URI: Secretary Sal Panelo, magandang umaga po sa inyo.
SEC. PANELO: Magandang umaga, Henry.
URI: Yes, sir. Unang-una, ano po ang—una’t higit sa lahat na question ko, ano ang gusto ninyong sabihin ngayon sa sambayanan matapos kayong absuweltuhin ng Pangulo? Sa sambayanang Pilipino na siguro ninyo i-address, Secretary Sal.
SEC. PANELO: Well, nagpasalamat po ako kay Pangulong Duterte for expressing his confidence in me. From the very beginning, I had no doubt that susuportahan niya ako sapagkat simply because kung ano ‘yung kagustuhan niya ay mula’t sapul iyon ang aking ginawang aksiyon sa lahat ng aking pagiging opisyal sa gobyerno. Madaling sabi, iyong sinasabi ni President na kaming lahat sa gobyerno ay mga ordinaryong trabahante lang o trabahador o workers, at kailangan tulungan ang lahat na klaseng tao; wala tayong pipiliin, lahat ng humingi ng tulong, tulungan natin.
URI: Okay. Dahil kayo ay Chief Presidential Legal Counsel, more on legal advice ang inilalapit sa inyo marahil noong ating mga kababayan diyan sa inyong opisina, ano ho.
SEC. PANELO: Hindi rin. Hindi rin, Henry hindi rin eh. Ang nilalapit sa atin, lahat na uri ng pangangailangan, lahat ng tulong, lahat ng reklamo… lahat ng klase, pati problema nila sa pamilya nila. Kasi ang feeling nga nila, si Presidente Duterte ang isang uri ng taong madaling malapitan at tutulungan ka na kahit na anong uri ng problema mo.
URI: Itinutulay lamang sa inyo.
SEC. PANELO: Correct, tinutulay. At ako naman, bilang trabahante ng pamahalaan eh nire-refer ko sa lahat ng mga appropriate agency o opisina na makakatugon sa kanilang pangangailangan o reklamo.
URI: Although mayroon namang Presidential Action Center, pero bakit iyong iba ay mas pinipili nilang ilapit sa mga kagaya ninyong Cabinet Secretary?
SEC. PANELO: Hindi… Eh unang-una iyong Presidential Action Center hindi ba ako nag-a-anchor din doon at saka iyong 8888.
URI: Ah ‘yun pala siguro, kaya mas maano kayo ngayon… mas kumbaga, mas prone kayo sa hinaing ng ating mga kababayan dahil doon na rin siguro sa 8888, Secretary Sal.
SEC. PANELO: Oo, kasi nga ako nagho-host noon ‘di ba? Three years ago na akong nagho-host noon, at saka siyempre dahil Tagapagsalita at the same time ng Pangulo, siyempre alam nila na malapit sa Pangulo in terms of opisina – hindi in terms of personal.
URI: Oo. Pero mayroon ba kayong gagawing medyo paghihigpit, pagsasala, siguro sabihin na natin na medyo baka manibago iyong ating mga kababayan, eh may pagbabagong mangyayari doon sa mga taong gustong lumapit at magtungo diyan sa inyong opisina.
SEC. PANELO: Ah, hindi. Kailangan kung sino ang—iyon nga ang gusto ni Presidente, na buksan ang Malacañang sa lahat. Wala tayong pipiliin, lalong-lalo na doon sa mga hikahos ‘di ba? Kaya nga noong inaano ako ni Senador Hontiveros, sinabi ko, “kahit na siya, pamilya niya, basta lumapit.” Gaya ng sinabi ko doon sa press briefing, iyong ginawa kong pag-refer kay Mayor Sanchez doon sa appropriate agency, iyon din ang gagawin ko sa pamilya ng Sarmenta kung humingi rin ng tulong sa akin, kinokontra niya ang release, ire-refer ko rin siya. Pare-pareho lang iyon eh.
Saka alam mo, ang gusto kong sabihin nga pala Henry… parang iyon kasing iba na kagaya nila Drilon, nila Lacson, parang hindi nila maintindihan na noong ini-refer ko ay binitawan ko na nga ang pakikialam sa kaso. Kasi sinabi nila, “Ba’t hindi ka nag-inhibit?” Iyon na nga ang tinatawag na inhibition, the very fact of referral takes away. Tinanggal mo nga sa opisina mo iyong kaso o iyong request na hinihingi sa iyo at binigay mo doon sa dapat magbigay, hindi iyong opisina.
URI: Oo. Kasi parang iyong binabanggit din naman ho noong ilang mga senador, parang dahil nga sa kayo ay opisyales na ng gobyerno ngayon, may konting… ano bang tawag doon, lapse in judgment on your part?
SEC. PANELO: Ah, hindi totoo iyon. Gaya nga ng sinasabi ni Presidente, eh trabaho talaga iyong i-refer mo kung sino ang dapat na tumugon sa pangangailangan mo. Kasi kapag hindi mo inaksiyunan iyon, even under the anti-graft law eh puwede kang i-prosecute dahil hindi mo ginagawa iyong trabaho mo.
