CLAVIO: Sec. Martin, Igan at Ali, kasama si Joel Zobel. Good morning po.
SEC. ANDANAR: Good morning po, Igan, Ali at Joel.
CLAVIO: Noong sinend ko sa iyo kahapon iyong video, hindi mo pa pala napapanuod, Sec.
SEC. ANDANAR: Hindi pa ho, kasi ganito po iyan, para klaro po sa lahat. Last Tuesday nagkaroon po kami ng meeting upon the instruction of Executive Secretary Bingbong Medialdea, in fact that was our second meeting about communicating federalism.
Now, doon po sa meeting na iyon nailatag po, na-finalize na iyong in-charge talaga pagdating sa talking heads, iyong magsasalita tungkol sa federalism ay iyong mga miyembro ng ConCom, iyong selected Cabinet secretaries na meron pong mga rehiyon na puwede nilang babaan at iyong mga approved advocates ng Department of Interior and Local Government.
Ang trabaho po naman ng PCOO ay para i-disseminate, kami po iyong magiging media platform kung saan dadaan po iyong mensahe ng federalism. Wala pong pinag-usapan doon na iyong PCOO ang magiging mensahero. We are just merely the bridge, kumbaga kami lang po iyong tulay, iba po iyong mensahero.
Now, with the appointment of Asec. Mocha na maging isa sa mga mensahero, iyan po ay galing sa ConCom spokesman Ding Generoso. So hindi po iyan approved ng Committee na nag-meeting po noong nakaraang Tuesday.
Kanya nga po kami nagulat na meron pong ganoon. So noong pinadala mo sa akin iyong video, Igan, pinanuod ko—
CLAVIO: Pati iyong sagot, di ba pinadala ko sa iyo, in fairness naman dito kay Oliver.
SEC. ANDANAR: Opo, pati po iyong sagot ni Oliver. So noong tiningnan ko iyong kanilang plataporma na ginamit, ito po iyong parang Malacañang Services na facebook page, na hindi ko naman alam. Hindi ko alam iyon, kasi hindi naman official Malacañang facebook page iyon. So kanina, Igan, dahil nakontak ko na, nagkausap kami ni Spokesperson Ding Generoso, sapagkat sabi ko nga sa kanya, na dapat ay mag-disengage na siya sa kanyang pakikipag-usap sa grupo ni Mocha, kasi nga mainit na iyong sitwasyon, sabi ko.
In fact—by the way, let’s go back Friday night—sorry, other day, I think it was a Saturday noong nag-usap muli kami ni Executive Secretary Bimbong Medialdea at sabi nga niya sa akin kung sino nga iyong nag-appoint kay Mocha. Ang sabi ko… ibinigay ko iyong number spokesperson Ding Generoso para sila iyong nagkausap. Dahil bago pa man lumabas iyong video na iyan ay… you know, hindi na po natuwa si Executive Secretary.
ZOBEL: Aah hindi ho natuwa si Executive Secretary dito sa video na ito?
SEC. ANDANAR: Bago pa man lumabas iyong video na iyan, kasi meron na hong mga negative criticisms eh. Ang sabi po sa akin ni ES na federalism is a very serious matter na kailangan iyong mga tagapagsalita dito ay iyong talagang either sina Ex CJ Puno—
CLAVIO: Linawin ko lang, Sec, maputol kita ‘no para hindi na bumitaw ‘no. So bago pa itong video na ito, nung lumitaw na iyong pangalan na in Mocha bilang isa sa mga magpapaliwanag, hindi na nagustuhan iyon ni ES Medialdea, tama ba?
SEC. ANDANAR: Oo, hindi na po. Kasi alam n’yo po si ES Medialdea is on top of everything, siya po talaga itong nag-organize sa aming lahat, DILG, PCOO, kasama po… in fact kasama po dito iyong ChEd, kasi nga tutulong nga sila sa dissemination. So, sinabi sa akin ni ES na—nagtanong siya kung sino ang kumuha, sabi ko si Spox Ding Generoso ang kumuha.
CLAVIO: At hindi rin si Pangulo ang nag-appoint, walang ganoon?
SEC. ANDANAR: Wala po, wala po talaga. In fact, hindi nga—iyon ang sinasabi ko last Tuesday ay hindi naman sinabi amin din, sa Komite na in charge dito sa communication, kasama po iyong DILG na—wala pong pinag-usapan may Asec. Mocha—
ZOBEL: Bakit may lumabas na figure kung magkano iyong lilalabas na pondo, may 90 million daw?
CLAVIO: Kaya nga ipapatawag ni Senador Nancy Binay sa Senado eh.
SEC. ANDANAR: Opo, tama po kayo, Joel. Iyong P90 million po, ito iyong ni-release ng Department of Interior and Local Government na pondo, 80 to 90 million, I am not so sure of the exact figure, but 80-90 million.
CLAVIO: Wala pa iyon, wala pa.
SEC. ANDANAR: Wala pa po iyon, hindi pa po lumalabas—hindi pa po lumalabas iyong budget ng PCOO, which is 10 million pesos. In fact, wala pa kaming MOA, kaya nga kami nagmamadali din na mapirmahan iyong MOA para makasimula na kami, masimulan na natin itong federalism nationwide campaign.
