po tayong ganiyang sistema na preregistration, I think the LGUs must also be prepared to have a separate system for walk-ins ‘no. So ayusin na lang po natin in a way na wala naman tayong—

EMIL SUMANGIL: Iyon ang maganda, Weng, oo.

CABSEC NOGRALES: Sayang… alam mo ‘yung nandoon na, eh hindi ka naka-register ‘di ba… so problema ‘di ba? Because ang intent nga natin ay mabakunahan so dapat magkaroon ng separate system also for walk-ins. Although may preregistration, so sa mga nag-preregister mas hassle-free.

EMIL SUMANGIL: Oo, sa totoo lang ho. [laughs]

CABSEC NOGRALES: [Garbled] sistema, doon pa kayo magpi-fill out, etcetera, etcetera kasi hindi rin naman lahat ‘di ba medyo ‘techie’ [laughs]. So I think we have to—dapat maintindihan po [overlapping voices]

EMIL SUMANGIL: Ma-address po ano, ma-address yes.

ROWENA SALVACION: So bawal magtaboy ng walk-in, CabSec? Bawal magtaboy ng walk-in?

CABSEC NOGRALES: Opo—

EMIL SUMANGIL: Ang daming nag-text, Weng eh…

CABSEC NOGRALES: Iyan po ‘yung direktiba ni Pangulo. Sinabi nga niya huwag ano—‘pag may walk-in ano natin—

EMIL SUMANGIL: I-accommodate.

CABSEC NOGRALES: Accommodate natin.

ROWENA SALVACION: All right. May target po ba tayo ng babakunahan for the second round ng Bayanihan, Bakunahan?

CABSEC NOGRALES: Ayaw kong pangunahan ‘no iyong vaccine and the reason why hindi pa kami nagbibigay ng target is kailangan matandaan po natin na—or maintindihan natin na tuluy-tuloy pa naman ‘no, tuluy-tuloy pa rin iyong ginagawa nating bakunahan. So all the way up to December 15 mayroon pa ring ongoing vaccinations na ginagawa. So depende sa supply, depende—although wala na tayong problema sa supply, depende na rin siguro sa pagsi-set ng targets per LGU. Because some LGUs maganda naman ang performance ‘di ba so we’ll make the recalibration na lang din then come up with an indicative target.

ROWENA SALVACION: May patanong si Tuesday Niu, CabSec. Hanggang ngayon hinahabol ka ni Tuesday [laughs]: Hindi na ba kailangan i-revise o i-amend iyong process na inilabas ni PRRD sa declaration ng national vaccination days para sa second round, December 15 to 17?

CABSEC NOGRALES: Proseso…

ROWENA SALVACION: Oo. Wala bang babaguhin doon, CabSec?

CABSEC NOGRALES: Siyempre iyong sinasabi namin na mga improvements like accommodating walk-ins. But to the process, it’s really up to the LGUs and then kung paano iyong proseso – ang pakiusap lang namin ay magkaroon ng sistema also for walk-ins. And then—iyon po. But iyong with regard doon sa excuse po from work, ano na iyon may IATF resolution na doon.

ROWENA SALVACION: All right. Ibig sabihin with pay daw sabi ng isang texter natin, mga listener at viewer natin, CabSec. Ibig sabihin po, with pay kapag in-excuse ng employer kapag magpapabakuna ang isang empleyado.

EMIL SUMANGIL: Wasto ho, tama?

CABSEC NOGRALES: Yes. But technically, ibig sabihin hindi iyon minus sa duty niya. Kumbaga, hindi magsa-suffer iyong duty niya or number of days worked, di ba?

ROWENA SALVACION: All right, CabSec, kanina nabanggit mo wala na tayong—

CABSEC NOGRALES: Yes, technically speaking, ganoon ang effect.

ROWENA SALVACION: Kanina nabanggit ninyo, CabSec, mayroon tayong sapat na supply, hindi na natin pinuproblema ang mga supply ng bakuna. Kaya lang nagkaroon tayo ng expiration, napasuhan tayo ng maraming bakuna, sayang naman po. Mayroon bang inilatag na sistema ngayon ang IATF para masigurong hindi na mauulit na masasayangan tayo ng bakuna, Sir?

EMIL SUMANGIL: At maiturok ito sa halip na masira, Sir.

CABSEC NOGRALES: Well, of course ginagawa natin ang lahat para lahat ng mayroon tayong supply ‘first in, first out’ iyan para hindi tumama doon sa expiration date. Of course, we’re very mindful doon sa expiration date na kailangan iyong ang unahin. May sistema po iyan no, depende sa date of expiration. Kung alin ang mas maaga kailangan iyon ang unang ilabas at i-administer.

Pangalawa po, iyong ginagawa ng vaccine cluster natin ay ini-evaluate din nila iyong expiry date at nakikipag-ugnayan kami sa manufacturer. In fact, nagsalita na si Secretary Charlie Galvez at iyong mga miyembro ng vaccine cluster na there are some vaccines na bagama’t sinasabi ang expiry date ay ganito based doon sa pag-assess nila together with the manufacturer and based sa mga experts ay magagamit pa rin naman po. At mayroon tayong papeles at dokumento na nagsasabi na may permiso naman po na puwedeng gamitin iyan.

