DAZA: So, kausapin na po natin si Sec. Panelo para mabigyan niya tayo ng liwanag kung ano po talaga nangyari doon sa paghuli po kay Maria Ressa. Magandang hapon Sec. Sal and belated Happy Valentine’s Day to you.
SEC. PANELO: Happy Valentine’s…
DAZA: Balita ko nanood ka ng Sergio Mendes…
SEC. PANELO: Oo nga, kasama si Presidente saka iyong mga ibang Cabinet nandoon.
DAZA: Ah okay. So from the Bulacan PDP rally sa Bulacan, nagtungo kayo doon sa Sergio Mendes concert?
SEC. PANELO: Si Presidente nag address sa campaign kaya late na siya, mga halos 20-30 minutes na lang siya nakasunod.
DAZA: Ah, okay. Anyway Sec. Sal, marami po kasing mga katanungan dito ‘no, iyong mga nangyari po noong—bale noong Tuesday ‘no, iyong paghuli po kay Maria Ressa tapos she spent the night in—sa NBI, tapos kahapon lang siya nakalaya. Ang first question ko po talaga, dineny (deny) na po ng Presidente ‘no na kilala niya si—iyong businessman po na si Keng, at sabi nga niya walang kinalaman ang Malacañang sa pag-aresto po kay Maria Ressa. Ang tanong ko po, ini-insist po ni Maria Ressa na—na sa palagay niya talaga panggigipit ito po ng gobyerno dahil unang-una, binasura na ng NBI dati iyong kaso tungkol sa cyber-libel pero inungkat ulit, ano po ang masasabi ninyo po dito?
SEC. PANELO: Ganito iyon ha… I think Maria just want a full media play for her dramas. You know, isa-isahin na natin kung bakit masyadong nagdadrama itong kaibigan kong si Maria. First, ang nagdemanda sa kaniya isang pribadong mamamayan na hindi kakila-kilala ni Presidente, not even acquainted. He doesn’t even know the facts of the case – that’s one, so walang kinalaman ang pamahalaan diyan.
Now, bakit ba dinemanda siya ng… noong kung sino man siya? Eh sang-ayon sa nababasa ko sa report, kasi ni-libel siya, okay? So nagdemanda. Now ang complaint ni Maria, ang unang-una, na-dismiss na raw iyon ng NBI. Alam mo ganito ang regla [reglamento] sa NBI, mag-file ka sa NBI ng kaso ‘ika nila and they will decide whether to file it or not, okay? Depende sa mga binigay mong ebidensiya sa kanila.
Eh kung ang tingin nila initially puwede, file na kaagad nila. Kung initially hindi… sa tingin nila hindi pupuwede, eh hindi muna nila ipa-file, ang iba idi-dismiss nila. Sa tingin ko ang nangyari diyan, hindi totoo iyang na-dismiss tapos nag-assume ng jurisdiction ang DOJ – DOJ will not motu proprio or on its own, will assume jurisdiction. Sa tingin ko ang nangyari diyan, noong hindi finile (file) ng NBI, baka nag-rekonsiderasyon iyong complainant; now, well nagdagdag ng ebidensiya niya – kaya ang nag-file pa rin iyong NBI sa DOJ. Sa madaling sabi – hindi naman NBI ang final authority niyan eh, ang DOJ – so, okay.
So sabi ni Maria, there was no rule of law – eh mayroon ngang rule of law kaya ka nga nakademanda eh. Ang rule of law means, ‘pag nag-file, they will be given the right to preliminary investigation. Nagkaroon ng preliminary investigation; ang trabaho ng fiscal eh tingnan kung mayroong probable cause. Ano bang ibig sabihin ng probable cause – maaaring ginawa mo iyong krimen na idinedemanda sa’yo, baka… iyon ang probable cause eh – so sabi ng prosecutor, “Ah baka nga,” kaya finile (file) nila, okay?
Now under the Constitution, sa Saligang Batas natin eh tungkulin ng isang hukom na personal na pag-aralan iyong mga binigay sa kaniyang ebidensiya at alamin niya kung mayroon ngang probable cause. Eh mayroon, so ang ginawa niya nag-issue siya ng warrant of arrest – kaya mayroong rule of law na naman, okay, so binigyan siya ng pagkakataon.
