Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar by Dang Samson Garcia (Palung-Palo Sa Umaga at Balita Kinse Trenta sa Umaga – DZME)


DANG:  ‘Ayan masuwerte tayo, makakasama natin bagama’t maulan… masipag na Kalihim po ng PCOO. Nasa linya na natin si Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar. Magandang umaga sa’yo, Sir Martin.    

SEC. ANDANAR:  Magandang umaga Dang; magandang umaga sa lahat po ng nakikinig ng inyong programa dito po sa DZME.

DANG:  Opo. Sir Monday, reding-ready na ba tayo sa State of the Nation Address ng Pangulo?    

SEC. ANDANAR:  Well alam mo, very… we are very prepared for this. Si Director Joyce Bernal ay hands on sa preparasyon lalong-lalo na sa production at alam naman po natin na this is her first time to direct a State of the Nation Address. And she is as excited as we are na makita iyong kaniyang estilo para bigyan ng buhay ang State of the Nation Address dito po sa Lower House.

Ang ating mga shots kasi diyan, mga videos shot sa Lower House ay limitado parati, so it really depend on the creativity of the director. The same way na si Director Brillante Mendoza ay naging creative for the last two SONAs; so ito ay hamon din para kay Director Joyce Bernal.

DANG:  Tama. Sir tama ba, 35 minutes iyong speech ng ating Pangulo?    

SEC. ANDANAR:  Iyon po ang sinabi ni Presidente, na hindi siya sosobra sa 35 minutes. But everything remains to be seen, kasi alam naman natin si Presidente ay… ‘pag nagsalita ay mula sa kasing-kasing, mula sa kaniyang puso.

DANG:  Oo. Saka lalo na ‘pag ginanahan siyang magsalita.    

SEC. ANDANAR:  Oo, ‘pag ginanahan siya. So I guess… I guess, what makes it more exciting really is iyong kakapirma lang na BBL. Iyon po ay highlight for this week, front pages itong balita na ito at inaasahan din natin na mayroon pang mga sasabihin si Presidente na patungkol sa plano niya sa susunod na mga buwan. So abangan po natin ang State of the Nation Address, it will be seen in all mass media outfits, at ganoon din po sa government media outfits.

DANG:  So sir, mayroon ba tayong aabangan na talagang parang tipong pasabog ng Pangulo pagdating ng kaniyang State of the Nation?    

SEC. ANDANAR:  [Laughs] Hindi ko ma-preempt kung anong sasabihin ni Presidente eh. Pero, alam naman natin si Presidente ay full of surprises – just like the last two SONAs. Abangan na lamang po natin kung ano po iyong sasabihin niya. You know it’s exciting because, of course titingnan mo from the administration and from the other side of the fence, tapos iyong mga nagmamartsa… it’s a very dynamic activity for the entire nation—

DANG:  Sir, hindi pa rin natin inaalis sir iyong possibility na bigla na naman lumabas si Pangulo para harapin iyong mga raliyista? 

SEC. ANDANAR:  Everything is possible; titingnan natin kung anong mangyayari this Monday, kung ano po iyong…

Tapos gusto ko lang pong magpasalamat sa lahat po ng mga Cabinet departments, sa kanilang partisipasyon doon sa pre-SONA, Tatak ng Pagbabago event na inilunsad po ng PCOO at CabSec for the last three weeks; at noong Wednesday po iyong huli na Tatak ng Pagbabago, Tatak ng Katatagan. Ito po‘y ginawa natin para mabigyan ng hustisya po iyong mga—iyong trabaho, iyong hirap ng trabaho, accomplishments nitong mga departamento/ahensiya na hindi po mababasa ng ating Pangulo sa kaniyang talumpati dahil ang binigay niya lamang po na limit ay 35 minutes na haba ng talumpati.

Maraming salamat Dang, mabuhay ka.

DANG:  Maraming salamat, sir. Thank you po. ‘Ayan po si Secretary Martin Andanar… 

###

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)

Resource