PALMONES: Sec, magandang umaga po sa inyo.
SEC. ANDANAR: Hello, Angelo good morning; at sa lahat ng nakikinig sa atin dito po sa DZRH magandang umaga.
PALMONES: Lalo na siguro iyong mga naintriga na. [laughs]
SEC. ANDANAR: Iyong mga na-intriga na [laughs] (dialect)
PALMONES: Bakit daw kinakailangan nating gawin ang Duterte Legacy campaign?
SEC. ANDANAR: Magandang tanong iyan, Angelo. In fact isa sa mga executive ng istasyon na pinanggalingan mo, Angelo, ang sabi sa akin eh, ‘buti naman at ginawa mo ito, dahil ito iyong isang bagay na hindi ginawa ng mga nakaraang administrasyon, iyong hindi nila itinatak iyong legasiya ng kanilang Pangulo’—
PALMONES: Kaya walang natandaan.
SEC. ANDANAR: Why are we doing this?
PALMONES: Kaya walang natandaan. [laughs]
SEC. ANDANAR: Well, basta ako naman ay mandate naman natin sa PCOO ang i-disseminate ang impormasyon na nanggagaling sa Ehekutibo at iyong mga accomplishments. Now, why are we doing this? Number one, naalala mo noong Dutertenomics 2016, noong ginagawa pa namin, puro pangako pa iyon, Angelo eh. Eh kung pangako nga eh inaanunsyo ko na, eh ano pa kaya kung na-deliver mo na, di ba. So, it’s very important for us to do this, because meron naman talagang dapat ipagmayabang, ipagbuhat ng bangko.
Now for example, itong Universal Healthcare. Doon mismo sa launching ng Duterte Legacy, meron na tayong naikuwento; o si DOH Secretary Duque, may naikuwento na mga success stories. Itong free tertiary tuition law, meron na kaagad naipagmayabang si Secretary Briones; at ang ating CHED meron na ring naipagmayabang.
Iyong ating anti-drugs campaign, maganda iyon na ipagmayabang; iyong ating Build, Build, Build. Iyong ating peace and order, napirmahan iyong Bangsamoro Organic Law na hindi naman napirmahan noong nakaraang administrasyon.
So, you know, people may have their opinion, their own opinion kung ito ba ay early or not too early or tama lang.
Ang mahalaga dito ay ating naipapaalam sa publiko na iyong mga nabanggit ni Presidente sa kanyang plataporma nung 2016 at iyong mga nababanggit niya pa sa mga SONA ay meron ng mga case studies na talagang andito na oh—
PALMONES: Delivered.
SEC. ANDANAR: Delivered, tama. Signed, sealed, delivered.
PALMONES: Sec, ang sabi nila baka wala nang sabihin sa SONA ang Pangulo come June.
SEC. ANDANAR: [laughs] Marami pa ho. In fact kaya nga itong Duterte Legacy, sabi nga ni Executive Secretary Bingbong Medialdea, ‘ito maganda ito ang problema mo lang, hindi mo puwedeng ipagkasya sa isang forum.’
Halimbawa, hindi naman lahat ng departamento nakapagsalita doon, ang nakapagsalita doon lamang ay DOH, DPWH, at nandoon din iyong ating DepEd or CHED. Hindi lahat, ibig sabihin meron pang DOTR hindi nakapagsalita at meron pang DTI. Kaya nga itong Duterte Legacy campaign, iyong launching ay magiging apat ito. Hindi lang isa. So meron tayo sa Cebu, sa Davao at Cagayan De Oro at iyong ibang mga departamento naman ang magsasalita. Magkakaroon tayo ng 81 caravans sa 81 probinsya.
PALMONES: Okay, pag sinabi nating legacy, ito iyong mga tatatak. Kung ikaw ang tatanungin, alin dito iyong pinagka-highlight?
SEC. ANDANAR: Number one, nandiyan iyong —kasi hindi ko masasabi na ito ang number one, number two, number three, pero marami. Isa diyan iyong ating free tuition; iyong pangalawa diyan iyong ating Universal Healthcare—
PALMONES: Free tuition including college ha, sa mga state universities ha.