Now under the law, she is entitled to bail as a matter of rights. Iyong demanda sa kaniya ang pagkakaalam ko, last week pa i-finile (filed), okay. So madaling sabi, kung iyong mga abogado niya masinop gaya ng pagkamasinop ko noong ako’y abogado pa, alam ko na idedemanda ang kliyente ko, nakaabang na ako sa hukuman o staff ko at inaabangan ko na iyong pag-file ng information at file kaagad ako, isusugod ko kaagad ang kliyente ko.
Kasi sinasabi ng abogado niya, “Eh hindi naman alam ni Maria kasi hindi naman siya…” Eh kaya nga, kaya ka nga abogado niya, eh dapat inabangan mo. So one week earlier pa iyon, tapos ni-release iyong warrant, kailan ba ni-release? Ni-release noong isang araw; ngayon is Biyernes ‘di ba? Ni-release Miyerkules, alam mo ang nakalagay sa warrant, kailangan i-execute mo immediately iyon. Sa madaling sabi, hindi namimili ng oras iyon – ang pinagbabawal lang, huwag mong i-serve iyan nang Biyernes ng hapon, sapagkat Sabado, sarado – although mayroon namang night court ‘no. Okay.
So noong sinerve (serve) sa kaniya, puwede siyang mag-bail, weekday eh. Pero sabi niya, “Ala singko ng hapon dapat umaga ninyo na isinerve sa akin.” Ah, ibig sabihin gusto mo ng special treatment, ayaw mong maisama doon sa lahat ng mga taong may warrant of arrest na hindi namimili kung kailan sila aarestuhin – kasi iyon ang sabi ng hukuman, arestuhin mo kaagad ‘yan, iyon ang sinasabi niya. Gusto niya ng special treatment, she didn’t get that kaya nagrereklamo siya.
So noong dinala siya, puwede siyang mag-file, anong ginawa nila, may night court eh? Nagpunta sila sa night court, eh alam mo ba nangyari doon? Ang sabi noong mga nandoon sa loob ng hukuman, eh papaano—kasi sabi niya, “Imagine hindi ako binigyan ng bail?” So me as a lawyer magre-react ako, ba’t hindi nila binibigyan ng bail ‘yan? So tinanong ko siya on air sa isang istasyon, “Ba’t hindi ka binigyan?” Eh sabi niya, “Eh kasi, wala daw information sheet.” “Oh…” sabi ko, “Eh bakit wala kayong dala, trabaho ng abogado mo iyon na magdala mo iyon na magdala?”
Alam mo kung bakit? Kasi iyong court na finile-an (file) nila ng bail eh MTC, hindi naman iyon kung saan siya dinemanda. Sa madaling sabi, hindi alam ng Metropolitan Trial Court kung anong demanda iyon, kailangan malaman niya siyempre iyong dokumento, ano bang demanda ‘to, ilan bang bail na set sa iyo – hindi nila alam iyon.
So ngayon, assuming sakaling mayroon at sinasabi niya na wala daw nakalagay na recommended bail. Alam mo kahit na walang recommended bail doon, the lawyer can argue to the court, ‘excuse me you honor, you need to set the bail, ikaw naman ang nagse-set niyan.’ Pero kung ang nangyari talaga wala siyang dokumento, eh paano naman siya iga-grant ng bail, anong magiging basis ng hukuman? Tapos sinisisi niya na inefficiency or incompetent ang mga abogado niya. So why sinisisi niya ang gobyerno, oh hindi ba?
DAZA: Oo—hindi, kasi itong katanungan ko Sec. Sal, just point-by-point ‘no, minention ninyo nga iyong sinabi ninyo muna na dapat iyong finile (file) na—noong binasura na dapat, sabi ni Secretary Menardo Guevarra earlier, ‘Ressa’s camp could have anticipated and preempted her arrest by posting the bail bond after her indictment about two weeks ago’, ‘di ba ito iyong—
SEC. PANELO: Certainly! Akala ko nga one week ago, eh two weeks ago pa pala…
DAZA: Pero ang sabi ni Atty. Disini, iyong abogado po ni Maria Ressa: “The Justice Chief was mistaken because the information was filed in court only on February 6.”
SEC. PANELO: Okay. ‘Di last week pa iyon… two weeks ago na nga.
DAZA: Tapos ito nga: “They could have known that the case was filed because the Department of Justice doesn’t notify the accused when the information is filed in court, there is no process for that,” sabi niya.