Doon sa nag-front kasi na isang report na may nag-expire or hindi natanggap, we are still doing fact finding investigation. Wala pa kaming conclusion with regard to that, siyempre may natatanggap kaming report on the ground na dito sa ilang LGU may nag-expire daw, ganito daw. But right now we’re still doing the fact finding.

ROWENA SALVACION: Okay. Mayroon lang akong habol na tanong, CabSec. Halimbawa po, gagamitin natin iyong mga expired na bakuna pero puwede pa sabi ng mga eksperto natin, na iturok sa ating mga kapuso. Ipapaalam po ba natin doon sa matuturukan na ito po ay expired by date pero iyong efficacy nito ay puwede pa. Kasi, parang feeling ko baka kailangan natin na maging transparent doon sa babakunahan and kapag pumayag siya waiver na iyon hindi po ba?

EMIL SUMANGIL: Ano ho iyong napapag-usapan dito, CabSec?

CABSEC NOGRALES: Puwede naman. But I think those are very—kaunti lang iyon. But yes, maaari siguro natin ano i-bring up po iyong attention ng NVOC during the implementation. Ang isa pang sinabi ni Sec. Charlie, iyong pakikipag-ugnayan din sa mga donations na dapat maglagay din po tayo, pag dini-donate sa atin dapat we have to emphasize na iyong idu-donate huwag iyong near expiry.

So, mayroon din tayong naka-set na parameters and guidelines doon sa tatanggap ng mga donations. Bagama’t nagpapasalamat tayo sa lahat ng mga nagdu-donate no, but the reality on the ground also is we also do not want to [have] so masyadong sobrang dami ng supply na palapit na iyong expiration, iyong pressure mapupunta sa atin. Marami rin pong mga bansa na nangangailangan din ng vaccines. So, we’re taking the parameters doon sa donation.

ROWENA SALVACION: Opo.

EMIL SUMANGIL: Okay. CabSec, Weng, dalawang punto lang. Tinatanong ni kuya Mon Samson ng Manila Bulletin unang-una. Exempted daw po ba sa work iyong magpapabakuna? Sinagot na ni CabSec, yes kuya Mon Samson ng Manila Bulletin. Iyon pong sa akin Sir, sa ngayon, tatlo—Opo.

CABSEC NOGRALES: Basta may proof na.

EMIL SUMANGIL: Oo, siyempre po.

ROWENA SALVACION: Kailangan mapapabakuna siya. Baka naman magmo-mall lang.

EMIL SUMANGIL: Huwag nang magsisinungaling. Oo, trust and confidence. CabSec, Weng, Gusto kong itanong, 38 bansa na at teritoryo ang may kaso po nitong Omicron variant. Ang Pilipinas ho ba, tayo ho sa IATF, sa Malacañang may balak ho ba kayong magdagdag ng mga bansa sa listahan na medyo maghihigpit po tayo, iba-ban natin. Iyong travel ban na tinawag Sir?

CABSEC NOGRALES: Hindi. Ganito iyon: Day by day iyong ating assessment sa nangyayari sa buong mundo with regard to Omicron. Kapag kinakailangan natin i-red list based on our current parameters ay iri-red list natin agad based sa incidence, based sa growth rate ng virus whether Omicron man iyan or hindi. Depende sa incidence of growth rate ng anumang bansa, kapag kinakailangan natin i-red list, iri-red list natin.

Ang problema lang din po sa Omicron siyempre is iyong surveillance and detection. Ang Omicron, hindi ganoon kabilis, it’s not like as it mag-RT-PCR ka alam mo na agad na Omicron. Hindi po? So, worldwide, nagkakaroon ng mga genome sequencing na ginagawa for Omicron to detect. So, ang ginawa po ng IATF, kung ganoon ang situation natin, ang naging decision sige, kapag red list alam na natin ‘no, nandiyan na iyong ating quarantine and testing protocols.

So, what will we do with the non-red list, iyong green list at yellow list, halimbawa? Ang ginawa po natin, ‘sige common na lang sila 72 hours prior to flight kung green list or yellow list, kailangan may 72-hour RT-PCR before flight or before boarding. Pagkatapos pagdating po dito sa bansang Pilipinas, instead of 3 day for fully vaccinated ini-expand na po natin to 5 day. Sa ganoong paraan wherever/whatever country it is, kahit hindi pa naka-red list mas protektado po ang bansang Pilipinas kung magkaroon ng mas ganoon na stringent na mas mahaba na 5th day RT-PCR test, [garbled]. Laging may 72-hour prior to flight.