SEC. ANDANAR: Opo, iyon po yun. Tapos number three, nandiyan po iyong ating Build, Build, Build. Number 4 iyong peace and order, pagpirma ng Bangsamoro Organic Law. Number 5, nandiyan iyong ating anti-criminality and anti-drugs campaign, kung saan kita naman natin na more than 70% ang naniniwala na talagang bumaba na iyong kanilang drug related crime sa kanilang mga lugar at iyong criminality ay bumaba, meaning iyong safety tumaas.
At one more, Angelo if you allow me, iyong pagbaba ng kahirapan o iyong poverty incidence mula 23% hanggang 16%, thereby lifting 5.9 million Filipinos out of poverty. Kahit na iyong ating mga kritiko nagsabi, ‘this is laudable.’ In fact, ang target ng gobyerno ay 14%, ngayon 16% na ang narating ng gobyernong Duterte at posibleng mahigitan pa iyong 14% na target.
PALMONES: Okay. At ito naman nilinaw naman din ng PCOO na hindi lang nagsimula sa ilalim ng Duterte administration, itinuloy lang o tinapos iyong karamihan ng mga programa?
SEC. ANDANAR: Marami pong mga dapat ituloy talaga. I believe that governance is about continuity. Hindi puwede iyong project nung nakaraang administrasyon hindi natapos, hindi mo tatapusin.
PALMONES: Maraming ganoon noong mga nagdaang administrasyon eh, programa ni ganito hindi na itutuloy.
SEC. ANDANAR: Hindi puwede, kasi di ba tama ka Angelo, nag-allocate ka na ng pondo, eh sayang naman iyong taxpayers money, hindi mo tatapusin. Halimbawa, itong dinadaanan kong Skyway ngayon; papuntang Balintawak di ba, ang dulo nito. Ngayon nung simula ng Duterte administration, believe it or not, 7 to 8% lang ang natapos nito; eh ngayon halos 70% na ang natapos. In fact, iyong mga problema sa right of way ang Duterte administration ang nag-solve ng problema. So, you know, nasimulan noong mga nakaraang administrasyon, pero kung hindi man ganoon kalaki iyong inusad noong proyekto – just like what I said, nasa 7 to 8% lang ang nasimulan – eh tatapusin natin sa Duterte administration. This year tapos na itong Skyway na ito.
PALMONES: So malinaw dito, hindi ito credit grabbing kasi binigyan naman ng credit kung paano … ‘di ba? Kasi hindi mo naman pupuwedeng sabihin na ang proyekto na dapat ma-implement in five years ay sinimulan mo three years ago, tapos na – kalokohan naman iyon. Ang sinasabi lang natin, na-highlight dahil natapos under the Duterte administration in the past three years.
SEC. ANDANAR: Opo, Build, Build, Build. Bukod doon sa mga tinapos natin na mga proyekto ng mga nakaraang administrasyon, mayroon pang Build, Build, Build na infrastructure program na halos walong trilyong piso ang injected sa ekonomiya. Kaya nga mabilis iyong pag-usad ng ekonomiya natin dahil diyan sa Build, Build, Build.
PALMONES: Sec., isa sa mga masyadong napuna sa social media after the launch ay iyong mga airport. Sabi nila, paano tayo magkakaroon ng 64 new airports eh 70 airports lang tayo? Paki-elaborate lang.
SEC. ANDANAR: Hindi kasi ganito, may nagreklamo about the airport, may nagreklamo about the bridges din. Ngayon, ang nakalagay naman is 2,700 bridges project, okay? Hindi naman sinabi na 2,700 brand new bridges.
PALMONES: Korek.
SEC. ANDANAR: ‘Di ba, ‘bridges project.’ Mayroong bridge na inayos, mayroong bridge na ni-retrofit, mayroon ding bago. So ang ibig sabihin nito ay iyong mga proyekto na kailangan ipagpatuloy o iyong mga existing na kailangan ayusin, eh siyempre kasama iyan kaya nga Build, Build, Build eh. Hindi naman Destroy, Destroy, Destroy.