SEC. PANELO: O hindi nga ba’t sinasabi ko na nga kanina Pat, kung ikaw ay masinop na abogado, alam mong nakademanda ang kliyente mo, alam mong nagkaroon ng PI, alam mo na maraming interesado sa kasong iyan – dapat siya ang unang-unang nagpa-follow up… “O mayroon na ba, mayroon na bang finile?” Dapat ganoon, hindi siya masinop. Tapos they blame, kaya iyong inexperience nila bini-blame nila sa gobyerno na ginagawa lang naman ang trabaho nila.
DAZA: Kasi ito pa eh, hindi pa tapos eh. Sabi nga niya, sabi ni Atty. Disini: “The judge handling the case was not in her court on February 7 and 8. So the first opportunity for the judge to look at the matter was February 12, the same day the arrest warrant was issued; and the NBI had the full day of February 13 to serve it to Ressa but chose to do it after office hours.”
SEC. PANELO: O tingnan mo ‘yan… mali yang aksiyon mo eh. Iyang abogadong ‘yan, talagang inexperience pa eh, sinasabi niya wala iyong judge, o eh ‘di nagpunta ka sa ibang court, ang daming court. Nakalagay sa Rules of Court, ‘pag hindi pupuwede ‘yan punta ka sa ibang court. Eh bakit hind ka nagpunta sa ibang court na mayroong judge? Okay…
DAZA: So you’re saying na this could have been solved right there and then—
SEC. PANELO: Of course!
DAZA: Hindi kinailangan na si Maria Ressa mag—she didn’t have to spend the night sa NBI. She could have posted bail right away?
SEC. PANELO: Yes… noon pa, noong nalaman nila na mayroon na palang information. Eh ang problema, eh siguro walang… wala kasing media doon. O siguro… ako lang ha, nag-i-speculate din ako, baka naman gusto talaga nilang ma-cover kaya nagpaaresto na lang siya. And she’s using it to the fullest ha, to the hilt, my goodness! Now, why is she’s saying na, “Oh, that’s an assault of freedom of expression and it’s sending chilling effects.”
Excuse me, look at you… from the time you were arrested, you were smiling and you’re attacking the government; hanggang makarating doon sa NBI enjoy na enjoy ka, binabanatan mo nga… You’re the walking example of freedom of expression in this country. Rappler still continue publishing their articles, so anong nasira? Wala, enjoy na enjoy pa nga sila eh…
DAZA: Hindi, kasi Sec. Panelo siyempre hindi matatanggal sa isipan ng karamihan ‘no na may hand dito ang Malacañang or si President Duterte dahil talagang the President is very vocal ‘no, no love lost between him and Rappler. In fact hanggang ngayon ‘ata ‘no, hindi pa rin pinapayagan ang Rappler reporter, si Pia na pumasok sa Malacañang. Is she already allowed or hanggang ngayon hindi pa rin siya pinapayagan?
SEC. PANELO: Alam mo sinagot ko na ‘yan… si Pia kahit na wala sa Malacañang has been sending questions. Kanina nga sa news briefing ko nagpadala na naman, sinasagot ko naman – wala namang kaibahan eh, nothing has changed…
DAZA: Oo, except the physical…
SEC. PANELO: Oo, physical lang eh. Napapanood niya naman sa TV kung may event ‘di ba… [overlapping voices]… madaling sabi, walang kinalaman ang freedom of expression. Si Presidente – ikaw ang saksing buhay – na inalipusta, siniraan ng maraming kalaban sa pulitika… kahit na hindi kalaban sa pulitika sinisiraan siya. Pero not a single complaint he filed against anyone of them. Eh abogado siya, iyon ang training niya… eh rights nila iyan, ‘di bumanat sila kung gusto nila.
DAZA: Pero ano, Sec. Panelo hindi ba kayo—you personally being the Spokesperson, hindi ka ba natatakot na dahil dito sa nangyari, whether it’s played up, whether she’s playing it to the hilt or she feels she’s really a victim of press suppression, hindi mo ba kailangan palitan iyong imahe ng Pilipinas na ang mga journalists katulad ni Maria Ressa na talagang kilala ‘no, may credentials, she’s really a veteran, 30 years experience… na nakakatakot, na marami ang natatakot na hindi na nila puwedeng i-express ang kanilang saloobin – especially in the international—
SEC. PANELO: Eh ang tanong ko naman sa’yo, iyong imahen na sinasabi mo sa labas, saan ba galing iyon? Dito rin sa atin. In other words, naniniwala sila doon sa pinalalabas sa mga diyaryo natin, gaya ng Rappler… na ganito ang nangyayari dito kahit hindi totoo. Oh… sila rin ang lumilikha ng imahen eh.
