URI: Secretary, magandang umaga sa inyo.
SEC. PANELO: Hina ng boses mo, Henry.
URI: Secretary, kumpirmahin lang namin, ang Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw na ito ay magtutungo po sa Central Luzon. Saan-saang mga area ito, Secretary?
SEC. PANELO: Northern Luzon, sa Isabela at saka sa—from there hindi ko na alam kung pupunta, basta pupuntahan niya iyong typhoon ravaged areas.
URI: At ang Pangulo ba ay kailan naman dadalaw sa puntod ng kaniyang mga mahal sa buhay?
SEC. PANELO: Hindi ko alam kung nakadalaw na siya o papunta pa lang, pero most likely after na iyong trabaho niya.
URI: Secretary, ang Pangulo ay naglabas po ng isang Executive Order na iyon pong kapangyarihan ng Office of the Secretary to the Cabinet ay kaniya pong binabawasan. Nasa ilalim dati po ng kapangyarihan ni Secretary Evasco ang HUDCC kung saan naroon ang PAGIBIG, ang NHA at ang iba pang attached agencies. Anu-anong mga ahensiya maliban doon ang nawala sa kapangyarihan ngayon ng Cabinet Secretary?
SEC. PANELO: Actually, Henry, hindi ko po nakikita iyong Executive Order na binabanggit mo.
URI: Sige po.
SEC. PANELO: I’ve not seen that.
URI: Alright. And then siguro gusto rin naming mahingi ang inyong reaksiyon – although nag-issue naman kayo ng statement pero boses ninyo ang gusto namin mismong marinig. Maraming umaangal sa 25 pesos na fare increase. Ito ba hong fare increase na ito ay dumaan sa konsultasyon sa Pangulo?
SEC. PANELO: Alam mo mayroon kasing mga wage boards na tinatawag. So sila ang nagde-determine dapat ng like how much, binabalanse nila iyong pangangailangan ng both parties. So sa ngayon, iyon ang lumalabas na findings nila. Eh depende naman iyan, kung maganda ang sitwasyon siguro iyong hinihingi nila ibibigay kung hindi kalahati, one-fourth noong hinihingi nila.
URI: Pero dahil sa sitwasyong pang-ekonomiya ngayon. Sa tingin ninyo, Secretary, iyong 25 pesos that would be enough o kulang naman?
SEC. PANELO: Iyon ang findings nila eh, alam mo kasi—ang problema mo diyan kapag tinaasan mo ang mga suweldo baka naman bumagsak din iyong mga company na iyon, sila naman ang mawawalan ng trabaho ‘di ba?
URI: Kung sa bagay.
SEC. PANELO: Babalansehin na lang, iyon na lang…
URI: Alright. And then, itong isyu sa Customs, although may paglilinaw na si incoming BOC—in fact, siya na po iyong BOC Commissioner, si General Guerrero, ang sabi niya hindi naman po magkakaroon ng militarization. In between meetings at iyong kumbaga eh maaring sabihin nating off the record pero baka po puwedeng malaman din kaunti ng publiko. Ano ba talaga iyong final instruction ng Pangulo kay General Guerrero?
SEC. PANELO: Ang narinig kong sinabi ng Presidente kay BOC Commissioner, gawin niya ang lahat ng magagawa niya; and siya naman known for his strictness, iyong reputasyon niya honest. So sabi niya, gawin mo ang lahat para mag-retire ka diyan ng walang bahid iyong record sa military.
URI: Mayroon bang set expectations ang Pangulo kay General Guerrero?
SEC. PANELO: Well, every time ka naman nag-a-appoint ng isang tao sa isang lugar at saka ang kanya naniniwala ka sa kakayanan niya. Siyempre nag-e-expect ka na it will reach your standard.
URI: Ano iyong standards? Sa inyong pagkakakilala sa Pangulo, ano iyong standard na gusto niyang mangyari specifically dito sa Bureau of Customs?
SEC. PANELO: Eh ‘di no corruption, iyon naman ever since si Presidente ganoon ‘di ba. Basta iyong kaniyang dating patakaran na walang palakasan. So dapat sundin mo lahat ng patakaran sa batas, sa reklamento tapos iyong koleksiyon mo, iyong target mo makuha mo dahil iyon ang kaniyang ine-expect kay BOC Commissioner Guerrero.
URI: Sa tingin ba ng Pangulo ito na ang huling baraha niya sa Bureau of Customs na talagang malilinis na ang sistema at kabulukan diyan na sinasabi diyan sa BOC?
SEC. PANELO: Hopefully, iyan ang kaniyang inaasahan. But assuming na hindi mo marating iyong inaasahan mo, eh ‘di maghahanap naman siya ng ibang option. Pero sa ngayon sa tingin ko mukhang okay ang hinaharap natin sa BOC.
URI: Alright. Sec., paalala lang ulit doon sa mga negosyante na ang negosyo ay dumadaan sa mga Adwana, sa ating mga pantalan at pier, ano ang paalaala ninyo sapagka’t iyan na nga ang sinasabi nila baka mabalam at maabala at maapektuhan masyado iyong kanilang mga importation business?
SEC. PANELO: Hindi naman, continuous naman ang serbisyo eh. Ang paalala lang natin, kung ano iyong batas sundin na lang natin. Huwag kayong magtangka na magsuhol dahil siguradong sa kulungan ang inyong dating.
URI: Talagang ano ito, mahigpit na ang magiging monitoring ng Pangulo ngayon—kumbaga magiging hands-on na ba siya sa monitoring sa BOC ngayon?
SEC. PANELO: Pinapabayaan niya nga si BOC Commissioner Guerrero na dumiskarte ng kaniyang kilos. Eh kayang kaya ni Jagger Guerrero iyon, mahusay iyon.
URI: Alright. Okay, Secretary, maraming salamat. Kayo ay kasama ng Pangulo ngayon sa kuwan?
SEC. PANELO: Pupunta kami doon, mga ilang Cabinet members na kailangang naroroon din.
URI: Sinu-sino ho ang mga kasama ninyo doon, if you may?
SEC. PANELO: Si Labor Secretary Bello, si Secretary Villar nandoon na din, marami, marami rin, siguro mga labing dalawang Cabinet members.
URI: Iyon, magkakaroon kayo ng briefing for sure with the President sa area na iyan ano ho.
SEC. PANELO: Yeah. Hopefully this afternoon, early afternoon.
URI: Secretary, maraming salamat. Ingat po kayo. Teka kayo ba ay nakadalaw na? May dadalawin ba kayong mahal sa buhay din?
SEC. PANELO: Mayroon pero wala eh may trabaho muna.
URI: Sa Bicol yata, ‘di ba Bicol ang inyong probinsiya?
SEC. PANELO: Iyong patay medyo makakapaghintay iyon dahil namamahinga na sila, pero iyong buhay kailangang puntahan muna natin.
URI: O sige. Salamat, Secretary—
SEC. PANELO: Wala ka kahapon ha, wala ka sa news briefing.
URI: Eh alam ninyo marami rin tayong kuwan—but anyway, salamat, Secretary. Thank you so much.
SEC. PANELO: Kasi nagro-roll call ako, wala ka eh.
URI: Salamat, salamat, Secretary. Thank you, thank you.
SEC. PANELO: Thank you, Henry.
###