EMIL SUMANGIL: Opo. CabSec, huli na lamang ako, CabSec. Sinusubaybayan ho ng ating mga kababayan pati na ho namin ni Weng, iyon hong resulta nitong genome sequencing sa tatlong individual na pumasok po sa Pilipinas na nag-positive po sa COVID-19. May feedback po ba sa IATF, sa Malacañang, sa inyo diyan kung kailan po ilalabas ang resulta nito, Sir?

CABSEC NOGRALES: Ginagawa pa ngayon and so far wala pa kaming natatanggap na resulta from the UP Genome Center. Sorry, sorry, sa Philippine Genome Center. So we are, obviously, we are monitoring any developments diyan. Kapag nagkaroon po agad ng any findings from the Philippine Genome Center ay ia-announce po namin agad.

ROWENA SALVACION: Okay. Sec., ito napakahalagang tanong nito para sa mga manggagawa. Kasi, sinabi ng DOLE, hinihintay na lang daw iyong guidelines para ilabas iyong kailangan fully vaccinated ka para makabalik ka onsite na trabaho. Kung ayaw mo pang magpabakuna at ikaw ay manggagawa kailangan sumailalim ka sa RT-PCR test every two weeks tapos negative ang resulta at sagot mo ang gastos dito.

EMIL SUMANGIL: Naku, ang mahal noon!

ROWENA SALVACION: Tama. Baka daw aabot ng 60,000 every year ang gagastusin ng manggagawa kung hindi ka magpapabakuna. Ano po talaga ang policy ngayon ng gobyerno sa isyung ito? Ito po ba ay ilalarga ng pamahalaan? Pangalawa, may pondo po ba tayo at sasagutin, kayang sagutin iyong RT-PCR test ng mga manggagawang ayaw magpabakuna?

EMIL SUMANGIL: Ano ho ba ang polisiya dito, CabSec?

CABSEC NOGRALES: Iyong status quo natin at iyong current IATF resolution natin still stands no. Kagaya ng sinabi ninyo po, Weng, kailangan onsite. Kung onsite na required iyong empleyado tapos hindi siya vaccinated, then RT-PCR test. Kapag hindi naman available iyong RT-PCR, puwedeng mag-antigen.

But iyong testing will have to be done at least every two weeks habang onsite. So, wala pa pong pagbabago iyan and sagot po ng empleyado kung hindi siya vaccinated. So, iyon po iyong ating current guidelines, ‘di pa po nagbabago iyan at wala pa pong any directive otherwise. So, we will still follow that directive.

ROWENA SALVACION: All right, naku CabSec, maraming naghihintay doon sa sagot na iyon eh.

EMIL SUMANGIL: Oho, oho.

ROWENA SALVACION: Kasi, siyempre millions pa rin iyong ini-expect natin na number ng manggagawa na hindi pa bakunado at kung hindi nila kayang magpabakuna on their own, aba, malaki din po ang mawawala sa kanila.

EMIL SUMANGIL: Oo, sa totoo lang.

CABSEC NOGRALES: Ginagawa na po natin ang lahat para lahat ng empleyado na gustong magpabakuna ay mabakunahan no. Number one, iyong resolution natin na hindi ka ia-absent ng employer ninyo if that is vaccination day. Number 2, hindi naman i-implement ito na kailangan mong mag-RT-PCR or mag-Antigen testing kung partially vaccinated ka tapos iyong hindi pa schedule para sa second dose mo. So, lahat iyan. Then nagkakaroon tayo nga nitong Bayanihan Bakunahan na National Vaccination Days. Then magkakaroon pa tayo ng additional vaccination days.

Lahat po iyan ginagawa natin para ang lahat ng empleyado na kailangan magpabakuna ay makapagpabakuna na. Everything, nakalatag na po iyan para po lahat ng empleyado ay makapagpabakuna and the reason we’re doing that is for the protection and safety of the employee, the protection and safety of the employer, lahat ng coworkers at lahat ng customers po ninyo. Lahat po iyan ginagawa natin for public health and safety purposes.

ROWENA SALVACION: All right. Sir, maraming salamat sa oras at sa napakatiyaga ninyong pagpapaliwanag. Sabi po ng mga texter dito, “Ganiyan ang magaling na spokesperson, klarong magpaliwanag.” Napakamahinahon mo raw po. Sir, thank you.

CABSEC NOGRALES: Thank you Weng at salamat sa ating mag kababayan. Sana patuloy pa rin po iyong support ninyo for the Bayanihan, Bakunahan. Sa lahat ng vaccination effort natin and of course sa panahon ng December, Pasko – mask, hugas, iwas, bakuna. Importante po iyon.

ROWENA SALVACION: Iyon. Sir, palagi ka pong mag-iingat. Thank you so much.

CABSEC NOGRALES: Thank you Emil, Weng. Maraming salamat. Merry Christmas po.

ROWENA SALVACION: Thank you, Merry Christmas.

Mga kapuso, si Cabinet Secretary at siyempre acting Presidential Spokesperson Karlo Alexie Nograles. Iyon ay si CabSec.

###


News and Information Bureau-Data Processing Center