PALMONES: Secretary, good morning.
SEC. ANDANAR: Good morning, Angelo; at good morning po sa lahat ng nakikinig sa atin dito po sa DZRH.
PALMONES: Sec., tuloy na pumasa na ba iyong budget ng PCOO?
SEC. ANDANAR: Sa Kongreso po ay ito ay ipinasa na kahapon, two minutes lang po ang inabot para ipasa iyong budget po ng PCOO. Kaya salamat po sa mga Congressman.
PALMONES: So, saan naka-defer ngayon?
SEC. ANDANAR: Ang budget ngayon ay sa Senado na. Doon po sa budget hearing kahapon ni Chairman Senator JV Ejercito ay doon po naka—hindi po natapos kasi ang hearing kahapon, kaya babalik pa po kami sa Nobyembre.
PALMONES: Ano iyon, pumasa sa Kongreso, dahil nagbitiw na si Asec. Mocha Uson, iyon lang iyong dahilan?
SEC. ANDANAR: Ay malamang po, kasi iyon lamang po ang isyu ng ilan sa mga congressman na nag-defer po ng budget.
PALMONES: May nagiging proposal ngayon na i-dissolve na lang daw natin ang PCOO at ibalik na lang iyong function sa Presidential Spokesman. Ano po ba ang kaibahan ang role ng Presidential Spokesman sa ginagawang function po ng Presidential Communication Operations Office?
SEC. ANDANAR: Iyong panukala po ni Senate President Tito Sotto, na ibalik po ito sa Office of the Press Secretary iyong PCOO ay panukala din po natin ito noong 2016, noong bago lang ho tayo sa gobyerno, kaso overtaken po tayo ng mga issues at mga pangyayari kaya hindi na po ito nangyari.
Ang pinagkaiba kasi nito, number one, is that maraming mga divisions, maraming mga functions na nawala po doon sa Office of the Press Secretary at isa na nga ho diyan iyong presence ng mga press attaché sa iba’t-ibang mga lugar sa mundo na mahalaga po na merong media representative ang gobyerno po natin.
At pangalawa, alam n’yo po noong 2010 – noong umupo po si Pangulong Benigno Aquino – ay iyong Office of the Press Secretary ay tsinap-chop po, nagkaroon ng isang sangay na ang tawag ay PCDSPO at nagkaroon din po ng PCOO. So ang gusto pong mangyari ng ating Senate President ay ibalik na po ito sa Office of the Press Secretary para isa na lang po iyong function.
Ngayon, meron po kasing dalawang school of thought; na isang school of thought diyan na nagsasabi na mahirap po talaga i-manage iyong government media ng isang Secretary na siya rin ang nagsasalita para sa ating mahal na Pangulo. So therefore noong 1989 ay nagkaroon din po ng isang Executive Order na pinirmahan po ni President Cory Aquino na naghiwalay at nagbuo ng isang Office of the Presidential Spokesperson.
So, mula nung time na iyon, noong 1989 nahiwalay po talaga iyong Office of the Press Secretary at hiwalay din po iyong Office of the Presidential Spokesperson. But you know, noong 2010 ay ito rin po iyong nangyari, kaya tatlo nga po iyong naging Secretary noong 2010 eh.
PALMONES: Sec, ang hirap noon ano, ang daming nagsasalita at ngayon nga hindi mo maintindihan, sino ang paniniwalaan mo dito sa isyu ng Red October. Pero wag na iyon ang pag-usapan natin. Dahil kami man nalilito na rin dito sa isyu sa Red October. So, ang sinasabi po natin, isa sa mga naging setback noon, nawala iyong mga press attaché natin sa ibang bansa.
SEC. ANDANAR: Opo, unti-unting nawala po iyong press attaché, kanya nga po every time na pumupunta po ako sa abroad at kausap ko iyong mga foreign mission, ambassador doon, eh talagang sila mismo, sa DFA kulang sa tao eh. So, sino iyong mag-aasikaso, halimbawa sa London, maraming mga press doon, maraming mga broadcasting companies doon, sino ang mag-aasikaso sa kanila, sino ang kakausap sa kanila. So, ang nangyayari ay undermanned iyong ating foreign mission.