PALMONES: Sec., ako na siguro ang mag-imbita sa kanila: Punta kayo ng Mindanao, iyong dating two lanes, ngayon ay eight lanes. Karamihan ho ng mga daan ngayon, kung bumiyahe kayo from Davao to Cotabato, ongoing iyong mga projects, bago iyong mga tulay pero ang kagandahan ho dito ay iyong dating two lanes lang, ngayon six to eight lanes ang lapad. In short, ang speed ho ng mga sasakyan, kung dati binabiyahe mo ito ng mga… siguro papuntang Kidapawan City, Sec., binabiyahe namin iyan dati ng mga two and half hours. Eh ngayon, suwerte mo na kung abutin ka ng isa’t kalahating oras. More than an hour ang bawas sa biyahe.
SEC. ANDANAR: Malaki talaga ang pinagbago ng transport sector natin at saka iyong duration ng biyahe. Even sa amin, sa Cagayan de Oro, Surigao, kahit saan ka magpunta ay mayroong Build, Build, Build.
To give an example, itong Panguil Bay na bridge na connecting Lanao del Norte at Misamis Occidental. By the way, ito na ang pinakamahabang tulay sa buong Pilipinas. Talo nito ang San Juanico. Itong project na ito—
PALMONES: Saan iyan, Sec?
SEC. ANDANAR: Panguil Bridge, ito po iyong sa Misamis Occidental at Lanao del Norte, idudugtong nito. Kasi ‘di ba kapag pupunta ka sa Misamis o Tangub, kailangan mong mag-RoRo – mga 15 minutes. Ngayon, gagawan na ng tulay.
Now, itong project na ito, if I’m not mistaken, panahon pa ito ni President GMA na hindi talaga nasimulan. Puro groundbreaking, groundbreaking lang ang nangyari. Eh ngayon nagsisimula na. Talagang hindi lang groundbreaking, kumbaga naglalagay na talaga ng pundasyon para simulan na itong bridge na ito.
So that’s just one example. Itong bridge dito sa may Cordova, linking Cordova and Cebu City, malapit na ring matapos. So ito lahat ay bahagi ng Build, Build, Build. Wala namang credit grabbing dito. Ito naman ay based on facts and figures.
PALMONES: Sec., ano ngayon ang aasahan pa ng taumbayan in the remaining years of Duterte administration?
SEC. ANDANAR: Asahan po ng taumbayan na gaya ng sinabi ni Presidente sa kaniyang mga huling talumpati na tatapusin na ang kaniyang mga proyekto. Sabi niya, hindi na siya mag-i-inaugurate ng mga proyekto na bago, o mag-a-approve ng mga proyektong bago na hindi matatapos within his term. Asahan ng publiko na magtatrabaho pa ang Presidente at ang Gabinete para mas lalo pang maibsan ang kahirapan sa ating bansa at mai-lift natin out of poverty ang remaining… mga population na naghihirap po sa kanilang kabuhayan, sa kanilang buhay.
Asahan po ng publiko na kami po ay pupunta sa mga kanayunan para dalhin ang balita at para makinig din sa ating mga kababayan kung ano pa ang problema nila para ito ay maiparating natin kay Presidente Duterte.
PALMONES: At saka nakita naman natin na last year, sunud-sunod iyong lindol sa Mindanao; nangyari iyong threat sa ating ASF, iyong African Swine Fever; pagkatapos, ito ngayon ay nag-aalburuto ang bulkan. Pero ang sabi ng NEDA, asahan natin na magkakaroon pa rin tayo ng growth. So indicator iyon na iyong mga programa, not only for infrastructure but for the economics, ay naisasakatuparan.
SEC. ANDANAR: Opo. As a matter of fact, sabi nga ng Department of Finance, at isa pang independent na economist ‘no, na ang ating GDP ang pinakamalakas na GDP growth dito sa ating region, sa Association of Southeast Asian Nation o sa Southeast Asia.