URI: Dereliction of duty?
SEC. PANELO: Eh hindi lamang iyon, kasi under Section 3, Letter F ng Anti-Graft, it is prohibited for any public official to fail or refuse to respond to a demand or a request within a reasonable time without sufficient justification to respond. Kaya nga hindi ba may executive order si Presidente, ke tanggihan mo ‘yan o i-grant mo ‘yan, huwag mong patagalin ‘yan, sagutin mo ‘yan.
URI: Baka isipin tinutulugan at dahil tinutulugan, nanghihingi ng lagay.
SEC. PANELO: Correct, nanghihingi ng lagay; kaya, kailangan i-ano mo nga immediately eh.
URI: Teka muna, papaano iyong sinasabi mo, kahit mga mahihirap puwedeng lumapit sa iyo. Baka mamaya dagsain ka naman ng mga gustong humingi ng tulong doon sa opisina, puwede ba iyon?
SEC. PANELO: Hindi lang dagsain, dati nang dumadagsa [laughs].
URI: O, eh papaano ngayon? May binabanggit ka kahapon sa briefing natin na iyong PSG kinakailangang mapaalalahanan din.
SEC. PANELO: Hindi… Ang sinasabi natin iyong—kasi gaya noong Sanchez Family, hindi ko alam na—bigla paglabas ko sa briefing room, nandoon.
URI: So, talagang hindi sila nakipag-appoint sa iyo?
SEC. PANELO: Hindi, walang appoint—papaano makikipag-appoint iyon? Paglabas ko sa briefing room, nandoon iyong mag-ina sa pasilyo. O, pagkatapos iyong pangalawang punta nila, eh hindi ko rin alam, nandiyan na sila. Tapos iyong sinasabing pangatlo, three minutes lang pala, wala naman daw ako doon. O kaya… eh sabi ko nga, aba’y paimbestigahan mo nga sa PSG bakit nakakapasok.
Ako naman, ang experience ko kasi diyan sa mga security guard, sa lahat ng mga security guard, mayroong istrikto, may suplado, may maawain at may madaling makausap – iyon naman ang nakikita ko.
URI: Nagkausap na ba kayo ng PSG Commander?
SEC. PANELO: Ah hindi, pinaubaya ko na iyon sa staff [overlapping voices], tanungin na lang nila kung bakit.
URI: Sige, alright. So at least ngayon malinaw na, na hindi kayo maghihigpit. Puwede pa silang lumapit at lahat ng taong hihingi ng tulong sa inyo ay hindi ninyo tatanggihan at ire-refer ninyo, iyon ang tamang termino.
SEC. PANELO: Sa mga kinauukulan kasi, iyon ang gusto ni Presidente. Gaya nga pala noong ano… dahil iyong bago na namang Ampatuan, parang gusto na naman nilang palakihin iyong Ampatuan. Iyong Ampatuan na lumapit ay ni-refer sa akin iyon ng Office of the President, galing doon, doon humingi ng tulong, ni-refer sa akin at ako naman nag-advice; kasi kung ang problema niya eh tungkol sa isang Ampatuan na hindi sumuko, eh ‘di kako ‘di isuko ninyo – ganoon lang kasimple iyon. Eh magta-trial kayo.
URI: So linawin natin, galing sa Office of the President dahil—bakit sa inyo ini-refer?
SEC. PANELO: Ah hindi, ganoon talaga. Iyon nga eh, kasi nga legal iyong kaso eh.
URI: Ah, legal…
SEC. PANELO: Legal eh, kaya ni-refer sa akin.
URI: Oho, alright, sige. Baka isipin nila, bakit hindi sa Department of Justice, bakit sa Chief Presidential Legal Counsel?
SEC. PANELO: Eh puwede ka naman lumapit kahit kanino. In fact, you can approach any member of the Cabinet and that member of the Cabinet will refer you to a particular person na puwedeng magbigay ng grant sa iyong request.
URI: Oho. O ‘ayan may nag-text na rito, ‘puwede daw bang lumapit pambili ng gamot…’ Naku, nalintikan na.
SEC. PANELO: Hindi, talagang—Henry, ganiyang klase ang mga dumarating sa aking sulat, nanghihingi ng pambili ng gamot, pang-ospital; umuutang pa nga, kung puwede raw umutang. Nire-refer ko naman iyon sa GSIS, sa SSS. Kailangan ng abogado, nire-refer ko sa PAO, nire-refer ko sa IBP, ganoon, lahat ng klase… Pati away niyang mag-asawa, kung anong gagawin niya sa asawang ganito…
URI: Pati pamasahe daw, puwede ba? [laughs] Nalintikan na…
SEC. PANELO: Pati iyan. Henry hindi ako nagbibiro, pati ‘yan. Inire-refer ko naman sa Office of the Special Assistant to the President.
URI: Alright. Secretary Sal, salamat nang marami sa inyo. Salamat Secretary Sal. Thank you, good morning.
SEC. PANELO: Thank you.
###
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau)