Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar by Angelo Palmones (DZRH – Angelo Palmones Live)


PALMONES:  Secretary, magandang umaga po.

SEC. ANDANAR:  Magandang umaga Congressman Angelo. Magandang umaga po sa lahat ng nakikinig sa atin sa DZRH.

PALMONES:  Secretary, ngayon ay ipinagdiriwang din ang 447th anniversary ng Cebu City, nasa inyo ang pagkakataon, batiin ang ating mga (dialect)

SEC. ANDANAR: (dialect) Just celebrate, it’s your day today. (dialect) But you know, we just have to work together para masolusyunan natin ang mga problema natin sa Cebu in same  time we celebrate our day.

PALMONES:  Paano natin ire-reach out ang Cebu and Mindanao on issue ng federalism, Secretary Martin. Do we have communication plan, now?

SEC. ANDANAR: Sa palagay ko, Congressman Angelo, ang pinakamaganda diyan ay alamin din kung ano ang kailangan ng ating mga kababayan diyan sa Visaya, sa Cebu, sa Mindanao. Kasi bawat rehiyon, bawat probinsya, may kanya-kanyang pangangailangan, may kanya-kanyang needs o challenges eh. So the best way to, I think to approach that in terms of promoting federalism is to go by the local issues. At the same time, maghanap tayo ng mga local celebrities or local personalities na meron ho talagang alam patungkol sa pederalismo and let them be the talking heads or the promoters of federalism. That’s one of the ano—

PALMONES:  So that they will use the language na understandable doon sa mga local audience.

SEC. ANDANAR:  Tama po kayo, kaya nga iyong aking naging suhestiyon sa inter-agency, ay bukod po sa ConCom Commissioners, ay kailangan din po kumuha tayo ng either Cabinet member na taga-rehiyon or a local personality na dalubhasa sa isyu at pro-federalism.

PALMONES:  Kung ako ay ordinaryong taga-Negros halimbawa, kasi di ba separate region ang Negros, tapos ako naman ay taga-bandang Cebu ano, how will I benefit from a separate region of a federal state?

SEC, ANDANAR:  Well simple lang po, isa po sa mga benepisyo diyan ay kung ikukumpara mo ang Internal Revenue Allotment ng ating mga LGUs ngayon, nasa mga 40% po; pero pagdating sa federalism, ito po ay not less than 50%. So, therefore pagdating po sa biyaya mula sa national government mas malaki ho talaga ang biyaya na matatanggap ng isang LGU pagdating po sa share. Halimbawa ng mining or any resources, mineral resources na nakukuha sa isang LGU, ngayon po ay not less than 70%.

So therefore, makikita mo na talagang mataas po iyong balik na pera na i-a-ambag ng isang LGU sa national government.

PALMONES:  Paano daw ho iyong mga 5th class municipality?

SEC. ANDANAR:  Meron pong clause doon sa federalism na nagsasabi po na meron ding special budget na ibibigay para doon sa mga lugar  na 5th class na hindi ho talaga makahabol. And it is the national government or the federal government that will decide kung hanggang magkano po iyong ibibigay.

I think, if I am not mistaken, meron pong 3% of the GAA na ilalaan po para sa mga ganiyang klaseng problema.

PALMONES:  (dialect) Okay, nasa inyo ang pagkakataon. Ano ba talaga ang role ni Mocha dito sa—although naipaliwanag na ninyo ha, mabuti siguro magkaliwanagan habang nakikinig iyong ating mga kababayan sa Visayas at Mindanao.

SEC. ANDANAR:  Ganito lang po iyon, Congressman, wala po ang problema ang kumuha ng talking head. Mocha hindi problema, basta ang importante po dito kailangan dumaan sa inter-agency. Inter-agency ay comprised of DILG, PCOO, Office of the Executive Secretary at mga ConCom members. Now, kapag dumaan kasi sa inter-agency at iyan po ay vetted, ibig sabihin iyan ay na-approve iyan ng grupo, pagdating po sa mga ganitong isyu, wala sanang sisihan, di ba. Kasi dumaan eh.

