Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar by Angelo Palmones (DZRH – ACS Balita)


Event Radio Interview

PALMONES:  Secretary, good morning.

SEC. ANDANAR:  Good morning, Congressman. Good morning po sa lahat na nakikinig dito sa DZRH.

PALMONES:  Ano ang nangyari sa Cabinet meeting kagabi?

SEC. ANDANAR:  Iyong Cabinet meeting kagabi ay isa sa pinakamabilis at maagang natapos na Cabinet meeting. Mga 10:15 kami natapos, pero marami ding napag-usapan doon kagabi sa meeting. Pero siguro ang pinakamagandang nangyari ay nandoon ay si Secretary Harry Roque kagabi sa meeting; ito ay sa kabila nung leave of absence na mensahe na ipinasa po ng kanyang mga staff sa media kahapon ng umaga ay nandoon siya kagabi.

PALMONES:  So, ano iyon, is he on leave or ano ito, he is still working?

SEC. ANDANAR:  Wala kasi kaming natanggap na official leave of absence letter from Secretary Roque at iyon din naman ang sinabi sa akin ni Executive Secretary Bingbong Medialdea. Kanya siguro sa media lang iyong leave na iyon, pero sa Malacañang hindi.

PALMONES:  Okay. So a-attend pa rin siya doon sa ASEAN event.

SEC. ANDANAR:  I am not certain, pero mamayang umaga, mamaya meron siyang press briefing. Iyon naman ang sinabi sa akin ni Harry na magpe-press briefing siya mamaya.

PALMONES:  Ano iyan, will he be making any announcement?

SEC. ANDANAR:  Hindi ako nakakatiyak, Angelo. Kasi magkatabi kami ni Harry sa upuan, doon sa Cabinet eh. Sabi ko, Harry, ano bang—well, I think he still, you know, pondering and thinking about his candidacy for 2019.

PALMONES:  Oo, kasi nung Saturday daw nag-shoot eh, kaya nga kami nalilito eh.

SEC. ANDANAR:  Ah, nag-shoot ba siya noong Sabado?

PALMONES:  Nag-shoot daw noong Sabado.

SEC. ANDANAR:  Commercial?

PALMONES:  Oo.

SEC. ANDANAR:  Well, you know,  I can’t blame Harry also, kasi matagal na niyang pinaplano ito, alam ko noong reporter pa lang ako, anchor pa lang ako, sinasabi na niya iyon na may plano talagang tumakbo. So, kung iyon talaga ang pangarap niya sa buhay niya, di ba siyempre hindi naman ganoon kadaling maalis iyon.

PALMONES:  So, anong oras ang press briefing niya mamaya?

SEC. ANDANAR:  I understand 11 o’clock ang press briefing. Iyon ang pagkaintindi ko.

PALMONES:  Okay, abangan namin. Pero iyong inyong rekomendasyon na ibalik na sa OPS ang PCOO tuloy iyon?

SEC. ANDANAR:  Tuloy iyon, tuloy iyon, regardless. Basta iyon ay mangyayari at kausap ko si ES kagabi at sabi ko kalian natin ito ipapalabas, malapit nang mag-file iyong mga kandidato natin. So sabi niya malapit na raw, malapit na. Talagang pinaplantsa na lang nila at most likely kung hindi siya this week, malamang bago mag-17.

PALMONES:  Okay. Kayo daw ay napipisil na pumalit naman bilang Presidential Political Adviser ng Pangulo?

SEC. ANDANAR:  Iyon ang istorya that went through the grape vine. Pero alam mo naman, Congressman, mahirap namang mag-assume kung anong puwesto ang ibigay sa atin.

PALMONES:  Pero kinausap ka tungkol doon?

SEC. ANDANAR:  Ay hindi pa, kami ni Presidente?

PALMONES:  Oo.

SEC. ANDANAR: Aah nag-usap lang about possibility in the future, ako, si Secretary Bong Go at si Executive Secretary Bingbong, pati si CabSec Jun Evasco.

PALMONES:  Ano ang pasalubong sa iyo ni Presidente from Hong Kong?

SEC. ANDANAR:  Wala. Ang pasalubong niya ay clean bill of health, iyon lang.

PALMONES:  Daghang salamat, Secretary.

SEC. ANDANAR:  Daghang salamat.

###

SOURCE: PCOO – NIB (News and Information Bureau)

Resource