Like for instance, sa CNN, Amanpour ba iyon… Alam ninyo ba kung anong nangyari? Alam ninyo ba na idinemanda ‘yan, nagkaroon ng PI ‘yan, tiningnan ng judge iyan, alam niyo ba iyong ginawa noong mga abogado na mali – hindi! Basta sinabi lang, naniwala sila kaagad kay Maria o kaya naman… ‘ayun nag-su[orta naman, eh unworthy and misplaced iyong cause naman ni Maria.
O, kaya that’s precisely why I find the opportunity also to refute the charges… binibigay ko like BBC, gusto akong tanungin… o ‘di explain ko sa kanila na ito nangyari diyan. Kaya ang advice ko sa kaniya eh kumuha siya ng competent lawyer para matulungan siya, hindi iyong sinisisi niya iyong inexperienced ng mga abogado niya sa gobyerno, anong kinalaman ng gobyerno? The President will never be interested in these kind of cases.
DAZA: Oo. Given that, pero talagang—kasi ano rin eh, cyber-libel – this is the first time. In fact, I don’t know kung may nanalo sa li—iyong simple lang na libel case ‘di ba, parang mahirap pa ngang panalu—wala pang nananalo. Si Chito Beltran—was it Chito Beltran? Ah, Louie Beltran, si Louie Beltran lang yata ‘di ba, ang na—iyong kay President Cory Aquino. So—
SEC. PANELO: In fact Pat, iyong mga… sa media at dahil ako ay media rin, ‘di ba sinasabi natin ‘to – ‘pag dinemanda ka ng libel, that’s a badge of honor – ibig sabihin magaling ka, eh kasi kilala ka, may nayayanig sa’yo. Pero lalo na, may libel suit, mas lalong maganda – lalo na kung panalo ka hindi ba? Kaya nga enjoy nga siya eh, smiling…
DAZA: So you’re not afraid that it is going to backfire sa Presidente?
SEC. PANELO: No… Sa kaniya magba-backfire kasi nga masyadong klaro iyong rule of law sinasabi niya. Sabi niya there is an abuse of power. Maria, you’re the one abusing your power as a journalist. You’re marshaling your colleagues to something which is unworthy dahil hindi naman totoo iyong mga sinasabi mong inaapi ka.
Tapos sinasabi niya there is a weaponization of law. Excuse me, you’re the one weaponizing or using the freedom of expression guaranteed by the Constitution and using it against the government; and then making it appear na inaapi ka. Eh continous nga iyong publication ninyo, hindi nga kayo pinapakialaman ng gobyerno, pinababayaan… Kumbaga, let them be…
DAZA: Okay. On a lighter note, Sec. Sal, sige huminahon na tayo kasi parang ano rin eh, kumukulo na iyong dugo ninyo [laughs], kailan po mapipirmahan po iyong rice tariffication law po? Would you know po?
SEC. PANELO: Hindi pa. Nag-text ako sa Office of the ES kung pirmado na, wala pa.
DAZA: Wala pa rin… Eh iyong pinirmahan ba ng Pangulo na iyong Social Security Act of 2018?
SEC. PANELO: Iyong sa maternity leave? Iyon ba iyong nire-refer mo, iyong maternity?
DAZA: Oo…
SEC. PANELO: Wala pa rin.
DAZA: Wala pa rin…
SEC. PANELO: In fact naghihintay nga ako ng text para mai-release ko.
DAZA: Ah… And then ako I’m curious Sec. Sal, may nilabas po si—may sinabi po si Pangulong Duterte na hindi na niya bibitbitin po si Senator Jinggoy po. Ano pong nangyari po doon?
SEC. PANELO: Ah, pinaliwanag niya naman. Ang sabi niya noong tinaas niya raw iyong kamay, noong in-endorse niya sa Legazpi, nandoon daw si Jinggoy. Eh alangan naman daw na hindi niya gawin iyon. Kumbaga you know, alam mo si Presidente kasi, he will not embarrass anybody; he cannot be rude to any person – man or woman – ano ‘yan eh, gentleman.