I’m sure naman na kapag dumaan ay talagang dadaan iyan sa madaming, bawat mga kasama, mga dalubhasa at magkaroon ng maraming debate kung anong klaseng communications strategy, kaya nga may inter-agency. As long as dumaan siya, inapprove iyan sa DILG, sa PCOO, OES, in-approve iyan ng ConCom ay siguradong wala hong mangyayaring ganitong klaseng kontrobersya. Ang nangyari ho kasi ay hindi ho idinaan sa inter-agency, iyon po iyong problema doon.

So, whether it’s Mocha or other celebrity or perhaps a former senator, a former congressman, CJ, you know, wala pong problema, basta approved iyong Spokesperson, approved iyong stratihiya, walang problema iyan. We can all go back to the drawing board. As a matter of fact, hindi pa ho talaga nagsisimula iyong official inter-agency communications campaign, kasi wala pa pong budget na nada-download.

PALMONES:  So, out na si Mocha?

SEC. ANDANAR:  You know, for that specific, for that specific song number or jingle, talagang out iyon. Pero as far as si Mocha as a personality, puwedeng pag-usapan iyon ng inter-agency, it’s a matter of fine tuning of the inter-agency. It’s just a matter of fine tuning, wala akong sinasabi na may out dito, out na itong tao, wala ho. Everybody is welcome, because this is our country, lahat na kayo ay makikinabang sa federalism.

PALMONES:  Last point, Secretary. Kung talagang strong iyong push natin for the federalism, how will it impact the National ID System? Hindi ba ito eventually, maging daan para iyong bawat region naman, mag-impose din ng kanilang sariling ID system?

SEC. ANDANAR:  Sa palagay ko naman iyong National ID System the best effect of that is pinapadali nita po iyong mga social services ng ating bansa, sapagkat nga ang isang mahirap halimbawa, hindi na kailangang maraming IDs para mag-apply ng isang OFW or OWWA for example or kung gusto niyang magtrabaho sa ibang bansa, hindi na kailangang pumunta sa OWWA, hindi na kailangang pumunta sa NBI, etcetera, isang ID lang and it makes everything easier and faster to the ordinary Filipino.

So whether we are federal government or unitary government, sa palagay ko ito po ay kailangan talaga natin. So palagay ko hindi maapektuhan po itong national ID.

PALMONES:  At walang dapat ikatakot iyong mga nangangamba na baka magkaroon ng breach of privacy?

SEC. ANDANAR:  Wala naman dapat ipangamba, kasi meron nga tayong National Privacy Commission at alam po naman natin na ang talagang tanging rason na meron po na tayong national ID para mas maging magaan ang buhay ng bawat Pilipino lalung-lalo na ng masang Pilipino. Because we know that IDs are very important. For example, what is the first ID that we have, the birth certificate di ba, tapos after that magkakaroon tayo ng pinaka-badge of honor natin after or when we turn 17 or 18, iyong driver’s license for example di ba; tapos nandiyan na iyong NBI, etc.

So, instead of applying for all of these IDs, mas maganda kung meron tayong just one national ID para hindi din magulo, lalong lalo na marami tayong OFWs na kailangan mag-present ng napakaraming dokumento.

PALMONES:  Hindi at saka ano nga eh, wala naman yatang sensitive information na ilalagay doon, maliban kung gusto lang nilang maglagay siguro ng bank account nila, kasi medyo sensitive siguro iyon. But other information available na sa lahat ng mga ID mo eh.

SEC. ANDANAR:  Opo, lahat po and of course it is every important also, because one of the challenges ng Pangulo iyong mga ISIS, terrorism gusto natin na ma-account din lahat ng tao sa loob ng Pilipinas, kung ito ba ay talagang Pilipino ba ito o hindi. May ID ba ito o wala. I think it helps also to fight terrorism in our country.

PALMONES:  Okay. Secretary, maraming salamat; magandang umaga, maayong buntag.

SEC. ANDANAR:  Maayong buntag, Congressman Angelo Palmones, mabuhay ka.

###

SOURCE: PCOO – NIB (News and Information Bureau)

Resource