CLAVIO: Okay. So with this development ho ba, Secretary, out na si Mocha bilang tagapagpaliwanag sa federalism?
SEC. ANDANAR: To begin with, wala naman talagang pinag-usapan na si Asec. Mocha dito po sa komite na binuo ni ES, eh wala ho talaga. Si Spox Ding Generoso lang ang nag-announce niyan.
ZOBEL: Would you know kung sino ang nagbigay ng authority kay Atty. Generoso to tap Asec. Mocha to do the information dissemination? Kasi kausap namin si Father Dean Ranhilio eh, as far as Concom is concerned, eh parang hindi yata nila alam ito eh.
SEC. ANDANAR: Opo, hindi rin po nila alam, so siguro they will have to just solve this issue amongst themselves at as far as PCOO is concerned, I have already stepped in, sinabi ko nga kay Ding Generoso na, ‘Pare, you have to disengaged kasi hindi maganda iyong mangyayari.’
CLAVIO: Okay, pero kung di-disengaged mo si Ding—
SEC. ANDANAR: Hindi. I told Ding to already talk to Mocha, kasi matagal ng mainit.
CLAVIO: Bakit hindi po kayo, Sec?
SEC. ANDANAR: Si Ding ho talaga ang kumuha sa kaniya, hindi naman ako iyong nag-appoint kay Mocha na maging spokesman eh. Kaya po ang sabi ko kay Ding, you have to disengage already kasi galit na sa ES. In fact, I think ES has already called him.
CLAVIO: so, ibig mong sabihin, sinasabihan mo si Ding na sabihan na si Mocha na itigil na.
SEC. ANDANAR: Oo, itigil na muna. Kasi in the first place, hindi nga siya dumaan sa akin at magpa-alam sa akin na kukunin si Mocha eh.
CLAVIO: Puwede ba samantalahin ko, mabuti na iyong kausap ka namin. Pinaparinggan ka, may nakuha ka doon sa kontrata ng PTV 4. Binanggit in Ben Tulfo, binanggit din ni Atty. Topacio. Meron bang nakuha ang PCOO doon sa 60 million na sinasabi ho, Secretary?
SEC. ANDANAR: Hindi ko alam kung ano iyong ibig sabihin ni Atty. Topacio—
CLAVIO: Hindi, galing kay Ben Tulfo iyong statement eh.
SEC. ANDANAR: Oo, nga. Iyong sinabi ho, kasi lumabas ho kasi iyang isyu na iyan noong nagsalita si Atty. Topacio.
CLAVIO: Oo, na isosoli.
SEC. ANDANAR: Na isosoli iyong pera, tapos meron daw ang PCOO. So ngayon, I want to hear it from Atty. Topacio doon mismo sa hearing na mangyayari sa Tuesday next week, if I am not mistaken, August 14. Sapagkat mahirap po kasing mawala sa isang translation, sapagkat this is already a legal matter. But if you ask me, ako mismo, as the Secretary, ay wala po talaga kaming natanggap. Kung ano po iyong sinabi ni Atty. Topacio, it has to be clarified during the hearing.
ZOBEL: May imbitasyon na ba sa Inyo, Sir? Kasi sisimulan na pong dinggin po ng Senate Blue Ribbon Committee next week ho yata kung hindi ako nagkakamali.
SEC. ANDANAR: Opo, this is a welcome development para maipaliwanag po ni Atty. Topacio kung ano po ang ibig sabihin niya kasi marami pong translation, puwedeng kung anu-ano ang ibig sabihin, hindi naman, wala namang pinangalan, wala naman lahat. In the first place hindi natin alam kung ano talaga iyong context ng sinasabi niya at ni—kung nag-usap man sila ni Ben, sila na ho iyon, dahil wala naman tayo doon. So, let’s just wait for the hearing para malaman po natin iyong katotohanan.
ALI: Off hand, Secretary, is there a way at all for anybody in PCOO to receive monies from that transaction legally and legitimately? Kasi puwede naman nga, hindi naman natin sinasabi na porke’t merong nabigyan ng pondo ay illegal kaagad. Meron bang pamamaraan na legal at legitimate ang isang opisyal ng PCOO na tumanggap ng monies from that transaction?
SEC. ANDANAR: Wala po, walang legal na pamamaraan o kung anumang way na makatanggap po ang isang PCOO official ng pera. Ito po ay isang transaction between the DOT, PTV at nang Bitag. So wala pong paraan talaga, kanya kailangan po natin dinggin ito doon sa Senate Blue Ribbon para malinawan po lahat kung ano po talaga iyong sinasabi ni Atty. Topacio at kung ano din iyong pinag-usapan nila ni Ben Tulfo sa kanilang reported conversation according to Topacio.
CLAVIO: Aabangan na lang naming iyong hearing na iyan. Hinahanap na namin si Ding Generoso.
SEC. ANDANAR: Salamat po.
###
SOURCE: PCOO – NIB (News and Information Bureau)