PALMONES: At saka, Sec., mukhang hindi yata masyadong nabigyan ng emphasis – bumaba ang population growth natin ha. Nag-slowdown ang population growth ha.
SEC. ANDANAR: Iyan ay magandang balita. Kasi alam naman natin na that is one of the reasons why ang ating poverty or generational poverty ay talagang walang humpay, kasi sobrang bilis nang pag-angat ng ating populasyon, iyong population explosion na tinatawag. Siyempre iyong ating resources naman ay hindi naman ganoon kadami, dapat ito ay nasasabayan ang population growth.
PALMONES: Tapos mayroon pa, isa pang impact. Hindi na Metro Manila ang most populated area – Calabarzon na. Ibig sabihin, nadi-decongest na natin slowly ang Metro Manila. Ito, matagal na itong pangarap kaya nga iri-relocate natin iyong mga national offices sa mga probinsiya. This has been the commitment of the President. Eh nangyayari na ngayon, na slowly ang mga kababayan natin is moving away from Metro Manila; lumilipat na ng mga probinsiya, in particular, Region III and Calabarzon.
SEC. ANDANAR: Iyan ay magandang indication na nag-a-adjust ang populasyon, number one; number two, iyong mga malalaking pabrika, iyong mga negosyante ay nag-a-adjust din at nililipat nila iyong kanilang mga opisina sa mga bagong township na tinatawag.
Pero ang gusto kong makita, Angelo, ay iyong tulad ng ginawa ng Malaysia, itong sa Putrajaya ‘di ba. Iyong nilipat nila iyong gobyerno talaga sa malayo. At iyong gagawin ngayon ng Indonesia na ililipat nila iyong center of government from Jakarta to …I think, a province near Borneo.
PALMONES: Will that still happen under the Duterte administration?
SEC. ANDANAR: Palagay ko ginagawa naman ng ating BCDA ang pag-improve ng Clark, diyan sa may Pampanga area. Pero palagay ko ay hindi one hundred percent ay maililipat talaga eh.
PALMONES: Pero at least ang DOTr ay nandoon na ‘di ba?
SEC. ANDANAR: Nandoon na iyong DOTr. Mahalaga kasi, Angelo, na matapos iyong railway system, ‘di ba iyong papunta diyan sa Clark. Once na matapos iyan ay madali na lang ilipat.
PALMONES: Okay. So ang tanong, from DWRC Cebu: Kailan daw kayo magro-roadshow para sa Duterte Legacy campaign sa Visayas?
SEC. ANDANAR: Excited ako (DIALECT). Ang roadshow po diyan sa Cebu ay amin pong kinalendaryo within the second quarter of this year. Pero magkakaroon ako diyan ng ibang biyahe, iyong aking media engagement in the coming weeks.
PALMONES: Sige, sige, para doon ma-highlight din iyong mga nagawang accomplishment for Visayas. In the meantime, Sec., daghang salamat and thank you for the opportunity.
SEC. ANDANAR: Salamat, Angelo. (DIALECT), lahat po ng nakikinig sa atin dito sa DZRH.
PALMONES: Ay, pahabol daw. Mindanao Rail?
SEC. ANDANAR: Isa pa iyan, iyong Mindanao Railway. Kahapon, kausap ko iyong Chinese ambassador. Kasi sila iyong ano diyan eh, sila iyong one of the proponents diyan eh, major proponents ng Mindanao Railway. Basta ang sabi niya, as far as they are concerned ay talagang binibilisan nila iyong kanilang proseso para—
PALMONES: It’s a go ha.
SEC. ANDANAR: Opo, opo.
PALMONES: (DIALECT)
SEC. ANDANAR: Well, (DIALECT) commitment ni DOTr Secretary Art Tugade. At least mga three stations ang gagawin nila diyan sa may region ng Davao.
PALMONES: Importante ay maumpisahan. Sec., daghang salamat ha. Thank you again.
SEC. ANDANAR: Salamat kaayo.
###
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)