Pangalawa ang paliwanag niya, late na raw kasi itong sila Jinggoy na lumapit sa kanila – kumbaga mayroon nang nakalista. At pangatlo sa tingin ko lang ha, sa tingin ko… palagay ko iniisip ni Presidente hindi na sila kailangan i-endorse kasi kumbaga mga winnable ang mga taong ito… kasi dating senador, may mga name recall… may mga resources. Siguro iniisip ni Presidente hindi na kailangan. Aside from sabi niya, “Eh late nga sila eh dahil mayroon na akong listahan.”
DAZA: My last question: Anong comment po ninyo doon sa latest Pulse Survey po? So far ang pumapasok pa lang po si Bong Go; si Bato at saka si Secretary Francis Tolentino ay wala pa po doon sa magic 12. Do you think mag-i-improve, trending na ba ito? What’s your fearless forecast po? Sabagay may tatlong buwan pa, oo, may tatlong buwan pa para mangampanya.
SEC. PANELO: Alam mo, maraming beses na akong tinatanong [choppy signal] tungkol sa aking opinyon diyan. And palaging ang kasagutan ko, I will not respond to any question regarding the election kasi prohibited sa amin na magkampanya o endorse for or against any candidate. For any statement that I make, may be viewed as an endorsement for or against, of a candidate, so I will decline.
DAZA: How about Secretary Harry Roque? He has already dropped out of the race. Is he going to go back to Malacañang?
SEC. PANELO: Ah, ‘yan ang hindi ko alam. Wala akong personal na kaalaman diyan.
DAZA: Ah, okay. O ito, super last, ito may pahabol sila. Iyong rice tariffication law kasi, kung magla-lapse tomorrow, if he does not sign it, it will be—automatic na, ‘di ba it would be a law tomorrow?
SEC. PANELO: Yes… ‘pag nagla-lapse eh batas na.
DAZA: Oo, anong feeling mo? ibi-veto ba ni President? No clue? Hanggang anong oras ba siya magpipirma—
SEC. PANELO: Hindi, mayroon na akong binanggit. ‘Di ba remember, in one briefing… the day before the briefing, mineet (meet) niya iyong mga farmers at some groups yata were against, they want it vetoed. Pero sabi ni Presidente, I understand where are you coming from but ang magiging desisyon ko for the greater interest, for the greater good. O iyon, so that’s an inkling.
DAZA: Okay. O sige… Well maraming salamat po Sec. Sal and I hope you have a peaceful, restful weekend.
SEC. PANELO: Maraming salamat at napapansin ko ini-interview mo lang ako ‘pag wala si Peter…
DAZA: Naku! Oy on the contrary Sec. Sal ha, tinatawagan ka namin parati, lagi kang ano ha…
SEC. PANELO: [Laughs]…
DAZA: Hindi nagiging available. Sabi ko nga, parang may tampuhan yata si Sec. Sal at si Peter. Sabi ko kanina kay Charlie, sa EP ko, ‘pag sumagot si Sec. Sal proven na, may tampuhan sila ni Peter. Sumasagot lang siya ‘pag ako ang solo [laughs]. ‘Ayan o, tumatawag kami sa kaniya, he says yes pero hindi siya sumasagot [laughs]…
SEC. PANELO: Saan? Hindi mo nga ako tinawagan eh… Kahit binabanatan ako ni Peter, hindi ako nagtatampo diyan. Dati kong kliyente iyan eh.
DAZA: Ay hindi ka niya binabanatan, hindi naman siya ganoon… He’s not combating—
SEC. PANELO: Ang daming nagsusumbong sa akin [laughs] pinapabayaan ko lang. Sabi ko hayaan mo na siya, dati ko namang kliyente iyon. Saka pinanalo ko naman ang kaso niya [laughs]…
DAZA: Wow! O sige, ako next time, ‘pag ako magkakaso ikaw na lang lalapitan ko [laughs]. Huwag sana…
SEC. PANELO: Of course… kapag wala na ako sa gobyerno [laughs].
DAZA: Yes, oo. Maraming salamat po Sec. Sal and belated Happy Valentines.
SEC. PANELO: Salamat Pat, thank you.
DAZA: ‘Ayan po si Secretary Salvador Panelo, ang Presidential Spokesperson.
###
SOURCE: PCOO – NIB (News and Information Bureau)