Ganundin po sa Washington D.C, ganundin po at sa Middle East ganundin po. Sa Japan, sa Beijing, iyong mga mahalagang partners po ng Pilipinas. So, very important na meron talagang representative iyong Philippine government, iyong mangangasiwa pagdating sa mga media, saka merong communication.
PALMONES: Kasi ang hirap noon, kung ise-centralized natin dito sa Metro Manila. Eh sa dami na ng media na kailangan ninyong harapin, eh meron pang mga foreign correspondents na makikipag-usap, mahirap nga naman iyon.
SEC. ANDANAR: Mahirap po talaga, Angelo. Ang tawag dito ay media relations eh. Lahat naman ng mga malalaking organisasyon ay kailangan ng media relations. Ngayon, kung walang media relations ang gobyerno, may problema tayo.
Kaya panukala natin ito noong 2016 pa, eh kaso nagkakaproblema nga, dahil kulang sa budget, sabi ni Secretary Diokno. Pero ngayon siguro na si Senate Presidente Tito Sotto na mismo ang nagsabi na kailangan meron nito ay malaking tulong po iyan, malaking kumbaga, he carries a heavy weight pagdating sa mga public policies na kailangan nating i-adapt sa gobyerno.
PALMONES: Will it require additional funding o sapat na iyong current na pondo ngayon ng PCOO?
SEC. ANDANAR: Kailangan po ng additional funding iyan, Angelo. Kasi siyempre magpapadala ka ng press attaché doon, eh iyong kanyang living allowance doon, iyong kanyang suweldo; kung sa London siya, saka may pambayad doon sa kanyang maliit na opisina, although usually ina-accommodate iyan ng Department of Foreign Affairs, pero babayaran mo iyan per state, per square meter babayaran mo iyan, pati iyong kuryente.
PALMONES: Teka muna, Sec, ewan ko lang if you are privy to the information tungkol ho kay Undersecretary Joel Maglunsod. Ano ba talaga ang dahilan ba’t daw siya tinanggal sa Department of Labor?
SEC. ANDANAR: Nak u, hindi ako privy sa isyu sa loob ng Department of Labor, kaya hindi ko masasagot iyan, Angelo, sorry.
PALMONES: Sabi po ni General Parlade eh pati daw po ang DOJ napasok na ng mga leftist?
SEC. ANDANAR: Alam mo hindi ko alam kung ano iyong naging impormasyon po ni General Parlade diyan patungkol diyan sa isyu na iyan.
PALMONES: Baka naman puwede, Sec, para lang ma-appreciate natin iyong mga ganitong klaseng impormasyon, bago naman magsalita ito, baka puwedeng i-relay na lang muna sa… para ma-calibrate ho natin iyong impact ng mga sinasabi po nila. Kasi di ba, you will now doubt the institution kapag ganoon, di ba. Hindi ko maintindihan talaga. Ito bang si Parlade eh, destabilizer o ano?
SEC. ANDANAR: Meron tayong tinatawag na Cabinet Assistance eh, iyong sa CAS. At doon sa CAS na iyon ay lahat ng mga undersecretaries well represented po iyon, mula sa PCOO hanggang sa DND. Usually kung meron pong mga isyu na ganyan, pinag-uusapan po iyon doon. At meron din pong Spokesperson’s thread.
At dito po sa amin sa PCOO na lahat po ng departamento ay kumbaga nagbibigay po ng heads up kung ano ang problema. Kasi siyempre kung meron kang sasabihin at naapektuhan naman ang isang ahensiya ay hindi maganda iyan kung sinasabing about different agency dahil—
PALMONES: Precisely, oo. Iyon lang naman yung sentiment ko dito, Sec, dahil nga sa—well, ako ang tingin ko hindi makakabuti itong mga ganitong klase ho na mga impormasyon directly conveyed to the media. We appreciate the transparency ni General Parlade, kaya lang baka mamaya mas matindi ang backfire kaysa sa intent natin na mag-communicate ng isang—hindi ko lang alam kung ano ang rationale behind po. But, Sec, iyon lang iyon yung sentimyento natin. In the meantime, Sec. Thank you ha. Maraming salamat.
SEC. ANDANAR: Maraming salamat, Congressman Angelo at mabuhay po kayo sa DZRH. Thank you po. Good morning po.
###
SOURCE: PCOO – NIB (News and Information Bureau)